WEARING her black tight jeans, knee boots, halter top, black sunglasses, black cap and black leather jacket, Themarie slipped outside the palace. Nagsusuot siya ng shade at cap para hindi makilala ng mga tao, lalo na kapag lumalabas siya. People ought to swarm around her, she was, after all, the duke’s daughter.
Late na siya sa appointment sa Greco Condominium. Kailangan niyang makausap ang partner niya. It was already second day of November. Kakauwi pa lang nila galing Florence para bisitahin ang mga magulang ni Terron.
And she hadn’t seen Shun for a day now. Kailangan niyang ikansela ang date sana nila pagkauwi niya sa Tuscany dahil pumunta nga sila sa Florence. And now, she wouldn’t contact him until she finished this mission.
Themarie straddled her Ducati and drove it like nobody’s business. She stormed past the palace gate and into the busy street of Tuscany. She passed more than twenty stores before reaching Greco Condominium. Ipinarada niya ang Ducati sa parking lot ng condominium saka pumasok sa loob.
Sasakay na sana siya sa elevator nang pigilan ng isang security guard.
Tumaas ang kilay ni Themarie. “Yes?”
“Mademoiselle, I’m sorry but you are not allowed to enter. We first have to contact the person that you seek in our condo before we let you in.”
Bumuga siya nang marahas saka tinanggal ang shade at cap na suot. Humarap siya sa security guard na ngayon ay nakaawang ang mga labi. Bakas ang gulat sa mukha nito.
Ngumiti siya. “Can I come in now?”
Napakurap-kurap ang security guard at parang kinakabahang bahagyang yumukod. “Y-yes, Lady Themarie.”
Walang imik na pumasok siya sa elevator at pinindot ang fortieth floor. Habang pataas ang sinasakyan, pumasok na naman sa isip niya si Shun. God, she missed him. She missed his kisses and his touch. She missed his voice and his laughter.
Huminga siya nang malalim nang tumigil ang elevator sa floor na pinindot niya. Taas ang noong lumabas si Themarie at nilapitan ang kuwarto kung saan sila magkikita ng partner niya.
Room 409.
Tumigil siya at kumatok. When no one opened the door, she picked the lock and open it herself. Pinapasok niya ang sarili sa loob at isa-isang tiningnan ang bawat sulok ng condominium.
Two leather sofa set in the living room. State of the art kitchen. Maple wood flooring. Well-styled walls. The condo was huge. Very elegant looking. A prince would find the condo a very lavish home.
Nagulat si Themarie nang marinig na bumukas na pinto sa likuran niya.
“Are you my partner?”
Natigilan si Themarie at nanlaki ang mga mata.
It couldn’t be!
Mabilis siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Napaawang ang mga labi niya nang makitang tama ang hinala niya.
“Shun?”
He was stunned to see her as well. “Baby?”
“Shun!” Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa saka mahigpit itong niyakap na agad naman nitong sinagot ng kaparehong mahigpit na yakap.
“Hmm… Baby, I miss you.”
Mariin siyang pumikit at hinigpitan pa ang yakap sa lalaki. “Me, too. Sorry, I have to cancel on you. Pumunta kami sa Florence, sa mga magulang ni Terron.”
Humigpit ang yakap sa kanya ni Shun. “It’s okay. Though, did he touch you in any way?”
Nakangiwing kumawala siya sa yakapan nila. “Sa kamay lang naman.”
Agad na nagdilim ang mukha ni Shun. “I hate that guy.”
Para hindi na ito magselos, hinalikan niya ito sa mga labi na agad naman nitong sinagot. Napunta iyon sa mapusok na labanan ng mga labi at dila. Ni hindi nga namalayan ni Themarie na nasa kama na sila kung hindi pa gumalaw ang kamay ni Shun para buksan ang butones ng suot niyang pantalon.
“No,” pigil niya. “Maybe later?”
He frowned. “Why?”
“The mission?”
Shun stilled. “Oh, that. I totally forgot.”
Natatawang bumangon siya saka paharap na umupo sa kama, paharap dito. “So… brief me.”
