noveltoon logo noveltoon
Danilo Cardinal (Cardinal Bastards Series 6)

Chapter 7

Ch. 7 / 25 Apr 09, 2022

“T ALK to me, Mama,” pakiusap ni Alexandra sa isang picture. Picture iyon ng kanyang ina. Mismong siya ang kumuha niyon. The photo was two years old. Ang huling bakasyon nila na magkasama. Ayaw sana niyang sumama noon dahil ang pangarap niya, siya ang gumastos ng isang magandang bakasyon para sa ina kapag may trabaho na siya, pero hindi niya nagawa. Ang mama niya ang nagyaya at sumagot ng lahat. The vacation was in a place she had fallen in love with at a very young age—Prague.

They goofed around Saint Charles Bridge, like they always did. Napakasaya ng isang linggong magkasama silang mag-ina, tulad pa rin noong bata siya. Her mother had always been very energetic. Sa edad nito noong nagbakasyon sila na fifty-seven, magkasinliksi pa rin sila. They had nice dinners, went shopping, became tourists in a place they knew well. May anim na buwan din silang tumira doon noong bata siya. She was fifteen years old when they lived there for a while. Iyon ang huling taon ng kanyang ina sa pagiging “editor.” Of course, now, Alexandra knew better. Siguro, may malaking trabaho ang kanyang ina sa lugar na iyon noon kaya kinailangan nilang doon magpalipas ng anim na buwan. Hindi naman nahinto ang kanyang pag-aaral dahil nagawan nito ng paraan para makahabol siya sa school year sa Pilipinas na tatlong buwan nang nakapagsimula noon. She did not know what her mother did. She never questioned her abilities. She should have known better.

Nasa bahay sa Pilipinas si Alexandra. May init at sakit siyang nakapa sa dibdib. That place would always remind her of how happy she was as a child, playing with her mother, learning with her mother, watching her mother read book after book after book. Wala yatang araw na hindi niya nakita ang ina na nagbabasa ng libro. Some of those books were still there.

Tumayo siya at lumapit sa bookshelf. They were mostly history books. Malinaw sa kanyang may hinahanap ang kanyang ina sa mga librong iyon. It seemed that her mother was captivated by the stories within those pages. Naunawaan ni Alexandra na buong buhay niya, may naging obsession ang kanyang ina sa isang bagay na noon pa mang bata siya ay naikuwento na nito sa kanya, pero hindi niya naisip na mula sa historical fact.

Lahat ng mga bagay at kuwento nito, itinuturo siya sa isang bagay at isang bagay lang—the story of the lost city of gold. Ang inakala niya noon na isa lang imbentong kuwento, may lugar pala sa kasaysayan. Alam niya dahil sa ilang buwang pag-aaral doon.

“Pizza Man” was in fact a real man. He was a Spanish conqueror named “Pizzaro.” “Wally” was in fact “Atahualpa,” the last soverign emperor of the Inca Empire. The king that Pizzaro was serving was no other than the King of Spain, Charles V. Totoong may kapatid si Atahualpa na naging kalaban nito sa pagiging pinuno ng mga Inca at nagkaroon ng madugong labanan ang dalawa.

However, the history books said that Pizzaro defeated Atahualpa and that he was captured, then put to death by garrote after a series of events, including an hour-long fighting between Atahualpa’s men and the greatly outnumbered army of Pizzaro. It was indeed about two hundred Spaniards versus eighty thousand Inca warriors, though history books claimed only five thousand Incas were ambushed by Pizzaro and his men, as the rest of the eighty thousand warriors waited from afar.

The lost city of gold was called “Paititi,” a myth now. Ayon sa mga libro, ang Paititi daw ay lugar sa loob ng Amazon jungle kung saan itinago ni Atahualpa ang mga ginto nito. Ayon din sa ibang nakasulat, nag-demand ng malaking ransom si Pizzaro nang mahuli nito si Atahualpa. Ginto at pilak na kayang pumuno ng ilang kuwarto. However, this treasure was never recovered. Hindi alam kung nasaan na.

Sa tinagal-tagal ng panahon, sa dinami-rami ng explorer na nagtangkang hanapin ang Paititi, wala ni isang nagtagumpay. This was the reason why it was a myth. And Alexandra’s mother’s obsession seemed focus on this myth. It seemed she tried her best to find it. And it seemed she had hit the mother lode. Iyon lang ang paliwanag kung bakit ito pinatay, kasama ng ilang librong research nito.

