noveltoon logo noveltoon
The 10 Year Gap

Chapter 14

Ch. 14 / 14 Feb 09, 2022
Prev Next

Ten years after...

Napuno ng iyakan at hagulhulan ang classroom dahil sa ikinuwento kong one great love story na naranasan ko. Ang mga babae kong estudyante ay mugtong-mugto ang mga mata habang ang mga lalaki naman na maiingay kanina ay natahimik din. `Yong ilan pa sa kanila na matikas at brusko ay halos mapaiyak na rin. I was sure, kung hindi lang nila pinigilan ang kanilang mga sarili ay napaiyak na rin sila tulad ng mga babae nilang classmate. Halos lahat naman yata ng makarinig ng kuwento ko, naaantig ang puso. Hindi kasi nila alam na may ganoong klaseng love na nag-exist sa mundo.

Napangiti na lang ako nang tipid. Kahit gusto ko ring umiyak dahil muli kong binalikan ang mga alaala naming dalawa ni Paolo, hindi ko ginawa. Ipinangako ko kay Paolo noon na kapag maaalala ko ang pagmamahalan namin ay ngiti ang sisilay sa aking mga labi at hindi luha sa aking mga mata.

“Ma’am!” Nagtaas ng kamay si Elleinad—isa sa mga babae kong student. “May question po ako!”

Ngumiti ako. “Ano `yon?”

Nagpunas muna siya ng mga luha niya bago nagsalita. “Did you regret a thing? I mean, pinagsisihan mo ba na minahal mo si Paolo? Kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi ka masasaktan nang lubos noon. Kung hindi mo siya nakilala, eh, di hindi ka iiyak nang ilang balde noong teenager ka pa lang.”

I shook my head fast. “No,” sagot ko. “Bakit ko naman pagsisisihan ang isang bagay na nagdulot sa akin ng isang kaligayahan na hanggang pagtanda ko, ramdam na ramdam ko pa rin?” Tutok na tutok ang mga students ko sa akin. “You shouldn’t regret something that once made you happy. Never naging pagkakamali ang pagmamahal ko kay Paolo and I know, kapag binigyan ako ng chance na ulitin ang buhay ko? Uulitin ko ang panahon na nakilala ko siya at minahal ko siya. By that, mas lalo ko siyang mamahalin at ipaparamdam ko kay Paolo kung gaano siya kaimportante sa akin.” I smiled. “A person’s life can’t be predicted. Hindi natin alam kung kailan o hanggang saan lang ang buhay ng mahal natin. Kaya as much as possible, kailangan natin sabihin sa kanila kung gaano natin sila kamahal. Actions are not enough when it comes to showing love. Kailangan ding sabihin iyon verbally.”

“Ma’am! Wala naman kasing forever!” pagsingit ng isa ko pang student na si Ysa. “Walang forever sa mundo.” Nagtawanan ang mga kaklase niya dahil sa sinabi niya.

“Ang bitter lang, ah?” Nakitawa ako. “Ysa, forever exists. That word wouldn’t exist if it’s not real, just like my love for Paolo. Kahit matagal na siyang namayapa at isang dekada na ang lumipas, ang love ko for him, nandito pa rin sa puso ko.” I pointed to my chest. “Sabi nga sa isang quote ni Nicholas Sparks, ‘The first time you fall in love, it changes you forever and no matter how hard you try, that feeling never goes away.’”

“Hindi kayo natakot, Ma’am? I mean, pinakasalan mo ang malamig na bangkay dati? Ang creepy n’on kapag naiisip ko,” dugtong na naman ni Ysa. Mukha ngang natatakot siya dahil sa expression na ipinakita niya.

I laughed. “Bakit naman ako matatakot?” I answered back. “Bakit ako matatakot kung katawan naman `yon ng lalaking mahal ko?” I paused and resumed talking. “His body might be cold back then, but I assure you that his heart was warm like it used to be.”

“Last question, Ma’am,” sabi ng isa kong student sa likuran. “How did you accept it? Paano mo natanggap sa sarili mo na wala na talaga si Paolo sa buhay mo at sa mundo mo? Kasi ako, Ma’am... Narinig ko lang ang kuwento mo at ang pagmamahalan n’yo sa isa’t isa, I couldn’t help myself from falling in love with Paolo. Everything he did was just perfect. Kung nabubuhay siya ngayon, for sure kaiinggitan ka ng karamihan. Isang ideal guy si Paolo despite the age gap.”

