“SAGUTIN mo ako, Them. Magkano ba?” tanong ulit ni Hellion habang siya, namimilog pa rin ang mga mata. Hindi niya alam ang isasagot sa lalaki.
A lap dance? Crap! Nasa tama ba itong pag-iisip? Seryoso ba ito o binibiro lang siya kung sasakay siya?
“Well?” tanong pa nito.
Tumikhim muna si Themarie bago nagsalita. Masubukan nga ang lalaking ito kung nagbibiro lang o hindi. “Half a million for a lap dance.”
Hellion didn’t even blink before answering her. “Deal. When do you want me to pay?”
Umawang ang mga labi niya sa gulat. Akala niya, hindi ito papayag kaya naman nagbigay siya ng ganoong halaga. She thought, Hellion was just bluffing.
I mean he’s pretending to be a poor bartender, right?
Was he even pretending? If he was, then he was careless. Or maybe, he just really wanted a lap dance that he wasn’t thinking right and straight.
“Seryoso ka talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ito. “Kapag may gusto ako, gagawin ko ang lahat makuha lang `yon. And I want a lap dance from you, even if it means it’ll cost me half-million,” seryosong sagot nito habang titig na titig sa kanya. “Kasalanan mo naman kasi. You put the idea in my head. Hindi na tuloy mawala-wala.”
Sumandal si Themarie sa kinauupuan. “Paano kung ayoko?”
His brow quirked up. “Paanong ayaw mo? You already gave me a price. That means you’re interested.”
Natigilan siya. Nakikita ba nito sa kislap ng kanyang mga mata na gusto niya? Did he see the flash of desire that shadowed her eyes seconds ago when he asked?
Huminga siya nang malalim. “Nagbibiro lang ako kanina. Sinusubukan ko lang.” Itinuro niya ang pinto ng apartment. “Makakaalis ka na.”
Inilapag ni Hellion ang tasa na hawak saka tumayo. “Thanks for the coffee.”
Tumayo na rin siya. “Salamat din sa pagbalik ng cell phone ko.”
Tumango ito. Akala ni Themarie, deretso na itong maglalakad palabas ng apartment niya. Pero laking gulat niya nang humakbang ito palapit saka lumapat ang mga labi sa mga labi niya. Ikinagulat niya iyon kasabay ng malakas na pagkabog ng puso niya.
That was the first time that he initiated the kiss.
Themarie gulped and sucked a breath when Hellion run the tip of his tongue over her lower lip making her body tingle in desire. She couldn’t help but move her lips with his. Parang may sariling isip ang mga braso niya na yumakap sa leeg nito habang mas nagiging mapusok na ang halikan nilang dalawa.
Mahinang napadaing si Themarie nang sipsipin nito ang dila niya at kinagat ang kanyang ibabang labi. Nang bahagya niyang ihiniwalay ang mga labi sa mga labi ni Hellion para huminga, hinabol iyon ng mga labi ng lalaki at inangkin ulit.
Nagpaubaya naman siya. Nagpaubaya sa bawat yakap ng mga kamay ng lalaki sa katawan niya kahit palapit na iyon nang palapit sa maseselang bahagi ng katawan niya.
He never kissed her back in those kisses she initiated, so she didn’t really expect that Hellion was a good kisser who could made her moan just by sucking her tongue and teasing her lips and mouth.
Nakapikit na si Themarie at ninanamnam ang masarap na paghalik nito sa mga labi niya nang sumapo ang kamay nito sa dibdib niya. Sa halip na itulak ito palayo, napasabunot pa siya sa buhok ng lalaki nang bumaba ang halik nito sa leeg niya.
“Uhm…” she groaned as he bit the skin on her neck and licked the sting away. “H-Hellion… Uhm!”
Yumakap ang mga braso ni Hellion sa baywang niya saka siya hinapit palapit dito dahilan para magkadikit ang dibdib nila. Pero wala doon ang atensiyon ni Themarie. Nasa mga labi iyon ng lalaki na nasa ilalim na ng kanyang tainga, pataas hanggang pumasok sa gilid ng tainga niya ang dulo ng dila nito. And then, he gripped her ass.
Her toes curled and another moan escaped her lips. “Oooh…”
The desire he ignited inside her kept on burning harder, making her pant and crave for more. More of his kisses… more of his touch.
“Hellion…” bulong niya habang habol ang hininga.
His lips left her neck and returned to her lips. Seconds later, their kiss started to slow down until their lips parted, both of them catching their own breath.
Magkadikit na magkadikit pa rin ang mga labi nila habang habol ang sariling hininga.
