K UNG bakit mainit ang dugo ni Alexandra kay Connor, kahit dapat na lipas na iyon kahit paano. Kahit sabihin niya sa sarili na huwag nang pansinin ang lalaki, mahirap gawin. Lalo na at sila lang ang tao sa bahaging iyon ng hotel dahil alanganing oras. Mas nakakainis na niyaya siya nitong mag-lunch, pero nag-lunch mag-isa, nakakita ng turista at ngayon patawa-tawang nakikipag-flirt.
Nakakabusiwit talaga, sa isip-isip niya. Nasira ang kanyang mood. Men like Connor would always annoy her.
Hindi na tinapos ni Alexandra ang pagkain at umalis na ng hotel. Nauwi siya sa isang fast-food chain. Doon siya kumain at nag-book na ng flight pabalik sa Italy. Para sa gabing iyon ang flight. Bumalik na siya sa hotel matapos tumingin ng kaunting souvenir para sa sarili. She bought a snow globe. Mahilig mangolekta niyon ang kanyang ina.
Nagpa-service siya sa hotel papunta sa airport. Maaga pa kaya tumuloy siya sa premiere lounge at doon nagpalipas ng oras, saka tumuloy sa boarding gate. Isa siya sa nauna papasok sa eroplano. She was escorted to her first class seat. Bago isara ang pinto ng eroplano, muntik na siyang mapaismid. Connor was entering the first class section.
Hindi sila magkatabi, pero magkalapit pa rin ang kanilang mga upuan. Para hindi mapansin ng lalaki, inabot niya ang magazine at nagkunwaring binabasa iyon. Narinig niya ang boses ni Connor, nakikipag-flirt sa flight attendant. Nabuwisit na naman siya rito. Lahat na lang yata ng babae, gusto nitong i-flirt.
Naisip ni Alexandra na magaling talagang lumandi ang lalaki na sa loob lang ng ilang salita, nagawa nang maitanong sa flight attendant kung may boyfriend ba, kung saan nakabase, at nakuha na rin ang numero ng babae. Pasimple iyong ibinigay ng flight attendant. Alam ni Alexandra na hindi iyon ethical at bawal. Connor managed to make her give it to him.
He is disgusting, sa isip-isip ni Alexandra. Hindi niya talaga puwedeng asahan sa isang tulad ni Connor ang ethics. Muntik na siyang mapaismid sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito habang kausap ang flight attendant.
Mayamaya, umalis na ang mga flight attendant sa area nila. Lilipad na ang eroplano. Narinig niya ang boses ni Connor. “Hello there, stranger.”
“Oh, God,” sabi niya. Kahit may isang pasaherong nakapagitan sa kanila, sinabi niya, “Will you please pretend that you don’t know me? You’ve been doing a very good job until now.”
“Well, you look lonely. I’m just doing you a favor.”
“Oh, wow, thanks,” sabi niya, saka bahagyang pumihit patalikod.
“Napapansin ko na talagang kulang ka sa sense of humor. Tell me why.”
“None of your business.”
“Curious lang naman ako. Masama bang magtanong? Tagasaan ka ba talaga? Madami kang naka-line up na trabaho?”
Hindi na sumagot si Alexandra. Una, hindi iyon ang tamang lugar para mag-usap sila. Hindi ba nito napansin ang lalaking nakapagitan sa kanila? Pangalawa, paano nila pag-uusapan ang kanilang “trabaho” sa ganoong klaseng lugar? Sana mapahiya ito at manahimik na, pero hindi iyon nangyari. She heard him talking to the man seated between them. He spoke to him in Arabic. Of course she understood what he was saying. Ang sabi nito sa lalaki ay may relasyon daw sila at nag-away, kung makakatulong daw ba ito.
Muntik nang sumabad sa usapan ng dalawa si Alexandra, pero wala na siyang energy na magpaliwanag pa na hindi totoo ang mga sinasabi ni Connor. He probably thought she did not understand what he was telling the man. Pinagbigyan ng lalaki si Connor. Nagpalit ng upuan ang dalawa.
Ang kapal ng mukha ni Connor nang sabihin kay Alexandra pagkaupong-pagkaupo sa bagong puwesto, “Siguro wala kang boyfriend, `no? Wala sigurong nakakapasa sa taas ng standards mo. O kaya kung may boyfriend ka, wala kang gagawin buong araw kundi magbasa. Oh, what fun!”