Sa halip na i-briefing siya, nakatitig lang sa kanya si Shun habang may kislap ng paghanga sa mga mata.
“What?” tanong niya.
“A royalty and agent.” He chuckled. “That’s hot.” Lumapit si Shun para halikan siya, pero umiwas siya.
Pabirong inirapan niya ito. “No. Brief me. Come on, hell boy. No kissing or touching. Let’s get to work first.”
“Fine.” Shun sighed before giving her all the facts that she needed.
They didn’t talk about which agency they were from. They focus on the task at hand. Ang importante sa kanya, hindi nila kalaban ang organisasyong kinabibilangan nito.
And working with Shun… it was somewhat fresh and relaxing. Maybe because she knew she could count on him. That he would protect her like how she’d protect him.
THEIR mission was simple and easy. Infiltrate the hideout of the syndicate named Romano X. Steal a file from the red box inside the bosses’ room and get out. Kilala na niya ang nasabing mga sindikato, pero iyon ang unang beses na may kinalaman sa mga ito ang kanyang misyon. That was Honey’s field. Baka abala pa ito sa ibang misyon kaya siya ang pinagawa muna sa misyong iyon.
Mariin muna siyang hinalikan sa mga labi ni Shun bago nila pasukin ang HQ ng Romano X.
“Take care. I want you safe and unharmed.”
Tumango siya. “I will. Ikaw rin.”
“Don’t engage in battle if you can get away with it. You hear me?” Shun looked worried. “We’re here to collect and steal information. That’s it.”
Tumango ulit siya. “Shun, this is not my first time.”
“I’m just worried.”
“Don’t be.” Hinalikan niya sa mga labi ang lalaki bago mabilis na tumakbo papasok sa HQ. Madali niyang napagtaguan ang mga bantay hanggang sa makapasok sa malaking gusali.
“Disabling the CCTV now,” sabi ni Shun mula sa earpiece na suot niya.
“Thanks, baby,” nakangiting sabi niya.
“I’m on the east wing,” imporma nito.
She was in the north side of the building. They had to split up to cover more grounds. It was efficient that way eventhough Shun disagreed because he was worried about her. Kailangan pa niyang ipaalala rito na hindi siya baguhan sa misyong ganito.
At dahil kasama sa misyon nila ang hindi makipaglaban, maingat na maingat ang bawat hakbang na ginagawa ni Themarie hanggang makapasok sa sinasabing kuwarto raw ng boss ng Romano X. Ilang beses siyang dumaan sa kisame wala lang makakita sa kanya.
“I’m in,” sabi niya.
“Move fast,” sabi ni Shun. “I think they’re having a meeting. I’m looking at them now.”
“Take a picture, it’ll last longer,” she joked.
Naririnig niya ang pagtipa ni Shun sa keyboard ng laptop habang hinahalughog naman niya ang buong kuwarto para hanapin ang pulang kahon. Nang makita iyon, napamura siya nang makitang vault ang laman niyon.
“Great.” She tsked. “It’s a vault.”
“Can you open it?” Shun asked.
“I guess.”
“Do it. Steal it and head out before me. I have to copy all their files first.”
“Copy,” sabi niya saka itinuon ang atensiyon sa vault na nasa harap.
Themarie took a deep breath before she let her gadget do the magic. Nang bumukas ang vault, kinuha niya ang lahat ng laman niyon. Pero bago ipinasok sa bag na dala, isa-isa niya iyong tiningnan para siguruhing walang bug o tracking device na nakakabit doon. Pagkatapos, mabilis siyang bumalik sa pinanggalingan. Kung saan siya dumaan papasok, doon din siya dumaan para makalabas.
Nakasakay na siya sa kotse ni Shun, pero wala pa ang lalaki.
“Shun, nasaan ka na?” tanong niya mula sa earpiece. “Shun!” malakas niyang tawag sa pangalan nito. “Damn it, Shun! Answer me!”
