Chapter Ten
C LARIA was busy watching Project Runway in the master’s bedroom when Cleevan sat beside her on the bed. Binalingan niya ang asawa. Nakatutok ang mga mata nito sa TV.
Ano naman kaya ang ginagawa niya dito?
Akala niya, nasa trabaho si Cleevan dahil Lunes ngayon. Nagising kasi siya na wala ito sa tabi niya. Wala rin noong nag-agahan siya.
Ibinalik niya ang atensiyon sa TV. “Ano’ng ginagawa mo dito?” hindi niya napigilang mag-usisa. “Shouldn’t you be in the office? It’s Monday.”
“I have something important to do,” sagot nito.
“Oh. Saan naman?” she asked in a nonchalant voice. But the truth is, she really wanted to know where he’s going. Baka sa babae ito pupunta.
Sa halip na sagutin ang tanong, inagaw ni Cleevan ang remote control na hawak niya at pinatay ang TV.
“Why did you do that?” Tiningnan niya ito nang masama. “I love that show.”
Sinubukan niyang agawin ang remote control pero hindi siya nagtagumpay. “Ano ba?! Cleevan, give me that remote!” naiinis na sigaw niya.
Instead of giving her the remote, Che threw it away. Nagkapira-piraso ang remote control. “I have something to tell you. So, can you please shut up?”
Humalukipkip siya. “Kailangan bang itapon mo pa ang remote? Can’t you say it without throwing the remote away?” Inirapan niya ang asawa at pinagkrus ang dalawang braso sa harap ng dibdib .
Nakakainis talagang si Cleevan. Inaabangan pa naman niya ang show na iyon. Puwede naman niyang buksan uli ang TV. Pero alam niya na papatayin din nito iyon.
“Are you mad?” tanong nito mayamaya.
“Pakialam mo naman!” sikmat niya. “Nakakainis ka, alam mo ba `yon? Bakit ba hindi ka na lang pumasok sa opisina mo? Akala ko pa naman, hindi kita makikita sa araw na `to.”
“Ayaw mo akong makita?”
She heard a pain in his voice but she discarded it. Guni-guni lang niya iyon. “Ayokong makita ka. Kaya puwede ba? Umalis ka na,” sa halip ay pagtataboy niya.
“Ayoko nga. Sasamahan mo ako.”
“Sasamahan kita?” Nakataas ang isang kilay na tumingin siya rito na parang nag-uuri. “Saan naman?” Naguhuluhan talaga siya sa lalaking ito. “Saan ka ba pupunta at kailangan pa na kasama ako?”
“Basta. Maligo ka na,” utos nito na parang isa itong hari.
Nakakainis!
Humalukipkip siya. “Ayoko. Sabihin mo muna sa akin kung saan ka pupunta at kailangan pa kitang samahan.”
Bumuntong-hininga si Cleevan. “May bibilhan akong regalo at kailangan ko ang suggestion ng isang babae. `Di ba, babae ka naman? Pero puwede ka namang hindi sumama,” kibit-balikat na sabi nito. “Pero wala akong pagpipilian kundi magsama ng ibang babae.”
Naningkit ang mga mata niya. Pakiramdam kasi niya ay bina-blackmail siya nito. “Are you blackmailing me?”
Cleevan smiled innocently. “Bahala kung ano’ng isipin mo. Basta tumayo ka na diyan at maligo. You’re wasting my time.”
She glared at him. “If I am wasting your time, then leave.”
He sighed. “Just take a bath. You’re coming with me whether you like it or not. At kapag hindi ka pa nakaligo after ten minutes, hihilain kita sa kotse at wala akong pakialam kung mukha kang bruha, basta sasama ka,” mariin nitong sabi.
Umingos siya. “What happened to I can bring other woman? Eh di, magsama ka ng ibang babae. I don’t really give a shit.”
“Whatever.” He narrowed his eyes on her. “Take a bath or I’m taking you to where I’m going looking like shit.”
Lumabas ito ng kuwarto na hindi hinintay ang sagot niya.
Ayaw sumama ni Claria. Pero hindi niya hahayaan na may isama si Cleevan na ibang babae. Over her dead body! Letseng buhay ito!
Nakasimangot na pumunta siya sa CR at naligo. Nakakainis talaga ang lalaking iyon. Napaka-bossy. Pakiramdam siguro ay palagi itong tama. Hmp! Ang sarap iumpog ang ulo sa pader ang walanghiya. Nakakainis! Urgh!
Pero kahit naiinis sa asawa, may pakiramdam sa loob niya na kakaiba. At kahit galit, isa lang ang alam niya, ang bilis ng tibok ng kanyang puso kapag malapit ito sa kanya.
Kailangan niyang rendahan ang puso. Parang alam kasi niya kung saan papunta ang malakas na pagtibok niyon.
HABANG nasa biyahe papunta sa kung saan man balak dalhin ng asawa, walang imik si Claria. Ganoon din naman si Cleevan.
Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin nito. Panay ang isip niya kung saan pero walang pumapasok sa isip.
Nang tumigil ang sasakyan sa labas ng Pacific Jewelry, napakunot-noo siya. “Ano’ng gagawin natin dito?” naguguluhang tanong niya.
