“YOU DID what?” Honey shouted at Themarie when they met in a secluded place outside Bachelor’s Village. Nasa opisina si Shun kaya naman nakaalis siya ng bahay nito. “Please, tell me na nasa tama kang pag-iisip ng magdesisyon kang tanggapin ang alok niyang sa bahay ka na niya tumira. For all we know, he might be doing the same thing as you. Maybe, he’s spying on you, too! God, Themarie, are you using your freaking brain?”
Huminga siya nang malalim. Hindi ganoon katalino ang kanyang naging desisyon dahil puso niya ang nagdesisyon para sa kanya.
“I know my decision is not that smart, but that’s okay. Now, I can search through his house when he’s not there.”
Umiling-iling si Honey, halatang hindi sang-ayon sa sinabi niya. “You will get yourself killed, Them.”
“No,” sabi niya saka tumigas ang mukha. “Shun will not hurt me.”
“At paano ka nakakasiguro?”
“I just know.” Hindi niya alam kung bakit wala siyang takot na maramdaman sa lalaki. “He won’t hurt me, Honey. I’m sure of that.”
“Whatever.” Umatras ito nang dalawang hakbang. “Just call me when you need help.”
Nakangiting tumango si Themarie. “I will. Thank you.”
Nang makalayo sa kanya si Honey, naglakad siya papasok sa Bachelor’s Village. Hinarang siya ng security guard.
“ID, Ma’am,” sabi nito.
Inilabas ni Themarie mula sa bulsa sa likod ng faded jeans na suot ang ibinigay sa kanyang VIP ID ni Shun. He said this would serve as her gate pass.
“Heto ho.”
Nang makita ng guard ang ID, mabilis itong umalis sa pagkakaharang sa daraanan niya at itinuro ang malaking gate ng village.
“Pasok ho kayo, Ma’am,” sabi nito.
Magiliw siyang ngumiti saka pumasok. Hindi kalayuan ang bahay ni Shun mula sa gate kaya naman madali siyang nakarating sa destinasyon.
Nang makapasok si Themarie sa bahay, agad na tumuon ang mga mata niya sa sulat na iniwan ni Shun kanina sa ibabaw ng unan nito.
Hey, baby. May board meeting ako kaya hindi na kita hinintay na magising. I already fixed your breakfast. Initin mo na lang. I’ll hurry back to you, don’t you worry. – Shun K.
Tulad kanina nang una niya iyong mabasa, napangiti ulit si Themarie saka napailing. Sinasabi niya sa sarili na ginagawa niya iyon para espiyahan si Shun, pero ang totoo, hindi niya kayang lumayo. Gusto pa niya itong makasama. Ayaw niyang mawalay sa nobyo.
But time would come that she would have to go and she was dreading for that day to come.
My life is a mess already. And it just got messier with Shun in her life.
Ibinulsa ni Themarie ang note saka bumalik sa kuwarto dahil tapos naman na siyang mag-agahan. Gusto niyang halughugin ang buong bahay tulad ng suhestiyon ni Honey para alamin kung kalaban ba nila ang organisasyon na pinanggalingan ni Shun. Iyon ang ikinakakaba niya, pero sa kadahilanang hindi niya alam. Hindi niya magawang tingnan bawat sulok ng bahay ng nobyo.
Gusto niyang malaman kung sino ba si Shun Kim o Hellion, pero hindi sa ganoong paraang. Pinagkatiwalaan siya nitong mag-isa sa bahay nito. She knew that trusting her was also a big deal for him. He was an agent. Trust was really not something they took lightly. But here they were, risking trust, just to be together.
Umupo si Themarie sa gilid ng kama at huminga nang malalim. Mayamaya, pabagsak siyang humiga sa kama at tumitig sa kisame . Nag-iisip siya ng magandang gawin nang makarinig ng pagbukas ng pinto sa bahay ni Shun. She was trained to hear from afar.
Napabalikwas siya. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at sinilip sa hagdanan kung sino ang pumasok. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang si Shun iyon. Tumakbo siya palapit sa lalaki at biglang yumakap dito.
“Hell boy!” masayang bati niya. “I miss you.”
Shun chuckled and hugged her back. “I miss you, too, baby.” Bahagyang itong kumawala sa pagkakayakap sa kanya saka siya tinitigan. “Wanna eat outside?”