Mabilis niyang kinuha ang baril sa nasa compartment nang bumukas ang pinto ng driver’s seat. Itinutok niya iyon sa sumakay, pero agad na ibinaba nang makitang si Shun iyon.
“Baby!” Ibinalik niya ang baril sa compartment at niyakap ang lalaki. “What took you so long?”
“I, ahm… I ran into trouble.”
Themarie stilled. “How many?”
“Four.”
“Are you okay?”
Shun nodded and kissed her lips. “Yeah, I am. I shouldn’t have killed them, but they’d kill me for sure, so… yeah…” He kissed her cheek. “How’s the vault?”
Itinuro niya ang bag. “Secured.”
“All right, let’s go.”
Nakangiting tumango si Themarie saka umayos ng upo nang patakbuhin nito ang sasakyan habang magkahawak ang mga kamay nila.
“Where to?” tanong ni Shun.
“My house.” She sighed. “Terron’s parents are visiting and they’ll have dinner with us.”
He sighed heavily. “I don’t like this.”
“Ako rin naman. Pero wala pa akong maisip na paraan.”
Hindi na umimik si Shun habang nagmamaneho hanggang sa makarating sila sa labas ng palasyo nila. Akala niya, galit ito. Pero dumukwang ito palapit sa kanya para masuyo siyang halikan sa mga labi.
“Don’t do anything,” sabi nito. “Baka mapahamak ka at ang pamilya mo kapag ipinaglaban mo ako.”
“No, Shun—”
“Let me do the fighting,” he said and smile.
“But, Shun—”
“Trust your man, please?”
Napipilitan siyang tumango. “Sige.”
Shun kissed her lips again. “Pasok ka na.”
Yumakap muna siya sa lalaki bago lumabas ng sasakyan at pumasok sa malapad na gate ng palasyo. Nang lumingon siya, nandoon pa rin ang sasakyan nito, parang hinihintay siyang mawala sa paningin nito.
And it calmed her to know that he was there and that he would fight for her.
SHUN mumbled every cuss word available in the whole fucking world as he typed Terron Dashwood in the search engine of some private data base for royal families list in the whole world. He had to know who was he up against to know how he could fight for his baby. Hindi niya hahayaang makasal si Themarie sa iba.
Napatigil si Shun sa pag-iisip nang lumabas ang impormasyong hinahanap niya tungkol kay Terron Dashwood.
Name: Terron Marco Dashwood.
Fuck! Even his name sounded rich. He tsked. His name sounded poor compared to Terron’s. Marahas niyang ipinilig ang ulo. Kailan pa siya naging pulubi? Last time Shun checked, he’s net worth was still billions.
Age: Thirty.
So, he was a bit older than Terron?
Shit! I feel so old all of the sudden.
Address: Dashwood Castle, Florence
My address? Philippines.
Nagsalubong ang mga kilay ni Shun. Mas pangmayaman pakinggan ang address ni Terron.
Educational Background: Graduated in grade school and high school with highest GPA. He got his degree in Oxford—Criminal Lawyer. He graduated with high excellency.
Shun snorted. Valedictorian siya noong nagtapos ng elementarya. Valedictorian ulit siya noong high school. And fuck! He took up political science in Stanford and graduate with flying fucking colors. Hindi lang iyon, kumuha rin siya ng kursong Criminology at siya ang pinakamagaling sa klase niya. And he was a fucking FBI agent, nagretiro lang siya kasi may nag-offer na isang organisasyon. Alam niyang mas makakatulong siya roon kaysa sa pagiging FBI agent.
And why the fuck am I trying to surpass Terron?
Napailing-iling si Shun at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Family background: Only son of Lord Ferreo Dashwood of Florence. Beloved nephew to the Queen of England. A lord in his own right. And engaged to be married to Lady Themarie Alfonso Vitale, daughter of Duke Vitale of Tuscany and soon to be Tuscany’s Duchess.
Nagtagis ang mga bagang niya. If Themarie chose him, then she wouldn’t have a title like duchess. Would that be okay with her?
Nanghihinang napasandal si Shun sa likod ng sofa na kinauupuan niya.
