Chapter Twelve
N AKITA ni Clarianette si Ace na nakaupo sa isang bench nang maligaw siya sa greenhouse. Tamang-tama, kanina pa niya hinahanap ang lalaki dahil may itatanong siya rito.
Nilapitan niya ang lalaki at umupo sa tabi nito. “Magandang umaga,” bati niya.
“Good morning din sa `yo,” Balik-bati ni Ace. “Ano’ng ginagawa mo dito?”
“May itatanong ako sa `yo,” sabi niya. “Sasagutin mo ba?”
“Sure,” sagot nito. “Ask away.”
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago nagtanong. “Alam mo ba kung ano ang paborito kong pagkain?”
Kunot-noong binalingan siya ng lalaki. “Bakit mo naitanong?”
“Wala lang.” Nagkibit-balikat siya. “Naitanong ko lang. So,” she drawled, “Alam mo ba?”
“Yeah,” he said.
Parang nahulog sa isang bangin ang puso niya sa narinig na sagot ni Ace. She was hoping he would say “no.” She wanted to believe that Cleevan exerted effort in finding out her favorite food.
“Paano mo nalaman?” tanong niya.
“Cleevan told me,” sabi nito na ikinagulat niya. “He told me to buy you pizza because that’s your favorite.”
“Saan naman kaya niya nalaman?” bulong niya sa sarili na narinig pa rin ni Ace dahil sumagot ito.
“Claria, hindi naman importante kung paano niya nalaman. What’s important is, he knows.”
Napatango si Claria. Oo nga naman. May punto si Ace. Pero kahit ano pang pilit sa sarili na hindi importante iyon, bumabalik at bumabalik pa rin siya sa tanong na iyon at hindi siya mapapakali hangga’t hindi nalalaman ang sagot sa tanong niya.
Tumayo siya. “Sige, babalik na ako sa bahay.”
Tango lang ang tugon ni Ace.
Iniwan niya ang lalaki sa greenhouse at pumasok sa bahay. Pagpasok sa loob, tamang-tama naman na pababa ng hagdan ang asawa.
Sinalubong niya ito.
“Saan ka pupunta?” nakakunot-nong tanong niya nang makitang naka-business suit ito.
“I have a seminar to attend. Pack some clothes. You’re coming with me,” sagot nito at nilampasan siya.
Sinundan niya ito ng tingin. “Saang seminar? Matagal ba ‘yon? Why do I have to pack my clothes?”
Napatigil si Cleevan sa paglalakad at nilingon siya. “Huwag ka nang magtanong. Just do what I told you to do.”
She frowned. “Kung isasama mo ako, kailangan ko ng explanation kung saan mo ako isasama at kung bakit.”
Seryoso siyang tinitigan muna nang ilang saglit ng asawa bago nagsalita. “Isang linggo ako roon. Now, pack your things.”
“Hmp! Napaka-bossy mo talaga. Nakakairita ka!”
“Yeah, that’s me. Just deal with it. Go.”
Inirapan niya ang asawa at tinalikuran. Mabilis niyang pinuntahan ang kuwarto at naglagay ng mga damit sa maliit na travelling bag. Pagkatapos mag-impake, nagbihis na siya.
She wore simple denim jeans paired with a sleeveless cream-top blouse.
“I’m ready,” she said in a bored voice.
Pinasadahan siya nito ng tingin. “`Yan na talaga ang suot mo?”
Tumango siya. “Yep. Bakit, may angal ka?”
Bahagyang umiling si Cleevan at nilapitan siya. Akala niya na pagsasabihan na naman siya ng asawa tungkol sa kanyang damit. Pero hindi iyon ang nangyari. Kinuha nito ang travelling bag na hawak niya at ito ang nagdala papunta sa kotse na nakaparada sa labas ng bahay.
Sumunod siya at sumakay sa passenger seat ng kotse nito. Habang nagmamaneho ang lalaki ay binalingan niya ito. “Saan pala ang seminar mo?” tanong niya.
He looked at her through the rearview mirror. “Malalaman mo rin kapag nakarating na tayo do’n.”
Humalukipkip siya. “Sabihin mo na lang kaya sa akin.”
“Ayoko nga. Sorpresa `yon.”
