noveltoon logo noveltoon
The 10 Year Gap

Chapter 8

Ch. 8 / 14 Feb 09, 2022

Tinanong ako nang ilang ulit ni Paolo kung ayaw ko raw bang sampahan ng kaso ni Jerome dahil sa ginawa niya sa akin. I said, hindi na at kalimutan na lang ang nangyari. And besides for sure, Jerome has already learned his lesson. Sapat na ang ginawa ni Paolo sa kanya nang paulanan siya nito ng suntok hanggang sa dumugo ang mukha niya.

Saka if ever na sabihin ko ang nangyari kina Mom and Dad, malaking gulo lang. Tiyak mapapahamak pa si Paolo dahil doon at sasabihin nilang hindi ako binabantayan nang maayos. Ayoko namang mangyari `yon. May big chance pa na mapaalis siya dahil sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag bigla siyang nawala sa tabi ko just because of what happened. Ngayon pa na nalaman kong parehas pala kami ng nararamdaman.

I never considered what happened as something bad. Hindi ko rin sinisisi si Marie dahil siya ang nagpakilala sa akin kay Jerome. Dahil kasi sa nangyari, nagkaaminan kaming dalawa ni Paolo. Nalaman kong mahal niya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Nasayang lang ang mga pag-e-emote ko noong nakaraan dahil all along, his heart was mine and mine alone.

“Sure ka? Ayaw mo talagang sampahan ng kaso ang walang’yang `yon?” tanong na naman sa akin ni Paolo habang nasa kuwarto kaming dalawa. Tinutulungan niya ako sa paggawa ng project ko. Isang electricity circuit kaya he insisted to help dahil baka raw makuryente ako. I was an Electrical Engineer student, just so you know.

Umiling ako. “`Wag na. Hayaan na lang natin,” sabi ko saka tumingin sa kanya. “Saka ilang ulit mo nang tinanong `yan. Hindi ka ba napapagod?”

“Hindi. Gusto ko talagang idemanda ang gagong `yon, eh.” He sighed. “Ayokong may ibang humahawak sa `yo. Ayokong may lalaking lumalapit sa `yo. Hindi ako mapakali kapag may iba kang kausap bukod sa akin. Pakiramdam ko’y kukunin ka niya. Kung puwede lang talaga na pati sa school mo ay samahan kita gagawin ko, eh,” bugnot na sabi ni Paolo.

Napangiti ako. “Ang creepy mo,” natatawang sabi ko.

“Creepy agad? Hindi ba puwedeng natatakot lang ako na mawala ka sa akin? Paano kung ma-in love ka sa kasing-edad mo? Paano kung bigla kang mawalan ng interest sa akin? Paano kung—”

“Stop,” pagpigil ko sa kanya. “Hindi `yan mangyayari. I’d rather be alone forever than loving another person besides you. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang-buhay. Kahit malaki ang age gap natin at kahit mas matanda ka sa akin, it doesn’t matter. Ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda.” Napangiti siya sa sinabi ko. May insecurities din pala siyang nararamdaman.

“Wow. Ang sweet naman ng Cruzette ko,” he said. Happiness was obviously drawn on his eyes. “Pinky promise pala tayo.” Inilahad niya ang pinky finger niya. “Ipapangako natin sa isa’t isa na hindi tayo magmamahal ng iba, tayo lang habang-buhay. Aalagaan kita hanggang sa abot ng makakaya ko. I love you, Angeline Cruzette Sy.”

“And I love you, too. I love you, Paolo Johann Buenavista.” We smiled at each other.

“Saka malay natin ikaw pa ang mapagod. Baka bigla kang magising isang araw na ayaw mo na sa akin dahil mas bata ako sa `yo. Bigla ka na lang maghanap ng kasing-edad mo. Eh, `di paano ako?”

