noveltoon logo noveltoon
Danilo Cardinal (Cardinal Bastards Series 6)

Chapter 23

Ch. 23 / 25 Apr 09, 2022

P INAGMAMASDAN ni Connor ang mga bulaklak sa garden ni Richard. Nasa Amalfi Coast sila. Iniisip niya kung paano aayusin ang kanyang buhay. Bigla, naging magulo ang maayos niyang buhay. Bago mamatay si Robert Goodman, nagkahiwalay na sila ni Nadia, pero bumalik na naman ang babae. At tinanggap uli niya. Hanggang sa natagpuan na lang ni Connor ang sariling nakikipaghiwalay dito. Isang umaga, nagising siya at pinagmasdan ang babae, naisip na niloloko niya ang sarili sa pag-iisip na gusto niya itong makasama habang-buhay. Hindi sila magkakasundo sa bandang huli. Besides, he longed to be with someone else. Iyon lang, palaging naiisip ni Connor na marami na silang pinagdaanan ni Nadia at matagal na sila kaya nanghihinayang pa rin siya at kung minsan, naiisip pa rin na baka sila ang meant to be. Ang gulo ng kanyang isip. Gusto niya si Nadia, gusto niya si Alexandra.

Napabuntong-hininga si Connor. May humawak sa kanyang balikat at nalingunan si Dad Richard. Isa ang ama-amahan sa kanyang iniisip kaya ipinagpaliban ang pakikipag-usap kay Alexandra.

“Connor, how are you doing?”

“I’m okay. You?”

“I’m well.”

Tumango siya, naghihintay ng kuwento nito. Si Alexandra ang totoong dahilan kung bakit siya nagpunta roon. Gusto niyang makibalita tungkol sa babae. Umuwi na sa Pilipinas si Alexandra ilang buwan na rin ang nakalilipas.

“Connor, there is something I want to tell you. I hope you won’t hate me, but I actually do know who your parents are.”

Natigilan siya, saka sinabi, “Excuse me?”

“You heard me.”

Hindi siya agad nakapagsalita sa pagkabigla. Parang sinakmal ang kanyang puso sa takot. “Are… are they terrible people?” Iyon ang una niyang naisip. Iyon ang isa sa mga posibilidad kung bakit hindi nagawang sabihin ni Dad Richard kung sino ang mga iyon.

“I don’t know.” Ibinigay nito sa kanya ang isang sobre. Birth certificate iyon ng isang Danilo Villegas Cardinal, isinilang sa isang ospital. Pirmado ng isang Regina Villegas ang ina, at isang Dante Cardinal ang ama. “That’s your original birth certificate. Noong panahon na kinuha kita, madali lang hanapin kung sino ang nanay mo. You were born not far from the street I found you in. Your mother lived in Sta. Cruz. She worked as a waitress in a Chinese restaurant in Binondo. She died from unknown causes. Ang sabi ng kapitbahay ninyo, umuwing masakit ang ulo at makaraan ang ilang araw, nawala na. My guess is she had brain aneurysm. Ang sabi, kinupkop ka ng isang kapitbahay nang mawala ang nanay mo. Isang araw, isinama ka ng anak ng kapitbahay at nawala ka na. Nag-report daw sila sa pulis, pero hindi ka na hinanap. That was that for you, I guess. Ibinigay sa akin ng kumupkop sa `yo ang birth certificate mo. About your father, I don’t know why he left your mother but he’s an actor in the Philippines.”

Nabigla si Connor at napatingin uli sa birth certificate. Dante Cardinal. Isa lang ang kilala niyang Dante Cardinal, at baka nga iyon ang isa sa iilang artista sa Pilipinas na kilala niya. Idolo niya iyon sa action movies noong bata siya. Kamukha raw niya ang aktor, madalas sabihin ng mga kaibigan niyang kasama sa pakikinood ng TV.

“I don’t understand…” Iyon lang ang nasabi ni Connor.

“I figured what kind of a man leaves his child and its mother so I took you with me.”

Hindi siya nakaimik. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman nang mga sandaling iyon. “Why didn’t you tell me before?”

