Tahimik lang ang naging biyahe namin ni Mommy papunta sa lugar kung saan nakaburol si Paolo. Buong biyahe ay hindi ako umiimik. Tanging tango at iling lang ang isinasagot ko sa mga tanong sa akin ni Mommy. Alam kong ginagawa niya lang iyon para mabawasan ang kalungkutan at bigat na nararamdaman ko. Pero kahit ano’ng gawin niyang pagkausap sa akin, hindi talaga nababawasan ang kirot sa dibdib ko. The pain was stabbing my heart little by little. Kahit hindi ako gumagalaw, kahit hindi ako nagsasalita at kahit paghinga lang ang tanging ginagawa ko, kumikirot ang buong pagkatao ko. My whole existence was aching because he left me.
Habang nakaupo sa loob ng sasakyan, hinihiling ko na sana matagal pa kami bumiyahe bago makarating sa lugar na patutunguhan namin. Akala ko kaya ko nang tanggapin. Akala ko kaya ko nang makita ang lugar kung saan siya nakaburol pero hindi pa rin pala. Nanginginig ang buong katawan ko. Kumikirot ang dibdib ko nang paulit-ulit. Napaluha ako pero agad ko iyong pinunasan. Ayokong makita ni Mommy na umiiyak na naman ako. Ayoko nang maging mahina. Pero mula nang mawala siya, humina na naman ako. Paano ako lalakas kung ang taong nagpapalakas sa akin ay wala na sa tabi ko?
Pero kahit anong pilit mong takasan ang kinakatakutan mo, darating pa rin ang oras na dapat mo itong harapin. Kahit anong pagtakbo ang gawin mo, mahahabol ka pa rin nito. Wala ka nang ibang choice kundi tanggapin ang masakit na katotohanan.
Huminto ang kotse sa harap ng memorial park. Sumulyap muna sa akin si Mommy bago siya bumaba. Bumuntong-hininga ako habang pilit nilalakasan ang loob ko sa haharapin kong pagsubok. Binuksan ko ang pinto ng kotse at sumunod na sa paglalakad ni Mommy. Nasa likuran niya lang ako at walang expression na mababakas sa mukha ko. Ayoko. Ayokong umiyak. Ayokong muling masaktan.
Pero nang makita ko pa lang ang malaking larawan ni Paolo, bigla nang pumatak ang mga luha ko. Napaiyak na naman ako. Ang sakit. Wala na talaga siya. Iniwan na talaga ako ni Paolo. Tell me that this was just a dream because I was not fine at all—but no, because this was a nightmare, far from being a dream.
My mom hugged me for a few seconds and told me that everything will be fine. Tumango-tango na lang ako habang pinupunasan ang mga luha sa aking mga mata. Tinanong niya ako kung gusto ko munang sumama doon sa special room para sa naulila ng namatay pero tumanggi ako. Sinabi kong sisilip muna ako sa kabaong ni Paolo at pumayag naman siya saka umalis na.
Sa isang open area ginanap ang burol ni Paolo. May malaking tent kung saan nasa gitna ang kulay-puting kabaong. Napakaraming tao. Hindi ko alam na kahit hindi pa huling lamay para kay Paolo ay ganito na agad ang dadalaw sa kanya. Parang buong baranggay ay nandito. Mga bata at matatanda. May mga kasing-edad ni Paolo na mukhang mga kababata at schoolmate niya. Nilapitan ko muna ang larawan ni Paolo na nakalagay sa unahan. Hinaplos ko ito nang paulit-ulit.
Nakangiti si Paolo sa larawan. Para siyang buhay na buhay sa picture na iyon. Nangilid na naman ang mga luha ko. Muling pumatak ang mga luhang nagsilabasan lang noong nawala na siya sa mundong ito. Nahihirapan akong lumunok. Hindi ko alam kung ilang beses ko na itong nasabi pero sobrang sakit talaga. Hindi ko alam kung magiging ayos pa ako dahil sa nangyaring trahedya sa buhay ko.
“Paolo,” sabi ko habang hinahaplos ang mukha niya sa larawan. “Ang unfair mo. Hindi mo tinupad ang mga pangako mo sa akin. Nakakainis ka,” garalgal na ang boses ko. “Pero kahit iniwan mo ako, mahal na mahal pa rin kita. Mahal na mahal kita, Paolo.”