Nabuwisit na si Alexandra kaya pumihit uli. “How dare you.” What an asshole! “Ano’ng pakialam mo sa akin? Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko sa`yo kanina pa? Nagkasama lang tayo dahil sa trabaho. Iba ang trabaho, iba ang personal. Hindi kita magiging kaibigan kahit kailan dahil ayoko sa `yo. Naiintidihan mo? A-YO-KO-SA-YO. Magpanggap ka na hindi mo ako kilala, na wala ako dito. I will do the same thing.”
“Ouch. That was painful. But I guess I can take that.”
“Perfect,” sarkastikong balik niya. Iniladlad niya ang blanket at itinakip sa katawan. Nakailaw pa rin ang “fasten your seat belt” sign pero mayamaya, nawala na rin iyon at ni-recline na niya ang upuan. Malapad ang armrest na nakapagitan sa kanila. Bumalik na ang flight attendant para magbigay ng pagkain. Sinabi niyang busog pa siya at kung puwedeng mamaya na niya iyon kainin.
Ipinikit na ni Alexandra ang mga mata, pero hindi siya makatulog. Katabi niya si Connor. He smelled very nice. Hindi iyon ang pabangong inasahan niya rito. It was a subtle scent, very out of character for someone like him to use.
Pumihit siya, humarap sa bintana. Naririnig niya ang mga galaw ni Connor at mayamaya, naamoy ang mabangong pagkain.
“Are you sure you don’t want to eat, honey?” tanong nito, hindi niya alam kung siya ang kausap o ang flight attendant. “You know, Alexandra, a lot of women would gladly switch places with you right now just to be near me.”
“Oh, my God, does your mouth ever shut up?” sabi niya, kahit hindi tumingin. Parang alam na alam ng lalaki kung ano ang sasabihin para mapikon siya.
Tumawa ito. “It’s true.”
“Well, there are a lot of stupid women out there. But a lot of smart ones, too. Like that Nadia girl.”
It took a few seconds before he replied. “She would never understand my work anyway.”
Biglang na-curious si Alexandra. Ano nga ba ang expectations ng isang taong tulad ni Connor, o tulad niya, sa mga relasyon? Kapag natapos na ang kailangan niyang gawin para sa ina, posible ba siyang mamuhay na tulad ng dati kasama si Preston? Puwede naman siguro na hindi na malaman ng lalaki ang isang bahagi ng kanyang buhay. But then she had to wonder if she would be dishonest. Ang magpakasal sa lalaki, ang bumuo ng pamilya kasama ito, nang hindi sinasabi ang tungkol sa kanyang naging trabaho habang wala siya sa piling nito? Ang sagot siguro, puwedeng huwag na niyang ipaalam. Dahil hindi naman siya magkakaroon ng double life, kundi ibabaon niya sa limot ang isang bahagi ng kanyang nakaraan. Isang bahagi na personal dahil ginawa niya para sa ikatatahimik ng konsiyensiya at kaluluwa.
But she wondered how Connor did it. She wondered if he thought about things like that. Siguro. Dahil sinabi ng lalaki na hindi maiintidihan ni Nadia ang trabaho nito.
“Were you planning on telling her?” bigla niyang naitanong kahit hindi pa rin pumipihit.
“No. She would never have understood.”
“To live your life with someone without telling that person about… certain things.”
“It’s not like she told me everything about her, too. It’s not easy. I don’t think it ever will be. Do you plan on telling anyone? I highly suggest you don’t.”
“How’d it work out for you?” naiinis na namang sabi ni Alexandra, kahit naiintindihan niya si Connor. Siguro, naiinis lang siya sa suggestion ng lalaki, na parang ang dami na nitong alam kahit malinaw na wala ito sa isang maayos na relasyon.
“So far, so good. I’m still here, safe .” Ibig sabihin ng lalaki ay safe pa ang identity nito. Tama ito. Bakit nila isusugal ang isang impormasyong hindi nila alam kung paano iha-handle ng pagsasabihan nila?
“I hope that one was the last,” sabi niya, ibinalik na mula sa pagkaka-recline ang upuan at pinindot ang buton para ma-assist ng flight attendant. Ipinasilbi na rin niya ang pagkain na agad na dumating.
“You want out,” sabi ni Connor.
“I’m not here to make it a lifestyle, unlike other people who are probably too lazy to find a decent job.”
Tumawa ang lalaki. “Stop kidding yourself, you won’t need another nine to five after this, you and I both know it.”
