Chapter Eighteen
S A ISANG linggo na pananatili sa Baguio, walang sandali na naging malungkot sina Cleevan at Claria. Puno ng kasiyahan ang bawat araw na lumipas na nasa Baguio sila. Haggang sa makauwi sa Maynila, puno pa rin ng kasayahan ang kanilang mga puso nhabang magkahawak-kamay silang naglalakad papasok sa bahay nila.
“Hindi ko akalain na ganoon ka matulog. Tulo-laway,” tukso ni Cleevan.
Sinuntok niya ito sa balikat. “Heh! Tigilan mo ako!” napipikong sabi niya.
Kanina pa siya tinutukso ng asawa mula nang magising siya mula sa pagkakatulog sa eroplano. As far as she remembered, hindi naman tumulo ang laway niya kaya naiinis siya dahil hindi naman totoo yon.
Nakangising pinanggigilan ni Cleevan ang kaliwang pisngi niya. “Asus! Ang asawa kong asar-talo, galit na naman.”
Tinabig niya ang kamay nito at inirapan. “Tigilan mo ako, Cleevan. Sa sahig ka matutulog mamaya.”
Tinawanan lang ni Cleevan ang pananakot niya. “Hindi ako naniniwala sa `yo. You need me at night, Nett, dahil hindi ka makatulog kapag hindi ako katabi.”
Inungusan niya ito. She didn’t say anything because he was right. She did need him at night. Nasanay na siya na katabi ito at kayakap sa gabi.
“Oh, bakit hindi ka na umimik diyan?”
Humalukipkip siya at inirapan uli ito. “Tantanan mo nga ako,” naiinis na sabi niya.
Inakbayan siya ni Cleevan at hinalikan sa mga labi. “Sorry na. Huwag ka nang magalit.”
Magsasalita sana siya nang may naunang magsalita sa kanya. Boses iyon ni Ace.
“Ano’ng nangyari sa inyong dalawa?” tanong ni Ace mula sa sala. “You two seem like newlyweds who just finished their honeymoon in outer space.”
Napatigil sila sa paglalakad at nang makita ang lalaki ay nginitian niya ito. “Hello there, Ace. Nice to see you again.”
Pinatay nito ang nakabukas na TV at humarap sa kanya. “You seem happy.”
Tumango siya. May ngiti sa mga labi niya. “Yes. Very.”
Tumango-tango ito at tumingin kay Cleevan. “ Kuya ,” may diin ang pagkakatawag nito ng “kuya” kay Cleevan. “Kumusta? Still keeping that secret from her?” When he said the word “her,” he looked at her.
Naramdaman ni Claria na nanigas sa kinatatayuan si Cleevan. She frowned then faced her husband. Wala na ang nakangiting aura nito kani-kanina lang. Ito na ang Cleevan na una niyang nakilala. Collected. Guarded. And stiff.
“Okay ka lang?” tanong niya at dumako ang tingin kay Ace na inosenteng nakangiti sa kanila. “What secret are you talking about?”
“Oh, nothing. It’s just about the—”
“Shut the fuck up!” Cleevan sneered at his brother, making her flinch.
But Ace just smiled. “Chill, Kuya . Wala naman akong sasabihing kasinungalingan—”
“Fuck you!” Cleevan hissed then grabbed her hand and pulled her towards their room.
“Cleevan, ano ba `yon?” nagtatakang tanong niya.
“Wala,” padaskol na sagot nito at hinila siya papasok sa kuwarto.
Nasasaktan si Claria sa pagkakahawak nito sa kanya pero hindi siya nagreklamo. Halata kasi sa mukha nito ang galit na may kalakip na takot ang ekspresyon niyon.
Binitiwan siya ng asawa. Inihilamos nito ang dalawang kamay sa mukha. Frustration was visible with the way he moved and acted.
She cautiously approached her husband then cupped his face. Pinilit niya itong tumingin sa kanya.
When their eyes met, Claria saw vulnerability in his eyes. Her heart reached out to him.
“What’s wrong?” nag-aalang tanong niya. “Hindi ako magtatanong kung anong sekreto ang sinasabi ni Ace. Just please, be okay again. Be the Cleevan I was with in Baguio.” May pagmamakawa ang kanyang boses.
She saw how his jaw tightened then he walked passed her without saying anything. Napasunod na lang ang tingin niya sa asawa na lumabas ng kuwarto.
Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kama at huminga nang malalim. Bakit ba nangyayari iyon sa kanila? They were happy. Because of what happened, she wished that they just stayed in Baguio where they were happy and contented. Unlike what was happening now.
Sinisisi tuloy niya si Ace sa nangyari.
She abruptly stood up then went out to look for Ace. Nakita niya ang hinahanap sa kusina na kumakain ng ice cream habang mahinang kumakanta. In all fairness, maganda ang boses nito.
“Ace?” tawag niya sa pansin nito.
Ace stopped humming then he tilted his head to her side. “Yeah? `Need anything?”
