Lumipas ang mga buwan at dumating ang isa sa mga kinaiinisan kong araw. Tomorrow was my sixteenth birthday. My parents asked me what I wanted for my special occasion. Of course, we only talked over the phone. Ganoon naman lagi, eh. Mas madalas ko silang makausap sa cell phone kaysa makita rito sa mansiyon. Palagi silang malayo sa akin kahit birthday ko. Kaya wala akong ganang i-celebrate ang kaarawan ko since wala naman ang dalawang tao na gusto kong makasama.
I said nothing. I told them I did not want anything and I was fine with the things I already had. They insisted pero sinabi ko nang paulit-ulit na wala akong kailangan. Gusto ko sanang sabihin na atensiyon lang nila ay masaya na ako. Pinigilan ko lang ang sarili ko. Alam kong hindi nila iyon maibibigay. Attention was one of the rarest things parents could ever give to their own child. Isang himala kung mabigyan nila ako niyon.
They asked me, too, if I wanted to throw a birthday party. But I just declined their suggestion. Sabi ko, ayoko. Kung magbago raw ang isip ko, tawagan ko lang daw sila agad para maasikaso ng secretary nila. As if namang magbabago ang isip ko. Never akong nagkaroon ng birthday party. Wala akong matandaan na nagkaroon ako ng gano’n. Wala naman akong mga kaibigan na papapuntahin. Even my relatives. They were living abroad. As if namang uuwi sila para lang makisalo sa pinakakinaiinisan nilang kamag-anak.
I did not give a damn when my birthday came. Isa lang iyong ordinaryong araw para sa akin. Itinutulog ko lang maghapon ang araw na iyon. May mga bumati sa akin sa social networks and even on the phone, pero wala akong pinasalamatan o sinagot man lang. Naglalabasan ang mga fake tuwing birthday ko. As if may makukuha sila sa akin.
Nasa balcony ako habang nakikinig ng mga kanta ni Taylor Swift sa bago niyang album na 1989 sa Macbook ko. Wala ako ng album na ito dahil laging out of stock sa mga album shops kaya nag-settle na lang ako sa iTunes. While I was listening to her songs, I heard someone speak behind me. Paglingon ko, nakita ko ang kinabubuwisitan kong lalaki. Nakangiti na naman siya sa akin.
“What do you need?” iritadong tanong ko sa kanya. “Saka, hindi ka ba marunong kumatok? `Sabagay, wala nga palang pinto ang mga mahihirap.”
“May pinto kaya kami sa bahay,” natatawa niyang sagot. “`Yon nga lang gawa sa plywood.”
“O, `tapos? Kung wala kang sasabihin, lumabas ka na sa kuwarto ko. Istorbo ka, eh.” Inirapan ko siya.
“Ano’ng gusto mong regalo bukas?”
Napatigil ako sa tanong niya. Nang lumingon ako, nakangiti pa rin siya. Naiinis na naman tuloy ako.
“Bakit, ano ba’ng mayroon bukas?”
“Birthday mo, `di ba,” sagot niya. “Last year, hindi kita nabigyan ng regalo, `di ba? Naubos kasi sa tuition ng mga kapatid ko, eh. Pero ngayon nagtabi talaga ako. So, ano’ng gusto mong regalo?”
Napakunot ang noo ko. “`Wag ka nang mag-abala pa. Itago mo na lang `yang pera mo.”
“Ikaw ang `wag mag-alala. Talagang itinabi ko `tong pera na `to para sa birthday mo. Para may pang regalo ako. So, ano nga?”
“I have everything. So, wala akong kailangan,” untag ko.
Napatitig naman siya sa akin for a moment na parang sinusuri ang pagkatao ko.
“Bakit mo `ko tinititigan?”
“Wala lang.” Umiling siya. “Alam ko na kung ano’ng ireregalo ko sa `yo.” Ngumiti siya. “Wala ka bang birthday party bukas?”
“Wala,” matigas kong sagot “Wala naman akong mga kaibigan. Saka, I don’t bother myself throwing one. Puro fake lang ang pupunta. Ayokong makasalamuha ang mga pekeng tao.”
