noveltoon logo noveltoon
Shun Kim (Possessive Series 8)

Chapter 2

Ch. 3 / 28 Feb 05, 2022

PAGOD na lumabas ng club si Themarie. Masakit ang likod niya pati na ang mga paa sa kalalakad at kaka-entertain sa mga customer. Oo nga at kumportable naman ang pampaa niya, pero nakakapagod pa rin ang trabaho lalo na at magdamag siyang paikot-ikot sa club.

“You look tired,” sabi ng boses mula sa tabi niya.

Agad na kumunot ang noo ni Themarie nang marinig ang boses ni Hellion. Ni hindi niya narinig na may tumabi sa kanya. At sa uri ng trabaho niya, kapag hindi narinig ang yabag ng isang tao, dalawang dahilan lang iyon. It’s either he’s a thief or he’s a killer.

Tumingin siya sa lalaki na nasa tabi niya. Nakasuot pa rin ito ng baseball cap at nerdy glasses. “Wala ka talagang balak alisin `yang baseball cap na suot mo?” tanong niya na hindi mapigilang mapansin ang buhok nito. For a chinito guy, he was blond. He must have colored his hair or it was fake.

Tumingin din ito sa kanya. “Hindi ba bagay sa akin?”

Nagkibit-balikat si Themarie. “Wala naman `yon kung bagay o hindi, nasa lugar `yon.”

Hellion took off his baseball cap together with his fake blond hair before facing her fully, making her breathing hitch when she fully saw his handsome face. He was more handsome without the fake hair.

“How’s this? Okay na ba?” tanong nito.

Nag-iwas siya ng tingin para hindi nito makita ang paghanga sa mga mata niya. “Mas okay na. Bakit ba naka-wig ka?”

“Just style,” sagot nito. “Gusto mo rin bang alisin ko ang glasses ko?”

Bumalik ang tingin niya rito. “Hindi. Okay na `yan.” He actually looked sexy with his nerdy glasses on.

Hellion smiled before narrowing his eyes on her. “How about you? You look stressed. You should smile a little.”

“Kapag ngumiti ba ako, yayaman ako?” nakataas ang kilay na tanong niya.

He sighed dramatically. “How much for your smile?”

Marahan siyang natawa. “Babayaran mo ako para lang ngumiti? Ang cool naman n’on.” Themarie smiled at him. “O, ngumiti na ako. One thousand, please?” sabi niya saka inilahad ang nakabukang palad sa harap nito.

Naiiling na kumuha ng pera si Hellion sa pitaka nito na nasa bulsa saka inilagay sa nakabukas niyang mga palad. “Here,” sabi nito.

Napatitig siya sa pera na bigay ng lalaki habang dahan-dahang nawawala ang ngiti sa mga labi. Para sa isang bartender, napakadali para dito na magbigay ng pera. Parang hindi ito naghihirap. O baka naman hindi talaga ito mahirap at nagpapanggap lang? Panay ang English nito kaya nagdududa siya kung bartender ba talaga ang kaharap.

Ibinulsa ni Themarie ang pera saka ito pinakatitigan. “Thanks,” sabi niya saka walang sabi-sabi itong hinalikan sa mga labi na ikinatigas ng buo nitong katawan.

Mahina siyang natawa. This man always had an uncanny reaction towards her kisses. Kaya naman hindi niya agad tinapos ang simpleng halik lang sana na ibibigay niya sa mga labi nito. It’s funny. Ngayon lang siya nagkagustong halikan ang isang lalaki. In the nature of her job, she stayed away from having a boyfriend, and from men in general.

Inilayo niya ang mga labi sa mga labi ni Hellion. Ang tungki naman ng ilong nito ang hinalikan niya bago bumulong. “Wala nang bayad `yan,” sabi niya na ang tinutukoy ay ang paghalik sa tungki ng ilong nito. “Gusto lang talaga kitang halikan,” pag-amin niya.

She’s not shy. Hindi naman siya nito kilala. At gustong-gusto talaga niyang halikan ang lalaki sa hindi niya malamang dahilan. Hindi naman siya ganito sa ibang lalaki. Si Hellion ang unang lalaki na gusto niyang halikan ulit pagkatapos matikman ang masarap nitong mga labi kanina.