Ngumisi si Paolo. “`Tingin mo mangyayari `yan? Kung gigising ako isang araw, `yon ay mahal na mahal na mahal na mahal pa rin kita. Hindi kita iiwan dahil lang mas bata ka sa akin. Kahit childish ka minsan, mataray sa mga katulong mo, maraming kalokohan, palasagot at nang-iirap, hindi kita iiwan. Uminit man ang snow sa USA, patuloy pa rin kitang mamahalin.”

“Ang hilig mo sa snow,” natatawang sabi ko sa kanya.

“It’s because snow reminds me of you. Cold yet beautiful. Naalala mo noong una tayong magkita two years ago? Halos manlamig ako sa mga tingin mo, eh.” Tumawa siya. “Mabuti na lang masyadong malakas ang muscles ko kaya natibag ko ang snow na bumabalot sa puso mo.”

“Ang korni mo, Paolo.”

“Nagmamahal lang po, Cruzette ko.” Hindi nawala ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.

Tumahimik na kami habang ipinagpapatuloy gawin ang project ko. Minsan, mahuhuli ko si Paolo na nakatitig sa akin, pagkatapos biglang yuyuko at mapapangiti mag-isa. I found it cute. Nakikita ko ang childish side ni Paolo sa mga panahon na `to. May times pa nga na mapapaisip ako kung sino ba talaga ang mas matanda sa aming dalawa. Kapag kasi kaming dalawa lang ni Paolo ang magkasama, nagiging isip-bata siya at korni. Madalas siyang ngumuso kapag hindi ko siya pinapansin.

Simula nang maging mag-on kami, naging maingat kami sa bawat kilos namin. We treated each other like usual when we were inside the mansion para walang makahalata. Nagtatawanan kapag magkausap. Pero kapag nasa loob na kami ng kuwarto ko, nagiging extra sweet na siya. Bigla-bigla niya na lang akong yayakapin. Good thing, walang pumapasok sa kuwarto ko na kahit sino kaya nakakapag-act kami as lovers at hindi palaging amo at katulong ang turingan.

Possessive si Paolo. Noong sinabi ko sa kanya na may lalaking pumoporma sa akin sa school, hinatid-sundo na niya ako. Hindi siya umaalis sa parking lot. Palagi siyang nandoon at hinihintay ako hanggang mag-uwian. Nang makita niya ang nangungulit sa akin, nagbago ang timpla ng mukha niya. Isang masamang tingin niya lang do’n sa schoolmate ko ay agad na itong napatakbo. Pero nang mapatingin si Paolo sa akin, agad umamo ang mukha niya saka ngumiti.

Sa bawat araw na lumilipas, lalo akong nalulunod sa mga ipinapakita at ipinaparamdam na pagmamahal ni Paolo. Natatakot ako na baka isang araw ay bigla na lang itong matapos at hindi ko makayanan. Paolo was my first love and I was hoping that he would be my last, too. He was my everything. I was getting scared with the idea that he would eventually leave me because he would get tired of me. Pero nangako naman siya na hindi niya ako iiwan. Ipaglalaban niya raw ako kahit sa mga magulang ko pa. I was holding on to that promise.

Kapag may free time, umaalis kaming dalawa ni Paolo. Noong nakaraan ay pumunta kami sa Enchanted Kingdom, sa lugar na walang nakakakilala sa aming dalawa. Magkahawak-kamay kaming dalawa habang naglalakad sa buong Enchanted Kingdom. Hindi namin binibitiwan ang kamay ng isa’t isa. Napapatingin man sa amin ang ibang tao, wala kaming pakialam. Ang mahalaga ay mahal namin ang isa’t isa at masaya kami sa aming ginagawa at nararamdaman. Love works better if you decide to ignore what other people might say.

Sa lahat ng pinupuntahan namin ni Paolo, hindi niya ako hinahayaang gumastos. Palaging siya ang nagbabayad. Sabi niya, palagi raw siyang nagtatabi ng pera in case bigla akong magyaya ng gala. Bigla tuloy akong na-guilty dahil do’n. Nahahati na rin sa akin ang perang panggastos sana niya sa kanyang pamilya.

