B ITBIT ni Alexandra ang isang surfboard habang naglalakad papunta sa dagat, nakasuot ng rash guard at bikini. She knew how to surf. Hindi niya inasahan na magiging bihasa siya roon. Sa loob ng nakalipas na kalahating taon, naging tirahan niya ang Siargao. Gusto niyang bumili ng property roon, pero hindi niya prioridad ngayon ang pagbili ng mga ari-arian. She inherited a few from her mother, along with stocks and bonds and clean cash. Her mother was able to launder the money before she passed away. Bukod sa lahat ng kanyang namana, naroon din ang kinita niya sa pagtatrabaho kay Luca. All in all, she was a very wealthy woman.
Nagkaroon ng dead end ang paghahanap niya kay Il Serpante. She felt exhausted, empty, drained. Para siyang isang lobong na-deflate. Naisip niyang mag-empake, hanapin ang sarili.
She tried her best. Kahit si Luca, sumubok na kontratahin si Il Serpante, pero walang dumating na sagot. They were waiting until this day. It was even harder to think that she might never find out who that evil man was and he would roam free until the end of time. Darating pala siya sa ganoong punto. Kahit kailan, hindi niya iyon inasahan. She had always believed that there was a way. That as long as she worked hard in finding out the truth, there would always be leads and she would always follow those leads. Nagkamali siya.
Il Serpante took her mother’s life. Nabigo ang kanyang ina rito. Sa dinami-rami ng nagawa ng ina—almost all of them daring, brilliant, spectacular—pero hindi ito nagtagumpay kay Il Serpante. Ang masakit para sa kanya bilang anak, mukhang hindi rin siya magtatagumpay.
And Connor… Ayaw nang isipin pa ni Alexandra ang lalaki. Isinantabi niya ang mga isipin tungkol dito matapos ipabigay kay Luca ang utang niya. She had money to pay him. Naisip niya, isa lang namang kabaliwan ang naganap sa kanila ni Connor. Ang isipin na may totoong namagitan sa kanila. Pero ang bumubuhay sa galit ni Alexandra ay ang katotohanang alam ni Connor na hindi sila kasal, pero iyon ang pinalabas nito. The man stooped so low that he conned her into having sex with him.
Na-realize niya na naging isa siyang malaking tanga sa lahat ng nangyari. How stupid could one be to believe a con man? Ang maniwala sa nararamdaman niya na tumigil na ang kanyang isip. Ni hindi man lang niya inisip kung tama ba ang kanyang ginagawa. At hindi pa doon nagtapos ang lahat. Ipagpalagay nang pinagbigyan lang niya ang sarili at ang mga kahinaan, umasa pa siyang magtutuloy-tuloy ang kanilang relasyong binuo sa hangin. Binuo sa kasinungalingan. It was so stupid. Napapahiya si Alexandra sa sarili tuwing maaalala na sumugod pa siya sa Italy. Dapat alam na niya. Given na iyon. Pero umarte siyang parang isang totoong asawa. Isa siyang con artist na na-con ng isa pa. At siya pa ang may ganang maghanap ng sagot. Pakiramdam niya, lalo siyang nagmukhang tanga. Nahihiya talaga siya tuwing maaalala ang lahat.
Sa mga sinabi ni Connor, isa ang may bahid ng katotohanan—na isang amateur si Alexandra. Napakarami niyang naging pagkakamali. And now she was overwhelmed. Para siyang isang batang naligaw sa carnival na puno ng mga tao, hindi na makita ang mga kasamahan at ngayon, hindi na alam kung ano ang gagawin.
Nagsawa na siyang makiusap sa ina na bigyan siya ng clue kung paano magpapatuloy. Sa ilang pagkakataon, naisip niyang nabigo niya ang ina. Sa lahat ng ginawa nito para sa kanya, hindi man lang niya mahanap kung sino ang pumatay dito. Her mother would never answer back. She had given her clues. Nasa kakayahan na niya kung magagawa niyang i-solve ang mga iyon o hindi. Sadly, it seemed that her mother was so much greater than she would ever be. And that broke her heart, but only because it meant that she might never give her mother justice.
