M ABILIS na tinakbo ni Maria ang kalsada. Nakasuot siya ng itim na overalls. She was currently in Mexico. Wala sana siya roon kung hindi lang pumalpak si Francine sa drop and pick noong nakaraang linggo. Francine was supposed to get rid of a Rembrandt she had stolen, but was caught in the middle of an unexpected Cartel operation. Nakuha ng leader ang painting. Tinangka ni Francine na bawiin iyon, pero may presyong gusto ang leader na mas kilala sa bansag na “Amargo.” Bago pa makaaksiyon si Maria, nadala na ni Amargo sa liblib na bahaging iyon ang painting. Francine did not even know what the painting was. Ngayon, alam na nito. Siyempre, alam na rin ni Amargo.
Walang balak si Maria na magbayad ng ilang milyong dolyar para sa painting na siya ang naghirap kunin sa isang pribadong tao. It was purchased from an underground dealer a few years ago. Hindi biro ang research work niya para makuha ang painting. She refused to concede to Amargo’s demands. She took it back.
Mabilisan ang naging pagpaplano niya dahil may ultimatum ang leader—tubusin ang painting sa loob ng tatlong araw o ibebenta nito sa black market. What choice did she have? Kailangan niyang makuha ang painting sa loob ng mansiyon ni Amargo.
Sa bayang iyon, bago marating ang mansiyon, dadaan muna sa hilera ng mga bahay na ang mga nakatira ay maituturing na mga bataan ng leader. Merchants knew who he was, paid a fee to some of his men being used to sell drugs.
Pinasok ni Maria ang mansiyon, isang move na malamang na hindi inasahan ng leader. Ni hindi nito alam kung sino ang kausap para sa palitang magaganap bukas. She asked Francine to find someone to deal with the man as her. Nasa kanya pa rin ang element of surprise. Pero hindi inasahan ni Maria na kakailanganin niya ng isang matinding escape plan. She was now running for her life. Sa gitna ng gabi, lumabas ng kuwarto ang isa sa mga batang anak ni Amargo. The kid saw her and screamed.
May kalahating oras na siyang paikot-ikot sa mga eskinita. Madilim ang gabi, pero marami pang bukas na establisimyento. Buong magdamag na bukas ang mga tindahang nagbebenta ng droga, tulad ng mga bar.
“Shit,” sambit niya nang matanawan sa di-kalayuan ang isang grupo ng mga armadong tauhan ni Amargo. Nakatago siya sa isang eskinita, nakayuko sa likuran ng basurahan. Nakarolyo ang painting sa isang tube na nakasukbit sa kanyang balikat. Akala niya, papasok ang grupo sa eskinita at yumuko siyang lalo nang ilabas ng isang lalaki ang flashlight para ilawan ang gawi niya.
“Nada aqui,” sabi ng lalaki. Wala raw doon.
Sumilip si Maria at nakitang sumakay na uli ang lalaki sa sasakyan. Sinipat niya ang relo. She was fifteen minutes away from her getaway car by foot. By this time, she was almost sure that they would find it in a few, if they had not yet. It did not matter. She could hire someone to take her to the town tomorrow. Kahit maglagay ng checkpoint ang mga tauhan ni Amargo, makakalusot siya. Siguradong isang lalaki ang hinahanap ng mga ito. Siguradong hindi siya nakilala ng anak ni Amargo bilang babae.
This was by far the messiest job she had ever done. The Interpol would probably think this was not Fantasma’s work. And thank heavens for their reverence.
Lumusot siya sa isa pang eskinita at nakitang may nakabukas na pinto. Pumasok siya roon. Isa iyong bar. Kusina ang kanyang napasok at walang tao roon maliban sa isang matandang babaeng malamang na cook. Walang order sa kusina, malamang na dahil walang masarap na pagkaing magmumula roon. It was filthy. Nakalungayngay ang kisame. May mga ipis sa basang sahig. May mga aso at pusa sa isang tabi na nanginginain sa isang malaking baldeng kumalat na ang laman sa sahig. May napakaruming exhaust fan sa isang tabi. Sa isa pang tabi, may ilang mga damit at medyas naman na nakasampay. Malamang na isa iyon sa mga establisimyentong bukas lang para magbenta ng droga.
