I hated everything in our school. I hated the teachers and students. They were all fake. Ang lalakas ng loob nilang ngitian ako kapag nakakasalubong ko sila, pero kapag nakatalikod naman ako, kung ano-ano na ang mga sinasabi nila. They said I was a bitch, a relationship wrecker, a boyfriend stealer, a slut, and even a hooker. As if naman maaapektuhan ako sa mga sinasabi nila. Bata pa lang ako, kung ano-ano na ang nasasabi sa akin kaya hindi na ako masasaktan. Fakers!
What I abhorred the most was when they accused me as a boyfriend stealer, slut, and even a hooker. Sure, I was a bitch, I was mean. But being a boyfriend stealer? My God. What was wrong with their twisted little minds? Wala akong ninanakaw na boyfriend. Wala nga akong friends na nakakasama tuwing free time ko, pagkatapos boyfriend pa kaya? Nag-iisip ba sila? They made me vomit. Breathing the same air they were breathing just made me sick. Fake, fake, fake.
“Kumusta ang school? Nag-enjoy ka ba?”
Napairap ako sa kawalan nang magsalita ang driver ko. Ganyan ang palagi niyang tanong tuwing sinusundo niya ako. As if he really cared. This guy really knew how to ruin my mood. Sira na nga ang mood ko, pero lalo pang nasira dahil sa pagsasalita ng lalaking mahirap na ito. Sinamaan ko lang siya ng tingin, pero tanging ngiti lang ang iginanti niya sa akin. I rolled my eyes. Buwisit na `yan. Bakit kasi hindi ko mapaalis-alis `tong buwisit na `to?
It had been been a year since he started working as my so-called maid. Katulad ng dumaan sa aking mga katulong ay pinahirapan ko rin siya. Umaasa akong mawawala agad siya sa landas ko at hindi ko na makikita ang nakakabuwisit niyang ngiti, but I failed. Kahit ano-anong kalokohan na ang ginagawa ko ay nag-stay pa rin siya. Palagi niya lang akong tatawanan. Hindi rin siya nagagalit sa akin. Palagi niya akong sinasalubong ng isang ngiti.
Nginingitian niya ako na parang hindi ako masamang tao. I hated the kindness he was showing.
I tried everything. Lahat ng ginawa kong kalokohan sa mga dati kong katulong ay ginawa ko rin sa kanya. Pinaliguan ko siya ng pintura, pero tinawanan niya lang ako at saka binuhusan din ng pintura. Nilagyan ko ng mga palaka ang tinutulugan niya, but it just turned out na nilaro-laro niya lang ang mga palaka. Sinunog ko ang damit niya, pero sabi niya ay ayos lang daw dahil luma na raw naman iyon. Gosh, hindi ba siya marunong magalit? Or he was just really good in hiding the anger that he really felt?
Minsan pa nga, habang naglilinis siya sa bakuran ay pinakawalan ko ang tatlong labrador naming aso. Akala ko ay hahabulin siya at kakagatin. But my plan backfired on me. Ako ang hinabol ng mga asong iyon. Napatalon tuloy ako sa swimming pool nang wala sa oras. He just laughed as he walked towards me.
Lalo akong nabubuwisit sa kanya habang tumatagal. Insulto sa akin ang pagngiti-ngiti niya. Paano niya nagagawang ngumiti kung mahirap lang naman siya at hikahos sa buhay? Habang tumatagal lalo akong nagagalit sa kanya. Did I already say that I hate him?
“Hoy!” pagtawag ko sa kanya. Tumingin lang siya sa rearview mirror. Nakangiti na naman siya.
“Yes, Miss?” sagot niya. “Sasagutin mo na ba ang tanong ko? Kumusta ang school mo? Masaya ba?”
“As if!” I rolled my eyes “Bakit nagwo-work ka pa rin sa akin? Pinahirapan na kita nang ilang ulit, pero hindi ka pa rin umaalis. Ganyan ka ba kahirap? Pera lang talaga ang mahalaga sa inyong mahihirap, ano? Tell me, magkano ang kailangan mo para umalis ka na sa trabaho mo.”
