Chapter Twenty-Two
N AKATITIG lang si Claria sa kisame ng kuwarto na inuokupa sa bahay ng mga magulang habang paulit-ulit na parang sirang plaka na nagre-reply sa isip ang mga sulat na nabasa niya sa opisina ni Cleevan. Sa mga sulat na iyon, nararamdaman niyang mahal na mahal siya ni Cleevan. Pero gustuhin man na bigyan uli ng isa pang pagkakataon ang pagsasama nila, hindi na puwede dahil hindi naman pala talaga sila kasal.
Hindi ko siya tunay na asawa…
It pained her to think that she was not actually married to Cleevan. Nasasaktan siya na ang lahat ng iyon ay panay kasinungalingan lang. Nasasaktan siya dahil ang puso niya, si Cleevan pa rin ang itinuturing na asawa.
Pinahid ni Claria ang luha sa pisngi at bumangon. She decided to talk to Cleevan. Kailangan niya itong makausap para malinawan ang isip at puso. She was done sulking in the corner of her room. She was done crying her heart out.
It had been two weeks since she found out about Cleevan’s secret. It had also been two weeks that she had not talked to Cleevan. In those two weeks, she had missed him so freaking much! She had missed his bossiness. She had missed his authoritarian voice. She had missed his laughter. She had missed his smile. She had missed everything about him!
Akala niya, kapag hindi nakita si Cleevan, mawawala na ito sa kanyang sistema. Doon siya nagkakamali. Dahil mas lumala pa ang nararamdaman niyang pagmamahal para sa lalaki. Walang pakialam ang puso niya sa mga ginawa nito. Ang gusto lang niyon ay ang makasama ang binata.
Claria already made peace with the fact that she would always love Cleevan. Whatever he had done, her heart would always beat for him.
“Dad, can I use your car?” tanong niya sa ama na nasa sala at may binabasa. Katabi nito ang kanyang mommy.
“Princess…” Tumayo ito ng makita siya. “Saan ka pupunta?”
Nag-iwas siya ng tingin. “Cleevan’s house. I want to see him.”
“At last. Natauhan ka rin,” sabi ng mommy niya. “Talk to him. Mababaliw na ang lalaking `yon nang dahil sa `yo. Kahapon, isang buong araw siya pero hindi mo man lang nilabas.”
“Oo nga naman, princess.” Nginitian siya ng ama. “Sana mabuti ang papatunguhan ng pag-uusap n’yo.”
“Yeah. I hope so, too.”
Her father smiled. “Give that man a chance, Princess. Cleevan loves you so much. Sa tingin mo, bakit ba namin siya napatawad sa ginawa niya sa amin? Nakita namin kong gaano ka niya kamahal. We saw how his eyes glistened with happiness and love every time I gave him a picture of you. That man is crazily in love with you and we understand what he did to have you. As a man, I salute his love for you. He’s probably bad sometimes, but he just needs someone to love and understand him, and that someone is you.”
Napipilan siya sa sinabi ng kanyang daddy. Hindi niya akalain na ganoon ang pagtingin nito kay Cleevan.
“I’ll talk to him, Dad,” sabi niya at kinuha ang susi sa sasakyan ng ama sa nasa center table. “Pahiram muna. Hindi ako magtatagal.”
“Take all the time in the world, Princess.”
Mabilis siyang naglakad papunta sa kotse na nakaparada sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinaharurot iyon papunta sa bahay ni Cleevan.
Nang makarating doon, agad siyang pumasok sa bahay. The door was not locked. Agad na hinanap niya ang lalaki.
Sana nandito siya... piping dasal niya.
Dininig yata ng Panginoon ang kanyang hiling dahil natagpuan niya ang binata na nakaupo sa gilid ng swimming pool na ang paa ay nasa tubig at parang napakalalim ng iniisip habang nakatingin sa pool.
Nilapitan niya ang lalaki at umupo sa tabi nito. Bumadha ang gulat sa mukha nito nang makita siya.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong nito at ibinalik ang tingin sa tubig.
“I want to talk.”
“That makes the two of us.” Dumukwang ito sa pool at kumuha ng tubig gamit ang kamay nito. “My sanity is like this water in my hand.”
Napatitig siya tubig na nasa kamay ni Cleevan na unti-unti nang nauubos.
