MOVE now. He’s clear.
Iyon ang mensahe na natanggap ni Themarie nang makauwi sa apartment niya galing sa mansiyon ni Shun. Iyon ang unang beses na umuwi siya sa apartment nang hindi kasama ang lalaki. Siguro, dahil tulog ito nang umalis siya kaya walang pumigil sa kanya. His friends stayed over for hours. Nang magising siya, katutulog palang ni Shun kaya naman nakaalis siya nang mag-isa.
Thank God she was alone now. Hindi niya kasi mabuksan ang laptop kapag kasama niya si Shun para kumuha ng damit niya sa apartment.
Ewan ba niya sa lalaking iyon. p arang ayaw nitong mawalay siya rito na ayos lang naman sa kanya. He’s very protective of her, making her feel so special. Kaya hindi na siya magtataka kung sa pag-alis niya, hulog na hulog na siya rito.
Napatitig ulit si Themarie sa mensaheng natanggap.
Move now.
Parang iyon na ang pagkakataong hinihintay niya. Kaya hindi siya gumagalaw dahil sa dami ng mga bodyguard na nakapalibot kay Chi Wong. Killing that guy in short range would be a suicide. And stealing from him would be double suicide. But if he was clear now, then he was in an open space. If she would kill him and steal from him, she had to make it covert.
Tumingin si Themarie sa labas ng bintana. Madilim na ang kalangitan, pero nasisiguro niyang tulog pa ngayon si Shun. Eh, di sana tumawag agad ito sa kanya para hanapin siya. Dapat nasa Club Red na siya ngayon, pero hindi siya papasok.
Binuksan niya ang GPS tracking device sa cell phone at tiningnan kung nasaan ang red dot na magtuturo sa kanya sa lokasyon ni Chi Wong. Themarie put a bug on his whiskey a few days ago. Nasa loob ng tiyan nito ngayon ang tracking device niya.
The red dot was blinking inside Restaurant Pierre.
Let’s do this before Shun wakes up and call.
Humarap siya sa laptop at tiningnan ang blueprint ng Restaurant Pierre pati na rin ang blueprint ng pinakamalapit na hotel ng nasabing restaurant. The hotel was designed by Tejano Architectural Firm.
Hmm... Let’s see if I can hack into their system.
Mabilis na tumipa ang mga daliri niya sa keyboard. Napangiti siya nang makapasok sa data base ng TAF at nakuha ang blueprint ng hotel. Minemorya niya lahat ng impormasyon bago nagdesisyong gumalaw.
Inilapag ni Themarie ang cell phone saka kumuha ng blue chambray shirt na pinaresan ng floral capris. Pagkatapos, isinuot niya ang beige niyang stiletto para magmukhang glamorosang babae.
Nang masigurong maayos na ang kanyang hitsura, lumuhod siya sa paanan ng kama at hinugot mula roon ang isang mahabang attaché case. She sighed and opens it.
A Dragunov SVD Sniper gun welcomes her eyes.
Isinara ni Themarie ang attaché case saka binitbit palabas ng apartment. Sumakay siya sa taxi papuntang Hotel La Perla. Iyon ang kaharap ng establisimyento ng Restaurant Pierre. Mas madali niyang mababaril mula roon si Chi Wong. At kapag wala na ito, saka niya papasukin ang bahay nito para kunin ang bagay na ipinapanakaw sa kanya.
Pagkatapos ng misyon na iyon, magkakaroon na siya ng maraming oras para kay Shun. Kaya naman gusto na niyang matapos iyon ngayon. Gusto niyang ibigay lahat ng limitado niyang oras sa lalaki.
Nang makapasok sa hotel, agad niyang nirentahan ang isang kuwarto na nakaharap sa Restaurant Pierre. Gumamit siya ng pekeng pangalan at ID. Cash ang pinambayad niya para walang maikokonekta sa kanya. From her room, it was only a hundred meters away or so from the restaurant.
The Dragunov SVD Sniper gun had a maximum range shot of one thousand three hundred meters with telescope. Kaya naman alam ni Themarie na ngayong gabi, matatapos na ang kanyang misyon.
Pagkatapos i-assemble ang baril at maayos na ang puwesto niyon, binuksan niya ang bintana at inilabas doon ang kalahati ng dulo ng baril at sumilip sa teleskopyo.
When Themarie got a clear shot on Chi Wong—in the head—she was about to pull the trigger to finish her target when an unknown bullet entered the scene, hitting Chi Wong’s heart. Natumba ang lalaki, pero walang kumalat na dugo. She couldn’t see blood through her telescope!
“Crap!” she hissed. Chi Wong was wearing a fucking vest!
Nang makita mula sa teleskopyo na tinakpan ng maraming bodyguard si Chi Wong, habang ang iba ay naglabasan ng restaurant para siguro hanapin ang bumaril, mabilis siyang umatras at ibinalik ang baril sa loob ng attaché case.
