noveltoon logo noveltoon
Shun Kim (Possessive Series 8)

Chapter 9

Ch. 10 / 28 Feb 05, 2022

THEMARIE opened her eyes and saw Shun beside her. May tumatamang sikat ng araw sa pisngi nito na nagpangiti sa kanya. What a nice way to wake up. A new day. Handsome face. She’d have a nice day ahead for sure.

Mas lumapad ang ngiti niya nang mapansing parehas silang nakahubad pa rin. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi at kaninang madaling-araw nang gisingin siya ng lalaki para angkinin ulit hanggang sa makatulog ulit siya.

Umangat ang kamay niya saka masuyong hinaplos ang pisngi nito. Mayamaya, dahan-dahang nagmulat ang mga mata nito saka deretsong tumingin sa kanya.

“Hey!” Shun instantly smiled. “Good morning, baby.”

Ngumiti siya. “Good morning din.” Hinalikan niya ito sa mga labi. It was just a peck on the lips, but he managed to deepen the kiss and roll both of them over so she was beneath him now.

Natawa si Themarie. “Ako ba ang gusto mong agahan?”

Natawa ito. “I would love to have you for breakfast, but I know you’re tired and sore. So…” Hinalikan muna siya nito nang mapusok sa mga labi bago umalis sa pagkakakubabaw sa kanya. “What do you want for breakfast, baby?”

Hindi siya nakasagot sa tanong ni Shun dahil sumunod ang mga mata niya rito nang umalis ito sa kama. He was walking around the room, naked and aroused. And Themarie couldn’t take her eyes off his well-toned body.

Kaya naman nang lumingon ang lalaki sa kanya habang nagsusuot ng pantalon, nahuli siya nitong nakatitig sa kahuban nito.

Themarie’s heart skipped a beat when Shun smiled and winked at her. Pasimple niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Nararamdaman kasi niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

“Ano’ng gusto mong agahan, baby?” tanong ulit nito habang nagsusuot ng T-shirt.

Tumikhim siya. “Coffee saka pancake.”

“The usual breakfast.” Hinalikan muna siya nito sa mga labi bago naglakad palabas ng kuwarto. “Hintayin mo ako rito. Ipagluluto kita ng agahan.”

Lihim siyang napangiti. “Sige, hihintayin kita.”

Shun gave her a lopsided smile and left the room. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang kilig na nararamdaman. His effect on her was very new. Hindi naman siya isang babaeng madaling mapaniwala ng isang lalaki. Sa uri ng trabaho niya, mahirap ang magtiwala, lalo na ang matulog sa ibang bahay, lalo na kung bahay iyon ng isang lalaking ilang linggo pa lang niyang nakikilala.

Yes, Themarie searched Shun Kim on the data base. He didn’t have any criminal record whatsoever. Pero hindi iyon sapat para magtiwala siya sa lalaki. But here she was, trusting Shun Kim and doing everything to charm that gorgeous chinito even though he lied to her about his name at first.

Pinagkatiwalaan pa rin niya si Shun. Ginusto pa rin niya ito at nagpaangkin pa kagabi at kaninang madaling-araw. Nasisiguro niyang mauulit iyon nang mauulit at magpapaubaya siya lagi. Because she liked the feeling of being filled by him. To be pleasured by him. It felt so good. She craved for more.

Napabuntong-hininga si Themarie saka bumangon na rin para maglinis ng katawan. Nagpunta siya sa banyo para maligo at mag-toothbrush. Oo, may toothbrush na siya sa banyo ni Shun. After that, she went in front of the mirror and checked if she looked okay. Napakunot ang noo niya nang mapansin ang salamin ay nakadikit sa sliding na pinto.

Hindi siya nangingialam sa kung ano ang mayroon sa kuwarto ni Shun mula nang magsimula siyang matulog doon, pero napuno siya ng kuryusidad kung ano ang nasa likod niyon.

Themarie stepped closer and slid it open. It was a closet full of guns.

Umawang ang mga labi niya sa nakita. Tumigil ang mga mata niya sa pamilyar na attaché case na nasa gilid. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ang attaché case na dala-dala ni Shun nang aksidente silang nagkita sa La Perla Hotel.

She picked it up and opened it.

It was a sniper rifle!

Nagsalubong ang mga kilay ni Themarie. Kahit ayaw niya, gumagana ang utak niya sa mga dahilan kung bakit nagsinungaling sa kanya si Shun nang gabing iyon. Sabi nito, mga pepeles ang laman ng attaché case, pero sniper gun pala.

What the heck is going on?

