BEING a waitress was fun. Pero kapag sinusubukan na ng mga customer na hipuan siya, talagang naririndi na si Themarie at nag-iinit agad ang ulo. Ang mamanyak ng mga customer ng club. Halos lahat, gusto siyang maikama kahit panay ang ayaw niya sa mga ito.
“Magkano ang gabi mo? Isang milyon? Dalawang milyon? Birhen ka pa ba?” tanong ng lalaking humahabol sa kanya habang naglalakad siya papunta sa bar ni Hellion.
Nang makarating siya roon, wala ito. Nasaan kaya ang lalaking iyon?
“Gusto kitang matikman. Ang ganda-ganda mo kasi,” sabi ng lalaki na nag-uumpisa nang magpainit sa ulo niya. “Magkano ang gabi mo?”
“Sir…” Humarap siya sa lalaki at tinaasan ito ng kilay. “Ilang ulit ko bang dapat sabihin na hindi ako isang bayarang babae—”
“Oh, come on. Don’t play naive and innocent,” sabi nito na lalo pang lumapit sa kanya. “Magkano ang isang gabi mo? Babayaran ko kahit magkano pa `yan.”
The man’s hand moved to touch her breasts. But before it could touch one of her private part, a hand gripped the man’s wrist and twisted it, making the man shout in pain.
Napatingin si Themarie sa kung sino man ang may gawa niyon sa lalaki. Nagulat siya nang makita si Hellion na madilim ang mukha. Ang isa kamay nito ay pumipilipit sa braso ng lalaking manyak. Ang isa naman, may hawak ng bote ng alak.
“Kapag sinabi ng babaeng ayaw niya, ibig sabihin, ayaw niya.” May talim sa boses ni Hellion. “Huwag kang mamimilit, mapapatay kita.”
Pero kahit nakangiwi na ang lalaki, nagawa pa rin nitong magsalita. “Babayaran ko naman siya kahit magkano—”
Naiinis na inagaw ni Themarie ang bote na hawak ni Hellion saka ipinukpok sa ulo ng lalaking manyak. “Sabi nang hindi ako bayarang babae.” Hindi pa nasiyahan, kinuha niya ang may lamang bote ng Tequila na nasa bar at ipinukpok ulit iyon sa ulo ng lalaki. “Kaya tigilan mo na ako.”
“What’s happening?” tanong ng maawtoridad na boses ng bagong dating na kilalang-kilala niya.
It’s X. The owner of Club Red. This man was lethal and dangerous. Sa dami ng ilegal nitong gawain, hindi man lang ito pinakikialaman ng mga pulis. Interesado siyang malaman kung bakit ganoon, pero hindi iyon ang pakay niya sa club. Iba ang dahilan kung bakit siya nandoon at nagtatrabaho. Her reason for working as a waitress had a name and it was Chi Wong.
“Binabastos niya ako,” sagot niya na nakataas ang noo. “Sinabi nang hindi ako bayarang babae, pero mapilit siya.”
“And he nearly touched her private parts,” dagdag ni Hellion.
Tumango-tango si X saka tinanggal ang pagkakapilit ng kamay ni Hell boy sa braso ng manyak na lalaki. Tinulunga itong makatayo nang tuwid ni X saka inayos ang nagusot na polo.
X smiled. “I allow prostitutes in my club. Kapag gusto ng mga waitress ng club kumita ng extra cash, that’s okay with me. They can sell themselves. I’m the kind of boss who doesn’t give a fuck. As long as they are doing it of their own volition and no one is forcing them to do so. But…” Kinuwelyuhan nito ang manyak na lalaki na ikinagulat ng lahat. “If you force a woman, like what you did tonight, I always give a fuck.”
Binitawan nito ang kuwelyo ng lalaki saka malakas itong sinipa sa tiyan dahilan para bumagsak ang lalaki sa sahig at namilipit sa sakit.
“Ban that guy in my club,” sabi ni X sa bouncer na agad lumapit. “Ayokong makita ang pagmumukha niya rito sa loob ng kaharian ko.”
“Yes, Boss,” mabilis na sagot ng bouncer saka hinila ang lalaki palabas ng club.
“Thanks, X,” sabi ni Hellion.
“Don’t mention it, Hellion.”
X and Hellion exchanged glances before X left the scene.
Tiningnan si Themarie ni Hellion saka lumapit sa kanya. “Ayos ka lang ba?”