Alam ni Alexandra na nawala ang mga libro dahil wala na ang mga iyon sa bahay. Bata pa lang siya, sinusulatan na nito ang mga librong iyon. Huge leather bound books. Decades worth of endless research all written down by hand, now gone. Lahat ng iyon, kinuha ng mga taong hindi niya alam kung sino. Hinalughog na niya ang bahay at walang nakitang kopya niyon. She was running out of time and out of funds.

Ang magpunta sa Peru ang una niyang ginawa nang makuha ang pera kay Connor at gumawa roon ng sariling paghahanap at imbestigasyon. After all, her mother spent a lot of time there. Ni hindi tumira ang kanyang ina sa address na ibinigay nito sa kanya noon. Cell phone ang numero nito noon sa Peru. It was impossible to trace now.

Nagpunta siya sa iba’t ibang ahensiya, nagtatanong tungkol sa kung may mga explorer at expedition papasok sa Amazon jungle. Private individuals, whoever was interested to come inside the jungle to search for the lost city or gold, or anyone suspicious. Kahit ang locals na nagtatrabahong guide, natanong niya. Apat na buwan siya roon, para lang mabigo. Ang mga nakita niyang archeologist, iyong mga noon pa nagtatangkang hanapin ang Paititi. There were newcomers, but they were small-time and some were illegal even, according to locals.

It was a hard task, trying to eliminate every possible suspect. Hell, it was impossible to find all of them! It was like finding a needle in a haystack. Idagdag pa sa lahat ng iyon ang masasamang loob sa mismong Amazon jungle. Some planted opium there. Maybe she was acting like a fool but she was desperate. Pero sa loob ng apat na buwan, marami siyang natutuhan at nadagdagan ang kaalaman tungkol sa Paititi. Sadly, the most important thing she learned was there was absolutely no way for her to find out who took her mother’s books by searching for Paititi explorers. Magiging imposible rin para sa kanya ang maging ligtas kung papasok siya roon. Marami na ang namatay at nawala.

“Why didn’t you tell me, Mama? Why didn’t you trust me enough to tell me your secrets?” sambit ni Alexandra. Minsan, dala ng pagkadesperado, nai-imagine niyang siya mismo ang papasok sa Amazon jungle kung mayroon siyang mapa. Sigurado siyang kung nasa kanya lang ang mga libro ng ina, mahahanap niya ang Paititi. Ganoon katindi ang paniniwala ni Alexandra sa ina. Wala siyang pakialam kahit logically, dumaan sa kanyang isip na kung iyon ngang archeologists, historians, explorers, hindi pa rin nakikita ang nawawalang siyudad, paano pa ang kanyang ina na hindi expert?

There were people who spent more time than what her mother spent trying to look for that lost city but they were not successful. Alexandra was aware of it. Hindi siya interesado sa mga ginto at yaman na nasa nawawalang siyudad raw. Ang gusto lang niya, mahanap ang mga pumatay sa ina at hindi makuha ng mga ito ang ginto at yaman. Her job was not only to find her mother’s killers but also make sure that her hardwork would not end up in the hands of those people. Siguradong sa ngayon, may kopya na ang libro ng kanyang ina. Someone would find those treasures and her mother’s lifetime work would be disrespected.

Muli niyang pinagmasdan ang picture ng ina. The woman had a gentle, lovely smile on her face. Matagal nang tanong noon ni Alexandra kung bakit hindi na nag-asawa pa uli ang ina kahit sa palagay niya, kaya nitong makuha ang kahit na sinong lalaking gustuhin. Sa picture, isang maganda at traditional na babae ang kanyang ina, feminine, pustoryosa. Sa isang taong hindi nakakaalam na sports ang hobby nito, ang unang maiisip ay traditional itong babae. Of course, she was not. Wala itong girls’ night out, ni walang masasabing malapit na kaibigan. Ang kakilala lang niyang kakilala nito bukod kay Francine ay si Manang Oryang, ang katiwala sa farm na madalas nilang puntahan noon para sa target shooting. Napuntahan na ni Alexandra ang matanda, pero ulyanin na, hindi na nakakakilala. Ang sabi ng anak ng matanda, minsan daw nagbabalik ang alaala ni Manang Oryang at kapag ganoon ang nangyari, agad siyang tatawagan. Naalala ni Alexandra ang sinabi ng kanyang ina na kakilala nito ang may-ari ng farm, pero wala ang may-ari sa Pilipinas at dekada nang hindi umuuwi.