Hinablot ni Maria ang dress na nakasampay. Floral iyon. Mabilis niyang hinubad ang overalls. She was wearing a pair of jeans and a shirt inside. Isinuot niya ang dress, saka isiniksik sa basurahan ang damit.
Tumuntong siya sa isang mesa, saka isiniksik sa nakalungayngay na kisame ang tube na naglalaman ng painting. She took a small roll of duct tape from her utility belt bag and taped the tube inside the ceiling. Habang ginagawa ang lahat ng iyon, nakatingin siya sa matanda at sa lugar kung saan niya inaasahang naroon ang bar.
Bumaba na siya ng mesa, saka nilapitan ang matanda. May nakita siyang picture na naka-tape sa pader. Picture ng matanda, kasama ang isang malaking pamilya. Doon mismo sa kusinang iyon ang kuha noong panahong maganda pa iyon. Tiningnan ni Maria ang likod ng picture. Nakasulat ang pangalan ng lahat ng nasa picture, at lahat ng lalaki ay nagsisimula sa “Miguel.” Miguel Antonio, Miguel Carlo, Miguel Pablo at iba pa. May humaplos na awa sa kanyang puso. Hula ni Maria, isa sa matitinong establisimyento ang lugar na iyon na nawasak sa pagdating ng cartel.
Pupunta na sana siya sa bar nang hawakan ng matanda ang kanyang braso.
“Sino ka?” tanong nito sa wikang-Espanyol, halatang nagtataka.
Mabilis ang kanyang naging sagot. “Padala po ako ni Miguel. Magpahinga na kayo, Lola. Ako na ang bahala dito.”
Pinagmasdan siya nito at ilang saglit na kinabahan. She would hate to hurt the old woman, but if she had to restrain her to save herself, she would.
“Bueno…” Tumayo ang matanda at itinuro kung saan nakalagay ang droga at kung magkano ang mga iyon per gramo. Walang kasiyahan sa mga mata nito habang nagsasalita. “Mamayang alas-tres, may darating na kolektor. Kung kailangan mo ako, nasa itaas lang ako.”
Mabigat ang mga paang naglakad papunta sa isang pinto ang matanda at binuksan iyon. Isang spiral na hagdan ang naroon.
Nagpunta na si Maria sa bar. May ilang bote ng tequila sa estante. May ilan ding mesa sa dining area. Isang anino ng dating maayos na kainan ang establisimyento. May lumang jukebox sa isang tabi. Mukhang gumagana pa iyon.
May pumasok na isang lalaki sa bar. He was tall, good-looking, definitely not Mexican. “Una cerveza, por favor, señorita,” sabi nito sa perpektong Mexican accent, umorder ng beer.
May nakita siyang ref at kumuha ng beer doon, saka ibinigay sa lalaki. Nagpatugtog ito ng kanta sa jukebox. “Besame Mucho.” Noon may pumaradang sasakyan sa labas; ang mga goons ni Amargo. Hinigit siya ng lalaki at nagsimula silang sumayaw.
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong niya sa wikang-Espanyol.
“Nagsasayaw. Pakiusap, sumayaw tayo.”
The man was in trouble, no doubt about it. Was he a drug dealer? A police agent? Hindi niya alam. Bumukas ang pinto ng bar at pumasok ang ilang armadong lalaki, pinaghiwalay sila, dinakma ang braso ng lalaking umaktong nabigla.
“Por que?” tanong ng lalaki.
Mukhang galit ang armadong lalaki, sinabing kailangan itong dalhin sa mansiyon. Maria knew the man would take the fall for what she did. “Pero bakit? Asawa ko siya!” pagtatanggol niya.
“Bago ka dito. Nasaan si Manang Gloria?”
“Apo niya ako. Nagbakasyon lang kaming mag-asawa dito. Dadalhin niya ako sa Spain kaya bakit n’yo siya isasama?” Spain was a safe bet. Marunong mag-Espanyol ang lalaki, kahit Mexican ang accent.
“Ano’ng nangyayari dito?” tanong ng matandang babaeng dumating sa dining area. Kung puwede lang itong pakiusapan ni Maria na huwag siyang ibuking.
Bumati sa matanda ang mga lalaki, kahit paano, may respeto sa nakatatanda. Sinabi ng mga ito na may nakapasok sa lugar na magnanakaw at ipinapahanap ni Amargo.
