“T WO WEEKS? It’s gonna happen in two weeks?”
Gustong mahilo ni Alexandra nang malaman ang bagong balita mula kay Luca. Ayon sa matanda, nakatanggap ito ng imbitasyon para sa darating na underground auction. Dalawang linggo mula sa araw na iyon, magaganap ang auction sa isang undisclosed location sa Las Vegas, Nevada.
Hindi pa sinasabi kung saan eksakto gaganapin ang auction pero sinabi nang sa Las Vegas para makapaghanda ang mga imbitado. Tipikal daw ang mga ganoon para sa bidding na underground, sakali man na may impormasyong mag-leak.
“Remember, we don’t know for sure if the books are there,” paalala ng matanda.
“I know, but there’s a huge possibility that they are,” sabi ni Alexandra. “Maybe I can find a way to get to their office or to wherever they keep the items.”
“No. No, child. You have to be a little more patient, because I don’t have the details on who’s heading this one. I’m not sure if it’s the Vegas family—and there are a few—or the ones in Jersey or New York.” Mga Mafia family ang tinutukoy nito.
Hindi mapakali si Alexandra. Kapag dumating na ang mismong araw, mas mahihirapan silang malaman kung sino ang posibleng third party supplier na pumatay sa kanyang ina. Ang malinaw lang ngayon, hindi ang Mafia family ang nag-utos niyon. It was not something that they were even aware of, according to Luca. Hindi rin daw ang tipo ng mga Mafia ang maniniwala sa research dahil kung ganoon, napakadali para sa mga pamilya ang gamitin ang mga libro ng kanyang ina. Simply, it was not the Mafia’s style to be into that kind of thing. Kung sakaling nasa bidding ang mga libro ng kanyang ina, nakarating ang mga iyon doon sa hindi pa nila nalalamang dahilan. At parang walang madaling paraan para malaman nila.
“Can’t you just tell them we need to know?” sabi niya, out of desperation.
“If I did, it will come with a price, and a lifetime of commitment, I’m afraid. This is why I don’t deal with them, contrary to what you might think. Anyway, this is a very sophisticated operation and the only family I can think of who can do this is the one from Brooklyn. The new boss is very young, very ambitious.”
Nagtanong pa siya ng ibang impormasyon at saka nagpaalam na rin. Siniguro ni Luca na gagawin nito ang lahat para mapasok ang auction. Nagpalakad-lakad si Alexandra sa apartment, hindi nasiyahan sa nalaman, kahit alam niyang malaking bagay na ang nalamang impormasyon at pinoprotektahan din lang ni Luca ang kanyang interes. Sa isip, nagsimula na siyang magplano. Plan B para sa plan A ni Luca, sakaling hindi nila makuha ang impormasyon bago ang auction.
Ang pasukin ang bahay o opisina ng isang boss ng Mafia family. Just the thought sent chills up her spine. Ilang pelikula na ba tungkol sa mga Mafia ang kanyang napanood? Hindi maganda ang mga imahen. Bukod sa mga pelikula, alam din niya ang kuwento ng mga kilalang Mafia personality sa Amerika at ang madugong krimen ng mga ito—organized crime, brutal murders, Valentine’s Day Massacre, and many others.
Those people could kill and would kill, if threatened. Pero kung hindi niya malalaman ang imposmasyon bago ang auction, lalong mapapalayo ang hindi niya maabot-abot na goal. Para siyang tumatakbo sa isang contest at tuwing makikita ang finish line, naliligaw siya. Totoong hindi nila alam kung ano ang posibleng mga item sa auction, pero paano kung nandoon ang mga libro ng kanyang ina? She felt she was too close to let this one go.
Walang duda na makakarating sila ni Luca sa auction, pero mas mahirap makasiguradong wala roon ang mga libro na naglalaman ng mga imposmasyong kailangan niya. May posibilidad na mga codename lang ang laman ng mga libro, pero malaki ang hinala ni Alexandra na may sapat na imposmasyon doon para ma-track ang pinagmulan ng mga libro ng kanyang ina.
