N AIINIP na si Alexandra sa impormasyong manggagaling kay Luca. There was nothing worse than waiting for the time when she could start claiming justice for her mother. Pero malinaw sa kanya na hindi basta-basta nakukuha ang mga ganoong bagay. Na ang mga impormasyong ibibigay ni Luca, nakasalalay sa iba’t ibang source at hindi iyon isang bagay na nakalantad. Hindi rin mura ang impormasyon. Luca was trying to uncover secrets. Secret of people who did everything they could to cover it up and were not afraid to kill and would if their interests were compromised.
Pansamantala niyang isinantabi ang mga bagay patungkol sa ina at bumalik sa Amerika matapos ang huling trabaho niya kay Luca. It was a simple burglary job. Isang ancient ceramic ang kanyang kinuha mula sa bahay ng isang kolektor. Para sa kanya, iyon ang pinakamadali sa mga naging trabaho niya. Bumalik muna ngayon si Alexandra sa apartment niya sa New York. Kailangan niyang asikasuhin ang isa pang bahagi ng kanyang buhay, ang buhay nila ni Preston.
Maliit lang ang apartment, one bedroom. It was a very expensive city. Nakaplano na sila ni Preston na bumili ng bahay kapag naikasal sila. Hindi niya itinawag sa boyfriend ang pagdating sa bansa. Gusto niya itong sorpresahin. Nilinis niya ang bahay at namili ng supplies pagkatapos.
Iniisip niya ang mga darating na panahon. Siguro, makakahingi siya ng tulong kay Luca para kung sakaling lumagay na sila ni Preston sa tahimik, magagamit niya ang mga kinita sa pagbili ng bahay. She could tell Preston that they got a loan somewhere. She guessed that the money she was going to earn would be enough to buy a house and so much more, even after she was done finding her mother’s killers.
Alam ni Alexandra na makakatulong din ang mga magulang ni Preston sa kanilang pangarap. Sinabi na ng mga ito iyon noon. Tanggap siya ng mag-asawa. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit naging masaya ang samahan nila ni Preston. Too good to be true, some people said. Ilang tao lang daw ba sa mundo ang tulad nila. They were considered the perfect couple.
Nang makabalik na sa apartment, nagsimula na siyang magluto. For some reason, she kept remembering a grinning face. Connor’s face. Pilit niyang kinalimutan ang lalaki. Tinapos na niya ang pagluluto ng blue cheese gravy para sa steak. It was Preston’s favorite. Hindi niya dapat maalala pa si Connor, mahirap nga lang sigurong iwasang maalala ang lalaki. Pero walang magiging problema dahil hindi na sila muling magkikita. Wala nang dahilan para mangyari iyon. Sinabi na niya kay Luca na ayaw na niyang makatrabaho ang lalaki.
Sure, their last job was near perfect but she wanted to avoid Connor. She did not like him at all.
Seriously, Alexandra, is that the reason?
Napahawak siya sa noo. She remembered staring at Connor’s face, thinking how interesting he was as a person, however annoying…
“Shit,” sambit niya. Tinawagan na lang niya si Preston sa bahay, pero hindi nito sinasagot ang phone. Ibig sabihin, wala roon ang lalaki. Tinawagan niya sa cell phone, pero busy iyon. Hindi niya hinintay na mapunta sa voice mail at tinapos na ang tawag. Mamaya na lang siya tatawag uli, baka busy ito.
Tiningnan ni Alexandra ang social media account at napabuntong-hininga nang makita ang letters of sympathy na ipinagpaliban niyang sagutin noon. Inisa-isa niya ang pangalan ng mga taong nag-send ng message sa kanya at binuksan muna ang mga sulat mula sa mga taong nakilala dahil kay Preston. Sinagot niya ang mga iyon. Ilan sa mga kaibigan at kamag-anak ni Preston ang may message din sa kanya at nang buksan ang isang galing kay Kelly, ang kababata ni Preston, natigilan siya. Nakilala na niya ang babae sa isang party ng mga magulang ni Preston. Hindi lang ito basta kababata, kundi kababata dahil kaibigan ng mga magulang ni Preston ang mga magulang ng babae. Kelly was a beautiful redhead. Hindi sympathy letter ang ipinadala nito sa kanya.
Dear Alex,
I don’t want to write you like this, but I have no other choice. It has been bothering me for some time now. A few weeks ago, something happened between me and Preston. It was a drunken mistake. But I have to admit that I’ve had feelings for him since we’re in high school. I know this is not a good time to write you, but I just want to say that I’m sorry. I hope you can forgive me. I’m very sorry for loving Preston, even if I know that he is yours.