Hellion’s hand raised to softly caress her cheek down to her chin. “Good morning.”
She blinked, still in a daze after what happened between them. “G-good morning.”
That wasn’t just a simple kiss. He wanted her. She could feel that. And she confirmed it when she felt his hard manhood brushing just below her belly.
Themarie gulped. “H-hindi ka pa ba aalis?”
He breathed in. “Gusto mo ba akong umalis?”
She wanted to shake her head. She wanted more of his kisses. Pero baka kung saan pa mapunta ang kapusukan nilang dalawa. Yes, his lips and kisses made her body burn and tingle. She liked how it made her feel but they had just met. She still didn’t know him except that he was using a fake name.
Themarie rolled her wet tongue in between her lips. “U-umalis ka na. Baka may magawa pa tayong pagsisisihan nating dalawa.”
Hellion brushed his lips on hers, making her suck her breath and wanting his kisses more. “I won’t regret. Promise.”
Napalunok siya. “Magmamadaling-araw na,” pagdadahilan niya. “Kailangan nating matulog.”
Hellion smiled while his lips was just a breath away from hers. “If you say so.” Humawak ito sa baywang niya. “I saved my number on your phone. Call me if you miss me.”
Tinitigan muna siya nito nang ilang segundo bago umatras at humakbang papunta sa pintuan ng apartment. And as she stood there, looking at her apartment’s door slowly closing after him, her hand touched her lips as her body dropped to the sofa.
Naaalala pa ni Themarie kung paano siya halikan ni Hellion. Kung paano gumalaw ang mga labi nito. Kung paano niromansa ang leeg niya at kung paano binuhay ang katawan at ang pagkababae niya na hanggang ngayon, pumipintig pa rin. The kiss they shared was more delicious because Hellion initiated the kiss. And she liked it.
Would he kiss me while I lap dance him?
Nakagat niya ang ibabang labi niya. Papayag ba siya? She wanted to do a lap dance on him and kiss him at the same time.
I wonder what it would feel like?
HUMIGPIT ang hawak ni Shun sa manibela habang nagmamaneho at paulit-ulit na nagre-replay sa isip ang pinagsaluhan nilang halik ni Themarie kaninang madaling-araw. He had to forced himself to leave after that kiss.
He knew that she felt how hard he was for her, but Themarie didn’t comment on that. Even now, just thinking about their kiss made him very hard and erect.
He couldn’t sleep because of that kiss. Panay ang tanong niya sa sarili kung nagustuhan ba nito iyon. A part of him would say yes, because he heard her moan. But a part of him said no because she asked him to leave, like she didn’t want to continue kissing him.
Bumuga siya ng marahas na hininga saka natigilan nang mapansin ang daan na pinupuntahan.
“Fuck!” Napamura siya. Daan iyon papunta sa apartment ni Themarie. “Fuck!”
He was supposed to go to Zaired to meet a DSWD personnel for his orphanage, but here he was, going to Themarie’s apartment. Napailing siya.
I’m really in so much trouble.
Dahan-dahan niyang itinigil ang sasakyan at napatingin sa apartment ng babae. He was having an internal battle between driving off or knocking on Themarie’s apartment when he saw Themarie exiting from the building. She was smiling at the person who was driving a Ducati motorcycle wearing a gray leather over all suit.
Nagtagis ang bagang ni Shun nang makitang binigyan ng pera ng nasa motorsiklo si Themarie na tinanggap naman agad ng babae. Walang pag-aalinlangan itong sumakay sa likod ng motor.
“The fuck?” he hissed.
Lalong nagdilim ang mukha niya nang makitang iniyakap ni Themarie ang mga braso sa nagda-driver ng motor na hindi inalis ang helmet mula kanina.
Was the driver one of her customers in the club? As X said, all waitress in his club needed extra cash.
Fuck!
Nararamdaman ni Shun ang paninikip ng kanyang dibdib at ang galit na nabubuhay sa doon dahil may ibang lalaki ito sa buhay.
They kissed last night! Wala ba iyong halaga sa babae?
Kumuyom ang kamao niya habang matalim ang mga matang nakatingin sa palayong motor. Pilit niyang pinakalma ang sarili. May lunch meeting pa siya sa isang DSWD personnel. Kailangan niyang kumalma.
Ilang beses siyang huminga nang malalim bago binuhay ang makina ng sasakyan. Shun had this strong urge to follow Themarie and the man, but why? Wala silang relasyon, walang namamagitan sa kanila. Kaya pinilit niya ang sarili na kabigin ang manibela papunta sa restaurant kung saan siya may ka-meeting. Maybe that meeting could take his mind off Themarie and his jealousy.