Dahil sa sinabi ni Luca kung aling Mafia family ang hinala nitong utak ng auction, nag-concentrate doon si Alexandra. Malinaw na ang mga bagong henerasyon ng pamilya ang namumuno na ngayon. Retired na ang ama ng boss ngayon at naninirahan sa ibang bansa. The new boss, the eldest son, was a man in his early thirties, at matalik na kaibigan ng consigliere. Both men seemed to have an appetite for women. Mukhang moderno rin ang estilo ng mga ito, hindi tulad ng stereotype na Mafioso. Both graduated from good schools, and both kept a good front. Pero alam niyang isa lang iyong palabas. Sa modernong mundo ng kriminalidad, walang lulugaran ang isang traditional Mafioso. The criminal organization learned to adjust to modern crimes.
Naghanap si Alexandra ng criminal record ng dalawa mula sa mga balita at nakitang mukhang bata pa lang, malaking problema na ang hatid ng bagong boss sa ama nito. Nobody probably knew that the man spent a year in a juvie prison when he was only fourteen. Nakabaon ang impormasyon sa Internet at mahirap mahagilap, kung hindi lang alam niya kung paano mapabilis ang paghahanap ng mga archive sa ilang forum.
It also seemed that the boss was notorious for beating women up. Ilang kaso ang naisampa laban dito, pero hindi rin natuloy. Upon further research, she found that some of the women who sued him were missing. Coincidence? She didn’t think so. May gumapang na kilabot sa kanyang katawan. The boss was a young, cold-blooded killer. At ito ang kanyang kailangang pagnakawan ng impormasyon.
Nagsimula siyang magplano. Ang lifestyle na makabago at mahirap itago ang nakita niyang kahinaan ng boss at ng consigliere. They lived lavishly, seemed to love the attention brought by riches they had.
Limang araw bago ang auction, sinabi ni Luca na wala pa rin daw itong magandang balita. Naisip ni Alexandra na kailangan niya nang kumilos, kung hindi, walang kasiguruhan na hindi siya mahuhuli. She needed to hire a few men. Wala siyang ibang kilalang puwedeng makatulong sa kanya kundi si Francine. It was merely a backup plan. Wala siyang balak na ituloy iyon kung makakagawa ng paraan si Luca.
Kinontak na niya si Francine at nagkasundo sila sa sikretong trabaho. The woman did not ask much, just said her price and asked what she needed to know. Nang sabihin ni Alexandra, sinabi ng babae na kaya nitong gawin iyon at may tao ito sa Amerika, kahit sa France nakabase ang babae. Hindi na nila pinag-usapan pa ang utang nito noon. As far as she was concerned, Connor settled it.
Dalawang araw bago ang auction, wala pa ring magandang balita si Luca, kahit pa nga may ipinadala na raw itong tauhan para asikasuhin iyon. Hindi makontento si Alexandra. She needed to act now. Time was running out and she saw a window of opportunity.
May magaganap na party bago tumulak pa-Las Vegas ang boss. It was going to be a private sex party in the Hamptons. She decided to get to work before the boss flew to Vegas. Hula niya, nasa bahay mismo sa Hamptons ang mga libro. Doon naglalagi ang boss. Napasok na ng mga tao ni Francine ang bahay at nakuha ang mga impormasyong kailangan ni Alexandra. She had men inside legal companies like those who maintained the house of the boss.
All in all, it was not a very hard job. Ang safe na bubuksan ni Alexandra, ni hindi masasabing bago ang modelo. Kayang-kaya niya iyong buksan nang wala pang tatlumpung segundo. Ang mahirap lang gawin ay ang pasukin ang mismong bahay. May mga guard dog doon, bukod pa sa armadong private army ng lalaki. Alam niyang magiging madali lang sa mga ito ang i-dispose siya. Sigurado siyang may tauhan na gumagawa ng paraan para mawala ang mga gusto ng mga itong mawala.