Kelly
Gusto sana niyang isipin na isang joke lang ang message, pero walang dahilan para gawin iyon ng babae. Anong klaseng biro ang ganoon kalupit, lalo na sa panahon ng kanyang pagluluksa? May isang buwan na mula nang ipadala ng babae ang sulat. Siguro nga, hindi na ganoon kasariwa ang kamatayan ng kanyang ina noong panahon na iyon, pero nagluluksa pa rin siya. Hindi ba iyon malinaw sa babae?
Hindi kilala ni Alexandra si Kelly sa malalim na lebel kaya naisip niyang hindi niya dapat paniwalaan agad ang babae. Isasara na niya ang tab nang makitang may bago siyang notification. May pumasok na message si Kelly. It read:
Hey, Alex. How have you been? I heard you and Preston have not been talking a lot. We have been spending a lot of time together. I hope you and Preston can talk soon.
Simple ang message, pero malinaw kay Alexandra ang ibig sabihin. It was a bit arrogant, with a hint of urgency. Kung ang motibo nito ay ang pagdudahan niya si Preston, nagtagumpay ang babae. Pero hindi siya ang tipong basta na lang magagalit sa boyfriend kahit walang ebidensiya. Oo, parang out of the blue ang pagme-message sa kanya ni Kelly, pero hindi ba at hindi naman ito ang unang nagtangkang sirain ang relasyon nila ni Preston? Sa tinagal-tagal ng relasyon nila, marami nang nagtangka. Preston was gorgeous, rich, and had a bright future ahead of him. Kulang ang sabihing maraming nagkakagusto rito. Kelly was probably one of those girls. Nakakainit ng ulo, pero maraming tulad nito. It was not Preston’s fault.
Tinawagan uli ni Alexandra si Preston. This time, he answered the phone. “How have you been?” tanong nito, kapansin-pansin ang malamig na boses.
“I’m well. How are you?”
“I’m okay. Are you still in the Philippines? When are you coming back?”
“I’m in my apartment now. I made dinner. Would you come over, please?”
“All right. I’ll be there in half an hour.”
Nawala na ang lalaki sa linya. May nararamdaman siyang kutob, pero hindi niya na lang iyon pinansin. Baka napa-paranoid lang siya. Normal siguro dahil hindi ba at ang nangyayari ay ang greatest fear sa isang nasa long distance relationship? Ang makatagpo ng iba ang kapareha. Baka pagod lang si Preston kaya parang cold.
Naligo si Alexandra at inihanda na ang hapag. Matapos ang inisyal na kaba, wala na siyang madamang iba. Normal bang maramdaman niya ang ganoon? Kung noon iyon nangyari, baka kanina pa siya hindi mapakali. Pero ngayon, siguro sa dami ng nangyari nitong huli, mabilis siyang natutong sumabay sa kung ano ang kailangang gawin base sa dikta ng pagkakataon.
Hinintay niya si Preston. Nang dumating ang lalaki, agad niyang napansin na hindi siya hinagkan sa pisngi, tulad ng palagi nitong ginagawa noon.
“I made dinner,” sabi niya, para lang basagin ang katahimikan.
“Great.”
Tumuloy na sila sa mesa. Naghintay lang si Alexandra sa sasabihin ni Preston. Sa kilos pa lang ng lalaki, nahuhulaan na niyang may nagawa itong mali. Naghihintay siyang aminin nito, kumpirmahin ang lahat ng sinabi ni Kelly. Guilt was written all over him. He had sex with Kelly, it was obvious.
“Do you wanna tell me anything?”
Parang nagulat at napahiya ang lalaki. Tumingin ito sa kanya, pero nag-iwas din ng mga mata. “As a matter of fact, I do. We’ve been great, Alex. But in the past months, I was always looking for you, missing you like hell… Then I thought this is not gonna work out anymore. But… but seeing you now… God, you’re still so beautiful.” Napahawak ito sa ulo.
Mukhang talagang nasa crossroads ang lalaki; hindi pa rin umaamin. Naitanong ni Alexandra sa isip kung magbabago pa ang desisyon ni Preston na aminin sa kanya ang lahat. Naitanong niya sa sarili kung ano kaya ang susunod na gagawin o sasabihin ng lalaki. She wanted to make him squirm, make him feel uncomfortable. Galit siya. Galit siya dahil bukod sa kahinaan ni Preston, ginawa rin nito iyon habang mabaliw-baliw siya sa paghahanap ng hustisya para sa ina. How weak was he exactly? Ngayon naitanong ni Alexandra sa sarili kung talaga bang nakilala niya ang lalaki. Siguro, nagkakilala sila sa panahong maayos ang kanilang lagay, na wala silang masyadong problema. Walang naging mabigat na pagsubok ang kanilang relasyon. She thought he was tough, someone she could lean on as he did to her. Siya ang takbuhan nito, at ang lalaki rin ang naging takbuhan niya, maliban nang mga panahong naiba ang kanyang mundo.