And Themarie wouldn’t stop herself. Hahayaan niya ang sariling gawin ang gustong gawin dahil malapit nang matapos ang kalayaan niya. Hindi na niya iyon magagawa ulit kapag bumalik na sa tunay na siya, nasisiguro niya iyon.

Napatitig siya kay Hellion. Kumunot ang noo nang makitang panay ang hinga nito nang malalim. “Ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong niya saka inilapat ang palad sa dibdib nito kung nasaan ang puso nito para pakiramdaman kung maayos ba ito. Panay kasi ang paghinga nito nang malalim. His heart was pounding fast against her palm. “Ayos ka lang?” tanong niya ulit. “Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo—”

“Stop kissing me and my heart would stay still,” Hellion said while staring intently at her.

Themarie actually froze for a couple of seconds. “Mabilis ang tibok ng puso mo dahil sa… paghalik ko sa `yo?”

“Yeah,” he answered in a whisper.

Ibinaba niya ang kamay na nakalapat sa dibdib nito saka nag-iwas ng tingin. She didn’t know what to say. Mayamaya, bigla na namang pumasok sa isip niya ang walang ingay na yabag ng mga paa nito.

“Puwede ka bang maglakad kahit ilang hakbang lang?” pakiusap niya para maiba ang topic nila. She needed to confirm her suspicion on him.

Hellion shrugged and took five steps. She narrowed her eyes on his foot. Wala talaga siyang yabag na marinig kapag naglalakad ito. This kind of person was scary and deadly.

Themarie smiled. “Thanks. I have to go.” Pumara siya ng taxi. Nang tumigil iyon sa harap niya, humarap ulit siya kay Hellion saka ito mabilis na hinalikan sa mga labi. And again, he stilled. “Bye, hell boy,” sabi niya saka mabilis na pumasok sa pinarang taxi at nagpahatid sa apartment niya.

NAPATITIG si Shun sa palayong taxi na sinasakyan ni Them. Wala sa sariling napahawak siya sa mga labi. He told her not to kiss her, but... he was just kidding himself. He liked her kisses even though she always caught him off guard.

Naiiling na pumara siya ng taxi. Hindi niya dinala ang sasakyan niya dahil baka may makahalata. He didn’t wear a wig, a nerdy glasses and a baseball cap for nothing.

Habang nakasakay sa taxi na maghahatid sa kanya sa Bachelor’s Village, napakunot ang noo ni Shun nang buksan niya ang wallet. Nawawalan siya ng isanlibo. Pababalikin na sana niya sa pinanggalingan ang taxi na sinasakyan nang maalalang ibinigay nga pala niya iyon kay Them.

He tsked and shook his head. “Mamumulubi ako sa babaeng `yon.”

Well, if it meant a kiss from her, then he had to work really hard to earn more money.

Mahina siyang natawa at nailing na naman. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganito noon sa mga babaeng nakikilala pa lang. Ano ba ang mayroon kay Them at nagiging ganito siya? He was becoming an alien in his own body and emotion.

Bumuntong-hininga si Shun saka lumabas ng taxi nang pumarada iyon sa harap ng Bachelor’s Village. Pagkatapos bayaran ang driver, pumasok siya sa gate ng BV pagkatapos ipakita sa guard ang ID niya. Habang naglalakad papunta sa kanyang bahay, kinuha niya ang cell phone at tinawagan ang sekretarya.

“Tom…”

“Yes, Mr. Kim?” tanong nito nang sagutin ang tawag niya kahit madaling-araw na.

“How’s our fifteen for lease house and lot?” tanong niya.

“Nabili na po lahat.”

“Good. Fax me the statement of account of each house and lot. Thanks,” sabi niya saka pinatay ang tawag.

Nang makapasok sa bahay, tinawagan naman ni Shun ang isa pa niyang sekretarya. He had two. One for work and one for the charity.

“Sanny, kumusta na ang mga bata?” tanong niya.

“Ayos naman po, Mr. Kim.” Halata sa boses ng nasa kabilang linya na nagising niya ito. “`Yong mga bata na gustong mag-aral, nai-enroll na ho namin. At dahil wala pa po tayong permit at mga certificate, hindi po muna kami nagpapatulog sa bahay na ipinagawa n’yo para sa mga bata. Pero pinapadaan namin sila roon para makakain at mabigyan ng pangangailangan nila tulad ng utos n’yo. We already contacted the DSWD to ask if they could assign a social worker in the house if possible after the legalities has been complied with.”