Sa tulong ni Francine, nalaman ni Alexandra ang schedule ng boss. Nalaman din niya na tatlo ang regular na “supplier” nito ng mga escort. Sergio, the boss, regularly hired twenty to thirty women to party with him. Isa siya sa mga magiging babaeng pupunta sa bahay nito. Madali nang nakakita si Francine ng paraan para maipasok siya sa “trabaho” na iyon. Hindi man siya ang isa sa regular na kinukuha, madali na para sa kanyang magpanggap, lalo na kung manggagaling siya mismo sa agency.
She was given a few pointers on how Sergio wanted his girls. She needed to be waxed and wear a certain outfit. Kasama siya ng mga babae sa isang van papunta sa bahay ng lalaki. Maiiwan sa van ang lahat ng bag ng mga babae, maliban sa personal nilang bag para sa makeup. They were all dressed in Victoria’s Secret. May cover-up na suot si Alexandra at iyon lang.
Mukhang pangarap ni Sergio na magkaroon ng sariling Playboy mansion.
Pinababa na sila ng van, saka isa-isang ininspeksiyon ang kanilang mga bag. Bawal ang cell phone, pero nakatago ang kay Alexandra sa suot na sombrero, may flap sa ituktok niyon kung saan nakalagay ang phone.
Nakalagpas siya sa security check at tumuloy na sa loob ng bahay. It was a very modern place, filled with luxury. The man loved to be surrounded by beautiful things and women. She was glad he was a pig if only for the fact that she was there now, so close to the books, if it was indeed there. Bigla siyang napaigtad nang may humawak sa kanyang braso. Isa iyon sa mga tauhan ni Sergio. Kanina pa siya nag-mental note kung ilan ang tauhan ng lalaki. Napakarami. Pero may escape plan na si Alexandra bago pa siya sumugod sa mansiyon. Wala siyang balak isakripisyo ang katawan sa isang tulad ni Sergio.
“You’re new. What’s your name? What company are you from?” tanong ng lalaki. Matangkad ito, may bigote.
“My name is Jennifer. I’m from Lingerie and Champagne.” Isa sa mga agency na nagsu-supply ng babae kay Sergio ang tinukoy niya.
“Get out.”
“Excuse me?” sabi niya sa tonong naiinsulto.
“We don’t accept new girls here without approval. Maggie should know that.”
Hula ni Alexandra, boss ng agency ang Maggie na tinukoy nito. Ang alam lang niya, isang “Monica” ang kausap ni Francine sa Lingerie and Champagne at nagbilin sa kanya ng mga gagawin. May kaba na sa kanyang dibdib. She was too close to lose the chance.
Tinawag ng lalaki ang dalawa pa nitong kasamahan na agad lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang mga braso. Pumalag siya. “Excuse me! If you want me out, then I’m getting out! I don’t need this shit! Get your filthy hands off me! You will regret this, yah know!” Pinatapang niya ang boses kahit nanghihina. “You know why? I’m working out a deal and in three months I will be in the catalogue of VS. You wouldn’t be able to afford me then and I wouldn’t go even if you beg me to!”
“Well, well, what do we have here?”
Napalingon si Alexandra sa nagsalita. It was Sergio. Kung ano ang hitsura nito sa mga picture, ganoon din ang hitsura sa personal. Nagpaliwanag ang tauhan nito at sinabing baguhan siya. Pinagmasdan siya ni Sergio, saka sumenyas na umikot siya. It was what she did.
“I think she’s good enough to be here, especially if she’ll be in the catalog soon.”
“Yes. I’m just doing this gig because there isn’t any negative exposure, and I heard it will be fun, but apparently, I’m not good enough.” She was speaking like a stereotype cheerleader—bratty, maarte. Inismiran niya ang tauhan ni Sergio na nagpapaalis sa kanya. “So, can I go now?”