If he wanted Themarie to be his, then he better start now. Baka magbago pa ang isip nito at piliin si Terron. He had no title to offer, but he hoped that his love for her would be enough to make her stay and choose him in the end.
Nagmamadali siyang lumabas ng condo at gamit ang sasakyan niya, nagmaneho siya papunta sa palasyo kung saan ibinaba si Themarie kagabi. It was a massive palace and looked grandiose.
Gusto niyang manliit. He had called Themarie a freaking gold digger. Oh, how wrong he was. Gusto niyang suntukin ang sarili, pero wala namang magiging silbi iyon.
Mabilis na nakarating si Shun sa bahay ni Duke Vitale—kung matatawag ngang bahay ang grandiyosong palasyo. Lumapit siya sa guard na nasa gate para kausapin ang mga ito.
“Hi.” Shun tried to smile, but failed. He grimaced. “Ahm, I’m here to talk to Lady Themarie Alfonso Vitale. I know you wouldn’t let me in so I am asking if you can kindly tell her it’s Shun Kim. She knows me.”
Inilabas niya ang cell phone saka ipinakita ang larawan nila ni Themarie na magkasama bilang ebidensiya na magkakilala nga sila ng babae.
Pinag-aralan at sinuri naman agad ng guwardiya ang larawan. Parang ito ang pinuno sa mga guwardiya na nasa gate dahil lahat ay tumingin dito nang matapos siyang magsalita. Tumayo siya nang tuwid na para bang sa pamamagitan niyon ay papapasukin siya.
Pagkalipas ng ilang segundong pagsusuri sa kanya ng bantay sa pamamagitan ng matiim na titig, nagsalita na rin ito.
“I shall check with Lady Themarie,” sabi ng guwardiya saka pumasok sa loob ng gate samantalang siya, naiwan sa labas habang nakapamulsa.
Ilang mahabang minuto siyang naghintay bago bumalik ang guwardiya at pinapasok siya. “Her Grace is in the garden,” sabi nito. “I will accompany you to her. If you do something funny, I’m going to shoot you. Understand, lad?”
Mabilis siyang tumango. “I understand.”
The guard signalled the other guards inside to open the gate and they did.
Habang naglalakad sila papunta sa pinto ng palasyo na metro-metro ang layo, nakatutok kay Shun ang baril ng guard. Huminga siya nang malalim saka nag-concentrate sa paglalakad. Baka bigla siyang matapilok at sa sobrang gulat ng guard, bigla siyang barilin. Mamamatay siya nang wala sa oras at wala man lang kalaban-laban.
Nang makarating sa pinto, nag-usap ang dalawang guwardiya bago binuksan para sa kanya ang pinto.
“You may enter,” sabi ng guwardiya na nasa likuran niya.
Shun didn’t need to be told twice. Pumasok siya sa loob ng palasyo. Napatanga siya sa karangyaang sumalubong sa kanya. Damn! This place came out straight from a fairy tale. Very glamorous. Expensive. Rich. Indeed, a place for a royalty.
“The garden,” sabi ng guwardiya na itinuro ang maliit na pasilyo na may canopy sa dulo. “Her Grace is there, waiting for you.”
Tumango si Shun at naglakad papunta sa hardin. Nang makarating doon, agad niyang nakita si Themarie. And he froze at the sight in front of him.
Magkatabi sina Themarie at Terron sa isang bench, nag-uusap ang dalawa. May ngiti sa mga labi ni Themarie habang si Terron naman, bakas ang kislap ng kasiyahan sa mga mata.
He stared at Themarie. She looked every inch of a lady with nobility and title. Nakasuot ito ng kulay-krema na gown at nakaayos ang buhok. She looked so gorgeous. He was so jealous because he wasn’t the man who was by her side, but someone else’.
Masakit, kasi habang nakatingin siya dito, alam niyang mas nababagay itong makasama si Terron kaysa kanya. He knew it. They looked good together.
Pero tumututol ang puso niya. Themarie was his.
Mine.