“You think so?” proud na sagot ko. “Alam ko namang ideal guy si Paolo, eh. Noong nabubuhay pa siya, halos lahat ng kaedad niyang nagtatrabaho sa amin ay humahanga sa kanya. Lalo na `yong si Agatha na kamag-anak ni Lucifer at may lahing mangkukulam.” Nagtawanan kami ng students ko. “Pero never tumingin si Paolo sa iba. Alam niyang magseselos ako kaya as much as possible, kapag nasa mansiyon kami ay umiiwas siya sa mga babae niyang katrabaho.” I blushed because of the sudden flashbacks. “Uhmm. Paano ko ba tinanggap? I just accepted it. You just have to accept the past but never forget the lessons that it taught you.”

Napaisip ako. “Saka for sure, kung mai-stuck ako sa nangyari, Paolo wouldn’t like it. I am sure he wanted me to move forward, so I did. Paolo taught me a lot of lessons to become a fine woman. Kaya kung ano ako ngayon, it is all thanks to him. He was my inspiration.

“You know, guys, nasa inyo kung paano n’yo gagamitin ang mga naranasan n’yo kapag nagmahal kayo. Kung gagawin n’yong miserable ang buhay n’yo o gagawin itong isang inspirasyon to move forward. Love is troublesome, but at the same time, it is amazing. Lahat tayo magkakaroon ng great love sa buhay natin na magtuturo sa atin ng iba’t ibang klaseng aral. Kapag naranasan mong magmahal, kailangan mo itong ingatan. Isa ito sa mga bagay na hindi nabibili kahit napakarami mo pang pera.” Tiningnan ko silang lahat. “And one more thing, age has nothing to do with love. You can have a bigger age gap than Paolo and I had. Love isn’t measured by the numerics but by how big your heart is. That’s all, and class dismissed.”

With that, I ended my class. Nagsimula na silang mag-ayos at magsilabasan ng classroom. Narinig ko pa ang iba kong students na patuloy pinag-uusapan ang kuwento naming dalawa ni Paolo sampung taon na ang nakakalipas.

I smiled to myself. Kahit pala napakatagal na ng panahon na lumipas ay fresh pa rin sa mga alaala ko ang nangyari. Ang isang pangyayari na masyado mong minahal kaya hindi kailanman tatanda sa isip mo.

Memories were precious. Ito lang kasi ang tanging daan para mabalikan mo ang mga sandaling naging masaya ka sa buhay mo.

Pagkatapos kong kunin ang mga gamit ko ay lumabas na rin ako ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ng school, binabati ako ng students na nakakasalubong ko. I smiled at them and greeted them back. Halos lahat sa school na `to alam na alam ang one great love story sa buhay ko. Para ngang buhay na buhay si Paolo dahil sa mga kuwento ko. Gusto ko kasing ikalat ang kuwento namin at ipagmalaki na may isang Paolo Johann Buenavista na dumaan sa buhay ko noon.

When I reached the parking lot, I immediately opened my car’s door. Inilalagay ko sa likurang upuan ang mga gamit ko nang may mapansin akong isang bagay na matagal nang nasa akin. Kinuha ko ang glass jar at sinuri ito. May tatlo na lang na papel; kulay pula, yellow, at pink na natitira. Sa mga nakalipas na panahon ay itinuloy ko ang pagbabasa sa mga papel na nandito. Sinunod ko ang mga sinabi ni Paolo na babasahin ko ito na kasama siya.

Kaya ngayong dumating ang importanteng araw ay pupuntahan ko si Paolo para basahin ang nakasulat sa mga papel na natitira. Pinaandar ko na ang sasakyan at dumaan muna sa isang flower shop para bumili ng fresh flowers at ilang kandila na rin.

Pagdating ko sa memorial park, hindi ako nakaramdam ng kahit anong bigat sa dibdib ko. Unlike noong mga unang ilang taon pa lang ng pagkawala niya. I considered this place as a forbidden place. Isang lugar na hindi ko dapat puntahan. Pero eventually nasanay na rin ako. Pumupunta ako rito kapag may special occasions. Dinadalaw ko si Paolo tuwing Christmas, New Year, birthday niya at birthday ko.

Narating ko na ang lapida ni Paolo at hinaplos ito.

“Good afternoon, Mr. Paolo Johann Buenavista. Tenth death anniversary mo na pala ngayon. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nangyari ang lahat,” pagkausap ko sa kanya. Umupo ako sa tabi ng lapida niya at sinindihan ang kandila. Inilagay ko rin sa gilid ang flowers na dala-dala ko. I offered a short prayer for Paolo. “May fresh flowers ka pa sa akin, Pao-Pao, o. Hindi ka ba nahihiya? Ako pa ang nagbibigay ng flowers sa `yo. Never mo akong binigyan ng ganyan, eh.” Natawa ako. “Joke lang, Paolo. Kahit naman hindi mo `ko bigyan ng flowers, ayos lang sa akin. At least, ibinigay mo ang puso mo.”