“Okay lang ako,” nakangiting sabi niya saka ito hinalikan sa mga labi. “Salamat sa pagligtas sa akin sa manyak na `yon.”
Hellion frowned. “Puwede bang huwag mo akong tawaging hell boy?”
Mahina siyang tumawa dahil halata ang iritasyon sa mukha nito. “Susubukan ko, pero hindi ako nangangako.”
“Para mo na ring sinabing huwag akong umasa.”
Tumawa si Themarie. “Wow! Nagkakakilala pa lang tayo, pero kilala mo na ako. `Yon talaga ang ibig kong sabihin.”
Napailing na lang ang kaharap. “Please stop calling me that.”
Umiling siya saka nakangiting hinalikan na naman ang lalaki sa mga labi. “Sige, magtatrabaho na ako.”
Themarie couldn’t really get enough with Hellion’s lips. Bakit naman kasi ang sarap halikan ng mga mga labi nito? Naaakit tuloy siya lagi na halikan ang lalaki kapag malapit lang siya rito.
Ipinilig niya ang ulo saka bumalik sa pagtatrabaho. From time to time, she would look at Hellion’s direction. At lagi niya itong nahuhuling matiim na nakatitig sa kanya. Siya naman, laging napapatingin sa mapupula nitong labi.
Damn that man! This was the first time that she craved a man’s lips like this. At sisiguruhin niyang matitikman niya ang mga labi nito bago siya umuwi mamayang madaling-araw.
No holding back. Themarie would do everything she could do before she went back to her cage again.
PAGOD ang katawan na lumabas si Shun ng Club Red. Nakakapagod talagang magtrabaho sa gabi. Ikalawang araw na niya sa Club Red, pero wala pa rin siyang makitang paraan kung paano magagawa ang kanyang trabaho… ang dahilan kung bakit nasa club siya.
His job—his mission—the reason why he was working as a bartender in X’s club was to get to Chi Wong. Pero napakahirap. Masyadong maraming bodyguard na nakapalibot dito. Kung sa malayuan naman niya patutumbahin, masyado rin itong maingat. Malinaw ang utos sa kanya ng organisasyong kinabibilangan.
Kill Chi Wong. This is a covert operation.
Bumuga siya ng marahas na hangin saka umupo sa gilid ng kalsada, sa labas ng Club Red. Malapit nang lumabas ang araw, pero wala pa rin siyang tulog at pahinga.
Natigilan siya nang maramdamang may umupo sa tabi niya.
Shun looked at his side and saw Them. Mabilis siyang tumingin sa mga hita nito. Thank God, she was wearing jeans. There was a feeling inside of him that wanted to strangle every man who looked at her beautiful, shapely legs.
“Hi,” walang buhay ang boses na bati nito saka inihilig ang ulo sa balikat niya. “Napagod ka ba? Gusto mong masahihin kita?”
Siguradong may bayad iyon.
“How much for a back massage?”
Marahan itong tumawa. “Libre sana, eh. Pero dahil nagtatanong ka…” Tumingin ito sa kanya. “Five hundred para sa back massage. Kapag whole body massage, two thousand na `yon.”
Shun looked at his groin. “How much if you massage my…”
Tumawa nang malakas si Them at napailing. “Hindi masahe ang gusto mo kundi lap dance.”
“Lap dance it is.” Humarap siya sa babae. “Magkano?”
Umiling-iling ito saka lumapit para halikan na naman siya sa mga labi. Hindi katulad sa mga nauna nitong halik na natitigilan siya, sa pagkakataong iyon, nang lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya, agad niyang ibinuka ang mga labi saka ipinasok ang dila sa loob ng bibig nito.
“Uhm…” Them moaned as his tongue entered her mouth.
Akala niya, magtatagal ang halikan nila, pero ito ang unang lumayo.
May nanunudyong ngiti sa mga labi ang babae. “So, lumalaban ka na ng halikan? Akala ko kailangan pa kitang turuan.”
Shun chuckled. “Now that I have kissed you back, do I still have to pay you for kissing me?”
Ibinuka nito ang palad. “One thousand.”
He gaped at Them. “May bayad pa talaga `yon?”
“Oo naman. Pamasahe ko sa taxi.”
Tumayo siya saka hinila ito patayo. “Halika. Ihahatid na lang kita sa bahay mo.” Nagdala siya ng sasakyan kanina. He brought his beloved Hummer. Ipinarada niya iyon ilang metro ang layo sa club. “Ang mahal ng pamasahe mo. One thousand talaga?”
