A BILLIONAIRE from Dubai bought Alexadra’s mother’s books. Silent auction ang naganap, walang aktuwal na bidding, ayon na rin kay Luca. Lahat ng mga item, nasa kanya-kanyang kuwarto at isa-isang papasok doon ang mga imbitado para mag-iwan ng selyadong offer. Kaya lang nalaman ni Luca kung sino ang nakabili ng mga libro ay dahil may sinuhulan itong isang tauhan ni Sergio.
Maraming tanong sa isip ni Alexandra. Una, bakit ibinenta ni Il Serpante ang mga libro at hindi pinakinabangan sa sarili nito? Hindi siguro ito tanga para ibenta ang mga librong pinakopya para gamitin sa pansariling kapakanan. The books would lose their value and he would lose his integrity in the industry. Il Serpente must also know that if in case he started an expedition to get to the city of gold, and he was up against whoever bought the books, he could not win in taking the gold home if he did not have an army of men. Most importantly, why would he want competition? It did not make any sense, unless Il Serpente did not believe in the research. Kung ganoon nga, bakit nito pinatay ang ina ni Alexandra para makuha ang mga iyon?
Magulong-magulo ang kanyang isip. Sa totoo lang, parang mas gusto niyang manatili sa mga braso ni Connor, pero sa ngayon, wala ito sa kanyang tabi at may trabaho. Siya man, kailangang pag-isipan ang susunod na hakbang. Nasa Pilipinas siya, sa bahay ng ina sa Bulacan. Marami siyang natuklasan tungkol sa mga kakompitensiya ng ina, partikular kay Il Serpente. Si Il Serpente ang kumuha ng mga libro dahil ito ang nagbenta kay Sergio. Le Magicien was just a competitor back in the day. At nitong huli, sa huling malaking trabaho ng kanyang ina.
Il Serpente, like Le Magicien and Fantasma, was almost like a myth. Maraming mga teorya sa Internet tungkol sa tatlo. May ilang nagsabi na iisang tao lang daw ang mga ito, habang sinasabi naman ng iba na magkakaiba man daw ang tatlo, hindi iisang tao ang mga ito kundi isang grupo.
Ilang linggo nang nagre-research si Alexandra at inalam din ang lahat ng nalalaman ni Luca, pero nanatiling hindi buo ang kanyang isip tungkol sa kung sino sina Il Serpente at Le Magicien, lalo na si Il Serpente. Binabalikan din niyang pilit sa isip kung nasaan ang kanyang ina isang linggo bago pinatay. She was sure her mother was in their home. Tinawagan niya ito noon at narinig pa ang tunog ng relo sa sala. She remembered it well. Iyon ang huli nilang pag-uusap, kasabay ng petsa ng pagnanakaw ni Le Magicien, ang pagnanakaw na sinabi ni Connor na pinanalunan ni Le Magicien sa “kompetisyon” nito at ni Fantasma.
Puwedeng hindi talaga pinlano ng kanyang ina na “labanan” si Le Magicien para sa trabahong iyon. Baka imahinasyon din lang ng marami ang sinasabing kompetisyon ng dalawa. Ilang ulit niyang binalikan ang usapan nilang iyon at ngayon, pilit niyang inaalala ang eksaktong mga salita. She remembered asking how her mother was, as always. She remembered they talked about mundane things. She remembered they talked about Preston.
“I’m well, my darling. Just planting some seeds,” naalala ni Alexandra na sinabi ng ina nang mangumusta siya. Pinag-usapan nila ang herb garden sa bakuran na kailanman hindi nito nagawang buhayin, pero hindi sinukuan. “My favorite herb will always be lemongrass. It’s versatile and repels snakes.”
Sukat bigla siyang napatayo at lumabas ng bahay. Nandoon pa rin ang herb garden. Bawat paso, may plant marker. Mabilis niyang nakita ang tanim na tanglad. Iyon lang ang nag-prosper sa lahat ng tanim nito. Kamay ang kanyang gamit sa pagtataob ng paso at sa pagkalkal ng lupa. Halos sigurado siyang may palatandaang ibinaon doon ang ina. Kulang mapatulala si Alexandra nang makitang walang laman ang paso. Lupa lang iyon, walang palatandaan na kahit ano.
“Mama…” sambit niya, hindi na sigurado kung ano ang mararamdaman. Pagod na siya, pero hindi susuko. May mga pagkakataon lang na parang mas madaling ipagbabato ang salansan ng mga papel sa kanyang mesa at harinawang kapag nawala ang mga iyon ay maso-solve na rin niya ang mga misteryo. So many secrets, so many lies.