Tumingin siya sa malawak na karagatan. It was as blue as it was in photos. Kahit paano, panandalian siyang nakakakita ng kapayapaan sa tanawing iyon.
“Good apternun , Ate! Mag-surf ka? Ang ganda mo talaga! Kras po kita.”
Napabungisngis si Alexandra nang makitang patakbo palapit sa kanya si Intoy, isa sa mga dahilan kung bakit napatagal na siya nang husto sa Siargao. Anak ito ng katiwala ng resort kung saan siya nakatira sa loob ng ilang buwan. The kid made her feel alive somehow. Nakakahawa ang energy nito. Isang batang pitong taon, maliit, makulit, pero siyang nagturo sa kanya ng technique sa surfing.
Hindi siya marunong ng wika roon sa pagdating niya, pero mabilis sa kanya ang matuto. She was gifted that way. Pero nakakatuwa na sumusubok ding mag-aral ng Tagalog ang bata. Madalas itong magpakitang-gilas sa kanya.
“Ako, crush mo? Maniwala ako sa `yo. Balita ko may girlfriend ka na daw,” sabi ni Alexandra. Ang nanay ni Intoy ang madalas niyang kakuwentuhan at ang nagsasabi ng mga ganoong bagay. Walang ama si Intoy, naaksidente sa dagat bago pa raw naipanganak ang bata.
“Basta kras po kita.” Ngumiti ito, saka kinuha ang surfboard na binili niya para dito. Nag-unahan na sila sa pagtakbo sa tubig. Para siyang bata. Hindi pa nagtagal, nagkakasiyahan na sila.
Hanggang sa mapatingin si Alexandra sa buhanginan at matigilan. May lalaking nakatayo roon at nakatingin sa kanila. Hindi niya puwedeng ipagkamali ang lalaki. It was Connor. Agad niyang niyaya si Intoy na magpahinga na. Humawak ang bata sa kanyang kamay at hindi niya ito magawang itaboy.
Nilapitan nila si Connor. Ngumiti ang lalaki. Ngiting parang walang masamang nangyari sa pagitan nila. Oh, well, he probably assumed she “got” it. That she understood what happened was one of those “no hard feelings” kind of con. Bastard.
“How are you? Long time,” sabi nito.
“Kilala mo siya, Ate?” tanong ni Intoy.
Tumango si Alexandra sa bata. “Intoy, mamaya, sa bahay ka na maghapunan. Puntahan mo muna ang inay mo, ha?”
“Sige po, Ate. I lab you.”
Napangiti siya bigla. “I love you, too.”
Itinarak na ng bata ang surfboard sa buhangin, saka tumakbo pauwi sa kubo ng mga ito. Parang gustong tawagin uli ni Alexandra ang bata nang harapin na si Connor. She was feeling so many things all at once. That grinning face… Muli, emosyon ang kanyang pinagana at hindi ang isip. Tumaas ang kamay niya para sampalin ito.
Nabigla siya sa nagawa at nilagpasan ang lalaki. Tumuloy siya sa terrace ng bahay na tinutuluyan matapos itabi ang surfboard. “How did you even find out I’m here?” tanong niya.
“Luca.”
Napabuntong-hininga siya. May hatid na importanteng balita si Connor, kung ganoon. Hindi ibibigay ni Luca ang kanyang lokasyon kung hindi. Gusto niyang malaman, natural. Hinarap uli niya ang lalaki.
“Nanlilisik ang mga mata mo,” komento ng lalaki, namumula ang pisnging sinampal niya. “Go ahead, get it out of your system. I’m all yours.”
“Shut the hell up!”
“No, seriously. Get it out of your system. I deserve it. Go right ahead.”
Napundi siya sa yabang nito. Para kasing lumalabas na nagpapaka-“martir” ito ngayon at handang tanggapin ang “parusa” niya. Nagkaroon ng power shift. Once again, it seemed that he had the upper hand on this. Puwes, hindi niya ito uurungan. Biglang lumutang sa isip niya ang ginawa nito.