“Oo nga,” sabi nito.
Naiiling na masuyo niyang hinila si Themarie papunta sa sasakyan niya. “Sakay na,” sabi niya nang makarating sila sa Hummer niya.
Them looked at his car, frowning. “May sasakyan ka?”
“Pinahiram sa akin ni X,” pagsisinungaling niya.
Shun couldn’t really tell her that he owned the car and his name was not Hellion but Shun. It would blow his cover.
Tumango-tango ito. “Ah. Close pala kayo.”
“Medyo.” Then, he diverted the topic as he slid himself into the driver’s seat. “How about you? May ka-close ka ba sa club?”
Agad itong umiling. “Wala.”
“Ilang buwan ka na sa club?” tanong ulit niya.
“Mag-iisang buwan.”
Napatango-tango siya habang nagmamaneho. “No boyfriend?”
Napatingin sa kanya si Them. “Bakit gusto mong malaman.”
“Panay ang halik mo sa akin, eh,” pagdadahilan niya. “I need to know.”
Mahina itong tumawa saka tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. “Wala akong boyfriend. Hindi kasi puwede.”
“Why? Strict ang parents mo?” Shun joked.
“Parang ganoon na nga,” sagot nito sa seryosong boses.
“Then why do you keep kissing me?”
Themarie glanced at him. “Kasi gusto ko. Bakit, ayaw mo ba?”
“Gusto,” agad niyang sagot.
“`Yon naman pala.” Ngumiti ito.
“Where do you live?”
Kahit alam na niya ang address ng babae, kailangan pa rin niyang magtanong. Baka matakot ito sa kanya kung basta na lang niya itong ititigil sa harap ng apartment nito.
“Ituturo ko na lang sa `yo,” sagot nito.
And that was what they did. Themarie navigated him to her place. A rundown looking apartment. Mga dalawang langaw na lang ang pipirma, babagsak na ang apartment.
“Humanap ka ng ibang apartment,” hindi mapigilang sabi niya.
“Babayaran mo?” Nanghahamon ang boses nito.
Walang pag-aalinlangang sasagot sana si Shun ng oo nang magsalita ulit ang babae.
“Okay na sa akin ang apartment na `to. Wala akong perang pambayad para sa mga magagandang apartment,” sabi nito saka siya hinalikan sa mga labi. “Bye. Good morning. Mamaya ulit.”
Nakatingin lang si Shun dito habang naglalakad palayo. Bumaba ang mga mata niya sa maumbok nitong pang-upo. Hindi niya mapigilang purihin iyon.
“You have a nice ass!” pasigaw niyang sabi.
Nilingon siya ni Them saka nakangiting tinampal ang pang-upo nito. “You have a nice ass, too, hell boy. Bagay tayong dalawa.”
Malakas siyang natawa sa sinabi nito. Hindi pa siya nakakakilala ng babaeng katulad ni Them. Blunt and always had a witty come back. Shun liked how she would just do whatever he liked, not caring what other people would say. He liked how she always kissed him like it was a natural thing to do.
“Mas gumuguwapo ka kapag tumatawa, hell boy,” sabi nito na nakapagpatigil sa kanya sa pagtawa. His heart actually leaped a mile because of what she said.
Fuck! I’m in trouble.
Naiiling na tuluyan itong naglakad papasok sa apartment. Siya naman, binuhay na ang makina ng sasakyan saka pinatakbo iyon palayo kay Them. Ang nag-iisang babae na inihatid niya sa bahay.
MULA sa bintana ng apartment, nakita ni Themarie ang palayong sasakyan ni Hellion. Sabi ng lalaki, hiniram nito ang sasakyan kay X. Pero kapareho ng pabango nito ang amoy ng loob ng sasakyan kaya nasisiguro niyang sasakyan nito iyon. That meant he was lying to her. Pero bakit? May itinatago ba ito?
Only one way to find out.
Nilapitan niya ang laptop na nasa gilid ng kama saka iyon binuksan.
Napatigil si Themarie sa dapat na gagawin nang makitang may natanggap siyang e-mail mula sa IIEA o International Illegal Enforcement Agency—ang ahensiya na kinabibilangan niya at nagpadala sa kanya sa Pilipinas para tapusin ang kasamaan ni Chi Wong na pinuno ng isang sindikato na nagpapalaganap ng droga at karahasan sa ilang bansa sa Asya. Ang dahilan kung bakit nasa Club Red siya. Para manmanan ang mga kilos nito hanggang sa makakita siya ng pagkakataon na gawin ang misyon.