Napatigil lang ako sa pagkausap sa picture nang makita kong papalapit sa akin si Pearl na kapatid ni Paolo. Magkasing-edad lang kaming dalawa kaya agad kaming nagkasundo. Kasundo ko naman lahat ng kapatid ng lalaking mahal ko. Itinuro kasi sa kanila ni Paolo na irespeto ako dahil ako ang amo niya. Pero iba ang ibinulong sa akin ni Paolo noon. “Dapat ka nilang irespeto kasi ikaw ang magiging asawa ko. Hehe. ”
“Uy, Angeline. Mabuti naman dumalaw ka na. Malulungkot talaga si Kuya kung hindi mo siya pupuntahan,” nakangiti niyang bati sa akin. Halata sa mga mata niya na kagagaling niya lang sa pag-iyak dahil namumugto rin ang mga mata niya tulad ko. Mahal na mahal talaga ng mga kapatid niya si Paolo.
“Oo nga, eh. Ang sakit lang kasi. Kahit ilang araw na ang lumipas, hindi ko pa rin tanggap,” nakangiti kong sagot sa kanya. Ang daling ngumiti kahit nasasaktan na ako. Sana kaya kong ngumiti habang-buhay. I was hoping I can smile forever, just to hide my broken heart and soul.
“Masasanay rin tayo. Malulungkot si Kuya kapag umiiyak tayo nang paulit-ulit dahil sa kanya. Si Kuya ang tao na palaging nakangiti at tumatawa kasi ayaw niyang makaramdam ng lungkot,” pagsasalita ni Pearl. “Noong namatay nga si Tatay hindi umiyak si Kuya, eh. Palagi siyang nakangiti sa amin. Gusto niya kahit may umalis, tanggapin na lang sa puso. Wala naman daw kasing may gusto sa nangyari kay Tatay. Pero kahit gano’n ang sinabi ni Kuya, alam kong umiiyak siya kapag mag-isa na lang siya. Siya kasi ang pinaka-close kay Tatay.” Tumulo ang luha ni Pearl.
“Nakakaiyak lang dahil pati si Kuya wala na rin sa amin. Sumunod na agad siya kay Tatay. Hindi ko na natupad ang pangarap ko kay Kuya na makikita niya akong grumaduate. Nag-aaral ako nang mabuti para sa kanya pero wala na siya. Hindi na niya makikitang tumuntong ako sa stage para kuhanin ang diploma ko.”
Niyakap ko si Pearl hanggang humupa ang pag-iyak niya. Ramdam na ramdam ko ang hirap na nararanasan niya sa pagkawala ng kuya ng pamilya nila. Mahal na mahal talaga nila ang isa’t isa. Alam ko `yon dahil witness ako kung gaano sila ka-close sa isa’t isa tuwing dumadalaw ako sa kanila.
Inaya ako ni Pearl na umupo at makinig sa mga nagsasalita sa harap. Nagbibigay ng eulogy ang mga kaibigan ni Paolo. Sinabi ko kay Pearl na ang daming tao ngayon. Ang sabi niya kakaunti pa raw ito kumpara no’ng nakaraan na halos siksikan na ang mga dumadalaw. Ang iba kasi ay may kani-kanilang trabaho kaya agad na ring umaalis. Pero nangako naman ang mga ito na makikipaglibing sa huling lamay kay Paolo. Tinanong rin ako ni Pearl kung gusto ko na bang silipin ang kabaong ni Paolo pero tumanggi ako. Sabi ko mamaya na lang dahil baka umiyak na lang ako nang umiyak kapag nakita ko ang mukha niyang nahaharangan na ng salamin.
Ang lapit ko lang sa kabaong ni Paolo pero hindi ko iyon tinitingnan nang matagal. Kapag napapasulyap ako ay agad kong binabawi ang tingin ko. Sa bawat pagsulyap ko kasi sa kabaong niya ay may bagay na tumutusok at bumabaon sa puso ko. Hindi ko kayang tingnan nang matagal ang kabaong na pinaglalagyan ng lalaking pinakamamahal ko.
May lalaking tumayo sa harap na may hawak na microphone. Mukhang magsasalita siya para sa message niya kay Paolo. May makapal siyang salamin at ang ayos ng buhok ay kakaiba. Mukha siyang nerd. Tinanggal niya ang salamin nang panandalian para punasan ang kanyang mga mata. Hindi pa siya nagsisimulang magsalita pero umiiyak na siya.