Napatitig siya sa akin saka ngumiti na naman. “Hindi importante sa akin ang pera, Miss Cruzette. Sure, mahirap lang akong tao at nagtatrabaho ako para maiahon sa hirap ang pamilya ko. Pero kung hindi ko pagpapaguran ang kinita ko, wala ring saysay. Gusto kong paghirapan ang mga kinikita ko. Gusto ko na ang kinakain ng pamilya ko ay galing sa dugo at pawis ko.”
“Mukhang pera lang `kamo kayong mahihirap,” tudyo ko.
Itinuon lang niya ang pansin sa dinadaanan. “Hindi naman sa gano’n. Pero tama ka. May mga mahihirap na tanging pera lang ang iniisip. Hindi mo kasi naranasan ang maghirap, eh. Ipinanganak kang nasa harap mo na ang lahat. Pero kami? Kailangan pa naming magtrabaho para lang kumain at mairaos ang pang-araw-araw,” dugtong pa niya. “Gusto ko `tong trabaho ko. Noong una, mahirap pero habang tumatagal napapamahal na ako. Lalo na sa `yo. Kaibigan ang turing ko sa `yo at hindi amo.”
“Ang kapal ng mukha!” hiyaw ko. “Amo mo ako at hindi kaibigan. Wala akong kaibigan. Ang mga tao sa paligid ko, isa lang ang kailangan kaya gusto akong maging kaibigan. Puro pera. Mga mukhang pera.”
“Hindi naman lahat. Hindi ako gano’n, Miss Cruzette.” Ngumiti siya. “Gusto kitang maging kaibigan. Kahit sampung taon ang agwat ng edad natin sa isa’t isa, gusto kitang maging kaibigan. Alam kong malungkot ka. Alam kong gusto mo lang mapansin kaya ganyan ang trato mo sa mga tao sa paligid mo. Tinutulak mo sila palayo, pero ang totoo, mas gusto mo silang lumapit sa `yo.”
Kinuha ko ang bag ko saka ibinato sa kanya. “Wala kang alam!” sigaw ko. “Manahimik ka! Wala kang alam! Shut up!” patuloy kong sigaw.
Nang huminto ang sasakyan sa loob ng mansiyon ay agad akong bumaba. Padabog ko pang isinara ang pinto ng sasakyan. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Ang sikip na naman ng dibdib ko. May mga basura sa gilid kaya binuhat ko iyon at ikinalat sa loob ng mansiyon. Natahimik ang mga katulong na nakasalubong ko. Tinapunan na naman nila ako ng tingin gamit ang kanilang mapanghusgang mga mata.
“Ate Minda, ako na ang bahala. Ako na ang maglilinis diyan,” narinig kong sabi ng buwisit na Paolo na iyon bago ako makapasok ng kuwarto ko.
Lagi niyang inaayos ang ikinakalat ko. Lagi niya akong pinagtatakpan sa mga kalokohan ko. Pinapalabas niya na siya ang may gawa ng mga kinakalat ko. I hated him for that. I just really abhorred that guy.
Nagkulong lang ako sa kuwarto ko. Hindi ako lumabas. Hindi ako kumain. Wala akong ganang gumalaw. Na-bother ako sa sinabi ni Paolo kanina habang nasa kotse kami.
Natawa ako nang mapakla. H acted like he really knew me, ah. Ang kapal ng mukha ng mahirap na `yon.
“Alam kong gusto mo lang mapansin kaya ganyan ang trato mo sa mga tao sa paligid mo.”
Naalala ko ang sinabi niya kanina. Sumikip ang dibdib ko. Sabi na, eh. Katulad lang din siya ng mga ibang katulong. Katulad lang din ng Paolo na `yon si Yaya Lordes. Nagbabait-baitan para makuha ang loob ko, pero once na kumagat ako sa bitag nila, gagamitin lang ako para makuha ang totoong nais nila. Mga mapanlinlang. Mga mapagbalat-kayo. I hated all people. They were all fake. They only showed kindness to get what they really wanted from me.