Chi Wong was the reason why she entered Club Red as a waitress. Sa club na iyon kasi laging nakikita si Chi Wong. Madali lang siyang makakalapit dito kapag pinasok niya ang club.
Any update on Chi Wong?
Agad niyang ni-replay-an ang e-mail na natanggap galing sa HQ nila.
Give me a few days.
After she sent it, the e-mail disappeared from the inbox for security purposes. Themarie sighed and ran her fingers through her hair.
Hellion…
Agad niyang ibinalik ang atensiyon sa screen ng laptop nang maalala ang lalaki saka binuksan ang software sa laptop niya na nakakonekta sa mga government data base sa Pilipinas. Then, she typed a name on the search box.
Hellion Kim.
Not found.
Natigilan siya. Nothing?
Themarie searched again, making sure Hellion’s name was spelled right. But still, not found.
“He is using a fake name?” Bumuntong-hininga siya nang maalala ang walang tunog nitong yabag habang naglalakad. “If he’s not Hellion, then who is he?”
Natigilan siya nang marinig na may kumatok sa pinto ng apartment niya. Agad na naging handa ang katawan niya saka kinuha ang baril na nasa ilalim ng unan. Itinago niya iyon sa likod ng baywang ng pantalon bago binuksan ang pinto ng apartment.
She automatically smiled when she saw Hellion. Gone was the blond hair, the baseball cap and the nerdy glasses. And damn boy, he was even more handsome without those two.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya nang makabawi sa pagkabigla na itinago sa pagngiti.
Iniabot nito sa kanya ang cell phone. “Naiwan mo sa sasakyan.”
“Oh.” Tinanggap niya iyon saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto nang makitang naghikab ito. “Pasok ka muna, ipagtitimpla kita ng kape para magising ka nang kaunti. Magmamaneho ka pa naman.”
“Thanks,” pabulong na sabi ni Hellion habang naglalakad papasok sa apartment niya.
“Upo ka,” sabi niya sabay turo sa simpleng sofa. “Ipagtitimpla lang kita ng kape.”
Agad namang sumunod sa sinabi niya ang lalaki at hinintay siya sa sofa. Nang makabalik, may dala na siyang isang tasa ng kape para dito. Inilapag niya iyon sa round table na nasa harap nito.
“Salamat sa pagbalik ng phone ko—”
“Where’s my kiss?”
Natigilan siya sa tanong nito. “Ha?”
“Sanay na akong hinahalikan mo tuwing nagkikita tayo kaya nasaan ang halik ko ngayon?”
Mahina siyang natawa. “So demanding.” Lumapit siya rito saka hinalikan sa mga labi. “Hayan. Okay na?”
Kasi ako, okay na.
Tumango si Hellion saka ngumiti. “Yeah. I’m fine.”
Nakangiting umupo si Themarie sa pang-isahang sofa na nakaharap dito. “Pasensiya ka na, bumalik ka pa rito dahil sa cell phone ko.”
“Nah, it’s okay.”
“Sana mamayang gabi mo na lang ibinalik sa akin,” sabi niya habang ang mga mata ay naglalakbay papunta sa natural nitong mapupulang labi.
“It’s okay. I wanna see you anyway.”
That made her heart skip a beat. “Katatapos lang nating magkita, ah.”
Hellion looked at her, “I don’t know. I just wanna see you.”
She crossed her legs. “Huwag kang magsalita nang ganyan, hell boy. Baka kung anong isipin ko.”
“Ano ba’ng iniisip mo?” tanong nito.
Themarie shrugged. “Na baka gusto mo ako. Kaya dahan-dahan sa mga sinasabi mo, baka mag-assume ako.”
“I do like you,” he said while looking straight into her eyes. “I’m lusting over you, actually.”
Napatitig siya sa lalaki. “A-ano?”
“I’m lusting over you, but don’t worry it’s under control.”
Tumaas ang kilay ni Themarie. “Under control?” Kumunot ang noo niya. “So kung ila-lap dance kita ngayon, under control pa rin `yan?”
“Speaking of lap dance…” Hellion took a deep breath before continuing his sentence with an emotionless look on his face. “How much do I need to pay for you to do a lap dance on me?”
Doon namilog ang malalaki niyang mga mata. “What?”