noveltoon logo noveltoon
The 10 Year Gap

Chapter 4

Ch. 4 / 14 Feb 09, 2022

I hated it when someone was showing kindness to me. Pakiramdam ko kasi may hidden agenda ang bawat taong nagpapakita ng kabutihan sa akin. Mas nasanay akong masasama ang tingin nila sa akin o kaya iniiwisan nila ako dahil sa ugali ko. I’ve always preferred that way. I would rather choose to be alone than be surrounded by kind people. It was because of what Yaya Lordes did a long time ago, I’ve had these unexplained trust issues I kept carrying until now. It made me think that no matter how good a person was, she still had a hidden agenda to take advantage of me.

Isang buwan na ang nakalipas mula nang mangyari ang special birthday celebration ko. I considered it special because it was the first time I celebrated it with the people I was not close with, in the first place. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya ni Paolo, and of course, to Paolo himself. I celebrated my 16th birthday in the place I felt I was part of their own family.

Dahil din sa nangyari, I felt uneasiness whenever Paolo was around. Nandiyan na ang biglang bibilis ang tibok ng puso ko kapag magkausap kaming dalawa. Makakaramdam ng kung anong gumagalaw sa tiyan ko kapag tumatawa siya. His laugh was like music to my ears. Minsan napapatulala na lang ako sa kanya at kung hindi niya pa ako tatawagin, hindi ko mamamalayan ang ginagawa ko. He would just laugh again. Siya ang taong palaging nakangiti at tumatawa.

I wanted to be kind to Paolo. Gusto kong gantihan ang mga kabutihan na ipinapakita niya sa akin ever since he started to work as my all around yaya. When I thought about the bad things I did to him, I felt ashamed of myself. Puro lang pala kasamaan, kalokohan at pagtataray ang ginagawa ko sa kanya. Pero kapag naiisip kong maging mabait na sa kanya, bigla ko ring maiisip ang ginawa ni Yaya Lordes before.

Naging mabait din si Yaya Lordes sa akin to get my full trust. That was why I was still hesitant to be kind to Paolo. My mind was telling me: Paolo’s façade was the only one showing. Isang pagbabalat-kayo para makuha rin ang tiwala ko at masaktan ako. I know, I should not be so judgemental, but I couldn’t blame myself. These trust issues living inside myself are hard to die. Hindi ko mawaglit sa isip ko na may malaking chance na niloloko lang ako ni Paolo.

Naging gano’n pa rin ang trato ko sa kanya. I stopped wearing the necklace he gave to me. Ang palagi ko nang sinusuot ay ang gold necklace na iniregalo sa akin ng parents ko with a pair of gold earrings. I was glad Paolo did not notice it. Or he was just pretending to not notice it at all?

Ang kinababahala ko sa lahat ay ang nararamdaman ko sa kanya. My heart would beat so fast whenever he was around. Minsan nga naiisip ko kung naririnig ba ni Paolo ang tibok ng puso ko kapag magkausap kaming dalawa. It made me paranoid. There was a time that I hardly slept because of that. Palagi kong iniisip kung ano ba `tong nararamdaman ko para sa kanya.

I was not dense. Alam ko ang mga ganitong symptoms. These symptoms I was experiencing were the same in the romance movies I’ve watched, and in the romance books I’ve read. Siyempre, in denial ako. Ayokong tanggapin na parang nagkakagusto ako sa kanya dahil sa kabutihang pinapakita niya sa `kin.

For whoever’s sake, Paolo was a twenty-six years old guy while I, on the other hand, was only sixteen years old. There was a big age gap between us. A ten-year gap. Ten freakin’ years gap. Hindi lang isa or dalawa or tatlo kundi sampu.

Though our age difference didn’t really matter at all, ang problema ay kung ano ba ang nakikita ni Paolo sa akin. Kung nakikita niya ba ako bilang isang potential lover or he was just seeing me as his younger sister. Or baka naman namamalikmata lang ako at umaasang mayroong pag-asa dahil sa mga ipinapakita niyang kabutihan sa akin? Pero what if hindi totoo ang mga ipinapakita niya? Damn. I seriously had trust issues.

