“BILANG mga bagong katulong sa bahay na ito, dapat marunong kayong itikom ang mga bibig n’yo,” sabi ng babae na mayordoma ng mansiyon ni Wong. “Lahat ng nakikita n’yong nangyayari dito sa loob, mananatili sa loob at hindi lalabas. Kapag lumabas `yon, pagbabayaran n’yo `yon ng buhay n’yo. Maliwanag?”
“Maliwanag po,” sabi ni Themarie na kasabay ng mga bagong pasok na katulong sa araw na iyon.
Pagkatapos ng nangyari sa apartment niya, hindi puwedeng hayaan niyang buhay si Wong. Kailangan na niyang tapusin ang misyong iyon. Kaya naman para makapasok sa mansiyon ni Wong, kinailangan niyang magpanggap na katulong gamit ang pekeng pangalan.
Pagkatapos ng maikling briefing kung ano ang hindi at puwedeng gawin, binigyan sila ng uniform. Hinati-hati sila sa tatlong grupo. Ang una, maglilinis sa taas, ang pangalawang grupo—ang grupo niya—ay lilinisin ang basement. Ang pangatlo ay magluluto.
Habang naglalakad sila papunta sa basement, pasalisi siyang lumiko papunta sa mataas na palapag ng bahay kung saan hula niya ay itinatago ni Wong ang importanteng bagay na kailangan niyang nakawin. Themarie knew the place like the back of her hand. Siyempre, inalam muna niya ang blueprint ng bahay bago nagpunta rito.
“Hoy! Ikaw!” sabi ng mayordoma na nag-briefing sa kanila. “Dalhin mo `to sa hapag-kainan. Ngayon din!”
“Oho.” Mabilis niyang tinanggap ang tray na may sampung baso na may lamang fresh juice at nilakad ang papunta sa hapag-kainan.
Napakunot ang noo ni Themarie nang mapansing walang ingay ang dinaraanan niya. Ni wala siyang makasalubong na bantay, hindi tulad sa labas at salas ng mansiyon. Nakapagtatakang walang bantay roon.
Mas bumilis ang hakbang niya nang makakita ng taong nakahandusay sa sahig, tanging paa lang nito ang nakikita. Nang lapitan niya ito, napamura siya sa isip nang makitang inatake ang lalaki para mawalan ng malay.
May nauna na sa kanyang pumasok.
Napatigil si Themarie sa paghakbang papasok sa dining room na pakay niya nang makita ang mga walang malay na tao at nakayupyop sa mesa.
What happened in here?
Naglakad siya palapit kay Wong at inilapat ang dalawang daliri sa leeg nito.
No pulse! He was dead.
May nauna na sa kanyang tapusin si Wong? Was that the same person who shot Wong in the chest and missed?
Umatras siya at mabilis na kinuha ang mask sa bulsa ng uniporme saka agad iyong isinuot. Pagkatapos, lumabas siya ng kusina para gawin ang isa pa niyang misyon na dapat tapusin.
THE SCENE inside the dining room made Shun smile. He was on the CCTV room. He saw how Wong and his men slowly die because of the poison he put on their plates earlier.
Mission accomplished.
Pinahirapan pa niya ang sarili. He could have saved himself from being a bartender. Nah, being a bartender was like a blessing in disguise. He met Themarie.
Natigilan at napatitig si Shun sa babaeng kapapasok lang sa hapag-kainan at inilapat ang daliri sa leeg ni Wong para i-check kung buhay pa ito. Itim ang buhok at parang sinasadyang nakatungo ito para hindi mahagip ng kamera ang buong mukha.
Kumunot ang noo niya. Her body built was familiar, but he couldn’t see her face clearly. Magaling itong magtago ng mukha sa kamera.
Sinundan ng mga mata ni Shun sa kamera ang babae na nagmamadaling lumabas ng kusina. Pumasok ito sa maid’s quarter at nang lumabas, may takip na ang mukha mula ilong pababa sa baba. May nakasukbit nang sling bag sa balikat nito. And she was walking towards Wong’s private room.