“Honey, you can stay.” Inakbayan siya ni Sergio, saka hinaplos ang kanyang dibdib.
Muntik nang maitulak ni Alexandra ang lalaki, pero naagapan niya ang sarili. Ngumiti siya rito at sinabi, “Yah know, I plan to have those insured.”
Tumawa ang lalaki. “You should, honey. You should. Please make yourself feel at home. Join the girls. I just need some people to talk to.” Dinampot nito ang isang phone na hawak ng isang tauhan. He spoke in Italian. Tungkol sa magaganap na auction ang pinag-uusapan nito at ng nasa kabilang linya. Lumayo na ang lalaki bago pa siya nakasagap ng ibang impormasyon.
Nakihalubilo na siya sa mga babaeng abala sa pag-inom ng champagne at pagkukuwentuhan. Siguro, maraming lalaking may ganoong pangarap, ang makasama ang ganoon karaming magaganda at batang babae—na parang mga prutas na kahit alin, puwedeng pitasin. Hula niya, lahat ng mga babae, naglalaro sa disiotso hanggang biente-dos ang edad. She was much older than them but she made herself look twenty years old. In fact, it didn’t take much effort for she possessed the kind of looks women craved for—forever young. She had always looked much younger than her actual age. Madalas pa siyang hingan ng ID sa mga tindahan kapag bumibili ng wine.
Sergio was disgusting. Pero hindi ang bigyan ng leksiyon ang lalaki ang pakay roon ni Alexandra. Lumabas siya ng kuwarto. May ilang mga babae rin sa labas, naninigarilyo.
Naglakad siya papunta sa banyo, pumasok doon matapos pasimpleng bilangin kung ilang segundo bago makaikot ang camera. Nang masigurong makikita siya ng mga nakatingin sa camera na papunta sa banyo, naglakad na siya at pumasok doon. Dalawa ang cubicle sa loob, guest bathroom. Pumasok siya sa isa at kinuha mula sa sombrero ang phone, saka inilagay sa bulsa ng cover-up. Iniwan niya ang sombrero doon, saka lumabas ng cubicle. Tiningnan niya ang timer ng relo; binilang ang mga segundo hanggang sa tamang tiyempo. Now, the camera was revolving. Lumabas siya, sumabay sa pag-ikot ng camera mula sa ilalim niyon at tumiyempo uli para makaiwas doon, papunta sa opisina ni Sergio. Tatlong camera ang kanyang tiniyempuhan at sinigurong naka-timer ang relo. Hindi mahigpit sa seguridad ng camera si Sergio, hindi tulad ng ibang bahay. Just a few revolving cameras. Bakit nga naman hindi kung ganoon kadami ang mga tauhan nito? No one who would dare steal anything from that house could leave unscathed.
Nang makapasok sa opisina, pinuntahan niya ang maliit na painting sa pader at ibinaba iyon. Sa likuran ng painting, nandoon ang isang safe. It was an old model, easy to crack. Inilabas ni Alexandra mula sa bag ang lipstick na regalo ni Connor. May automatic screwdriver iyon na ginamit niya para mabuksan ang keypad ng safe. Kinuha niya ang cable mula sa ilalim ng compact powder—na regalo rin ni Connor. She disconnected a cable to plug hers, which she then connected to her phone. Her program took ten seconds to display the correct number code. Ibinalot niya ang daliri sa cover-up at pinindot ang kombinasyon sa keypad. May tunog ng “click” at bumukas na ang pinto ng safe. Easy peasy. Sergio should have updated his antiquated safe.
Makikita sa loob ng safe ang ilang bundle ng cash. Sa tabi ng cash, nandoon ang isang tablet. Doon naman ikinonekta ni Alexandra ang cable na ikinonekta sa kanyang phone. Nagsimula na siyang i-download ang laman ng inaasahan niyang mga libro. Tumingin siya sa relo. May tatlong minuto na siyang “nasa banyo” mula sa punto de vista ng tao sa video control room.