No! I’m not jealous! I just met her, for fuck’s sake!
Nagtatagis pa rin ang bagang niya nang makapasok sa Zaired Restaurant. Agad siyang inalalayan ng waitress papunta sa mesa kung saan naghihintay ang isang DSWD personnel na kakausapin niya para sa charity house na ipinatayo niya para sa mga batang lansangan na gustong mag-aral, pero walang pera.
Kulang pa sila sa papeles para buksan ang bahay para sa lahat, pero nag-uumpisa na silang ayusin ang ibang bagay habang pinoproseso pa ang ibang mga kakailanganing dokumento.
“Hello, Mr. Kim,” sabi ng babae na tumayo nang makalapit siya.
Shun looked at the woman and smiled. “Hi. You are?”
“Digna Rodrigo,” pagpapakilala nito habang nakikipagkamay.
“Hello, Digna,” sabi niya na nakangiti pa rin. “Call me Shun.”
“Sure, Shun.” May kiming ngiti ito sa mga labi. Bahagyang namumula ang mga pisngi.
Sabay silang umupo ni Digna. Inumpisahan nilang pag-usapan ang mga bata na titira sa bahay na ipinatayo niya habang kumakain. Paminsan-minsan, habang nagpapaliwanag siya ng gustong mangyari, nahuhuli niya itong nakatingin lang sa kanya habang nagsasalita siya. Panay lang ang tango ng babae kahit nasisiguro niyang wala naman itong maintindihan sa mga pinagsasasabi niya.
Malakas siyang bumuntong-hininga. “You understand what I’m saying, Digna?” tanong niya nang hindi na mapigilan ang inis na nararamdaman.
Napakurap-kurap ito. “Yes, Shun?”
Bumuga siya ng hangin saka nagsalita ulit. “Digna, gusto ko sanang maglagay ng DSWD personnel sa bahay na ipinatayo ko para sa mga bata kapag naayos na namin ang lahat. Mas makabubuting may tatao roon na DSWD para maalagaan nang maayos ang mga bata. Pero wala namang dapat ipag-alala ang social worker na ilalagay sa charity house ko kasi maraming helper na tutulong sa kanya para maayos ang lagay ng lahat ng batang pumapasok. I need the social worker’s help to make this project possible. All I could give them are food, clothes, shelter and school. `Yong iba, hindi ko na kayang ibigay kaya naman kailangan namin ng katulong sa pag-aalaga sa mga bata.”
“Ah, okay,” sabi nito na parang nasa ibang daigdig ang isip. “I volunteer.”
“Wala bang iba maliban sa `yo?” He didn’t want to be rude and all, but this woman, she was starting to get on his nerves.
“Wala na, Shun. Nasisiguro ko naman sa `yo na maalagaan ko nang mabuti ang mga bata. Hindi ko sila pababayaan dahil magaling ako sa trabaho ko kaya maaasahan mo ako.” Matamis itong ngumiti. “May tanong ako. May girlfriend ka na ba, Shun?”
Before he could answer that very personal question, a set of soft arms encircled his neck from the back and a set of lips touched his cheek.
“Hey, baby.” It was Them’s voice.
Tiningnan niya ang babae. Halos gahibla na lang ang layo ng mga labi nila sa isa’t isa. Doon talaga tumuon ang tingin niya. Crap! He wanted to kiss those sexy lips that he couldn’t get off his head.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya para ma-divert ang isip na itinutulak siyang halikan ang babae.
Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap sa leeg. “Kumain ako kasama si Honey, `tapos nakita kita kaya nilapitan kita,” sagot nito.
Honey?
Agad na dumilim ang mukha niya.
“Your honey?” Anger was visible on his voice.
“Oo, si Honey.” May itinuro itong babae na naka-leather gray na over all suit. “`Yon siya, o. Kaibigan ko.”
Gusto niyang sakalin ang sarili nang makita ang itinuro ni Themarie. Nakilala niya kung sino iyon. Fuck! Isang babae ang pinagselosan niya—wait, what the fuck?
I’m not jealous!
“Shun? Gusto mong subukan ang salad nila?” tanong ni Digna. Nang tingnan niya ang kausap, sinusubuan siya nito ng salad sa kutsara. “Masarap `to.”
Fuck! Themarie knew him as Hellion not Shun! Fuck!
“Sino si Shun?” kunot-noong tanong ni Themarie kay Digna.
Itinuro siya ni Digna. “His name is Shun Kim. And he has a soft heart for street childrens. And I’m Digna Rodrigo, DSWD personnel.”
