I kept thinking, why was it too sudden? Bakit gano’n na lang kadali mangyari ang lahat? I could still remember everything—vividly, clearly, and in detail. Naaalala ko pa rin ang mga panahon na buhay na buhay si Paolo. `Yong panahon na una kaming nagkita at nagkakilala. `Yong mga pagtataray ko sa kanya na tanging pagngiti at tawa lang ang iginaganti niya. The way he smiled and laughed was still fresh in my memory. In my mind, he was still alive. In my mind, he never left me... us. In my mind, he was still smiling widely while looking at me.
I did not want to accept the fact that he was no longer in this world. Kahit nakita na mismo ng sarili kong mga mata ang malamig niyang katawan, I just really can’t. Umaasa akong nasa isang masamang panaginip lang ako. Umaasa akong isang araw ay gigising ako at ang una kong makikita ay ang mukha ni Paolo na nakangiti sa akin habang hinahaplos ang mukha ko. Patuloy akong umaasa sa pangako niya na hindi niya ako iiwan.
Pero kahit ilang araw na ang lumipas, hindi pa rin ako nagigising. I was still stuck in this nightmare—a nightmare where Paolo was already gone.
Whenever I close my eyes, I could still feel the warmth of Paolo’s touch. Kapag nakapikit ako, naririnig ko pa rin ang mga tawa niya. Kapag nakapikit ako, nakikita ko ang ngiti niya. I wanted to close my eyes forever. Kung puwede lang na hindi ko na imulat ang mga mata ko gagawin ko para patuloy ko siyang makita na buhay na buhay. Tuwing binubuksan ko kasi ang mga mata ko, sumasalubong sa akin ang katotohanan na wala na talaga. Sumasampal sa akin ang isang lugar na hinding-hindi na mapupuntahan ni Paolo kahit kailan.
Ilang araw na ang lumipas simula nang mangyari ang trahedya sa buhay ko. My parents shouldered everything. Lahat ng gastos sa funeral ni Paolo, sila na ang gumastos. Mahirap lang ang pamilya ni Paolo kaya laking tuwa nila sa tulong na ibinigay ng mga magulang ko. Wala naman iyon kina Mom and Dad kumpara sa mga naitulong ni Paolo sa mansiyon at sa akin. Dad suggested na i-cremate na lang ang katawan ni Paolo pero tumanggi ang nanay niya. Kabilin-bilinan daw ni Paolo dati na if ever mawala siya, gusto niya ng decent funeral.
Gusto niyang ilang araw siyang ibuburol kung saan lahat ng mahal niya sa buhay ay pupunta sa huling hantungan niya para sulyapan siya. Ayaw raw ni Paolo na may umiyak. Gusto niya kapag nilisan niya ang mundo, lahat daw ay nakangiti. Napakagat ako sa labi ko nang maalala ko ang usapan nina Dad at ng nanay niya. Parang pinaghandaan niya itong mangyayari. Parang alam niyang maaga siyang mawawala sa mundong ito.
Hindi ako pumunta sa burol ni Paolo. Ayaw ko talagang tanggapin. Ang hirap, sobrang hirap. Nasa kuwarto lang ako at nakakulong. Hindi umiimik, hindi lumalabas at bihira kung kumain. Wala akong ganang kumilos, magsalita at pansinin kung sino ang nasa paligid ko. Ilang beses akong sinubukan kausapin ng mga magulang ko pero hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa kawalan. Palagi lang nila akong binibilinan na kumain pero hindi ako sumasagot.
Every part of my body was still aching. My heart seemed to stop beating. Hindi ako umiikot sa loob ng mansiyon dahil sa bawat sulok nito ay naaalala ko siya. Naaalala ko ang mga panahon na masaya kaming nag-uusap. Every time I would remember him, I felt everything turn to havoc. Kaya, as much as possible, nasa kuwarto lang ako at kinukulong ang sarili ko. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil pati rito sa kuwarto ko ay marami kaming mga alaala at sumpaan. Surprisingly, hindi ako umiiyak. Sumasakit ang dibdib ko pero hindi ako umiiyak. Manhid na yata ang buo kong katawan. Namanhid na no’ng araw na iniwan niya ako nang tuluyan sa mundong `to.
