noveltoon logo noveltoon
Shun Kim (Possessive Series 8)

Chapter 21

Ch. 22 / 28 Feb 05, 2022

THE LUNCHEON went well. Nakausap ni Themarie ang mga magulang ni Terron. They seemed excited about the upcoming wedding. Well, she wasn’t. Nang puntahan niya si Shun sa condo nito para kausapin, panay ang tiim ng bagang nito. He wasn’t happy, but she could not go. It would come out as an insult.

Pagkatapos ng luncheon, sinamahan siya ni Terron para maglakad-lakad sa kabuuan ng palasyo. Nang mapagod silang dalawa, umupo sila sa isang bench na nakaharap sa malawak na hardin ng mga Dashwood.

“So…” Tumingin sa kanya si Terron. “Any plans to keep Mr. Kim?”

Mabilis siyang umiling. “I can’t think of anything. I want to protect Shun from Dad.”

Tumingin ito sa hardin. “I could just back out.”

Nanlaki ang mga mata niya. “No. You can’t do that. If you do, then your family will pay us a handsome amount of money. It will anger your parents, Terron.”

“I know.” He grumbled. “But I can’t let you marry me when I know that you will not be happy with me.”

Bumuntong-hininga si Themarie. “Our life sucks.”

“Yeah,” Terron agreed. “In royalty and nobility, love is not a luxury.”

Tumango siya. “Responsibility before love. I know.”

Themarie felt defeated. Bagsak ang mga balikat niya hanggang sa makatanggap ng mensahe galing kay Shun.

Babe, where are you?

Agad niyang sinagot ang mensahe. With Terron.

Mabilis na nag-reply sa kanya si Shun.

I’m outside Dashwood’s Castle. We have to make a move on our mission so we can finish this. Hihintayin kitang lumabas diyan.

Themarie texted back. I’m coming.

Humarap siya kay Terron. “I have to go.”

He smiled. “I’ll drive you out.”

“Thank you.”

Side by side, they walked towards the exit. Pagkatapos, sumakay sila ni Terron sa kotse nito dahil malayo ang gate sa mismong palasyo. Nang tumigil ang sasakyan nito sa harap ng malapad na gate, nagpasalamat siya sa lalaki saka nagmamadaling lumabas. Agad siyang sumakay sa Mustang ni Shun na nakaparada hindi kalayaun sa gate. She smiled at him when she hopped into the passenger seat.

Humarap siya kay Shun para kausapin sana ito, pero napasinghap siya sa gulat nang halikan nito ang mga labi niya. Napaungol siya sa bibig nito habang sinasagot ang halik nito. Napayakap pa siya sa leeg ng lalaki.

“Babe…” he whispered against her lips. “I miss you.”

“Hmm…” Kinagat niya ang ibabang labi nito. “Na-miss din kita.”

Shun smiled against her lips, then dropped sweet three little kisses on her lips. “So, how was the luncheon?”

Tumaas ang kilay niya habang sinusuri ang mukha nito. Behind his smile lay his possessive and jealous face. She was very sure of that.

Hmm…

Ngumiti nang pagkatamis-tamis si Themarie dahil balak niyang asarin ang lalaki. “The luncheon went well. Lagi kaming magkatabi ni Terron. Magkahawak ang kamay namin kasi `yon ang gusto ng mga magulang niya. We shared—”

“Please tell me that you didn’t share kisses,” he sneered. Madilim ang mukha nito at halata ang selos sa mukha.

Mahina siyang natawa. “We shared glances and words.”

Agad na nabawasan ang pagdidilim ng mukha nito. “Good.” Hinalikan ulit siya ni Shun bago nila pinag-usapan ang huling gagawin sa misyon nila. “Let’s go to one of Romano X’s headquarters here in Florence. My boss just sent me their address.”

“Okay. Let’s go.”

NAKARATING sila sa gate ng isang malaking bahay. The house looked gloomy and dark. It was menacing to look at. Damn! Kinakabahan si Themarie. Sanay siyang mag-isa lang sa isang misyon.

Bumaling sa kanya si Shun saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. “At least, naaayon ang suot mo sa gagawin natin.”

Bumaba ang tingin ni Themarie sa suot na ankle boots, denim jeans at baby pink tops. Pasalamat nga siya at hindi ganoon kapormal ang luncheon.

Tinaasan niya ito ng kilay. “Aakyatin natin ang bahay na `yan?”

“Yeah.”

Lumabas ito ng sasakyan. Sumunod siya. Walang bantay ang gate, pero may CCTV naman. Lumapit siya kay Shun na nakatingala sa camera na nasa labas ng gate habang hawak ang cell phone nito. As she stood beside him, she saw how good Shun was with hacking using only his phone.

“I blocked all the cameras,” sabi nito habang abala pa rin sa cell phone.