Tumatagal na ang pamamalagi ng Paolo na iyon sa mansiyon kaya panay ang pag-iisip ko kung paano siya mapapaalis sa pamamahay ko. But no matter how many times I tried, wala na akong maisip. Parang lahat ay nagawa ko na. Lahat ng kalokohan ay nasubukan ko na sa kanya. Pero sadyang matiisin talaga siya. Kaya niyang tiisin ang mga pagpapahirap ko sa kanya. Hindi talaga siya nagagalit at kung hindi tawa ang isasagot niya ay ngiti naman.
What I hated the most was his smile! Ayoko ng paraan niya ng pagngiti. Mahirap siyang tao kaya kailangan nahihirapan siya. Wala siyang karapatang ngumiti na parang hindi nahihirapan sa buhay. Ako itong mayaman pero hindi ako masaya. Ano ang karapatan ng isang mahirap na tulad niya para maging masaya?
My parents seldom come home. Kung dati three times a month sila kung umuwi, ngayon isang beses na lang pero minsan hindi pa. Bihira ko silang makita sa loob ng isang taon. Kahit mga special occasions ay hindi sila umuuwi. Even my birthday, Christmas, and New Year. I spent them all alone. Ang mga special days na iyon ay naging ordinary days na sa akin. Unti-unti ko nang nakalimutan ang meaning ng isang pamilya dahil sa kanila.
I was walking in the hallway when I decided to go to the kitchen to get some water. Hindi pa ako nakakapasok sa kitchen nang may marinig akong nag-uusap. Si Agatha na nakakairita ang pagmumukha na bagong katulong saka si Paulo na buwisit. Hindi talaga ako gumagalang sa kanila kahit mas nakakatanda sila sa akin. Amo ako at katulong sila. Sila dapat ang gumalang.
“Hindi ka ba naiinis diyan kay Angeline, Paolo? Ang sama-sama ng ugali. Kung damit ko ang susunugin niya, naku, papatulan ko talaga `yan. Wala akong pakialam kahit mapaalis ako rito sa mansiyon,” sabi ni Agatha na mukhang mangkukulam.
Nanggagalaiti na ako habang nakasilip sa pinto. Hindi lang damit niya ang gusto kong sunugin kundi pati na rin ang buong pagkatao niya. Ang kapal din ng mukha niya. Kunsabagay, makakapal lahat ng katulong at nagtatrabaho sa mansiyon na ito.
Narinig kong tumawa si Paolo. “Gusto kong magalit sa kanya sa totoo lang,” paninimula niya. Nakinig lang ako nang tahimik sa sasabihin ng buwisit na Paolo na iyan. Tingnan ko lang kung hindi siya magsalita ng masasama tungkol sa akin. Alam ko namang nagbabait-baitan lang siya tuwing kaharap ako, eh. Ngayon na nakatalikod ako, sigurado akong lalabas din ang katotohanan.
“Eh, `yon naman pala, eh. Eh, di magalit ka. Hindi ka dapat kinakawawa ng demonyitang Angeline na `yan! Dapat diyan ay tinuturuan ng leksiyon,” sagot naman ng impaktang Agatha.
“Gusto kong magalit sa kanya, pero kahit ano’ng gawin ko ay hindi ko magawa,” seryosong sagot ni Paolo na naging dahilan para matigilan ako. “Cruzette is just a lost girl. Hindi niya lang alam ang ginagawa niya. Hindi hate at pangaral ang kailangan niya kundi isang tao na iintindi at makikinig sa kanya. Hindi `yon magawa ng mga magulang niya kaya ako ang gagawa. Kahit anong kalokohan ang gawin niya, hindi ako aalis. Lagi akong nasa tabi niya. Lagi ko siyang iintindihin.”
Napatitig ako sa kawalan dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko, naluluha na naman ako. Alam ko ang ganitong pakiramdam. Naramdaman ko ito noong nakilala ko si Yaya Lordes. Hindi dapat ako magpaloko. Isang kasinungalingan lang lahat ng iyon. Matatamis na salita para mabilog ang ulo ko.
