noveltoon logo noveltoon
The 10 Year Gap

Chapter 7

Ch. 7 / 14 Feb 09, 2022

Real feelings just don’t go away easily.

`Yan ang patuloy na umiikot sa isip ko sa mga lumilipas na panahon. Kahit anong pilit kong kalimutan ang feelings ko kay Paolo, hindi ko magawa-gawa. Bumalik na kaming dalawa sa dati. Palagi na kaming nag-uusap at nagtatawanan. Parang walang nangyaring gap sa aming dalawa. He treated me like he usually did. Palaging nakangiti at nakatawa. My feelings for him just got deeper. Kahit anong pagpipigil ang gawin ko, lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

Kapag pala pinipigilan mo ang feelings mo sa isang tao, lalo lang itong lumalalim at lumalala. Natatakot akong may magawa na naman akong isang bagay na beyond of my control. Ayokong magkaiwasan kami ni Paolo kaya, as much as possible, todo ang pagpipigil ko sa nararamdaman ko.

Even that kiss. He didn’t bring it up. Marahil wala lang iyon kay Paolo dahil sa edad niyang `yon ay marami na siyang nahalikan. I heard he had lots of ex-girlfriends. Sikat siya noong nag-aaral pa siya at maraming higher year na nagkakandarapa sa kanya. That implied he had lots of experiences, too. Ako lang siguro ang nag-iisip na big deal iyon since it was my first kiss.

“Nahihirapan na ako. Gusto ko nang mag-move on,” sabi ko kay Marie over the phone. Nakahiga ako sa kama nang hapong iyon. It was the weekend kaya walang pasok.

Tumawa ang luka-luka. “Suko na agad? Hindi ka pa nga nagko-confess, eh.”

“Luka-luka. Alam kong wala akong pag-asa kahit mag-confess ako sa kanya. He doesn’t see me that way. Tanging nakakabatang kapatid lang ang trato niya sa akin,” I said “Ayokong magkaiwasan kami. Ayoko nang magkaroon kami ng gap. Nahihirapan na nga ako dahil sa age gap namin, pagkatapos pati ba naman as friends magkakaroon pa kami ng gap? Hindi ko na kakayanin `yon.”

“So, tanggap mong unrequited love ang peg ng love life mo?”

“Gano’n na nga.” I sighed. “I’d rather choose to be like this kaysa mawala pa kung ano’ng mayroon kami. Pipigilan ko ang feelings ko sa kanya.”

“You cannot just stop those feelings.” Naging seryoso ang boses ni Marie. “Mag-move on ka na lang.”

“May alam ka ba?”

“Alam na alin?”

I sighed again. “Alam kung saan may nagbebenta ng pagmu-move on. Bibili ako ng ilang kilo. Deretso laklak ang gagawin ko para tumalab agad.” Tawa lang nang tawa si Marie sa sinabi ko. She said I sounded troubled and stressed.

Kung alam niya lang ang nararamdaman ko. Baka magtirik agad siya ng ilang kandila sa puso kong paulit-ulit nadudurog tuwing naiisip kong hindi puwedeng maging kami ni Paolo.

Marie and I agreed to meet sa isang malapit na mall. May ipapakilala raw siya sa aking isang guy na nag-aaral sa isang university. No’ng una ay ayoko dahil it was not my thing. Kahit hindi niya sabihin, parang ang labas ay “Cupida” ang gaga, pagkatapos blind date ang gagawin ko. Pero todo ang pilit niya sa akin at sinabi pang, “If you want to forget that feeling, you must replace it with another feelings.” I-divert ko raw sa ibang lalaki ang atensiyon ko. I should try lang naman daw at wala namang mawawala.

I sighed. Fine.