“Hah!” sambit ni Alexandra, tulad noong nagka-karate lessons sila ng ina. Pinatama niya ang kamao sa tiyan ni Connor. Napaatras ang lalaki habang hawak ang tiyan. “Kaya pa ba?” nakataas ang sulok ng mga labing tanong niya.
“Sure. Go right ahead.”
Napabuntong-hininga siya. Sigurado siyang masakit ang una niyang patama. She felt somewhat guilty. “You asked for it. Tell me what you want.”
“No. You still seem angry. Come on, little girl, give it to me.”
That was it! She attacked. Sinalag nito ang dalawa niyang patama. Nasa bahagi na sila ng beach na walang obstruction sa paligid. Napatingin siya sa lalaki, lalong nagalit. Sinabi nitong patamaan niya, pero sinasalag ang kanyang mga atake!
“Sorry. Reflex action.”
She moved and went on attacking him. Tanggap-sangga ang ginawa nito. Wala siyang patamang nakasakit nang husto.
Tumigil na rin siya. “It was stupid to believe your words anyway.”
“No. No…” Inabot nito ang kanyang braso. “Do it.”
“Get your hands off me.”
“Make me.”
Muling umatake si Alexandra. This time Connor accepted every strike. Sa katawan ang mga patama niya, may pag-alalay pa rin. Ayaw niyang baldahin ang lalaki. Hanggang sa maalala ni Alexandra ang eksena kung saan nakatapi lang ng tuwalya si Nadia sa apartment ni Connor. Parang tumaas sa kanyang ulo ang lahat ng galit. Dumako ang kanyang paa sa pagitan ng mga hita nito. Sa pagkakataong iyon, sinalag ni Connor ang atake.
“Anything but the crown jewels, hon. Please.”
Lalong nabuwisit si Alexandra. Isang malakas na suntok sa tiyan ang ibinigay niya sa taksil. Napahiga sa buhangin si Connor. Natauhan siya, taas-baba ang dibdib. “You deserve more than that, you arrogant bastard!”
“I know.” Nanatili ito sa buhangin. He was breathing through his mouth. “Can we continue some other time though? I think I broke a few bones.”
Hindi iyon totoo, sigurado si Alexandra, pero alam niyang masakit ang katawan ni Connor. It would hurt for days. “Why are you here?”
He grinned. “Because I missed you.”
Oh, God! He was insufferable! Tinalikuran niya ang lalaki at tumuloy sa cottage. Pumuwesto siya sa terrace. Matagal bago nakasunod ang lalaki, paika-ika ang lakad. He was overreacting, she was sure. Muntik nang tumirik ang kanyang mga mata.
“Will you please stop it, Connor? We both know I went easy on you.”
“That was easy? Wow.”
“Stop patronizing me.”
“I’m not! Geez, Alexandra.” Pumuwesto ang lalaki sa tapat niya. “I just got off the plane, headed straight here. I’m hungry. Feed me.”
“Ang kapal ng mukha mo.”
Umalog ang mga balikat nito. “Binugbog mo na ako, ayaw man lang pakainin. Wala ka bang puso?” It was obvious that he was joking.
“Shit,” exasperated na sabi ni Alexandra. Kinuha niya ang cell phone para tawagan si Nenita, ang nanay ni Intoy. Nagpahatid siya ng pagkain. Mula nang tumira siya roon, ang naging patakaran niya ay walang sandaling walang pagkain. Malaki na ang itinaba ng mag-ina mula sa dating payat na mga katawan.
Dumating nga ang babae mayamaya, dala ang isang tray na naglalaman ng simpleng merienda—soft drinks, turon, tinapay, hotdog, pancit na ayon dito ay galing sa naglalako. Ipinakilala niya si Connor bilang kaibigan.
“Ex-husband,” pagtatama ng lalaki.