She was constantly thinking of his welfare and decided not to tell him at all about her mother’s past and her will-be past as a professional thief. Hindi nito deserve ang malagay sa alanganin. Sinong tao ang gugustuhing malaman ang ganoong katotohanan tungkol sa girlfriend? It would make him question everything he was taught—ang nakamulatan nitong moralidad, ang mga prinsipyo sa buhay. Naisip ni Alexandra na siya ang maglalagay kay Preston sa isang posisyong hindi nito magugustuhan. Para saan? Para lang matahimik ang kanyang konsiyensiya? No. Her burden was hers and should be hers alone.
Through all that, this man could not even be strong enough to keep his penis inside his pants. Halos ilagay niya ang leeg sa ilalim ng guillotine, habang ito, inilalagay ang nasa pagitan ng mga hita sa loob ng ibang babae.
“I was… I was lonely,” bulong ni Preston mayamaya, nakapatong ang mga kamay sa mesa. “I wanted to tell you to come back because I needed you. I was going out of my mind during the times that I can’t even contact you, not knowing what you were doing, just that you were talking to people and investigators, and forensic people.”
Iyon ang madalas sabihin noon ni Alexandra. Tuwing hindi siya makontak ni Preston, tatawag siya rito sa gabi o magpapadala ng message at sasabihing may kinausap siyang importanteng tao, o kaya naghahanap ng mga lead at imbestigador. She wondered what he would say if he found out that she stole those diamonds that made Internet headlines. Or that she was behind the disappearance of a painting.
Nagpatuloy ang lalaki. “It wouldn’t be my place to tell you to come back just because I missed you so much. Our life changed because of what happened to you and I wanted to be supportive. Through all that pressure, loneliness, and emptiness…” Bumuntong-hininga ito. “Through all that—”
“Through all that what?” agaw ni Alexandra, nakaismid. Hindi niya matanggap na ipinagmamalaki nito ang pressure sa pagkawala niya kung nagkakausap naman sila. Ang pangungulila sa kanya? Ilang buwan lang siyang nawala, hindi dekada! Kung magtatagal sila, baka isang linggo lang siyang wala, gawin na nitong dahilan iyon para maghanap ng iba. “Through all that you kept banging Kelly?”
“W-what?” Halatang nabigla ang lalaki, hindi siguro inasahan na alam na niya ang lahat.
“You’re very selfish, aren’t you, Preston? A spoiled brat. You wanted me only when it was easy. You only loved me when it was easy. When it started to hurt, you bailed. It was a fairy-tale romance, wasn’t it? Everyone loved us, told us we’re meant to be. But one small trouble and you bailed.”
“I wasn’t the one who bailed. You did.” Mukhang uminit na rin ang ulo nito. “You wanted to find your mother’s killers. You! You and me, we’re the same. We’re decent, modern, suburban people, Alexandra. We don’t do things the way you want to do them. Did you find the killers?”
“No. But—”
“See what I mean?”
“No. I don’t see what you mean!” Tumaas na ang boses niya. “I don’t want to be classified as a suburban-type, whatever the hell that means.” God, it was the first time that she realized he was an idiot.
“Don’t get me wrong. Of course I understand what you must feel when your mother met such a tragic demise, but come on. I hate to say it but what you wanted to do was—for a lack of a better word—stupid.”
“Let me supply you with some words then—just, moral, so-fucking-brave-that-a-man-with-no-balls-can’t-possibly-understand—how about those words, Preston?”
“You’re using your emotions, not your brain.”
“And you used your penis, rather than your brain.”
“I’m just a man and I was lonely!”
“Get out.”
“What?”
“Get the hell out of my house, you coward. Be with Kelly, be with someone who can understand and accept how weak you are because I certainly can’t.”
“Fine.” Tuloy-tuloy nang lumabas ng pintuan ang lalaki.
Ibinalya niya pasara ang pinto. Instantly, she understood she did not and would never regret letting him go.
Hinayaan niya ang mga pagkain sa mesa at humiga sa couch. Nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha—hindi para sa nawalang boyfriend at fianc é , kundi para sa nawalang mga plano at pangarap. Hindi niya ipagpapalit ang paghahanap ng hustisya sa isang lalaking tulad ni Preston. O mas tamang sabihin na hindi niya ipagpapalit ang hustisya sa ina para lang makatugon sa pangangailangan ni Preston na maging masaya.
How selfish. So selfish that she could not help but think that if Preston was in Connor’s shoes back in the ship, and they got caught, he would probably rat her out so quick. Bakit hindi niya nakita ang ganoong side ng lalaki noon?
