noveltoon logo noveltoon
Shun Kim (Possessive Series 8)

Chapter 13

Ch. 14 / 28 Feb 05, 2022

SHUN was grinding his teeth with so much anger and jealousy inside him. Alam niyang may itinatago sa kanya si Themarie, nararamdaman niya. He knew there was something she wasn’t telling her, but he never expected something like this. When he heard her say ‘I love you’ to someone, umakyat ang dugo sa ulo niya. He saw red. He was jealous!

“Shun—”

“Sino’ng kausap mo?” tanong niya ulit sa malamig at kalmadong boses, pero ang totoo nakakuyom ang kamao niya. He was losing control. Fuck! “Themarie, tell me.”

He really liked Themarie and he’d be damned if he let someone take her away from him.

“Kaibigan ko lang siya,” sagot nito saka lumapit sa kanya at halikan sa mga labi.

His doubts and suspicions instantly faded away. Just one kiss. He was so weak when it came to this woman.

“Nagseselos ka na naman ba?” nakangiti nitong tanong saka sinundot-sundot ang tagiliran niya. “Huwag kang masyadong magseselos, baka isipin ko in love ka na sa akin.”

Napakurap-kurap si Shun habang nakaawang ang mga labi at nakatitig sa nobya.

In love? Ako?

“O, bakit natigilan ka?” tanong ni Themarie.

Tumitig siya sa mga mata ng babae. “What if am?”

Kumunot ang noo nito. “You’re what?”

“What if I’m in love with you?” he asked. “Would that be so bad?”

It was Themarie’s time to freeze. “W-what?”

Napakurap-kurap siya saka nag-iwas ng tingin. “Don’t mind me.” Ngumiti siya. “Anyway, ano’ng gusto mong agahan?” pag-iba niya sa usapan. “Ipagluluto kita.”

She was still frozen. “Ahm… pancakes?”

“Pancakes. Okay.” Tumango si Shun saka naglakad papunta sa kusina habang tinatanong ang sarili kung bakit nasabi ang mga sinabi niya.

Maybe he loved her already like what he said earlier. Kasi ayaw niyang may ibang lalaki sa buhay ni Themarie kundi siya lang. Napakadali niyang magselos at nagagalit siya sa ideyang may ibang lalaking gagawa ng ginagawa niya ngayon sa nobya. Dapat siya lang. Kasi, para sa kanya, ito lang ang nag-iisa niyang babae at hindi na siya maghahanap ng iba.

NAKATINGIN si Themarie sa palayong bulto ni Shun na papasok sa kusina. Bumuga siya nang marahas. She wanted him to stay with her until she left. Alam niyang makasarili ang gusto niya, pero ayaw niyang mawalay sa lalaki hanggang nandito pa siya.

Huminga siya nang malalim saka tinawagan si Honey nang hindi na makita si Shun.

“May kailangan ka, Thems?” agad na tanong ng kaibigan sa kabilang linya.

“My papa and Terron called,” pagkukuwento niya.

“So? Ano’ng problema?”

“I like Shun— no… I think I love him,” she blurted out. “Ano’ng gagawin ko? Ayokong malayo sa kanya.”

Bumuntong-hininga si Honey sa kabilang linya saka nagsalita. “You can’t like Shun, Thems. Alam na alam mo `yon. Sasaktan mo lang `yong tao. If he really cares for you, then you’ll just hurt him. Really hurt him when you leave.” Alam ni Honey ang mga nangyayari sa buhay niya. Honey and Amethyst know.

“Pero mahal ko si Shun, Honey,” sabi niya.

“Then stop loving him, Thems,” malungkot ang boses na sabi nito. “Huwag mong saktan ang lalaking mahal mo. Alam mo naman kung bakit, `di ba? O gusto mo pang ipaalala ko sa `yo?”

Her heart tightened inside her rib cage. It hurt.

“Bakit ba hindi ako puwedeng maging masaya kasama ang taong gusto ko?”

“It’s your duty, Thems.”

