noveltoon logo noveltoon
Danilo Cardinal (Cardinal Bastards Series 6)

Chapter 15

Ch. 15 / 25 Apr 09, 2022

N APAKADILIM ng basement. Pinaglabanan ni Alexandra ang kilabot na gustong bumalot sa kanyang sistema. Buhay pa siya at walang dahilan para mag-abang ng kamatayan. Tumayo siya, saka patagilid na pumuwesto sa sahig. Kahit napakatagal na panahon na mula nang masanay ang mga buto at katawan niya sa ballet movements, hindi niya iyon nalimutan. Hindi pa nagtagal, nailusot niya ang pang-upo mula sa magkaposas na mga kamay at napunta na sa harap ang mga iyon. Mabilis niyang inalis ang busal.

Nasanay na ang kanyang mga mata sa dilim at naghagilap ng kahit na anong bagay na puwedeng gamitin para sungkitin ang lock ng posas. Hindi pa man nakakahanap, nakarinig siya ng tunog mula sa itaas ng trapdoor at bumukas iyon. Sa pagliwanag, nakakita siya ng isang tabla sa ibabaw ng drum. Agad niya iyong kinuha.

“Drop it.”

Nandoon ang mga tauhan ni Sergio—tatlong lalaki. Sa likuran ng mga ito, naroon si Sergio. Walang hawak na baril ang lalaki, kahit sigurado siyang may baril na nakasuksok sa likod nito.

“Who sent you, bitch?” tanong ni Sergio.

Nakiramdam si Alexandra, iniisip kung ano ang magandang isagot para hindi lalong mabaon sa alanganin. How the hell did he even find out? Unless Francine made a mistake about the location of the cameras, there was no way that she could have been found out. O baka naman ang pagtatagal lang niya sa banyo ang basehan ng lahat ng iyon? Hindi alam ni Alexandra kaya kailangan muna niyang tantiyahin ang sasabihin bago ibuka ang bibig.

“I asked who sent you,” ulit ni Sergio.

“Nobody.” Mas maganda kung malalaman nito ang totoo, kaysa paghinalaan siyang ipinadala ng kung sino.

“Nobody sent you? You want me to believe that someone like you will just pop in here without reason to steal information from me? Is this about the auction? Or about the new businesses I’m planning to put up? Did that old fuck Uncle Tony send you?”

“I came here alone and I have no idea who Tony is.”

“Bullshit! Take her!” Mabigat ang mga paang umalis si Sergio.

Initsahan siya ng damit ng tauhan at sinabi, “Dress up quickly.”

Hindi nag-abala ang mga lalaki na tumalikod kaya ipinatong niya ang damit sa katawan sa harap ng mga ito. It did not matter. Dinaklot ng lalaki ang kanyang braso, saka siya hinatak pataas sa hagdan kahit hindi naman siya pumapalag. Hindi iyon ang tamang lugar para manlaban. Kahit sa tingin ni Alexandra kaya niyang pataubin ang dalawang lalaki matapos i-disarm, hindi magandang ideya, lalo na at maraming armadong lalaki sa itaas.

Nang makataas, lumabas sila ng pool house at tumuloy sa garahe. Napakalaking garahe niyon na may mahigit sampung sasakyan. Halos lahat, luxury car. Pinapasok siya sa isang SUV at tinabihan sa magkabilang side ng tauhan ni Sergio. Kahit sa palagay ni Alexandra kaya niyang isugal na i-disarm ang dalawa at ang driver, hindi sa ganoong sitwasyon niya gustong mapunta. Nasa gitna sila ng daan at siguradong convoy iyon. Kailangan niyang makakita ng tamang pagkakataon para makatakas. May kaunting advantage siya. Hindi alam ng mga itong marunong siyang lumaban. She suspected that she was also a lot faster than these men. Ang malaking lamang ng mga ito ay ang armas at ang bilang.

Matagal-tagal na ang biyahe at hinuhulaan ni Alexandra kung saan sila puwedeng pumunta. Kahit nagkaroon ng kaunting delay sa traffic, hindi niya nagawang samantalahin. Nakumpirma niya na may convoy. Hindi lang sa likuran, kundi pati sa unahan ng sasakyan. It was an entire Mafia army. They were headed to Teterboro Airport. Hindi na siya dapat mabigla. Only the most exclusive for Sergio. Nang makarating sa airport, nakahanda na ang eroplano. Obviously, the plane was owned by the Mafia family as well.

