noveltoon logo noveltoon
Not In The Contract

Chapter 8

Ch. 9 / 25 Feb 09, 2022

Chapter Eight

W ALANG imik si Clarianette habang nag-aagahan kasama ni Cleevan. Panay ang dasal niya na sana dumating si Ace para may makausap siya. Pero hindi pinakinggan ang kanyang dasal.

“Where have you been last night?” all of a sudden, Cleevan asked.

Nagtaas siya ng tingin. “I’m very sure Ace already told you.”

Walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “I’ll ask you again Nett. Nasaan ka kagabi?”

Itinirik niya ang mga mata. “Nasa Royal Restaurant ako kagabi. Kasama ko si Ace.”

“Si Ace lang ba?” Puno ng pagdududa ang boses nito.

“Nope, not just Ace.” Nang-uuyam niya itong nginitian. “I was with Lance last night. We talked about a lot of things.” She sighed dreamily. “It was an amazing night.”

Cleevan abruptly stood up and left her in the table.

Natawa si Claria nang mahina sa inakto ng asawa. Mag-deny man nang mag-deny, alam niya na nagseselos ito kay Lance. Walang ibang paliwanag sa inaakto nito kundi pagseselos. Pero bakit naman magseselos si Cleevan? Unless he—

Marahas niyang ipinilig ang ulo. That was absurd. Hinding-hindi mangyayari ang nasa isip niya kani-kanina lang. Napakaimposible na magkagusto si Cleevan sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos, imbes na bumalik sa kuwarto nila, naglakad-lakad siya sa kabuuan ng bahay.

Halos sampung minuto na rin siya palakad-lakad nang dalhin ng mga paa sa isang maliit na hallway—ang dulo niyon ay isang kulay-mahogany na pinto. Out of curiosity, she walked towards the door and was about to open it when the door suddenly opened, showing Cleevan.

Namilog ang mga mata nito nang makita siya at mabilis na isinara ang pinto at ini-lock. She tried to take a peek on what was inside the room but failed. Nakaharang kasi ang matipunong katawan ni Cleevan kaya wala siyang nakita.

“Ano’ng mayroon sa loob at parang may itinatago ka?” usisa niya.

Hinablot nito ang kamay niya at hinila palayo sa kuwarto. Tumigil lang ito sa paghila sa kanya noong nasa sala na sila.

“Ano’ng mayroon sa kuwartong `yon?” usisa uli niya.

“None of your business.” He turned to leave; leaving her in confusion.

Claria took a deep breath then exhaled loudly. Hindi talaga niya maiintindihan ang ugali ng lalaking iyon.

Umupo siya sa mahabang sofa at binuksan ang TV. Kinuha niya ang remote at inilagay sa Star Movies . Nang makitang Insidious ang palabas sa TV, humilig siya sa malambot na likod ng sofa at nanood.

A minute passed by and she felt someone sit next to her. Nang tingnan kung sino iyon, nakita niya si Ace. Ibinalik niya ang tingin sa TV para manood. Wala silang imik pareho ni Ace. Focus lang sila sa pinanonood.

Pagkatapos ng palabas, narinig niya na tumawa nang mahina ang lalaki.

Bumaling siya rito. “Ano’ng nakakatawa?”

“I didn’t see you getting scared while watching the movie”

She shrugged. “I love horror films. Noon. Takot talaga, pero noong nagtagal na lagi na lang akong nanonood ng Horror, nawala na ang takot ko. Nasanay na siguro ako.” Binuntutan pa niya ng tawa ang huling sinabi.

Napailing-iling ito. “When you’re on a date and you’re watching a horror movie, sigurado akong maiinis ang ka-date mo.”

Tumawa siya nang mahina. “Yeah, nangyari nga `yon. I was in college, sophomore, when the president of the broadcasting team asked me out. He wanted us to watch a horror movie.”

“And it was a disaster?” Ace assumed.

Natawa siya nang maalala ang nangyari. “Kinda. Nahiya ako sa lakas ng tili niya.”

He laughed. “Nakakahiya nga `yon. Lalaki pa naman siya.” The he paused like he remembered something. “Speaking of which. Kailan mo na yayain ng date si Cleevan? Natalo ka sa pustahan natin, remember?”

Nalukot ang mukha niya sa ipinaalala nito. “Ace, ayoko nang maalala ang nangyari sa charity ball.”

“Okay, fine. Hindi ko na ipapaalala. Pero hindi ibig sabihin n’on na hindi mo na gagawin ang pustahan natin. At kapag hindi mo ginawa, I swear to God, hindi kita tatantanan. Ipinapangako ko sa `yo, Claria, dudugo ang tainga mo sa kakulitan ko.”