Definitely not a maid.
Madali nitong napapatumba ang mga tauhan ni Wong na nakakasalubong sa hallway. Halatang eksperto ang babae sa pakikipaglaban dahil hindi ito nahihirapang patumbahin kahit sinong humarang dito. Kahit ang nakabantay sa kuwarto ni Wong, madali rin lang nitong napatumba.
Pinakatitigan ni Shun ang monitor kung saan niya nakikita ang babae. Pumasok ito sa pribadong kuwarto ni Wong at may kinuha na time sand na nasa ibabaw lang ng bedside table.
Nang makitang palabas na ito ng kuwarto, mabilis siyang lumabas ng CCTV room at tumakbo papunta sa kuwarto ni Wong na hindi kalayuan sa pinanggalingan niyang kuwarto.
INILAGAY ni Themarie ang time sand sa loob ng sling bag niya saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto ni Wong. Pagkalabas na pagkalabas niya sa pinto ng kuwarto ni Wong kung saan niya kinuha ang ipinapanakaw sa kanya, naramdaman niyang may tumutok sa baril sa likod ng ulo niya.
“Freeze or I’ll shoot you.” A very familiar voice filled her ears. “Alam kong may kinuha ka. Take it out and drop it on the floor.”
Namilog ang mga mata ni Themarie nang makilala ang boses. Her parted lips trembled. It couldn’t be! No, pinaglalaruan lang siya ng pandinig niya. It couldn’t be him!
“I said drop it on the floor!” he hissed at her.
No! Her ears were just playing with her! That was not happening! No!
But this explains the guns in his room, sabi ng isang bahagi ng isip niya.
Napaigtad si Themarie nang mas ilapit nito ang dulo ng baril sa likod niya.
“Isa… Dalawa… Don’t move!” he hissed.
Pero hindi siya nakinig. Dahan-dahan siyang umikot paharap sa may-ari ng baril na nakatutok sa kanya para makita ito. And no, her ears weren’t playing with her. It was really Shun Kim who was in front of her.
He was wearing a baseball cap and nerdy glasses and a mask covering his nose and mouth down to his chin. Gone was the blond wig. Kung ibang tao siguro, hindi ito makikilala. Pero kilala niya ang lalaki, lalo na ang boses nito. She didn’t see this one coming.
Kaya nagkita sila sa La Perla Hotel dahil parehas sila ng target. Si Chi Wong. Kaya nasa Club Red ito dahil minamatyagan din nito si Chi Wong tulad niya.
Themarie was beyond shocked, but she still managed to let out a sigh of relief. Naka-wig siya ngayon na may bangs. Halos matakpan na ang mga mata niyang may contact lense. Then half of her face had a mask. Tanging mga mata lang niya ang nakikita. Sigurado siyang hindi siya makikilala ng lalaki hangga’t hindi siya nagsasalita.
“Who are you?” Mas naningkit pa ang mga mata nito. “Hindi ka isa sa mga goons ni Wong. Who do you work for?”
Themarie didn’t answer. Instead, in one swift move, she tried to backhand Shun and shove him to the floor, but she failed. Mabilis nitong nakita at nasalag ang atake niya. Pero nabitawan nito ang baril na hawak at bumagsak iyon sa sahig.
Sisipain sana niya ang baril palayo rito, pero inapakan nito iyon para hindi gumalaw. Mabilis na umigkas ang kamay nito para patamaan siya sa mukha, pero mabilis siyang umilag at umikot sabay igkas ng paa para sipain ito.
Pero eksperto iyong nasalag ni Shun. Hinawakan siya nito sa pulsuhan at malakas na ibinalibag sa malapit na dingding. Huli na para makita niya ang kamao nitong tatama sa kanyang mukha. Pero hindi iyon tumama sa mukha niya, kundi sa dingding, sa tabi ng ulo niya.
Napaawang ang mga labi ni Themarie nang ipitin ni Shun ang katawan niya sa pagitan nito at ng dingding.