Dumoble ang pagtataray ko kay Paolo. Gusto kong i-set aside `tong mga nararamdaman ko sa kanya. Umaasa akong kapag lalo kong ipinakita sa kanya na buwisit at inis ako sa kanyang pagkatao, titigil na siya sa pagpapakita ng kindness sa akin. These feelings would only lead to nowhere. Alam kong masasaktan lang ako kapag umasa ako. Ang kailangan ko ay isang lalaki na kasing-edad ko lang. Hindi ang lalaking ten years older than me.

“Pssst!”

Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa narinig kong sumitsit sa akin. Nasa balcony ako ng kuwarto ko, trying to shrug the thoughts off my mind.

Nang yumuko ako, nakita ko si Paolo na nakatingala sa akin. He was wearing a pair of faded maong shorts with nothing on top. Mukhang katatapos niya lang linisin ang bahay ng mga aso sa likuran dahil pawis pa ang katawan niya.

“Pssst, Cruzette!” muli niyang pagsasalita dahil napatitig na naman ako sa katawan niya. “Masama ba’ng pakiramdam mo? Bakit bigla-bigla kang natutulala riyan?” nag-aalala niyang tanong.

Umirap ako. “Hindi. May iniisip lang ako,” iritado kong sagot. Madalas talaga akong mapatitig sa katawan niya. Paano siya nagkaroon ng magandang built? Naggi-gym ba siya or dahil lamang sa pagtatrabaho niya?

“May cake sa kitchen. Gusto mo? Dalhan kita diyan,” tanong niya sa akin nang nakatingala pa rin.

“Ayoko!” matigas kong sagot. “Hindi ako nagugutom.”

“Masarap `yong cake! Si Agatha ang nag-bake,” pilit niya na lalo kong kinabuwisit.

Tiningnan ko siya. “Si Agatha pala ang nag-bake kaya malamang hindi masarap `yon. Impaktita at mangkukulam ang babaeng iyon. Baka malason pa ako!”

Tumawa siya. “Hindi naman. Masarap talaga, promise. Kumain na kami ni Agatha kanina.”

Naging triple na ang inis ko ngayon. “Masarap pala, eh, di lamunin n’yong dalawa ni Agatha. Isaksak mo sa lalamunan niya lahat pati mga kaldero. Buwisit!” hiyaw ko saka nag-walk out na papasok ng kuwarto ko at humiga sa kama.

Naiinis ako tuwing binabanggit ni Paolo ang impaktitang Agatha na `yon na kamag-anak ni Satanas. Ever since dumating si Agatha na mukhang alupihang dagat, mainit na ang dugo ko sa kanya. Well, mainit din naman ang dugo niya sa akin so the feeling was mutual. Hindi ko lang siya pinapaalis dito dahil kamag-anak siya ng dating katulong at malapit kay Mommy. Kaya ang tigas ng mukhang magmalaki sa akin as if pag-aari niya `tong mansiyon.

Ang isa ko pang ikinaiinis ay kapag nakikita ko silang dalawa ni Paolo na masayang nag-uusap. Tumatawa sila na parang may nakakatawang kinukuwento ang mangkukulam na si Agatha. May pahampas-hampas pa ang kamag-anak ni Satanas na `yon sa braso ni Paolo. I was very sure na ginagawa niya lang `yon para mahaplos ang muscles ni Paolo. Hampasin ko ng dos por dos mukha niya riyan nang makita niya.

Mabait si Paolo sa lahat ng katrabaho niya rito sa mansiyon. He would treat everyone fair with his kindness. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ang ilang katulong dito na kasing-edad niya ay pinag-uusapan siya. Pinupuri ang kakisigan niya and everything.

Mas nainis tuloy ako kay Paolo. Kung kaya ko lang siyang tanungin kung puwedeng sa `kin na lang niya ipakita ang kindness niya, pero hindi ko naman kaya. Hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko kapag nagtanong siya kung bakit. Besides, ipinapakita ko nga na iritado ako sa kanya. Hindi dapat ako ma-bother sa mga ginagawa niya.

Bumaba ako at pupunta sana sa garden para magduyan. May pinagawang duyan doon dahil ini-request ko kay Mommy no’ng umuwi sila last month. Ibinigay naman niya ang gusto ko.