“`Wag kang mag-alala. Wala `yon sa akin. Importante ka sa akin at importante sa akin ang pamilya ko. Mahal ko kayo kaya hanggang makakaya ko, ibibigay ko ang kailangan n’yo.” `Yan ang eksaktong sinabi noon ni Paolo. Because of that, lalo ko siyang minahal. Isa siyang lalaking responsable at hindi marunong mag-take advantage sa isang tao. Napakabuting lalaki ni Paolo.

Isang araw, my parents unexpectedly went home. Isang linggo bago ang 18th birthday ko ay umuwi sila na siyang ikinagulat ko dahil wala naman silang pasabi. Ang sabi nila, may pupuntahan daw silang party ng kaibigan nila. I felt pity for myself. Mabuti pa sila nakaka-attend sa party ng ibang tao, pero sa sarili nilang anak ay hindi nila magawa. They were barely by my side when I needed them the most. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Paolo kaya hindi na ako madalas malungkot.

“So, baby, ano’ng plano mo sa eighteenth birthday mo next week? Do you want to throw a party? It’s your debut, so we have to make a party,” nakangiting sabi sa akin ni Mommy habang naghahapunan kami.

Ngayong araw, bihira kaming magkausap ni Paolo dahil ingat na ingat kami sa kilos namin. Though, natutuwa sina Mom and Dad dahil magkasundo kaming dalawa ni Paolo. Sa lahat daw ng naging katulong ko, si Paolo ang pinakanagtagal.

Napangiti na lang ako sa loob-loob ko. Sana nga talaga magtagal pa ang pagsasama namin.

“You will be there, right?” gulat na sagot ko kay Mommy. Napatingin ako kay Dad saka ngumiti.

My mom sighed. Nagkatinginan sila ni Dad saka parehong umiling. “No, Baby. The day after tomorrow we will be flying again. May urgent meeting kami sa isang foreign investor,” malungkot na sabi ni Mommy.

“In exchange, ibibigay namin kahit ano’ng gusto mo. You want a condo, baby?” Dad spoke.

Umiling ako. “Nope, Dad. Ayos lang po ako,” nakangiti kong sagot. “Kahit wala na pong party, ayos lang din. Sanay naman ako na ordinary day lang ang birthday ko.”

This time totoo ang sagot ko sa kanila at walang hidden hatred. Ayos lang kahit walang party o ano. Marahil nasanay lang ako sa mga taon na nagbi-birthday ako, pero wala naman sila sa tabi ko. Kapag pala nasanay ka sa isang bagay, unti-unti mo na itong matatanggap sa puso mo. Wala ka nang mararamdamang sakit at kirot. Besides, mas okay na kung walang party, mas masaya ako kung si Paolo lang ang kasama ko sa eighteenth birthday ko.

Bigla kong naalala ang sixteenth birthday ko sa bahay nina Paolo. Napangiti ako. Noong seventeeth birthday ko naman, dinala ako ni Paolo sa isang beach. Maghapon kaming dalawa doon at nagkuwentuhan habang kumakain sa dalampasigan. Palagi talaga siyang gumagawa ng mga bagay na ikinasasaya ko.

“Ayaw mo talaga ng party sa debut mo?” tanong sa akin ni Paolo nang nasa kuwarto kaming dalawa. Nakasandal si Paolo sa headboard ng kama ko habang nakahiga naman ako sa lap niya. Hinahaplos niya ang buhok ko habang nag-uusap kaming dalawa. His touch felt so good.

Umalis na ang parents ko noong isang araw kaya bumalik na kami sa dati naming gawi. Patagong nagiging sweet sa isa’t isa. Inililihim sa mga tao sa paligid ang aming pagmamahalan. Bukas na ang eighteenth birthday ko kaya bigla akong natanong ni Paolo about it.

Umiling ako. “Ayoko. Hindi ako sanay. I never celebrated my birthday with a party, right? So I won’t make a fuss about it,” sabi ko sa kanya. “Sapat nang nasa tabi kita sa birthday ko. Masaya na ako sa gano’ng paraan.” I smiled.