“Ayaw mong sumagot,” sabi nito saka tumaas ang kamay para alisin ang maskara niya.
Pero hindi niya ito hinayaan. Nakipaglaban siya ng lakas sa lalaki, pero talo siya. Kaya ang kanyang ginawa, inilapit niya ang mukha sa mukha nito. Inilapit niya ang mga labing natatakpan ng maskara sa mga labi nitong natatakpan din ng maskara. She pressed her lips on him with just enough time to distract Shun.
Malakas niya itong tinuhod dahil napako ito sa kinatatayuan dahil sa ginawa niya. Mabilis niyang pinulot ang baril nito saka mabilis na tumakbo palabas ng mansiyon.
Gunshots chased after her. Those are from Wong’s men who saw her running away.
Themarie didn’t look back as she ran away from the house. Hanggang sa makasakay siya sa sasakyan ni Amethyst—na walang plate number at hiniram niya sa kaibigan na ipinarada niya hindi kalayuan sa bahay ni Wong—hindi siya lumingon. Deretso siyang sumakay sa kotse at pinatakbo palayo.
“Bullshit!” she hissed and punched the steering wheel. “Shit! Shit! Shit!” naiiyak niyang sigaw habang nagre-replay sa isip ang labanan nila ni Shun.
All she wanted was to end this mission because she wanted to spend time with him. It turned out that Shun was not what she thought he was. Shit!
Habang nagmamaneho, tinawagan niya si Honey.
“Yes, Thems?”
“Delete the footages. Now.”
“On it.” Few seconds later, Honey spoke. “Done. Anything else?”
“Find a guy named Hellion. I think it’s a code name.”
“Bakit?”
“Hanapin mo siya sa lahat ng data base na alam mo. Kahit `yong mga lihim na ahensiya, hanapin mo. Look for him and don’t stop until you find a guy named Hellion, half Korean-half Japanese-half Filipino. At kapag nahanap mo, tawagan mo agad ako.”
“Ano ba ang balak mo sa Hellion na `to?”
“Just do it.” She let out a breath. “Please?”
Honey sighed. “Fine. Hahanapin ko siya.”
“Salamat.”
“Don’t mention it, Thems.”
Itinapon niya ang cell phone sa passenger seat at nagpunta sa apartment niya. She had to clean it up and pay every occupant of that apartment to shut up. Hindi puwedeng malaman ni Shun ang totoo hangga’t hindi niya nalalaman ang totoo rin nitong pagkatao.
She really, really liked him a lot. But that was so messed up. She needed to clean up!
NAKAUPO lang si Shun sa hagdan ng bahay ni Chi Wong at nakatingin sa mga taong abala sa paglilinis at paglalagay ng mga bangkay sa body bag.
North, a half Filipino-half American agent from the same organization he was in was the head of the cleaning crew. Their main purpose was to clean up dead bodies so it wouldn’t be a big fucking mess before calling the cops.
“The CCTV was working well. But we couldn’t get anything about this woman you’re saying,” sabi ni North nang makalapit sa kanya.
Of course, the organization couldn’t get anything. Shun deleted some of his footages and it looked like that woman deleted her footages as well.
Huminga siya nang malalim. “She has black hair, green eyes and maybe 5’7 in height. She’s good in hand to hand combat. Mabilis siya, pero mas mabilis ako sa kanya. I know this house like the back of my hand. I read the blueprint before coming here. Parang ganoon din ang ginawa niya.”
“Paano ka niya natakasan?” tanong ni North.
His mind immediately wandered off to that kiss. The kiss that caught him off guard.
Napailing siya. “She kissed me.”
Tumaas ang sulok ng mga labi ni North. “And that caught you off guard?”
“I have a girlfriend.” Nagtagis ang bagang niya. “Ano na lang ang iisipin niya?”
“Hindi mo naman kasalanan `yon,” sabi nito. “And you’re not going to tell her anyway. The organization won’t let you.”
Huminga siya nang malalim. “Kung sino man siya, wala na siya at nakatakas na. But there was always evidence, we just have to look. Wala man lang bang nakakita sa kanya?”