Napasimangot siya. “Do I really have to ask him out?”

“Yes.” He grinned. “You lost, remember?”

Lalong humaba ang nguso niya. “Paano kung tanggihan niya ako?”

“That would never happen.”

“Paano ka naman nakakasiguro?”

Ngumiti nang makahulugan si Ace. “Because I know Cleevan. He won’t say ‘no’ especially, if it’s you who’s asking.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano naman ang ibig sabihin n’on?”

He shrugged. “Wala.” Biglang sumeryoso ang mukha nito. “So, gagawin mo ba o hindi?”

Inirapan niya ito. “May choice?”

Nagmamartsang iniwan niya si Ace sa sala at nagpunta sa kuwarto nilang mag-asawa. Nang maabutan si Cleevan na nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, kumunot ang noo niya.

“Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong niya saka lumapit.

His head turned to her. “This is our room. I have the right to be here.”

“That’s not what I meant.” Umupo siya sa gilid ng kama at humarap dito. “Ang ibig kong sabihin, bakit narito ka? Shouldn’t you be in the office?”

Nagkibit-balikat ito. “It’s Saturday.”

“So? You should still be out there womanizing.”

Ibinalik nito ang tingin sa kisame. “Akala ko ba, hindi na ako puwedeng mambabae dahil nandiyan ka na?”

Saglit siyang natigilan. “Akala ko, hindi ka sang-ayon do’n.”

Kibit-balikat lang ang naging sagot ni Cleevan.

Naghari ang katahimikan sa buong kuwarto. Walang imik ang lalaki habang nakatingin sa kisame. Siya naman ay walang imik na nakaupo sa gilid ng kama.

Nang maalala ang pusatahan nila ni Ace na natalo siya, humarap uli siya sa lalaki. Sa pagkakataong iyon, nakapikit ang mga mata nito. Looking at him with his eyes closed, he looked so calm and peaceful. Not the Cleevan she knew who always gave orders. Kinain siya ng guilt nang maalala ang pakikipag-usap niya kay Lance.

Hindi niya alam na pumayag pala ang asawa na hindi mambababae. Kung alam lang niya, eh, di sana hindi siya nakipag-usap kay Lance kagabi. Hindi man aminin, alam niyang nasaktan siya sa pakikipag-usap ng asawa sa malanding lintang hipong iyon. Kaya nang makita si Lance, kinausap niya ang dating boyfriend. Because deep down, she knew that Ace would tell Cleevan and she was hoping that he would get hurt, too.

Bangenge talaga siya minsan.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at walang sere-seremonyang kinubabawan ang asawa. Halatang nagulat ito sa ginawa niya dahil napamulagat at umawang ang mga labi.

His stunned eyes looked at her. “What the heck are you doing?”

Nginitian lang niya ang asawa at ipinatong ang ulo sa matitipuno nitong dibdib. She could hear the erratic beat of Cleevan’s beating heart.

Bakit kaya ang bilis ng tibok ng puso nito?

Imbes na magtanong, nanahimik siya at pinakinggan ang pagtibok ng puso ng asawa. From beating rapidly to beating calmly. Ilang minuto rin ang lumipas bago kumalma ang tibok ng puso nito.

“Cleevan?” basag niya sa katahimikan.

“Hmm?”

“Would you go out on a date with me?”

Claria gasped when he suddenly rolled her over. He was now on top of her. They were so close. His face was just an inch away from her face. She could smell his minty breath and masculine scent.

“Cleevan…”

Bumaba ang tingin nito sa bahagya niyang nakaawang na mga labi. “Ask me again.”

“What?” She was in a daze.

“Ask me again,” ulit nito. “Ask me about the date again.”

“Oh.” Kumurap-kurap siya at sinalubong ang matiim na titig ng asawa. “Would you go out on a date with me?”

Parang may sinusupil na ngiti sa mga labi si Cleevan. “You’re asking me on a date?”

Claria could feel her cheeks burning. “Y-yeah…”

“Hmm. Are you blushing, Nett?”

Nag-iwas siya ng tingin. “H-hindi ah!”

He chuckled then moved his hand to pinch her cheek. “You’re cute.”

Inirapan niya ito. “Tigilan mo ako, Cleevan.”

He rested his head on her shoulder and she could feel his breath on her skin.

“Mamaya na tayo mag-date,” sabi nito. “I want to stay like this for a while.”

Ipinalibot niya ang dalawang braso sa baywang nito at niyakap nang mahigpit.

