noveltoon logo noveltoon
Shun Kim (Possessive Series 8)

Epilogue

Ch. 28 / 28 Feb 05, 2022
Prev Next

Seven months later – Black Pearl Cruise Ship…

“SHUN!” Parang hinahati sa sakit ang tiyan ni Themarie habang sumisigaw nang malakas. She was screaming her husband’s name as the pain in her stomach intensified. She was laboring. On a cruise ship! At naghahanap pa ng doktor ang asawa niya.

Oh, hell! Paano kung walang doktor sa cruise ship na iyon? Kasalanan itong lahat ni Shun. Noong isang buwan pa niya gustong umuwi sa Pilipinas, pero ayaw nito. Dadaong naman daw ang barko sa Pilipinas bago siya manganak. Bakit ba nakinig siya rito?

“Shun! Shun!” Hinawakan niya ang tagiliran habang kagat ang labi sa sobrang sakit na nararamdaman. Mahihimatay siya sa sobrang sakit. “Shun!”

“Baby!” Humihingal na pumasok si Shun sa kuwarto na inookupa nila saka pumuwesto sa paanan niya. “May babaeng doktor daw dito. Pero hinahanap pa nina Lash at Lath.” Puno nang pag-aalala ang boses nito. “Baby… Oh, God! Are you okay?”

Umangat ang paa niya at sinipa ito na agad naman nitong nasalag. “Buwisit ka!” Humilab ulit ang tiyan niya. Napasigaw sa sakit. “Nagtatanong ka kung okay lang ako? Tingnan mo nga ako at sabihin mong okay lang ako! Kasalanan mo `to— Aray!”

Shun kissed her trembling knees. “I’m sorry, baby.”

She was breathing raggedly as she tried to fight the pain. Nasapo niya ang tiyan nang maramdamang parang nilabasan siya ng likido sa pagkababae niya.

“Oh, God.” Themarie looked at her husband in panick. “Shun, my water broke!”

Nakaawang ang bibig na bumaba ang tingin nito sa pagkababae niya. Puno nang pag-aalala at takot ang mukha nito habang nakatingin doon.

“Shun—”

“Lalabas na ba siya?” May takot sa boses nito.

Themarie bit back a scream of pain as her hands tightened around her stomach. “Nararamdaman ko na siya, Shun.” Habol niya ang hininga habang puno na ng pawis ang buong katawan. “Lalabas na yata siya, Shun.”

“Fuck!”

“Kasalanan mo `to!” She was now in full panic. “Kung umuwi na tayo sa Pilipinas— Ano’ng ginagawa mo?” Pinandilatan niya ang asawa. Ang isang kamay nito ay nasa tiyan niya at ang isa ay nasa pagkababae niya.

“Push, babe. Nakikita ko na ang ulo ng bata. Baka kung mapaano siya,” sabi nito habang nakaluhod sa nakabuka niyang mga hita. “Umire ka, sige na. Dadating na ang doktor. But now, you need to push.”

Kinagat niya ang ibabang labi saka malakas na umire.

“Shit!” Shun cursed. Umangat ang kamay nito na nasa pagkababae niya para tuyuin ang pawis sa noo.

Themarie gasped when she saw blood coating his hand. “Shun—”

“Umire ka, babe. Umire ka,” utos ng asawa niya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka malakas na umire nang umire. Nawawalan na siya ng lakas, pero kailangan niyang umire. Naliligo na siya sa sariling pawis, pero itinulak pa rin niya ang sarili na umire.

Themarie didn’t know how long she had pushed and pushed and pushed. And then suddenly, an infant’s cry filled the room.

Tumigil ang paghinga niya at tumitig sa asawa na nakatingin sa duguan nitong kamay kung saan buhat nito ang anak nila. Shun looked up at her and smiled with so much happiness. She couldn’t contain her tears from falling.

“Our baby is a he.”

Her baby. Oh, God. Her baby boy. So tiny.

Pinakawalan ni Themarie ang kanina pa niyang pinipigil na hininga nang may pumasok na babae sa kuwarto niya. Kasunod nito sina Lash at Lath na halata ang pag-aalala sa mukha.

“Holy hell!” Napamura si Lash nang makita ang duguang si Shun.

Agad na lumapit ang babae sa kanya at nagpakilala. “I’m Teresa Castillo. Isa akong doktor.” Lumuhod ito sa kama at binuksan ang kit na dala. “Here. Let me.”

Nakita niyang ginupit ng doktor ang pusod ng bata. Everything became blurry after that. Themarie, exhausted, had lost consciousness.

SA TULONG nina Lash at Lath, nilinis ni Shun ang sanggol na nasa mga bisig niya gamit ang baby oil para alisin ang puting dumi sa katawan nito.

“He’s slippery,” komento ni Shun habang nakatingin sa anak niya.

“Malamang. Kalalabas lang niya, eh,” Lash said while preparing the towel for his son.

Parang sasabog ang dibdib ni Shun sa sobrang tuwa na nararamdaman habang nasa mga bisig ang anak. Sweet Jesus. He was one lucky man. To have this baby boy to call him dad in a few years’ time. Napakasuwerte niya.

“Ano’ng ipapangalan mo kay baby, singkit?”

“Saito Becker,” nakangiting sagot niya habang hinahaplos ang pisngi ng anak.

