Chapter Nineteen
N ANG makarating sa bahay ng mga magulang, pumasok si Claria sa loob ng bahay nang hindi kumakatok. Mag-uumpisa na sana siyang hanapin ang mga ito nnag makita ang kanyang mommy na naka-formal dress at pababa ng hagdan.
“Mommy, can we talk?” tanong niya nang makababa ito sa hagdan.
Mukhang nagulat ang mommy nang makita siya. “Claria?! Ano’ng ginagawa mo dito? Shouldn’t you be with Cleevan?”
“I need to talk to you,” seryosong sabi niya. “Nasaan si Dad? Nakaalis na ba siya?”
“Nandito pa ako, princess”, sagot ng daddy niya mula sa taas ng hagdan. “Ano’ng pag-uusapan natin?”
Claria took a deep breath before saying, “I need to talk to you about Cleevan’s secret. May alam ba kayo? Kung mayroon man, please tell me. I really need to know.”
Nakitang niya na natigilan ang mga magulang at nagkatinginan. Sa uri pa lang ng pagtitinginan, alam na niya na may alam ang mga ito.
“Alam ko na may alam kayo. So, please lang, sabihin n`yo sa akin,” nagmamakaawa na ang boses niya. “My marriage with Cleevan is in turmoil right now because of that secret his brother was talking about. Okay na kami, eh. Masaya na kami. Until Ace mentioned about a secret and Cleevan just went back to being cold and—”
“Si Ace?” Bumukas ang gulat sa mukha ng mommy niya. “Ano’ng sinabi niya sa`yo? He promised he wouldn’t tell a soul about it!” Nanggagalaiti ito.
Lalong kumunot ang kanyang noo. “So, may alam nga kayo tungkol sa sekreto na sinasabi ni Ace sa akin. And he even said that the secret has something to do with me.” Tumawa siya nang pagak. “Please, Mommy, Daddy, have pity on me.” Tear escaped from her eyes. “For once, iparamdam n’yo naman sa akin na anak n’yo ako at nag-aalala kayo para sa akin. Dahil mula nang magkamalay ako, wala kayong ibang inasikaso kundi ang kompanya at ang mga sarili n’yo. Ang tanging gusto ko lang naman ay ang malaman ang dahilan kung bakit umaakto ng ganoon ang asawa ko. I just want to be happy with Cleevan, but this secret is hindering that. Can you please tell me so I could do something to make my Cleevan happy again?”
Nawalan ng imik ang kanyang mommy at nag-iwas ng tingin.
She gritted her teeth. “Kung tutuusin, wala kayong karapatang maglihim sa akin. Kasi lahat ng gusto n’yo, ginawa ko. Lahat ng nakabubuti sa pamilya natin, ginawa ko. Noong sabihin n’yo na magpakasal ako para maisalba ang pamilya natin, nagpakasal ako kahit labag `yon sa kalooban ko.
“Ngayon, masaya na ako sa piling ni Cleevan. Siguro naman, sapat na ang nagawa ko para ipaalam n’yo sa akin ang sekreto na `yan. Kasi ang sekreto na `yan ang sumisira sa pagsasama namin ni Cleevan. So please, I’m begging you. Tell me.”
“Princess—”
“No!” pigil ng mommy niya sa iba pang sasabihin ng kanyang daddy. “Hindi natin puwedeng sabihin sa kanya. We have a deal with Cleevan! Kapag sinabi natin sa kanya, Cleevan will be mad. Baka bawiin niya ang lahat nang ibinigay niya sa atin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka. Hindi ko kakayanin.”
Napatiim-bagang ang daddy ni Claria at tumalim ang mga mata na tumingin sa mommy niya. “Paano naman ang anak natin? Tama na ang mga sekreto. Hindi ka ba naawa sa anak natin? Kung totoong masaya na siya sa piling ni Cleevan, walang magiging problema. Nakikita kong mahal na niya si Cleevan, sa tingin ko naman sapat na `yon. Sapat na `yon para maintindihan at mapatawad niya ang asawa niya.”
Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga magulang niya. “What are you two talking about?”
Her mother looked guarded and she seemed cautious about something. Her father, on the other hand, looked annoyed at her mother.
“Hindi natin sasabihin—”
“Tama na,” putol ng daddy niya sa iba pang sasabihin ng kanyang mommy. “Kung ayaw mong sabihin, ako ang magsasabi.”
Hinawakan si Claria ng ana sa kamay at hinila palabas ng bahay. Her mother was calling her father to stop but her father continued walking. Mas binilisan pa nito ang paglalakad.