Tumingin si Alexandra sa bintana at nakita ang isang Aston Martin. Si Sergio ang nagmamaneho niyon. Mag-isa man sa sasakyan, napakarami naman nitong escort sa tabi. Mabuti at hindi niya tinangkang tumakas kanina, kung hindi, siguradong maaabutan siya ng mga ito.

Sumakay na rin sa eroplano si Sergio, saka sinapo ang dibdib ni Alexandra. Pumalag siya. “Get your hand off me!”

“Oh, the truth reveals itself. You’re not some whore I can pay off.”

“I thought that was pretty clear before we left the Hamptons.”

“How much is Uncle Tony paying you, huh?”

Na-realize ni Alexandra na nasa isang mahirap na sitwasyon siya. Maraming kalaban si Sergio at mukhang inaabangan na nito ang pagsabotahe at siya ang natiyempuhan. Of course he would not believe her. Mas magiging kapani-paniwala rito ang sariling teorya kung sino ang nasa likod ng kanyang ginawa. Hindi niya inasahan ang ganoong scenario.

“So what happened to your party?” tanong niya.

“Shut up, stronza !”

She scoffed. Stronza meant “asshole,” a female one. Sino kaya sa kanilang dalawa ang stronzo ? Hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga, maniwala ang lalaki na hindi siya nagtatrabaho para sa kung sinong Mafia family, tulad ng hinala nito. Mukhang may civil war sa loob ng organisasyon. At sa giyerang iyon, siya ang naipit sa gitna.

Magsasalita pa sana uli si Alexandra nang may maramdamang tumusok sa kanyang braso. Paglingon sa tabi, nakita niyang may hawak na syringe ang tauhan ni Sergio. Bago pa niya maitanong kung ano ang itinurok sa kanya, nawalan na siya ng malay.

NANG bumalik ang malay ni Alexandra, nanlalabo ang kanyang mga mata at nananakit ang ulo. Nakaupo siya sa isang silya kung saan nakatali ang kanyang mga paa at kamay sa armrests at mga paa ng upuan. Ilang minuto bago niya nagawang makita nang maayos kung nasaan siya. Mukhang kusina. Puro tiles ang nasa paligid at may malalaking lutuan, industrial size. Naalala niya bigla ang nakitang kemikal sa pinagmulang basement. Mukhang iyon na ang lutuan ng katawan ng tao. Pero naalala rin niya na sumakay sila sa eroplano. Ah, hindi na nakakapagtaka. Imposible namang isakay pa sa eroplano ang mga katawang kailangang mawala. Of course they had those “kitchens” everywhere they held operations.

Napaungol siya nang kumirot ang ulo. Mukhang napakatapang ng gamot na itinurok sa kanya. Nanghihina rin ang kanyang katawan. Naitanong niya sa sarili kung ilang oras siyang nakatulog. Wala siyang ideya.

Nanatili siyang nakaupo, pinakikiramdaman ang sarili; nakiramdam sa paligid. Hindi siya nag-iisa sa gusali. She was, in all probability, in Las Vegas. Doon magaganap ang auction at bukas na iyon… O bukas kung ilang oras lang siyang nakatulog. Baka tapos na ang auction, hindi niya alam.

May pinto sa di-kalayuan. Inobserbahan ni Alexandra ang paligid. Pinilit niyang tumayo, kasama ang upuan. Maingat siyang lumapit sa kanto ng counter at sinimulang ikaskas doon ang tali sa kanyang mga kamay. The corner was sharper than it appeared. Sa loob ng ilang minuto, naputol na ang tali. Inalis na niya ang mga tali sa paa. Naghagilap siya ng bagay na puwedeng gawing armas. She found a meat hook in one of the cupboards. The place was probably a small slaughter house. Ang tanong ay kung ano ang kinakatay roon.

“Drop it.”

Shit! sa isip-isip ni Alexandra nang marinig ang boses ni Sergio, kasabay ng pagkasa ng baril. Binitiwan niya ang hawak at pumihit. Tulad kanina, hindi nag-iisa ang lalaki. Maraming tauhan sa likuran nito. Pinaupo siya nito sa sahig.