Natahimik siya dahil alam niyang may punto si Honey. Galit siya sa kung anong buhay mayroon siya. Pero ano ang magagawa niya? She was bound to her duty. That was part of the deal.

Kailangang tapusin na niya ang kanyang misyon. Kailangang makaalis siya sa bansang ito. She needed to leave Shun fast before his feeling for her deepened. Tama si Honey, sasaktan lang niya ang lalaki.

days passed by like a blur. Magkasama pa rin sila ni Shun sa bahay nito. Mag-isa lang siya doon kapag nasa trabaho ito sa umaga. And every night, they would make love and talk for hours while in bed, naked.

Sa bawat araw na dumaraan, lalo lang nahuhulog ang loob ni Themarie sa lalaki. Alam niyang mahihirapan siyang iwan ito. Ngayon pa nga lang, iniisip pa lang niya, hirap na hirap na siya.

Themarie was dragged out from her thoughts when she felt a strong set of arms encircle around her waist while she was making coffee that morning.

“Good morning, baby,” bulong ni Shun sa tainga niya mula sa likuran.

“`Morning, too, hell boy.” Humarap siya sa lalaki. “Coffee?”

“I would love that.”

Hinalikan muna niya sa mga labi si Shun bago umalis sa mga bisig nito para ikuha ng tasa at salinan ng kape.

“Heto,” sabi niya sabay abot ng kape. “Inumin mo na. Male-late ka na sa trabaho.”

Shun sipped his coffee. “I’m planning on having a day off.”

Natawa si Themarie. “Sa kalagitnaan ng linggo?”

Nagkibit-balikat ito. “Miss na kita, eh. I’m always at work, but not today. Date tayo.”

Hindi niya mapigilan na kiligin. Shun always made her melt. “Sige. Saan naman tayo magde-date?”

Inagaw nito ang tasa na may lamang kape na iniinom niya. “Dapat hindi ito ang iniinom mo.”

Nagsalubong ang mga kilay niya nang ilapag ng lalaki ang gatas sa harap niya.

“Here. Dapat ito ang sa `yo.” Shun smirked when he saw the disdain on her face. “What? Bakit ayaw mo ba ng gatas? Hindi mo pa ba naririnig ang kasabihang, ‘uminom ka ng gatas para ikaw ay lumakas?’”

Tiningnan niya ito nang masama. Bumaba ang mga mata ni Themarie sa kape na iniinom nito. “At bakit kape ang iniinom mo? Ayaw mong lumakas?” Puno ng sarkasmo ang boses niya.

Mahinang tumawa si Shun. “Uminom ng kape para ikaw ay lumaki.”

Themarie looked at him incredulously. “Ano?”

Itinuro nito ang gitnang bahagi ng mga hita nito. “Get me now?”

Itinirik niya ang mga mata nang maintindihan ang ibig nitong sabihin. “Shun, umaga ngayon, huwag mo akong biruin. Wala ako sa mood,” she warned him.

Mabilis na sumeryoso ang mukha nito saka naglakad palapit sa kanya. He hugged her from behind and kissed her nape, making her shiver. Her mound tightened. Nararamdaman pa rin niya ang mga labi ni Shun sa leeg niya. She wanted to turn and kiss him, but she stopped herself.

“Sorry,” bulong nito sa tainga niya saka mas humigpit ang yakap. “I just want to see you laugh.”

Humarap siya sa lalaki at yumakap sa leeg nito. “Shun, gaano mo ako kagusto?” bigla niyang naitanong sa lalaki.

Naramdaman niyang natigilan ito. Mayamaya, sumagot din ito. “Gaano? Hindi ko alam kasi hindi ko naman kayang sukatin `yon. Ang alam ko lang, walang puwedeng umagaw sa `yo mula sa akin. Hindi ako papayag. I won’t give you up without a fight.”