Biglang tinakpan ni Paolo ang mukha niya.

Napakunot naman ako ng noo dahil sa ginawa niya. “Bakit ka nagtatakip ng mukha?”

“Ang cute mo kasi, Cruzette ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mayakap kita nang mahigpit ngayon,” sabi niya habang namumula pa ang mukha niya.

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. See? May times talaga na hindi ko alam kung sino ang mas matanda sa aming dalawa ni Paolo, eh. Kapag ganyan ang mga reaksiyon niya, ang saya-saya sa pakiramdam. Kahit makita ko lang siya na nakangiti sa akin o naririnig ko ang tawa niya, halos lumundag na ang puso ko. Hindi ko mailarawan kung gaano kasarap sa pakiramdam. Mula nang dumating si Paolo sa buhay ko ay naging makulay na ang madilim kong mundo.

Naisip ko na hindi hadlang ang edad ng isang tao kapag nagmamahal. We can love anyone younger than us or even older than us. Puso naman natin ang nagmamahal at hindi ang mga numero na `yon.

Paolo had put me in a colorful world that was set in pure grey color before. Para siyang isang pintor. Kinulayan niya ang matamlay na mundong aking nakagisnan at nakasanayan. Natatakot tuloy akong bigla siyang mawala at bumalik na naman ang dilim na bumabalot sa mundo ko. Natatakot ako na bigla na naman akong mag-isa. This time, for sure, mas masakit na `yon. Lalo pa’t sa bawat araw na dumadaan, lalo akong nahuhulog kay Paolo. Mas lalo akong nalulunod sa pagmamahal niya.

“Bakit ka natahimik?” tanong sa akin ni Paolo. Napalitan ng pag-aalala ang boses niya. Nang magtama ang mga mata namin, biglang kumirot ang dibdib ko.

“Hindi mo `ko iiwan, `di ba?” Napakagat ako sa ibabang labi ko. “Hindi ka magsasawa sa akin, `di ba? Palagi ka lang nasa tabi ko, `di ba? Kung… kung niloloko mo lang ako, ayos lang sa akin. Basta, `wag mo `kong iiwan. Natatakot akong maiwan. Lahat ng taong minamahal at pinagkakatiwalaan ko sinasaktan lang ako in the end, eh. Ayo—”

Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang yumuko si Paolo at idinikit ang mga labi niya sa mga labi ko. Halos tumagal nang sampung segundo ang pagkakalapat ng mga labi namin sa isa’t isa.

He spoke pero hindi niya inilayo ang mukha sa akin. Ipinatong niya lang ang noo niya sa noo ko. “Hindi ako aalis. Nandito lang ako palagi sa tabi mo,” seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. His brown eyes were saying so many feelings. “Umaalis ang isang tao sa tabi mo dahil hanggang do’n lang ang misyon nila sa buhay mo. Katulad ng mga taong namamatay. Nililisan nila ang mundo kasi tapos na ang misyon nila.

“Pero kahit tapos na ang misyon ko sa buhay mo o kahit sa mundong `to, hindi ako aalis sa tabi mo. Hanggang sa magsawa ka sa akin, hanggang sa ikaw na mismo ang tumulak sa akin palayo, hinding-hindi kita iiwan. Lahat ay kakalabanin ko, pati tadhana kakalabanin ko para lang makasama ka.” Napapikit siya. “Hindi tayo napigilan ng age gap natin para mahalin ang isa’t isa. Ang tangi lang makakapaghiwalay sa atin ay kamatayan. At kahit sa afterlife, ikaw pa rin ang mamahalin ko.”

Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Tumulo na ang mga luha ko dahil sa mga assurance na sinabi sa akin ni Paolo. Masaya ako na hindi siya nagsasawang i-reassure ako na hindi niya ako iiwan every time na nagkakaroon ako ng doubt sa kung ano’ng mayroon kami ngayon.