Hinahaplos ko lang ang lapida ni Paolo nang may maalala ako. “Paolo, may tatlong papel na lang ang natitira sa jar. Babasahin ko na ang nakalagay, ah. Tinupad ko ang mga promise ko sa `yo na babasahin lang `to sa tabi mo. So here it goes.”

Kinuha ko ang jar at kinuha sa loob nito ang mga natitirang papel. Una kong binasa ang nakasulat sa kulay-pulang papel.

“Darling, don’t be afraid I have loved you. For a thousand years. I’ll love you for a thousand more.” Napangiti ako sa nabasa ko. “Naks. Favorite song ko `to. ‘A Thousand Years,’” pagsasalita ko. “Ako rin, Paolo. I will love you for a thousand years.”

Sunod ko naman binasa ang nakasulat sa kulay-dilaw na papel. Nakalagay lang dito na kahit saan ako magpunta ay dala-dala ko ang pagmamahal niya. Ipinapangako niyang kahit saan kami mapuntang dalawa, magkahiwalay man kami o mawala sa mundo ang isa nang hindi inaasahan ay patuloy niya akong mamahalin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Parang na-predict nga ni Paolo lahat ng mangyayari.

Isang papel na lang ang natitira. Binasa ko na ang nakasulat dito. “I love you because you are Angeline Cruzette Sy. Mahal kita kasi ikaw ang snow sa mainit kong mundo. I love you because I love you. Wala nang ibang rason. Basta mahal kita.” Pagkatapos may nakita akong maliit na words na nakasulat sa ibaba. “Oo na ang korni.”

Natawa ako. “Haha. `Buti alam mong ang korni mo, Paolo?” tanong ko sa harap ng lapida ni Paolo.

Nasa gano’n akong puwesto nang biglang humangin nang malakas, pagkatapos sa hindi inaasahang pangyayari ay nakakita ako ng isang himala. May kung anong bumagsak sa braso ko. Akala ko kung ano ito pero nang matitigan ko, nagulat ako. Isang snowflake. Pero paghawak ko rito, agad itong natunaw at naging tubig. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Paanong magkakaroon ng snowflake, eh, hindi naman umuulan ng niyebe sa Pilipinas?

Napatingin ako sa langit saka ngumiti. “Alam kong kagagawan mo `yan, Paolo,” sabi ko. “Kahit sampung taon na ang nakakalipas, ang adik mo pa rin sa snow.”

Nakatingala lang ako nang may marinig akong tumutunog. Nagri-ring ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, tumatawag ang pangalawang importanteng tao sa buhay ko. I smiled.

“Babe, where are you? Dinalaw mo na ba si Paolo?” tanong niya over the phone.

“Yep. Nandito na ako. Where’s Johann?” I answered back.

“Natutulog. Napagod sa kalalaro, eh.”

“Ah, sige. Magpapaalam na ako kay Paolo.”

“Sige. Pakikumusta na lang ako kay pareng Paolo. I love you.”

“Sure, sure. I love you, too.” Then I ended the call.

“O, Paolo. Kumusta ka raw sabi ni Arman,” pagsasalita ko sa harap ng lapida. “Kailangan ko na palang umalis, Pao-Pao. Nami-miss ko na si Johann. Sa susunod isasama ko siya rito, okay? Ba-bye, Paolo. See you soon again.”

Tumayo na ako sa harap ng lapida at naglakad na. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla akong napahinto at napalingon sa lapida ni Paolo. Parang nakita ko siyang nakatayo roon at kumakaway sa akin na may ngiti sa mga labi. Pero mabilisan lang iyon. Agad ding nawala ang imahe ni Paolo. I waved back saka ngumiti. Alam kong nandito lang si Paolo sa paligid. Ramdam ko.

And well, `yong tumawag sa akin kanina ay si Arman. My husband for three years. May anak na kami, si Johann na isang taon na. Sinunod ko sa pangalan ni Paolo ang pangalan ng anak namin ni Arman. Wala namang angal si Arman doon dahil alam niyang kahit wala na si Paolo, mahal na mahal ko pa rin ito. Siyempre, mahal ko rin si Arman. Gano’n naman, eh. Kailangan n’yong tanggapin at respetuhin ang mga desisyon n’yo sa buhay kung gusto n’yong mag workout ang relasyon n’yo. Surprisingly, Arman did. Nirespeto niya ang desisyon and differences naming dalawa. Siya ang pangalawang taong tumibag sa niyebeng nakabalot sa puso ko.

At teka, bakit ko ikinukuwento ang love story namin ni Arman? Next time na lang `yong sa aming dalawa. Papalakpak na naman ang tainga n’on kapag nalaman niyang ipinagmamalaki ko siya.

He was twenty-eight years old while I was just eighteen years old back then when I experienced the greatest love of my life.

Wakas