noveltoon logo noveltoon
Danilo Cardinal (Cardinal Bastards Series 6)

Chapter 10

Ch. 10 / 25 Apr 09, 2022

“N ICE dress.”

Hindi na lang pinansin ni Alexandra ang pang-iinis ni Connor. Naririnig niya ito mula sa earpiece. Magkasama sila sa Regal Queen of the Seas. Nasa lobby ang lalaki, habang siya ay nasa pasilyong abot ng tanaw nito. Hindi sila nag-book nang magkasabay at hindi rin magkapareho ang port na pinanggalingan. As far as records are concerned, they were not together. Pareho silang nasa first class cabin, pero magkalayo ang mga kuwarto nila.

She was wearing a floral dress that only a spinster without any fashion sense would wear. Kailangan niyang magpanggap bilang ibang tao, isang bagay na hindi ginawa ni Connor. Para doon yata kaya parang natatawa ito sa kanya. Personal na desisyon iyon ni Alexandra at kung masyadong mayabang si Connor para hindi mag-disguise, puwes problema nito iyon. Sakaling mahuli sila at magkaroon ng police lineup, madaling matutukoy ang lalaki. Kahit sa mga video surveillance, madali itong makikita. Isang estupidong desisyon iyon, sa palagay ni Alexandra. The man was too arrogant, seriously.

“Just do your job,” sabi niya.

“I am doing my job. I just like mixing business with pleasure. You obviously don’t know how to have some fun. A word of advice, honey, this job will make you lose your mind if you don’t learn to loosen up a bit.”

“You don’t know me so don’t—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin at napabuntong-hininga na lang. Hanggang maaari, ayaw sana niyang palaging makipagtalo sa lalaki. “Just shut up!”

“Love the hair, too.”

“Shut up or else.” May wig na suot si Alexandra; isa siyang redhead sa barko.

Naglakad na siya papunta sa lobby. Kahapon pa niya naikot ang area na naka-assign sa kanya. Hindi masyadong mahigpit ang seguridad sa ibang area ng barko, pero mahirap lusutan ang mga camera sa entrace at exit. Salamat na lang at may disguise siya.

Security was tight overall though. Bawat pasahero, may key card at onboard credit card. Maraming tao sa cruise ship. May deck na exclusive sa mga first class passenger, kahit ang exhibit ng Faith Diamonds—ang pangalan ng nanakawin nilang diamonds—ay bukas para sa lahat. Ang mga tao sa first class, parang may party na pupuntahan. Sa alahas pa lang na suot ng mga ito, puwede na silang mag-uwi ng kayamanan. Pero imposible ang ganoon kalaking heist, bukod pa sa kailangan ng matinding puwersa, isang bagay na hinding-hindi niya gagawin.

Halos hindi makapaniwala si Alexandra nang ma-realize na dumadaan din sa kanyang isip ang posibilidad ng pagnanakaw sa mga alahas ng nakasakay sa barko. Ano na ba ang nangyayari sa kanya?

Nagsimula na siyang mag-ikot. Hindi kumukuha ng biometrics camera ang barko sa mga pampublikong lugar, na normal lang siguro para sa isang cruise ship. May mga CCTV camera, maliban sa mismong cabin at restrooms. May ilang camera na may kahinaan ang anggulo at nag-note siya kung nasaan ang mga iyon. May nakasuksok na hidden camera sa kanyang bag para mamaya, puwede niyang balikan ang mga nakikita ngayon. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi perpekto ang plano. Kung sana kasimbusisi niya ang kanyang so-called partner na ni hindi nag-abalang itago ang mukha.

Ang showroom kung saan nandoon ang Faith Diamonds ang pinakaguwardiyadong lugar. Importanteng walang makalusot sa kanila na security protection. Sumabay siya sa mga turistang papasok sa showroom. Malawak ang lugar, hindi lang ang mga diamond ang naka-display, kundi maging ibang alahas, lahat mamahalin, pero wala silang balak kunin ang lahat. Ang dalawang pinakaimportanteng piece lang.