“I am so sorry for being like this.” Patuloy na tumutulo ang mga luha ko habang nakatingin kami sa isa’t isa. “Kahit ilang taon na ang lumipas, nasa puso ko pa rin ang takot, eh. Kahit ano’ng gawin ko, hindi ko ito maialis-alis. The thought of you leaving me eventually kills me everytime. I’m so sorry.”

Hinaplos niya ang buhok ko saka ngumiti. “Okay lang. You hate yourself but I love every part of you. Hindi ikaw ang Cruzette na minamahal ko kung hindi ka ganyan.” Marahan niyang pinisil ang ilong ko. “Pero `wag mo dalas-dalasan ang pag-iyak, ah. Mas maganda ka kasi kung palagi kang nakatawa. Pakiramdam ko tuwing nakangiti ka, nakatingin ako sa isang falling snow.”

“Snow na naman?” Natawa ako. He just smiled.

“Kapag may malaki na akong naipon, pupunta tayo sa isang bansa na may snow. Para parehas natin makita kung gaano kaganda ang snow,” sabi niya. “Pero baka matatagalan pa. Mukhang malaki-laking ipunan ang gagawin ko.” Tumawa siya.

“Ayos lang. Maghihintay ako.”

“Pinky promise tayo,” sagot niya. “Pinky promise tayo na isang araw sabay tayong pupunta sa isang bansa na may snow. Isusulat natin sa makakapal na niyebe ang pangalan natin, `tapos isisigaw kung gaano natin kamahal ang isa’t isa.”

Natawa ako. “Ang korni mo.”

“Korni ang taong in love.” Ngumisi siya kaya natawa na naman ako.

Actually, I had been to different countries na may snow. Pero walang special feelings when I went there. Pero itong ipinangako namin sa isa’t isa ni Paolo ay lubos na nagpasaya sa akin. Na-excite ako sa isang ideya na parehas kaming aalis ng bansa, parehas nakasakay sa eroplano at parehas na makikita ang snow na gustong-gusto niyang makita. I was looking forward to that day.

Gabi na at natutulog na ako nang may maramdaman akong lumapat sa aking mga labi. Pagmulat ko ay nakita ko ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko sa lahat. He was smiling at me. Antok na antok akong bumangon.

“Anong oras na?” tanong ko sa kanya.

“Happy eighteenth birthday, my queen,” nakangiti niyang bati sa akin. “Twelve midnight na, kaya birthday mo na.” Lumapit siya sa akin at muli akong hinalikan. “I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you. Eighteen I love yous para sa reyna ng buhay ko.”

Nangilid na naman ang mga luha ko sa sinabi niya. Hinampas ko siya sa braso. “Ang korni mo talaga, Paolo. Ang korni-korni mo.” Natawa lang siya sa sinabi ko.

“May ibibigay ako sa `yo,” sabi niya saka kinuha ang paper bag at ibinigay sa akin. “`Eto lang ang maibibigay ko sa `yo. Pasensiya na, Cruzette ko. Medyo kinapos sa budget, eh,” nahihiya niyang banggit habang kinakamot pa ang ulo.

“Kahit naman ano’ng ibigay mo, masaya ako. Para sa akin walang katumbas na halaga `yon.” Ngumiti ako at kinuha ang paper bag na hawak niya. Bigla namang napatalikod si Paolo dahil sa sinabi ko. Alam kong namumula na naman ang mukha niya dahil nahihiya siya.

Nagulat ako nang mahawakan ko ang paper bag dahil ang bigat nito. Pagtingin ko sa laman, nakita ko ang isang glass jar na may lamang iba’t ibang kulay na maliliit na papel. Sinuri ko ito at tiningnan mabuti. Ang daming papel nito. Ang ganda ng mga kulay. Kulay red, pink, and yellow. Mga paborito kong kulay.

“May mga nakasulat diyan sa papel.” Napatingin ako kay Paolo at nakita kong pulang-pula na naman ang mukha niya. “Pinagpuyatan ko talagang isulat `yang mga `yan. Ang nakasulat sa kulay-red ay lyrics ng isang kanta na dedicated ko sa `yo, sa kulay-yellow naman ay pangako ko sa `yo, at sa kulay-pink naman ay reason kung bakit kita mahal.” Napaiwas ng tingin si Paolo. “Ang korni ko, `di ba? Damn. Ang korni ko talaga.”

