I could not erase the smile off my lips while looking at the precious ring. Kahit ilang beses ko itong titigan habang nakasuot sa kamay ko, hindi ako nagsasawa at alam kong hinding-hindi ako magsasawang titigan ito. It was my most treasured possession at that moment. This was not just an ordinary ring; this was the proof of my and Paolo’s undying love and promises to each other.
I wouldn’t mind trading everything I have just to not lose this ring and this feeling. Kahit mawala na ang lahat ng mayroon ako, huwag lang ito at ang lalaking pinakamamahal ko. Kahit maghirap pa ako, ayos lang dahil kapag kasama ko siya, pakiramdam ko ako pa rin ang pinakamayaman at pinakasuwerteng babae sa buong mundo. Having him beside me made me feel I was living in mere bliss. Ibang klase ang dulot na kasiyahan—limitless and boundless happiness.
When I was just five years old and my grandmother was still alive, she used to tell me, “Apo, may mga bagay sa mundo na hinding-hindi nabibili ng pera. Kahit gaano pa karami ang pera mo, may hindi ka pa rin kayang makuha dahil lang gusto mo. Pero kapag ang mga bagay na ito ay nakuha mo, kailangan mo itong pahalagahan. Mahirap makuhang muli ang isang bagay na hindi puwedeng mabili ng salapi.”
Naguluhan ako sa sinabi ni Lola before dahil napakabata ko pa noon. And besides, naguluhan ako sa sinabi niyang hindi ko kayang bilhin kahit na marami akong pera. I was born to a rich family. I can easily ask for anything I wanted. Bata pa lang ako noon, pero lahat ng gusto ko ay nakukuha ko nang walang kahirap-hirap. But when I was growing up, I started to understand what her precious words truly meant. May mga hindi kayang bilhin ang pera katulad ng atensiyon, kalinga, oras, kaligayahan at pagmamahal. Pero once makuha mo ito, kailangan mo itong pahalagahan.
Today, I finally understood what my grandmother truly wanted to say, I will now treasure these things that money can’t buy. Ang mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera ay nakuha ko ngayon dahil sa isang lalaki—one guy who was my everything. Because of him, I finally got these things that my parents could not afford to give. Because of him, I knew what love truly meant. And because of him, my old self didn’t exist anymore.
“Napapansin ko lang, panay ang titig mo riyan sa singsing mo. Nagseselos na ako. Palaging nasa kanya ang atensiyon mo.”
Nakahiga kaming dalawa ni Paolo sa balcony ng kuwarto ko habang nakatitig sa kalangitan. Inilatag namin ang malambot kong comforter kaya hindi masakit sa likod. Gabi na rin, pero hindi masyadong madilim dahil napakaraming nagkalat na mga bituin sa langit. Those stars were like diamonds, shining together to each other, just like my love for Paolo that grew even brighter each day.
Napasulyap ako kay Paolo. Nakatingin din siya sa akin pero hindi siya nakangiti. Nakasimangot siya. Bigla tuloy akong napangiti dahil sa naging reaksiyon niya. Pati ba naman singsing na ibinigay niya sa akin pagseselosan niya? Parang bata talaga `to kung minsan, eh.
“Natutuwa lang ako sa singsing na `to,” sabi ko saka umayos sa pagkakahiga. Ginawa ko kasing unan ang braso ni Paolo. “Pati ba naman singsing pagseselosan mo? Iba ka talaga, Pao-Pao.”
Lalo siyang napasimangot. “Siyempre, inaagaw ng singsing na `yan ang atensiyon mo, eh. Feeling ko tuloy, mas mahal mo pa `yan kaysa sa akin.”
“Para kang sira. Siyempre mahal ko ito kasi ito ang proof ng pagmamahal at mga pangako mo sa akin,” sabi ko. “Besides, hindi ko naman `to makukuha kung hindi dahil sa `yo. Kaya ikaw ang pinakamamahal ko sa lahat.”