“I never planned on telling you, but I thought it over for the past months… After everything that’s happened, I decided you must know.”

“You should’ve told me sooner.”

“I’m sorry.”

“What the hell is up with you and Fantasma? Why do you people do this to your children?” May nadama siyang galit na agad ding bumaba. “I’m sorry, Dad… I just… I don’t know what I feel right now. Heck, I don’t even know how I’m supposed to feel.”

“I know.”

Walang mga salitang namagitan sa kanila, hanggang sa si Connor na rin ang napabuntong-hininga. “Thanks for telling me anyway.”

Tumango ang matanda.

Nagpaalam na siya. He booked a flight back to the Philippines. Ang inisyal na plano, hanapin ang ama, pero ilang araw na siya sa Pilipinas, hindi pa rin niya alam kung haharapin ito. The signature on his birth certificate matched Dante Cardinal’s. Nasa Internet ang pirma ng matanda. Hanggang sa isang araw, natagpuan ni Connor ang sarili sa harap ng building na pag-aari ng pamilya. Wala siyang appointment kay Joaquin Cardinal, pero nang itanong ng sekretarya ang kanyang sadya at sabihin niyang tungkol iyon kay Dante Cardinal, sinabihan siyang hintayin si Joaquin Cardinal.

Makalipas ang ilang minuto, pinatuloy na si Connor sa opisina ng lalaki. He understood he was his older brother. Nang magtama ang kanilang mga mata, naintindihan niya ang tinatawag na lukso ng dugo.

“Oh, boy,” sabi ni Joaquin. “It happened many times, but it’s still surprising. A Cardinal?”

“Yes.”

Agad siya nitong nilapitan at niyakap, saka sinabi, “Tell me your story.”

Ikinuwento niya rito hanggang sa panahon lang na nakilala niya si Dad Richard. Alam ni Connor, kailanman, hindi niya magagawang sabihin kay Joaquin o kahit kay Dante Cardinal kung ano ang kanyang totoong trabaho ngayon. Sa lahat ng magtatanong, isa lang ang sagot—consultant siya para sa isang international company, na dahilan kung bakit siya nakakapag-travel sa kung saan-saang bansa.

“Isa ka sa mga gustong ipahanap ni Papa,” pahayag ni Joaquin.

Hindi agad naniwala roon si Connor. Madaling sabihin iyon pero nasaan ang patunay? Ni anino ni Dante, hindi pa niya nakikita. “Well, why didn’t he?”

“He did a few years ago. Hindi na niya mahanap ang nanay mo. I’m sad to hear your story, but I think your mother told Papa that she married another man and never to bother her again. Papa respected the mother’s decision always.”

“Even if it meant not seeing his own son?”

“It may be hard to understand, but sometimes, things happen in life that we have no control of. Maybe he was having a lot of trouble personally. I don’t know. Papa has a lot of children. Too many to handle. But only he will know the answers. Maybe it’s best if you ask him yourself.” Tumawag si Joaquin sa bahay at nang masigurong maayos ang kalagayan ng ama, sinabi kay Connor na tutuloy na sila sa bahay ng mga ito.

Maraming kuwento si Joaquin habang nasa sasakyan sila. Sinabi rin nito ang proseso ng pagtanggap sa isang “bagong” Cardinal, ang mga legalidad niyon, ang benepisyo.

Naging malinaw siya sa pagsasabing, “I have no plans of taking any money or being a part of the family that way… Frankly, I’m confused. I grew up with just the man I treated as my real father.”

“Then it will be a huge change to meet the entire family.” Ngumiti ito.

Nang makarating sa mansiyon, nakilala ni Connor si Alba, ang common law wife ng kanyang ama. Siyempre pa, nakilala niya ang ama. He never thought he would like the man immediately. Wala itong pinatamis na excuse kung bakit hindi sila hinanap na mag-ina. Sinabi nito ang sinabi ni Joaquin—ayaw ng kanyang ina na “makigulo” sa pamilya ni Dante at sinabing mayroon nang bagong asawa.