Inirapan niya ito at tumingin sa labas ng bintana. Hindi na siya nagtanong pa. Alam naman niya na hindi siya sasagutin nito. Nakakairita pero para namang may pagpipilian siya.
Pagkalipas ng ilang minuto sa daan, huminto ang sasakyan ni Cleevan sa harapan ng NAIA.
Kunot-noong tumingin siya sa lalaki. “Ano’ng ginagawa natin dito?”
“Ahm…” he trailed while thinking. “I’ll tell you later.”
Naningkit ang mga mata niya sa inis. “Ayoko nang sumama,” sabi niya at pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib.
Nag-isang linya ang mga kilay nito. “What do you mean? Nandito na tayo.”
“So? Ano naman ngayon?” Mas humalukipkip pa siya. “I have the right to—”
“Oh, fuck your right!” Naiinis na binuksan nito ang pinto ng sasakyan at umikot para pagbuksan siya. “Lumabas ka na diyan. Whether you like it or not, you’re coming with me.”
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Bakit nga gusto mo akong isama? Bakit kailangan—”
“Because I’ll miss you and I go insane when I’m missing you!” Hinaklit ni Cleevan ang braso niya at pilit siyang pinalabas ng sasakyan. “That’s the reason.”
Napatitig siya sa mukha ng asawa. Her heartbeat quickened like a loud drum. Hindi siya makapaniwala sa dahilan nito.
“You’ll miss me?” she asked like she could not believe what she was asking.
Cleevan looked away. “So? Ano naman ngayon? That’s normal.”
“Normal?” Tumawa siya nang pagak. “Yes, that’s normal for couple who actually love each other. I mean, those words coming from your mouth? It’s weird,” palusot niya. Ayaw kasi niyang malaman ng asawa na lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa sinabi nito.
She saw how his jaw tightened. “Fine. Stay here. You don’t have to come with me,” sabi nito at iniwan siya.
Nanggigigil sa inis na sinundan niya ito. “I would love to stay here, so, please, give me back my travelling bag.”
Bumaba ang tingin ng asawa sa travelling bag na hawak nito. Sa halip na ibalik sa kanya, ipinagpatuloy nito ang paglalakad at iniwan na naman siya.
She jogged after him. Kumunot ang noo niya nang tumigil ito at humarap sa kanya.
“Sasama ka ba o hindi?” he asked in a stern voice.
It took her one minute to answer. “Sasama.”
“`Yon naman pala, eh.” Pinagsiklop nito ang mga kamay nila. “Ang dami mong arte, Sasama ka rin naman pala.”
AS THEY walk towards the exit of the airport, Claria was shivering. The cold penetrated her flesh. Bakit naman kasi nag-sleeveless siya. Pero hindi naman sana siya mag-i-sleeveless kung alam niya na sa Baguio ang pupuntahan nila.
Napaigtad siya nang biglang may bumalot na mainit at malambot na bagay sa balikat at likod niya, nang tingnan kung ano iyon, nakita niya ang kulay-itim na jacket ni Cleevan na suot nito kani-kanina lang.
She shrugged off the jacket and gave it back to Cleevan. “Alam kong nilalamig ka.”
Kinuha nito ang jacket at inilagay uli sa balikat niya. “You need it more than I do.”
Her heart raced. “Okay.”
Ngintian siya nito at iginiya papunta sa naghihintay sa kanila na kulay-itim na Pajero.
A MINUTE later, they arrived in Luxurious Hotel. The bellboy carried their bags to their chosen room.
Nang makapasok sa piniling kuwarto ni Cleevan, nagulat siya dahil may dalawang kuwarto ang napili nitong hotel room.
“I’ll take the one on the left,” pagbibigay-alam ni Cleevan na ang tinutukoy ay ang magkatabing kuwarto. “You take the right.”
“Hindi tayo magkasama sa iisang kuwarto?” Huli na para mapigilan pa ang bibig niya.
Gustong kutusan ni Claria ang sarili. Pero nakakagulat naman kasi. At isa pa, nasanay na siya na katabi ang asawa sa pagtulog.
May sinusupil na ngiti sa mga labi si Cleevan nang tumingin sa kanya. “Well, my room is open for you. You can sleep beside me if you want.”
Matalim ang tingin na inirapan niya ito bago pumasok sa kaliwang kuwarto.