Masuyo nitong hinawakan ang pisngi niya saka matiim na tinitigan sa mga mata. His chinky eyes held possessiveness. “I really like you, baby. This is my first time to feel a strong emotion towards a woman. I always give what I have. Kakainin ko na lang, ibibigay ko pa, kasi mas kailangan nila `yon kaysa sa akin. My parents taught me how to be generous to everyone. But I need you more than they could ever need you. When it comes to you, fuck generosity. If a man touches you, I’ll cut his hands off. If a man kiss you, I’ll cut off his lips and if a man steals your heart, I swear, Themarie, I will rip off his heart and feed it to him.”

Those were scary threats, but coming from Shun’s lips, it sounded different. Good heavens!

Am I turned on by his threat?

Napalunok si Themarie, nakatingin pa rin sa lalaki. Hinahaplos nito ang pisngi niya habang masuyong nakangiti sa kanya.

“Date na tayo,” sabi nito. “Dito lang sa bahay. I wanna cuddle with you while watching movies.”

Her eyes widened. “Ngayon na?”

Tumango ito saka siya binitiwan para buksan ang refrigerator. Pagkatapos, naglabas ito ng custard cake, mocca cake and four canned beers. Pagkatapos, kumuha ito ng maraming junk food sa cupboard saka humarap sa kanya.

“These will do.”

Napailing si Themarie. “Ang aga-aga pa.”

“So?”

Nauna na ito sa salas para ayusin ang mga pagkaing napili sa round table. Nang makaupo siya sa mahabang sofa, humarap ito sa kanya.

“Pili ka,” sabi ni Shun habang ipinapakita isa-isa ang DVD. “ Inside Out , Big Hero Six or Wall-E .”

Natatawang nagsalubong ang mga kilay niya. “Lahat animated films?”

He shrugged. “They’re good movies. The plots are great and the stories.”

“Okay,” natatawang sabi na lang niya.

“ Inside Out muna ang panoorin natin,” sabi ni Shun. Parang bata na excited nitong inilagay sa DVD player ang Inside Out bago umupo sa tabi niya sa mahabang sofa. Niyakap siya nito mula sa gilid.

Napangiti naman si Themarie nang mapunta sa paghiga sa sofa ang pagyakap ng nobyo. Ginawa pa nitong unan ang mga hita niya. Pero hinayaan niya lang. Paminsan-minsan, niyayakap niya ito at naglalambing na hinahalikan sa noo, pisngi at leeg. Habang nanonood, hinahaplos niya ang buhok nito.

“I like this,” sabi ni Shun. “Parang gusto kong ganito lang tayo habang-buhay.”

Pinaglandas niya ang dulo ng daliri sa pisngi ng nobyo. “Gusto mong lambingin kita?”

Umayos ito ng higa habang may ngiti sa mga labi. “Yeah, I would love to.”

Napangiti si Themarie habang ipinapalibot ang mga braso payakap kay Shun saka ito hinalik-halikan sa leeg. Panay naman ang tawa ng lalaki dahil nakikiliti ito. Pero ayaw namang umiwas o patigilan siya. Siya lang ang napagod. Pero nang tumigil naman siya, siya naman ang kiniliti nito.

“Shun! Stop!” tumatawa niyang sabi habang panay ang iwas.

Nakaupo na ngayon ang lalaki at panay ang kiliti sa kanya samantalang panay naman ang tawa niya. Pero lumalaban din siya ng kilitian kaya panay ang tawa nila. Nawala na sa pinapanood nila ang kanilang atensiyon.

Pero natigil ang pagkukulitan nila nang tumunog ang pamilyar na ringtone ng cell phone ni Themarie na nasa center table, sa harap nila. She set that ringtone for Terron only. Para alam niya kapag ito ang tumatawag.

Aabutin sana niya ang cell phone para patayin ang tawag nang makita niyang sa screen ng cell phone niya nakatitig si Shun habang hindi maipinta ang mukha. Makikita roon ang selos.

“Bakit tumatawag siya sa `yo?” Walang emosyon ang mga mata nito nang tumingin sa kanya. “Kaibigan mo lang ba ang Terron na `yan?”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Themarie. Hindi siya nakasagot sa tanong ni Shun, lalo na nang makitang kinuha nito ang cell phone niya at ito ang sumagot sa tawag. Napako siya sa kinauupuan. Dread consumed her.