I closed my eyes again at agad bumalik sa akin ang mga binitiwan niyang salita.
“Magpapakasal tayo pagtuntong mo ng twenty years old.”
“Pupunta tayo sa isang bansa na may snow para sabay natin makita ang mga kamag-anak mo. Hahaha.”
“Bubuo tayo ng pamilya, Cruzette ko. Isang pamilya na masaya. `Yong mga anak natin na naglalaro sa sala habang ikaw naghahanda ng hapunan. Ang sarap sa feeling na ma-imagine `yon. Ikaw lang talaga ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay.”
“Mahal na mahal kita, Cruzette ko. Ikaw ang reyna ng buhay ko.”
All the memories came back, but he never did. Mga alaala na lang ang iniwan niya sa akin at mga pangako namin sa isa’t isa na hindi na natupad at alam kong kahit ano’ng gawin kong pag-iyak o pagmamakaawa, hindi na talaga ito matutupad kahit kailan. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ng buong katawan ko, hindi ko na mailarawan kung gaano kasakit.
The pain was inevitable. Ngayon hindi lang siya ang nawala kundi pati na rin ang sarili ko. I lost my own soul. I lost my own reason to live. Paano ka nga naman gaganahang gumising at mabuhay sa araw-araw kung ang taong gusto mong makita ay hindi mo na kailan pa makikita?
I was just eighteen years old back then when I felt really devastated. I lost everything because he was my everything. Si Paolo ang buong mundo ko. Si Paolo ang nagbigay ng liwanag sa madilim kong mundo. Pero ngayon, ano ang gagawin ko sa mundong wala na ang taong gusto kong makasama habang-buhay?
Nakatulala lang ako sa kawalan nang may marinig akong kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Pagsulyap ko, nakita ko si Mom na pumasok at nag-aalalang nakatingin sa akin. She was holding a blue notebook when she sat down at the edge of my bed.
“Anak, ilang araw ka nang tulala. Wala ka bang planong kumain? Baka magkasakit ka niyan.” Hindi ako sumagot sa sinabi niya kaya narinig kong napabuntong-hininga na lang siya. “Pupunta ako sa burol ni Paolo. Nauna na ang dad mo do’n. Gusto mo bang sumama? Hindi ka pa pumupunta ro’n, eh,” malungkot na sabi niya.
“Ayoko po,” walang-gana kong sagot habang nakatulala sa kawalan.
She sighed again. Hinawakan niya ang kamay ko, “Mahirap tanggapin na wala na siya. Pero we should accept it. May mga bagay sa mundo na hindi natin kontrolado. Pero, anak, isipin mo ang mararamdaman ni Paolo kapag nakita ka niyang ganyan. `Tingin mo matutuwa siya? Hindi, anak. Mahihirapan si Paolo na umalis at pumunta sa patutunguhan niya kung ganyan ka umasta. Nawala man si Paolo pero marami pa ring nagmamahal sa `yo na nasa paligid mo. `Wag mong itigil ang pag-ikot ng mundo mo dahil lang nawala ang isang importanteng tao sa `yo.”
Sinulyapan ko si Mom na walang emosyon sa aking mukha. “Alam mo bang mahal ko si Paolo, Mom? Alam mo bang nagmamahalan kaming dalawa?”