Pinatay ni Cleevan ang sasakyan at binalingan siya. “May bibilhin ako dito.”
Lalong kumunot ang kanyang noo. “Ito ba `yong tulong ko bilang isang babae ang tinutukoy mo?” Sumama bigla ang pakiramdam niya. “Kung dinala mo ako dito para pumili ng ireregalo sa mga babae mo, spare me. Ayoko.” Humalukipkip siya.
He sighed. “Puwede ba? Huwag kang mag-inarte diyan. Nandito na tayo.”
Lumabas na ang lalaki sa sasakyan at pumasok sa Pacific Jewelry. Iniwan siya ng dumuho!
Nanggagalaiti na lumabas si Claria sa sasakyan at sinundan si Cleevan. Pagkapasok sa Pacific Jewelry, nakita niya ang lalaki na nakatingin sa naggagandahang hikaw at kuwintas. Inirapan niya ito nang magawi ang tingin sa kanya. Ang dumuho, hindi siya pinansin!
Sa sobrang inis, hindi niya nilapitan ang asawa.
Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng jewelry store. Her eyes settled on the set of rings on her right. She walked towards the glass full of rings; one particular ring caught her eyes. It had a heart-shaped sapphire blue stone. It was so beautiful that she could not take her eyes off it. Parang inaakit siya niyon na bilhin pero wala naman siyang perang pambili. Oo, may savings siya pero hindi niya iyon gagalawin. For emergency lang ang inipon niyang pera.
“What are you looking at?” tanong ni Cleevan mula sa likuran niya.
Mabilis siyang iniwas ang tingin at hinarap ang asawa. “Wala naman.” She looked passed him. “Anyway, nakahanap ka na ng ireregalo mo sa babae mo?”
Habang nagtatanong, pasama nang pasama ang pakiramdam niya. Parang gusto niyang sabunutan ang babaeng reregaluhan nito.
“Yeah,” he answered with ease. “But I still need your opinion.”
Claria rolled her eyes. “Nasaan ba ang napili mo at nang makita ko?”
Hinawakan siya nito sa braso at iginiya papunta sa glass cabinet na puno ng necklace.
Cleevan smiled at the woman behind the glass. “This necklace, please,” sabi nito at itinuro ang kuwintas na may-kulay pulang pendant.
“Ang pangit,” komento niya.
Tumingin ang lalaki sa kanya. “Pangit `yan sa paningin mo?”
She nodded. “Yes.”
“I beg your pardon, Ma’am?” sabad ng saleslady. “This necklace came from Russia. It has a red diamond—”
“I don’t care,” she said cutting off what the woman was saying “I don’t like it.”
Inisa-isa niyang tingnan ang mga kuwintas na naroon. A second later, a simple necklace caught her eyes. It had no pendant but for her, it suited her taste. Hindi niya alam kung bakit kapag bumibili siya ng kuwintas, palaging wala iyong pendant. Personalized kasi ang mga pendant niya.
Itinuro niya ang kuwintas na napili. “`Yon ang gusto ko.”
“Sigurado ka?” tanong niya Cleevan pagkatapos tingnan ang nagustuhan niyang necklace.
She shrugged. “`Yon ang gusto ko. Ewan ko lang sa babaeng pagbibigyan mo kung magugustuhan niya `yon. Women have different taste in jewelry.”
“Bakit naman `yon pa?” Bakas sa boses ni Cleevan na naguguluhan sa pinili niya. “Napakasimple ng kuwintas na `yan. Wala ngang pendant, eh. It could be mistaken as a bracelet or something.”
Nagkibit-balikat uli siya. “`Yon ang gusto ko, eh. Naniniwala kasi ako na ang pendant dapat personalized. Magpagawa ka ng pendant na babagay sa pagbibigyan mo. But that’s just my opinion. Bahala ka kung `yan ang pipiliin mo.” Tumalikod siya at naglakad palabas ng Pacific Jewelry.
Sumakay siya sa sasakyan at nagdesisyon na doon na lang hihintayin ang lalaki. Naiinis siyang pumili ng kung ano-anong kuwintas kung alam naman niya na sa babae iyon ni Cleevan ibibigay. Kainis!
Pero bakit ba ako naiinis? Wala naman akong karapatang mainis.
Ilang minuto pa ang hinintay niya bago lumabas si Cleevan ng Pacific Jewelry. May dala-dala itong maliit na paper bag na ang hula niya ay naglalaman ng biniling kuwintas.
“Bakit ang tagal mo?” tanong niya nang makasakay ang asawa sa kotse.
He shrugged then put the small paper bag in the small compartment.
Her eyes stared at the small compartment. “Ano’ng binili mo?” Curious siya kung binili ni Cleevan ang kanyang pinili.
“None of your concern,” sagot nito at binuhay ang makina ng kotse.
NAG-ISANG linya ang mga kilay ni Claria nang tumigil ang sasakyan ni Cleevan sa harap ng building ng Sudalgo Corporation.
“Ano’ng ginagawa natin dito?” tanong niya.