She laid on the soft mattress. Habang nakatingin sa kisame, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
NAALIMPUNGATAN si Claria nang maramdaman na parang may tumabi sa kanya sa kama. She looked at her side. Napakurap-kurap siya nang makita si Cleevan sa tabi niya.
She was about to open her mouth to ask what he was doing lying beside her when Cleevan pressed his lips on hers. Natigilan siya sa ginawa nito. She was stunned to felt his lips on hers.
Why does it feel so good?
Nang pakawalan ang mga labi niya, ipinalibot nito ang braso sa kanyang baywang at hinapit siya palapit dito.
“Let’s stay like this for a while, Nett. Pagbigyan mo na ako, kahit ngayon lang…” bulong nito.
Claria’s heart seemed to melt. Tumagos kasi sa puso niya ang hiling ng asawa. Sino ba siya para hindi ito pagbigyan? Gusto rin naman niyang mayakap si Cleevan ngayong gabi.
Tumagilid siya ng higa at ipinalibot din ang braso sa baywang ng asawa.
Madilim ang kuwarto at tanging ang ilaw lang na nagmumula sa nakabukas na pinto ng CR ang nagsisilbing liwanag niyon.
Claria moved closer to Cleevan. She could smell his manly scent and, oddly it made her feel safe.
Habang magkayakap sila, na-realize niya na unti-unti nang nawawala ang galit niya sa asawa. Noong una niyang makita si Cleevan, halos isumpa niya ito sa galit. Pero ngayon na kayakap ang asawa, pakiramdam niya, paunti-unti, natatanggap na ng kanyang puso na asawa na si Cleevan. She could feel her heart beating for this man—for her husband. And it scared her.
Paano kung siya lang ang nakakaramdam ng ganoon? Paano kung wala palang katugon ang nararamdaman niya para sa lalaki? Hindi pa naman malalim ang kanyang nararamdaman. Pero alam niya na mas lalalim pa iyon habang nakakasama si Cleevan.
Makakaya ba niyang itago ang nararamdaman?
“Matulog ka na, Nett.”
Napaigtad siya nang marinig ang boses ni Cleevan. “Ikaw? Bakit gising ka pa?” tanong niya.
Mas humigpit ang pagkakayakap nito sa baywang niya. “I can’t sleep with you by my side.”
Her heart hammered inside her chest. “Bakit naman?”
“I don’t know. I just can’t.” His lips pressed against her temple. “I keep on asking myself if this is real. I mean, I’ve already gotten used to you pushing me away. It’s just strange. I was waiting for you to push me and kick me out of your room.”
Yeah, kung siya ang dating Clarianette, baka sinipa na niya ito.
“Inaantok ako kaya wala akong lakas para itulak ka palayo,” palusot niya.
Cleevan chuckled. She could feel his chest vibrating as he chuckled. “So, bukas, itutulak mo na ako?”
“Oo.”
“Hmm… Dapat pala, maaga akong magising bukas.” His lips moved from her temple to her cheek. “Pero para magising ako nang maaga, kailangan kong matulog nang maaga.”
Claria could feel his lips moving down to her neck. Sa bawat paglapat ng mga labi n Cleevan, unti-unting nabubuhay ang pagkababae niya. Nararamdaman din niya na nagsisimula nang mag-init ang katawan sa ginagawa ng asawa.
“C-Cleevan…” Her voice was trembling.
“Yeah, Nett?” He slightly nipped her skin. “You want me to stop? Just say the word, and I will.”
Napalunok siya.
I have to stop this! Or else, malalaman niya ang totoo! Akala ko noon, ready na ako ng pumayag akong ibigay ang pangangailangan niya. Pero hindi pa pala.
She did not want him to know the truth about her.
“S-stop...” she whispered with a shaking voice.
And she could not believe that Cleevan actually stopped. His breathing was ragged. “Okay,” he said.
She could hear it in Cleevan’s voice—he did not want to stop. His voice sounded like he was in pain.
Hindi siya gumalaw sa kinahihigaan. Nang maramdamang bumangon ang asawa at akmang aalis sa kama, pinigilan niya ito sa braso.
“A-aalis ka? M-maghahanap ka ba ng ibang b-babae?” nauutal na tanong niya.
She could feel her cheeks burning. She could feel her heart hoping for Cleevan to say “no.”
After a minute of silent, he said, “No. May kukunin lang ako sa kuwarto ko. I’ll be back in a minute.”