Nag-ayos na ako at nagpaganda. Dahil sa maputi ang kutis ko, bagay ang kahit ano’ng suotin ko. I was just seventeen years old yet I looked so fabulous. Pero wala pa ring saysay kahit ganito ako kaganda kung hindi naman ako makikita ni Paolo the way I saw him, it would be useless. This was the right time para mag-move on sa feelings na hindi man lang mailabas. This was the right time to finish the story that had not even started.

Pagbaba ko, agad kong hinanap si Paolo para magpaalam na magmo-mall ako. Hindi ko siya makita kaya inikot ko muna ang buong mansiyon. Nakarating na ako sa likuran nang marinig ko siyang nagsalita. Kausap niya si Impaktitang Agatha. Sumilip ako kung ano ang ginagawa nila. Nakaupo siya sa isang bamboo na upuan habang si Agatha naman ay nagwawalis.

“Ano’ng tingin mo kay Angeline, Paolo?” tanong ng impaktitang si Agatha.

“Paanong tingin?” nakangiting sagot ni Paolo.

“Tingin as in tingin,” saad ni Agatha habang dinadakot ang mga kalat. “Sa nakikita ko kasi, iba ang tingin mo sa kanya, eh. Parang may something. Iba ang care na pinapakita mo kay Angeline. Kahit hindi ka magsalita at nakatingin ka lang sa kanya, nakangiti ka na. Halatang masaya ka kapag nakikita mo siya. May gusto ka ba sa kanya?”

“At bakit mo naman naisip na may gusto ako kay Cruzette? Natawa si Paolo. “Siyempre, importante sa akin `yon. Ilang taon ko na rin siyang inaalagaan kaya mahalaga siya sa akin.” Nanikip ang dibdib ko. “Besides, wala akong karapatan magkagusto sa kanya. Malayo ang pagitan naming dalawa. Hindi ako nararapat sa kanya. Mahirap lang ako at walang anumang maibibigay sa kanya. Tiyak hindi papayag si Mr. and Mrs. Sy kapag nangyari `yon.”

“So may gusto ka nga sa kanya? Jusko, Paolo. Ang bata pa ni Angeline. Sampung taon ang agwat n’yo.”

Naging seryoso ang mukha ni Paolo saka biglang umiling. “Wala. Tanging nakakabatang kapatid lang ang turing ko sa kanya,” sabi niya habang nakatingin sa maaliwalas na kalangitan.

Hindi ko na tinapos ang pakikinig ko sa kanilang dalawa dahil sobrang sikip na ng dibdib ko. Ang sakit ng mga narinig ko.

I smiled bitterly. Kahit pala mag-confess ako sa kanya ay wala ring saysay. He didn’t see me the way I saw him. Nakakabatang kapatid lang talaga ang turing niya sa akin. So it would be useless to say my feelings for him. It would be a total waste.

Mas maganda na sigurong mag-move on na lang ako at mawala itong mga nararamdaman ko sa kanya, nang sa ganoon ay maging patas na ang tingin namin sa isa’t isa. Nakakabatang kapatid ang turing niya sa akin so I should see him as my older brother. Nothing more, nothing less.

Hindi na ako nagpaalam kay Paolo. I knew he would get mad at mag-aalala siya kung bigla-bigla akong mawawala. Pero ayoko muna siyang makaharap ngayon. Gusto kong makalimutan ang mga narinig kong sinabi niya. Gusto kong ma-distract para mamaya, kaya ko na uli siyang kausapin.

Pero no matter how hard I tried to forget, I could not. Hanggang noong nasa mall na ako at nagkita na kami ni Marie at ng kasama niya ay down na down pa rin ako.

Tanging nakakabatang kapatid lang ang turing sa akin ni Paolo. I faked a smile as my chest ached even more. I thought my heart would always ache for him.

These feelings should stop. They had to stop because they were killing me—my heart. And I knew Paolo was not thinking about me at all, the opposite of what I was doing now.

It had to stop because I loved him… and he didn’t feel the same way.

