Chapter Seven
H INDI mapakali si Clarianette habang nasa mesa at kausap ang mga colleague ni Cleevan. She gave out short laughs and fake smiles just to fit in.
The charity ball was boring as hell. Kahit saan siya lumingon, negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito. Heck, how could she relate? She was a Journalism graduate. But yeah, she could take the business topics and all the business boring stuff. But she could really not take the woman beside Cleevan.
Parang linta kasi ang babae kung makadikit sa asawa niya. Gusto niyang pilipitin ang mahaba nitong leeg para malagutan na ng hininga. But of course, she would not do it. Magmumukha lang siyang tanga.
She leaned in to Cleevan then whispered over his ear. “Cleevan, I’m bored.”
Alam ni Claria na narinig siya ni Cleevan dahil bahagya itong natigilan. Pero umakto ang lalaki na walang narinig. Naiinis na nagpakawala siya ng malalim na hininga at tumayo.
“I’ll just get some fresh air,” paalam niya at umalis na hindi hinintay ang sagot ni Cleevan.
Wala siyang pakialam kung magalit ito sa kanya dahil sa pag-alis. She told him she was bored, but Cleevan could not care less. Halata naman na wala itong pakialam sa kanya.
Nang makalabas sa hall na pinagdadausan ng charity ball, kinuha niya sa purse na dala ang cell phone na ibinigay ni Ace. When she opened the contact, natawa siya sa nakita. Tanging isa lang ang number na naka-save doon. And it was under the name of AceTheHottest.
Naiiling na tinawagan niya ang numero at hinintay na sumagot ang nasa kabilang linya. After three rings, somebody picked up.
“Well, hello there, beautiful lady,” bati ni Ace mula sa kabilang linya. “Bored ka na ba talaga diyan?”
Tumango siya na parang nasa harap lang ito at nakikita siya. “Yeah. I told your brother and he just ignored me.”
Tumawa si Ace. “That’s him all right.”
Sumandal siya sa pader at tumingin sa suot na sapatos. “Mukha nga. Puwede mo ba akong sunduin dito?”
“I can’t.”
“Why not?” she whined. “Sabi mo kanina, susunduin mo ako kapag na-bore ako.”
“Hindi puwede, I’m sorry. Cleevan will kill me.”
“Ace naman, eh—”
Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang may umagaw sa cell phone. Nang tingnan kung sino iyon, nakita niya ang madilim na mukha ni Cleevan. Inatake siya bigla ng kaba.
Cleevan’s jaw tightened. “Sino’ng may sabi na puwede kang makipag-usap kay Ace?”
She gaped at him in disbelief. Nawala ang kaba na kanyang nararamdaman. “Really, Cleevan? Pati ba naman pakikipagusap ko sa iba, pakikialaman mo pa? Nasaan ang kalayaan ko bilang tao?”
He looked at her, then a very irritating smirk appeared on his lips. “Kalayaan?” Tinapik nito ang pisngi niya na lalong dumagdag sa iritasyon na kanyang nararamdaman. “Nett, you should not have signed that marriage contract if freedom is what you want. Kasi nang pirmahan mo ang kontrata na `yon, pag-aari na kita. At walang kalayaan sa piling ko. You do what I say. Understand?”
She glared at him. Puno ng galit ang mga mata niya. “Signing that marriage contract is the biggest mistake of my life.”
Nginitian lang siya ni Cleevan. “Too late to regret now, Nett.” Tinapon nito ang cell phone. “Come on, pumasok ka na sa loob.”
Claria’s eyes were shooting daggers at Cleevan, but he did not seem to care. Hinawakan siya nito sa braso at hinila papasok sa hall. Nang makapasok sila, pinagsiklop nito ang kamay nila at umakto na parang walang nangyari.
Inilapit nito ang bibig sa tainga niya. Some people would find it cute and romantic because they would think he was whispering sweet things to her. But they thought wrong. Kung alam lang ng mga ito ang nangyayari. “You are not allowed to leave my side. Get it?”