Aagawin sana niya ang cell phone, pero mabilis na nahuli ng lalaki ang kamay niya. Sa isang kisapmata, naisandal nito ang katawan niya sa sofa. Kahit anong galaw niya, hindi siya makawala.

Hindi nagsalita si Shun habang sinusubukan niyang makawala. Nakinig lang ito sa kabilang linya. Nakita niyang gumalaw ang panga nito sa galit. Ang mga mata nito ay matatalim habang nakatingin sa kanya.

“Shun! Akin na ang cell phone ko,” sabi niya.

Para namang robot na iniabot nito sa kanya ang cell phone saka malamig ang boses na nagsalita. “It’s your fiancé.”

Sa halip na tanggapin ang cell phone, napako sa kinauupuan si Themarie habang nakatingin kay Shun na madilim ang mukha at matalim ang mga mata. Umawang ang mga labi niya para sana magpaliwanag, pero walang lumalabas na salita sa bibig niya. She got frozen and was scared to death that he would hate her forever.

“THEMS, my beautiful fiancé. How are you?”

Parang sirang plaka na paulit-ulit iyong nagre-replay sa isip ni Shun habang nakatingin sa mukha ni Themarie na tulad niya ay nagulat din. Nakatingin lang ito sa kanya. Ni hindi nagpaliwanag. Basta nakatitig lang ito na para bang tinitingnan kung ano ang magiging reaksiyon niya.

May fiancé na ang girlfriend niya at hindi man lang nito pinaalam sa kanya. Nanginginig ang kamay niyang nakakuyom sa pinaghalong frustration at galit na nararamdaman.

But I was her first. We made love a lot of times and she had a freaking fiancé?

“H-how?” Nagawa pa rin niyang tanungin si Themarie kahit parang may sumusuntok sa dibdib niya. “Y-you’re my girlfriend. You’re mine. Akin ka… P-please tell me he’s not your fiancé. Please, baby, please? You’re mine…”

She looked down like she was ashamed over something. “It’s true…” she whispered. “Terron is my fiancé.”

When he heard Themarie say it, he just lost it.

Malakas niyang sinipa ang pang-isahang sofa saka sunod na sinipa ang round table na lumipad sa pader at nabasag. Sa sobrang galit at selos na nararamdaman, walang siyang pakialam kung anong mahawakan niya. Basta lahat itinapon at binasag niya.

“Argh!” galit na galit niyang sigaw habang sinisipa at sinusuntok lahat ng malapit sa kanya maliban sa babaeng tahimik na umiiyak sa sofa.

Calm down, Shun! his subconscious shouted. Calm down before you kill someone.

“Argh!” he shouted with so much anger and jealousy again. “Fuck! Fuck! Fuck you!” galit na sigaw niya. “How could you do this to me? How? Balak mo ba talaga akong iwan all along para sa ibang lalaki? Was I just a passing fancy?” Umiigtad si Themarie sa bawat pasigaw niyang tanong. “Something you can play with before your wedding? Is that it? Answer me, damn it! Answer me!”

Themarie sobbed. “I’m sorry.”

Hindi alam ni Shun kung sa sobrang galit, frustration at selos na nararamdaman, may tumulong luha sa mga mata niya. “`Yon lang? I’m sorry lang? `Yon lang ang sasabihin mo sa akin? Hindi ka man lang magpapaliwanag?”

Themarie looked at him with her teary eyes and trembling lips as she cried. “I’m sorry. I’m so sorry. Sorry…”

Umiling siya, walang pakialam kung dumudugo ang mga kamay niya. “So, ano ako, Themarie?” He let out a strained laugh. “Fuck!”

As an agent, he lied for a living. Pero hindi man lang niya napansin na nagsisinungaling sa kanya ang babae. Ganoon ito kagaling. Themarie lied and he didn’t even notice.

His heart tightened. He was mad. Livid. He felt like he was stabbed from behind by the person he loved—

Shun froze as a realization dawned on him as he looked at Themarie who just kept on saying I’m sorry.

I love her. Fuck! Does she even love me back?