Parang nagalit ang matanda at sinabi, “Kung may nakapasok dito, agad-agad ninyong paghihinalaan ang apo ko at ang asawa niya? Lumayas kayo dito! Sinira na ninyo ang buhay ng pamilya ko, ngayong may isang dumalaw sa akin, hahadlangan pa ninyo? Layas! Layas!”
Humingi ng paumanhin ang mga lalaki, parang napahiya. Nilingon ni Maria ang matanda at nagpasalamat. Sinabi nitong ang pinakamabuti nilang gawin ay ang umalis na sa sandali mismong iyon. May ibinigay sa kanilang susi ng sasakyan ang matanda. Nakaparada iyon sa tapat ng bar, isang lumang pick-up.
Naunang lumabas ang lalaki at naiwan si Maria kasama ang matanda. Ang tanging nasabi niya ay, “Bakit?”
Ngumiti ito, hinaplos ang kanyang pisngi. “Kung ano man ang ginawa ninyo kay Amargo na naging dahilan kung bakit nagkagulo ang mga bataan niya, sapat na para tulungan ko kayo. Lahat ng pamilya ko, wala na. Wala na akong aasahan pa sa buhay na ito. Lalo na sa lugar na ito. Naghihintay na lang ako ng kamatayan.”
May humaplos na matinding awa sa puso ni Maria. She immediately understood that the old woman knew she was lying from the moment she spoke to her. Walang Miguel. Patay na ang lahat ng Miguel sa picture. It was her lucky night. Sana magtuloy-tuloy iyon. “Hindi ko po kilala ang lalaking kasama ko.”
“Alam ko. Narinig ko ang usapan ninyo.”
“Babalikan ko kayo.”
Ngumiti ang matanda. “Sige na.”
Tumalikod na si Maria at sumakay sa kotse. Tiningnan niya ang relo. May posibilidad na may roadblocks na ang mga bataan ni Amargo. Salamat at wala pa. The man drove like his body was directly connected to the engine. They were doing a hundred kilometers an hour and they did not speak until they had crossed a new town.
“Ano’ng pangalan mo?” tanong ng lalaki sa wikang-Espanyol.
“Maria Paz. Ano’ng ginagawa mo doon?”
“May kailangan ako doon. Hindi ka ba nag-aalala sa lola mo?”
“Nag-aalala. Hindi ko alam kung paano siya babalikan.” Nagsinungaling siya at pinanindigan na lola niya ang matanda.
“Salamat sa pagsagip sa akin. Babalikan natin ang lola mo.”
“Hindi na kailangan, basta makausap ko ang mga kaibigan ko,” patuloy niyang pagsisinungaling. “Sila na ang bahala kay Lola.”
“Sigurado ka?”
Tumango si Maria. “Ano ang kailangan mo sa ganoong klaseng lugar? Tungkol ba sa droga?” Alam niyang maling itanong iyon. Sa ganoong klaseng mga bagay, mas wala siyang alam, mas maganda. Her curiosity got the best of her. Hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit. This was the first time she did not stick by her own strict rule—other people’s business was none of her business.
“No. I was looking for an art piece.”
“Art piece?” tanong niya, dama ang pamumutla. The Rembrandt? Sino ang nagsabi rito?
“May nagbebenta doon kaya pinuntahan ko. Hindi ko alam na ganoon ang sitwasyon.”
She knew it was a lie. She looked at the man. Agad, mayroon siyang hinala kung sino ang lalaki. For why did he tell her his real intention in that place was a mystery to her. Why was he too trusting? But she was almost sure who he was. Isa lang naman ang magnanakaw na naging kalaban niya sa pagkuha ng mga painting nitong nakaraang ilang taon. Isa lang ang taong biglang sumusulpot sa mga trabahong buong akala niya, siya lang ang nakakaalam. It was no other than Le Magicien himself, the burglar whom she had never had any interest in meeting, except maybe to punch in the face.
Nagpatuloy ang lalaki sa pagmamaneho. Nagtanong si Maria ng ilang bagay tungkol dito. Ang sabi ng lalaki, Italian daw ito. Nagtanong din ang lalaki kung saan siya ihahatid at doon na rin daw magpapaalam. Sinabi ni Maria na puwede na itong bumaba sa kahit na saan nito gusto at siya na ang magmamaneho ng sasakyan papunta sa siyudad. Na malayo na roon ang bahay niya at sa totoo lang, kaya niya pinuntahan ang lola sa lugar ni Amargo ay dahil wala siyang trabaho at walang matutuluyan. She claimed to have recently been fired from a waitressing job in Mexico City and had no place else to go.