“I think I know somebody who can help us a bit.”

“Great,” bulong ni Alexandra. Kailangan nila ng isang empleyadong magpapahiram ng key card para magkaroon sila ng access sa mga importanteng bahagi ng barko.

May auto-lockdown ang mismong showroom ng barko. Mahigpit din ang seguridad kaya mabilis na mala-lock ang bawat exit ng deck kung magkaroon ng hindi inaasahang kaguluhan, na malamang na mangyari. They needed to leave the crime scene as soon as they can.

Nasa dalawang pedestal ang Faith Diamonds, three feet ang agwat ng mga pedestal sa isa’t isa. May nakapaikot na velvet rope sa dalawang pedestal.

“The pedestals have vibration sensors. If touched, the alarm will be tripped,” sabi niya kay Connor. “There are temperature sensors. The room has controlled temperature when closed. We’ll get detected. Motion detectors spotted around the pedestals, two feet.” Ibig sabihin, two feet pa lang ang layo nila sa diamonds, tutunog na ang alarm. Kaya may velvet rope na nakapaligid doon. Sino man ang lalagpas sa tali, makakapagpatunog ng alarm.

Kailangang subukan ni Alexandra ang iba pang sensor na nandoon kaya hinayaan niyang makalayo ang mga turista, nagpaiwan siya sa pedestal. Napansin niyang dalawang guwardiya ang parang naalerto.

“Motion saturation detector,” sabi niya, parang gusto nang manghina. Napakaraming alarm system, at paano niya masisisi ang security provider ng barko? Isang malaking karangalan ang mag-ikot ng historical jewels na ito. They needed to protect it from burglars like herself.

Lumabas na rin siya ng showroom. Panay ang mental note niya, ginagawan ng paraan kung paano ma-bypass ang alarm systems. It was doable, but they needed to do it in ten minutes, escape included. Ang problema, hindi doon gagawin ang pagba-bypass ng ibang alarm system at malayo-layo ang tatakbuhing distansiya; baka doon pa lang, ubos na ang sampung minuto nila.

“Connor?” sabi niya, pero hindi na sumasagot ang lalaki. Tumuloy siya sa cabin, handa nang maglista ng mga gagawin. Dalawang araw lang ang mayroon sila para maka-exit sa Caribbean. “Connor?” ulit niya sa headset. Muli, hindi sumagot ang lalaki.

Nagsimula na siyang kabahan. The worst case scenario would be him, getting found out with his gadgets and having the authorities look for his accomplice—her. Kailangan niyang maitapon agad ang mga gamit kung iyon ang nangyari, pero paano niya gagawin kung hindi siya sigurado? Magsasayang siya ng napakalaking pera at effort kung iyon ang kanyang gagawin. Bukod doon, uulitin nila ang lahat ng mga natapos na nilang gawin. Kailangan niyang makita ang lalaki kaya mabilis niyang itinabi ang mga gamit, siniguradong hindi agad iyon makikita kung may papasok sa cabin.

Lumabas na ng cabin si Alexandra, nagsimulang maghanap sa kanyang so-called partner in crime. Wala na ang lalaki sa lobby kung saan naroon kanina. Wala rin ito sa kahit na saang open public area na nadaanan niya kanina. Tumuloy siya sa twenty-four hour bar. May mga tao na rin doon, pero kakaunti lang.

Mabilis niyang pinadaan ang mga mata sa lugar, wala si Connor. Tumuloy siya sa pasilyo papunta sa banyo at bahagyang nasorpresa nang maabutan doon ang lalaki, at hindi nag-iisa. Nakapuwesto ito sa bahaging hindi naaabot ng camera, agad niyang napansin. Walang problema kahit nasa direktang anggulo siya ng camera, suot pa rin niya ang costume.

The overpowering scent of the incense from the bathroom was probably perfect for the gaudy scene she witnessed. The pig was kissing a woman in the cruise ship’s bar’s uniform. Taga-bar ang babae at ito pala ang pinaglaanan ng oras ni Connor. Kung si Alexandra ang may-ari ng cruise ship, malamang na sisante na ang babae.