Ilang segundong napatitig sa akin si Mommy saka ngumiti nang matipid. “Alam ko,” sabi niya na siyang ikinagulat ko. “Umamin si Paolo sa amin ng Daddy mo tungkol sa relasyon n’yong dalawa. Nagulat kaming dalawa ni Daddy mo dahil do’n pero hindi kami tumutol. Paano kami tututol kung biglang lumuhod at yumuko si Paolo sa harap namin at nagmakaawang ibigay ang basbas naming dalawa sa relasyon n’yo? Nakaluhod siya habang nangangakong hindi ka sasaktan, magsusumikap siya at mamahalin ka habang-buhay.” Tumulo ang mga luha ni Mommy. “I cried when Paolo said that. He was too serious. Seryoso siya sa `yo, Angeline. Hindi madali sa daddy mo ang nalaman niya pero tinanggap niya. Nakita niya kung gaano ka kamahal ni Paolo. Nangako rin si Paolo na hindi gagawa ng kahit ano. Gusto niyang makatapos ka ng pag-aaral. He really loved you, Angeline, he really did.”
Napatitig ako sa kawalan habang tumutulo ang maiinit na luha sa mga mata ko. Hindi ko ine-expect na magti-take ng risk si Paolo para umamin sa mga magulang ko. Alam kong seryoso siya sa akin pero I never imagined na magtatapat siya tungkol sa relasyon namin at sasabihin nang harap-harapan sa mga magulang ko kung gaano siya kaseryoso sa akin at kung gaano niya ako kamahal.
“Kahit malaki ang age gap n’yong dalawa, hindi iyon naging hadlang para mahalin n’yo ang isa’t isa,” pagpapatuloy ni Mommy. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. “Kapag nakikita ko kayong dalawa na magkausap, nakikita ko kung gaano ka kasaya, anak. Paolo changed you. Binago ka niya para maging isang mabuting tao. Ang Angeline na palaging gumagawa ng kalokohan noon, hindi ko na nakikita. Nagiging anghel ka kapag katabi mo si Paolo. I was so happy whenever I saw you like that. Kaya tinanggap ko sa sarili ko na mahal n’yo talaga ang isa’t isa.”
Napapikit ako habang tumutulo ang mga luha ko. Nilingon ko si Mommy saka ngumiti. “Yeah. I really loved him, Mom. I really did.”
Pinunasan niya ang mga luha ko. “I know. Alam kong mahal n’yo ang isa’t isa,” sabi niya. “Kinuha na ng tito ni Paolo ang mga gamit niya kanina. Pero iniwan itong notebook. Sa iyo `ata `to dahil may nakasulat na pangalan mo sa harapan.” Tumayo si Mom. “Mag-aayos na ako. Kung magbago ang isip mo, puntahan mo lang ako sa kuwarto.” She kissed my forehead and left my room.
Umupo ako nang lumabas si Mommy. Tiningnan ko ang kulay-blue na notebook na iniwan niya. Nakasulat nga roon ang pangalan ko at may puso pa. Nagtataka ako kung bakit may pangalan ko dahil wala naman akong ganitong notebook. Binuksan ko iyon at binasa ang nakasulat. Alam kong handwritting iyon ni Paolo. Kilala ko ang sulat-kamay niya.
First day ko sa bagong trabaho ko. Ang dami ko nang napasukang trabaho pero ito ang pinakamalupit. Katulong ako ng kaisa-isang anak ng isang Chinese family. Hehe. Ang guwapo ko namang katulong.
Bigla akong napangiti dahil sa nabasa ko. Journal iyon ni Paolo simula nang magtrabaho siya rito sa mansiyon. Nagpatuloy ako sa pagbabasa.
Ang taray ng anak ni Mr and Mrs. Sy. Unang pagkikita pa lang namin tinarayan agad ako. `Wag ko raw siyang tatawaging Angeline dahil hindi kami close. Eh, di Cruzette na lang. Gusto ko sanang mainis sa kanya dahil sa ginawa niya pero nang mapatingin ako sa mga mata niya, may kung ano sa loob ko na biglang naawa. Malungkot ang mga mata niya. Mayaman sila pero hindi siya masaya.
Naglilinis ako ng garden nang bigla akong buhusan ng pintura ni Cruzette. First time kong maligo ng pintura. Gusto kong magalit pero napangiti na lang ako sa ginawa niya. Ang ginawa ko, binuhusan ko rin siya. Kaya ayun, galit na galit siya sa akin.