“It’s slowly dripping away,” sabi ng lalaki sa mahinang boses. “Slowly, my sanity is fading.” Tumingin ito sa kanya. “I hate everything that has happened. Naisip ko na tama na ang pananakit ko sa `yo. Hindi na kita guguluhin pa. You can live your life now. Maybe that’s the only way for you to forgive me. Noong isang araw ko pa iniisip na sabihin sa `yo na makakaalis ka na—na hindi na kita aabalahin pa. Pero hindi mo naman ako hinarap kahapon. Kahit parang sinasakal ang puso ko sa sakit, pakakawalan na kita.” Tumawa ito nang mapakla. “Pero kahit papakawalan na kita, hindi ibig sabihin niyon na hindi na kita mahal. Siguro nga, habang-buhay na kitang mamahalin. You are already engraved in my heart and maybe the saying, ‘ if you love someone, set them free ’ is true. Kung hindi ko kaya noong una na pakawalan ka, kakayanin ko ngayon. Dahil mahal na mahal kita.”
He looked deeply into her eyes. Puno ng pagsisisi ang mga mata nito. “Clarianette Honey, I’m setting you free. Hindi na kita pipilitin pang manatili dito. You can go and live your life the way you want it.”
Hinaplos nito ang mga pisngi niya pagkatapos ay mabilis na tumayo at iniwan siya sa gilid ng swimming pool.
Sinapo ni Claria ang tapat ng dibdib na parang kinakatay sa sobrang sakit. The pain she was feeling doubled the pain she felt when she found out about Cleevan’s secret. Napahagulhol siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Ibinuhos niya ang lahat ng sakit na nasa puso. Ayaw na niyang umiyak pa. Kotang-kota na siya. Tama na!
Tama na ang pag-iyak. Tama na ang sakit. Tama na ang pangungulila ng puso niya.
TINUYO ni Claria ang mga luha at mabilis na sinundan si Cleevan. Pagpasok sa bahay, agad niyang hinanap ang lalaki. Nang hindi mahanap ang lalaki sa first floor, pumunta siya sa second floor. Nasa gitna siya ng hagdan nang marinig ang boses ni Ace mula sa likuran.
“He’s in his office.”
Hindi na siya nagpasalamat kay Ace dahil nagmamadali nang pinuntahan ang opisina ni Cleevan.
Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto pabukas at walang ingay na pumasok. Agad niyang nakita si Cleevan na nakaupo sa swivel chair at nakapikit ang mga mata habang nakasandal ang ulo sa likod niyon.
She quietly walked towards Cleevan. When she was near him, she leaned in closer to his face. Seryoso niyang tinitigan ang mukha nito.
He looked exhausted—tired. Worn out. He had stubble and it made him look stressed out. Kasalanan niya kung bakit ganoon ang hitsura nito ngayon. Bakit ba hindi niya naisip na ginawa ng lalaki ang lahat ng iyon para makasama siya? At kahit pa ginawa iyon para makasal silang dalawa, pinunit naman nito ang pinirmahan niyang marriage contract.
Mahal na mahal siya ni Cleevan at ganoon din naman siya dito. She loved this man so much. Hindi niya akalain na mamahalin niya nang ganoon si Cleevan. Ngayon, naiintindihan na niya ang pangakong binitawan kay Cleevan. Naiintindihan na niya kung bakit nangako siya ng ganoon dito. It was because she loved him no matter what he was and no matter what he did. Her heart would beat for this man whatever he did. Tanggap na niya na mahal ang lalaki sa kabila ng mga ginawa nito noon.
And it was all in the past and she would not let that affect what she felt for Cleevan. She wanted to forget it and move forward.
Hindi niya pinigilan ang sarili ng lumapat ang kamay sa pisngi nito at hinaplos iyon.
Cleevan’s eyes flew open and stared right at hers. Nang magtama ang mga mata nila, bumakas ang gulat sa mukha nito. Mayamaya ay lumabot ang ekspresyon ng mukha at ngumiti. “Am I dreaming?”
She shook her head and chuckled. “No, you’re not.”
“So, you’re actually here? With me?”
“Yes.”
“You’re not going to leave?”
She smiled lovingly at him. “No. Hindi ko kakayanin. In those two weeks, I was lost. There’s a hole in my heart and I can’t seem to patch my broken heart. And then, after two weeks of thinking, I realized, I didn’t have to patch my broken heart. I only have to be with you and I know my heart will mend itself. My heart only needs you to be healed.”