Inilapag ko ang hawak kong jar saka lumapit kay Paolo at niyakap siya nang mahigpit. Ibinaon ko sa dibdib niya ang mukha ko. Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Lagi akong napapaiyak ni Paolo sa mga sinasabi at ginagawa niya. Umiiyak ako dahil sa sobrang kaligayahan na nararamdaman ko.

“For the past years of my life, I only did bad things to others,” pagsasalita ko habang nakayakap sa kanya. “Wala akong ginawa kundi gumawa ng masama sa ibang tao. Pero kahit gano’n, hindi ko maintindihan kung bakit ibinigay ka ni God sa akin. Ibinigay Niya ang isang Paolo sa buhay ko na nagparamdam sa akin ng mga bagay na hindi maibigay sa akin ng mga sarili kong magulang.”

Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. Napatingala ako sa kanya at nakita kong may luha sa gilid ng mga mata niya.

“Wala kang ginawang masama. Ginawa mo lang ang mga bagay na `yon kasi gusto mo ng atensiyon.” Dahan-dahang tumulo ang mga luha ni Paolo. He was smiling while crying. “Hindi ako ang ibinigay sa `yo ni God kundi ikaw ang ibinigay Niya sa akin. Hindi ko alam kung ano’ng nagawa kong mabuti pero ibinigay ka Niya sa akin. Forever akong grateful dahil dumating sa buhay ko ang isang Angeline Cruzette Sy. Isang babaeng nagsisilbing reyna ng buhay ko ngayon at sa mga susunod pang bukas, taon at dekada.”

There, while standing in the middle of my room, we hugged each other while crying. We hugged like we were the only one who mattered the most in the world. Para kaming mga baliw na umiiyak sa isa’t isa habang magkayakap.

Umupo kami ni Paolo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang jar at muling ibinigay sa akin.

“Sa mga taon na lilipas, kukuha ka ng tatlong kulay. Three papers in a year lang. Tapos babasahin mo sa harap ko,” sabi niya.

“Ngayon, puwede akong kumuha?” tanong ko.

Ngumiti siya. “Yup. Dali, `kuha ka na.”

Binuksan ko ang takip ng jar at kumuha ng tatlong kulay. Una kong tiningnan ang papel na kulay-red saka binasa ang nakasulat doon.

“‘I was born for you. It was written in the stars. Yes, I was born for you. And the choice was never ours. It’s as if the powers of the universe conspired to make you mine. And till the day I die, I bless the day that I was born for you.”’ Napatingin ako kay Paolo. “Anong kanta `to?”

“‘Born For You’ by David Pomeranz.” Napaiwas siya ng tingin. “Naisip ko kasing pinanganak ako para sa `yo, eh. Pero parang mali. Mukhang pinanganak ka para sa akin.”

Napangiti ako.

“We were born for each other,” sagot ko sa kanya.

Sunod ko naman tiningnan ang laman ng kulay-dilaw na papel. May nakasulat do’n na pangakong hinding-hindi magsasawa si Paolo sa akin. Ang huli ko namang tiningnan ay ang pink na papel. I opened it and read the sentence that was written there.

“I love you because every time I look at you, my heart misses a beat, I can see my future, and I fall in love all over and over again.” Idinikit ko sa mga labi ko ang mga papel at muling naluha dahil sa mga nakasulat dito.

Pagtingin ko kay Paolo ay nakangiti siya sa akin. `Yong ngiting punong-puno ng kasiyahan sa nakikita niya. Niyakap ko siya nang mahigpit. `Yong yakap na ayoko na siyang pakawalan pa.

“I love you, Paolo. I really do,” sabi ko sa kanya habang nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya.

Napatawa siya. “Alam ko,” sabi niya “Pero may alam akong hindi mo alam.”