“Nagkakilala kami ni Paolo noong fourth year high school kami,” paninimula niya. “Dahil weird ang hitsura ko noon, walang taong lumalapit sa akin. Walang taong gustong makipagkaibigan sa akin. Palagi akong nag-iisa at walang kaibigan. One time, nasa canteen ako noon at bumibili. Dahil sa siksikan, naitulak ko `yong binili kong spaghetti at natapon sa uniform ng isang lalaki.” Nagtawanan ang mga nakikinig. “Akala ko magagalit ang lalaki… akala ko ipapahiya niya ako katulad ng ibang tao. Pero hindi. Ngumiti lang siya sa akin saka tinanggal ang suot niyang uniform. Hindi pa ako humihingi ng tawad, napatawad na niya agad ako. Ang sabi ni Paolo, ‘Sa sobrang sarap ng spaghetti rito sa canteen, pati `tong uniform ko kumain na,’ sinabi niya `yon habang tumatawa.”
Napansin kong muling napaiyak ang lalaki na nagsasalita, “Si Paolo... Si Paolo ang kauna-unahan kong kaibigan… Siya ang taong hindi pinagtawanan ang hitsura ko. Tinrato niya ako na parang katulad lang ng iba. Isang ordinaryong estudyante noon. Dahil naging magkaibigan kami… naging… naging kaibigan ko na rin ang iba pa niyang kaibigan... Dahil kay Paolo... dahil sa kanya nagkaroon ako ng mga kaibigan...
“Paolo... Paolo salamat kasi napakabuti mong tao. Napakabait mong kaibigan at kaklase… Ikaw ang palagi kong tinatakbuhan kapag may problema ako… Ang sakit lang isipin na nawalan ako ng kaibigan na gaya mo pero tatanggapin ko. Tatanggapin namin... Kung nasaan ka man ngayon, sana maging masaya ka, pare. Hindi ka namin makakalimutan.”
Patuloy lang umiyak ang lalaki hanggang sa muli itong umupo. Sumunod naman ang ibang pang kaibigan ni Paolo sa pagsasalita. Ikinuwento kung paano nila nakilala si Paolo at kung gaano ito kabuting tao at kaibigan. Lahat sila umiiyak at humahagulhol pagkatapos magsalita. Nahihirapan silang tanggapin na nawalan sila ng isang kaibigan na katulad ni Paolo. Doon ko na-realize na napakabuti talagang lalaki ni Paolo. Ang dami niyang natulungan kahit na mahirap lang siya. Kahit walang-wala siya, tumutulong pa rin siya sa taong humihingi ng tulong niya. Hindi mo kailangan maging mayaman para tumulong. Ang pagtulong ay nanggagaling sa puso at hindi sa perang inilalabas mo para sa kapwa mo.
Umupo sa likuran sina Mommy at Daddy kasama ang nanay ni Paolo at bunso niyang kapatid. Tumayo ako at kinuha ang microphone. Gusto kong magsalita at ipaalam kung gaano kaimportante si Paolo sa akin. Gusto kong ipangalandakan kung gaano ko siya minahal.
“Magandang hapon po,” pagsasalita ko. Nagtinginan lahat ng tao sa akin. Lahat nakinig. Naghihintay sa susunod kong sasabihin. “Ako ang inalagaan ni Paolo sa loob ng tatlong taon. Naging all-around yaya ko siya sa mga panahon na `yon.” Ngumiti ako. “Ang panimula namin ay hindi maganda. The first time I saw him, I hated him. Nakangiti kasi siya no’n kaya nainis ako sa kanya. Ano’ng karapatan niyang ngumiti, eh, ang hirap-hirap niya lang saka for sure marami siyang problema. I hated the fact that he could still smile even though he just came from a poor family.”
Tahimik lang ang mga tao na nakikinig sa akin. Napalunok ako. Iniisip nang mabuti ang mga salitang sasabihin tungkol kay Paolo.
“Ever since I was still a kid, I already felt different kinds of pain. Lahat ng hinanakit nasa akin na no’n kaya galit ako sa mga taong nakapaligid sa akin at galit ako sa mundo. Lahat inaaway ko. Lahat ginagawan ko ng kalokohan. Wala akong pinapalampas. Including Paolo. Kung ano-anong paghihirap ang pinaranas ko sa kanya.” I smiled as my tears started to fall. “Suprisingly, kahit gano’n ang ipinakita ko sa kanya, never niya akong sinigawan at kinagalitan. Palagi lang siyang nakangiti. Palaging nakatawa. Because of it, I started to feel the feelings that were not right in the first place. Before I met him I wanted to die. Pakiramdam ko kasi walang taong may kailangan sa akin. I felt really unwanted, unloved, and unappreciated. Then I met him and my life turned the other way around...”