Kapag ganoong bagsak ang kanyang emosyon, gusto niyang makausap at makasama si Connor. Hindi niya puwedeng makasama sa ngayon ang lalaki. Ilang libong milya ang layo nito sa kanya. Hindi rin niya matawagan sa phone dahil baka nasa trabaho. Ang pinaka-safe tawagan ay ang bahay nito, at iyon ang kanyang ginawa.
May kibot sa kanyang puso nang marinig na umangat ang receiver. Para lang mabigla nang boses ng isang babae ang sumagot. “Pronto?”
“ Ciao. Posso parlare con Connor?” sabi niya, itinanong kung puwedeng makausap si Connor.
Hindi maganda ang naging tono ng babae sa kabilang linya. “Chi e questo?” Sino raw siya.
It’s his wife! gusto sanang sabihin ni Alexandra nang mapahiya rin sa sarili. Hindi tamang gamitin niya ang isang papel na sapilitang pinagawa sa kanila. Ipinakilala niya ang sarili, saka itinanong kung sino ang nasa kabilang linya.
“La sua fidanzata, Nadia,” matapang na sabi ng babae, fianc é e raw ito ni Connor.
Natural na nabigla siya. Akala ba niya hiwalay na ang dalawa? Ano ang ginagawa ng babae sa apartment ni Connor? Parang gusto nang mag-init ng kanyang ulo at kasabay niyon, may kaba siyang nakapa sa dibdib. Nagpaalam na siya at nagpasyang mamaya na lang kausapin si Connor. Kailangang may magandang paliwanag ang lalaki.
Noon nakatanggap ng text message si Alexandra mula sa anak ni Nanay Oryang, isa sa mga naaalala niyang katiwala sa paborito nilang pasyalang mag-ina noon. Isang farm iyon, sa bahaging Laguna. Pinuntahan na niya noon si Nanay Oryang, pero wala rin siyang nalaman dito at ni hindi siya maalala dahil ulyanin na. Sinabihan niya ang anak ng matanda na i-text siya kung sakaling may pagbabago. Kung minsan daw kasi bumabalik ang alaala ni Nanay Oryang.
Sinamantala niya ang pagkakataon at bumiyahe na pa-Laguna kahit alanganing oras. Alas-dos na. Pasado alas-sais na siya nakarating sa farm. Halos walang ipinagbago ang lugar. Ang laging sinasabi ng kanyang ina, kakilala lang nito ang pamilya ni Nanay Oryang kaya sila nakakapasok doon. Ang sabi ng anak ni Nanay Oryang na si Aling Sion, isang nagngangalang “Maria Paz Gutierrez” ang may-ari ng lupain. Nasa ibang bansa raw si Maria Paz at matagal nang hindi umuuwi sa Pilipinas. Walang maipakitang ibang impormasyon si Aling Sion tungkol sa may-ari ng lupain na ni hindi pa nito nakikilala. Ang ina lang daw nito ang may kakilala kay Maria Paz. Matagal nang na-check ni Alexandra ang record sa munispyo. Taon-taon, nagbabayad ng buwis si Maria Paz. Ang sabi rin ni Aling Sion, pumapasok sa ATM ang suweldo nito buwan-buwan, eksaktong tuwing katapusan. Gustong makilala ni Alexandra kung sino si Maria Paz dahil sinabi ng kanyang ina na kakilala nito ang may-ari ng farm.
“Naku, hindi mo inabot si Nanay na nagkukuwento kanina. Pero narinig ko naman lahat,” sabi ni Aling Sion, matapos hainan ng sariwang buko juice si Alexandra. “Ang sabi niya, umuwi na lang daw dito si Maria Paz na may bitbit na sanggol at anak daw nito. Ang nakakakilabot, eh, nang sabihin niya ang pangalan ng bata.”
“Ano daw po ang pangalan ng bata?”
“Alexandra. Mukha raw Amerikano ang bata, tulad ng ina.”
Naramdaman niya ang pagtakas ng dugo sa ulo. Siguradong namumutla siya. That made sense somehow. It was so… Fantasma .
“May mga gamit po ba sila dito sa bahay?” tanong niya mayamaya.
“Aba’y oo. Doon sa kuwarto. Sasamahan kita.”
Tumuloy sila sa isang kuwarto ng bahay. Pagpasok pa lang doon, nasiguro na ni Alexandra. Maria Paz Gutierrez was her mother. Patunay doon ang isang dollhouse sa isang sulok ng kuwarto. Bigla siyang napaiyak. Nilapitan niya ang dollhouse. Sa pagkakataong iyon, walang codes ang ilang dingding niyon. Pagbukas pa lang sa dollhouse, alam na niyang sa kisame nakatago ang lahat. Walang kisame ang dollhouse niya sa bahay, pero ang dollhouse na iyon sa farm, mayroon.
Binaklas niya iyon, nagmukhang ulo na hinila patalikod ang leeg. Nagulat si Aling Sion. “Aba’y bakit mo sinira?”