Hinaplos ni Claria ang pisngi ng lalaki. “Cleevan, naniniwala rin ako sa kasabihang ‘if you love someone, set them free ,’ but I don’t want to be freed from you. I want to stay by your side. I want to hug you and kiss you and tell you that I love you so much regardless of what you did. Wala akong pakialam sa lahat ng ginawa mo. Oo, noong nalaman ko, nasaktan talaga ako. Hindi ko inakala na kaya mong gawin `yon sa mga magulang ko. Pero hindi naman ganoon kakitid ang utak ko para hindi ka maintindihan. You did all those for me. Because you love me. And I want to return your love with the same intensity. Mahal na mahal kita, Cleevan. I beg you, please, don’t set me free.”
Cleevan was grinning from ear to ear, his eyes were sparking with love and happiness. Gone were the sadness and pain. This was the Cleevan she loved. This was the Cleevan she wanted to keep as long as she breathed.
“Pinapatawad mo na ako?” His voice was full of hope and joy.
“Ako ang dapat na humingi ng tawad sa `yo.” Her eyes watered. “Patawarin mo ako dahil hindi kita binigyang-pansin noon. Patawarin mo ako dahil wala ako sa mga panahong kailangan mo ako. I’m sorry for not being with you in your parents’ funeral. I’m sorry for everything.”
“You don’t have to say sorry. That’s okay. I understand. Siguro nga kaya mong intindihin ang lahat para sa babaeng minamahal mo.”
She smiled then pressed her lips against his. Claria loved the feeling of Cleevan’s lips on hers. It felt good. After two weeks of being away with Cleevan, finally, she felt complete. In those two weeks without him, there was a hole in her heart, now, it’s gone, replaced by an unexplainable joy.
Love really was mysterious. It could make you cry. It could make you feel numb. But above it all, it could make you feel an unexplainable happiness. And that is the most amazing part of love.
Mayamaya, naghiwalay ang mga labi nila. Puno ng pagmamahal na nagtitigan sila.
“Thank you, Nett, thank you for loving me.”
Niyakap niya ito nang mahigpit. “Salamat din sa pagmamahal.”
Tumayo si Cleevan habang yakap siya at mas hinapit pa nito papalapit sa katawan nito at sobrang mahigpit siyang niyakap.
“Mahal na mahal kita, Nett. Sobra-sobra,” sabi nito at hinalikan ang pisngi niya. “Huwag ka nang aalis sa bahay. Para akong mababaliw. I swear, ikakadena kita sa baywang ko para hindi mo na ako iwan pang muli.”
Kinikilig na napangiti siya. Iyon ang na miss niya sa dalawang linggo na wala si Cleevan sa buhay niya.
“Huwag kang mag-alala. Magpapatali ako sa `yo nang buong puso.”
Buong pagmamahal na tinitigan siya nito. “Good.”
Dahan-dahang lumapit ang mukha ng lalaki sa mukha niya hanggang maglapat ang kanilang mga labi. Agad na pinalalim nito ang halik na pinagsasaluhan nila. Ipinasok nito ang dila sa loob ng kanyang bibig at humawak ang kamay sa magkabila niyang baywang.
Mas inilapit pa niya ang katawan kay Cleevan at nag-init iyon nang maramdaman ang unti-unting pagkabuhay ng pagkalalaki nito. Pinakawalan naman ng lalaki ang mga labi niya at bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg pababa sa balikat. Mas humigpit ang hawak nito sa baywang niya ay isinandal siya sa mesa.
Umayos siya ng upo sa mesa habang ninanamnam pa rin ang kiliti na dulot ng mga labi ng binata na nasa balikat niya. Gumagapang iyon pabalik sa kanyang leeg na naghihintay sa mga labi nito.
Napahawak siya sa gilid ng mesa nang ibuka ni Cleevan ang kanyang hita at tumayo ito sa gitna niyon, saka bumaba ang kamay nito sa gitnang bahaging iyon.
“Ahhhh...Cleevan...” Napaliyad siya sa sarap ng sensasyong naramdaman.
Ipapasok na sana nito ang kamay sa loob ng suot niyang denim short nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok doon si Ace.
“Okay na ba kayong dalawa?” tanong ng lalaki. Nang makita nang posisyon nila ni Cleevan, mukhang naintindihan nito ang ginagawa nila. “Oh. Did I interrupt something?” Dumako ang tingin ni Ace kay Cleevan na ang mga labi ay nasa leeg pa rin niya. “Oh.”
“Get out, Ace.” Cleevan’s voice was threatening. “Or I swear, I’m going to punch you in the face.”
Mabilis na lumabas ng kuwarto si Ace at isinira ang pinto.
Ibinalik naman niya ang atensiyon kay Cleevan. “Hindi mo dapat sinabi `yon kay Ace—”
“Shut up and pleasure me,” he cut her words off then crashed his lips against hers.