“Ah…” sabi ni Them saka tumango-tango nang hindi tumitingin sa kanya. “May kilala ka bang Hellion na nagtatrabaho na bartender sa isang club?”
Mabilis na umiling si Digna. “Wala.”
“Nagtatrabaho ba si Mr. Kim sa isang club nilang bartender?” tanong ulit ni Themarie na ngayon ay titig na titig na sa kanya. “Para kasing pamilyar ang mukha niya.”
Digna shook her head again. “Mr. Kim is a very busy businessman.”
Them’s face was unreadable as she looked back at Digna and smiled. “Salamat sa pagsagot sa mga tanong ko. Pasensiya na dahil naabala ko ang meeting n’yo.” Inilapit nito ang mga labi sa tainga niya saka bumulong. “Nice meeting you, Mr. Shun Kim.” Pagkasabi niyon, iniwan sila ng babae. Nagpunta ito sa mesa kung saan nandoon ang kaibigan nitong si Honey.
Napatitig naman si Shun sa mesa nina Them habang tinatapos nila ni Digna ang pagkain. Nang mahuli siya ni Them na nakatingin dito, parang hindi siya kilala na dumaan lang ang mga mata nito sa kanya.
Nagbaba siya ng tingin.
Did I piss her off by lying to her?
Darn it! Of course, he did.
He sighed and looked at Digna. “I have to go. May importante pa akong pupuntahang meeting,” pagsisinungaling niya. “My secretary will be waiting for you in the charity house tomorrow, if that’s okay?”
“Yes, of course.”
Shun smiled. “Thank you.”
Pagkatapos magpaalam, malalaki ang hakbang siyang lumabas ng restaurant. Nagmamadali rin siyang sumakay sa sasakyan. Patatakbuhin na sana niya ang sasakyan palayo sa restaurant nang makita si Them na nakaharang sa daraanan niya. Mabilis niyang pinatigil ang sasakyan.
“Fuck!”
Hindi niya kinakitaan ng takot si Themarie kahit muntik na niya itong masagasaan. Basta na lang ito naglakad papunta sa passenger seat ng Hammer niya saka sumakay roon. Nang kumportable na itong nakaupo, nagkaroon siya ng lakas ng loob na magtanong. Pagdating kasi sa babaeng ito, nakakatawa dahil naduduwag siya. Samantalang sa uri ng trabaho niya, hindi niya kilala ang kaduwagan.
“Galit ka?” tanong niya.
“Bakit naman?” balik-tanong nito habang inaayos ang seat belt.
Bumuntong-hininga si Shun. “Kasi ibang pangalan ang ibinigay ko sa `yo.”
“Ah, `yon?” Mahina itong tumawa. “Hindi ako galit. Sa club tayo nagkakilala, normal na `yon. Hindi naman talaga dapat basta-basta ibinibigay ang pangalan mo. Saka, dalawang araw pa lang tayong magkakilala. Naiintindihan ko.”
Para siyang nabunutan ng tinik. “Akala ko galit ka.”
“Wala naman akong karapatang magalit,” sabi nito nang nakangiti saka inilahad ang kamay. “Shake my hand, Mr. Shun Kim. I’m Themarie Alfonso. Nice to meet you.”
Napangiti siya sa ginawa ng babae saka tinanggap ang pakikipagkamay nito.
“I like you, Themarie,” sabi niya sa halip na “nice to meet you” ang sabihin.
Mahinang natawa ang babae. “Gusto rin kita. Paano ba `yan? Tayo na? Boyfriend na kita?”
Natigilan si Shun sa sinabi nito. “Ano?”
“Ayaw mo akong maging girlfriend?”
Hindi niya alam kung nagbibiro lang ito o ano.
“Ouch! Siguro hindi mo ako ganoon kagusto kaya ayaw mong maging boyfriend ko—”
He shut Themarie off by pressing his lips on hers. Hmm… She tasted good.
Shun wanted more of her lips. Palalalimim pa sana niya ang halikan nang idinistansiya nito ang mga labi sa mga labi niya. Hahabulin sana niya ang mga labi ng babae nang iharang nito ang kamay sa mga labi.
“May tanong muna ako.”
“What?”
“Gusto mo ako at gusto rin kita. Mag-ano na tayo ngayon?”
Napatitig siya sa babae. Hindi niya ito lubusang kilala. Baka pera lang ang habol nito sa kanya. Lagi itong humihingi ng pera bilang kapalit sa ginagawa sa kanya. Shun didn’t do relationship. And boyfriend-and-girlfriend was definitely not his thing.
