N AKATITIG si Alexandra sa mga kalaban. Isang babae at isang lalaki. Napatingin siya kay Connor nang bumulong ito sa kanya.
“Do you think we can get past them?” tanong nito, nakakunot ang noo habang magkatabi silang nakayuko sa likuran ng mga drum, nakasilip sa butas sa pagitan ng mga drum, nakatingin sa mga kalaban na parehong may dalang baril.
“To be honest, I don’t think we stand a chance,” sagot niya. Iyon ang totoo. Imposible silang makaligtas.
Lumingon si Connor sa paligid nila. Sa kanan, naroon ang salansan ng mga gulong. Puwede silang magtago sa likuran ng mga iyon, pero imposible silang makaalis sa lugar. There was just no way out of there.
“Come on,” sabi nito, hinawakan siya sa kamay.
Nakayukong naglakad sila papunta sa salansan ng mga gulong, maingat na maingat ang kilos. Pasilip-silip si Alexandra sa butas, tumitingin sa mga kalaban. Sa ngayon, mukhang hindi pa sila natutunugan ng dalawa. Gumapang sila nang makarating sa bahagi ng salansan na mababa. Sa wakas, narating na nila ang bahaging puwede silang maupo.
“Are you all right?” tanong ni Connor.
Tumango si Alexandra. “I just want to get out of this clothes and take a bath,” sabi niya na parang napakadaling gawin kahit alam niyang malayo sa katotohanan. The enemies were relentless. Sa lahat ng mga hinarap nila ni Connor, ang mga kalaban ngayon ang pinakamahirap harapin.
“Is everything clear?” tanong ni Dad Richard. Nakayuko ito sa di-kalayuan, sa likuran ng patong-patong na mga paleta. Alexandra had never seen her father looking less than dignified. Ngayon, overalls na madumi ang suot nito at may bahid din ng dumi ang mukha.
“I don’t think we can wait here much longer,” sabi ni Connor. “They will find us.”
“I’m too old for this,” sabi ni Dad Richard. Noon lang iyon narinig ni Alexandra sa ama.
“Did I really hear you say that, old man?” sabi ni Connor.
“Yes, you heard me right, Connor. I am too old for this. Better give up. What’s the worse they can do to us?”
Nanlaki ang mga mata ni Alexandra, ganoon din si Connor.
Si Connor ang nagsalita. “You want us to just raise our hands up and surrender?”
“They are too powerful, we can never win. Accept it,” sagot ni Dad Richard.
“No. No, this is not fair. They put us in this situation and now we just give up? No. We fight until our last breath.”
“I’m afraid I don’t have much of that left.” Walang paghingal ang matanda. Sa nakalipas na ilang taon, tumigil na rin ito sa dating trabaho. He was now almost seventy. He was still fit though. Gustong magduda rito ni Alexandra.
“Stop it, Dad,” sabi niya. “We both know you can do this. What is going on with you? Please don’t tell me you will betray us.”
“I’m sorry, Alexandra.”
Napanganga siya nang iitsa nito ang baril at itaas ang mga kamay.
Nagsigawan ang dalawang kalaban, saka pinaputukan ang matanda. Sinamantala ni Alexandra ang pagkakataon at binaril ang babae sa binti, daplis lang para hindi ito masaktan. After all, she was the cutest girl in the world.
“Mommy!” sigaw nito, nalukot ang mukha. Binitiwan nito ang paintball gun at tumakbo papunta sa kanya. Ang batang lalaki naman ay tumakbo sa lolo at ama nito. Their names were Maria and Ricardo, both seven years old, twins. They were Alexandra’s pride and joy. Nang maikasal sila ni Connor, agad siyang nagbuntis at ang dalawang makulit ang dumating makalipas ang siyam na buwan.
Wala nang mahihiling pa si Alexandra sa buhay. Nakatira sila sa Pilipinas sa ngayon dahil mas gusto nila ang buhay sa Pilipinas. Soon, they would move to England for the children’s education. Sa ngayon, doon muna sila sa Pilipinas. Si Dad Richard, kumuha na ng bahay na katabi ng sa kanila mula nang mag-isang taon ang kambal. Spoiled dito ang dalawa.
Wala nang mahihiling pa si Alexandra sa kanyang buhay. She was married to the man who made her life colorful and interesting everyday, her children were healthy and beautiful and smart, her father was with them and loved them all. Kung minsan, naiisip niyang napakasuwerte niyang babae.
“We won!” sigaw ni Ricardo.
“Only because your Lolo surrendered!” sabi ni Alexandra.
“I can never win against these two!” sabi ni Dad Richard.
Nagsayaw-sayaw ang kambal, victory dance. May usapan kasi na kapag nanalo ang mga ito, pupunta sila sa Coron sa weekend. Bata pa man, planado na ni Maria ang magiging buhay. Gusto nitong maging marine engineer. Si Ricardo naman, mahilig sa sports.
Nag-ayos na sila. Kasama ni Alexandra sa shower room si Maria, magkakasama naman ang mga lalaki. Nang matapos, tumuloy na sila sa isang restaurant. They had dinner and talked about the upcoming weekend. Alas-nuwebe na sila nakauwi. Pinatuloy na ni Alexandra ang magkapatid sa kanya-kanyang kuwarto. Tumuloy na rin sila ni Connor sa kanilang kuwarto.
“Honey, I think we need two more,” sabi nito, nakangisi.
“Oh, please, no.”
Ang lakas ng tawa nito. “Are you sure?”
“I’m sure I want us to do it until we can’t take anymore… but two more is out of the question.”
Humalakhak si Connor. Makita pa lang ni Alexandra na tumatawa ang asawa, anong init na ang dala sa kanyang puso. She was still in love with him. He still took her breath away. She still looked at him with desire, admiration, and affection. She guessed it would forever be that way.
“I love you,” sabi nito, ikinulong ang kanyang mukha sa mga kamay.
“I love you more.”
“I don’t think that’s possible.”
Napangiti si Alexandra. Umaasa siyang saan man naroon ang kanyang ina, nakangiti ito, payapa sa kaalaman na masaya siya. At mukhang magiging masaya habang-buhay.
Wakas