noveltoon logo noveltoon
The 10 Year Gap

Chapter 6

Ch. 6 / 14 Feb 09, 2022

Isang linggo na ang nakalipas mula nang hinalikan ko si Paolo. Since that incident, I tried to avoid him. I didn’t have the guts to face him. Hindi ko siya kayang kausapin. Kapag magkakasalubong kami rito sa mansiyon, bigla akong liliko sa ibang daan. Hindi ako nag-i-stay sa isang lugar na kaming dalawa lang ang maiiwan. As much as possible, palagi akong nasa kuwarto at nagkukulong o hindi kaya naman ay palagi akong umaalis at tumatambay sa mall hanggang mapagod ako.

I didn’t regret a thing though. Hinahanap ko sa sarili ko kung nagsisisi ba ako sa ginawa ko pero wala, eh. Alam na alam kong gusto ko ang nangyari. Pero `yon nga lang, iniiwasan ko si Paolo dahil sa nangyari. Hindi ko alam ang isasagot ko kapag tinanong niya kung bakit ko siya hinalikan. Or was I just in denial again? Alam ko ang isasagot ko. I liked him. I liked him a lot. I was just scared of what his reaction would be if I confessed. `Yon nga lang, halos hindi na kami nag-uusap ngayon.

Alam kong nagtataka na rin ang mga maid dito sa mansiyon dahil halos hindi na kami nag-uusap na dalawa. Usually, kami palagi ang magkasama at nagkukuwentuhan. Nagtatawanan sa mga kuwentong kalokohan ni Paolo noong nag-aaral pa siya ng high school. Pero ngayon, as in, bihira pa sa bihira kaming mag-usap. Kapag mag-uusap kami, tanging tango at iling lang ang sagot ko sabay walkout na. Hindi ko siya matingnan nang deretso sa mga mata. Palagi ko na ring sinasara ang pinto ng kuwarto ko. I was avoiding him completely at hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito gagawin.

Habang nakahiga sa kama ay bigla akong nakarinig ng katok sa pinto.

“Sino `yan?” I asked. Hindi ako umaalis sa pagkakahiga.

“Si Paolo `to.”

Pagkarinig ko pa lang sa boses niya ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Muli kong naalala kung gaano kalambot ang mga labi ni Paolo nang hinalikan ko siya. Ramdam na ramdam ko pa rin talaga sa mga labi ko ang mga labi niya. While thinking about it, I was very sure na namumula na naman ang mukha ko.

“Bakit?” muli kong tanong, trying to calm myself.

“Day off ko ngayon. Aalis ako. Gusto mo bang sumama pauwi sa bahay?”

Nakalimutan kong day off nga pala ni Paolo tuwing Friday. Tuwing day off niya, umuuwi siya sa kanila at palagi niya akong isinasama. Minsan doon pa kami nag-o-overnight. Sa dalas kong pumunta ro’n na kasama siya, naging ka-close ko na ang mga kapatid niyang sina Pearl, Paula at Paul. Pati ang ibang mga kapitbahay rin niya ay nakakausap ko na. They were treating me as If I belonged to their neighborhood.

I sighed. Hindi ako makakasama ngayon dahil sa nangyari. Hindi pa rin ako komportable.

Alam kong gusto na akong kausapin ni Paolo at alamin kung bakit ko ginawa `yon. Ako lang ang may problema dahil hindi ko siya maharap-harap. Hindi pa ako ready sa mga salitang bibitawan ko sa kanya. Natatakot ako sa posibleng maging outcome if ever mag-confess ako ng feelings ko towards him.

I sighed again .

Sa Paolo ang tipo ng tao na hindi napapalagay kapag may nakakasamaan siya ng loob. I remembered the last time when Paolo and Agatha bickered with each other. Nainis si Paolo noon dahil kung ano-anong masasakit na mga salita ang sinabi sa akin ng bruhildang Agatha. Napataas ang boses niya na siyang ikinagulat ng impaktita. Overprotective siya when it came to me. Hindi ko tuloy alam kung may special feelings siya para sa akin or he was just doing his job as my guardian.