This felt wonderful. She could feel her heart beating so fast. Nag-alala siya na baka marinig ni Cleevan ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Pero agad din namang nawala ang kabang iyon nang umalis ito sa pagkakakubabaw sa kanya.

“Come on, maligo na tayo,” biglang sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya. “Ano?!”

Umalis ito sa kama. “Sabi ko, maligo na tayo.”

Malalaki pa rin ang matang nakatingin siya kay Cleevan. “As in, tayong dalawa? Magkasama sa CR?”

“Yeah,” sagot nito at tumango. “Halika na.”

Hindi siya nakagalaw sa kinahihigaan.

Maliligo siya kasama si Cleevan? Parang nakikita na niya ang mangyayari sa loob ng CR. Bigla nag-init ang katawan niya at pinagpawisan sa naiisip.

“But on second thought, mauna ka nang maligo,” bigla nitong sabi nang makita na pinagpapawisan siya. “Susunod na lang ako sa `yo.”

Mabilis siyang bumangon at nagmamadaling pumunta sa CR. Baka magbago pa ang isip ni Cleevan. Nang makapasok siya sa loob, hindi niya napigilan ang ngiting kumawala sa mga labi.

Sino ang mag-aakala na may gentleman side din naman pala ang kanyang asawa?

“ANO’NG gagawin natin dito?” naguguluhang tanong ni Cleevan kay Clarianette nang itigil nito ang sasakyan sa harap ng Star City. Hinayaan niya na ang asawa ang magmaneho dahil surpresa daw ang pupuntahan nila.

Yes, I was surprised, all right.

Hindi niya maintindihan kung bakit siya dinala nito doon. When she asked him to go on a date, ang nasa isip niya ay kumain sa isang mamahaling restaurant, shopping na kasama ito at kung ano-ano pang ginagawa ng nagde-date. Hindi niya akalain na dadalhin siya ni Clarianette sa Star City. Who would have thought?

When Clarianette stepped out of the car, so did he.

“Ano’ng gagawin natin dito?” tanong uli niya nang makalabas sila sa sasakyan.

She did not answer him. She just grabbed his hand and pulled him towards the entrance. Hihilain na naman sana siya nito nang pigilan niya .

“Nett, what are we doing here?” His voice was stern. “Umalis na tayo dito. This place is crawling with teenagers. We should be in restaurant—”

“Oh, shut it.” Humarap ito sa kanya. “I was the one who asked you to go on a date so I am the one who will choose where we’re going. Kung ayaw mo, then leave.”

He looked at Clarianette and then at the entrance of the Star City. “Ganito ba talaga ang lugar na ito, maingay?”

“Yep.” Pinagsiklop nito ang kanilang kamay at hinila siya papasok.

Tama ang hinala ni Cleevan. This place was full of teenager. And a man like him—a businessman—would be out of place here.

Bakit ba ako narito? Yeah, right. I’m here because of Nett.

Imbes na magreklamo, huminga siya nang malalim at kinumbinsi ang sarili na walang masama kung nakasuot siya ng tuxedo sa Star City. He kept on thinking that it was not that embarrassing.

Nang maramdamang hinila siya ng asawa, hinayaan niya itong hilain siya papunta sa kung saan nito gustong pumunta.

“Saan mo ba ako dadalhin?” naiiritang tanong niya nang hindi tumigil ang asawa sa paghila sa kanya.

“Just wait. You’ll love it,” sabi nito na hindi tumitigil sa paghila sa kanya.

Then a moment later, Clarianette stopped pulling her. Nang tingnan niya kung nasaan sila, halos malaglag ang kanyang panga.

“No.” Umatras siya. “You’re not actually thinking of riding that … that thing!”

She looked at him and grinned. “Come on, Cleevan. It’s going to be fun.” She was visibly excited. “Hindi mo pa ba nararanasang sumakay sa bumper car? Ang saya kaya!”

Bago pa siya makapag-react, nakita niyang lumapit ang asawa sa nagbebenta ng ticket para makasakay sila sa bumper car at bumili. Marin niyang ipinikit ang mga mata at nilapitan ang babae.

“Hindi ako sasakay diyan!” mariin niyang sabi.

Sumimangot si Claria. “Ha? Bakit naman?” Then he gave her a puppy-dog eyes. “Please, I really want to ride a bumper car.”

While looking at her puppy-dog eyes, he kept on telling himself, Don’t fall for that! Don’t you dare fall for that puppy eyes! Don’t! “Fine, I’ll do it.”

Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa pagpayag. Pero nang makita ang masayang mukha ng asawa, napagdesisyunan niya na mamaya na lang kukutusan ang sarili kapag napahiya.