“Ano’ng sabi ng DSWD sa request natin?”

“The DSWD wants to talk to you in person.”

“Okay.” Shun yawned. “Set an appointment with the DSWD. You know my schedule. Tawagan mo na lang ako kapag naayos mo na.”

“Yes, Sir. And another thing, Mr. Kim.”

“What?”

“We need more funds for the children’s school necessities and foods.”

“Sige. Bukas ko ibibigay ang pera.”

“Sige po, Sir.”

Nang tapusin niya ang tawag, marahas siyang napabuga ng hangin. Funds. He needed more funds.

“Son of a fucking bitch!” pagmumura niya. “Sino kaya ang puwede kong makotongan ngayon? Wala naman kasing tumatawag, eh.”

As if on cue, his phone rang. It was Knight Velazquez calling. The Count.

Thank God. Shun grinned. “Yes?” tanong niya nang sagutin ang tawag. “Need anything?”

“May ipapahanap ako sa `yo,” sabi nito na ikinangisi niya nang malapad.

“That will cost an arm and a leg. No scratch that, add some limbs, too.”

“How much?”

Napangisi siya. “Well, I have this three brand new cars in my disposal—”

“Deal,” Knight cut him off. “Just find my sister. I have connections, but you’re a good tech guy, So… yeah. It’ll be more faster if you’re looking for her, too.”

Matagal na nitong hinahanap ang kapatid. Ngayon lang ito tumawag sa kanya para ipahanap. It looked like he was desperate to find her. Alam din niyang marami itong koneksiyon hindi dahil isa itong konde kundi dahil sa isa pa nitong katauhan na ilan lang ang nakakaalam. All of their friends knew Knight as a happy go lucky guy, but he knew better who he was behind his façade.

“Okay. Give me a week,” sabi niya.

“Okay. How are you, by the way?”

Shun chuckled. “You know, here and there. Doing my job.”

“Yeah, I heard. Watch your back. Your job is not an easy target,” sabi nito.

“I know.”

“Good. Bye.”

“Bye.”

Nakangiti si Shun nang tapusin ang tawag. May pera na siyang magagamit para sa mga bata. At iyong nakurakot pa niya kay Ymar, malaki-laki na iyon. Idagdag pa ang tips at suweldo na matatanggap niya. Ayos na iyon. Kahit paano, makakatulong na iyon sa mga bata.

Gusto niyang tulungan ang mga bata sa abot ng kanyang makakaya. Nakakaawa naman kasi ang mga ito. Gustong mag-aral, pero hindi makapag-aral dahil sa kawalan ng pera. At alam ni Shun ang pakiramdam na iyon. He was an adopted child. Pero bago ma-adopt, naging palaboy muna siya sa lansangan. Hindi niya nakilala ang tunay na ama. He didn’t know his birthday, his birth place. Even his real surname was unknown to him. Wala siyang alam sa kung sino ang totoong siya maliban sa isang Hapon ang ama niya na hindi niya alam ang apelyido. Ang ina naman niya, iniwan siya sa bangketa nang kaya na niyang mabuhay mag-isa.

His adopted parents were half Korean-half Filipino couple. Walang anak. Kaya naman naging Shun Kim ang pangalan niya.

He was very thankful to his adopted parents because they sheltered him, fed him and loved him like he was their own. They were amazing people. Nang mamatay ang mga ito sa isang car accident, napunta sa kanya ang lahat ng ari-arian ng mga ito. Ipinangako ni Shun sa sarili na palalaguin niya iyon at tutulong sa mga batang nangangailangan. Dahil tulad niya noon, hindi siya magiging Shun Kim ngayon kung walang may mabuting loob na mag-asawa na umampon sa kanya.

Ibinulsa niya ang cell phone, nagpunta sa kuwarto saka nahiga. He really admired bartenders. Their job was very tiring. Hindi lang iyon, kailangang focus sa paggawa ng mga inumin kung hindi masasayang lang ang mga alak na hinahalo.

Shun exhaled harshly. Then, out of nowhere, Them’s beautiful face invaded his mind.