Themarie grinned. “Sige.” She was excited. “Gusto ko `yon.”
Nakalimutan na naman niya ang katanungan tungkol sa tunay na pagkatao ng lalaki dahil kasama niya ito. She was so focused on her happiness and contentment by being with him that she didn’t care if Shun was keeping secrets from her. Ganoon din naman siya. May mga sekreto rin naman siya sa lalaki. Patas lang sila.
DINALA siya ni Shun sa Black Pearl Cruise Ship para doon kumain ng tanghalian at hapunan sa malalaking cruise ship na umiikot sa Asya. Kasalukuyan iyong nakatigil sa Coleman’s Port, pero patuloy pa rin ang kasiyahan sa loob ng malaking barko.
Themarie was used to lavish lunches and dinners way back home. It was one of the things she missed after coming to the Philippines because she had to pretend that she was penniless when she was actually not. And being here, in this cruise ship, she felt like she was back to her old life.
If she was the kind of woman who was easily charmed with money and Shun was working to charm her with it, it would work efficiently. No doubt.
Themarie smiled at Shun after they finished touring around the ship. “Salamat sa pagdala sa akin dito.”
“Only the best for my baby,” nakangiting sagot nito.
Mahina siyang natawa. Tutudyuin sana niya si Shun na pinapakilig na naman siya nang may lumapit sa kanilang guwapong lalaki na may nakabibighaning kulay ng mga mata.
“Shun, my man.” Tinapik ng lalaki ang balikat ni Shun. “Kumusta?” Tumuon ang mga mata nito sa kanya. “Oh, a lady.” Halata ang pagkamangha sa boses nito. Like this man was not used to seeing Shun with a woman. “Hi.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. “Lath Coleman, the owner of this cruise ship.” May pagmamalaki sa boses nito.
Who wouldn’t be proud of this freaking ship? Napakalaki at napakaganda.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “Themarie Alfonso.”
Lath smiled and it was heartmelting. Good luck sa mga babaeng nahuhumaling dito.
“Ito ang unang beses na nakita kong may kasamang babae si Shun.” Nakangising binalingan nito ang nobyo niya na hindi na maipinta ang mukha. “Nagbibinata ka na, Shun, my friend.”
Tiningnan ito nang masama ni Shun. “Fuck off, Lath.”
Sa halip na umalis, tumaas ang kamay ni Lath para kunin ang pansin ng isang lalaki na kamukhang-kamukha nito. Agad na lumapit sa kanila ang lalaki. Nahuli ng mga mata niya na inginuso ni Lath ang bibig sa kanya.
Tinitigan siya ng bagong dating. “Whoa!” May pagkamangha sa boses nito. “What the hell, man? Nagbibinata na ang singkit nating kaibigan.”
“Fuck off!” Shun hissed, he sounded pissed off.
Tumawa lang ang bagong dating at inilahad ang kamay sa kanya. “Hi, beautiful. I’m Lash Coleman. Wanna dance?”
“Gusto n’yong baliin ko lahat ng buto n’yo sa katawan?” Shun threatened Lath and Lash as his expression darkened even more.
Mas lumapad pa ang ngiti ni Lash na tumabi sa kanya at walang sabi-sabing inakbayan siya. “Sayaw tayo, ganda. Gusto mo?” bulong ni Lash.
Themarie was sure that Lash was trying to piss Shun off and it was working.
Umiling siya. “Nope.” Tiningnan niya ang galit na mga mata ng nobyo. “I’d rather dance with Shun.”
Napakurap-kurap si Shun na parang nagulat sa sinabi niya saka tinanggal ang braso ni Lash na nakaakbay sa kanya. “She’s mine,” sabi nito sa malamig na boses saka tumaas ang sulok ng mga labi. “Or else, Nez Fernandez, your beautiful stepsister will know everything.”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Lash. Napalitan iyon ng pagtagis ng mga bagang.
“Try it, fucker and you’ll die.” Lash looked threatening, but Shun wasn’t fazed.
“Huwag mo akong takutin, Lash. When it comes to my woman…” Iniyakap nito ang isang braso sa baywang niya. “Nobody touches her but me and only me. I’m a very possessive man. I’ll threaten you if I have to.”