“Are you ever going to tell me who sent you, you fucking bitch?”

“No one sent me.”

“Why did you want my files? Don’t deny it. My men were watching you. Did you honestly think those bitches from the escort service wouldn’t tell me about you?” Ipinasa nito ang baril sa tauhan, saka itinaas ang manggas. “Tell me, you little bitch.”

“I already told you, I wanted it for myself.”

Sinampal siya nito. Oh, how she hated men who hurt women. “Do you think I believe that?”

“It’s the truth.” Pinunasan ni Alexandra ng kamay ang gilid ng bibig na nagdugo.

Noon tumunog ang cell phone ni Sergio na agad nitong sinagot. “He’s there? Send him in. Now. I don’t care. Just send him in.” Binalingan uli si Alexandra ng lalaki. “I think my friend can tell us what to do with you best, you fucking whore.”

Kung sino man ang kaibigan nito, inaasahan na ni Alexandra na isa ring Mafioso at malupit. Probably a wife beater. She was sure that it was going to be a bloody night for her. Hindi siya sumusuko, hindi siya mamamatay nang ganoon na lang, pero siguradong hindi magiging madaling makawala. Iyon lang, pasensiyahan sila ni Sergio dahil hindi siya mamamatay sa gabing iyon.

Lumapit si Sergio sa pintuan, kinausap ang tauhan. Mayamaya, pumasok na ang bisitang huhusga kay Alexandra. At ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makilala kung sino iyon. It was Connor. He was looking at Sergio. Hindi ito tumingin sa gawi ni Alexandra.

“So, have you got the goods?” parang galit na tanong ni Sergio kay Connor.

“Of course. Why do you seem mad? You only called me when the first guy failed. You could’ve called me first.”

“I’m sorry, man. No disrespect.” Huminahon si Sergio. “It’s just that this little bitch is giving me problems. I think she’s sent by the other family.”

Noon tumingin kay Alexandra si Connor at hindi nito itinago ang pagkabigla. “Are you serious?”

“Do you know her?”

“Of course I know her. She’s my girlfriend.”

Itinago ni Alexandra ang pagkabigla. Hindi niya inaasahan na makikita roon si Connor at hindi rin inaasahan ng lalaki na nandoon siya, pero ngayon, mukhang ito ang makakatulong sa kanyang makaalis sa lugar na iyon.

“Are you fucking kidding me, man? What do you mean she’s your girlfriend?”

“I mean she’s my girlfriend.” Bumaling kay Alexandra si Connor. “`The hell are you doing here?”

“I don’t believe you. She doesn’t seem too happy to see you here,” sabi ni Sergio.

“She is my girl,” giit ni Connor.

“Kiss her.”

Walang pag-aalinlangan na nilapitan si Alexandra ni Connor. Inabot ng lalaki ang kamay ni Alexandra, saka siya hinigit patayo. Hinagkan siya nito sa mga labi. She tried her best not to show her surprise. It was a very abrupt kiss. Binalingan nito si Sergio. Tinanong ni Sergio si Connor kung ano ang ginagawa ng “girlfriend” nito sa bahay ng lalaki.

“She doesn’t know anything. She’s an amateur. See, you caught her. Do you honestly think that if she were any smarter—like me—you would catch her at all?” Binalingan siya nito. “Woman, that was a dumb move. Sergio, please, just give her to me. As a gift. You and I have a long way to go. Me and your father, we’ve worked for a couple of years. I consider you my friend.”

“As a gift?” sabi ni Sergio, saka tumawa. “You charge me for the job you did and you’re asking for a gift? That’s funny. That’s funny, eh, Vincenzo?” baling nito sa isang tauhan na tumawa rin na parang nakakatawa talaga ang lahat. “A friend, eh? You charged me ten mil for the artifact. You don’t charge friends ten mil, Connor.”

“Come on, man, you and I both know you will get at least thirty for it easy.”

“What, you’re an accountant now? First, tell me what she was doing in my house.”

“Remember when I accepted the job and we talked about the extra deal I wanted? Information that you have. It’s the same thing she wants.”

“Then why didn’t she just ask you?” tanong ni Sergio.

“Because she’s stupid. I already told you she’s stupid.”