Obviously, hindi lang ang babae ang hindi gumagawa ng trabaho nito, kundi pati si Connor. How dare he do this in the middle of an important job! Baka mapahamak pa sila sa kalokohan nito! Work was work and flirting was not a part of their job—much more kissing a woman who now could obviously recognize him! Bigla siyang nanggigil. Hindi lang bilang isang co-worker na nalamangan sa trabaho, kundi dahil sa potensiyal na malagay sila sa peligro dahil lang sa ganoong rason. Kailangan pa bang ipaalala dito? Ano ang karapatan nitong magsayang ng oras at isugal ang safety nila para makipaglandian?

The woman looked like the Hollywood stereotype bimbo. She was blonde, tall, blue-eyed, wearing a red shiny lipstick.

Men! sa isip-isip ni Alexandra, kahit nabigla rin sa sarili. Kailan pa siya naging judgmental para mapansin kahit ang hitsura ng babae? Hindi lang niya maiwasang isipin na ibang-iba talaga si Preston kay Connor.

“Do you know her?” tanong ng blonde kay Connor.

Noon lang naintindihan ni Alexandra na mali ang kanyang ginawang pagtingin sa dalawa. Dapat kanina pa siya tumuloy sa banyo, sa halip na tumingin sa mga ito na parang karagdagang attraction sa barko.

“She’s been following me around. I think she likes me. Don’t mind her, love. I have my eyes only on you.”

“Excuse me?” automatic na sabi ni Alexandra.

“Oh, darling, please. I’m not trying to insult you, but you are not my type. I don’t think the feeling is going to be mutual.”

Kung naiba-iba ang sitwasyon, kanina pa nabulyawan ni Alexandra ang lalaki. Pero nagising na siya sa pagkabigla. This was already a bad move on her part. Hindi na niya pinansin si Connor at tumuloy sa banyo, pero narinig pa niya ang sinabi nito sa babae.

“That woman is really very desperate.”

Ano ba ang naiisip ni Connor? Bakit napaka-immature nito? It was not the time to play games. They were going to steal the year’s most sought-after jewels and he was acting like some spoiled frat guy. Hindi maintindihan ni Alexandra na kung bakit sa lahat ng tao, si Connor pa ang ipinares sa kanya ni Luca. What made the old man trust Connor with a job as delicate as this one? At bakit ang lalaki ang naisip ni Luca na puwede niyang makasama kung wala silang chemistry pagdating sa trabaho? Pagdating sa kahit na ano, sa totoo lang. They hated each other’s guts, it was clear.

Pagkatapos ng trabahong iyon, hindi na siya tatanggap ng kahit na ano pang trabaho kung si Connor ang kanyang makakasama. Seryoso siya sa trabaho, may code of ethics, professional. Hindi ganoon ang lalaki.

Lumabas na rin siya ng banyo mayamaya. Wala na si Connor at ang babae nito sa labas. Imbes na tumuloy sa cabin, nagpunta siya sa deck para sumagap ng sariwang hangin, sa bahaging hindi tanaw ng camera. May mga camera na puwedeng makapagsabi kung sino ang mga tumuloy sa gawing iyon, pero madaling iwasan ang mga camera na iyon, at iyon ang kanyang ginawa. She needed the ocean breeze. She needed it now. Mainit pa rin ang kanyang ulo.

Lumingon si Alexandra sa pinanggalingan para lang makasiguradong safe siya sa mga mata ng tauhan ng barko, pero nakita niya si Connor na parang palapit sa kanya, nag-iisa. He could avoid the cameras but the idiot did not do that. He walked up to her like it was nothing.

Humarap siya sa dagat. Nang makalapit, tumabi sa kanya ang lalaki. He gave her a playful nudge.

“What?” tanong niya, asar.

“Have I done anything wrong?”