Hindi siya sumagot. Baka masigawan lang niya ito. Nakakahiya sa mga tao. Hanggang kaya pa niyang pigilan ang galit na nararamdaman, pipigilan niya. Pero kapag napuno na ang pasensiya niya, humanda sa kanya ang lalaking iyon.
Pagkaupo niya, inakbayan siya ni Cleevan. She really wanted to shrug off his arm off her shoulder but she did no. Hinayaan niyang akbayan siya ng lalaki. Wala naman siyang magagawa.
Then Cleevan’s hand moved to her thigh. Napaigtad siya nang ipasok nito ang kamay sa loob ng suot niyang damit.
Tiningnan niya nang masama ang lalaki. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” she hissed at him. “Tanggalin mo nga `yang kamay mo sa hita ko.”
Sa halip na sundin siya, pinaglandas ni Cleevan ang isang daliri sa hita niya. Nahigit niya ang hininga nang dahang-dahan nitong hinawakan ang kanyang pagkababae.
Masamang tingin ang ipinukol niya sa asawa. “Bitawan mo ako,” utos niya sa matigas na boses.
Cleevan just looked at her and shrugged. “Akin ka. I can do whatever I want with you.”
Mas nadoble ang inis na nararamdaman niya sa lalaki. Bakit ba palagi nitong ipinapamukha sa kanya na pag-aari siya nito?
Naiinis na tinanggal niya ang kamay ni Cleevan sa kanyang pagkababae. “Stop it.”
“Bakit mo ba gustong patiglin ako? Is this because of Ace?” madilim ang mukha na tanong nito. “I swear, Nett, if you’re fooling me, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo.”
Tumawa siya nang mapakla. “Naririnig mo ba ang sarili mo? My God, Cleevan, Pati ba naman ang kapatid mo, pagseselosan mo?”
Bumadha ang gulat sa mukha nito. “Selos? Bakit naman ako magseselos?”
“Malay ko sa `yo. But you are acting like a jealous husband.”
“I’m not.” Tumingin ito sa ibang direksiyon. “I’m not jealous. Ayoko lang i-share ang mga bagay na pag-aari ko. Lalo na kung ang bagay na iyon ay ikaw.” Pagkasabi niyon ay iniwan na siya at naglakad palabas ng hall.
Sinundan niya ng tingin si Cleevan. Hindi talaga niya maintindihan ang takbo ng isip ng asawa. Huminga siya nang malalim at sinundan ito sa labas ng hall. Nakita niyang nakatayo si Cleevan at nakatalikod sa kanya; may kausap sa cell phone.
Dahil malapit siya rito, dinig na dinig niya ang sinasabi nito sa nasa kabilang linya.
“Ace, sunduin mo dito si Nett. Mukhang bored na siya. Take her home,” utos ni Cleevan. “Okay. Tawagan mo ako kapag narito ka na. Bilisan mo. Baka ano pa ang masabi ko sa kanya, madagdagan pa ang galit niya sakin.” Tinapos ng lalaki ang tawag. Nang humarap sa kanya, natigilan ito nang makita siya. “How long have you been there?” tanong nito.
“Enough to hear your conversation with Ace.” Lumapit siya rito. “Kung ayaw mo naman pala na madagdagan ang galit ko sa `yo, bakit palagi mong pinapakulo ang dugo ko?”
He shrugged. “I dont know.” Nilampasan siya nito. “Ace will be here any minute. Hintayin mo na lang siya o sa loob ka na lang maghihintay. Mamili ka,” bilin nito at tuluyan nang pumasok sa loob sa hall.
Huminga siya nang malalim at tinanggal ang high heels na suot. Ayaw na niyang bumalik sa loob. Doon na lang niya hihintayin si Ace. Nakaka-suffocate kasi sa loob. Nakakairita pa ang mood swing ni Cleevan. At hindi niya rin maintindihan ang ugali nito.