His hair was disheveled. He was wearing white shirt, leather jacket, faded jeans and rubber shoes. Shun looked ragged with his look. Bumilis ang tibok ng puso niya habang pinagmamasdan ang lalaki.

Damn! Ang guwapo talaga ng lalaking ito. He looked so cool with his phone.

“Maghiwalay tayo,” sabi ni Shun pagkatapos nilang maakyat ang gate. “I take the right side of the house. Thirty minutes tops. Dito tayo magkita.” Ipinalibot nito sa braso sa baywang niya saka siya hinalikan sa mga labi. “Mag-ingat ka.” With that, he left.

Napangiti si Themarie. Natutuwa siya na may tiwala sa kanya ang lalaki. She was delighted to know that Shun treated her like an equal.

Humugot siya ng malalim na hininga saka maingat na nagpunta sa kaliwang bahagi ng bahay. Her move was stealthy. Her feet didn’t make a sound when it came in contact with the ground. It was near dusk. Walang masyadong bantay sa labas ng bahay. Pero nang makapasok sa loob, nanlamig ang katawan niya nang makakita ng sampung kalalakihang armado.

“Shit!” Themarie hissed under her breath. Mabilis siyang nagtago sa likod ng dalawang malalaking vase na magkatabi.

Nandoon sila para mag-espiya, hindi para makipaglaban.

Sinuri niyang mabuti ang mga hawak na baril ng kalalakihan. Those were high caliber. Expensive. Powerful. At sa uri ng suot, parang hindi pipitsugin ang mga ito.

Aalis na sana siya nang marinig ang usapan ng mga ito. They spoke in Italian, so she perfectly understood.

“Boss said that we should be ready. We are going to rob a bank tonight,” sabi ng isang lalaki.

Napamura si Themarie. Mabilis niyang inilabas ang cell phone at nagpadala ng mensahe kay Shun tungkol sa narinig saka pasimpleng pumasok sa isang kuwarto na malapit sa pinagtataguan niya.

She froze when she saw the content of the room. Napakaraming matataas na uri ng baril, pampasabog at iba pa ang nakalagay sa kuwarto. Good heavens! Ano ba ang binabalak ng sindikatong ito? Pasabugin ang buong Florence?

Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at maingat na bumalik sa labas ng gate para doon hintayin ang nobyo.

Thirty minutes had already passed. Nag-aalala na siya kay Shun. Susundan na sana niya ang direksiyong pinuntahan ng lalaki nang makita niya ito na lakad-takbong lumalapit sa kanya.

“What did you find?” agad na tanong niya.

Shun’s face became strained with worry. “Bombs. Lots of bombs. More than twenty armored cars and a room of drugs worth billions, I think.”

“Oh, God.”

“Yeah.” Hinawakan siya ng lalaki sa braso saka hinila papunta sa sasakyan. “You drive.”

Siya ang nagmaneho habang abala si Shun sa cell phone nito.

“I reactivated their cameras again,” sabi nito. “Anyway, I will report this to my boss. You?”

“Same.” Themarie took a deep breath. “What now?” tanong niya habang nasa loob pa rin sila ng sasakyan.

“Sasabihin natin sa mga boss natin ang nalaman natin. Mission accomplished. `Yon lang naman ang ipinapagawa niya, `di ba? Wala siyang sinabing patayin o talunin ang sindikato.”

Tumango si Themarie saka bumuga nang marahas. “Yeah. Mission accomplished.” Parang may kumurot sa puso niya nang maisip na baka umuwi na ito sa Pilipinas ngayong tapos na ang misyon nila.

“Uuwi ka na ba sa Pilipinas kasi tapos naman na ang misyon mo rito?” She felt like choking.

Shun frowned at her. “Bakit ako uuwi? Hindi ako aalis hangga’t hindi kita kasamang uuwi.”

Napangiti si Themarie sa sinabi nito. “Hindi mo ako iiwan?”

“Over my dead body,” sagot nito saka yumakap sa baywang niya habang nagmamaneho siya. “I told you, I’m not letting you go.”

She kissed Shun’s head while her eyes are on the road. “Thank you.”

He kissed her neck. “Anything for my baby. Siya nga pala, babalik ka pa ba sa Dashwood castle?”

“Nope,” sagot niya habang nagmamaneho. Papuntang Tuscany ang tinatakbo niyang daan. “Hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. I’d rather spend my day with you.”

Shun smiled. “I’d like that very much. And I have an idea.”

Natawa siya. “Is making love part of your idea?”

He laughed. “How’d you know?”

Napailing siya. “No making love. Let’s just talk.”

“Whatever my baby wants.” Shun kissed her neck and shoulder. “We’ll talk.”