Totoo iyon. Sa laki ng natanggap na bayad ni Alexandra na dumeretso sa isang numbered account, bakit pa nga ba siya kailangang mamasukan? Pero may paper trail ang gobyerno at hindi puwedeng hindi siya magkaroon ng sariling trabaho, maliban kung magawan niya ng paraang palabasing inheritance ang kanyang pera. And of course, she was convinced that her mother had money hidden somewhere.
“If you have enough, why do you still do it?” Mahina ang kanilang usapan, walang ibang puwedeng makarinig.
“It is never enough, my dear. Never enough.”
Siguro sa isang taong maluho, hindi iyon sapat. “Hope you’re smart about your spending.” Hindi nila basta magagamit ang pera at palaging may paper trail. Unless they use cash.
“I’ve got it covered. Thanks for your concern. You really do care about me.”
Tumirik ang mga mata ni Alexandra. Matino na sana ang kanilang usapan at naisip niyang baka may impormasyon si Connor na makakatulong sa kanya tungkol sa pag-launder ng pera, pero nagsimula na naman itong ibahin ang usapan at gawing panunukso. “You can’t help yourself, can you?”
“With you?” He smiled, as if very fond of her. “No way.”
Lumingon siya sa paligid, saka pasimpleng itinanong dito, “You put a tracker with them and put them in the garbage didn’t you?”
“Of course.”
Tama ang hinala niya sa ginawa nito sa Faith Diamonds.
Kumain na siya at noon lang nadama ang gutom. Nare-relax na siya nang sabihin ni Connor, “What do you say I take you out to dinner in Milan? I know a great place with superb pizza.”
Tumirik ang kanyang mga mata. “Oh, please.”
“You dont have to beg.”
Hindi na lang umimik si Alexandra. Salamat at kinuha na rin ng flight attendand ang pinagkainan nila. Nahiga na uli siya at nagkumot. Pumikit siya, para lang marinig si Connor mayamaya na nakikipagbulungan sa flight attendant. He asked her to have dinner with him and then he flirted with the flight attendant. He was really an asshole.
I will never see him again anyway. I will tell Luca never to pair me up with this jerk ever again, sa isip-isip niya.
Hindi niya nagawang makatulog, kahit na tumigil na rin sa pakikipag-flirt si Connor at kahit napansin niyang nakatulog na ang lalaki. It was a long flight. Sa London ang kanilang layover nang dalawang oras. Soon, Alexandra was asking the flight attendant for some wine to help her sleep.
“That would give you jetlag, you know,” sabi ni Connor, pumihit paharap sa kanya, nakangiti at bahagyang namumungay pa ang mga mata. Lintek na lalaki. Hindi man lang naisip na ito ang dahilan kaya hindi siya makatulog. Huwag sana nitong buhayin pa ang inis niya.
“Sleep some more,” sabi niya sabay inom.
“You didn’t tell me you wanted to drink. Let me get a bottle, too.”
“No need. I’m done. Please, shut up, Connor.”
“Oh, poor thing. I made you lose sleep, didn’t I? Did I go too far?”
Hindi umimik si Alexandra. Ayaw niya ring maisip ng lalaki na ginagawa niyang big deal ang kahit na anong ginawa nito.
“Go, sleep, hon. Enough wine. I will shut up now.”
Naghintay siya kung tatahimik nga ito. He actually did. Pero hindi siya nakatulog, nagkumot lang siya. Connor asked for wine as well. Tahimik lang ang lalaki, parang malayo ang iniisip. And then he looked at her. Nagtama ang kanilang mga mata. Nailang siya, nag-iwas ng tingin.
Wala na itong kahit na anong sinabi. She closed her eyes and before she knew it, she was fast asleep. Nang magising, nilingon niya si Connor. Nakaharap ang lalaki sa kanya, natutulog. Hindi niya maiwasang pag-aralan ang features nito. The man was good-looking. Hindi ito masasabing drop-dead gorgeous, pero may hitsurang habang tinititigan, lalong nagiging interesante.
Noon naalala ni Alexandra si Preston. She sighed. She should miss her boyfriend. She did, but not a lot. Lalo na nitong huli. Noon, wala siyang gusto kundi ang makasama ang lalaki, makaramay. At ngayon, napapansin niyang guwapo si Connor, ang kinaiinisang lalaki. Tumaob ba ang kanyang utak nang pasukin ang mundo ng pagnanakaw? Maybe there was some insanity involved there.