Hindi umimik si Alexandra at kinuha ang army knife sa bulsa. Winasak niya ang kisame at tulad ng kanyang hinala, nasa loob ng kisame ang isang envelope. Tumingin siya kay Aling Sion.
“Puwede po ba ninyo akong iwan?”
Parang nabibiglang tumango ang babae at lumabas na rin. Binuksan niya ang envelope. Naglalaman iyon ng isang passport kung saan may nakaipit na litrato at isang papel. It was her mother’s passport. Alexandra guessed it was one out of many. Ang pangalan nito roon, Maria Paz Gutierrez, Spanish citizen. Ang expiration date ay bago siya isilang. May ilang tatak ang passport. Alam niyang pupuntahan niya ang mga lugar na nakatatak doon.
Sa papel, may nakasulat na pangalan ng bangko at ang salitang “piano.” Binuksan niya ang miniature piano ng dollhouse. Naroon ang susi ng safety deposit box sa isang bangko.
Isang misteryo ang picture. Picture iyon ng isang beach at may kubo. Mahirap mahulaan kung saan iyon. Sa likod ng picture, may nakasulat na When things were simple.
Hindi na makapaghintay si Alexandra na alamin ang laman ng safety deposit box. Nagpaalam na siya kay Aling Sion at sinabing siya ang Alexandra na tinukoy ni Manang Oryang. Siya ang anak ni Maria Paz.
Habang nasa daan, naghahanap siya ng airfare. Kailangan niyang makarating agad sa Switzerland. Nandoon ang safety deposit box. Nakahanap naman siya ng flight via Dubai. Nang makarating sa bahay, mabilis niyang kinuha ang bag at passport. Palagi siyang may nakahandang carry-on. Visa was never a problem. Dual citizenship siya.
Nang makarating sa airport, ibinigay niya ang bagahe sa check-in counter, saka tumuloy sa boarding area. Isang oras bago ang flight, wala pa ring tawag si Connor. Hanggang sa mag-boarding, walang tawag ang lalaki. Sa pitong oras na flight, binuksan niya ang phone para gamitin ang wi-fi ng eroplano. Wala pa rin. Sa Dubai, nagmadali siyang makarating sa boarding gate. Hanggang makasakay sa eroplano, walang Connor na nagparamdam.
In fact, two days passed and still, he did not send her word at all. Nasa hotel room siya, pinag-aaralan ang mga nakuha sa safety deposit box ng ina. It contained a few more passports, a list of everything she owned, and once again, a photo of a beach. This time, the words inscribed on the back read, Maybe someday again. I hope.
Sa hitsura ng beach, malamang na kung hindi sa Mediterranean o sa Hawaii, sa Asia iyon. Mama, how could you leave such vague clues? And Connor, where the hell are you?
Hindi na lumabas ng hotel si Alexandra at sa restaurant doon naghapunan, para maipahinga kahit paano ang isip na walang tigil kapag pinagmamasdan niya ang mga naiwan ng ina. Surprise, surprise, she saw a familiar face there.
“Well, well,” sabi ni Sergio, nakatingin sa kanya. “What are you doing here?”
“I can ask you the same thing.”
“Just having a little fun with my girl. And you? Where’s Connor?” Ngumisi ang lalaki. Hindi na lang siya umimik. Akmang lalagpasan niya ito nang magsalita uli. “Hey, no hard feelings, yeah? It was just a joke.”
Hindi nakatiis si Alexandra, kahit maayos ang naging balik niya. “A wedding is not a joke.”
“Oh, come on. It was just so the two of you can have fun. It didn’t hurt, did it? I’m pretty sure you knew it was a joke.”
“You got us married.”
“It was a fake wedding.”
Natigilan si Alexandra. “What?”
“Don’t tell me Connor didn’t tell you?”
Ayaw niyang magmukhang tanga sa harap ng lalaki, pero kailangan niyang malaman. “No, he didn’t tell me.”
“Come on, when you signed the contract, the space for your name was blank. It was a show. I love playing around people.”
Totoong blangko ang space para sa pangalan ni Alexandra, pero naisip niyang to follow iyon. Napakadaling isulat ng pangalan doon. Sinabi rin ni Connor na si Francine ang nagbigay kay Sergio ng kanyang totoong pangalan. Of course, Francine knew her real name.
Para lang makasiguro, tinanong niya ang lalaki, “Connor knew it was fake?”
“Of course. I’m sorry, honey, it seems he didn’t tell you. I can’t blame him though. Man, I’d lie too if it means I’d get a piece of you.”
Hindi na niya inasahan na hindi magiging bastos ang ganitong klaseng lalaki at wala siyang balak ipaglaban ang sarili laban sa mga salita ng isang taong siguradong may kasamang bodyguard. Nothing should compromise her stay there. In fact, she might leave the hotel immediately. Sergio was bad news.
