noveltoon logo noveltoon
Not In The Contract

Chapter 21

Ch. 22 / 25 Feb 09, 2022

Chapter Twenty-One

N APAPITLAG si Claria nang makarinig ng sunod-sumod na katok sa labas ng pinto ng kuwarto.

“Princess, manananghalian na tayo,” tawag ng daddy niya. “Kagabi ka pa hindi kumakain.”

“Wala po akong gana, Daddy,” sagot niya.

“Princess, please, kahit kaunti lang. Ang importante, malagyan ng pagkain ang tiyan mo.”

Napipilitan siyang bumangon at binuksan ang pinto. Nang makita ng ama ang namumugto niyang mga mata, niyakap siya nito.

“Princess, you should really need to stop crying,” sabi nito habang yakap-yakap siya. “Tama na, Princess. Huwag ka nang umiyak.”

Pinahid niya ang luha na kumawala sa mga mata at yumakap sa ama. “Okay lang ako, Daddy.”

Kumawala siya sa pagkakayakap at nginitian ito. “Halika na, Daddy. Kumain na tayo,” yaya niya at nauna nang naglakad dito.

“CLARIA, wala ka bang balak na bumalik sa bahay ni Cleevan?” tanong ng mommy niya habang kumakain sila.

“Sa anong dahilan, Mommy?” Nag-angat siya ng tingin. “Hindi naman kami kasal. So, bakit ako babalik doon?”

Nawalan ng imik ang kanyang mommy.

Hindi niya napigilan ang bibig na magsalita. “Oo nga pala. Alam n’yo bang hindi ako tunay na kasal kay Cleevan? Oh, don’t answer that. I know you two knew. But why? Why did you keep it from me?”

Ang daddy niya ang sumagot. “Princess, alam naman kasi namin na magiging mabuting asawa si Cleevan sa`yo. At alam din namin na magiging maginhawa ang buhay mo kay Cleevan. Kahit pa ipinakulong niya ako, boto pa rin ako sa lalaking `yon. Kasi alam ko na ginawa niya ang lahat ng nagawa para makasama ka.”

“Matagal na naming napatawad si Cleevan,” singit ng kanyang mommy. “After you went to US, he came and kneeled in front of us and asked for forgiveness for what he did. He was crying with regret in his eyes. Do you think a cold-hearted man will do that? No. He was just blinded by too much love for you. So if I were you, go to him and do everything you can to take him back because you can’t find a man like him that will love you that much. Trust me on that one.”

Nawalan si Claria ng imik. Hindi niya alam na humingi ng tawad si Cleevan sa mga magulang. The authoritarian Cleevan actually kneeled and asked for forgiveness? Nilukob ng kakaibang damdamin ang puso siya.

Hanggang sa matapos silang kumain, nasa isip pa rin niya ang sinabi ng mommy niya.

Huminga siya nang malalim at lumabas ng bahay. Napapikit siya nang tumama ang mainit na sikat ng araw sa balat. Ilang araw na rin kasi siyang hindi lumalabas ng bahay.

She took a step towards their house gate. Nang makarating doon, lumabas siya sa gate at naglakad ng walang destinasyon. Ilang minuto na rin siyang naglalakad ng may tumawag sa pangalan niya.

“Hey, Claria.”

Nilingon niya ang tumawag sa kanya. At nang makita si Lance, natigilan siya. Ano ang kailangan nito sa kanya?

“Yes?”

“Are you okay?” tanong nito ng makalapit sa kanya. “Bakit namumugto ang mga mata mo?” May pag-aalala sa boses nito.

“Kagigising ko lang,” pagsisinungaling niya.

“Hindi ako naniniwala sa `yo.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Pinaiyak ka ba ng asawa mo?”

Pinukol niya ang lalaki ng masamang tingin. “Paano mo naman nasabi `yon? Cleevan loves me so much.”

“I’m just asking. Anyway, how are you?”

Inagaw niya ang kanyang kamay na hawak nito. “I’m fine.”

Tatalikuran na sana niya ito ng pigilan siya sa kamay. “Claria, can we talk?”

“Ano naman ang pag-uusapan natin?”

“Alam kong nagsisinungaling ka,” sabi nito. “Alam kong humingi ka ng annulment kay Cleevan. I just want you to know that I’m here for you.”

She frowned. “What? Saan mo naman nalaman `yan?”

“Claria, narinig ng sekretarya ng asawa mo ang sinabi mo. According to the rumors, you were shouting and it seemed like you’re in pain.” Biglang tumalim ang mga mata nito. “I know that he’s no good for you. He’s an asshole—”

“And who are you to say that?” She glared at Lance. “Cleevan is the most amazing man I ever met and I’m thankful and proud to call him my husband. Kung ano man ang tsismis na kumakalat, ako na ang nagsasabi sa `yo, kasinungalingan iyon, dahil hinding-hindi ako makikipaghiwalay sa asawa ko.”