Nakatitig lang ako sa Starbucks’ coffee ko when Marie spoke. “Uy, `te. Kanina ka pa tahimik. Baka nakakalimutan mong may kasama ka?” natatawang biro niya. “Jerome, sorry, ha. May problem kasi `yang si Angeline kaya ganyan siya.”

“Ayos lang.” Ngumiti si Jerome. “I understand.”

Ngumiti na lang ako nang matipid at hinayaan sina Marie and Jerome na magkuwentuhan. Truth be told, I was not comfortble with this Jerome. Iba ang tingin niya sa akin. Ang lagkit-lagkit. Kanina, noong nanonood kami ng sine, pasimple niyang kinikiskis ang binti niya sa binti ko. Kapag inilalayo ko ang binti ko ay hinahabol niya. Hindi niya yata nararamdaman na naiinis ako sa ginagawa niya. Kung hindi lang ako nahihiya kay Marie, kanina ko pa ito sinampal.

Tahimik lang ako nang biglang nag-ring ang phone ko. I hadn’t checked it for awhile. Kaninang nasa sinehan kami, kinansel ko ang lahat ng calls ko. Alam kong si Paolo ang tumatawag at alam niyang umalis ako ng mansiyon without his consent. I knew he was furious by now.

Tumigil ang pag-ring ngunit ilang sandali lang ay muli siyang tumawag kaya sinagot ko na.

“Hello?”

“Nasaan ka? Bakit hindi ka nagpaalam na aalis ka?” Ang lakas ng boses ni Paolo kaya nailayo ko ang phone mula sa tainga ko. Ramdam kong inis na inis na siya ngayon.

Na-iimagine ko na pulang-pula ang mukha niya just like before noong tumakas ako papunta kina Marie. Sinundo niya ako do’n at sinermunan habang nasa gate ng bahay nina Marie. Pero after niya akong sermunan, agad naman niya akong niyakap and even said sorry. Nag-aalala lang daw siya.

Dahil sa mga ginagawa niya, tumataas ang hopes ko before. Akala ko may chance, pero wala naman pala. Tanging pure care as an older brother lang ang ginagawa niya. I hated those feelings I felt towards him.

“Cruzette, nasaan ka? Damn. I am worried. Please, sabihin mo.” Napukaw ang atensiyon ko nang muli siyang magsalita. “Galit ka na naman ba? May nagawa ba ako kaya hindi ka nagpaalam sa akin?” Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Nakita kong dumating na si Marie from the comfort room. Nasa exit door na siya kaya tumayo na rin si Jerome at nagsalita.

“Tara na, Angeline.” Tumango ako.

“Sino `yan, Cruzette? Sino `yang kasama mo at bakit lalaki? Nasaan ka ba? Sabihin mo at pupuntahan kita!”

“Nasa mall lang ako. Bye. `Alis na kami.”

Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Paolo. I ended the call and hid my phone inside my pocket. Pinatay ko rin ito para hindi na siya makatawag pa.

Alam kong pinag-aalala ko siya, pero gusto ko munang makalayo ngayon. Nasasaktan ako. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, parang nababasag ang puso ko. I was just seventeen years old, yet my heart was already broken and shattered. Unrequited love sucked bigtime.

Naglibot-libot kami sa loob ng mall. Nagtingin sa iba’t ibang department store at sa mga damit. Pansin ko lang itong Jerome na `to, hindi ako nilulubayan. Palaging nakasunod sa akin. Palaging nakatabi. Naiirita tuloy ako. Palabas na kami ng mall nang mapansin kong wala na sa harap ko si Marie. Inikot-ikot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita.

“Where’s Marie?” tanong ko kay Jerome habang naglalakad.

“Nauna na siya,” kaswal na sagot niya.

“What? Bakit hindi man lang niya sinabi?” Inis na sambit ko. Sinet-up ako ni Marie para mapag-isa kaming dalawa ng Jerome na `to. God, hindi ba alam ni Marie na may malaswang ugali `tong si Jerome? Ugh! Hindi ko nga pala nasabi sa kanya. “Mauuna na ako.”