Tumayo ako at lumapit sa pinto. Hahawakan ko na sana ang doorknob pero napatigil ako. Naisandal ko na lang ang noo ko sa pinto. Ngayon ay medyo nagsisisi na ako dahil sa ginawa ko. Nagkaroon kami ngayon ni Paolo ng gap kaya parang lumayo kami sa isa’t isa. Hindi na lang malaking age gap ang mayroon sa amin, kundi pati na rin ang distansiya. Ito ang tinatawag na: so close yet so far.

“Ayoko,” mahina kong sagot sa kanya. Napapikit na ako. “Ayokong sumama.”

Dahil nakasandal ang noo ko sa pinto ay parang narinig kong nagbuntong-hininga siya.

“Okay. Babalik ako agad.” Naging malungkot ang boses ni Paolo. “Hanggang kailan mo ba ako iiwasan, Cruzette? Ang hirap, eh. Kung may problema ka, sabihin mo sa akin. Alam mo namang kahit ano’ng mangyari, nasa tabi mo lang ako. Kahit ikaw ang mali, ikaw pa rin ang kakampihan ko. Hindi `yong ganito. Hindi `yong palagi mo akong hindi kakausapin. May problema ka ba sa akin? Galit ka ba? Speak up, Cruzette.”

Bigla kong ipinikit ang mga mata ko dahil naramdaman kong nangilid ang mga luha ko. Halatang nahihirapan si Paolo dahil ang lungkot-lungkot ng boses niya. Ibang-iba sa hyper na Paolo na palaging nakangiti at tumatawa. Today, I saw his lonely side because of what I did.

Wala akong problema sa `yo. Ako ang may problema sa sarili ko. I have these feelings for you that aren’t right in the first place. Habang nararamdaman ko ito, alam kong hindi ako magiging comfortable kapag nasa malapit ka. I am a backstabber. Kapag kaharap kita, nagkukunwari akong wala akong feelings para sa `yo. Pero kapag nakatalikod ka na, I would secretly wish you’re going to like me, too. It’s hard. Nahihirapan na rin ako sa nangyayari.

I wished I had the courage to say those words to him, but I did not. Hindi na ako sumagot dahil sa sinabi ni Paolo. Hindi ko na rin siya narinig na nagsalita sa labas ng kuwarto. Siguro ay umalis na siya.

Muli akong napabuntong-hininga. Mas maganda na rin muna `tong wala siya ngayong araw sa mansiyon para makapag-isip-isip ako sa mga sasabihin ko sa kanya. Hindi ko na rin ma-take `tong nangyayari. Gusto ko nang bumalik sa dati. Those times na nakakapag-usap kaming dalawa na pure bliss lang at wala akong nararamdaman for him.

Just like what an infamous quote said, “We fall in love with people we can’t have.”

Sigurado akong kahit mag-confess ako, hindi mo rin masusuklian ang nararamdaman ko. Ayokong mawala ka sa tabi ko dahil sa nangyari. Mas okay na sa akin na nasa tabi kita as a special friend and not a special someone. By that, alam kong mas magtatagal tayong dalawa.

Confessing your feelings to someone is hard, but falling in love with someone who is much older than you is even harder.

Inayos ko ang sarili saka binuksan na ang pinto para lumabas. Nagulat ako nang makita ko si Paolo na nakaupo sa sahig at tulalang nakatingin sa pinto. Nagkagulatan kaming dalawa dahil sa biglaan kong paglabas. I thought umalis na siya pero nandito pa rin pala siya sa tapat ng pinto ng kuwarto ko. His shocked face didn’t last long. Agad itong napalitan ng malungkot na expression. He looked at me like he was about to cry.

Agad kong isinara ang pinto. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa expression na ipinakita ni Paolo sa akin. Agad itong tumatak sa isip ko. Ang mukha niyang sobrang lungkot at parang naiiyak na. I knew I was the one who put that expression on his face. At dahil doon, mas nainis ako sa aking sarili. Nainis ako dahil nahihirapan si Paolo sa pag-iwas ko.

It irritated me because I could not confess my feelings towards the person I fell in love with. And it irritated me more because I fell in love with a person I could not even have in the first place.