“May pupuntahan tayo bukas,” sagot niya “`Wag kang aalis, ah.”
“At saan naman?”
“Basta.” Ngumisi siya. “Dapat sini-celebrate ang birthday kahit papaano. Kahit maliit na salo-salo man lang. Pagpapasalamat sa isang taon sa buhay mo.”
“`Di ba, katulong kita and driver?” Tumango siya. “Kailan ka pa naging Padre?”
Tumawa siya. “Secret. Sige, maglilinis na ako ng garden. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka.”
“Whatever!” Umirap ako pero ngiti lang ang iginanti niya. Lumabas na rin siya ng kuwarto ko.
What was with that guy? Hindi ba siya aware na iritado ako sa kanya? Gosh. What a naïve guy! Para sa isang twenty-six years old guy, napaka-dense niya.
My birthday arrived. Like I expected, marami na naman akong greetings na natanggap mula sa iba’t ibang fake na taong kilala ko. Pati mga kamag-anak ko abroad ay nag-send din ng gifts para sa akin. Lahat ay halatang mamahalin. Pero hindi ko pinagbububuksan. Sinabi ko lang sa mga katulong na itambak sa guest room. Sinunod naman nila ako. Pati ang mga katulong ay binati ako habang nakangiti pa. Pinag-iirapan ko lang sila. More birthdays to come pa raw.
As if naman na bukal sa loob nila ang pagbati. Alam ko namang hinihiling nila na sana last birthday ko na `to para mawala na ang tulad kong demonyita sa mansiyon. Mga plastic talaga. Ang sasarap n’yong sunugin lahat.
Aalis sana ako ngayon para mag-mall nang may biglang humawak sa braso ko. Pagtingin ko, nakita ko si Buwisit na Paolo na nakaayos. Naka-pants siya at naka-V-neck na shirt na kulay-blue. Bagay sa kanya ang suot niya dahil maganda nga ang built niya. Bigla na naman akong nairita dahil nakangiti siya. Nagpumiglas ako.
“`Wag mo nga akong hawakan!” iritado kong sigaw sa kanya.
“Saan ka pupunta?” tanong niya. “`Di ba, may usapan tayo ngayon? May pupuntahan tayo.”
“At saan naman, aber? Wala rin akong maalalang pumayag ako sa sinabi mo.”
“Wala kang choice!” Tumawa siya at muli akong hinawakan sa braso saka hinila papasok sa sasakyan.
“Hoy! Saan ba tayo pupunta? Ghad. Nakakabuwisit ka talaga!” hiyaw ko habang nasa loob na kami ng sasakyan.
“Pupunta tayo sa amin. Nagpaluto ako kay Inay ng spaghetti. I-celebrate natin `tong birthday mo,” nakangiti niyang sabi sa akin habang nakatingin sa rearview mirror.
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita at napaiwas na lang ng tingin. To tell you the truth, I had always wanted to throw a birthday party. But I was just scared. Natatakot lang ako na baka walang pumunta dahil wala namang taong may gusto sa akin. They always saw me as a bitch. Walang lumalapit sa akin dahil masama ang ugali ko at dahil na rin sa mga naririnig nila.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang nasa biyahe kami. Naiiyak ako habang sumisikip ang dibdib ko. I was just sixteen years old, yet I was so dramatic. Normal pa ba akong teenager?
“`Wag kang umiyak. Mamaya ka na umiyak,” sabi ng buwisit na Paolo. I rolled my eyes. “`Ayan. Dapat hindi ka sumisimangot. Mas maganda ka kung nakangiti ka.”
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Pero mas nagulat ako nang makita kong nakatitig din pala siya sa akin. Magkatitigan lang kaming dalawa nang maramdaman ko ang pintig ng puso ko. My heart was beating so fast. Nanlambot ang mga tuhod ko kahit nakaupo ako.
“Sa... sa daan ka nga tumingin. Baka mabangga tayo.” Napaiwas ako ng tingin.