Lash dropped his threatening gaze and smiled. “Pasalamat ka at kaibigan kita.”
Nagkamay ang dalawa habang may ngiti sa mga labi.
Lihim na napailing-iling si Themarie. She couldn’t understand men at all. Not for the life of her.
Nang mawala ang dalawa, inalalayan siya ni Shun papunta sa railing ng first deck. Lumubog na ang araw, tanging buwan ang nakatanglaw sa karagatan na nagniningning.
“I’m sorry about that,” sabi ni Shun saka hinawakan ang kamay niya. “I’m not really a jealous type of person, I’m just territorial. You’re mine now and I don’t share what’s mine. I’ll kill them if they even try.”
Nanlamig si Themarie sa sinabi nito. Of course, Shun could kill. Ito ang pumatay kay Chi Wong. Alam niyang kaya nitong pumatay kaya hindi na siya nagkomento pa.
Ano kaya ang gagawin ni Shun kapag nalaman nito kung sino talaga siya at na may nagmamay-ari na sa kanya?
Bigla siyang nawalan ng gana nang maalala ang buhay na babalikan pagkatapos ng misyong iyon. She had no choice.
“Puwede na ba tayong umuwi? Pagod na ako.” Walang buhay ang boses niya.
Mataman siyang tinitigan ni Shun. May kakaibang kislap sa mga mata nito. Mayamaya, ngumiti ito saka tumango. “Sure. Let’s go.”
Walang imik si Themarie habang pauwi sila. That was not right. Sa ginagawa, masasaktan niya si Shun, lalo na kapag nalaman nito ang totoo.
How selfish could she be? Bakit sarili lang ang iniisip niya? He would be hurt. She had to stop this sooner rather than later. Hanggang kaya pa nilang maghiwalay. Doon din naman papunta ang relasyon nila.
Nang makarating at nakapasok sila sa bahay, naglakas-loob siyang sabihin kay Shun ang kanina pa niya iniisip na dahilan para magkahiwalay sila. Para hindi na lumalim pa itong relasyon nila na sa hiwalayan din naman mapupunta dahil sa buhay na naghihintay sa kanya pagbalik niya.
“Shun?”
He faced her while taking off his necktie. “Hmm?”
“Sigurado ka ba sa gusto mo na magkasama tayo sa bahay mo?” tanong niya saka nagbaba ng tingin. “Hindi na ba magbabago ang isip mo?”
Kumunot ang noo ni Shun. “What are you talking about?”
Tumingin ulit siya dito. “P-paano kung magkasakitan lang tayo sa bandang huli? Paano kung masaktan kita nang sobra at—”
“I’m not letting you go, Themarie.” Lumapit ito saka hinawakan ang mukha niya. “I’m not. You’re my girl and I’ll be damned if I let you slip away. Kahit saktan mo pa ako, hindi kita bibitawan. Sabi mo, gusto mo akong makasama nang matagal. I’m offering you that now. To be with me. May mali ba sa gusto natin? May mali ba sa akin? Tell me, baby, so we can fix it.”
Umiling si Themarie. “Ayoko lang na masaktan ka sa bandang huli. Siguradong magagalit ka sa akin. Ayokong magalit ka sa akin. Ayoko, Shun.”
Niyakap siya ng nobyo saka masuyong hinalikan sa noo. “Kaya ba bigla kang nawalan ng gana kanina? `Yan ba ang iniisip mo?”
Tumango siya. “Ayokong saktan ka. Siguro, dapat hindi ko na lang inumpisahan ito—”
“Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi kita hahayaang umalis sa tabi ko.” Pinagsalikop ni Shun ang mga kamay nila. “Hindi ako papayag.”
Themarie stared at him for a long time before whispering. “I’m sorry if I hurt you. Selfish ako, eh. Gusto kitang makasama. I’m sorry.”
“Don’t say sorry for being with me.” Mas humigpit pa ang yakap nito. “You’re the best thing that ever happened to me, so don’t be sorry. I’m keeping you.”
Ilang minuto siyang napatitig sa nobyo bago lumapit. Siya na mismo ang humalik sa mga labi nito na agad naman nitong tinugon at pinalalim.
The next thing Themarie knew, he was putting her on the bed and undressing her before slowly making love to her.
She couldn’t let go of Shun, too, but a time would come that she would have to. Because she had no choice.