Tumalikod na si Alexandra. Tumuloy siya sa kuwarto at mabilis na nag-empake. She was out of there in less than fifteen minutes. Nagrenta siya ng sasakyan. Switzerland was near Milan. Apat na oras siya inabot mula Zurich hanggang Milan. Alas-dose ng madaling-araw, nasa labas siya ng apartment ni Connor.
Kumatok siya sa pinto. Pagod siya at kulang sa tulog, gutom, at masama ang loob. Nang bumukas iyon, isang babaeng nakatapi ng tuwalya ang tumambad sa kanya. It was Nadia. Nasa sala si Connor, walang suot na T-shirt; naka-jeans lang.
Ngumiti si Nadia at sinabi sa Italian, “Oh, it’s you!” At hinagkan si Alexandra sa pisngi. “Come in, please.”
Tumuloy nga si Alexandra sa loob.
Nagsalita si Connor. “It’s not what it looks like, Alexandra. Let me explain.”
“Explain in Italian,” sabi ni Alexandra.
Nagkamot ng ulo ang lalaki. Nagtanong si Nadia kung ano raw ang pinag-uusapan nilang “magpinsan.”
Alexandra explained to Nadia in Italian, “Itinatanong ko lang naman sa kanya kung kumusta kayong dalawa.”
“Maayos naman. In fact, he gave me a ring.” Itinaas ng babae ang kamay para ipakita ang singsing. “Sana maka-attend ang buong pamilya sa kasal. Hinihintay na siya ng mama ko, gusto siyang makilala, kasama ang pamilya.”
“Capisco,” Alexandra said, it meant I understand . Hinarap niya si Connor. “So, the two of you didn’t really break up?”
“Let me explain.”
“Yes or no. Or do you want me to talk in Italian?”
“No. No, I don’t.” Halatang nalito ang lalaki. Malinaw na ayaw nitong malaman ni Nadia ang lahat. Malinaw na may pinili na ito. Malinaw pa sa sikat ng araw na isang kabaliwan na umasa si Alexandra na magiging maayos ang lahat sa pagitan nila. Yes, she hated to admit it, but it was the truth. Sa kabila ng kabaliwan, umasa siyang magiging maayos ang samahan nila, nang hindi man lang niya alam na hindi pala totoong break na sina Connor at Nadia. Maybe she was a fool for even thinking she had a future with a man like Connor. Malinaw naman sa kanya na babaero ang lalaki.
“Did you know we’re not legally married?” sabi niya.
“Yes, I know. Not then, but I know now.”
“You’re so full of shit.” Tumalikod na siya.
Humabol ang lalaki. “Ipapaliwanag ko sa maayos na paraan, Alexandra, please. Hindi ngayon, hindi dito. Pero mali ka ng iniisip. Naghiwalay kami, bumalik siya.”
Humarap siya rito. “Tinanggap mo?”
Tumaas-baba ang Adam’s apple nito. “Yes.” Nagbaba ito ng tingin. “Yes, I did.”
“Why?”
“I don’t know. I was just… I just thought… I… me and her, we spent a lot of time together. You and I… I mean…”
“I understand what you mean and I don’t blame you. I just don’t want to see you anymore. You made a choice. Your choice is clear. You chose her, didn’t you?”
Matagal bago nakapagsalita ang lalaki. “Yes.”
“Just as well. My boyfriend is also waiting for me anyway.”
“You have one?”
“Yes.” Hindi alam ni Alexandra kung bakit pa niya iyon sinabi. Anyway, sa palagay niya, hindi na sila magkikita pa uli ni Connor. Wala na siyang balak tumanggap ng trabaho. Sasabihin niya iyon kay Luca. She was not cut out for that job. Ayaw rin niyang dumating ang puntong wala na siyang magiging mga pagkakamali, na iikot na lang ang kanyang buhay sa pagpaplano ng kasunod na trabaho, na nasanay na siya sa isang lifestyle na pumaslang sa kanyang ina.
No, she would never be like Connor. Hahanap siya ng sariling mundo pagkatapos malaman kung sino ang pumaslang sa ina, tulad ng una niyang plano. Sakali man na sila ni Connor ang nagkatuluyan, anong klaseng buhay ang magkakaroon sila? Isang buhay na puno ng kasamaan. A past that would haunt them for the rest of their lives.
“Alexandra…” sabi ng lalaki.
“Is there anything else?”
Ilang sandali uli bago nito sinabi, “No. Nothing else.”
Tumalikod na si Alexandra, lumabas ng apartment, bumaba ng hagdan at lumabas sa malamig na simoy ng hangin na nagpanginig sa kanyang mga buto. She headed to a hotel and booked a room for the night. She forced herself to rest. She did, with cheeks wet with tears.