“Cruzette never cries. I know she is lonely. Nalaman kong simula pagkabata ay hindi niya nakakasama madalas ang mga magulang niya. Naging maloko siya dahil do’n at gumawa ng mga kalokohan sa mga tao sa paligid niya. Every time I look at her, it reminds me how sad and lonely she is. Yet she hasn’t cried. I’m so proud of her. Kahit wala pa siya sa tamang edad ay natutunan na niyang maging malakas. Kung magsalita at kumilos, akala mo isa na siyang matanda. Hindi siya dumedepende sa ibang tao. She is a strong girl. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal. Gusto kong makita na mag-grow siya into a fine woman.”
Bigla kong narinig na tumawa si Impaktitang Agatha. “Wow! Kung makapagsalita ka parang in love ka kay Angeline, ah. Naku, child abuse `yan, Paolo.”
He chuckled. “Of course not. Hindi ako in love. Besides, sampung taon ang agwat namin sa isa’t isa, `no? There’s no chance para sa ganoong bagay.”
Umalis na ako sa pintuan at dumeretso malapit sa swimming area para mag-isip-isip. Nakatitig lang ako sa kawalan nang maramdaman kong tumulo na pala ang mga luha ko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung kailangan ko bang maniwala sa mga narinig ko. I was sure na kapag naniwala ako, masasaktan lang ako uli. Sobrang sakit sa akin noong niloko at ginamit lang ako ni Yaya Lordes. Ayoko na uling maranasan iyon. Ayoko nang ma-attach sa isang tao dahil sigurado akong iiwan din niya ako kapag dumating ang panahon. Watching them as they left me just broke my heart into pieces.
Patuloy lang ako sa pagluha nang may sumulpot na panyo sa harap ko. Agad akong napatingala at nakita si Buwisit na Paolo na nakatayo sa harap ko, pero nakabaling naman ang ulo niya sa kanan. Hindi siya nakatingin sa akin.
“Hindi ako umiiyak! Aanhin ko `yang panyo mo?” pagtataray ko sa kanya. Pinipigilan ko ang luha ko, pero hindi ko magawa. Napayuko ako para pakalmahin ang sarili ko.
“Alam kong hindi ka umiiyak,” seryoso niyang sagot. “Pawis lang ang mga mata mo kaya may tubig na tumutulo. Malakas kang babae, `di ba? Hinding-hindi ka iiyak. Kaya ipunas mo na `tong panyo. `Wag kang mag-alala. Kahit pang mahirap na panyo `yan, malinis `yan.”
Wala na akong nagawa kaya kinuha ko na ang panyo sa kanya. Hindi pa rin siya nakatingin. Siguro ayaw niya lang talaga akong makita na umiiyak dahil alam niyang maiinis ako. Ayokong may nakakakita ng kahinaan ko.
“Sigurado kang malinis `to? Hindi mo pa `to nagagamit?” paniniguro ko.
“Oo, promise. Malinis `yan.” Ngumiti siya kahit nakabaling ang ulo niya sa ibang direksiyon. “Hindi ko pa `yan nagagamit.”
Inamoy ko muna ang panyo bago ipunas sa mga mata ko. Tama nga siya, malinis pa dahil mabango pa. Parang amoy ng damit ng buwisit na Paolo na ito.
Pinupunasan ko na ang mukha ko nang magsalita siyang muli.
“Hindi ko pa `yan nagagamit nang dalawang beses. Isang beses pa lang,” sabi niya saka humalakhak.
Napatigil ako sa pagpunas at agad tumayo saka siya itinulak papunta sa swimming pool. Agad naman siyang nalaglag.
“Buwisit ka!” sigaw ko saka ibinato sa kanya ang panyo.
Hindi naman siya tumigil sa pagtawa dahil sa naging reaksiyon ko. Nag-walk out ako at pumasok sa loob ng kuwarto ko.
He was twenty-five years old that time and I was just fifteen years old.
For the first time in history, I felt relaxed because of him.