Napangiti si Themarie at hindi iyon nawala hanggang sa makarating sila sa Tuscany, sa Greco Condominum. Sabay silang pumasok sa gusali. Wala siyang pakialam kung nakatingin sa magkahawak nilang kamay ang mga receptionist. She was proud to be with this man. She’d face the consequences later.

Nang makapasok sa condo, agad siyang niyakap ni Shun at ibinagsak ang katawan nila sa kama na ikinasigaw niya sa gulat. Mayamaya, umayos siya ng higa. Pinaunan siya ng nobyo sa braso nito habang ang isang braso ay nakayakap sa baywang niya. Nakatagilid ito ng higa sa tabi niya.

“Wala pa rin akong maisip na paraan,” basag niya sa katahimikan.

“Buntisin na lang kaya kita?” biglang sabi ni Shun na ikinalaki ng mga mata niya. “But it’ll take weeks so… not a good idea.”

Napailing siya saka napabuntong-hininga. “My papa is a scary man. He has lots of connections. Baka ano’ng gawin niya sa `yo kapag nalaman niya `to.”

“I could talk to him.”

Nanlalaki ang mga matang napabaling siya sa lalaki. “Are you crazy? Papa will murder you!”

“You make it sound like he’s the worst.”

“He’s not, but I know what he’s capable of, Shun. Hindi ako matatakot sa kaligtasan mo kung alam kong wala siyang gagawing hindi maganda sa `yo.”

He sighed. “Then what shall we do? Hindi ako makakapayag na ikasal ka kay Terron. Over my dead body, Themarie.”

She sighed as well. “Malayo pa naman ang kasal namin, makakapag-isip pa siguro tayo ng paraan. Just don’t give up.”

“No way. I promised to fight for you, remember?”

That made her smile and kiss Shun on the lips. “Thank you.”

Hahalikan sana siya nito nang tumunog ang cell phone niya. It was a text from her father, asking her to go home because of an emergency.

“Shit!” Mabilis siyang bumangon. “I have to go. It’s an emergency.” Mabilis niyang hinalikan sa mga labi ang nobyo. “See you later or tomorrow.”

Shun grinned. “Later is much more appealing than tomorrow.”

Natatawang mahigpit niya itong niyakap, hinalikan sa mga labi nang mariin saka nagmamadaling umalis ng condo at umuwi. But to her confusion, her father was not in the palace.

“Where is he?” tanong niya sa sarili habang tinitingnan ang buong palasyo at tinatanong ang bawat taong nakakasalubong.

But no one seemed to know where her father was. Hindi pa raw ito bumabalik mula nang umalis sila kanina.

Then what the hell is the emergency?

SHUN was making a report that he’d send to his superior when his phone rang. Nang tingnan niya kung sino iyon, hinilot niya ang sentido. Ano na naman kaya ang kailangan ng isang ito?

“Shun, my man, kumusta na ang ipinapahanap ko?” tanong ni Lash na nasa kabilang linya.

“Hindi ko pa nahahanap,” walang buhay na sagot niya.

Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. Then, a stunned voice of Lash filled his ears. “Huh? Kailan mo pa hindi nahanap ang pinapahanap sa `yo? Magugunaw na ba ang mundo?”

He rolled his eyes. “Fuck off. I was busy… still am.”

Tumawa lang si Lash. “No wonder nag-uumpisa nang mairita si Knight. Nakausap ko siya kanina. Wala pa raw balita sa `yo tungkol sa ipinapahanap niya. I told him ‘same here.’ And he doesn’t look happy at all. Ano ba’ng nangyayari sa `yo?”

Kung ibang tao siguro ang nagtanong sa kanya, baka sinigawan na niya. But he considered Lash as one of his friends and he might need some advice.

“I fell in love, Lash. `Yon ang nangyari sa akin,” sabi niya saka mapaklang natawa.

“Whoa!” Lash puffed a breath and spoke. “Was it her? `Yong babaeng kasama mo sa cruise ship ko?”

“Yes.”

“So? What are you going to do about that?”

“Ikakasal na siya sa iba.”

“O, `tapos? Hahayaan mo na lang? Damn, man, nasaan si Shun Kim na laging may naiisip na paraan? Nasaan ang kaibigan kong mandurugas na sasamantalahin lahat ang pagkakataon na nakikita? Shun, fight for her, you lunatic!”

Napangiti siya. “That’s why I’m busy.”

“Good. Now go and get your woman.”

“Her father is the Duke of Tuscany, Lash. She’s engage to be married with the future Duke of Florence.” He sighed. “Ano’ng laban ko doon? I’m just a fucking commoner, Lash. My name doesn’t have a title before it.”

Bumuntong-hininga si Lash. “Fine, focus on your problem first. Saka mo na hanapin si Nez. Idagdag mo na lang sa charity mo ang ibinayad ko.”

Kumunot ang noo ni Shun. “Charity?”

“Yeah. Calyx told me.”

Fuck you, Calyx.