Napatigil ako dahil basag na ang boses ko sa labis na pag-iyak. Ang mga tao sa harap ko umiiyak na rin including my Mom and Paolo’s mother. Pati sila nagiging emosyonal dahil sa sinasabi ko.
“When I met him and he came into my life, I became the happiest girl in the whole wide world. Siya kasi ang nagpuna ng mga bagay na hindi nabigay sa akin ng mga magulang ko.” Napakagat ako sa labi ko. “Because of him and for the first time in a long time, I felt really happy and alive. Because of him, nagmahal ako. Minahal ko si Paolo kahit na may sampung taon ang agwat namin sa isa’t isa. Because of him, I learned that age had nothing to do with love. Because of him, I fell really hard. Because of him, I knew that love conquers everything.” Napatigil ako at hinayaan munang tumulo ang mga luha ko. “But now that he is gone, I don’t even know what I’m going to do with my life anymore.”
Napansin kong napapaiyak na rin si Dad dahil sa mga sinasabi ko. Si Dad ang tipo na tao na matikas at hindi nagpapakita ng emosyon. Pero ngayon, nakikita ko siyang lumuluha kasama si Mommy. Parehas silang nakasulyap sa akin habang lumuluha. Siguro naaawa sila sa akin. Naaawa sila sa dinaranas ng kanilang anak.
“Siguro nga isang anghel si Paolo,” muli kong pagsasalita. “Dumating lang siya sa buhay natin para baguhin tayo at i-inspire sa mga ginagawa niyang kabutihan. Nagtagumpay naman siya sa misyon niya. Binago niya ang buhay natin kaya ngayong tapos na ang misyon niya, bumalik na siya sa langit.” Ngumiti ako.
“Heaven really needs Paolo. Kailangan nila ng katulad ni Paolo na isang anghel. Ang dami niyang nagawang mabuti para sa akin. Ang dami naming pangako sa isa’t isa kaya ngayon, kahit wala na siya, tutuparin ko pa rin ito.” Tumingin ako sa gawi ng mga magulang ko. “Mom, Dad. I never asked for anything no’ng eighteenth birthday ko. Ngayon may gusto akong gawin. Sana pagbigyan n’yo ako.”
“Ano `yon, anak?” sumagot si Dad mula sa likuran. “Kahit ano. Sabihin mo.”
“I want to marry Paolo.” Mukhang nagulat ang lahat pero hindi naman sila nagsalita. “Pinangako namin sa isa’t isa na magpapakasal kami kapag nag-twenty years old na ako pero ngayong wala na siya, hindi ko na hihintayin na umabot ako sa ganoong edad bago ko siya pakasalan,” sabi ko “I want to marry him in the UK, Dad. Gusto ko siyang pakasalan sa lugar na may snow. We promised to each other that we are going to see the snow together. Dad, please. I’m begging you. Mom, please. Pagbigyan n’yo ako. Pangarap namin `to ni Paolo. Gusto kong tuparin bago siya ilibing. Gusto kong maging masaya siya. Mom, Dad, please…”
Nakarinig ako ng mga hagulhol mula sa mga tao sa paligid. Tumingin ako kina Mom and Dad habang hinihintay ang sagot nila. Ang nanay naman nina Paolo ay humagulhol na rin.
“All right,” sabi ni Dad habang nakangiti. “We’ll fly as soon as possible.”
“Thank you, Dad. Thank you,” pagpapasalamat ko kay Dad saka inilapag ang microphone.
Pinuntahan ko ang kabaong ni Paolo at niyakap iyon. Tiningnan ko ang mukha ni Paolo na mahimbing na natutulog. Muli na namang bumagsak ang mga luha ko.
“Paolo, narinig mo `yon? Magpapakasal na tayo. Matutupad na ang wishes natin. Makakapunta na tayo sa ibang bansa at sabay nating makikita ang snow. Paolo, mahal na mahal kita,” sabi ko habang yakap-yakap ang kabaong niya. “I love you, Paolo. I really love you.”
DAHIL sa mga connection ni Dad ay agad napaayos ang mga papeles na kailangan namin para makapunta sa United Kingdom. Pati ang nanay ni Paolo at bunso niyang kapatid ay isinama namin papuntang ibang bansa. Minadali lahat ng proseso. Pati ang pagkakasal sa aming dalawa ay madalian dahil hindi na puwedeng patagalin ang bangkay ni Paolo at kailangan na itong ibalik sa Pilipinas para ilibing.