“Ihahatid na kita. Nasa parking lot ang kotse ko.”

“`Wag na. Magta-taxi na lang ako,” pagtanggi ko.

“Hindi puwede. Nangako ako kay Marie na ihahatid kita. So let’s go.”

Hinatak niya ako sa braso at hinila. Kahit todo ang pagpupumiglas ko ay hindi niya ako binitiwan. Napapatingin na sa amin ang mga taong nakakasalubong namin pero wala siyang pakialam. Nasasaktan na ako sa paghawak niya sa braso ko at alam kong namumula na ang balat ko. Nagpumiglas pa rin ako nang todo pero hindi talaga siya bumitiw. Nakarating na kami sa parking lot at sa tapat ng kotse niya.

“Sakay,” mariin niyang utos sa akin.

“Ayoko. Magta-taxi na lang ako.”

“Kung ayaw mong magpahatid, halikan mo na lang ako.” Ngumisi siya. Natakot ako bigla sa mukhang ipinakita ni Jerome. Naging demonyo ang mukha niya. Biglang nangatog ang mga tuhod ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

“Ano ba? Bitawan mo nga ako!” sigaw ko sa kanya. “Tulong! Tulong!”

“Kahit sumigaw ka, walang makakarinig sa `yo. Walang tao sa paligid,” natatawang sabi ni Jerome. “Bilis na. Isang halik lang. Parang ang sarap pa namang halikan ng mga labi mo.”

Pinipilit niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko pero todo-iwas ako. Lalo tuloy humigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya lalo akong nasaktan. Naiiyak na ako dahil sa sobrang takot. Natakot ako dahil parang walang taong tutulong sa akin kahit patuloy akong sumigaw. Dahan-dahan nang tumutulo ang luha ko habang pinipilit ilapit ni Jerome ang mukha niya sa mukha ko.

Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang may humila kay Jerome at inilayo sa akin. May isang lalaki na sumulpot at pinagsusuntok si Jerome habang nakahiga sa kalsada. Wala siyang laban. Kitang-kita ko na dumudugo na ang mukha niya dahil sa malalakas na suntok ng lalaking nakatalikod.

Kahit natatakot ako at nanginginig pa rin ang katawan ko, kilala ko ang lalaking ito. Kahit nakatalikod o nakatagilid, kilalang-kilala ko siya.

“Paolo,” pagbanggit ko sa pangalan niya.

Natigil sa ere ang kamao niya at napatingin sa akin. Nakita ko na namang muli ang mukha niyang galit na galit. Pero bigla iyong naging maamo saka niya iniwan si Jerome na nakahandusay at dumudugo ang mukha.

Dahan-dahang lumapit sa akin si Paolo. Titig na titig ang mga mata niya sa mga mata ko. Halo-halong emosyon ang nakikita ko. Galit, pangamba at pag-aalala. Bigla niya akong niyakap.

“I’m glad you’re okay,” mahina niyang bulong, pero rinig na rinig ko pa rin. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ni Paolo. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at patuloy na umiyak.

Umiyak lang ako nang umiyak habang yakap niya ako nang mahigpit. Umiiyak ako dahil sa takot at kasiyahan. Masaya akong biglang sumulpot si Paolo kung nasaan ako at kung kailan kailangan ko ng tulong. His hugs made me comfortable and made me feel at ease. Unti-unti nang nawala ang takot na nararamdaman ko.

“Paano mo nalaman na nandito kami sa mall na `to?” tanong ko sa kanya habang yakap-yakap pa rin niya ako.

“Hindi ko alam na nandito kayo sa mall na `to. Sinuyod ko lang ang lahat ng mall na malapit. Inikot ko silang lahat pati ang parking lot. Para akong mababaliw dahil hindi kita mahanap. Hindi ko na matawagan ang cell phone mo kaya pinuntahan ko na lang ang lahat ng mall,” pagsasalita niya. “Bakit ka ba umalis? Bakit hindi ka nagpaalam? Kung hindi kita nakita ngayon, baka kung ano na ang nangyari sa `yo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa `yo.”