Ilang minuto ang lumipas bago dumating si Ace. Nagmamadali siyang lumapit sa lalaki. Nang tumigil siya sa harap ng binata, nginitian siya nito.
“Ayos ka lang?” tanong nito.
Ipinilig niya ang ulo. “Hindi. Sabi mo mag-e-enjoy ako. Hindi naman, eh.” May-panunumbat ang boses niya.
Ace chuckled lightly. “Yes, I lied. Alam ko namang hindi ka mag-e-enjoy. Sinabi ko lang `yon para pumunta ka at para manalo ako sa pustahan natin.”
Inirapan niya ito. “Whatever. Ihatid mo na ako sa bahay.”
“Okay,” sabi nito at pinagbuksan siya ng pinto. “Hop in.”
Sumakay siya sa sasakyan at ihinilig ang likod sa malambot ng upuan ng kotse. Ipinikit niya ang mga mata ng makaramdam ng pagod. Walang buhay siyang ngumiti. Nakakapagod din pala ang magkunwari na nag-e-enjoy ka.
Nang marinig na bumukas ang pinto ng driver’s seat, dumilat siya at dumako ang tingin kay Ace na kakasakay pa lang sa kotse. Nasa kalagitnaan ito ng pagbuhay ng makina ng sasakyan nang may maalala siya.
“Ace, can you take me to Royalty Restaurant?”
Binalingan siya ni Ace. “Nagugutom ka? Ang mahal kaya ng mga pagkain sa restaurant na `yon. Umuwi na lang tayo. Maraming pagkain sa bahay.”
Tumingin siya sa labas ng bintana. “I used to eat there. Masarap ang mga pagkain nila. Pero tama ka, mahal nga. Pero kahit ganoon, gusto ko pa ring pumunta do’n. I have so many memories with that restaurant. Okay lang naman kung iwan mo ako do’n. Balikan mo na lang ako.”
Narinig niyang huminga nang malalim si Ace. “Kailangan kitang iuwi sa bahay. It’s Cleevan’s order. Baka magalit `yon sakin.”
Umingos siya. “Wala akong pakialam sa kanya. Your brother is a jerk. Hindi ko alam kung saan ako lulugar kapag kasama ko siya. Kapag kausap ko naman siya, minsan mabait, but most of the time, galit. I feel like he’s mad at me or something. Pero sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawa na ikagagalit niya.”
Tuluyan nang binuhay ni Ace ang makina ng sasakyan. “Give him time, Claria. Cleevan has issues.”
She scoffed. “Wala akong pakialam sa kanya—”
“Liar. May pakialam ka sa kanya, Claria. Dahil kung wala, you won’t care less if Cleevan has mood swings and bipolar attitude. You won’t care if he treats you the way he treats you know.”
Napipilan siya sa sinabi nito. May punto si Ace pero hindi pa rin siya aamin na kahit paano, may nararamdaman na siya kay Cleevan.
Yes, she felt something for him. Yes, she was definitely attracted to him. And yes, her body reacted when he touched her. But that was it. Wala nang iba.
“Nawalan ka ng imik diyan,” puna ni Ace nang natahimik siya.
Nagkibit-balikat siya. “Wala naman akong sasabihin.”
Huminga uli nang malalim si Ace at kinabig ang manibela sa ibang direksiyon.
“I’m going to take you to Royalty Restaurant. Pero hindi tayo magtatagal do’n.”
Nginitian niya ang lalaki at tumango. “Thank you, Ace.”
Ace just shrugged then smiled back. “Welcome.”
Naghari ang katahimikan sa loob ng kotse habang papunta sila sa Royalty Restaurant. Excited na siyang makakain uli ng stake.
CLEEVAN went home at exactly twelve midnight. Agad siyang pumunta sa kuwarto para makita si Nett pero wala doon ang asawa. Madilim ang mukha na lumabas siya ng silid at pumunta sa kuwarto ni Ace.