Alexandra always believed her mother was a simple woman. Naisip niya noon na siguro may mga babae talagang mas gustong mapag-isa sa buhay at hindi naghahanap ng boyfriend. Now, looking at the photo, she could not help but think that she was a stranger. It was painful to have that in her heart.

Naalala niya ang sinabi ni Francine sa kanya, isang salita raw—“Fantasma.” It meant “ghost” in Italian. Kung isang clue ang sinabi ni Francine, ibig sabihin, iniisip nitong ang kanyang ina si Fantasma, isang career criminal na walang mukha at walang pangalan kundi iyon lang. Fantasma had eluded the clutches of the police for decades. One of the Interpol’s most wanted. Bago pa man siya isilang, gumawa na ng pangalan sa larangan ng burglary si Fantasma.

The word “Fantasma” was an Italian word in masculine form. Nagpapahayag iyon na isang lalaki ang magnanakaw. Nabasa na niya ang mga kaso ni Fantasma, kahit hindi lahat dahil marami-rami iyon. Tatlong kaso lang ang kanyang binasa at hindi niya matanggap na ang kanyang ina ang gumawa ng lahat ng iyon. Dahil kung ganoon, ang ibig sabihin, napakarami nitong nanakaw. Fantasma stole important pieces of art—Caravaggio, Rembrandt, Picasso, among many others.

Nabigla si Alexandra nang mag-ring ang kanyang phone. It was Preston. “Hi. How are you?”

Kahit paano, nakapagdulot ng init sa kanyang dibdib ang marinig ang boses ng lalaki. “I’m not doing very well, Preston.” Disappointed siya sa sarili. “I still haven’t found who murdered her. I don’t want to lose hope, but I’m starting to think I will never know who did it.”

“Then come back. Come back.”

“How can I come back there knowing that I allowed the killers to win? It’s my mother, Preston.” Napaluha siya. “I can’t rest until I find them.”

“I know this is not a good time, honey, but I want to know if you have plans about us.”

“Of course. Nothing changed. I still love you. I still wanna marry you.”

“How do you survive there?”

“Mama left some money and I’m using that,” pagsisinungaling niya. Wala rin siyang ideya kung nasaan ang pera ng ina. Iyon ang isa sa pinakamalalaking dahilan kung bakit hindi niya matanggap ang teorya ni Francine na si Fantasma at ang kanyang ina ay iisa lang. Her mother never lived in luxury ever. Ang mga mamahalin nitong gamit, binili dahil sa tibay ng mga iyon, hindi dahil sa tatak. She never owned designer purses, except a few she could use on special occasions. If her mother was Fantasma, where was all her money?

Sa katulad na dahilan din naman, kung ang kanyang ina si Fantasma, malamang na iyon ang dahilan kung bakit kaya nilang magpalipat-lipat sa kung saan-saang bansa noon. Pero kung ang kanyang ina si Fantasma, bakit hindi sila mahilig mag-travel first class? Bakit palaging economy class? Bakit palaging sa simpleng hotel sila tumutuloy? Bakit hindi sa Four Seasons?

Oh, God, she was so confused. So very confused.

“Well, you take care, honey,” sabi ni Preston. “I love you.”

“I love you, too.”

Nang matapos ang tawag, parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ni Alexandra. Kung puwede lang i-fast forward ang oras para matapos na ang lahat. Paubos na ang kanyang pera, pero hindi pa rin siya napapalapit sa mga pumatay sa ina.

Pinagmasdan niya ang bahay. Doon natagpuang patay ang kanyang ina. Nakahandusay sa library nang madatnan ng mga pulis. Siya mismo ang tumawag sa pulis dahil hindi niya makontak ang ina. Hindi maayos ang mga imbestigador na humawak sa kaso at kulang ang mga ebidensiyang nakalap. Umasa lang si Alexandra sa crime scene photos.