Sa halip na sagutin siya, lumabas ito ng sasakyan at umikot para pagbuksan siya ng pinto.
“Ano’ng ginagawa natin dito?” ulit na tanong niya.
She knew that Cleevan was the CEO of Sudalgo Corporation. But what were they doing here?
Hindi siya sinagot ng asawa. Sa halip, pinagsiklop nito ang mga kamay nila at marahan siyang hinila papasok sa building.
Mabilis na tumibok ang puso niya nang magtagpo ang kanilang kamay. Nakakainis ang epekto ng lalaking ito sa kanya.
Pagpasok sa building, lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila—lalo na sa magkahawak nilang kamay ni Cleevan. Murmurs and whispers erupted like a flame. She tried to pry her hand from Cleevan’s hold but he just tightened his hold on her.
“Cleevan, ano ba?!” she half whispered, half shouted. “Bitiwan mo ako. Pinagtitinginan nila tayo, oh.” She was so bothered by their stares.
“I don’t care,” sagot nito at hinila siya papunta sa gitna ng lobby. “Everybody!” he shouted to get everyone’s attention in the lobby.
In just a matter of second, all eyes were on them. The whispers and murmurs disappeared. The lobby was silent—waiting for Cleevan’s next words.
“Everyone,” he began, “I want you to meet my wife, Clarianette Honey Sudalgo.”
Nanigas si Claria sa kinatatayuan. She never expected Cleevan to announce it to everyone. Ano ba ang iniisip ng asawa? Ayaw nga niyang malaman ng iba na asawa siya nito. Pero heto at pinagsisigawan pa ni Cleevan ang bagay na iyon.
Pagkalipas ng ilang segundo na nakatayo lang siya, hinila na siya ng asawa papunta sa elevator.
Nang makasakay sa elevator, wala siyang imik. Hindi siya makapagsalita. Paulit-ulit pa rin kasi na nagre-replay sa isip ang ini-announce ni Cleevan sa lobby kanina.
“Whats wrong?” kunot-noong tanong nito nang mapansing wala siyang imik.
“Bakit mo ginawa `yon?” She was visibly worried. “Dahil sa ginawa mo, magtatanong sila kung kailan mo ako naging asawa. At kapag nalaman nila na pitong taon na tayong kasal, pagtatawanan nila ako.”
“Why would they laugh at you?”
“Don’t you understand?” She looked at Cleevan with accusing eyes. “You have other women, Cleevan, and it will come out as if you cheated on me and I’m a fool.”
“`Yon lang ang rason mo kaya ka mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa?” Tumawa nang pagak ang lalaki. “And here I am feeling happy because I told my employees about you … about us.” Huminga ito nang malalim at matiim na tumingin sa mga mata niya. “You know what, Nett, maybe you should ask around before you accuse me of cheating you fooling you.”
“Why would I ask around? Alam ko naman na marami kang babae. I don’t need to ask around to know that. And I’m sorry if I am judging you.” Sarcasm was visible on her voice. “I am judging you based on what I saw.”
“Oh?” Inisang hakbang nito ang pagitan nila. His jaw tightened as he looked at her with angry eyes. “Based on what you saw? Bakit? Nakita mo na bang nakikipaghalikan ako sa ibang babae? I probably went out on date a couple of times with different women, but it doesn’t mean that I kissed and fucked them. Because as far as I know, I haven’t fucked a woman since I signed that freaking marriage contract.” Umiling-iling ito. “I know you hate me, Nett. I know that you hate me for taking advantage of your family’s situation by asking you to marry me. I accept and understand that because it was really my fault. But I have never cheated on you. If you dont believe me, then don’t. I’m not forcing you to believe me. Because I know, my conscience is clean.”
Bumukas ang elevator at naunang lumabas si Cleevan. Naiwan naman siyang nakatulala sa loob ng elevator.
Hindi niya alam kung paniniwalaan ang sinabi nito. What if he just made that up? But what if it was true? Naguguluhan siya.
She stepped out of the elevator, feeling confused and bothered.
“Are you okay?”
Nag-angat siya ng tingin sa nagsalita sa harap niya.
It was Cleevan.
“Why wouldn’t I be?” balik-tanong niya.
He gave out a force smile. “`You want to go home? You look pale.”
“No.” Nilampasan niya ito. “I’m sure, may rason kung bakit dinala mo ako dito bukod sa ipagsigawan na asawa mo ako. So, kung ano man `yon, let’s do it.”
“I brought you here for you to see where I work,” sagot ng asawa mula sa likuran niya.
She exhaled loudly, annoyed. Hinarap niya ang lalaki. “Does it matter if I know where you work—”
“It matters to me.”
Her eyes widened at what she heard. “What?”
“Nothing.” His voice was stern. “Let’s go. Uuwi na tayo.”
Nauna itong maglakad papunta sa elevator. Wala siyang imik na sumunod.
Habang nakasakay sa elevator, gulong-gulo ang isip ni Claria. Ano ba ang paniniwalaan niya? Si Cleevan o ang isinisigaw ng isip na nagsisinungaling lang ang asawa?
Naguguluhan na siya.
But if she would ask her heart who and what to believe—it was shouting Cleevan’s name.