Ngumiti siya. “Biro lang,” sabi niya, saka bigla akong niyakap at hinalikan sa noo. “Mahal na mahal talaga kita, Cruzette. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag nawala ka sa tabi ko. Baka mabaliw ako, baka masira ang ulo ko. Kahit saan ka magpunta, susundan kita. Pero `wag lang sa ibang bansa kasi wala akong pera pambili ng plane ticket.” Bigla siyang natawa.
“Hindi naman ako pupunta sa ibang bansa at mas lalong hindi ako aalis sa tabi mo,” sagot ko sa kanya saka tumingala para magtama ang mga mata namin. “Kahit saan ako pumunta, ayos lang basta kasama kita. Kahit saan. Kahit maghirap ako at kahit mawala ang lahat sa akin, tatanggapin ko. Pero ang hindi ko kayang tanggapin ay kapag bigla tayong nagkahiwalay. Baka mabaliw din ako tulad mo.”
Tumitig siya sa akin nang ilang segundo saka niya uli ako niyakap nang mas mahigpit. Ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib ni Paolo. Naamoy ko tuloy ang pabango niya. Naramdaman ko rin na muli niya akong hinalikan. Isa sa noo, saka isa sa buhok.
“Sana puwedeng ihinto ang oras. Sana puwede tayong mag-stay sa ganitong paraan lang. Yakap-yakap natin ang isa’t isa habang nasa ilalim ng mga bituin,” pagsasalita niya sa tainga ko. Naririnig ko ang bawat tibok ng puso niya.
“Hindi puwede,” sagot ko na siyang naging dahilan para mapabitiw sa yakap si Paolo at agad na mapatingin sa mukha ko, gulat.
“Bakit?” mabilis niyang tanong “Bakit hindi puwede? Ayaw mo bang mag-stay na ganito tayo? Walang sagabal. Walang problema. Tanging sarili lang natin ang iintindihin natin.”
“Siyempre gusto. Pero kung titigil ang oras at mag i-stay lang tayo sa ganito, eh, `di forever eighteen years old lang ako? Paano ang pangako natin na magpapakasal kapag twenty years old na ako?” Ngumiti ako.
“`Sabagay, tama ka.” Ngumisi siya, saka ako hinila. Niyakap ko si Paolo habang nakalagay ang ulo ko sa dibdib niya at hinahaplos naman niya ang buhok ko. “Sana nga lumipas na ang panahon para tumuntong ka na ng twenty years old. Para mapakilala ko na sa Panginoon ang babaeng gusto kong makasama sa buong-buhay ko. Ang babaeng gusto kong maging ina ng sampu kong mga anak.”
Nagulat ako. “Sampu? Sampung anak talaga? Ang dami naman n’on. Baka hindi ko kaya `yon.”
Natawa siya. “Kaya mo `yon. Hehe,” sabi niya. “Pero biro lang. Kahit dalawang anak lang, ayos na. Isang panganay na lalaki at isang babae naman. Ang sarap sa pakiramdam na uuwi ako ng bahay galing trabaho at makikita ko silang tumatakbo papunta sa akin habang ikaw naman nasa kusina at naghahanda ng hapunan.”
“Bakit panganay na lalaki? Gusto ko babae, eh,” pagtutol ko.
Ngumiti si Paolo. “Mas maganda kung lalaki ang panganay para siya ang poprotekta sa bunso nating babae,” sagot niya. “Saka para masabi ko sa kanya na kung magmamahal siya, ang hanapin niya ay `yong tulad ng mama niya, `yong tulad mo. Para maramdaman niya kung paano magmahal na parang lumulutang sa ere.”
Kinilig ako sa sinabi ni Paolo. Napangiti rin ako. “Pero kung babae ang panganay natin, ang sasabihin ko naman sa kanya ay hanapin `yong katulad ng papa niya, `yong katulad mo.”
“Katulad ko? `Yong may ten years age gap rin `yong lalaki sa magiging anak nating babae?” natatawang sabi ni Paolo.