Muntik nang sampalin na naman ni Alexandra ang lalaki. They were never married! Pero ayaw niyang gumawa ng issue sa harap ni Nenita. Nang makaalis ang babae, saka niya seryosong sinabi sa lalaki, “I would appreciate it if you stop telling people that we were married. We never were.”
Nagseryoso si Connor. “Understood.”
Hinayaan niya itong kumain. Mukhang gutom na gutom nga. Mabilis nitong naubos ang pancit at turon, nasaid din ang soft drink.
“Does Nadia know you’re here?”
“We’ve broken up,” sabi nito. Hindi naniniwala si Alexandra. Ganoon din ang sinabi noon ng lalaki. “I came with my father.”
Noon nabaling ang kanyang interes. “Your father?”
“Yes. Remember how I told you he never wanted me to do this job? We never talked about it after the one job we did together, ever. He once told me never to talk about it. It was taboo. But I simply had to ask him about Il Serpante.”
May kabang nabuo sa dibdib niya. “And?”
“Noong una, ayaw niya akong pakinggan. Tinapos niya ang usapan. Every time I’d see him, he would avoid the subject, saying he did not know the person. Last week, he invited me to go fishing. Matagal na naming hindi iyon ginagawa. I thought why not. I was still obsessed with Il Serpante.”
“Why?”
“Because of you.” Kumunot ang noo nito, parang nagtaka na kailangan pa niyang itanong. “Anyway, when we were by the lake, I started telling my father about a woman I met and why she wanted to know Il Serpante. Tulad noong una, ayaw niyang marinig, pero sinabi ko pa rin lahat. I thought that was that, until a few days ago. He asked to come see you. He wants to know a few things.”
“Can he help me?”
“I think he can. And I think he knows Il Serpante.”
“Where is your father?”
“I will tell him to come.”
Tumango si Alexandra at nagbihis. Nang bumalik siya sa terrace, nandoon na ang isang lalaking napatitig sa kanya. He was about the same age as her mother if she was still alive. Maganda ang pangangatawan nito, guwapo, mukhang disente. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang mararamdaman. He seemed too familiar, yet a stranger as well.
“Good afternoon, Sir,” bati niya.
“Hello. If it isn’t too much to ask, may I please see a photo of your mother?”
It was an odd request, but she nodded. Kinuha ni Alexandra ang isang picture ng ina at iniabot sa matandang lalaki. Just like that, the man turned his back, his shoulders shook. He was crying.
“Is everything all right?” tanong niya.
Mukhang nag-alala rin si Connor. “Dad?”
“When is your birthday?” tanong ng matanda, panay ang tulo ng mga luha, garalgal ang boses. He was trying his best to control his tears. Sinagot iyon ni Alexandra. Patuloy na umiyak ang matanda habang nakatingin sa kanya. “I know this sounds awfully strange, but… I do believe you’re my daughter.”
NAKATULALA lang si Alexandra habang tinitingnan ang picture na dala ng ama ni Connor kung saan kasama nito ang kanyang ina… Ama ni Connor o ama ba niya? Kung pruweba na ito ang asawa ng kanyang ina, wala na siyang hahanapin pa. There were photos, documents. The man married Maria Paz, and he did not know she was Fantasma.
“You’re my father?” halos hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. “Wait, you’re my brother?” baling niya kay Connor. She felt so sick in the stomach. Para siyang nasusuka na hindi niya maintindihan.
“I was adopted,” agad na sabi ni Connor.
Para siyang nanlupaypay sa ginhawang nadama.
Nagsalita ang matandang lalaki. “I do believe I’m your father. We can get tested, of course.”
Tumango si Alexandra. Masyadong malaki ang balita. Hindi sila nagyakap, parehong tulala, hanggang sa ilahad nito ang mga braso. Napakahigpit ng pagkakayakap nito at napakatagal.
Tumuloy sila sa loob ng bahay mayamaya. Ibinigay ni Alexandra sa matanda ang lahat ng naiwan ng kanyang ina. It took him only five minutes to figure out who her mother was. Tumutulo pa rin ang mga luha nito, habang umaalog ang mga balikat sa magkahalong pag-iyak at mapait-masayang pagtawa.