Noong kasal namin, nagsuot ako ng isang gown na kulay-snow. Puting-puti ang suot kong gown habang si Paolo naman ay kulay-puting americana. Kinasal kami sa isang garden na nababalutan ng snow. Snow season kasi noon kaya punong-puno ng makakapal na niyebe ang buong paligid. May ilan kaming mga bisita. Ang ibang kamag-anak namin na nakatira sa United Kingdom ay dumalaw at nakidalo sa kasal namin ni Paolo.
Tinanggal ang glass sa kabaong ni Paolo at hinalikan ko siya sa mga labi nang matapos ang kasal namin. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. May ngiti sa mga labi nila dahil sa nasaksihang pagmamahalan ng dalawang tao. Pero ako, kung tatanungin n’yo ako kung ano’ng nara ramdaman ko? Hindi ko masasabing masaya. Hindi ko rin masasabing malungkot. Siguro magiging lubos lang ang kaligayahan ko kung buhay si Paolo no’n at nasaksihan niya mismo ang snow na nakabalot sa buong paligid. Sana nakita niya ang snow na matagal na niyang pinapangarap makita.
“Mas masaya sana Paolo kung `andito ka at buhay,” bulong ko sa sarili nang matapos ang kasal.
Nang matapos ang kasal ay ibinalik agad sa Pilipinas ang mga lab i ni Paolo. Habang ako naman at si Mom ay nagpaiwan pa sa United Kingdom nang ilang araw. Kasalukuyan kaming namamalagi sa bahay ng tita ko. Gabi na no’n at patuloy na bumabagsak ang niyebe mula sa madilim na langit nang mapagdesisyunan kong lumabas muna at pumunta sa garden.
Lalong kumapal ang niyebe sa paligid. Sobrang lamig ng buong kapaligiran. Ilang araw na rin kaming namamalagi rito at bukas na ang nakatakdang pagbalik namin sa Pilipinas.
Paglabas ko ng bahay ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Agad akong nagtungo sa garden at umupo sa swing. Nag-isip-isip.
Napatingala ako at hinayaang dumapo sa palad ko ang isang snowflake.
“Para kang snowflake. Cold yet beautiful.”
Bigla kong narinig ang boses ni Paolo kaya napatingin ako sa paligid. Wala namang tao. Nanikip ang dibdib ko dahil do’n. Napapikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Mga luhang hindi ko alam kung may plano pang tumigil dahil sa pagkawala ng lalaking pinakamamahal ko.
Tumayo ako at pumunta sa isang bahagi kung saan may makapal na snow. Isinulat ko ang pangalan naming dalawa ni Paolo.
Paolo Johann Buenavista - Angeline Cruzette Sy <3
“`Pag nakita natin nang sabay ang snow, sabay din natin isisigaw kung gaano natin kamahal ang isa’t isa.” Muli kong narinig ang pagsasalita ni Paolo sa isip ko.
Huminga ako nang malalim habang hawak-hawak ang necklace kong may pendant na snowflake. “I love you, Paolo Johann Buenavista! Mahal na mahal kita!” sigaw ko sa madilim na paligid. “You’ll always be my first and great love, Paolo. Kahit saan ako magpunta, hindi kita kalilimutan! You might be gone but our memories will always be fresh in my mind and in my heart. Thank you for everything! I will never ever forget you!” Patuloy kong pagsigaw sa buong paligid habang bumabagsak ang mga snow sa buo kong katawan.
Nang mapagod ako sa pagsigaw ay humiga ako sa makapal na niyebe at pumikit. Inalala ang mga panahon na kasama ko pa si Paolo at buhay na buhay siya. Bigla ko siyang nakita sa isip ko na nakangiti. Puro puti ang suot niya.
“Thank you, Cruzette ko. Mahal na mahal din kita,” naulinigan kong sabi ni Paolo. Masaya ang tono ng boses niya. Masaya siya dahil tinupad ko ang mga pangako namin sa isa’t isa.
I was eighteen years old back then when I fulfilled all the promises that we had.
I was eighteen years old back then when I lost the guy who meant everything to me.
I was eighteen years old back then when I experienced the true meaning of love.
I was eighteen years old and he was twenty-eight years old when I lost the great love of my life.
Even though we had a ten-year age gap, we conquered everything.
Love is really and trully amazing...