“Huli kaming nag-usap ng mama mo, limang buwan ka, anak. Ang sabi niya, may asawa na raw siya at dadalhin ka na raw sa ibang bansa. The USA, she said. Sabi niya, magpapakasal daw sila doon at sana raw, huwag na akong makigulo, lalo na kung hindi ako puwedeng maging ama sa `yo sa paraang gusto niya. She wanted marriage, one thing I wasn’t able to give any woman. Sino ako para tumutol kung hindi ko kayang ibigay ang ganoon sa kanya?”

Aminado ang matanda sa dami ng pagkukulang nito. Wala itong ibang sinabi kundi “pasensiya.”

Naisip ni Connor, paanong hindi niya mapapatawad ang matanda kung naging maayos din naman ang kanyang buhay? Kung sakaling kinuha siya ng totoong ama noong panahong nawala ang kanyang ina, ano sana ang naging buhay niya? Mas naging maganda kaya? Ano ba ang mahihiling niya pa sa naging buhay kasama si Dad Richard? Nakapag-aral siya sa isang magandang eskuwelahan, maraming narating na bansa. Now he was very rich. Kung ano man ang kanyang nagawang krimen, ginusto niya iyon. There was no one to blame but himself. But why blame himself when he knew he liked the thrill of it all? Besides, he had worked in banks and he knew it and a lot of big companies were the biggest legal scams in history. Capitalism had been killing the entire world for decades so why not take a little piece of earnings of those people?

Inimbitahan siya ng pamilya ng ama para sa darating na reunion na gaganapin sa mismong mansiyon ni Dante Cardinal. Nagpaunlak siya. Nang dumating ang araw na iyon, halos napatanga si Connor sa dami ng kanyang kapamilya. Everyone was warm and welcoming, but the number of people, overwhelming. Hindi lang simpleng basketball team ang kayang itayo ng pamilya Cardinal, kundi isang kulto. Ilang henerasyon ng mga Cardinal, mula anak, hanggang apo at apo sa tuhod. Little Cardinals playing around, the teenagers busy with their gadgets, the older ones talking about business and life.

Sa sentro ng lahat ng iyon ay si Dante Cardinal na sa kabila ng edad, matalas pa rin ang isip at naaalala ang pangalan ng mga apo na isa-isang nagmamano rito.

Nakatingin lang si Connor sa lahat ng iyon at hindi namamalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Kung para saan, hindi rin niya kayang ipaliwanag. Maybe it was because he had went on for so long thinking he was alone. What he craved for most was a family. Oo at hindi nagkulang si Dad Richard, pero pinangarap niya ang isang bagay na hindi siya nagkaroon.

May malaking puwang sa kanyang dibdib na wala siyang naging totoong pamilya. Wala siyang nakilalang ina, at ang alam ay wala sa kanyang tabi ang totoong magulang at malamang na iniwan lang siya. Iyon ang naisip niya noon. Hindi siya nag-abalang alamin. Para saan? Para lang makumpirma na minsan, may dalawang taong ni hindi siya ginusto para iwan at pabayaan siya sa lansangan nang walang makain, walang masilungan?

All his life he dreamt of being a father, of being a good husband, of starting a family. He was consumed with it that he would grab any chance to have it. Which explained his series of relationships. Ipinaliwanag din niyon sa kanya kung bakit sa kabila ng kapalpakan ng relasyon nila ni Nadia, hindi niya nagawang ma-resist ang babae. He was never in love with her. He was in love with the idea of a family they had planned together.

Ilang babae rin ba ang umayaw sa kanya sa katwirang nagmamadali raw siya? Ilang babae ang ilang ulit siyang naloko, pero tinanggap at tinanggap niya dahil nanghihinayang siya sa samahan? Sa nabuong foundation? And now this was right in front of him, his family of different colors, different sizes. So many people. And they were all his family.

“Are you all right, son?” tanong ni Dante, nakatungkod nang lapitan siya.

“Yes. You don’t need to stand, really.”

“Are you overwhelmed?” nakangiti nitong tanong.

“Are you?” Bigla siyang natawa.

Natawa rin ang matanda. “Oh, I love every last one of you all.”

“I’ve always dreamed of having one.”

“Hopefully not as big as this.”