Tumingala ako at tumingin sa mga mata ni Paolo. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. Pawis na pawis din ang noo niya dala marahil ng sobrang pagod sa paghahanap sa akin. Habang magkalapit kaming dalawa ngayon at nakabalot sa katawan ko ang mga braso niya ay mas naramdaman kong nag-uumapaw ang feelings ko para sa kanya.

Mahal ko na si Paolo. I didn’t care about the big age gap between us. Mahal na mahal ko na siya. And it hurts even more.

“Why did you go that far for me?” naiiyak kong tanong sa kanya. “Bakit kailangan mo akong hanapin? Bakit kailangan mo pang suyurin lahat ng mall just to find me?”

Hindi siya nakapagsalita kaya napangiti ako nang mapakla. “Yeah, right,” pagsasalita kong muli. “Kasi trabaho mo. Kasi binabayaran ka para do’n. Lahat ng ginagawa mo ay dahil trabaho mo lang ito.”

“Mali ka.” Napatigil ako sa sinabi niya. “Kahit hindi ko ito trabaho, hahanapin pa rin kita. Kahit saan ka pumunta, hahanapin kita at ibabalik sa tabi ko. I’m not at ease kapag hindi kita nakikita. Hindi ako mapakali kapag wala ka sa tabi ko. Gusto ko palagi kitang nakikitang nakangiti. Palagi kitang kasama. I feel bothered when I don’t see you. Kung puwede lang na twenty-four hours tayong magkatabi, gagawin ko,” dagdag pa niya. “Oo, no’ng una nang dahil lang sa trabaho kaya ko ginagawa ang mga bagay na `yon. Pero isang araw, nagising na lang ako na parang I was doing all of these because I had to, Cruzette. Na hindi na dahil sa trabaho kaya iniingatan kita.”

Lalong nag-unahan ang mga luha ko dahil sa mga sinabi ni Paolo. Nakaramdam ako ng overwhelming feeling sa puso ko. Feeling ko, pagkatapos niyang sabihin `yon, bigla na lang natunaw ang puso ko. Hindi ko na kayang pigilan `to. Pakiramdam ko, sasabog na ang dibdib ko kapag hindi ako umamin sa kanya, kapag hindi ko sinabing mahal ko siya.

“Tell me. `Yan bang nararamdaman mo ay dahil nakakabatang kapatid lang ang tingin mo sa akin?” Nahihirapan akong lumunok. “Paolo, mahal kita. I know, I am too young for you. Pero mahal kita. Mahal na mahal. Hindi ko alam kung kailan `to nagsimula. I swear, pinigilan ko. Pero kahit ano’ng gawin kong pagpipigil, ayaw tumigil ng puso ko. I know you don’t see me that way. Hindi ako umaasa. Gusto ko lang malaman mo.”

Titig na titig si Paolo sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi rin siya ngumiti. Wala akong expression na nakikita sa mukha niya. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

“I tried everything to forget these feelings. I avoided you. But no matter how much I tried, my feelings just pulled me back. Hinihila ako nito para mas lalo akong mapalapit sa `yo. Ang sakit na, Paolo. Ang sakit-sakit na dahil hindi ko kayang pigilan ito. Gusto ko nang kalimutan `tong nararamdaman ko dahil nahihirapan na ako pero—”

Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa ginawa ni Paolo. He pressed his lips against mine. This time, hindi na ako ang humalik sa kanya. Hindi na siya natutulog. Parehas kaming gising at parehas na nakatayo sa madilim na parking lot. He pulled me as our kiss deepened. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Naramdaman ko na namang patuloy na lumuha ang mga mata ko. Hindi na dahil nasasaktan o nahihirapan ako, kundi dahil sa lubos na kasiyahan.

