Chapter Twenty-Three
“C LEEVAN, where the hell are you taking me?” Nakakunot-noong tanong ni Claria nang makarating sila sa rooftop ng Sudalgo Corporation.
“It’s a secret.” Iyon lang ang tanging sagot nito.
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng kayang noo nang makita na may helicopter sa helipad ng rooftop.
“Seriously, Cleevan, saan mo ba ako balak dalhin?”
Cleevan just smiled at her and helped her hop inside to the helicopter. Nang makasakay siya, ang lalaki naman ang sumakay at may isinuot na helmet para sa kanya. Ganoon din ang ginawa nito, nagsuot din ng helmet.
“Anong—”
“Can you hear me?”
Napaigtad siya nang marinig ang boses ni Cleevan sa loob ng helmet.
“What the...”
“There’s a microphone and speaker inside the helmet. So we could talk while the helicopter is moving,” paliwanag nito.
Pinagsiklop ni Claria ang kanilang kamay nang maramdaman na gumalaw ang helicopter na sinasakyan nila.
“Where are we going?” tanong niya nang nasa himpapawid na sila.
“To Baguio,” simpleng sagot nito at pinisil ang kamay niya. “I want to show you something.”
Hindi na siya umimik at tumingin na lang sa labas ng helicopter. Napangiti siya nang makitang lumiliit na ang mga building sa ibaba pati na rin ang mga tao.
“Wow. It’s cool,” she said under her breath.
He chuckled. “Yeah. Beautiful.”
Lumingon siya sa lalaki at nginitian ito. “I love you.”
“I love you more, Nett.”
Wala silang imik habang nasa biyahe. Pagkalipas ng mahabang minuto, nakarating din sila sa Baguio.
“Okay. We’re here.”
“Bababa ba tayo?” tanong niya.
“Later,” sagot nito na may kakaibang ngiti sa mga labi.
Hindi niya iyon pinansin at tumingin sa ibaba. Napakunot-noo siya nang mapansin na nasa ibaba nila ang Burnham Park. At kung tama ang nakikita, papalapit sila sa sasakayan ng swan boat.
Ibinalik niya ang atensiyon sa binata. “I think we’re in Burnham Park,” sabi niya na nakangiti. “Sasakay uli tayo sa swan boat?” excited na tanong niya.
“Later.” He then, smiled. “Look down at the lake, Nett,” sagot nito.
Sinunod niya ang sinabi ni Cleevan. Nanlaki ang nga mata niya nang makita ang nasa lake. Her heart swelled in happiness as she looked at the lake where swan boats were used to create those four words, which made her heart soar in the sky.
Will you marry me?
Hindi napigilan ni Claria ang luhang kumawala sa mga mata. Those were tears of joy. Since they got back together, she had wondered when he was going to ask her that question.
She hoped that he would propose but she never expect.
“Well?” pukaw ni Cleevan. “Will you marry me? If it’s a ‘yes,’ then we’re going down. But if it’s a ‘no,’ then, we’ll go back to Manila.”
She smiled with tears in her eyes. “The answer is yes,” sagot niya at hinubad ang helmet na suot.
Sinunod niya ang suot na helmet ng lalaki at siniil ito ng mainit na halik sa mga labi.
Cleevan was grinning happily when they pulled away from the kiss. He signaled the pilot to land the helicopter.
Nang lumapag ang helicopter, mabilis silang lumabas. Hawak-hawak nito ang kamay niya habang naglalakad sila palayo sa helicopter. Nang makalayo na sila, saka lang umalis ang helicopter.
Napatigil siya sa paglalakad at tumingala sa papalayong helicopter.
“Come on,” he urged her to walk.
Naglakad uli siya habang magkahawak-kamay ni Cleevan. Iginigiya siya nito papunta sa direksiyon ng swan boat.
“Pupunta tayo sa swan boat?” tanong niya. She wanted to make sure if they were really going there.
“Yes,” pagkumpirma nito.
Nakangiti siya habang naglalakad papunta sa swan boat. Nang makarating doon, iginiya siya ni Cleevan papunta sa isang bangka at sumakay sila.
Nang mag-umpisang magsagwan ang lalaki, tumingin siya sa malinaw na tubig ng lawa. A smile appeared in her lips when she saw floating roses in the water. The flowers that were floating in the water had different colors. Napakaganda niyon sa paningin niya. Para siyang nasa isang fairy tale Lake.
Binalingan niya si Cleevan na tumigil na sa pagsagwan. “Is this part of your proposal? I already said yes, remember?”
He just smiled then he leaned in to press his lips against hers.
“Just wait, Nett,” he said over her lips then grinned.
Humalukipkip siya. “Sabihin mo na kasi sa akin.”
“Nope.” He winked. “Not a chance.”
Napasimangot siya. “Bakit naman? Just tell me, please?” She gave him puppy-dog eyes.
Pinanggigilan nito ang kanyang pisngi. “You’re very cute and all. But still a no.”
Tinabig niya ang kamay nito sa pisngi at umaktong nagtatampo. “Hmp! Ewan ko sa `yo.”
Natatawang umiling-iling ang lalaki. Mayamaya, natigilan ito habang nakatingin sa tubig na nasa kaliwang bahagi niya. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito at napasinghap siya sa nakita.
“Aww. That is so cute, Cleevan.”
“You like it?”
She nodded. “Yes. It’s beautiful.”
Her hand moved to touch the mini-version of the swan boat. It was so small and a size of her two palms put together. Napapalibutan ang maliit na bangka ng mga bulaklak at napakaganda niyon tingnan. At nakasuot ng maliit na flower crown ang maliit na ulo ng swan.