Napangiti siya nang maalala ang paghalik nito sa kanya. Honestly, he had never been kissed. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi siya nakikipaghalikan sa mga babaeng nakatalik noon. He liked it quick and clean. No kissing, just fucking.

He disliked getting close to someone. He thought that kissing was a way to get closer. He could have sex, but kissing? A big no for him. Kaya naninibago si Shun sa sarili dahil hinahayaan lang niya si Them na halikan siya.

Ayaw niyang napapalapit sa kahit na sino. But look at him now, he had friends who were close to his heart. And he couldn’t let go of them. Kaya ayaw niyang napapalapit sa mga tao, eh. kasi sa oras na nakapasok ang mga ito sa loob ng ginawa niyang bakod, wala na.

And then, there’s Them. He liked her. Alam niya iyon mula nang lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. Hindi naman siya tanga para hindi malaman iyon. At iyon ang kailangan niyang paghandaan. Kapag nakapasok ang babae sa bakod na ginawa niya para sa sarili, iyon na ang katapusan ng kanyang maliligayang araw bilang binata.

He liked being a bachelor. He liked it more than he liked Them whom he just met.

Mabilis siyang bumangon nang may pumasok na ideya sa isip. Kinuha niya ang laptop saka dumapa sa kama.

Madali lang para sa kanya na i-hack ang kahit na anong government agency na makakatulong sa kanya na makakuha ng impormasyon sa taong hinahanap.

Napatigil si Shun sa pagta-type nang maalalang hindi pala niya alam ang buong pangalan ni Them. So he called X.

“Hey, fucker.”

Shun grimaced at that cursed word. “May empleyado kang Them ang pangalan? Ano’ng full name niya?”

Mahinang tumawa si X. “Want to fuck her?”

He grunted. “I just need her full name, X.”

“Wait.” Bigla itong nawala sa kabilang linya. Nang may magsalita, boses na iyon ni Blaze. “Her name is Themarie Alfonso. Why?”

Themarie. Beautiful name.

“Don’t ask,” sabi niya saka pinatay ang tawag.

Shun hurriedly enter Themarie’s full name on the search box. Napangiti siya nang lumabas ang lahat ng impormasyon tungkol sa babae. The beauty of government data base.

He ran his index finger over Themarie’s address on the screen of his laptop. Hindi niya mapigilang mapailing-iling sa pinaggagagawa. Talagang may alien nga sa loob ng katawan niya. Hindi naman siya ganito dati. Hindi siya naghahanap ng tao nang walang makukuhang malaking pera. He would not waste his very important time on searching for a person, especially if it was for free.

Isinara ni Shun ang laptop at patihayang nahiga sa kama. He needed to sleep. Para mamayang gabi, gising siya. And as much as he hated to admit, he was looking forward to see Themarie again.

MAAGANG pumasok si Shun sa Club Red. He’s excited to see Themarie. He couldn’t deny that to himself. He was really looking forward to seeing her again. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang makita ang babae. Parang gusto niyang hilahin ang oras kanina para lang gumabi na.

“Hey, hell boy.”

Natigilan siya sa pag-aayos ng alak sa bar at nag-angat ng tingin sa tumawag sa kanya ng hell boy. And there she was, the woman who never left his mind the whole day.

“Them.” he breathed in.

She smiled at him, amusement dancing in her eyes. “Parang naakit ka sa kagandahan ko ngayong gabi, ah,” biro nito saka pumasok sa loob ng bar. Hinalikan na naman siya nito sa mga labi. And as usual, he stilled.

Themarie pulled away from his lips and looked at him with her lips slightly parted open. “Ayaw mo bang hinahalikan kita?”

“Fuck me.” Sa halip na sagutin ang tanong nito, iyon ang kanyang nasabi dahil siguro sa pagkabuhay ng pagkalalaki niya. She was too close. He could smell her sweet scent, making him irrational.

Ngumiti si Them. “May trabaho pa ako, eh,” sabi nito na narinig pala ang sinabi niya.

Namilog ang mga mata niya saka tinitigan ang mukha ng babae. “W-what did you say?”

“Sabi mo, fuck me. Sagot ko naman, may trabaho pa ako.” Kinindatan siya nito saka umalis sa harap niya.

And Shun stood there… asking himself if she was joking or if she was serious.