That night, nagkasakit ako. Bigla akong nilagnat. Dala marahil ng pagbababad ko sa aircon sa kuwarto ko at pagkatapos ay biglang labas para magpainit sa ilalim ng araw. Hindi nakayanan ng katawan ko ang biglaang change of temperature kaya biglang sumama ang pakiramdam ko.

Hindi ako sakiting tao. Bihira akong magkasakit. Pero kapag nagkakasakit ako, gusto kong nasa tabi ko lang si Mommy ko. Gusto kong yakap-yakap niya lang ako `till I fell asleep. Pero dahil palagi siyang wala, I would always deal with my sickness alone. Wala akong memory na nasa tabi ko ang parents ko tuwing nagkakasakit ako.

Hindi ako kumain dahil wala akong gana. Nakahiga lang ako sa kama ko habang balot na balot ng kumot dahil sobrang ginaw. Pinipilit ako ng mga maid na kumain kahit kaunti pero pinagsisigawan ko lang silang lahat. They acted as if they cared. I knew, tumatawa sila habang may sakit ako ngayon. Pasimpleng nagdadasal na sana matuluyan ako para mawala na ang demonyitang tulad ko sa mansiyon na ito.

Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Naiiyak ako dahil pakiramdam ko, wala akong kakampi sa mga oras na may sakit ako. Walang taong gustong dumamay sa akin para alagaan ako. No’ng nagkasakit ako last time, nandito si Paolo. He took care of me. Hindi siya natulog at binantayan lang ako buong magdamag until I got well. Pero dahil wala siya ngayon and we were not in good terms, nag-iisa na naman ako. Iniwasan ko ang kaisa-isang taong umiintindi at nagpapakita ng pagpapahalaga sa akin.

I started to regret what I did. Because of that kiss, Paolo and I had a wall between us. May isang matibay na dingding na humaharang sa aming dalawa. Was Paolo even strong enough to break that wall? Kasi kung ako ang tatanungin, alam kong hindi ko kayang tibagin ang dingding na humaharang sa aming dalawa. I was the one who built that wall, yet I couldn’t even break it.

Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa panlalamig. It was weird dahil hindi naman bukas ang aircon at balot na balot na naman ako ng makakapal na kumot. Nakailang inom na rin ako ng gamot pero wala itong bisa. Hindi ko alam kung anong oras na rin pero alam kong gabing-gabi na.

May narinig akong pumasok sa kuwarto ko. Hirap na hirap akong buksan ang mga mata ko para tingnan kung sino `yon. Madilim ang buong kuwarto ko dahil patay ang lahat ng ilaw. Kapag may sakit ako, gusto kong nakapatay lang ang lahat ng ilaw. Ayokong makita ang sarili ko na naghihirap. Biglang bumukas ang lampshade sa tabi ng kama ko. When I looked at the person who turned it on, my heart skipped a beat.

Hindi ko alam kung dala lang ito ng mataas kong lagnat kaya nakikita ko siya o talagang nandito siya ngayon sa loob ng kuwarto ko. I didn’t know if I was hallucinating or this was real. Si Paolo ba talaga `tong nakikita ko? Kahit bumabagsak na ang mga mata ko, pinipigilan ko.

Biglang napatingin sa akin si Paolo at nagtama ang mga mata naming dalawa. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

“Ano’ng nararamdaman mo?” bigla niyang tanong. Ramdam kong umupo siya sa gilid ng kama ko sabay hinaplos ang noo ko. Napapikit ako sa ginawa niyang paghaplos. It was like the pain I was feeling went right away. Napaka-magical ng kamay ni Paolo. Pakiramdam ko, nawala na ang sama ng pakiramdam ko.

“I am cold,” malumanay na sagot ko sa kanya. Nagtalukbong ako ng kumot dahil ayokong makita niyang nakangiti ako ngayon kahit may sakit ako.

“Hindi ka pa raw kumakain sabi ng mga maid. Ano’ng gusto mong kainin?” he asked. “Gusto mo ng soup? Para mainitan ang katawan mo .”

I shook my head under the blanket. “Wala akong gana.”