“May sinabi sa amin ang mayordoma ng bahay tungkol sa isang bagong maid na kapapasok pa lang kaninang umaga at ngayon ay nawawala siya. That could be her. We already have the woman’s fingerprints on the tray. We’re going to analyze it in HQ. You coming?”
“Hell yeah.”
Tumayo si Shun. Sabay silang umalis ni North sa bahay ni Wong. He had to know who was that woman who kissed him. No one kissed him other than his baby and that was Themarie.
Nang makarating sila sa HQ na nasa ibaba ng Racini’s Hotel, agad silang sumakay sa elevator na naghatid sa kanila pababa. Nang makapasok sa double door steel ng HQ, dumeretso sila ni North sa laboratory.
“I need the name of the owner of that fingerprint,” agad na sabi ni North sa mga nasa loob ng laboratory.
Si Garnett ang sumagot, ang head ng laboratory. “We’ve already analyzed the fingerprint. Pero nang hanapin namin sa system, confidential ang katauhan ng babae. Sinubukan na namin kay Boss, pero hindi rin niya makita. Whoever she is, either she’s working under us or she’s a very important person.”
Bumuga siya nang marahas. “Whoever she is, she stole something from Chi Wong’s house. Gusto kong malaman kung ano `yon.”
Garnett faced her employees. “Let’s work our asses off, then.”
Kumuyom ang kamao ni Shun. Kailangan niyang malaman kung sino ang babaeng iyon. He was bothered by how his body reacted to her when she kissed him. Only one woman could make him freeze by a kiss… and that was his Themarie.
STICK around, Thems. Because of Wong’s death, his brother, Zy Wong will be in the Philippines to get Chi Wong’s body. And when that happens, you know what to do. As of now, hide the package that you have collected from Wong’s house. It’s still vulnerable for transfer. Hide it well. I will collect it from you when the right time comes.
It was a message from her boss. Akala naman niya, tapos na ang misyon niya, hindi pa pala.
Bumaba ang tingin ni Themarie sa hawak na package, the one she stole from Wong’s house. It was like sands of time, nah, more like drugs of time. Dahil sa halip na buhangin, droga ang nasa loob niyon. The bottle was more than three-inch tall. Easy to hide in plain sight.
Nahiga siya sa kama.
That drug inside the bottle was rumored to have new recipe. And her bosses wanted to know what that was so they could stop it. Ang droga na ipinagbibili ni Wong ay hindi isang pagkaraniwang droga na mabibili sa kalye. His kind of drugs could dry your brain if you consumed too much. It could kill a person in less than ten minutes.
Hindi mapakali si Themarie sa apartment na nilinis na niya. Wala nang bakas na doon siya tumira nang ilang linggo. At habang iniisip kung saan itatago ang sand of time na kinuha sa bahay ni Wong, may kumatok sa pinto.
Her body was already on the defensive mode. “Sino `yan?” tanong niya.
“It’s your boyfriend.”
Nagulat siya sa narinig at mabilis na itinago ang sand of time sa backpack na dala kung saan nandoon ang sling bag na ginamit niya nang pumasok sa bahay ni Wong. Hindi iyon puwedeng makita ni Shun!
“Teka lang,” sabi niya habang itinatago ang backpack. Saka lang niya binuksan ang pinto nang maitago iyon nang maayos. “Hey…”
Kumunot ang noo ni Shun nang makitang halos wala nang kagamitan ang apartment niya. “Nasaan ang mga gamit mo?”
Sinunog ko.
“Ahm, iniwan ko muna sa bahay ng kaibigan ko,” pagsisinungaling niya. “Kanina pa kasi kita hinihintay, `tapos nabagot ako kaya pumunta muna ako sa bahay ng kaibigan ko. Doon ko na iniwan, pero may nakalimutan pa ako kaya bumalik ako.”
“I’m sorry,” he said as he embraced her softly. “May ginawa lang akong importante. Promise, I’m all yours now.”