Nang pihitin niya ang door knob, hindi iyon naka-lock. Walang sere-seremonyang pumasok sila sa loob pero wala siyang Ace na nakita.
Nasaan kaya ang kapatid kong `yon?
Lumabas siya ng kuwarto ni Ace at naglakad papunta sa kuwarto ng mayordoma. Wala siyang pakialam kung tulog na ito. Pero mukha namang hindi niya kailangang bulabugin pa si Manang Lucing dahil narinig niya ang tunog ng sasakyang papasok sa garahe.
Cleevan went to the living room to wait for Ace and Clarianette to enter the house. Ilang minuto lang ang hinintay niya, bumukas ang pinto ng bahay at pumasok si Ace at ang asawa niya na pangko nito. Nag-init bigla ang kanyang ulo sa nakita. Gusto niyang suntukin ang kapatid pero pinigilan ang sarili. Punching his brother would not do any good.
Bago pa maibuka ang bibig para magtanong, naunahan na siyang magsalita ni Ace.
“Let me explain.”
“Do enlighten me, Ace,” he said dryly.
Ace took a deep breath. “Claria wants to eat in Royalty Restaurant. Dinala ko siya do’n sa pag-aakalang hindi naman kami magtatagal. Noong nandoon na kami, doon ko lang nalaman na pag-aari pala iyon ni Lance, ang ex niya. Nalaman ko dahil lumapit siya sa amin at ipinagmalaki ang restaurant niya. Kahit anong pilit ko kay Claria na umuwi na kami, hindi siya pumayag. She stayed there and talked to Lance ‘till her heart’s content.” Lumapit ito sa kanya at inilapag ang tulog na asawa sa mahabang sofa na ang ulo ay inunan nito sa hita niya. “She fell asleep in the car on the way here.”
Tumingin siya sa babaeng mahimbing na natutulog. Mayamaya, ibinalik niya ang tingin kay Ace. “Matulog ka na,” utos niya. “Ako na ang bahala sa kanya.”
“Okay.” Hahakbang na sana si Ace nang bumaling ito sa kanya. “Stop hurting her. Balang araw, pagsisisihan mo ang mga ginagawa mo ngayon.”
“No, hindi ko `yon pagsisisihan. I’m doing this for a reason.”
Ace scoffed. “Your selfish reason? Maybe you should stop thinking about yourself. Isipin mo ang ibang tao na nakapaligid sa `yo, kasi hindi lahat ay katulad ko na kayang tiisin ang ugali mo. And about Claria, you should be aware. Kapag napuno siya sa pag-uugali mo, iiwan ka niya. And you won’t like it when that happens. Kaya habang maaga pa, itago mo muna `yang sungay mo kung gusto mo siyang manatili sa tabi mo.”
Hindi siya umimik at tumingin lang sa mukha ni Clarianette.
Nang maramdamang umalis na si Ace, hinaplos niya ang pisngi ng asawa. “Itago ang sungay ko?” Tumawa siya nang mapakla. “Para namang kaya kong gawin iyon.”
Ilang minuto siyang nakatitig sa mukha ni Clarianette. Mayamaya, pinangko niya ito at dinala sa kuwarto. Inihiga niya ang asawa sa malambot na kama at pinakatitigan ang mukha nito. Isang dangkal lang ang pagitan ng kanilang mukha.
Hinaplos niya ang pisngi ni Claria. “Pati kapatid ko, pinagseselosan ko dahil sa `yo. Ano ba ang mayroon ka at nagiging ganito ako? You’re just a woman, for crying out loud.”
Natigilan siya nang biglang dumilat si Clarianette. Bahagyang namilog ang mga mata niya at parang tinambol ang dibdib sa sobrang kaba.
Shit! Narinig ba niya?
Pigil niya ang hininga habang hinihintay ang reaksiyon nito.
And she said, “I hate you, Cleevan.”
He chuckled dryly. “The feeling is mutual, Nett. I hate you too.”
I hate you for making me feel the emotion that is opposite of hate.