Nang matapos ang mini-speech niya, saka lang niya na-realize ang mga sinabi. Kinapa niya ang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. Tumitibok pa rin ang puso niya para kay Cleevan at hindi niya iyon maitatanggi. Her heart would always beat for Cleevan and it was time that she accepted the fact that whatever Cleevan did—good or bad—she would always love him, no matter what.

“Claria, alam kong sinasabi mo lang iyon para saktan ako.”

Kinunutan niya ito ng noo. “Ano? Bakit ko naman gagawin `yon?”

Lance smiled and hugged her tightly. “Kasi alam ko, deep inside, mahal mo pa rin ako. Kapag na-annul na ang kasal n’yo ng asawa mo—”

Napatigil ang lalaki sa pagsasalita nang malakas niya itong itinulak

.“Kung may tao man akong mahal, ` yon ay si Cleevan Sudalgo, ang asawa ko.”

Tinalikuran niya ito at mabilis na naglakad pabalik sa bahay ng mga magulang.

NAKATUNGO si Cleevan sa mini-bar ng bahay at nilulunod ang sarili sa alak nang marinig ang boses ng kapatid na si Ace.

“Puwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Ace.

Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ang kapatid. “Ano ang pag-uusapan natin?”

“About you and Claria.”

Tumawa siya nang mapakla. “Ano naman? Wala namang dapat pag-usapan tungkol sa amin ni Nett.”

“Mayroon.” Umupo ito sa katabi niyang stool at humarap sa kanya. “I want to say sorry.”

“For what?”

“I pressured you to tell Claria about your secret. I have many reasons why I did that.”

“And that is?”

“Hindi ka tuluyang magiging masaya kung nariyan pa ang sekretong `yon. At saka, hindi ko naman gagawin ang ginawa ko kundi ako sigurado na mahal ka ni Claria.”

“Ace, umalis na si Nett. At kahit ano’ng gawin ko, hindi na siya babalik.” Tinungga niya ang lamang alak ng shotglass na hawak. “So, wala nang halaga ang sorry mo o ang paliwanag mo. At saka, hindi mo naman kasalanan `yon. That’s my entire fault. There’s no one to blame but me.”

“Pero Cleevan—”

“Matulog ka na,” pagtataboy niya. “Have a good night sleep.”

Nawalan ng imik si Ace. Pero mayamaya, nagsalita ito. “We weren’t close and even though I don’t show it, I love you, big brother. And I want you to be happy.”

Medyo nabawasan ng kaunti ang sakit na nararamdaman niya nang marinig ang sinabi ng kapatid, mahal din niya ito kahit hindi halata.

“I know. Now, sleep.”

“Okay.” Umalis na ito at iniwan siya sa mini-bar.

Cleevan grabbed the bottle of rum and drank it straight from the bottle. Iinom siya hanggang sa malasing at pansamantalang makalimutan ang sakit na nararamdaman.

NAKAHIGA si Claria sa kama nang may kumatok sa pinto ng kuwarto. Bahagya niyang tiningnan ang pinto at ibinalik ang tingin sa kisame.

“Come in. Bukas `yan,” sabi niya.

Pagkalipas ng ilang segundo, bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok doon ang kanyang daddy.

Bumangon siya at umupo sa ibabaw ng kama. “Ano’ng kailangan n’yo, Dad?”

Umupo ito sa gilid ng kama at inayos ang medyo magulo niyang buhok. “Princess, aren’t you going back to Cleevan’s house?”

She gave him a tight smile. “Dad, why would I? He’s not my real husband.”

“Dahil lang sa kadahilanang `yon, hindi ka na babalik sa kanya? Princess,” sinuklay nito ang buhok niya. “Kaya ka binigyan ng Panginoon ng puso para gamitin mo `yon. Kung mahal mo si Cleevan, go, be with him. Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo.”

Mariing napapikit si Claria at humilig sa balikat nito. “Mahal ko po si Cleevan. Hindi ko `yon ipagkakaila. But I need time to forgive him. Iyon lang ang hinihiling ko. Kapag napatawad ko na siya, ako na mismo ang pupunta sa kanya para hilingin na tanggapin at mahalin niya ulit ako. Ayoko siyang mahalin na may galit at pagtatampo pa sa puso ko.”

Tumango-tango ang kanyang daddy na mukhang naiintindihan ang sinasabi niya. “Okay, if that’s what you want. Just do what your heart want you to do.” Niyakap siya nito at mayamaya ay pinakawalan din. “Always remember, nandito lang kami ng mommy mo. At kahit hindi halata at hindi mo maramdaman, mahal ka namin.”

She smiled. “Mahal ko rin kayo ni Mommy, Dad.”

Her father gave her a warm smile before leaving her room.

Huminga siya nang malalim bago nahiga uli sa kama. Nang ipinikit ang mga mata, pumasok sa isip niya si Cleevan. Hanggang sa makatulog, ang lalaki pa rin ang laman ng panaginip niya.