Yumakap din siya sa lalaki at pasimpleng bumuntong-hininga. This relationship she had with Shun was complicated and messed up. But here she was, still wanting to be with him after what happened. Not even caring that he might be an enemy to their organization.
Humigpit ang yakap niya dito. “Shun?”
“Hmm?”
Bahagya siyang kumawala sa yakapan nila para tumingin sa lalaki. “Gusto kitang makasama nang matagal.”
He smiled and kissed her lips. “Me, too. For as long as God let’s us.”
Themarie smiled. “Basta gusto kitang makasama nang matagal.” Kahit napakaimposible ng mangyari iyon. “Gustong-gusto.”
Shun frowned. “Bakit parang namamaalam ang boses mo?” Nagdilim ang mukha nito. “Don’t you dare leave me, baby. Don’t you dare. I might go crazy.”
Hindi siya sumagot, sa halip, hinalikan lang niya ito na nauwi sa pagbagsak ng katawan nila sa kama kasabay ng isa-isang pagkahubad ng suot nilang dalawa. Pinagsaluhan nila ang init ng mga katawan nila.
“Oooh… Shun…”
“Themarie… Baby…”
Yumakap siya dito habang inaangkin siya ng nobyo. Habang nag-uurong-sulong ang kahabaan nito sa loob ng basa niyang pagkababae. Pati ang mga binti niya, nakayakap na sa baywang nito habang umaangat ang balakang niya at sinasalubong ang bawat sagad na pagbaon ng kahabaan nito sa kanyang kaibuturan.
“Oooh… Uhm!” Napaliyad siya habang nakayakap pa rin sa nobyo.
Isinubsob ni Shun ang mukha sa leeg niya habang pabilis nang pabilis ang pag-angkin nito sa kanya.
Parehas silang naghahabol ng hininga. Pagkatapos ay walang tigil na namang naghalikan, nagsipsipan ng dila at umindayog sa musika na tanging sila lang ang nakakarinig hanggang sa sabay nilang naabot ang rurok ng kaligayahan.
NAGISING si Themarie nang may humahalik sa pisngi pababa sa leeg niya. She moaned and opened her eyes. She came face to face with Shun who was looking at her softly.
“Good morning, baby,” bati nito nang may masayang ngiti sa mga labi.
She smiled back. “Good morning din.”
Hinalikan ni Shun ang leeg niya at bahagya iyong kinagat. It elicited a loud moan from her.
“Shun…” she moaned out his name.
“Yes, baby?” He kissed her bare shoulder. “Ano’ng gusto mong agahan? Ipagluluto kita.”
Mula sa apartment niya kagabi, pagkatapos nilang magtalik doon nang ilang beses, bumalik na rin sila sa bahay nito. At dahil hindi naman damit ang laman ng maleta na na kay Amethyst, hindi na lang siya nagpadaan doon. Nagdahilan na lang siyang malayo ang bahay ng kaibigan.
So basically, what she was wearing now was Shun’s clothes. Mayroon naman siyang ilang pares pang natira na nasa backpack, pero hindi pambahay ang mga iyon.
“O, gusto mo, ikaw na lang ang agahan ko?”
Natawa si Themarie sa suhestiyon nito. “Parang gusto ko na ako na lang ang agahan mo. Kaya lang…” Humaba ang nguso niya. “Nagugutom ako. Pinagod mo ako kagabi kaya kailangan mo akong pakainin.”
Shun chuckled. “Okay, if that’s what my baby wants.” Yumakap sa kanya nang mahigpit ang lalaki. Para bang ayaw na siya nitong pakawalan. “Ipagluluto kita ng agahan o kung gusto mo, tulungan mo na lang akong magluto. It’ll be fun. Promise.”
“Sige.” Malapad siyang ngumiti. “Tutulungan kita, pero tuturuan mo ako.”
“Deal.” Umalis ito sa kama saka siya pinangko at pinatayo sa sahig.