Hinahanap ko ang mga damit ko pero hindi ko makita. Pagdating ko sa likuran ng bahay, nakita ko si Cruzette na sinusunog ang mga damit ko. Nagulat ako pero hindi ako nagalit. Sinabi ko na lang sa kanya na mga luma na naman `yon kaya ayos lang. Alam kong nagulat siya sa sinabi ko pero nagsinungaling ako. Ugh. Wala pa akong pambili ng mga bagong damit. Wala pang sahod.
Tumutulo ang mga luha ko habang binabasa ang mga nakasulat sa notebook na pag-aari ni Paolo. Bumalik lahat sa isip ko ang masasamang nagawa ko sa kanya. Lahat ng nararamdaman niya noon para sa akin, nakasulat doon. Mga napapansin niya na ginagawa ko at mga palagay niyang nararamdaman ko. Patuloy lang ako sa pagbabasa hanggang sa makarating ako sa pahina na nagkaaminan na kaming dalawa. Sinimulan kong basahin ang mga pangako namin sa isa’t isa.
Mahal na mahal ko talaga si Cruzette. Wala akong pakialam kahit mas bata siya sa akin. Basta. Ipaglalaban ko siya. Siya na ang babaeng gusto kong makasama. Ramdam kong siya na talaga ang babaeng para sa akin.
Kailangan kong mag-ipon. Kailangan ko ng malaking pera. Pangkasal naming dalawa ni Cruzette ko saka pera para pampunta sa ibang bansa. Nangako ako kay Cruzette na sabay namin isusulat sa snow ang mga pangalan namin at isisigaw sa kawalan na mahal na mahal namin ang isa’t isa. Ughhh. Nakakahiya. Normal lang ba para sa isang lalaki ang kiligin?
Masaya ako tuwing nakikita kong nakangiti si Cruzette ko. Makita ko lang siyang nakangiti ayos na ang buong maghapon ko. Sana mag-twenty years old na siya para makapagpakasal na kaming dalawa.
Shit. Shit. Umamin ako sa mga magulang ni Cruzette na mahal ko ang anak nila. Alam kong galit si Mr. Sy pero hindi naman nagsalita. Pinangako kong mamahalin ko ang anak nila nang buong-buo at magsusumikap. Gusto kong maging legal ang relasyon namin pero sinabi sa akin ng mga magulang niya ang hayaan muna na ganito para hindi magulo ang pag-aaral ni Cruzette. Ayos lang dahil alam na ng mga magulang ng pinakamamahal kong babae ang feelings ko sa kanya. Nakuha ko na ang basbas nila. Ang sarap sa feeling. Grabe.
Lumalabo na ang mga mata ko dahil sa binabasa ko. Para kong binabasa ang feelings ni Paolo na hindi niya sinasabi sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko at nagpatuloy sa pagtingin sa notebook. Paglipat ko sa next page, may nakita akong drawing. Isang lalaki at isang babae na naglalaro sa makapal na snow. May nakasulat pang pangalan sa snow.
I love you, Angeline Cruzette Sy-Buenavista. Sana hindi makita ni Cruzette `tong notebook. Ang korni ng mga nakasulat dito. Ang panget pa ng drawing. Haha. `Di bale, sa drawing muna. Pero sisiguruhin kong kapag may malaking ipon na ako, magiging totoo na `tong drawing ko.
Sa next page naman ay isang babae at isang lalaki rin na nasa simbahan at nagpapakasal. Alam kong kami `tong dalawa ni Paolo dahil may pangalan namin sa itaas. May nakasulat na “Paolo and Cruzette Wedding.” Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sumikip ang dibdib ko. Lahat ng plano ni Paolo para sa aming dalawa nakalagay rito sa notebook niya. Lahat ng pangako niya inilagay niya rito. Ginawa niyang planner itong notebook. Isang planner kung saan nakasulat ang mga gagawin naming dalawa sa future.