“Sira, hindi.” Malumanay kong hinampas ang tiyan niya. “Para naman maramdaman niya kung paano umiyak, hindi dahil nasasaktan kundi dahil sa lubos na kaligayahan.”
Napatawa siya. “Ah, akala ko `yong may malaking agwat din, eh,” sabi niya “Pero paano kung ang magiging mga anak natin, eh, ma-in love rin sa taong malaki ang agwat ng edad sa kanila? Ano’ng gagawin mo?”
I smiled. “Wala,” sagot ko “Wala akong gagawin. Hahayaan ko lang ang mga anak natin. Hindi naman natin puwedeng pigilan ang isang tao kung sino ang gusto niyang mahalin, eh. Kung `yon ang taong napili ng mga magiging anak natin, sino tayo para tumutol? Kailangan lang natin silang hayaan at ibigay ang tiwala natin nang buong-buo. Parents should support their children no matter what. Ibibigay ko sa mga magiging anak natin ang mga bagay na hindi naibigay ng mga magulang ko,” sabi ko. “Kapag naman nasaktan sila, `wag natin silang papabayaan na mag-isa. We should tell them that it’s okay to cry sometimes. It’s okay to feel the pain. Because the true meaning of love is understanding the meaning of pain.”
Napatitig si Paolo sa akin at napangiti. Bigla siyang umupo kaya ngayon ay parehas na kaming nakaupo habang nakaharap sa isa’t isa.
“I’m so proud of you, Cruzette,” sabi niya habang nakangiti. Hinaplos niya ang mukha ko. “You grew up so fast. Ibang-iba ka na sa Cruzette na una kong nakilala. `Yong Cruzette na palaging mataray at gumagawa ng kalokohan. `Yong Cruzette na gustong palaging nag-iisa at hindi pinapakita ang totoong nararamdaman.” Tumitig siya sa mga mata ko. “Ang nakikita ko ngayon ay Cruzette na magiging mabuting ina sa mga magiging anak niya.” Lumapit ang mukha ni Paolo sa akin. “Pero mas proud ako sa sarili ko. Dahil na-in love ako sa isang babaeng katulad mo. I love you, Cruzette. Mahal na mahal kita, Cruzette ko,” sabi niya na punong-puno ng sinseridad na boses.
“I became like this because of you,” sagot ko saka matipid na ngumiti. “Naging ganito ako dahil dumating ka sa buhay ko. You were too strong to break the wall I built around myself. You were too brave because you wrecked the dark room’s door that I was living in for years without hesitation. I love you, Paolo. I really do.”
Lalong lumapit ang mukha ni Paolo sa akin at lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko, just like the lyrics of the song “Thinking Out Loud,” Kissed me under the light of a thousand stars . Paolo kissed me under the light of a thousand stars. He kissed me like I was his own star, and I kissed him back like he was my moon that was giving light in the darkest night of my life.
“I love you,” muli niyang pagsasalita habang nakadikit ang noo niya sa noo ko.
“I love you, too.”
“I love you,” pag-uulit niya.
“Eh? Sinagot ko na ang I love you mo, eh,” natatawang sabi ko.
He smiled. “Nag-I love you ako hindi para marinig ko ang I love you, too, mo. Sinabi kong I love you dahil gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita.”
Napangiti na lang ako at napakagat sa ibabang labi ko dahil sa sinabi ni Paolo. Everything that he said became my own happiness. Ang mga salita niya ay tumatatak sa puso ko nang paulit-ulit at alam kong kahit lumipas ang mahabang panahon, kahit magkahiwalay kaming dalawa, kahit mapunta ako sa ibang lugar, hinding-hindi ko ito makakalimutan kahit kailan.
He was twenty-eight years old and I was just eighteen years old back then when I told myself I didn’t want anyone else aside from Paolo Johann Buenavista for the rest of my life. He was the guy I wanted to spend my life with. He was my everything. And my own version of my euphoria.
But fate played a nasty trick.