Natapos ang paghalik ni Paolo sa akin, pero hindi niya inilayo ang mukha niya. Isinandal niya ang noo niya sa noo ko saka siya nagsalita habang titig na titig sa mga mata ko. I saw sincerity and longing playing on his eyes.

“Do you think I will allow you to forget your feelings for me?” seryoso niyang pagsasalita. “Wala kang ideya kung paano ko pinigilan ang sarili ko. I am glad na parehas lang pala tayo ng nararamdaman. No’ng hinalikan mo ako habang natutulog ako, I tried to talk to you. Akala ko aamin kang gusto mo rin ako pero you avoided me. I thought nabigla ka lang sa ginawa mo and it didn’t mean a thing. So I just acted like it was just nothing to me… dahil ayokong lumayo ang loob mo sa `kin. Pero masaya ako dahil do’n. Masayang-masaya ako…”

Napansin ko na nangilid ang mga luha ni Paolo. “I tried so hard for myself to hold back. Sabi ko sa sarili ko, hindi tama na mahalin kita dahil sa edad nating dalawa. Pero kahit ano’ng gawin ko, kahit i-distract ko ang sarili ko, at the end of the day, mahal pa rin kita. I tried hard to hide it from you. Kahit mahirap itago ang totoong nararamdaman ko sa `yo ay ginawa ko pa rin. Hindi kasi `to tama. Hindi tamang mahalin kita dahil mas bata ka sa akin nang sampung taon.”

“I don’t care,” sabi ko. “Wala akong pakialam kung mas bata ka o mas matanda ka. Basta mahal kita, Paolo. Mahal kita. Ikaw ang kailangan ko.”

He smiled as his tears streamed down his cheeks. “Ako rin. Mahal din kita, Cruzette. `Tanda mo kung bakit necklace ang iniregalo ko sa `yo? It represents love. My love for you that I had kept for years now. Masaya ako ngayong nasabi ko na sa `yo at parehas pa tayo ng nararamdaman. I love you, Cruzette. I love you, Angeline Cruzette Sy. Mababaliw ako sa pagmamahal ko sa `yo pero wala akong pakialam. Sa lahat ng minahal ko, sa `yo lang ako nagkaganito. I don’t care how young you are. All I know is I love everything about you. Your heart and your soul. Your flaws and imperfections. Your sad and happy face. I love it all. It’s a part of you kaya mahal na mahal ko ang lahat sa `yo.”

“I love you, too, Paolo. Mahal na mahal din kita,” sabi ko. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak.

“Stop crying. `Di ba, sabi ko sa `yo mas maganda ka kapag nakangiti ka?” nakangiti niyang sabi saka ako tumango. “Ipaglalaban kita. Don’t worry. Kung kailangan kong umamin sa mga magulang mo, gagawin ko. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa `yo. Wala akong ipagmamalaki, pero mamahalin kita nang buong-buo. Wala pa akong maibibigay sa `yo, pero pagdating ng panahon, kahit buong mundo ibibigay ko sa `yo.”

“Wala akong kailangan. Ikaw lang ang kailangan ko.”

Ginulo ni Paolo ang buhok ko. “Silly. Siyempre, gusto kong ibigay sa `yo ang lahat. You’re my queen. You deserve everything.”

Muling inilapit ni Paolo ang mukha niya sa akin. Muling nagkadikit ang mga labi naming dalawa. We shared another kiss that meant everything to me.

He was twenty-seven years old that time and I was just seventeen when we confessed our love to each other.

That was the best memory I had—being with the love of my life, having my feelings reciprocated, and being kissed by the person who meant everything to me. I really loved him. I really loved Paolo. I didn’t care about the age. Our ten-year gap had nothing to do with our love.

Love has no limits. Love has no boundaries. Love can conquer everything—even the big age gap between two people who fell in love with each other.