“I’m not stupid!” sabad ni Alexandra, kahit aminadong hindi naging matalino ang kanyang ginawa, pero sa tamang dahilan. Hindi ipinaalam sa kanya ni Luca ang eksaktong plano. Why the hell did they always blindside her? Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. Sinabi ni Luca na gumawa ito ng paraan at totoo iyon. Nagkataon lang na hindi nito ibinigay sa kanya ang detalye, sinabi lang na maghintay siya.

Luca sent Connor to get the information. Luca probably thought there was no guarantee that Connor could do the job. Base sa usapan nito at ni Sergio, lumalabas na rush ang trabaho. Still, Luca could have told her, or maybe sent her to do the job herself. O baka two-man job iyon at ilang ulit niyang iginiit na ayaw na niyang makatrabaho si Connor kaya iba ang pinasama ni Luca kay Connor.

Ngayong alam na ni Alexandra, kailangan niyang sumakay sa drama. Nagpatuloy siya. “I don’t trust you, Connor. You never tell me things! Always! If you only told me, I never would’ve done this!”

“Why do you not trust me enough?” hirit ni Connor. “Every single time I try to tell you something, you won’t believe me! From this job to women! Every single time you suspect me of lying to you! How can this relationship work if you don’t trust me? How many times have I told you that I am not a liar? Thank your lucky stars that I love you or else I would’ve left you a long time ago!”

“Oh, really? Well, first of all, how the hell am I supposed to trust you when the moment I turn my back you flirt with other women? It doesn’t even matter to you if a woman looks like a fucking dog! Second, you leaving me? That would be the day! Who else would waste their time on a man-child like you? Third, you should be the one thanking your lucky stars, not me for sure—”

“Enough!” sigaw ni Sergio. “I don’t like listening to lover’s spat. Now, I still don’t trust you, woman. But now I don’t trust you, too.” Itinuro nito si Connor. “But I guess we can solve that problem quickly. Let me call some people.”

Ipinosas sila ng tauhan ni Sergio, matapos kunin ang cell phone ni Connor, saka sila iniwan sa kuwarto.

“Troublemaker,” bulong ni Connor.

“I didn’t know, all right? Luca should have told me,” sabi ni Alexandra.

“Always listen to Luca.”

“I know that now.” Hindi alam ni Alexandra kung ano pa ang sasabihin sa lalaki, pero aminado siyang gumaan ang kanyang pakiramdam na hindi na siya nag-iisa roon. The sight of a familiar face in nowhere land, no matter how annoyed she was with him, was still a relief. “Do you think he will kill us?”

“Of course not. He can be a little dramatic though.”

Iyon din ang kanyang hinala, na hindi sila papatayin ni Sergio. Wala na ring silbi na magtangka silang tumakas. They were now just have to play Sergio’s game. At least, sigurado silang hindi iyon magtatapos sa kamatayan. Walang mapapala ang lalaki kung papatayin sila. Wala ring dahilan para maisip pa rin nitong padala si Alexandra ng kung sino, at kung ganoon man, mas magiging kawalan dito sakaling patayin siya nito dahil kay Connor. Connor was not a part of the organization but a good contractor and Sergio would still need Connor’s services in the future, especially now that Connor will owe him because of her.

“All right,” sabi ni Sergio nang pumasok uli sa kuwarto mayamaya. “You two, come with me.”

Sumunod sila rito. Lumabas sila ng gusali, saka sumakay sa isang SUV, isa sa mga convoy ni Sergio. They went to The Strip. Gabi at makulay na makulay ang Las Vegas.

“What day is it?” tanong ni Alexandra kay Connor. “Is it the night of the auction?”

“No. It’s gonna be tomorrow.”

“Where the hell is he taking us?”

“I don’t know,” tanging sagot ni Connor.

Pero mabilis nilang natuklasan kung saan. Sergio took them to the Graceland Wedding Chapel. Isang tauhan ng lalaki ang narinig niyang nagsabing galing na ito sa Las Vegas Marriage Bureau para sa marriage certificate nila. Hindi na nagtaka si Alexandra kung paano nito nagawa iyon. Was there anything that the Mafia couldn’t do, especially in Las Vegas?