Mabilis ang sunod niyang mga galaw. Fuck it! Kung sino man ang bumaril kay Chi Wong, hindi ito nag-iisip. Nabulilyaso ang misyon niya dahil sa kung sino man ang unang bumaril kay Wong.
Nang mapadaan sa isang trash vent, itinapon niya roon ang attaché case. Themarie could hear the attaché case sliding through the long garbage vent and then it stopped. Parang nakarating na sa ibaba, sa basurahan, ang attaché case niya.
She then walked innocently towards the elevator while dialing Honey’s number, isa sa mga kaibigan niyang nasa bansa.
“Nasa isang trash vent ang sniper ko. Puwede bang pakikuha? Nabulilyaso ang lakad ko,” sabi niya nang sagutin nito ang tawag.
“Where?”
“Hotel La Perla.”
“I’ll get it.”
Themarie ended the call and waited for the elevator to open. Habang naghihintay, tiningnan niya ang blueprint ng hotel.
There you are.
Nagpahatid siya sa pinakamataas na palapag ng hotel at pasimpleng naglakad papunta sa CCTV room na nandoon. May lalaking nakaharap sa maraming computer na siyang bantay siguro. Walang ingay niya itong nilapitan at may diniinang ugat sa batok dahilan para mawalan ito ng malay.
“Sorry.” Themarie pushed him off the chair and she sat there. “Hmm… Let’s delete some footage.”
Themarie deleted every footage that she was in. Pero habang ginagawa iyon, napakunot ang noo niya nang makitang may mga footage ring nawawala. Parang may isip din naman pala ang sniper na iyon. Parang sabay lang nilang tinanggal ang footage kung saan nandoon sila.
Nang matapos ang kailangan sa CCTV room, lumabas siya at sumakay ulit sa elevator. Limang floor na ang nadadaanan niya nang tumigil ang elevator at bumukas.
Namilog ang mga mata niya nang makitang si Shun ang nasa labas ng elevator.
“Shun?” gulat na sabi niya.
Shun blinked numerous times at her. “Baby?”
Ngumiti siya para pagtakpan ang kabang nararamdaman. “Ano’ng ginagawa mo rito? Akala ko tulog ka pa.”
Hindi ito sumagot, sa halip, nakangiti itong pumasok sa loob ng elevator at walang sere-seremonyang niyakap siya at hinalikan sa mga labi na agad naman niyang tinugon. Yumakap pa siya sa leeg nito para palalimin ang halik na pinagsasaluhan nila nang may kasamang mahinang daing. Her heart pounded erratically inside her chest.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ulit niya nang maghiwalay ang mga labi nila.
“I had a business to attend to,” sabi nito at bumuntong-hininga. “But I lost it.”
Napangiti si Themarie. Businessmen.
“Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito?” May pagseselos sa boses ng lalaki na ikinatawa niya.
“Naalala mo si Honey? `Yong kaibigan kong babae?” tanong niya. “Dito siya nag-i-stay sa hotel na `to. Binisita ko lang kasi tulog ka pa naman. Hinihintay ko nga ang tawag mo, eh.”
Shun smiled and kissed her lips. “Want to have dinner with me?”
Malapad siyang ngumiti. “Sige, halika na.”
Magkahawak-kamay silang lumabas ng elevator. Nakasalubong pa nila ang mga tauhan ni Chi Wong na papasok sa hotel.
Too late.
Dinala siya ni Shun sa isang mamahaling restaurant para doon maghapunan. Napapangiti si Themarie. Medyo matagal-tagal na rin pala mula nang huli siyang makakain sa mga ganitong magagarang kainan.
Habang hinihintay ang order nila, bumaba ang tingin niya sa attaché case na inilapag si Shun sa sahig, sa tabi nito.
“Ano’ng laman niyan?” out of curiosity, she asked.
His face became impassive. “Papers.”
“Ah.”
Magtatanong pa sana si Themarie, pero hindi na niya nagawa dahil dumating na order nila. Ibinuhos na lang niya ang atensiyon sa kinakain.
Nararamdaman niyang pasulyap-sulyap sa kanya si Shun kaya naman hinuli niya ang mga mata nito.
“Ano `yon?” tanong niya. Alam niyang may kailangan ito.
Shun bit his lower lip. Damn, it looked sexy. “Sa bahay ka ulit matulog, puwede ba?”
Agad siyang tumango. “Tinatanong pa ba `yon? Para namang hahayaan mo akong matulog mag-isa sa apartment ko.”
Mahinang natawa si Shun. “Hindi nga. Nag-aalala ako, eh.”
Napailing siya. “Halos sa bahay mo na ako nakatira.”
“Ayaw mo ba?”
Umiling siya. “Gusto.”