Sa ki tchen na sana ako dadaan palabas para hindi na ako umikot nang makita ko si Agatha at Paolo na nasa kitchen table at masayang nag-uusap. Magkaharap silang dalawa habang may juice at cake sa harap nila. Para silang nagde-date. Napatigil lang sila sa pag-uusap nang bigla akong sumulpot.

“Saan ang punta mo, Angeline?” tanong sa akin ng mahaderang si Agatha.

“Sa lugar kung saan wala ang mangkukulam na katulad mo,” sabi ko na may kasama pang pang-iirap. Palabas na sana ako nang marinig ko pa siyang nagsalita.

“Demonyita talaga `tong batang `to!”

Napatingin ako sa kanya at akmang muli siyang iirapan pero napatigil ako nang makita ko ang reaksiyon niya. Napatakip siya ng bibig habang si Paolo naman, ang sama-sama ng titig sa kanya.

“Pasensiya na, Paolo. Nadala lang ako ng inis,” kinakabahan niyang sabi.

Muli akong napairap dahil sa nangyari. `Kapal ng mukha ng impaktitang Agatha na `yan na kay Paolo humingi ng pasensiya, eh, ako naman ang sinabihan niya ng demonyita. Baka ayaw lang ni Paolo na nagsasalita ng gano’n ang pinakamamahal niyang Agatha na mangkukulam? Eh, di magsama silang dalawa. Mga buwisit sila.

Umupo ako sa duyan at sumimangot saka yumuko. Nasa gano’n akong posisyon nang may marinig akong kung anong tumunog sa lamesa na nasa harap ko. Pagtingala ko, nakita ko si Paolo na nakangiti sa akin. May inilapag siyang isang mini-sized cake na strawberry ang flavor at may strawberry juice rin.

“Nakasimangot ka na naman. Kain ka nitong cake para mawala ang nakasimangot mong mukha,” nakangiti niyang sabi. “`Di ba, sabi ko sa `yo, mas maganda ka kapag nakangiti?”

Inirapan ko siya. “Ayoko ng cake na `yan. Ayokong kumain ng cake na gawa ng impaktitang `yon.”

Biglang natawa si Paolo. “`Wag kang mag-alala. Hindi niya `to gawa.” Napatingin ako sa kanya. “Chocolate cake ang ginawa niya. Itong mini cake na `to, ako ang gumawa. Nagpaturo lang ako sa kanya. Sabi mo kasi ayaw mong kumain ng gawa niya so ginawan kita.” Lumapit siya sa gawi ko. “Siguro naman kakainin mo na `yan since ako na ang gumawa, `di ba?”

Napaiwas ako ng tingin at biglang napahawak sa dibdib ko dahil hindi ko na naman mapigilan ang tibok ng puso ko. Ganito palagi ang nararamdaman ko kapag may ginagawang ganitong effort si Paolo. Hindi ko ma-explain nang maayos `tong nararamdaman ko.

“Tsk. `Kain ka na. First time ko mag-bake para sa isang babae. Kahit sa ex-girlfriends ko, hindi ko ginawan ng ganyan.” Hinawakan niya ako sa kamay saka hinila para tumayo.

Dahil sa ginawa niya, bigla na namang nakaramdam ng kuryente ang katawan ko. Pakiramdam ko, puwede nang maging source of electricity ang katawan ko dahil doon. Agad ko tuloy binawi ang kamay ko. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko, pero hindi naman nagsalita. Ngumiti lang siya.

Umupo ako habang siya naman ay ganoon din ang ginawa. Umupo siya sa harap ko. Nasa circle marmol na mesa kaming dalawa habang nasa ilalim ng puno ng acacia. Para kaming nagde-date dalawa. Naramdaman ko tuloy na namula ang mukha ko dahil do’n.

“Bakit namumula ang mukha mo? Masama ba ang pakiramdam mo?” titig na titig na tanong sa akin ni Paolo.

Agad akong umiling. “Mainit lang. Saka maputi ako kaya mabilis mag-react ang balat ko sa init,” pagsisinungaling ko.