“Sa labas tayo mag-uusap,” sabi ng daddy niya nang makasakay sila sa sasakyan nito.
NATAGPUAN ni Claria ang sarili na nakaupo sa isang café na hindi matao at sumisipsip ng choco latte. Kaharap niya ang ama na sumisimsim naman ng kape.
“Dad, I don’t have much time,” simula niya nang naghari ang katahimikan sa kanila. “Kailangan ko nang umuwi sa bahay, kasi baka hanapin ako ni Cleevan. Magagalit iyon kapag nalaman na hindi pa ako umuuwi. Malapit nang mag-lunch.”
Tumango-tango ang daddy niya at tipid na ngumiti. “Did you know that Cleevan has always been in love with you?”
She nodded with a smile. Her heart was swelling in happiness. “Yes, he told me.”
“Ah.” Her father chuckled. “If that is so, sinabi rin ba niya sa `yo na ginawa niya ang lahat para maging pag-aari ka niya?”
Tumango uli siya. “Oo. He told me about taking advantage of your situation and forcing you to force me to marry him—”
“That’s not what happened, princess,” sansala nito sa iba pa niyang sasabihin.
Natigilan siya at napatingin dito. “What? Anong hindi? Si Cleevan mismo ang nagkuwento niyan sa akin. He told me himself. Bakit naman siya magsisinungaling sa akin?” Binuntutan pa niya iyon ng mahinang tawa.
Humugot ng isang malalim na hininga ang kanyang daddy at hinawakan ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa at pinisil iyon. “Makinig kang mabuti dahil hindi ko na uulitin ito. Sasabihin ko ito sa `yo dahil anak kita at may karapatan kang malaman ang totoo.” He took a very deep breath before talking. “After Cleevan’s parents died in a plane crash, we kind of lost touch with Cleevan and his brother. Naging busy kami sa aming negosyo at nawala sa isip namin na may naiwan palang mga anak ang pumanaw na matalik naming kaibigan ng mommy mo. Nagkaroon lang uli kami ng komunikasyon nang mag-umpisa nang bumagsak ang kompanya natin. It was embarassing, but when our company started to sink, I sought for Cleevan’s help and he did help us. Pinautang niya kami ng sampung milyon para makabangong muli. Pero hindi nagtagal ang sampung milyong iyon. Hindi nga tumagal nang dalawang taon. Muli kong hiniling ang tulong ni Cleevan pero sa pagkakataong iyon, hindi na niya kami tinulungan. Sabi niya, sapat na daw ang sampung milyon na naitulong niya. Hindi namin alam ng mommy mo ang gagawin. We left Cleevan’s office with sadeness . Akala namin, wala nang pag-asa. Hanggang isang araw, bumisita si Cleevan sa bahay. Wala ka sa bahay noon, lumabas ka kasama ang boyfriend mo. That day, Cleevan offered us a deal.”
“What deal?” She wanted to know, badly. Alam niya na naroon sa deal na iyon ang sekreto na tinutukoy ni Ace.
“He offered to buy you.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Bibilhin niya ako?”
“Yes. Fifty million cash and a real estate company. Bukod pa do’n, papalaguin uli niya ang kompanya natin. Lahat ng iyon, ikaw ang kapalit. You will be his for as long he wants.”
“You can decline that offer,” sabi niya na nanunubig ang mga mata. “Pero ipinagbili n’yo ako sa kanya.”
“No, princess!” Inilapit ng daddy niya ang upuan nito malapit sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya na nanginginig. “We didn’t accept his offer. We love you too much to sell you. Cleevan was so angry at us for not accepting. That’s why he threatened to bring us down until were eating dirt. Nangako siya na hindi siya titigil hangga’t hindi niya tayo nakikitang gumagapang sa lupa na parang mga uod. Akala namin, hindi niya totohanin ang banta niya. Pero doon kami nagkamali. He let all the bank knew that we were broke. Walang nagpautang sa amin. The company closed and everything just sank. Hindi namin masabi sa `yo kasi nabuhay ka sa karangyaan at ayaw naming problemahin mo ang nangyayari. And then one day, your mom and I decided to leave Manila to start over at sasabihin na sana namin sa `yo ang totoo nang may dumating na subpoena sa amin. In the subpoena, it was stated that Cleevan Sudlaga was suing us for not paying our debt worth ten million pesos.”
Nasapo niya ang bibig sa gulat. “No, Cleevan would not do that—”
“He did and you know what’s worse? It’s when no lawyer wanted to help us. Wala kaming perang pambayad kaya naman hindi nakapagtataka na natalo kami. Remember that time when I wasn’t home for two weeks and your mom said that I was in Los Angeles doing business?”