Natawa siya. “Yes, my queen. Masusunod ang utos n’yo.”
Tahimik lang kami habang bumabiyahe. Huminto ang sasakyan sa isang squatters’ area. Agad bumaba si Paolo para pagbuksan ako ng pinto. Paglabas ko ay napatingin ako sa paligid at biglang napaawang ang bibig ko dahil sa mga taong nakita ko. Nasa lugar ako ng mahihirap. Iyong mga mukha pa ng mga tao rito parang hindi gagawa ng maganda. May mga mukhang ex-convict at mukhang gumagamit ng drugs.
“Don’t worry, Miss Cruzette. Hindi ka mapapahamak dito. Sagot kita,” nakangiting sabi ni Paolo sa akin. Tumango na lang ako at sumunod sa paglalakad.
Pansin ko na lahat dito sa lugar nila ay kilala si Paolo. Halos lahat ng makasalubong naming mga tao ay binabati siya. May ilan pang babae na halatang nagpapa-cute sa kanya. Muntik akong masuka dahil doon. Naglalakad kami nang may tumawag kay Paolo sa tindahan. Mukhang kasing-edad niya lang din.
“Paolo, sino `yang kasama mo? Pakilala mo naman ako! Chic `yan, ah. Pero parang bata pa,” sabi ng lalaki nang lumapit sa amin.
Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang sampalin. Kaso bago ko pa magawa ay bigla na siyang itinulak ni Paolo. Sa sobrang lakas ay muntik nang mapasubsob sa lupa ang lalaki.
“`Wag na `wag mo siyang babastusin sa harap ko kung ayaw mong sumabog `yang mukha mo!” Naging seryoso ang boses ni Paolo.
Nang mapatingin ako sa mukha niya ay bigla akong natakot. Ang dilim ng mukha niya. Parang papatay siya nang mga oras na `to. Pero nang mapatingin siya sa akin ay biglang naging maamo ang mukha niya. Hindi na siya nagsalita at hinawakan na ako sa braso saka muling naglakad. Huminto kami sa isang barong-barong.
“Nandito na tayo,” nakangiting sabi ni Paolo. “Pasensiya na sa bahay namin, ah? Kahit ganyan `yan, malinis `yan,” nahihiya niyang tugon saka napakamot pa sa ulo.
Biglang bumukas ang pinto at may lumabas na bata. Sa tingin ko ay mga eight years old lang siya. Isang batang lalaki na younger version ni Paolo. Parehas sila ng mga mata at ilong.
“`Nay! `Nay, nandito na si Kuya Paolo!” sigaw ng bata saka sinalubong si Paolo at niyakap. “Welcome back, Kuya.” Tumingin sa akin ang bata. “Ikaw ba si Ate Cruzette?”
“Paul, `wag mo siyang tawaging Cruzette. Ate Angeline dapat.” Sumulyap sa akin si Paolo saka ngumiti. “Tara, pasok na tayo.” Napatango na lang ako.
Pagpasok namin sa loob ng bahay nila, napangiti ako sa loob-loob ko. Ang linis nga ng bahay nila kahit kakaunti lang ang mga gamit. May TV sila pero malabo. Nang mapatingin ako sa mesa ay mayroon doong isang bilao ng spaghetti at isang karton na mula sa isang bakeshop. Halatang cake ang laman.
“`Nay!” Nagmano si Paolo sa nanay niya. May edad na ang ginang. “Siya po ang amo ko. Siya po si Cru—este, Angeline.”
Bumaling sa akin ang nanay niya. “Kaganda mo naman pala talagang dalaga, hija. Hindi nakakapagtakang palagi kang kinukuwento ng panganay ko sa akin at sa mga kapatid niya.” Nagulat ako.
“`NAY!” Napasigaw si Paolo “Tsk. Ang daldal talaga ni Nanay. Cruzette, `wag kang makinig diyan.”
“Magandang araw po, Tita. Ako po si Angeline.” Nagmano ako sa matanda.
“Napakagalang mo pala talaga. Tama nga ang kuwento ng panganay ko. Mabait ka na at magalang pa.”