Tumingin ako sa kanya. “Na ano?”

“Na pagtuntong mo ng twenty years old at mahal mo pa rin ako, magpapakasal na tayo,” seryoso niyang sabi sa akin.

“Sigurado ka?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Sigurado kang pakakasalan mo ako?”

“Siyempre naman,” mabilis niyang sagot. “Ikaw, mahal mo pa kaya ako kapag twenty years old ka na? Meaning no’n, thirty years old na ako. Masyado na akong matanda para sa `yo. Pero kahit gano’n, willing akong pakasalan ka kasi mahal na mahal kita.”

“Baliw ka ba?” naiiyak kong sagot. “Kahit forty years old ka pa, o kahit fifty years old ka pa, magpapakasal pa rin ako sa `yo. Age has nothing to do with love, right? Kaya kahit sampu o bente pa ang age gap natin, I don’t care. Ikaw lang ang lalaking pakakasalan ko.”

“Kahit mahirap lang ako? Kahit hindi ko maibibigay lahat ng gusto mo?”

“Wala akong ibang gusto kundi ikaw, Paolo. Pakakasalan kita.” Bigla siyang tumayo. “Saan ka pupunta?”

“Teka lang, hintayin mo `ko. Babalik agad ako,” nagmamadali niyang sabi saka lumabas ng kuwarto.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya pero hindi na ako nagtanong at hinintay ko na lang na bumalik siya. Yakap-yakap ko ang jar nang marinig kong bumalik si Paolo. Nagtaka ako nang makita kong nagpalit siya ng damit. This time nakasuot na siya ng long-sleeved polo shirt na iniregalo ko sa kanya noong twenty-eighth birthday niya saka pants. Formal ang suot niya ngayon.

“Bakit ka nagpalit ng damit? Saan ka pupunta?” tanong ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

“Pupunta ako sa harap ng babaeng pinakamamahal ko,” nakangiti niyang sambit. “Kailangan kong maging formal sa gagawin ko.” Then he knelt down in front of me.

“Ano’ng ginagawa mo?” I asked him confusedly.

“Magpo-propose,” he said while smiling. May kinuha siya sa bulsa niya. Isang maliit na box na kulay-pink. Binuksan niya iyon sa harap ko at nakita ko ang isang silver ring. “Kahit silver lang muna na singsing ang maibibigay ko sa `yo, Angeline Cruzette Sy, will you marry me kapag twenty years old ka na? Will you marry me kahit isa lang akong mahirap na tao? Will you marry me kahit tanging puso ko lang ang kaya kong ibigay sa `yo nang buong-buo? Will you...” Napahinto si Paolo sa pagsasalita dahil nakita kong nangilid ang mga luha niya. “Will you marry me even though we have a ten-year age gap?”

Hindi ako makapagsalita nang maayos. Tears were overflowing in my eyes. My heart was screaming because of too much happiness. Napatingala ako dahil sa ginawa ni Paolo. Pagyuko ko sa kanya, ngumiti ako.

“Yes, Paolo Johann Buenavista. I’ll marry you. I’ll marry you even though we have a ten-year age gap.” Napangiti si Paolo. Kinuha niya ang singsing sa box at marahan na isinuot sa daliri ko. It fitted perfectly. “Pinaghandaan mo `to, `no? Paano mo nalaman ang size ng daliri ko?”

Ngumisi siya. “Oo, pinaghandaan ko talaga `to,” sagot niya. “Palagi akong nakatingin sa `yo. Palagi kitang inoobserbahan kaya pati size ng daliri mo alam ko.”

“Nakakainis ka,” sabi ko, saka yumuko para maglapat ang mga labi naming dalawa. “I love you, Paolo.”

“I love you, too, soon-to-be Mrs. Buenavista.”

He was twenty-eight years old while I was just eighteen years old when he proposed to me.

We swore to each other that we will get married when I reached twenty years old.

That time, I felt really happy and contented. I felt pure bliss. I wished to myself that this happiness would last long.

But fate was such a bitch.