Napahalakhak si Connor. “I can’t imagine how you managed, `Pa.”

“I was young and stupid. But I love all my children. I love this family. And you? Have you ever thought about settling down?”

“Many times. Many, many times.”

“And?”

Napabuntong-hininga siya. “I do believe only one woman actually caught my heart, but I failed her. I guess that’s life. You win some, you lose some.”

“Or you get up on your Cardinal ass and chase after her.”

Natawa siya. “I hope it was that easy, `Pa.”

“Kids.” Umiling ito. “You overthink things. You’re always too afraid.”

And it seems you never thought about things, just used your penis, sa isip-isip ni Connor, walang halong inis, kundi pagkamangha. Siguro, “afraid” ang pinakahuling adjective na puwedeng gamitin sa kanya kung pagbabasehan ang mga nagawa niya sa huling ilang taon kahit pagdating sa mga relasyon. Eksaktong-eksakto nga lang iyon sa pagkakataong iyon, kung tungkol kay Alexandra ang pag-uusapan. Lalo na at ang babae ang anak ng kanyang kinilalang ama. If he screwed up, it would be catastrophic.

Sinamahan sila ni Joaquin mayamaya, itinanong kung ano ang plano ni Connor sa hinaharap. In fact, he suggested a lot of things. First would be to use “Cardinal” as his surname. Dad Richard would not mind, Connor was sure. It was just that if ever, he wanted to have a chance with Alexandra.

He also wanted to retire. Hindi inakala ni Connor na darating ang panahong maiisip niya iyon. Malaking turning point sa kanyang buhay ang nangyari sa ina ni Alexandra. Ang makita kung paano umandar ang buhay nito at ni Dad Richard nang dahil sa trabahong iyon ay malaking dahilan para magising siya. It was not a game. It was not an extreme sport. Maybe it was time he grew the fuck up and focus on what he really wanted in life.

Siguro, hindi niya iyon alam noon, kung ano ang mahalaga sa mundo—dahil hindi niya maramdaman. Oo at nakikita niya ang mga iyon sa imahinasyon—isang kompletong pamilya, isang masayang buhay. But he never felt happiness in imagining it. Masarap maisip, pero walang saya. Isang idea, isang teorya, pero hindi niya maramdaman ang pagiging totoo sa paraang makakaapekto sa kanya, kaya hindi niya naisip kailanman ang pagre-retire. He had always thought it would be boring not to have a job.

But now, quite frankly, just imagining himself with Alexandra, managing a small business, living a simple and quiet life, brought him joy. How could life be boring with her? Sure, living in the city when the kids needed to study might be a downside, but with her by his side, it would be fun. Palaging may puwedeng gawin. Kahit nasa bahay lang sila, marami siyang naiisip na puwedeng gawin. Start a business, teach the kids to play baseball. On weekends, they can go to the beach or climb mountains or just travel. So many things to do, in fact.

Would Alexandra still accept him though?

Mayamaya, dumating ang isa pang kapatid ni Connor, nakatatanda rin. “Baba” ang pangalan nito. Nabanggit ng kanyang ama na matagal din nitong hindi nakasama ang anak na iyon. Hindi naging masyadong malinaw kay Connor kung ano ang naging trabaho noon ni Baba, pero base sa galaw nito, madali para sa kanyang malaman na marunong itong lumaban.

Nagkausap sila. May mga bagay na iniiwasan itong pag-usapan, tulad niya, patungkol sa kani-kanilang buhay. Sa puntong iyon, nasiguro ni Connor na may pagkakatulad sila. Mukhang madali rin para kay Baba na mahulaan.

“Life better now?” tanong niya.

Tumingin ito sa asawa at mga anak at nakangiting tumango. “Sinuwerte sa buhay.”

He wanted that look that Baba gave his wife—he wanted to look at Alexandra that way, too. Kung bakit na-inspire siya nang husto. Na-inspire siya nang todo. Naroon pa sa mansiyon ni Dante Cardinal, tinawagan na ni Connor si Dad Richard para alamin kung nasaan si Alexandra. Ang sabi ng matanda, nasa Siargao ang babae.