She nodded.
“I was in jail that time.”
Hindi makagalaw si Claria. How could Cleevan do this to her family? Paano iyon nagawa ng lalaking mahal niya at mahal din siya? She wanted to shout at her father that it was not true. That it was all just a lie. But she could see in his father’s eyes that he was telling the truth.
“Paano ka nakalaya?” nangangatal ang boses na tanong niya.
“Your mom was so desperate to get me out of there that she accepted Cleevan’s offer.”
Parang nanghihina na napasandal siya sa likod ng upuan. Hindi niya namamalayang namamalisbis na pala ang luha habang nagkukuwento ang daddy niya.
“I can’t believe this.” Nanginginig ang boses niya dahil sa pag-iyak. “I can’t believe Cleevan can be this cold-hearted.”
“He did those for you. Gustong-gusto ka talagang makasama ng batang `yon. Lahat ay gagawin niya, makasama ka lang,” sabi nito na parang ipinagtatanggol pa ang lalaki.
Hindi makapaniwalang tumingin siya sa ama. “Dad, he put you in prison! Pinagtatakpan n’yo pa siya? Ayos lang sa akin kung ginipit niya kayo o kung binili niya ako. Pero ang ipakulong kayo? That’s not okay! I can’t accept that.” Walang ingay siyang napahagulhol.
All this time, nagalit siya sa mga magulang dahil sa pagpipilit ng mga ito na ipakasal siya kay Cleevan. Iyon pala, ang lalaki ang may kasalanan ng lahat!
Nagpupuyos sa galit na tumayo si Claria at mabilis na lumabas ng café. Narinig niyang tinawag ng daddy niya ang kanyang pangalan pero hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy siyang naglakad at nang makakita ang paparating na taxi, pinara iyon at nagpahatid sa Sudalgo Corporation kung saan naroon ang kinamumuhiang asawa.
NASA gitna ng pagbabasa ng mga report para sa buwang iyon si Cleevan nang tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan kung sino ang tumatawag, may kakaiba siyang kaba na naramdaman nang makitang ang ama iyon ni Clarianette.
Pagkalipas ng ilang segundo sinagot niya ang tawag. “Hello? What can I do for you?” sagot niya sa pormal na boses.
“Cleevan, I’m sorry.” Puno ng pagsisisi ang boses nito. “I know you’ll be mad but Clarianette deserves to know the truth.”
Truth…
Nanlaki ang mga mata niya nang maintindihan ang ibig sabihin ng matandang lalaki. Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair at pinakalma ang sarili na binabalot na ng kaba at takot. Kaba sa magiging reaksiyon ni Clarianette at takot na baka iwan siya nito.
He took a deep breath to calm every nerve in his body. “What did you tell her?”
“Everything.”
Everything! Fuck!
Cleevan paced back and forth in his office. He did not know what to do. “Galit ba siya? Is she going to leave me?” His voice cracked. “I can’t live without your daughter. I’ll wither and die if she ever leaves me.”
“I know that, but she’s really mad right now. Sa tingin ko, pupuntahan ka niya. Ihanda mo na ang sarili mo at siguruhin mong hindi magkikita si Clarianette at ang kapatid mo. Dahil kapag sinabi ng kapatid mo ang isa mo pang sekreto, talagang iiwan ka na ng anak ko.” Pagkasabi niyon ay nawala ang kausap sa kabilang linya.
Napasandal siya sa gilid ng mesa habang hinahanap sa isip kung ano ang gagawin kapag nakaharap si Clarianette.
Bahagyan siyang napaigtad nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. He pressed his lips together when he saw Clarianette. Her eyes were red and pluffy and it held no emotion whatsoever.
He took a step towads her. “Nett—”
“Don’t come near me!” she shouted in pure anger. “Paano mo nagawa iyon sa pamilya ko? How can you fucking do that to my father?!”
“Nett—”
“Shut up! Ayokong marinig ang paliwanag mo. Sapat na ang mga nalaman ko mula kay Daddy. I just came here to tell you that I want an annulment.” Hilam na sa luha ang mga mata nito. “I don’t want to be with a heartless monster like you!” Pagkasabi niyon ay patakbo itong umalis.
Nanghihinang napasalampak siya sa sahig na ang likod ay nakasandal sa gilid ng mesa. He felt hopeless while sitting there. Sinapo niya ang ulo at napatungo sa sahig.
A lone tear rolled down his cheek. “Ano na’ng gagawin ko ngayon?”