Ang daming dahilan sa isip niya na sasagot sa kung mag-ano ba sila ni Themarie. Pero habang nakatingin sa mga mata nito na may kislap ng kasiyahan at kapilyahan, naging blangko ang isip niya. Nawala ang mga dahilan na iyon. All he wanted to do was to not make any negative move that would erase that twinkle of happiness in her eyes.
What is happening to me?
And then, Shun remembered his mission. Chi Wong was the leader of a big syndicate. Baka madamay si Themarie.
Nag-iwas siya ng tingin. “Let’s just be friends.”
“Sige. Kung `yan ang gusto mo.” Sumandal ito sa likod ng upuan saka ipinikit ang mga mata. “Puwede mo ba akong ihatid sa apartment ko? Inaantok pa ako, gusto ko pang matulog,” sabi ni Them. Hindi na ito nagsalita pagkatapos niyon.
Pinatakbo niya ang sasakyan. Mabilis siyang nagmaneho. Shun should be driving towards Them’s house, like what she wanted. Instead, he was driving towards his house in Bachelor’s Village.
Nakakatawa. Hindi siya madaling magtiwala sa mga tao, pero heto, dalawang araw pa lang niyang nakikilala ang babae, dadalhin na niya ito sa bahay niya.
They were friends, right?
And for a man who disliked being attached to people, he was doing a great job not letting Themarie close to him. Just great. Just freaking great.
NANG magmulat ng mga mata si Themarie, nagulat siya nang makakita ng naglalakihang bahay sa dinaraanan ng sasakyan ni Hellion—este, Shun pala.
Sa wakas, nalaman din niya ang tunay nitong pangalan. At mula pa sa babaeng kasama nitong mag-lunch na kung hindi niya ide-deny sa sarili ay pinagselosan niya.
“Hindi ito ang daan papunta sa bahay,” sabi niya. “Nasaan tayo?”
“This is the way to my house.”
Nagulat siya, pero hindi nagpahalata. “Bakit mo naman ako dadalhin sa bahay mo?”
He trusted her that much?
“Kasi gusto ko.” Ipinarada nito ang sasakyan sa harap ng isang modernong glass mansion.
Napatitig si Themarie sa magarang mansiyon na halos lahat ay gawa sa salamin. Puro fiber glass ang nagsisilbing dingding ng bahay. Even his pathway was made with black marble. Nang makarating sila sa pinto ng bahay, wala itong inilabas na susi, sa halip, isang maliit na remote control ang inilabas ng lalaki mula sa bulsa at pinindot iyon.
The door opened.
Inalalayan siya papasok ni Shun sa loob. Mas nalula pa siya sa karangyaan ng bahay. Expensive paintings and furniture. A leather sofa that cost an arm and a leg. Marble flooring, high and expensive looking ceiling. Glass walls.
Napakaganda ng loob ng bahay. Pero ang nakakuha sa atensiyon ni Themarie ay ang hagdanan ng bahay papuntang second floor. It was a black stair. But only one end was connected to the wall. Wala iyong railing. Nakadikit lang ang isang dulo niyon sa dingding at wala na. Parang nakakatakot umakyat sa hagdan, pero at the same time parang nakaka-excite rin.
Napatingin siya kay Shun na nakatayo sa tabi niya. Kung mayaman naman pala ang lalaki, bakit nagba-bartender ito sa Club Red?
“Doon ka na matulog sa kuwarto ko,” sabi nito na pumukaw sa pag-iisip niya. “Isa lang ang kuwarto sa taas kaya hindi ka mawawala. Mauna ka na.”
“Sige.” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis siyang umakyat sa hagdan habang may ngiti sa mga labi. She was excited to sleep on a very comfy bed. It had been a long time since she lay down on a very confortable bed.
Tulad ng sabi ni Shun, isa nga lang ang kuwarto sa second floor. At amoy na amoy niya ang panlalaking pabango nito sa loob ng kuwarto.
Mabilis siyang nahiga sa malambot na kama saka mahinang natawa. Ipinikit niya ang mga mata para makapagpahinga. After weeks of sleeping in that shitty apartment, finally, a very comfortable bed to sleep in.
Masaya si Themarie sa malambot na kamang kinahihigaan. Pero unti-unting nawala ang kasiyahang nararamdaman nang maalalang na-friendzone pala siya ni Shun. Gusto niyang tumawa, pero hindi niya magawa. Hindi nakakatawa ang ma-friendzone ng taong gusto mo.
She really liked Shun. Walang halong biro. Pero mas mabuti na siguro iyon. Wala rin namang patutunguhan kung sakali ang magiging relasyon nila.
Ngayon na nga lang ako nagkagusto, na-friendzone pa.