Kinabukasan, may pananabik siyang makita si Alexandra. Inspirado talaga siya. Bumili siya ng bulaklak sa box at dinala iyon sa Siargao. Pagkatok sa pinto ng cottage ni Alexandra, nabura ang kanyang saya nang ismid ang isagot nito sa kanyang ngiti at “Hello.”

Nakaismid na nga, ang tanong pa, “What the hell are you doing here?”

“ATE, MAG-SURF ka? Ang ganda mo po talaga!”

Napangiti si Alexandra habang nakatingin kay Intoy na tumatakbo palapit sa kanya. Ugali nitong tawagin ang kanyang atensiyon kahit nasa malayo pa.

“He’s right, you know,” sabi ni Connor.

Hindi alam ni Alexandra kung ano pa ang kailangan ng lalaki. Nang matapos ang kanilang problema kay Robert, bumalik siya sa Siargao para mag-isip ng plano para sa hinaharap. Sa totoo lang, wala pa siyang solid plan. Gusto lang muna niyang magkaroon ng katahimikan. Her father understood. Siguro, kahit ito, gustong magkaroon ng kaunting panahon para ipagluksa ang asawa.

“What do you want, Connor?”

“I just came to give you flowers.”

Tinanggap niya ang magandang arrangement sa isang box. “Now what?”

“Nothing else.”

“Good.”

Nakalapit na si Intoy. Hinawakan ni Alexandra ang kamay ng bata at sabay na silang nagpunta sa dagat. Hindi mataas ang alon kaya nag-swimming na lang sila. Itinanong ng bata kung sino raw ba si Connor. Ang sabi raw ng nanay nito, asawa niya ang lalaki.

“Naku, hindi totoo. Joke lang `yon.”

“Kasi po, `di ba, ang mag-asawa magkasama?”

“Oo. Kaya nga hindi ko siya asawa kasi hindi naman kami magkasama.”

“Pero may crush ka po sa kanya?”

“Wala. Ikaw talagang bata ka. Bakit ba puro crush-crush ang naiisip mo? Ang bata-bata mo pa, eh.”

Ngiti lang ang isinagot nito. Nagkasiyahan sila, pero hindi maiwasang mailang ni Alexandra dahil alam niyang nandoon si Connor. Nararamdaman niyang pinagmamasdan siya ng lalaki at naiilang na siya. Nagyaya na rin siya mayamaya na bumalik sa beach. Naupo sila sa buhangin at gumawa ng sand castles.

“Puwede ba akong makisali?” tanong ni Connor.

Tumango si Intoy. Hindi umimik si Alexandra. Mayamaya, tinawag ng ina si Intoy na agad na nagpaalam. Naiwan sila ni Connor. Nakaramdam siya ng inis. Kung nandoon ang lalaki, hindi siya magkakaroon ng peace of mind.

“Tell me what you want, Connor.”

“I just want to spend some time with you.”

“For?”

“Kailangan ko ba ng paliwanag para doon?”

“Natural.” Nalukot ang kanyang mukha. “Wala akong tiwala sa `yo. Hindi ka pupunta dito nang walang hidden agenda.”

“I just wanna be with you and that is all.”

Hindi nakaimik si Alexandra dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Mayamaya, naisipan niyang itanong, “Nanggaling ka sa papa mo?”

“Yes.”

“How was it?”

“Overwhelming. I never thought I had so many siblings. The clan is huge. All my life, I lived knowing I just had Dad. Suddenly, I have a family that can literally cause a stampede.”

Natawa siya. Malaking bahagi ng kanyang buhay ay sa Pilipinas naganap. Kilala niya kung sino si Dante Cardinal at alam kung gaano karami ang anak nito. Hindi lang niya inasahan na isa si Connor sa mga iyon.

“Now you know whom you got it from.”

“Got what from?”

“Your being a womanizer. I’m not judging your father, but come on.”