“Good.” Tumiim ang titig nito. “May itutuloy tayo mamaya na hindi natuloy kaninang madaling-araw.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Themarie. “Paano kung hindi na naman matuloy?”
“Nothing can stop me this time.”
Nakagat niya ang ibabang labi saka ngumiti. “Sige. I’m looking forward to it.”
Shun smiled and continued eating while conversing from time to time. That was how their dinner went. It was uneventful, but she was filled with contentment and happiness.
HABANG nagmamaneho si Shun papunta sa bahay niya—si Themarie ay nasa passenger seat—bumalik sa alaala niya ang nangyari sa Hotel La Perla.
It was a bad shot. At dahil sa kanyang pagkakamali, parang hindi na lalabas si Chi Wong nang walang bodyguard na nakapalibot dito tulad kanina. It had been months since Wong let his guard down. That was a perfect timing, but he blew it! Fuck!
Why the fucking hell did he hiccup as he pulled the trigger? Sa halip na tamaan sa ulo si Chi Wong, sa katawan nito tumama ang bala. And he’s wearing a fucking vest. Of course, he was! Hindi niya alam kung malas siya ngayong gabi o talagang hindi pa oras mamatay ni Chi Wong.
Son of a bitch!
Shun wanted to kill the bastard so he could have more time with Themarie. He wanted to be with her—always with her every day. And he knew he was in a very big trouble, but he didn’t care even if it scared the shit out of him.
Ang dahilan kung bakit pinipigilan niyang angkinin ang babae nitong mga nakaraang araw ay dahil kay Chi Wong. Gusto sana niyang mawala muna ito para na kay Themarie na ang atensiyon niya pagkatapos. Pero sa nangyayari ngayon, sa tingin niya, hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili..
God, he wanted to taste heaven with her. In more ways than one.
Itinigil ni Shun ang sasakyan sa labas ng bahay niya saka naunang lumabas para pagbuksan ng pinto si Themarie at alalayan itong makababa. Agad na yumakap ang isa niyang braso sa likod ng baywang ng babae habang naglalakad sila papunta sa bahay niya. Using his remote control key, he opened the door to his house and it was Themarie who entered first.
Shun smiled when he saw how at home she looked in his house. Siguro, dahil halos ayaw na niya itong pauwiin sa apartment nito dahil gusto niya itong laging kasama.
He shook his head when he saw her changing the channel in a very fast manner. His eyes were having a difficulty keeping up. At sa wakas, tumigil din ito sa Discovery Channel kung saan tungkol sa mga baril ang show.
Shun sat next to Them in a long sofa and watched the show. Natigilan siya nang maramdamang humilig sa balikat niya si Them. Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba ang ulo nito sa hita niya at ginawa iyong unan.
His manhood hardened in an instant.
“Them?”
“Hmm?”
“I’m having a hard on.” He took a deep breath. “Sa kuwarto na tayo.” He wanted to devour her again, to hear her moan and scream his name.
Tumawa lang si Themarie at tumingala sa kanya. Their eyes met. Hers sparkled in mischief.
“You want me to do something about it?” Pilya itong ngumiti. “Gusto mo ulit ng lap dance?”
Tumigil ang paghinga ni Shun. “F-for real?” He could still remember the lap dance she gave him. It was quick but fuck, he was raging hard.
Themarie smiled then got up and sat on his lap. Then, with a seductive smile on her lips, she started rubbing her covered mound against his covered cock.
“Oooh…” He couldn’t help but moan as he threw his head back.
THEMARIE moaned as she rubbed her mound against his hard length. “Gusto mo ba `to?” tanong niya habang umiindayog ang balakang.
Tumango si Shun na parang kinakapos ng hininga. “Y-yeah.”
Napangiti siya. “Good.”
She moved her body seductively, slightly pressing her core against his hard manhood. Hinawakan niya ang lalaki sa baywang saka iginalaw ang kanyang balakang. She ground, swayed her body, seduced him, licked his neck and performed lap dance on him.
May lumalabas na daing sa mga labi nito na mas nagpapagana sa kanya. She liked it, no, scratch that. She loved Shun’s reaction. It motivated her. It made her wet, too.
Kaya nang isa-isang hinubad ni Shun ang suot niya, walang naging pagtutol sa kanya. Nagpaubaya siya at hinayaan ang lalaki na paligayahin ang hubad niyang katawan habang umuungol siya sa masarap na sensasyong nararamdaman papunta sa kanyang puson, pababa sa pagkababae.
Nang buhatin siya ni Shun papunta sa kuwarto nito, nagpaubaya siya. Nararamdaman na niyang ngayong gabi siya aangkinin ng lalaki. Buong puso niyang ipagkakaloob dito ang sarili. That was the first time she ever felt like this towards a man and no one could stop her, not her responsibility back home and not her mission.