Mabilis niyang ibinalik ang attaché case at isinara ang closet nang marinig na bumukas ang pinto. She didn’t even hear his footsteps!

This man had secrets he was hiding from her. Nararamdaman iyon ni Themarie hanggang sa kailaliman ng kalamnan niya. Parehas lang silang may itinatago. Pero bakit ganoon? Hindi siya makaramdam ng takot sa lalaki—na nobyo na niya ngayon—kahit pa nga nakita niyang marami itong baril na nakatago?

“Breakfast is ready,” sabi ni Shun na may ngiti sa mga labi. May dala itong tray na may lamang dalawang tasa ng kape at apat na pancakes.

Her mind instantly forgot the guns and she focused all her attention on him. Inilapag nito ang tray sa bedside table saka siya nilapitan.

“Kain ka na,” sabi nito.

Nakangiting tumango si Themarie saka lumapit sa bedside table kung nasaan ang tray saka uminom ng kape. “Hmm… Ang sarap talaga ng kape sa umaga.”

Tumabi ng upo sa kanya sa gilid ng kama si Shun at uminom din ng kape. “Mas masarap ka.”

Natawa si Themarie sa banat nito. “Pinapakilig mo ba ako?”

Natatawa rin itong tumingin sa kanya. “Gumagana ba?”

Umiling siya. “Matagal ko na kasing alam na mas masarap ako sa kape sa umaga.”

Shun laughed before touching her cheeks using the back of his index finger and smiled sweetly at her. “By the way, thank you for giving me a good night last night. I enjoyed it.”

Just like her, her heartbeat went haywire. “Ako rin.” Tumikhim siya. “Nag-enjoy ako.”

“That’s good. Because we will do it again and again and again…” sabi nito habang dahan-dahang lumalapit ang mga labi sa mga labi niya. “How much for a kiss again?” tanong pa nito nang gahibla na lang ang pagitan ng mga labi nila. May pilyong ngiti ito sa mga labi.

Napalunok si Themarie. Nawawala na naman siya sa tamang pag-iisip. “Free.”

Ang bango ng hininga nito! That was so unfair! He’s not fighting fair!

Shun grinned. “Libre talaga? Walang bayad? Walang kahit na ano?”

Marahan siyang tumango, ang mga mata ay unti-unting pumipikit. Hinihintay niyang lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya.

Then a phone buzzed. That was it. The magic was gone.

Nagmulat siya ng mga mata at inilayo ang mukha sa mukha ng nobyo. “Sagutin mo muna—”

“Fuck the phone call,” sabi ni Shun saka hinawakan ang mukha niya. Mainit at mapusok nitong hinalikan ang mga labi niya na agad naman niyang tinugon.

Oh, he tasted so good.

Masyadong mapusok ang halikan nila na hindi niya namalayang naihiga na siya sa kama ni Shun. She wanted to devour him. Themarie knew that he felt the same. Lalo lang niyang naramdaman iyon nang pumasok ang kamay nito sa suot niyang sweat pants saka hinawakan ang kanyang pagkababae. Napadaing siya at napapikit.

Then, his fingers started touching her clit and massaging it lightly. Sarap na sarap siya sa ginagawa ng mga daliri ni Shun sa pagkababae niya. Napapaliyad siya at napapaungol nang malakas.

“Oooh…” Napakapit siya sa bed sheet nang ipasok nito ang isang daliri sa loob niya. “I like that—Uhm…”

The phone buzzed again. Hindi na naman iyon sinagot ni Shun. Hinayaan lang nito na mag-ingay iyon habang nag-uurong-sulong ang dalawang daliri nito sa loob niya na nagpapahibang sa kanya.

So good. Ang sarap-sarap…

Tumigil sa pag-iingay ang cell phone. Pagkalipas ng ilang segundo, tumunog na naman iyon.

“Sagutin mo,” habol ang hininga na sabi niya. “Baka importante.”

“Later…” He was nipping her neck. “After you came.”

And true to Shun’s words, he didn’t stop finger fucking her until she was screaming as she orgasmed and spasmed with sheer pleasure.

“Ang sarap…” daing ni Themarie nang unti-unting nawala ang init sa katawan niya.

Hinalikan siya ni Shun sa mga labi at kinindatan bago kinuha ang cell phone nito na kanina pa nag-iingay sa sunod-sunod na tawag.

Hinihingal na mariing ipinikit naman ni Themarie ang mga mata. Holy cow! That was one hell of an orgasm.

NAIINIS na sinagot ni Shun ang tawag. Istorbo! He was having the best time of his fucking life!

“Hey,” sabi niya na hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. “This better be good.”