“Kung ganoon, kung magtitiwala ka sa akin, sumama ka. May utang-na-loob ako sa `yo,” sabi ng lalaki.
Tumango si Maria. The man drove to the city and checked in a hotel. Mukhang doon ito talaga naka-book. Funny, her hotel was right across that one. Naroon sa kuwarto ang mga gamit ng lalaki. Umaga na, pero pareho silang pagod. Natulog ito sa couch, habang ang kama ay ibinigay sa kanya. He was a gentleman. Malayo iyon sa imahen ni Le Magicien sa kanyang isip. In fact, everything about the man was not how she thought Le Magicien was.
Nakatulog si Maria at nang magising, gising na rin ang lalaki. Ngumiti ito. “Wala akong maiaalok na trabaho sa `yo, maliban na lang sa bahay ko sa Italy. Kailangan nang maayos ang papel mo. Medyo matatagalan siguro iyon. Kailangan ko nang umalis, pero hindi kita iiwan dito. Kung gusto mong sumama sa akin, sa ngayon iiwan kita sa lugar kung saan may kamag-anak ka. Here.” Inabutan siya nito ng isang sobre na nang tingnan niya ay naglalaman ng ilang dolyar.
Napatingin siya rito. “Akin ito?”
Tumango ang lalaki. “May utang ako sa `yo.” Inabutan siya nito ng isang papel kung saan isang numero ang nakasulat. It was an Italian phone number. “Kung may kailangan ka, tawagan mo ako. Tutulungan kitang ayusin ang mga papel mo.”
Walang masabi si Maria dahil sa totoo lang, nabigla siya. The man was the kindest she had met in her life. And he was her nemesis. No one actually cared for her before. She was orphaned at age five. Her mother was an alcoholic. Wala siyang namulatang ama. She grew up in different foster homes in the States. From there, she learned different languages. At age fifteen, she joined a gang. Itinuro sa kanya roon kung paano ang magnakaw. Even then, she knew she was destined for a criminal life, but not that kind.
Isang gabi, nahuli sila ng mga pulis. Disisais anyos siya noon. Siya ang nagbukas ng kotse kung saan kinuha nila ang mga laman. Nahuli sila dahil sa pagbebenta ng mga iyon. Na-detain siya at nakahandang bigyan ng hustisya sa juvinile prison, pero sa halip ay ginawan ng paraan ng pulis. The police introduced her to Robert Goodman, isang antiques dealer, kilala sa mundo ng mga miyembro ng alta-sosyedad. Robert decided to train her, if she would work for him. He was, after all, a third party contractor hiding behind the name Il Serpante—or The Serpent.
Robert personally trained her, having been a con artist himself before retiring and just hiring a network of people to do the dirty job for him. She became his protégée, his first and his last, according to him. Tiningnan ni Maria ang lalaki bilang ama. Sa loob ng maraming taon, nasa ilalim siya nito. Tatlong taon na ang nakakaraan nang magpaalam siya kay Robert. She was feeling the pressure of the job. Hindi na niya kailangang kumuha ng ganoon karaming trabaho. In fact, she could retire. Bukod doon, malinaw na ginamit siya ni Robert. Sa lahat ng hirap niya, pantay lang ang kanilang nakukuha. Kung minsan, alam niyang mas malaki pa ang nakukuha nito. Ibinigay niya rito ang maraming taon, at naisip na oras nang magsarili. Masyado nang ganid si Robert.
He let her be. She started living a simple life, but her adrenaline needed some action from time to time. Hindi na tulad noon, ang mga trabaho niya nitong nakalipas na dalawang taon ay mga trabahong aral, mga trabahong ginawa niya sa dahilang hindi lang pera, kundi sa challenge. The way she needed to plan everything was endlessly fascinating.
May nakilala si Maria na bagong third party seller. She never contacted Robert ever since she left him. They had a falling out.
Ang trabaho niya ngayon, matagal niyang pinag-aralan. But it seemed Le Magicien also knew. Did Francine spill?
“I’m sorry, but I forgot to ask your name,” sabi niya sa lalaki sa wikang-Espanyol.
“Richard.”
It was such an ordinary name for such an extraordinary man, she thought.