“Okay.”

“Bye, man.”

“Yeah. Sure.”

Nakahinga siya nang maluwang nang mawala ang kausap sa kabilang linya. He was thankful when Lash ended the call, but then someone knocked on the door to his condo.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Was Themarie back? Wala naman siyang inaasahang bisita.

With the thought that maybe it was Themarie, he smiled and went to open the door, but stilled when he saw five uniformed men outside the door.

“How can I help you?” he asked politely.

“Please come with us, Sir.”

Shun frowned. “Why?”

“You’re being deported, Sir.”

His eyes widened. “What the fuck now?”

TALAGANG hinintay ni Themarie na dumating ang ama niya. Hindi siya agad natulog o kaya bumalik kay Shun kasi gusto niyang tanungin kung ano ang emergency ang tinutukoy nito. She had a bad feeling about it for some reason.

Tamang-tama naman nang dumating ang ama, agad siya nitong ipinatawag sa pribado nitong opisina sa loob ng palasyo. Nagulat siya nang makitang naroon si Terron. Ngumiti ito sa kanya, pero halata ang pag-aalala sa likod niyon.

“Hey.” Hinawakan ni Terron ang kamay niya saka pinisil nang makaupo siya sa upuan na nasa harap ng mesa ng ama.

“Hi,” walang buhay na bati niya saka bumaling sa ama. “Papa, what’s the emergency?”

Isang mahabang katahimikan ang nagdaan bago nagsalita ang ama niya. “This came out this afternoon.” May inilapag itong diyaryo sa ibabaw ng mesa saka matiim na tumitig sa kanya. “Is there anything you want to say about it?”

Nakakunot ang noong binasa ni Themarie ang laman ng diyaryo. She inwardly gasped, and she paled as her eyes widened at the article on front page.

HAVING AN AFFAIR BEHIND HER FIANCE’S BACK.

Sa ibaba niyon ay larawan nila ni Shun na magkalapat ang mga labi. The picture was taken earlier today. When they were in the car, kissing like nobody cared.

Nanlamig ang buong katawan niya na tumingin sa ama. “Papa, I can explain.”

“No need. I know it’s a mistake and it will not happen again—”

“No, Papa. Shun is not a mistake!” she argued angrily.

Walang emosyon ang mukha ng ama niya. “I don’t care. I agreed with your two-month freedom, but not anymore. You are to stay in this house twenty-four seven. I don’t want you meeting this man ever again—”

“I love him!” she hissed at her father. “I know that I have responsibility. I have no other sibling. I am your only heir. But I love him, Papa. I can’t lose him.”

Nanatiling walang emosyon ang mukha ng ama niya hanggang sa tumingin ito kay Terron na kanina pa tahimik. “I’m really sorry, Terron, but you have to understand that the wedding has to happen even after this.”

Tiningnan ni Terron ang diyaryong nasa ibabaw ng mesa. “What are you planning to do with that article, your grace?”

Bumuntong-hininga ang ama niya. “I will tell the press that it was just a ploy to scandalize both of our families. I will tell the press that the picture was edited.”

“But that man is still here—”

“Not anymore.” Her father looked at her, “I deported him.”

Her eyes widened in shock. “You did what? Papa! How could you do that to him, Papa?”

Hindi siya pinansin ng ama, kay Terron ito nakatingin. “I’ve already talked to your parents and we already changed the date. You two will get married two weeks from now.”

Themarie’s stomach dropped. Parang may bombang inihagis sa kanya at nang sumabog, nawasak hindi lang ang puso niya kundi ang pag-asa at planong makasama si Shun. Pero sa mga nangyayari ngayon, hindi na niya makikita pa ang lalaking mahal niya.

“And, Themarie?” sabi ng ama niya.

Nagtatagis ang mga bagang na tumingin siya sa ama. “What?” She couldn’t help but snap angrily.

“In two weeks’ time, I will give this man…” Itinuro nito ang larawan ni Shun sa diyaryo. “A fair chance to fight for you. If he returns, I might change my mind into marrying you off with Terron.”

Hindi siya makapaniwalang napatitig sa ama. “If he comes back?” Sarkastiko siyang tumawa. “You had him deported, Papa. How could he come back?” She was livid.

“Precisely,” sabi ng ama niya, “I want to see what he’ll do to come back for you. I have connections. I’ll be informed of what he’ll do. But, you are not allowed to call him. I will confiscate your phone.” Bumaling ito kay Terron. “You, too. You are not allowed to tell this man to come back. He has to come back on his own free will. If he loves my daughter, he will come back. If he doesn’t…” Tumingin ito sa mga mata niya. “Then I’m sorry, you will get married whether you like it or not.”

Napalunok si Themarie at mariing ipinikit ang mga mata habang nakakuyom ang kamao.

Please, Shun, please, come back.