“`Nay naman!” hiyaw na naman ni Paolo. “Kain na nga tayo. Nasa’n ba sina Pearl at Paula?”
“Nasa school pa. Mamaya pa uuwi `yon. Tara na, kumain na tayo.”
Bago kami kumain, pinag-blow muna nila ako ng candle. May sixteen na candles ang nakatusok sa ibabaw ng cake. Nahihiya ako habang kinakantahan nila akong tatlo. Piniktyuran pa ako ni Paolo nang hinipan ko na ang kandila. Hindi ko lang siya masaway dahil nahihiya ako sa nanay niya. Sinabihan akong napakagalang at mabait. Napaisip tuloy ako na hindi pala sinasabi ni Paolo ang mga ginawa ko sa kanyang mga kalokohan noon.
Kumain kami ng spaghetti at cake. Pansin ko kay Paolo na close na close siya sa nanay at kapatid niya. Palagi siyang nakangiti at tumatawa. Nalaman ko rin na patay na pala ang tatay nila kaya si Paolo na ang tumutulong sa kanilang pamilya. Siya na rin ang nagpapaaral sa tatlo niyang kapatid. Nakatingin lang ako sa kanya habang nag-uusap sila ng kanyang nanay. Nang bigla siyang mapatingin sa akin ay ngumiti siya. Naramdaman ko na naman na bumilis ang tibok ng puso ko.
Masaya ang naging kaarawan ko sa bahay nina Paolo. I just realized that a home was not really measured by its size; it was measured by how you treat your family right. Pakiramdam ko, naging parte na ako ng pamilya nila habang nakikipag-usap sa nanay niya. Nagkuwento siya ng mga kalokohan ni Paolo. Habulin daw ito ng mga babae. Minsan pa nga raw, may babaeng umiyak na pumunta rito sa bahay nila at nagsabing buntis ito.
“Asa naman ang babaeng `yon. Hindi ko nga girlfriend `yon, eh. Tinuruan ko lang siya sa isang subject no’ng nag-aaral pa ako. `Tapos sasabihin niyang girlfriend ko siya at may nangyari sa amin?” iritadong sabi ni Paolo at mukhang inis na inis.
Bigla akong natawa dahil sa hitsura niya. Ngayon ko lang siya nakitang nainis. Usually, palagi siyang nakangiti at nakatawa. Nang magtama ang mga mata namin, bigla siyang ngumiti. Umamo na naman ang mukha niya.
Madilim na ang kalangitan at nasa taas kami ng bahay nina Paolo. Kahit barong-barong ang bahay nila, may balcony sila sa second floor. Malamig ang simoy ng hangin dahil medyo umulan kanina. May mga bituin na sa kalangitan.
“Masaya ka ba?” tanong sa akin ni Paolo habang nakaupo siya sa kahoy na nakaharang. Ako naman, nakaupo sa isang upuan na kahoy, pero nilagyan ni Paolo ng foam para daw hindi sumakit ang puwitan ko.
Napatango ako. “Yup. Salamat, ah.” Ngumiti ako sa kanya. Mukhang nagulat siya dahil sa pagngiti ko. Kahit ako ay nagulat din sa biglaan kong pagngiti.
“Dapat palagi ka na lang nakangiti, eh. Mas maganda ka kapag nakangiti ka.” Titig na titig siya sa akin na para bang ako lang ang nakikita niya sa mga oras na `yon.
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Pakiramdam ko, pulang-pula ang mukha ko ngayon. Ang weird lang dahil hindi ko pa nararamdaman ang ganitong bagay noon. Nanlalambot din ang mga tuhod ko dahil sa mga papuri niya.
“`Eto pala ang regalo ko.” Napatingin ako sa kanya at sa hawak niya. May dalawang regalo siyang hawak na parehas ang design ng wrapper. Kulay-pink na may floral designs.
“Bumili ka talaga ng gifts? At hindi lang isa. Kundi dalawa pa,” gulat na sabi ko.