“You came to me like an idiot, without even thinking about the cameras surrounding the place, that’s after flirting with a woman, who works here and can clearly recognize you now… and you’re asking me if you did something wrong? I can’t even begin to tell you just how incompetent you are!”

“You are too careful, it takes the fun out of the job.” Ngumiti ito. “Do you honestly think that we will get caught?”

“With your incompetence, I sure hope not.”

“I’m incompetent?”

“Aren’t you?” Mapakla na ang boses ni Alexandra. Paano niya pipigilan ang sarili? This man was irritating her. Hindi niya maalala ang huling taong nakapaghatid sa kanya ng ganoong pakiramdam o kung mayroon ba. Para siyang isang batang nananahimik pero inaasar ng isang kalaro. The thing was, it was not a game. Ano ang sinasabi nitong “take the fun out of the job” kung ang kapalit ng kanilang “fun” ay ilang taong pagkakakulong?

“Well, if you must know, I was working.” Parang magic na biglang may hawak nang card si Connor.

Umarte si Alexandra na parang hindi na-impress, kahit bigla siyang natuwa. “What the hell is that?” Of course she knew it was a key card. Iyon ang key card para makapasok sila sa mga area na pili lang ang mga empleyadong may access.

“Please don’t tell me you got that from the girl. I doubt she’d be given that.”

“Acutally, I got this from her boyfriend.”

“I don’t understand.”

“Her boyfriend works as a security personel and the only way to get him out of the control room is to tell him that his girlfriend is flirting with a passenger.”

“How did you—”

“You didn’t stay long enough to see them fight. As they were fighting, I took the card.”

“Okay. How did you even do that? Not taking the card but telling the man about his girlfriend? How did you even know that he has a girlfriend?”

“You know, if you don’t talk to people around you and you just observe how they operate, it would take you such a long time to know important information. Try talking to them sometime.”

“And reveal my face?”

“If you’re not gonna get caught and you’re using a fake passport, what’s the big deal?”

“Face recognition programs?”

“Won’t stand alone in court. Circumstantial evidence.”

“Sure, but they can tail you and spy on you.”

“Part of the challenge.”

“The challenge?” She sighed. Siguro nga, magkaibang-magkaiba sila ng opinyon tungkol sa trabahong iyon. He seemed to be enjoying it to the hilt. Inamin ni Alexandra sa sarili na may dalang thrill sa kanya ang lahat ng iyon, pero hindi sa level na katulad ng kay Connor. She wondered if she would ever get to reach that same point in that world. Iyong parang kasiyahan na lang at laro ang trabaho.

Hindi na siya nagtaka kung paano nito nagawan ng paraan ang pagsasabi sa security personnel ng tungkol sa girlfriend niyon. He could have told someone who knew the guy or sent a note. Hindi na rin siya nagtaka na marunong itong mandukot. She, too, was skilled in the department, thanks to her mother. Katulad ng maraming bagay na hindi normal na natututuhan ng isang tao, may mga laro din silang mag-ina noong bata siya na naging dahilan para ma-improve ang ganoong skill niya.

So many memories now made sense to her. Iyong ilang ulit na sinabi ng kanyang ina na na-lock out sila sa bahay o may isang pinto sa loob ng bahay na hindi mabuksan at nawawala ang susi at kailangan nilang gumawa ng paraan para mabuksan iyon. It happened several times and her mother would always show her how to open doors. Naaalala niyang sinasabi nito sa kanyang natutuhan nito ang mga ganoong technique sa isang tiyuhing isang locksmith.

Naalala ni Alexandra ang mga pagkakataong may nabili raw itong isang novelty item sa France, isang kakaibang jack-in-the-box na kailangang hugutin ang mga nakasuksok na card sa katawan ng box, kung hindi ay lalabas ang clown. Takot siya sa clown kaya pinagbutihan niya ang pagkuha ng mga card para hindi madale ang makinaryang nagkakabit sa box at para hindi bumulaga ang clown.