“Oo nga pala. May lahi kayong Chinese, `di ba?” Tumango ako. “Ang ganda ng apelyido n’yo. Sy. Pero mas maganda ang pangalan mo. Angeline Cruzette Sy.”

Lalo akong namula dahil sa papuri ni Paolo. “`Wag ka ngang maingay, Paolo. Hindi ko matikman nang maayos `tong kinakain ko, eh.”

Natawa siya. “Sorry naman,” sabi niya. “Talagang Paolo lang ang tawag mo sa akin, `no?” Nagpangalumbaba siya habang nakatingin sa akin.

“Bakit? Gusto mo tawagin kitang Kuya Paolo?”

Umiling siya. “Nah. Mas okay na ako sa Paolo lang ang tawag mo sa akin. Para pakiramdam ko magkasing-age lang tayo.” He smiled.

Natahimik kaming dalawa kaya bigla akong nailang. Agad akong nag-isip ng topic para kahit papaano ay umingay naman.

“Wala ka pang planong mag-asawa?” tanong ko sa kanya.

Nagulat siya. “Bakit mo naitanong?” natatawa niyang tanong pabalik. “Wala pa sa plano ko `yan. Gusto ko muna mairaos ang pamilya ko sa hirap. Mapagtapos ang mga kapatid ko sa pag-aaral. High school lang ang natapos ko kaya gusto kong makatapos naman sila ng college,” sabi niya “Saka hindi ko pa nakikita ang babaeng gusto kong dalhin sa altar.” Napatigil ako. “Or baka nakilala ko na. Pero dahil wala pa akong napapatunayan sa buhay, wala pa akong karapatan sa kanya.”

Napatigil ako sa pagnguya. For a moment parang naging bato ang kinakain kong malambot na cake. Parang nahirapan ako sa naiisip kong isang araw ay aalis si Paolo rito sa mansiyon dahil magpapakasal na siya. Though, wala namang kasiguruhan kung hanggang kailan siya mamamalagi rito. Kahit ayaw ko siyang umalis, darating pa rin ang time na mapapagod siya at iiwan niya rin ako. Babalik na naman ako sa dati na walang taong nagbibigay ng atensiyon.

“May plano kang umalis dito sa mansiyon?” nakayuko kong tanong sa kanya. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Kasi alam kong maiiyak ako kapag nagtama ang mga mata namin.

“Hmm, siguro.” Nalungkot ako sa sinabi niya. “Pero siguro matagal-tagal pa `yon. Baka nga nag-asawa ka na ay nandito pa rin ako. Maganda ang pasahod nina Mr. and Mrs. Sy kaya mahihirapan akong lisanin `to. Plus...” Bigla niyang hinawakan ang baba ko at pinatingin ako sa kanya. “You’re still here, Cruzette. Hindi ako aalis. Wala akong pupuntahan. Nandito lang ako palagi sa tabi mo. Unless paalisin mo ako at sabihin na ayaw mo na akong makita, eh, di aalis na ako.” Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko.

“Hindi,” mabilis kong sagot. “Hindi ko gagawin `yon. Gusto kong nandito ka lang. Mas masaya kapag palagi kitang kasama. Pakiramdam ko may kaisa-isang tao na nagpapahalaga sa akin kaya malulungkot ako kapag umalis ka ng mansiyon.” Natigilan ako dahil sa mga nasabi ko kay Paolo.

Akala ko, tatawanan niya lang ako dahil sa sudden outburst ko pero hindi. Ngumiti lang siya saka ginulo ang buhok ko.

“Ako rin,” sabi niya. “Masaya ako habang nandito ako. Masaya akong magkasama tayo. Hanggang kailangan mo ako, hindi ako aalis. Hindi kita iiwan,” sabi niya saka nagtaas ng pinky finger niya. “Let’s make a promise.”

“Parang bata naman.”

Natawa siya. “Ayos lang `yan. Dali na, pinky promise tayo.”

Napatawa na lang din ako dahil somehow, nakita ko ang childish side ni Paolo.

He was twenty-six years old while I was sixteen years old back then when we made a promise to ourselves.

A promise that we won’t leave each other no matter what would happen.