“Chi Wong’s gang is looking for you,” sabi ni X sa kabilang linya. “Akala ko, napatay ka na nila dahil hindi mo sinasagot ang tawag ko.”

Kumunot ang noo niya. “Paano nila nalaman na ako `yon?” Lumabas siya sa kuwarto dahil ayaw niyang marinig ni Themarie ang sasabihin niya. “I was very careful. I mean, nobody saw me. I was just unlucky last night.”

X sighed. “Well, someone put a bug on his drink. Ininom niya iyon. Dahil ikaw ang bagong bartender, pinaimbestigahan ka niya. Kahit ang mga waitress sa club, pinaimbestigahan din niya. Pero ikaw talaga ang itinuturo nilang may gawa n’on kasi ikaw ang pinakabago. My hands are tied, Hellion. I can’t save your ass this time. You’re on your own.” Nawala si X sa kabilang linya.

“Fuck! Fuck!” Sunod-sunod siyang napamura.

Nalaman ni Chi Wong na nilagyan niya ng bug ang ininom nitong Whiskey. Pero paano? Ilang araw na ang nakakaraan nang gawin niya iyon. He had to track Chi Wong manually that night in Restaurant Pierro because his bug had been pooped out already. Kaya nakapagtataka.

That wasn’t his bug. But if it wasn’t, who owned that fucking bug then? May iba pa bang tuma-target kay Chi Wong nang hindi niya alam?

Fuck it! Talagang siya ang ituturo dahil siya naman ang bago at pinaimbestigahan pa.

Inilagay ni Shun sa bulsa ang cell phone at bumalik sa kuwarto. Themarie was now eating the breakfast that he cooked for her.

“Hey, baby. Ihahatid na muna kita sa apartment mo. Ayusin mo ang mga gamit mo, `tapos susunduin kita mamaya.”

Napatingin sa kanya si Themarie. “Ngayon na?”

“Yes. It’s just that… ahm, may gagawin lang akong importante kaya isasabay na kita paghatid. That was my secretary,” pagsisinungaling niya. “May emergency sa opisina.”

Kumuha ng isang pancake si Themarie bago tumayo sa gilid ng kama. “Magta-taxi na lang ako kung may emergency ka sa opisina. Kaya ko naman.”

Shun felt horrible because he was lying.

“Hindi. Ihahatid na kita.”

Nakangiting umiling-iling si Themarie saka siya hinalikan sa mga labi. “Hell boy, okay lang ako. Kaya ko ang sarili ko. Uuwi lang naman ako sa apartment ko. Just call me if you’re not busy anymore.”

Shun didn’t have a choice but to walk Themarie towards the door of his house and watch her leave. So much for having the best time of his fucking life.

Pagkaalis ni Themarie, nagpunta siya sa computer room niya na nasa sa basement kung saan may sampung computer na nakakonekta sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

Using one of his desktop, it was easy to hack into Club Red security camera. Well, he was the one who installed the cameras. It was normal for him to easily tap into it.

Kitang-kita ni Shun sa footage ang galit na mukha ng mga bodyguard ni Chi Wong habang kausap ang kalmadong si X. Itinuturo ng mga ito ang bar kung saan siya naghahalo ng mga inumin.

Was his cover compromised? X said so. At kapag totoo iyon, parang mapapasabak siya sa laban na hindi naman kailangan. Kung hindi lang siya sininok nang kalabitin niya ang gatilyo, eh, di sana patay na ang hayup na iyon. Shun could have easily killed him with one bullet straight to the head.

Son of a bitch!

He left the computer room and geared up. Wearing his ripped rugged jeans, black T-shirt and black leather jacket, he left his house. Kailangan niyang matapos ang trabahong iyon para maibigay na niya lahat ng libreng oras kay Themarie, sa girlfriend niya.

THEMARIE stepped out of the taxi in a hurry when she saw Chi Wong’s men. They were in front of the building. What the hell was going on? Masyado na ba siyang nawala sa focus para hindi malaman kung ano ang nangyayari?

Was that because of Shun? Because she was giving him her precious time?

Kalmado siyang naglakad papasok sa apartment niya, nakatungo at nagpapanggap na nagte-text habang naglalakad.

“Hoy! Ikaw! Tigil! Itaas mo ang ulo mo!” sabi ng boses ng isang lalaki. Naramdaman niyang may itinutok ito sa ulo niya.

A gun.

Tumigil si Themarie sa paglalakad.

“Ikaw `yong bagong waitress sa Club Red, `di ba?” tanong ng isang lalaki na nasa harap niya.