This is so unfair… Parang gustong manggigil ni Alexandra sa galit. Naniniwala pa rin siyang ibang usapan ang kasal. Na foul na foul ang ginagawa ni Sergio. Pero ano’t anoman, mas mabuti pa rin iyon kaysa ang hindi pagbigyan ang lalaki. It was only a piece of paper. Puwede siyang kumuha ng annulment. She doubted the legality of the wedding anyway. Wala siyang ID, kaya paano siya nakunan ng marriage license? But the act itself… wedding, something she had always dreamt as an important occasion, something that would mark the start of a new life, and something she would only do once, was happening as a joke to make someone with an inflated ego happy. Ginawang malaking kalokohan.

“All right,” sabi ni Sergio, pumuwesto sa isang upuan, may laptop na nakapatong sa hita. Ibinalik nito kay Connor ang cell phone, kasama ng isang papel na nakita ni Alexandra na nasusulatan ng isang numero. Alam na niya kung ano ang mangyayari, pero ipinaliwanag pa rin ni Sergio. “I need my money back. You love your girl, right? Her life costs ten mil. But don’t worry, the wedding is on me.”

Kung ano man ang tumatakbo sa isip ni Connor, ito lang ang nakakaalam. Walang reaksiyon ang mukha nito. Pinindot nito ang cell phone at makaraan ang ilang minuto, nagsimula na ring tumipa si Sergio sa laptop at ngumiti pagkatapos.

“It’s a damn good night. It can only get better with a wedding. Are you two lovebirds ready?” tanong ni Sergio, malapad ang ngiti.

“You don’t have to do this, man,” sabi ni Connor.

“Are you saying that she’s not your girlfriend?”

“Of course not.”

“So what’s the problem? Man the fuck up and marry her!”

Alexandra knew it was Sergio’s need for control that was going to be the main reason why she was going to get hitched that night. Mukhang naisaayos na rin ng lalaki ang lahat bago pa man sila makarating sa chapel. Nandoon na ang officiant at ang Elvis impersonator. May nirentahan na ring wedding gown at tuxedo. May bouquet din si Alexandra at boutonniere para kay Connor. Nang magsimula ang ceremony, saka nalaman ni Alexandra na ang tatayong tatay niya ay ang Elvis impersonator na amoy-pomada. Inihatid siya ni Elvis sa altar, habang may isa pang Elvis na kumakanta ng “Can’t Help Falling in Love.”

Wise men say only fools rush in. But I can’t help falling in love with you…

Lahat ng babae, maaalala ang araw ng kasal nito. Lalong-lalo na siya na biglaang naikasal sa isang lalaking ni hindi niya boyfriend, habang nakahawak sa braso ni Elvis Presley!

Mama, if you’re looking at me now, I’m sorry. Matigas ang ulo ng anak mo at hindi nakinig kay Luca. This wedding is a fiasco and this will be one of those things that I will keep hidden deep in my memory.

Nakaupo sa isa sa mga silya si Sergio, umaaktong kumakalabit ng gitara at sinasabayan ng lip sync ang kanta. Gustong sugurin ni Alexandra ang lalaki. Lumingon siya sa altar. Nagtama ang mga mata nila ni Connor. For some reason, her heart skipped a beat. He saved her life that night. He bought her life for ten million dollars.

Like a river flows surely to the sea. Darling, so it goes some things are meant to be…

He was probably meant to be there that night. Sa kung anong biro ng tadhana, sa lahat naman ng taong puwedeng sumagip sa kanya sa alanganin, si Connor pa. Could things get any more ironic? She used to think her boyfriend was the perfect guy, that it was plain to see if one looked at Connor—who was Preston’s exact opposite. Naisip noon ni Alexandra, tapat ang boyfriend niya; habang si Connor ay makikipaglandian sa kahit na sinong ipinanganak na may “Graceland” sa pagitan ng mga hita. Nagpasalamat siya sa langit na maibibigay sa kanya ng boyfriend ang pangarap na buhay, habang si Connor ay isang career burglar. But Preston proved to be a joke and would never have made any big sacrifice for her. And the man she thought was the world’s most selfish actually came to her rescue, let go of his millions just to literally buy her life, her safety. And now she was marrying him.

Iniabot na ng Elvis impersonator ang kamay ni Alexandra sa groom na makisig sa suot na tuxedo.

Take my hand, take my whole life, too. For I can’t help falling in love with you…

She held his hand, her heart pounding in her ears.