Napakamot siya ng ulo saka napaiwas ng tingin. “Wala akong regalo last year, `di ba? Kaya `eto, dalawa ang ibibigay ko sa `yo para makabawi,” nahihiya niyang tugon. “Ito muna ang buksan mo.” Iniabot niya sa akin ang isang regalo. Matigas ito nang hawakan ko. Pagbukas ko, nakita ko ang latest album ni Taylor Swift; iyong 1989 na ang tagal-tagal ko nang gustong bilhin, pero hindi ko mabili-bili dahil palaging out of stock. Gulat akong tumingin sa kanya.
“Paano? Paano mo nalaman na gusto ko nito at saan mo nabili? Wala akong makitang ganito, eh,” nanginginig na tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya. “Pansin ko kasing palagi mong pinapakinggan `yang mga kanta na `yan. `Tapos one time no’ng hindi mo mahanap ang charger ng Macbook mo, nagwawala ka. Sigurado akong gusto mo lang pakinggan ang mga kanta niya, pero dahil wala kang album niya, nagtitiis ka sa Macbook mo. So, `ayan. Binili ko para sa `yo,” sabi niya. “Sa Mall of Asia ko pa binili `yan. Walang ganyan sa mga mall dito sa atin, eh. Tanda mo no’ng day off ko? Hinanap ko `yang album para bilhin. Matagal na `yang nasa akin kaso humahanap lang ako ng tiyempo para ibigay sa`yo. Last stock na nga `yan, nakipag-away pa ako do’n sa isang babaeng bibili.” Napakamot siya ng ulo na parang nahihiya.
I was astonished. His words moved me. Gusto kong maiyak dahil sa mga sinabi ni Paolo. For the first time, may isang taong nag-effort para ibigay ang totoong gusto ko. Plus the fact na palagi siyang nakamasid sa akin. Palagi niyang tinitingnan ang actions ko. I always told myself that the best way to know me was through my actions and not my words. Meaning, palagi niya akong inoobserbahan. Palagi siyang nakatingin sa akin.
“O, mamaya ka na umiyak. Buksan mo muna `tong isa ko pang regalo.” Natatawa si Paolo dahil sa reaksiyon ko. Kinuha ko ang pangalawa niyang regalo.
Maliit na pahaba naman ito. Parang ball pen na nakalagay sa isang pahabang box. Nang buksan ko, nagulat ako sa aking nakita. Hindi pala ball pen ang laman kundi isang kuwintas. Isang white silver na may palawit na snowflake.
“Pasensiya ka na kung white silver lang. Ang mahal ng gold, eh. Kinapos sa budget.” Namula ang mukha ni Paolo. “Akin na, isusuot ko sa `yo. Talikod ka.”
Ginawa ko ang sinabi niya. Tumalikod ako. Naramdaman kong hinawi ni Paolo ang buhok ko kaya biglang nanginig ang katawan ko. Paghaplos niya sa batok ko, nakaramdam ako ng libo-libong charges na dumaloy sa buong katawan ko. Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan.
May nabasa ako dati na kapag niregaluhan ka ng isang tao ng kuwintas, ang ibig sabihin nito ay importante ka sa kanya. A necklace represents a strong connection between two people. It also represents a proclamation of love.
Naisuot na sa akin ni Paolo ang kuwintas nang bigla siyang magsalita sa tapat ng tainga ko. Parang bulong lang `yon, pero narinig ko naman nang maayos.
“Alam mo ba kung bakit snowflake ang pinili kong pendant?” pagsasalita niya. “It reminds me of you. Para kang isang snowflake. Cold yet beautiful. Malamig kapag nahawakan pero kapag natitigan, makikita ang tunay na ganda.”
Kumabog nang malakas ang puso ko dahil doon. Halos parang gusto na nitong lumabas sa dibdib ko. Nagiging wild ang puso ko dahil sa lapit ng mga labi ni Paolo sa tainga ko at dahil sa sinabi niya. My heart was like a wild animal, and my rib was its cage.
He was twenty-six years old that time while I was just sixteen years old.
And that was the first time that I felt my heart was going to explode because of so much emotions.