MAY HUMAPLOS na lungkot sa puso ni Connor. Malinaw na iba ang tingin sa kanya ni Alexandra at hindi niya ito masisisi. Sa tingin nito, ipinagpalit niya ito kay Nadia, na may bahid naman ng katotohanan. Wala siyang artificial na excuse kundi naging tanga siya. Ang nangibabaw sa kanya sa puntong iyon ay ang samahan nila ng Italyana. Naisip niya, tulad ng madalas maisip sa lahat ng nagdaang babae sa kanyang buhay, na may pundasyon sila ni Nadia. Isang pundasyong nang ikumpara niya sa kanila ni Alexandra ay naisip niyang mas matimbang.

Matagal na sila ni Nadia, habang sila ni Alexandra ay nagkasama lang nang dahil sa isang kalokohan ni Sergio. Alexandra was like him, a criminal, he thought. Anong klaseng pamilya ang magkakaroon sila? Hindi ganoong pamilya ang pangarap ni Connor sa buhay. Pero nagkamali siya. Malinaw na sa kanya ngayon. Walang silbi ang pamilya kung walang pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa.

Gustong mainggit ni Connor kay Intoy, ang batang iyon na madalas nakahawak sa kamay ni Alexandra. Habang siya, hindi man lang makalapit.

“Kukuha po ako ng minatamis, Ate,” paalam ni Intoy.

“Lucky kid, to be able to hold your hand.”

“Can we get something straight here, Connor?” sabi ni Alexandra, bahagyang naiinis. “If you’re here to try to be romantic with me in any way, you can pack your bags and leave. I’m not interested. You’re wasting your time. Don’t let me call Dad and tell on you.”

Ouch. Masakit iyong marinig. Mas masakit na gusto pa siya nitong isumbong sa ama, ang lalaking nagpalaki sa kanya, na parang may ginagawa siyang napakasamang bagay. What was wrong with wanting to be with her anyway?

“Why can’t you give us another chance?” tanong ni Connor.

“Chance? Nagkaroon ba talaga ng tayo?” balik-tanong ni Alexandra.

“Of course.”

“Yeah, right. Where is Nadia anyway?”

“I don’t know. In Italy? We’re no longer together.”

“I heard that before. Twice. Two months ago I also heard you’re still with her. Not that I ask, but Dad likes to volunteer information.”

“It’s real both times. When we were together in Vegas, Nadia and I weren’t together. Ganoon din noong huli.” Pinakatitigan ni Connor si Alexandra. Baka sabihin na naman ng babae na mayroon itong boyfriend. Alam niyang wala. Dad Richard told him that. Naitanong iyon ng matanda kay Alexandra at sinabi ng babae na wala.

“You are a womanizer. I don’t think I can be with you.”

Napalunok siya. “Hindi naman.”

“I stopped and thought about things, Connor. I want the best man I can possibly have. Come on, we both know that’s not you.”

Kung may literal na talim lang ang mga salita, kanina pa siya bumulagta. Mas masakit ang sinabi ni Alexandra ngayon dahil totoo iyon. He was a criminal. He was not exactly the kindest person in the world. Ano nga ba ang maiaalok niya rito? Bakit ang lakas ng kanyang loob?

“You’re right. I’m far from being the best.”

“Yes. That’s why I will never like you that way. I’m sorry. Pero tanggapin na lang natin ang totoo, Connor.”

“Well…” Tumayo siya. He smiled to let her know he was okay. If she only knew she broke his heart. The only woman who really, actually broke his heart. “I will get packing and hopefully, I can find an early flight tomorrow.”

Tumango si Alexandra. Tumalikod na si Connor. He was a fool to think he even had a tiny chance to get her back. If only he could con her, he probably would. But then, what was the use of that? Ang makuha ang taong mahal mo sa panloloko?

Halos hindi nakatulog si Connor nang gabing iyon sa cottage na nirentahan. Katabi lang iyon ng cottage ni Alexandra. Naka-book na siya para sa flight kinabukasan, pero isang bahagi ng kanyang puso ang umaasa. He wished for scenes in movies where things will change at the last minute. Iyong kung kailan wala nang pag-asa ang bida, saka magkakaroon ng liwanag.

But the very next day, Alexandra did not even say good-bye. Ni hindi ito nakita ni Connor. Ni hindi siya inihatid ng tanaw kahit magkatabi ang cottage nila. Too much for romance from movies. He should have known those were all fake.