Habang pinag-aaralan ang mga larawan, naisip niyang bumagsak ang ulo ng kanyang ina sa mesa. It was a close-range shot, based on the bullet’s trajectory on the table. Tumagos pa iyon. Ngayon, wala nang bakas ng dugo sa kahit saang bahagi ng bahay. Walang nawalang mamahaling gamit o pera… at iyon mismo ay isang malaking tanong din. Saan itinatago ng kanyang ina ang pera nito? Kung hindi man ito si Fantasma, isang bagay ang sigurado—she was a con artist. It was clear. Pero ang bank accounts ng kanyang ina, kaunti lang ang laman. It would never have lasted her more than three months.

Walang bakas ng puwersa ang pagpasok sa bahay. Posible bang pinapasok ng kanyang ina ang salarin? Was it a paid assassin who did the job? No. Kahit assassin, kailangang gumawa ng paraan para mabuksan ang pinto. It had an alarm system. Simple, but enough for her mother. Noon, kaunting kilos, naririnig nito. No one could have entered that way. So who was the killer?

Inikot ni Alexandra ang bahay, pilit inaalala ang mga kuwento ng ina at baka doon siya makakuha ng ideya kung paano muling sisimulan ang paghahanap sa mga pumatay dito.

“Talk to me, please.” Parang naging mantra na niya iyon. Pero hindi na nagsasalita ang mga walang buhay. Pumasok siya sa kanyang kuwarto. Doon madalas noong ikuwento sa kanya ng ina ang tungkol sa lost city of gold.

Sa gitna ng kuwarto, naroon pa rin ang kama kung saan siya madalas makinig sa kuwento ng ina. “Once upon a time, there was a city of gold.” Palaging ganoon ang simula ng kuwento at palaging nasasabik siya noon. Who would have thought it was inspired by real people in history? At ngayon, parang lumalabas pang hindi pala isang myth ang lahat kundi totoo.

Lumingon siya sa paligid at nakita ang dollhouse. Bahagya na iyong naaalikabukan. Lumapit siya at binuksan iyon. It was still the same. Bawat piraso ng miniature, ganoon pa rin ang pagkakaayos. Napansin niyang bahagyang nakaangat ang isang bahagi ng miniature grand piano. Kinuha niya iyon para sana lagyan ng glue, para lang mabigla nang makitang may laman ang loob ng piano.

Biglang kumabog ang dibdib ni Alexandra at mabilis na binuksan ang miniature. Isang papel ang nakasiksik doon. Binuksan niya ang papel. Series of numbers ang nakasulat doon, parang code. Sa ilalim niyon, may nakasulat na petsa at ilang letra. Agad niyang inilabas ang phone. She Googled “Fantasma,” the thief. Nandoon ang listahan ng mga krimeng konektado sa hindi kilalang magnanakaw. Isa sa mga petsa ng burglary ni Fantasma ang nakasulat din sa papel na hawak ni Alexandra. What was more chilling were the letters beside the date: CAI. It was the code of Cairo Inernational Airport. Cairo was where a Van Gogh painting went missing, stolen by Fantasma.

May gumapang na kilabot sa kanyang katawan. Binilang niya ang number sa papel na parang code. She could tell it was a bank account number, probably a Swiss bank account number.

Hindi pa nagtagal, winawasak na niya ang dollhouse na parang nabaliw. Pero baliw nga ba siya kung marami siyang nakitang clue sa dollhouse? Everything was cleverly hidden. Ang ibang impormasyon, isinulat ng kanyang ina bilang pattern ng wallpaper. Who would have guessed by merely looking? Palaging airport codes, petsa, at serye ng mga numero ang nakasulat sa bawat piraso ng puzzle.

Nagsimula na siyang mapaiyak habang iniisa-isa ang mga papel na itinago ng ina sa dollhouse. Ang iba roon, kilala niya ang naging accomplice—si Francine, base na rin sa sinabi ng babae na tugma sa mga petsa. Hindi niya noon ma-link kay Fantasma dahil parang nagkataon lang. After all, Francine only told her about eight jobs, and of those eight, only three happened at the same time as Fantasma’s robbery stints.

Tama si Francine. Her mother, the doting mother, was also the thief that boggled Italian police, making them call her one of the most elusive thieves, therefore a ghost or “Fantasma.” But until her death, the police thought wrong about her. Fantasma, a male, should have really been “Il Donna Fantasma.” Fantasma was a master thief, so brilliant and daring that many still talked about her in Internet forums. But she was woman. She was a mother. And someone murdered her.