Pinakawalan niya ang braso nito at hinayaang umalis ng kama. Pagkalabas sa kuwarto, ilang minuto lang ang hinintay niya ay bumalik agad ito.
“Ano’ng kinuha mo sa kuwarto mo?” agad na usisa niya nang tumabi uli ito ng higa sa kanya.
“This.”
Dahil sa madilim ang kuwarto, hindi niya maaninag kung ano ang tinutukoy ni Cleevan. “I can’t see it,” reklamo niya.
He chuckled. “You don’t have to see it.”
“Eh, sa gusto kong makita, eh!”
“Sshh!” Bumangon ito at umupo sa ibabaw ng kama. “Bumangon ka diyan kung gusto mong malaman kung ano `to.”
Mabilis siyang bumangon. “Nakaupo na ako.”
Tumawa nang mahina ang lalaki at niyakap siya. A moment later after he embraced her, she felt a cold thing encircled her neck. Mabilis na dumapo ang kamay niya sa malamig na bagay na iyon. Napasinghap siya at namilog ang mga mata nang makapa kung ano iyon.
She did not need light to see what it was. She knew—she knew that it was a necklace.
Bumaba ang kamay niya sa may pendant. Napakunot ang kanyang noo nang mapansing hindi iyon gaya ng mga normal na pendant ng isang necklace. Hindi tuloy niya napigilang abutin ang cell phone sa nightstand at gamitin ang flashlight application para ilawan ang pendant.
Her eyes widened when she saw the pendant. It was the ring she liked from the Pacific Jewelry. She looked at him, questioningly.
Did he buy the ring to be the pendant of her chosen necklace? Dahil kung tama ang memorya niya, iyon din ang kuwintas na napili niya.
“What’s with the ring?” she asked.
He shrugged. “It was there when I bought it in the store.”
Kumunot uli ang kanyang noo. “Really? Because I don’t believe you.”
“You don’t have to.” Inagaw nito ang cell phone sa kamay niya at pinatay ang flashlight niyon. “Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas.”
“Maaga?” Nahiga siya at niyakap ang asawa nang tumabi sa kanya ng higa. “Ano’ng oras ba mag-uumpisa ang seminar n’yo? Kailangan ba talagang kasama ako? Can’t I stay here?”
He exhaled. “I lied.”
“Huh?” Naguguluhan siya.
“I said I lied. Wala kong seminar dito sa Baguio.”
Napakurap-kurap siya. “Why did you lie?”
Ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Cleevan. Akala tuloy niya ay nakatulog na ito. “I saw the pamphlet last night. And I thought Baguio was a great place to celebrate birthdays.”
She stilled; her eyes grew wide in shock. “How did you know?” she whispered.
Hindi sumagot si Cleevan. He just stayed silent until an alarm clock started ringing.
He cupped her face then captured her lips with his. “I set the alarm clock so I would know if it’s midnight so I can greet you a very ‘happy birthday.’” He pressed his lips again on hers. “Happy birthday, Clarianette.”
“I like it better when you call me ‘Nett.’”
He chuckled. “’Nett’ it is.”
An unexplainable joy burst inside Claria. She could not believe he would do this. Hindi nga niya alam na alam nito kung kailan ang birthday nito. A simple happy birthday from Cleevan was enough for her. But this? This was too much for her heart to take.
Hindi niya mapigilang kiligin. Was it just her or Cleevan was being sweet to her? He actually brought her to Baguio for her birthday. Parang kinikiliti tuloy ang puso niya sa saya.
“Cleevan?”
“Hmm?”
“Are you being sweet to me?”
“No!” mabilis nitong sagot at tumalikod ng higa sa kanya.
Sa halip na mainis sa ginawi ng asawa, niyakap niya ito mula sa likuran at hinalikan ang batok.
“Thanks, Cleevan...” she whispered over his ear. “Thank you for the necklace and for bringing me here.”
Hinawakan nito ang kamay niya na nasa tiyan nito at pinisil iyon. “Don’t mention it. I will gladly do it again, as long as it makes you happy.”
Her heart was swelling with happiness. “Thank you again.” She inhaled the scent of his shirt, it smelled manly. “Good night, Cleevan.”
“Goodnight, Nett.”
She closed her eyes and slept with a smile on her face.