She looked at it with amazement. “Wow. How did you do this?”
“With a help of Ace. He’s an architect, so, he’s good at making miniature things,” sagot nito.
Dumukwang siya palapit sa maliit na swan boat at kumunot ang noo nang may mapansing maliit na kulay-puting velvet box. Out of curiosity, she picked it up and opened it.
Nag-uunahang namalisbis ang luha ng kaligayahan sa kanyang pisngi nang makita ang laman niyon.
“Oh, Cleevan.” She sobbed soflty. “You shouldn’t have. Sapat ka na para sa akin.”
“I want to.” Kinuha nito sa kamay niya ang velvet box at kinuha ang twenty four-karat diamond na singsing. “I want you to be officially my fiancée, and that would only happen with this ring.” Isinuot nito ang singsing sa daliri niya at puno ng pagmamahal na tumingin sa mga mata niya. “From the moment I saw you, I wanted you to be mine. And today is the day that my dream came true.”Tinuyo nito ang mga luha sa pisngi niya. “I love you so much, Nett, and I want you to be mine, for as long as I live in this world.”
Naiiyak na mahigpit niyang niyakap ang lalaki. “I love you, too, Cleevan,” she said between sobs. “And I’ll be yours for as long as I breathe.”
Kumawala si Cleevan sa pagkakayakap at siniil ang mga labi niya ng halik. Bago pa lumalim iyon, may narinig silang sumugaw.
“Hello! Stop it you two!” sigaw ng isang boses-lalaki na agad din niyang nakilala na si Ace.
Naghiwalay ang mga labi nila at tumingin si Claria sa direksiyon ng lalaki. Tama siya, si Ace nga ang sumigaw.
“Ano’ng ginagawa mo dito?!” pasigaw na tanong niya.
He gave her a “duh” look. “Who do you think put this all together?” Iminuwestra nito ang kamay sa magkakadikit na swan boat. “Thanks to me, nagandahan ka sa proposal ni Cleevan.”
Binalingan niya ang fiancé. “Totoo?”
Cleevan nodded. “Yes. Pakiramdam kasi niya, may kasalanan siya sa akin. Kaya naman tinulungan niya ako. At sino ako para tanggihan ang offer na tulong ni Ace?”
Kumunot ang noo niya. “May kasalanan siya sa `yo?”
“Yeah. It’s his way of saying ‘I’m sorry’ to me,” sagot nito na nagkibit-balikat. “I was really wondering why he would tell you my secret. At ang sabi niya sa akin, bilang kapatid, gusto niya akong maging masaya. At magiging masaya lang ako kapag nalaman mo na ang sekreto ko at patawarin mo ako. I never thought that that’s his reason. And he even said that though he’s not showing it, he does love—”
“Shut the fuck up!” sigaw ni Ace na nagpatigil sa pagsasalita ni Cleevan. “You dickhead! Continue that love thing and I will drown you!” Namumula ang mga pisngi nito.
Tumawa nang malakas si Cleevan at bumulong sa kanyang tainga. “He said he loves—”
Naputol na naman ang sasabihin nito nang makarinig sila ng parang may tumalon sa tubig. Sabay silang tumingin sa pinanggalingan ng tunog at ganoon na lang ang gulat nila nang makita na si Ace na lumalangoy papunta sa kanila.
“You better shut up, Cleevan!” sigaw nito habang lumalangoy at masama ang tingin sa kapatid na nakangisi lang.
“Ace said he loves me so much,” nakangisi at malakas ang boses na sabi ni Cleevan.
Tumigil sa paglangoy si Ace at nanlilisik ang matang tumingin kay Cleevan.
“I’m going to drown you!” pagbabanta nito. “And then, kill you afterwards!”
Natatawang nag-umpisang nagsagwan si Cleevan palayo sa kapatid. Nang makarating sa dock, mabilis silang umalis sa bangka at nagtatawanang tumakbo.
“Come back here, Cleevan! I’m going to kick your ass!” narinig nilang sigaw ni Ace. Nang lingunin nila, basang-basa ito habang hinahabol sila.
Ang lakas ng tawa ni Cleevan habang mabilis silang tumatakbo palayo kay Ace. Panay rin ang tawa niya dahil pulang-pula ang pisngi ni Ace. Mukha itong nahihiya.
But it was nice to know that Ace cared for Cleevan. Akala niya, wala itong pakialam sa kapatid. Ang magkapatid, kahit ano ang mangyari ay magkapatid pa rin.
Humihingal na tumigil sila sa pagtakbo nang hindi na nila nakita si Ace.
“You should really stop teasing your brother—”
Hindi pa niya natatapos ang sasabihin, lumapat na ang labi nito sa mga labi niya.
Napaungol siya nang maramdamang mas pinalalim pa ni Cleevan ang halik.
Pinakawalan ng lalaki ang mga labi niya na may malapad na ngiti sa mga labi. “I love you.”
She smiled back. “And I love you, too.”
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito. “That’s so good to hear.”
“Yeah,” sang-ayon niya. “But you really should stop teasing Ace. Namumula na ang kapatid mo.”
Natawa ito nang malakas. “Nakakatuwa kasi siya, eh. Para siyang nagko-confess ng feelings niya sa akin.”
Magsasalita sana siya nang bigla na lang may tumulak kay Cleevan sa bermuda grass. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Ace na niri-wrestling ang kapatid. Sa halip na paghiwalayin ang dalawa, natawa na lang siya at hinayaang magwriestling ang magkapatid.
Childish!