She looked up and smiled. “Ako nga `yon. Bakit? May kailangan kayo sa akin?”

“Dadalhin ka namin sa bahay ni Boss Wong,” sabi ng lalaki na nasa likuran niya. Ito ang may hawak ng baril na nakatutok sa kanya.

Siguradong doon siya mamamatay kapag sumama siya. No way. She wasn’t dying there.

“Hector, pumasok ka sa apartment ng babaeng `to at dalhin mo lahat ng mga gamit niya,” sabi pa ng lalaki na may hawak ng baril.

My laptop!

Marami siyang mga gamit doon na siguradong mapapakinabangan ng mga sindikato.

So, Themarie did the most rational thing to do. Mabilis siyang umikot patalikod sabay igkas ng hita para sipain ang hawak na baril ng lalaki bago niya malakas na tinuhod ang lalaking nasa harap niya dahilan para matumba ito at mamilipit sa sakit. Pero nakabawi ang lalaking may hawak ng baril kanina. Itinukod niya ang mga palad sa sahig at itinaas ang paa para sipain ang kamay nito na may hawak na baril.

The gun flew from the man’s hold. Bago pa ito makabawi, magkasunod na malalakas na sipa ang pinakawalan niya na tumama sa tiyan at mukha nito. Nang ma-out balance ang lalaki, mabilis siyang tumakbo papasok sa loob, papunta sa kanyang apartment.

Ini-lock ni Themarie ang pinto ng apartment saka iniharang sa pinto ang mahabang sofa para hindi agad makapasok ang dalawa. She knew that those two men would come after her.

Mabilis ang naging kilos niya. Inilabas niya ang maleta at inilagay doon lahat ng importanteng gamit niya. As she did that, Themarie could hear loud banging on her apartment door. Ipinagsawalang-bahala niya iyon. She put her guns, daggers, laptop and gadgets in the luggage bag. Then, she threw it outside the window. She heard a loud thud shortly after.

Sunod niyang inilabas ang mga damit at lahat ng mga pag-aari sa loob ng apartment na iyon saka iyon sinunog. Themarie used flash paper to burn them. It could quickly burn things and it didn’t leave a smoke residue afterwards. Magician always used this trick.

Natigilan siya nang marinig na may bumaril sa pinto ng apartment. She knew they shot the lock. It’s just a matter of time before they got in. She could hear footsteps.

Damn it! They’re in.

Kinuha ni Themarie ang baril na itinago niya sa ilalim ng kama. She slid it in between her waist and jeans before walking towars the window, which was shattered by her luggage, then she jumped off.

She heard gunshots again, but she was unscathed. When she landed on the dirt, she quickly pulled out her gun and shot the man who looked down from the window.

“Punyeta ka!” galit na sigaw nito at itinutok ang baril sa kanya.

Binaril niya ito ulit. Sa pagkakataong iyon, tumama ang bala sa kamay nito dahilan para mahulog ang baril na hawak nito.

Nginisihan niya ang lalaki na masama ang tingin sa kanya saka kinuha ang luggage at nagmamadaling pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay ng kaibigan niya.

Shit! Kilala na siya. That was a covert operation, damn it! Covert!

Napakadali lang para kay Chi Wong na imbestigahan siya. She knew that their investigation didn’t give them the information that they wanted. Pero sa ginawa niya ngayon para makatakas, siguradong hahanapin siya ng mga tauhan nito.

And that meant, no more Shun Kim for the meantime. Her heart ached. Fuck Chi Wong!

Sa bahay ng kaibigan niyang si Amethyst nagpahatid si Themarie. Malamang, nasa apartment pa niya ang mga tauhan ni Chi Wong. And checking in on a hotel was never a good idea. Wong could track her down. Ayaw niyang mapasabak sa laban nang hindi handa. An agent should know when to attack and when to back off sometimes.

“Hey,” bati niya sa kaibigan nang buksan nito ang pinto.

“Hey, Them,” balik-bati nito na nakangiti. “Kumusta? May kailangan ka?”

Bumalik sa alaala ni Them ang sinabi niya kay Amethyst noong nakita niya ito sa bar at nakikipag-usap kay Shun. Iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng selos. Her words were harsh, but she knew that Amethyst wasn’t offended.

Themarie sighed. “Yeah. I need comfortable outfit, a mask than can cover my nose down to my chin, contact lens, preferably green, guns, maybe a rifle or a silencer if you have one, mini-surveillance camera, mini-audio transmitter, a bug, and last but not the least, a laptop.”

“You’re in luck. I have those.” Amethyst chuckled. “Pasok ka.”