“Why did you wanna see me? Did you suspect that the woman whom Connor talked about was your wife?”
“No. I actually was thinking that Fantasma might have killed your mother. The last jobs Fantasma did were related to the Incas. Many believe they were mere copycat crimes. But I just know they’re not. I have a fascination about Fantasma. Something about Fantasma intrigued me… Funny, she turned out to be my wife. All that time I’ve been married to the one person I was competing with,” sambit ng matanda.
“Wait, what?” sabi ni Connor.
“The dates, they match…” Matagal bago uli nagsalita ang matanda, parang may naaalala. “Of course, the reason why she was there the night I met her. Of course. She took the Rembrandt. Francine was intercepted by the cartel. Francine never told me who she was and I never asked. I never thought it was a Fantasma job. Never. No one thought it was. Oh, she was so beautiful…” Napangiti ito. Ngiti ng kaligayahan sa pag-alala. It seemed the old man was transported to a different time. “She must have thought what sloppy work I did, not hiding my things to my wife. She tried her best to make me stop, she did. I didn’t listen…”
“Wait…” sabad uli ni Connor, kunot na kunot na ang noo. “Dad, are you saying that Alexandra’s mother is the Fantasma? That you—Le Magicien—actually married Fantasma?”
“You are Le Magicien?” nabiglang sabi ni Alexandra.
“Yes to all questions. Yes,” sagot ng matanda.
Dalawang kamay na nakahawak sa ulo si Connor. Tahimik lang si Alexandra. Ang matanda, panay ang tingin sa mga gamit ng asawa.
Alexandra remembered the most important question. “Sir…”
“Call me Dad.”
“D-Dad, do you know Il Serpante?”
“Yes.”
“Who is he?”
“Robert Goodman, an arts dealer.”
“ The Robert Goodman?” tanong ni Connor.
Of course Alexandra knew who the man was, too. Isang sikat na arts dealer si Robert Goodman na isa sa mga prominenteng tao sa Amerika.
“Yes, Connor.”
“Will you look at this photo and tell me where it is?” Ipinakita ni Alexandra sa ama ang picture ng beach na kasama sa iniwan ng ina.
“Yes. We spent a month there, the best month of our life. I leased it from the family who owned it, though I’m afraid I never visited it for years. The memories are painful. They used to call it ‘Tanglad Island.’”
“My favorite herb will always be lemongrass. It’s versatile and repels snakes,” naalala ni Alexandra na sabi ng ina. “I have a suspicion she left things there.”
“Let’s go then,” sabi ni Connor.
“We go tomorrow. We need to take two flights.” Ngumiti ang matandang lalaki. “A daughter. A son. I’m overwhelmed.”
Napatingin si Alexandra kay Connor. Ito, ituturing niyang kapatid? Yuck. Just the thought made her want to hurl. Maybe this was not exactly the family reunion that they all dreamt of. Lahat sila, nabigla. Lahat sila, parang bugbog ang emosyon.
Malaki ang bahay at sinabihan niya ang dalawa na doon na magpalipas ng gabi. Hiniling ng kanyang ama na kung puwede raw nitong tingnan pa ang mga gamit ng kanyang ina. Pinagbigyan niya ito.
Naiwan sina Alexandra at Connor sa sala. Ang lalaki ang unang nagsalita. “Well, that’s weird. I never thought I’d say this but I’m glad I’m adopted.”
Bigla siyang natawa. “It’s pretty clear. The likes of you will never have the same bloodline as us cool burglars.”
“I don’t even care about that. I’m just relieved `cause… well, I guess I’d rather die than have you as a blood relative. No offense. It’s just that I want you in a way I can never want any blood relative.”
Hindi nakasagot si Alexandra at napatingin sa lalaki.
He was looking at her with tenderness. “`You okay?”
“I guess.”
“Your mother will get justice. I promise.”
“Thank you.”
There were a million words she wanted to say, but it seemed that words would fail her. Connor might be heaven sent when it came to helping her find justice, but he would never be good for her heart. Never.