He sighed. “Pero kailangan mong kumain,” he insisted. Naramdaman kong tumayo siya kaya tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa mukha ko.

Maglalakad na sana siya pero bigla ko siyang pinigilan. Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang puting T-shirt. He looked at me. “Bakit?”

“Don’t go,” nahihiyang sabi ko sa kanya. Napaiwas ako ng tingin. “Dito ka lang. Ayokong kumain.”

Napabuntong-hininga siya. “Hindi ka nga pala nakakatulog mag-isa kapag may sakit ka.” Ngumiti siya. “Sige, tatabihan kita.” Umusod ako para makahiga siya sa kama.

Before, noong nagkasakit din ako, tabi rin kaming natulog. Kinabukasan nawala na ang sakit ko. Napaka-magical talaga ni Paolo.

Humiga siya sa tabi ko. Hindi siya nagkumot dahil hindi naman siya nilalamig katulad ko.

“Matulog ka na,” nakangiti niyang sambit. “Hindi ako aalis. Nandito lang ako hanggang sa paggising mo.”

Tumango ako at ipinikit na ang mga mata ko.

Naramdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko. Kumakanta pa siya habang ginagawa niya `yon. Iyong “Ikaw” ni Yeng Constantino. Pakiramdam ko paunti-unti nang nawawala ang sama ng pakiramdam ko. Hindi pagkain ang kailangan ko. Si Paolo lang ang kailangan ko at magiging okay na ako. His touch was my medicine.

“Aren’t you mad?” nakapikit kong tanong sa kanya.

“Bakit naman ako magagalit? Hindi ba ikaw ang galit dahil iniiwasan mo ako?” seryoso niyang tanong pabalik. “Sasabihin mo na ba sa akin kung bakit mo ako iniiwasan?”

Kinakabahan ako dahil sa pag-uusap namin, pero nagtataka rin at the same time. Bakit hindi niya binabanggit `yong kiss? I didn’t know if he was only trying to forget it because he knew I wouldn’t be comfortable talking about it, or he was just pretending that nothing happened so we could talk to each other without the awkward feeling. Bigla akong nakaramdam ng guilt feelings dahil doon.

Palaging ganyan si Paolo. He was always covering for me. He would always shoulder the trouble I made. He was always there when I needed him the most. Para siyang superhero dahil bigla-bigla siyang sumusulpot sa panahong kailangan ko siya. Hindi ko alam kung ano’ng mangyayari sa akin when the time came that I did not have him anymore. Masyado na akong na-attach sa kanya to the point that I could not even imagine my life not having him beside me. He became my source of happiness. Imperfect things would still be perfect as long as he was by my side. Was I being selfish for not feeling contented with what we already had?

Maybe this was the right time to accept my defeat. Maybe I really needed to accept that Paolo and I were not meant to be lovers. Siguro kailangan ko na lang tanggapin na hanggang dito lang kaming dalawa rather than mawala pa siya sa akin. Mas okay nang mag-settle kaming dalawa sa friendship rather than wishing for something more.

I opened my eyes and smiled. “Hindi na kita iiwasan pa,” I said. “I’m contented with what we already have. Just do not leave me, okay ?”

He smiled, too. “Bakit naman kita iiwan? `Di ba, nag-pinky promise tayo sa isa’t isa?” sabi niya. “Nag-promise tayo na hinding-hindi natin iiwan ang isa’t isa, so don’t ever think I’m going to leave you. Kahit umulan ng snow sa Pilipinas, hindi kita iiwan. Unless you’ll push me away.”

“Hindi ko gagawin `yon. Mas masaya ako kapag nasa tabi kita.” Pumikit ako.

Because of you I feel really wanted, appreciated, and needed. Because of you, I feel the feelings that I’ve longing for so long.

Muli niyang hinaplos ang buhok ko. “Matulog ka na,” sabi ni Paolo. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko. And by that, nakatulog na ako nang mahimbing habang kinakantahan niya ako.

He was twenty-seven years old while I was just seventeen years old back then when I accepted my own defeat.

I accepted that we couldn’t be together... ever.