At kung sakaling sinabi ni Preston noon pa na ang bumalik siya sa dating buhay nila ang gusto nito at hayaan ang hustisya para sa kanyang ina, hinding-hindi rin niya ito mapagbibigyan. Alam ni Alexandra na kung nagkapalit sila ng sitwasyon ng ina, hinding-hindi ito titigil hangga›t hindi napaparusahan ang nagkasala.
Besides, how could Preston possibly think that she could have a normal life without peace of mind? Inaasahan ba nitong magically, makakapag-move on na siya sa buhay at tanggapin na pinatay ng kung sino ang kanyang ina at malaya sa mundo ang taong iyon, habang siya nagpapakasaya sa “suburban” life kasama si Preston? Oh, he was disgusting. His point of view was more skewed than hers. Hindi niya alam kung sino sa kanila ang namumuhay sa isang fantasy world.
Ngayon, nalulungkot din si Alexandra dahil wala na ang mga plano nila na balak niyang balikan sa pagtatapos ng kanyang misyon, pero wala siyang pagsisisi. Lungkot lang. She saw a clear vision in her head before—of her being Mrs. Preston Bailey, making apple pies for their kids, raising a family she never really had. Isang ama, isang ina, mga anak. Isang normal at traditional na buhay. Wala na iyon ngayon.
She cried some more, but promised it would be the last, for everything she had lost. Because after that, she would make a new life for herself. New dreams, new people. And hopefully, a new place to belong to.
She remembered asking her mother about Preston. Nagkakilala na ang dalawa noon. Her mother said she must do whatever made her happy. Hindi nakita ni Alexandra sa ina ang pagkontra, pero ngayong iniisip niya, ang unang tanong ng ina ay, “Does he make you happy?” Nang sumagot siya ng “yes,” sunod nitong tanong, “Is he a man and not a boy?” Naaalala niyang natawa pa siya sa tanong at sumagot ng oo. Maybe even then her mother knew Preston was a man-child. She should have paid closer attention.
Nakatulugan na ni Alexandra ang pag-iisip at kinabukasan, tinawagan si Luca. Gusto niyang iplano ang management ng kanyang pera. Sa ngayon, wala sa bansa ang “talent fee” niya kaya hindi pa iyon nate-trace ng gobyerno. Pero paano niya iwa-wire sa sarili at gagastusin? She needed a third party contractor for that.
She used a new phone to call Luca’s prepaid phone. Ang sagot nito, “I know someone who can help, but I don’t think you still want to work with him. You told me yourself, you don’t want to have anything to do with Connor anymore.”
Napatutop siya sa noo. Lahat ng ilegal, alam ng lalaking iyon. “He has contacts in Macau. Call him up.”
Nagpasalamat si Alexandra kay Luca at tinapos na ang tawag. Ilang minutong nakatingin lang siya sa phone. May numero ni Connor doon, isang prepaid phone na tulad ng gamit nila ni Luca. She decided to call him up.
“Well, well, well, if it isn’t my lucky day,” sagot nito, sa boses pa lang, halata nang nakangisi.
“I’m not in the mood, Connor. But thanks, by the way, for the gift.”
“You’re welcome. To whom do I owe this pleasure?”
“Will you please just stop?”
Tumawa ang lalaki. “I went to the mall today, wanting to shop for you, but they’re fresh out of sense of humor.”
Napaismid si Alexandra, kahit parang gustong mapangiti. Naisip niya, kailangan niyang maging deretso sa lalaki. Walang mangyayari kung sasabayan niya ang mga linya nito. Magiging tulad siya ng flight attendant, ng waitress sa cruise ship, ng Mexicana sa poolside. Those women all took the bait and ended up being Connor’s entertainment for the hour.
“I need something from you.”
“If it’s love, I’m sorry, mio cara , I’m dating someone.”
“Connor, I’m serious. Luca told me you know a few people in Macau.”
“Only the best.”
Noon siya may narinig na boses ng isang babae sa background. “Honey, I’m waiting. Don’t make me wait too long.”
Nang magsalita uli si Connor, may pagmamadali na sa boses. “I have to go now, Alex. I will e-mail you all the details. You’re not in a hurry, are you? I can send it to you by tomorrow.”
Biglang inis na inis si Alexandra, pero sinabi, “No rush. Bye.” Siya na ang tumapos ng tawag dahil nakarinig siya ng kung anong ungol ng isang babae. Walanghiyang lalaki, babaero talaga! He wanted to start flirting with her. Kung pinatulan niya iyon, nagmukha lang siyang tanga.
Men are such big assholes , sa isip-isip niya. She would guard her heart next time. She would make sure she would look at a man using her mother’s eyes… Hindi nagkulang kailanman ang kanyang ina at siniguro nitong maiiwan siya sa mundo na marunong sa buhay. She left her more than able to fend for herself. She would never let her mother down. Kahit pagdating sa romance.