Magkahawak-kamay silang nagpunta sa kusina at naghandang magluto. She was only wearing Shun’s shirt while he was just wearing sweat pants. And yes, he was topless again. He liked being topless because he knew she was enjoying the view.
“Here.” Binigyan siya ni Shun ng itlog. “Crack it open and put it here.” Itinuro nito ang malalim na bowl saka inasikaso ang pagtatanggal sa manipis na cellophane na nakabalot sa hotdog.
Sinunod naman niya ang sinabi nito.
“Ahm…” Nakangiwing kinuha niya ang atensiyon ng nobyo. “Hell boy?”
Nilingon siya ni Shun. “Yeah?”
Nakangiwi siyang ngumiti. “Parang nakalimutan kong ipaalam sa `yo na wala akong kaalam-alam sa pagluluto.” Itinuro ni Themarie ang nangyari sa itlog na biniyak niya.
He looked at the cracked eggs. Napakurap-kurap ito saka tumingin sa kanya. “What happened?”
“Nang na-crack ko na ang itlog, biglang nahulog ang laman sa lababo.”
Umawang ang mga labi nito. “Are you for real?”
Nanulis ang nguso niya. “Kasi naman… Wala talaga akong alam sa pagluluto.”
May pinipigil itong ngiti sa mga labi. Was he laughing at her?
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“Nakalimutan ko. Saka, `di ba, kayong mga lalaki, mas gusto n’yo ang babaeng marunong magluto? Pasensiya na, hindi talaga ako marunong, eh.” Napangiwi ulit si Themarie. “Papalitan mo na ba ako?”
Bumuntong-hininga si Shun. Matiim siya nitong tinitigan sa mga mata. “I don’t need a girlfriend who can cook. I can do that. Saka, ano naman ang gagawin ko sa babaeng marunong magluto kung hindi ko naman siya gusto? Girlfriend kita kasi gusto kitang makasama. Hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ka, hindi dahil gusto kong ipagluto mo ako.”
Her heart warmed at what he said.
“Pinapakilig mo ba ako, ha, hell boy?” nakangiting tanong niya.
Shun grinned. “Is it working?”
“Yeah,” pag-amin niya saka ito niyakap. Bumulong siya sa tainga nito. “It’s working.”
Niyakap siya ng lalaki at pinaupo na lang sa isa sa mga upuam na nakapaligid sa island counter.
He continued cooking their breakfast while she sat still and watched. Shun would kiss her from time to time and it always made her feel giddy. Nakalimutan na ni Themarie ang paglalaban nila kahapon sa bahay ni Wong. Sa mga sandaling iyon, masaya siyang kasama ang lalaki, kaaway man ito o hindi.
Habang nagluluto si Shun, may nakita siyang laptop na pakalat-kalat sa island counter. Hinila niya iyon palapit sa kanya saka binuksan. Nagsalubong ang mga kilay niya nang manghingi iyon ng password para tuluyang mabuksan.
“Ano’ng password ng laptop mo?” tanong niya.
Nakita niyang nag-alangan si Shun na ibigay ang password. Pero pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita rin ito.
“Hellion29,” sagot nito.
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Time for a little inquiry. “Siyanga pala, hell boy, bakit Hellion ang pagpapakilala mo sa akin noon? Curious ako.”
Nanatiling tahimik si Shun kaya naman alam niyang ayaw nitong sagutin ang tanong niya. Ibinalik niya ang atensiyon sa monitor ng laptop saka nag-type ng password na sinabi nito.
When it opened, Themarie quickly opened her e-mail. May e-mail siya galing kay Honey. She clicked it open.
Shun Kim also known as Hellion, his code name. An agent under a nameless organization. He’s a retired FBI Agent. The Organization’s solely purpose is to infiltrate and destroy. Ito lang ang nakuha kong impormasyon sa kanya. Hope it helps.
-Honey
Mabilis ang mga daliri ni Themarie sa pagbura ng e-mail ni Honey. Binura din niya ang history ng laptop. She closed the laptop the same time hell boy put their breakfast on the island counter.
She smiled at her boyfriend who smiled back at her.
That was close.