“Pumayag naman kaya ang asawa mo?” It was Lath. “Saito is a Japanese name. `Tapos nilagyan mo pa ng Becker na Amerikano ang dating.”

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Lath. Puno ng pagmamahal na tinitigan niya ang anak. “Ang suwerte ko.”

“Excuse me?” sabi ng doktora.

Nilingon nilang tatlo ang babae.

“Ano?” tanong niya.

“Nalinis ko na ang asawa mo,” sabi nito. “Makabubuti kung lilipat kayo sa malinis na kuwarto,” suhestiyon nito. “At kapag dumating na tayo sa Pilipinas, ipa-new born screening n’yo agad ang bata para masigurong maayos ang lagay niya.”

Tumango siya. “Salamat, Doktora.”

“Walang anuman. I’m glad to help. Babalik ako mamaya para i-check ang kalagayan ng asawa mo.” Umalis na ito ng kuwarto.

“Lumipat kayo sa kabilang kuwarto,” sabi ni Lath pagkalabas ng doktora. “Walang tao roon at kalilinis lang. Buhatin mo ang asawa mo. Ako na ang bahala sa anak mo.”

Shun nodded instantly. Maingat niyang pinangko si Themarie na nakabalot ang katawan sa malinis na kumot at dinala sa kabilang kuwarto. He was very careful as he laid down his wife on the new bed. She was sound asleep. She looked so beautiful.

This woman had given him a son, a very handsome boy. At lalo lang niya itong minahal nang sobra-sobra.

He pressed his lips on hers. “I love you, baby. Thanks for giving birth to our son. I love you so much.”

Shun kissed her again before Lash and Lath entered the room.

“Shun, your son is so cute,” natatawang sabi ni Lash.

His baby made a gargling sound and in an instant, he was filled with so much love, adoration and happiness.

Lash spoke in a child-like voice while poking his son’s cheek. “Ang cute mo. Singkit din ang mga mata mo. Sana hindi ka lumaki na mandurugas at kotongero katulad ng daddy mo. Mukhang pera kasi `yang ama mo, eh. Huwag kang gagaya sa kanya, okay? Baka kotongan mo ang magiging anak ko sa hinaharap.”

Kinuha niya ang anak sa bisig ni Lash saka ito isinayaw-sayaw.

“Hey, baby. Ako ang daddy mo.” Lumamlam ang mga mata niya. “I love you so much, baby.”

Tinapik ni Lath ang likod niya. “Bukas dadaong ang Black Pearl sa Pilipinas.”

“Aalis na muna kami. If you need anything, hanapin mo lang kami,” sabi ni Lash.

“Thanks, guys.”

Umalis ang kambal. Siya naman, isinasayaw pa rin ang anak. God! He looked so cute in his arms and squirming a little.

Shun kissed his son’s forehead and murmured ‘I love you.’ Hindi niya maipaliwanag ang tuwang nararamdaman.

“S-Shun…”

Mabilis siyang tumingin sa pinanggalingan ng boses. Isang malapad na ngiti ang kumawala sa mga labi niya nang makita ang asawa na gising na.

“Hey, baby.” Yumuko siya at hinalikan ito sa mga labi. “Kumusta?”

Sa halip na sagutin siya, tumitig ito sa sanggol na nasa bisig niya. “Puwede ko ba siyang hawakan?”

“Of course.” Mabilis niyang inihiga sa tabi ng asawa si Saito Becker. “Here yah go.”

Themarie looked at their son with so much love in her beautiful eyes. “So tiny.” Hinaplos nito ang pisngi ni Saito Becker. “Kamukha ka ng daddy mo, baby. Siguradong mas guwapo ka pa kay Daddy mo.”

Shun kissed his son’s cheeks. “I named him Saito Becker. Okay lang ba?” Tumingin siya sa asawa. “Next time, ikaw naman ang magpapangalan.”

Nalukot ang mukha nito. “You mean to say, magbubuntis pa uli ako?”

Mahina siyang tumawa. “Oo naman. Sa susunod, babae naman ang gagawin natin.”

Inirapan siya ni Themarie. “Ikaw ang magbuntis. Ayoko na. Alam mo ba kung gaano kahirap manganak?”

“Alam ko.” Habang tinutulungan niyang manganak ang asawa, nanghihina siya sa bawat pag-ire nito. He was afraid earlier. He wanted to punch his face for hurting his lovely wife. “I was there, baby. Alam kong nahirapan ka.”

Lumambot ang mukha nito. “I love you, Shun. And thank you for being there for me earlier.”

He smiled lovingly at his wife. “I love you more, baby.”

Humiga si Shun sa kama, pinapagitnaan nila ang kanilang anak. Pinagsalikop niya ang mga palad nilang mag-asawa saka iyon pinisil.

Themarie looked at him and smiled. “Hindi ko akalain na manganganak ako sa cruise ship. I was afraid. But I still felt safe knowing that you were here with me. Mahal kita, Shun. Mahal na mahal.”

His heart swelled with so much happiness and love. “Mahal din kita, Thems. And I intend to love you as long as I breathe.”

Themarie smiled at him before looking at their son. Shun smiled as well. He had two babies now. His wife and son. And he promised to himself that he would do everything to make them happy. Whatever it may take.

Wakas