And then there were also ballet classes. Ngayon niya naiisip na kahit ang mga iyon, kasama sa paghubog sa kanya ng ina. She learned to be bendy. Wala pang dalawang buwan sa ballet lessons, dalawa silang mag-ina na nagpa-practice sa bahay, naglalaro ng Twister. Body movements were integral, knowing her body well was integral in that kind of job.

Lahat ng iyon at marami pang iba, ang dahilan ngayon kaya naitatanong ni Alexandra sa sarili kung naisip ba ng kanyang ina noon pa man na darating ang panahon na magagamit niya ang lahat ng iyon. Why did structured schooling never become an important part of her education? Hindi kailanman naging mabusisi ang kanyang ina sa mga grade niya sa school. She had always believed that learning came not only from school but more from travel, learning about cultures and history.

“How much time does that give us?” tanong niya kay Connor.

“I’d say four hours.”

“Four hours? You’ve got to be kidding me.”

“We need to take this chance, Alexandra.”

“We’re in the middle of the ocean, how the hell can we get the jewels out of this ship?” Nababaliw na yata ang lalaki. Ang plano ay plano at ngayon, mababago iyon? Kung magagawa man nilang kunin ang jewels mula sa pedestal na kinalalagyan ng mga iyon, paano nila mailalabas ng barko? There would surely be a lockdown. Hahalughugin ang mga cabin. Panonoorin ang mga video. Hindi titigil ang mga tauhan hangga’t hindi nakikita ang jewels. Kaya nga ang una nilang plano, gawin ang pagnanakaw kapag padaong na ang barko.

“I will take care of it. Trust me on that.”

“I can’t trust you! You need to tell me what you have in mind.” Hindi puwedeng ganoon na lang. Silang dalawa ang nakakontrata sa trabahong iyon kaya dapat sila pareho ang nakakaalam.

“What are you so worried about? The diamonds are too small and this ship is huge.”

“You can hide it but how the hell can you disembark from the ship? We will all be searched and you know it. There will be scanners, X-rays. How the hell do you plan to get through those? Why couldn’t you have taken that card tomorrow? And in four hours, they will definitely be more careful, if the boyfriend turns out to be an honest man and reports his card has been tampered. Let’s hope he isn’t one of those types.”

“First of all, if we don’t do this now, we can’t do it tomorrow. I told you, talk to people around. Even the housekeeping personnel knows that all of them will get briefed tonight. There will be a complete change of routines by twelve midnight. It’s possible that the exhibit will be closed and the jewels be moved to the captain’s quarters. Or didn’t you know?”

Parang gustong mapahiya ni Alexandra dahil hindi niya iyon alam. Pamilyar siya sa mga ganoong procedure na hindi alam ng ibang tagalabas. Kung minsan, ang nasa exhibit, hindi na authentic kundi replica na lang dahil protektado na ang totoong mga jewel o painting. Oh, how she hated it when Connor was right.

Tumuloy sila sa kanyang cabin. Inilabas ni Connor ang isa pang phone. Seryoso na ang lalaki. Nagtanong ito tungkol sa mga impormasyon na nakalap ni Alexandra. They started making the plan together. Pareho sila ng itinatakbo ng isip. Connor was sharp and technically meticulous, just like her. Pilit siyang naghanap ng butas sa kanilang plano, pero wala siyang makita. Ang nakikita lang niyang kahinaan ng plano ay kung malalaman nang mas maaga ng may-ari ng key card na nawala iyon, dahilan para maagang mapalitan ang code.

“Poor guy. He lost a girlfriend and will probably lose a job, too,” sabi niya.

“Say he wouldn’t know his card is missing, then he’s not a very good employee, is he? If he did find out, and refused to tell anyone, how could he be trusted? And a girlfriend who would kiss a stranger? Better not to have a girlfriend at all.”

“Says the man who flirts with every woman he can find.”

“I am always loyal to my girlfriend. I don’t have one at the moment and even if I did, a job is a job. Ready?”

Tumango si Alexandra. She was not ready. She would never be. But her adrenaline was on fire. “Let’s do it.”