Shit , sa isip-isip niya nang makitang aabutin ng tatlong minuto bago tuluyang ma-download ang impormasyon mula sa tablet ni Sergio. She took the risk. Wala siyang choice. Nang matapos, mabilis niyang nilinis ang bakas, tumiyempo palabas base sa timer, at bumalik sa banyo. Tumuloy siya sa cubicle at doon mabilis na in-upload ang video sa online drive niya. Mabilis niyang ni-reset ang phone, saka itinapon ang SD card sa toilet.
Noon may pumasok sa banyo. “What’s taking you so long there?” Boses iyon ng isang lalaki.
Lumabas ng cubicle si Alexandra at nakita ang lalaking nagpapaalis sa kanya kanina. “I’m done. I think I ate something bad. My stomach is upset.”
Hinawakan ng lalaki ang kanyang braso. “Come with me.”
“You can’t throw me out just because I pooped!” sabi niya. “I mean, sure that was not very pretty what happened in there…” Itinuro niya ang pinanggalingan. “But I promise I won’t take a dip in the pool.”
Hindi binitiwan ng lalaki ang kanyang braso. Hinala ni Alexandra, palalayasin na siya nito. At iyon naman ang kanyang plano, ang umalis sa party bago pa mahuli ang lahat. Inilabas siya ng lalaki ng mansiyon. Akala niya, pasasakayin na siya sa van, pero nagkamali siya. Dinala siya sa gilid ng mansiyon, papunta sa isang maliit na pool supply house. Hindi siya makapalag, dahil may ilang armadong lalaking nakasunod sa kanila.
Nang makapasok sa pool house, napansin ni Alexandra na puro mga supply nga ang nandoon, pero ang nakaagaw ng kanyang atensiyon, ang pulang mantsa sa sahig ng pool house. Medyo sariwa pa iyon. It was probably a day old blood stain. May gumapang na kilabot sa kanyang sistema. Sigurado siyang dugo iyon. Naitanong niya sa sarili kung buhay pa kaya ang pinagmulan ng dugo.
May trapdoor sa isang bahagi ng pool house. Binuksan iyon ng isang tauhan at doon itinulak si Alexandra ng lalaking may hawak sa kanya. Halos madapa na siya, pero mukhang walang pakialam ang lalaki. She knew, she had been caught. Pero sumubok pa rin siya. “What the hell is going on? I only pooped in the bathroom, is that really that bad?!”
Hindi umimik ang lalaki, nakaismid. Patuloy siya nitong pinababa sa hagdan hanggang sa makarating sila sa basement. Man, it stunk. It stunk of chemicals. Pero hindi chlorine ang naamoy niya, kundi ang ilang drum ng acids na nasa paligid. There was sulfuric acid, muriatic acid, and lye. Hindi na niya kailangang itanong kung para saan ang mga iyon. Siguro, hindi man doon, may lugar kung saan may malaking pressurized cooker—iyong katulad ng sa malalaking institusyon tulad ng kulungan, pero hindi pagkain ang iniluluto kundi tao. Five hours in water above boiling point and with lye, her body will dissolve into liquid that can be disposed off easily. Without a trace. Well, maybe there will be some residue from her bones and teeth but those will be easy to get rid of. Sino pa ang maghahanap sa kanya?
May gumapang na kung anong kilabot sa katawan ni Alexandra. It was not the death itself that bothered her, not even the way she would die, but the thought that no one would know where she was and no one would care enough to find her. Luca? She did not think so. He would probably know who did it, but would he have enough will to take revenge or at least find her body? No.
“Sit down,” utos sa kanya ng lalaki, itinuro ang upuan sa gitna ng basement.
Walang nagawa si Alexandra kundi ang pumuwesto roon. Ipinosas ng mga ito sa likuran ang kanyang mga kamay, saka siya binusalan. Iniwan na siya ng dalawa sa basement. She knew she was only waiting for death.