Paglipat ko sa next page, may isang pamilya naman na naka-drawing. Magkahawak-kamay ang isang lalaki at isang babae habang may tatlong maliliit na bata sa paligid nila. Pagkatapos may caption na, “Anak namin ni Cruzette,” sa ibaba nito. Kahit hindi masyadong maganda ang pagkaka-drawing, ayos lang. Ang importante ay ang feelings niya habang ginuguhit niya ito. Nakatuntong na ako sa huling pahina na may sulat kamay ni Paolo. Nakasulat dito nang ilang beses ang pangalan ko habang may nakalagay na “I love you” sa pinakadulo.
“Ang korni mo talaga, Paolo. Nakakainis ka. Ang korni-korni mo,” sabi ko sa sarili ko habang umiiyak at yakap-yakap sa dibdib ang notebook niya.
Ngayon naintindihan ko na kung bakit pangalan ko ang nakasulat sa notebook na ito. Lahat kasi ng nakalagay sa notebook ay para sa akin. Lahat ng nakasulat ay tungkol sa pangako niya para sa akin. Umiyak lang ako nang umiyak habang yakap-yakap ko sa aking mga bisig ang huling alaala na ginawa ni Paolo.
Hanggang sa ma-realize ko na lahat ng ginagawa ni Paolo ay para sa ikakabuti at ikakasaya ko. Wala siyang ginawang ikinalungkot o ikinasakit ng damdamin ko habang nabubuhay siya. Alam kong hindi niya gustong mawala sa tabi ko nang hindi natutupad ang mga pangako niya. Malulungkot si Paolo kapag nakita niyang nahihirapan akong tanggapin ang nangyaring trahedya sa buhay naming dalawa. Mahirap. Pero tatanggapin ko. I must let him go. I must accept the fact the he was no longer in this world. Pero kahit gano’n, alam ko sa puso ko, hinding-hindi niya ako iiwan. Alam kong kahit matagal na panahon pa ang lumipas, buhay na buhay pa rin siya sa puso ko.
“Umaalis ang isang tao sa tabi mo dahil hanggang do’n lang ang misyon nila sa buhay mo. Katulad ng mga taong namamatay. Nililisan nila ang mundo kasi tapos na ang misyon nila.”
Naalala ko bigla ang sinabi ni Paolo noon. Tama nga siya. Nilisan niya ang mundong ito dahil tapos na ang misyon niya. Siguro misyon niya lang na baguhin ako, na alisin ang hinanakit ko sa mga magulang ko at sa mga taong nakapaligid sa akin. Marahil isa nga talagang anghel si Paolo—isang anghel na pinadala sa akin para makaramdam ako ng pagmamahal at atensiyon na hinahanap ko simula noong bata pa ako.
Tumayo ako at nag-ayos ng sarili. Humarap ako sa salamin nang nakangiti kahit namumugto pa ang mga mata. Hindi dapat ako malungkot sa nangyari. Kailangan kong tanggapin. Mahal ko siya kaya kailangan ko siyang i-let go. Mahal ko siya kaya kailangan kong isipin na masasaktan si Paolo kapag nakita niya akong nasasaktan.
Muli kong isinuot ang kuwintas na regalo sa akin ni Paolo na may pendant na snowflakes. Isinuot ko rin ang singsing na pruweba na magpapakasal kaming dalawa pagtuntong ko ng twenty years old.
Pero sorry na lang, Paolo, hindi ko na kayang hintayin na mag-twenty years old ako bago tayo magpakasal. Lahat ginagawa mo para lang sumaya ako. Ngayon ako naman ang gagawa ng mga bagay na dapat mong ikasaya bago ka tuluyang umalis at tumungo sa huling hantungan mo.
Lumabas ako ng kuwarto at tumungo sa kuwarto nina Mommy. Kakausapin ko sila ni Dad kasama ang nanay ni Paolo tungkol sa pangako namin sa isa’t isa.
He was twenty-eight years old while I was just eighteen years old back then when I started to fullfil our promises to each other. Even though we had a ten-year age gap and he was no longer in this world, I still married the person I loved the most. I was just eighteen years old that time when I married the cold body of Paolo Johann Buenavista.