Muli na naman siyang napabuntong-hininga. Dalawang oras na lang ang biyahe at hindi na siya nakatulog pa. Connor was asleep until they were about to land. Nagpunta ito sa lavatory at nang magbalik, amoy-toothpaste na. Nang makalapag sila, tumuloy si Alexandra sa premiere lounge para mag-shower.
They ate in the lounge together, before boarding the plane. Dalawang oras lang ang biyahe. Hindi nagbukas ng usapan ang lalaki at ganoon din siya. Nang lumapag sila sa Milan, mayroon na silang sundo, dalawang magkaibang sasakyan. Siguro si Connor, ihahatid sa bahay nito, habang si Alexandra naman ay sa isang hotel.
“So…” sabi ni Connor nang nasa labas na sila ng airport.
“So,” sabi ni Alexandra.
“I guess I’ll see you next time.”
“I doubt there will be one.”
“Ouch. You really like hurting my feelings.” Umarte itong parang nasaktan at hinawakan ang dibdib.
Natawa tuloy si Alexandra. “Baka maubos ang buhok ko sa `yo, Connor.”
“Fine. You don’t want to work with me anymore, cara , it’s all right. Just have dinner with me. Come on.”
Hindi alam ni Alexandra kung seryoso ang lalaki o nagbibiro. Itinirik niya ang mga mata. “No. I’m very tired anyway.”
“Tomorrow night, then.”
“No.”
“Ouch. Never have I been rejected continuously in all my life. Just you, princess.” Tumaas ang kamay nito sa kanyang pisngi at banayad iyong hinaplos.
Nabigla si Alexandra sa ikinilos ni Connor at parang ganoon din ang lalaki. Nabura ang ngiti nito at ibinaba ang kamay, pero ngumiti rin. Ngiting pampaalis ng pagkailang. “We did well. Luca is happy.”
“All in all, it was okay.”
“Just okay?”
“Yes. Just okay. I was blindsided there a couple of times and I don’t appreciate it.”
“Fine. I thought you’d appreciate it.”
“Well, I don’t. And I still don’t like it.”
“Seems you don’t like anything I do.”
“For obvious reasons.”
“Dinner invitation still stands, honey.”
“And stop calling me that.”
“Sure will, honey.” Nakangiti si Connor, ngiting nanunudyo. Naglakad na ito papunta sa kotse na para dito.
Ganoon din ang ginawa ni Alexandra. Bago tuluyang sumakay sa sasakyan, tinawag siya ng lalaki, saka initsa ang isang maliit na kahon na nasalo niya.
“What’s this?”
“A little something for you.”
“For what?”
“For being great.”
“Thanks.” Iyon lang ang nagawang sabihin ni Alexandra. Hindi niya alam na may mga ganoong palitan ng regalo ang dalawang magnanakaw. Hindi rin niya alam kung may ibig sabihin iyon na higit pa sa nararapat. With Connor, she could never tell if he was being serious or not. Tulad na lang ng pag-iimbita sa kanya sa dinner. Alam niyang kung papayag siya, matutuloy iyon. Pero ang ideya mismo ng imbitasyon, hindi malinaw kung bahagi ba ng isang joke o ano.
“You take care now,” sabi ng lalaki.
“You, too.” Sumakay na siya at umandar na ang sasakyan. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Luca. Nakarating na sa dapat puntahan ang Faith Diamonds. May third party “courier” na naghatid niyon mula kay Connor. Kinumusta siya ng matanda, hindi nagbanggit ng anuman tungkol sa nakalipas na trabaho. Hindi magandang pag-usapan ang mga ganoon sa isang cell phone.
Sa Italy hihintayin ni Alexandra ang imposmasyong pinag-usapan nila ni Luca, o kung may bagong trabahong nakahanda para sa kanya—bahagi ng kasunduan tungkol sa impormasyong kinakalap nito para sa kanya. Ang sabi ng matanda, magpahinga muna siya bago ang isa pang trabaho.
Nang makarating sa hotel, binuksan niya ang naka-gift wrap na kahon mula kay Connor. It was a set of cosmetics. Spy cosmetics. Ang ilalim ng tatlong lipsticks, iba-iba ang laman kapag na-unscrew. One was a USB flash disk, another a battery-operated screwdriver, and the last one had a camera. May compact powder din na nabubuksan ang ilalim at puwedeng paglagyan ng kahit na anong kakasya roon. Napangiti siya. It was a thoughtful gift. Useful, too.
Ah, Connor, the man she absolutely disliked, but was starting to seem nice. Too bad she still did not want him as a friend.