Hinila na naman siya ni Nett papunta sa lalaki na nagkokolekta ng ticket para sa mga sasakay sa bumper car.

“Here’s our ticket,” masayang sabi ni Clarianette at ibinigay ang mga ticket sa lalaki.

Pinasadahan sila nito ng tingin bago tinanggap ang ticket. The kind of look that said, Aren’t they too old to ride a bumper car?

Hindi niya pinansin ang lalaki at hinawakan ang kamay ng asawa.

Nakakahiya talaga ang gagawin nila. Pero para naman kaya niyang tanggihan ang babaeng iyon. Nakakainis mang aminin, pero kaya niyang mapahiya para lang mapasaya ang babaeng kasama.

Pero ngayon lang iyon mangyayari! Hinding-hindi na iyon mauulit!

Cleevan could feel his nape and face burning as he rode the bumper car. Pero si Clarianette, mukhang hindi nakakaramdam ng hiya dahil wagas ang ngiti habang tinuturuan ng isang operator kung paano pagalawin ang maliit na sasakyan.

He could not even move a muscle. This bumper car was a very small contraption and he cursed every time he tried to move but could not. Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili. He was still calming himself when he felt someone bump his car. Nang tingnan kung sino iyon, nakita niya ang nakangising babae na dahilan kung bakit nakasakay siya sa maliit na sasakyang iyon!

“Why did you bump my car?” inis na tanong niya. Alam niya na hindi maipinta ang mukha habang nakatingin dito.

She just laughed at her irritated face. “Because I have to. You know, Cleevan, that is the reason this is called bumper car,” pagbibigay-alam nito at binunggo na naman ang kanyang sasakyan.

Naningkit ang mga mata na tinitigan niya si Clarianette. Reason pala, ha?

Hinawakan niya ang maliit na manibela ng sasakyan at kinabig iyon para bungguin ang sasayan ng asawa.

He smirked when her car slightly shook.

She glared at him. “Bakit mo binangga ang sasakyan ko?” galit na tanong nito na ikinakunot ng noo niya.

“So, okay lang na banggain mo ako. Pero hindi okay na banggain kita?” Hindi siya makapaniwala sa babae. “Now, where is the justice?”

“Justice-sin mo ang mukha mo!” She then bumped her car then drove to get away from him.

“Ahh… so, gusto mo pala ng habulan, ha?” Nakangising hinabol niya ito na medyo malayo na sa kanya.

Cleevan cursed loudly when a bumper car blocked his way and he accidentally bumped it. It was a kid who was driving the car.

“You bumped my car!” The kid whined.

He cringed. “So? This is called a bumper car for a reason.”

“But you’re old,” the kid said.

He heaved a deep sigh. “So? Is there a sign here saying I could not ride because I’m old?”

Pinukol siya ng masamang tingin ng bata at binunggo ang sasakyan niya nang ilang beses. Imbes na patulan who was chuckling, he maneuvered the car towards Claria.

“Why are you laughing?” asik niya.

“Nakakatawa ka.” Tumawa ito nang malakas. “Pati bata, pinalasap mo sa kasungitan mo.”

Cleevan rolled his eyes. “`Buti nga, hindi ko binunggo ang sasakyan niya, eh.”

Tumatawa pa rin ang asawa habang nagsasalita. “Pero nakakatawa ang sinabi niya tungkol sa pagiging matanda mo.”

Tiningnan niya ito nang masama. “Kapag hindi ka tumigil sa kakatawa diyan, hahalikan kita.” Pagbabanta niya.

Tumigil naman ang asawa at inirapan siya. “Hmp! Diyan ka na nga.” Then, she maneuvered her car away from him.

Sa loob ng treinta minuto, walang ginawa si Cleevan kundi habulin si Claria. Panay pa rin ang tawa nito tuwing nakakabunggo siya ng bata. Sa totoo lang, nakakahiya ang pinaggagagawa niya. Pinagtitinginan kasi siya ng mga tao. He was pretty sure that the people staring at him were thinking the same thing.

What the in the world is that old dude doing riding a bumper car? And he is wearing a freaking tux.

A moment later, Claria decided to stop and he was the happiest man alive.

“That was fun!” nakangiting sigaw nito na ikinalukot ng mukha niya.

“Ano naman ang masaya sa ride na `yon? Nakakahiya `kamo!”

Tinawanan lang siya ng asawa at ipinalibot ang braso sa kanyang braso. “Come on, let’s go buy something to eat.”

Of course, nagpahila na naman siya kay Clarianette.

He did not like it when someone was tugging him. But if it was his wife who was tugging at him, then it was cool.