She took a deep breath before asking. “What secret were you talking about earlier? Pakiramdam ko kasi, `yon ang kinagalit ni Cleevan at iyon din ang dahilan kung bakit umalis siya ngayon-ngayon lang,” she said, straight to the point.
Seryoso siyang tinitigan ng binata. Mayamaya ay matipid itong ngumiti. “Ah… now you want to know. Akala ko, wala kang pakialam.”
Sumeryoso ang mukha niya. “I want to know because of Cleevan.”
Tumango-tango ang kausap na mukhang iniintindi ang sinabi niya. “I know a secret and I will tell you. But, let’s give Cleevan a chance to do the honor.”
“What do you mean?” She was confused.
He smiled. “Tanungin mo si Cleevan, kulitin mo siya na sabihin sa `yo ang sekretong iyon. Kapag hindi niya sinabi sa `yo hanggang bukas ng gabi, ako ang magsasabi sa `yo.”
“Hindi ko siya kukulitin dahil lang do’n,” galit na sabi niya. “That secret doesn’t concern me, I just want to know because—”
“That secret concerns you the most,” putol nito sa sasabihin niya.
Napipilan si Claria sa sinabi ni Ace. Hanggang sa lampasan nito at iwan sa kusina, hindi pa rin siya makagalaw at makapagsalita. Puno ang isip niya ng samut-saring tanong na wala namang sagot.
And it was killing her!
What did Ace mean by “that secret concerns you the most” ? Wala siyang maisip na isesekreto ni Cleevan sa kanya. And why would he keep a secret from her?
Bumalik siya sa kuwarto at napagdesisyunan na doon na lang hintayin ang asawa na hindi niya alam kung nasaang sulok ng Maynila ngayon.
Nag-aalala siya para kay Cleevan. Sana nasa maayos itong kalagayan. At sana hindi uminom o kung ano pa mang may kinalaman sa alak at babae. She will be crushed if he did something stupid like bedding another woman.
MAGMAMADALING-ARAW na nang makauwi si Cleevan sa bahay. Nakainom siya pero hindi naman sapat ang nainom na alak para malasing siya.
He did not want to get drunk. He did not want Clarianette to be mad at him for being drunk. Come to think of it, she would be angrier if she found out the truth. Fuck Ace for that.
Nasisiguro niya na maraming tanong ang asawa ngayon.
Asawa.
He wanted to laugh out loud at that word. Asawa? Matatawag ba niyang asawa si Clarianette? Pagkatapos ng kanyang nagawa, asawa pa rin ba niya ang babae?
Naguguluhang pumasok siya sa loob ng bahay. Pagkapasok, nahagip ng kanyang tingin si Ace. Nakaupo ito sa ikatlong baitang at nakatingin sa kanya.
His jaw tightened. Gusto niyang suntukin ang kapatid pero hindi niya magawa. Dahil alam niya, kahit ganoon ang ginagawa, gusto siyang tulungan nito.
I freaking hope that he’s helping me. Because if he’s not, I’m really going to punch him in the face. And I’m not fucking kidding!
“Bakit gising ka pa?” tanong niya habang paakyat sa hagdan. “You should be asleep by now.”
Ace chuckled. “ You should be asleep by now,” balik nito sa kanya. “Bakit gising ka pa?”
Tumigil siya sa pag-akyat at tumingin dito. “Ano ba’ng pakialam mo?”
“May pakialam ako.” Tumayo ito at tumingin nang deretso sa mga mata niya. “Your wife has been awake since the time you left. Kung hindi ko pa nilagyan ng pampatulog ang gatas na ipinahatid ko kay Manang, hindi pa siya makakatulog. Kung gusto mong baliwin sa pag-aalala ang asawa mo, be my guest. Keep that secret of yours until it eats your marriage—if what you have with her is called marriage. I won’t interfere. But know this, that secret you’re trying to hide will be the same secret that will ruin what you have with Claria. And when that time comes, you’ll be left regretting every single decision you have ever made.”
Cleevan gritted his teeth in anger,. Because he knew deep inside that Ace was right. Pero hindi niya kayang sabihin kay Clarianette ang totoo. Lalong-lalo na kung alam niya na magagalit ito at iiwan siya. He could not let that happen. And if keeping this fucking secret of his was the only way to keep her, then he would not tell a soul about his secret.
“Desisyon ko kung ano’ng gagawin ko sa sekretong `yon,” walang emosyong sabi niya.
Umiling-iling si Ace at tumawa nang mapakla. “Whatever. Just don’t blame me when Claria finds out.”
“You said you won’t interfere.”
“And I won’t.” Tinalikuran siya nito. “Yet.”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at kinalma ang galit na nararamdaman. Wala siyang karapatan na magalit sa kadahilanang ginusto niya at desisyong gawin iyon.
I just did what my heart told me to.
Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago umakyat sa hagdan at pumunta sa kuwarto. Naabutan niya ang asawa na mahimbing na natutulog. Umupo siya sa gilid ng kamay sa tabi nito at seryosong tinitigan ang magandang mukha.
He sighed. “I know I’m full of crap and telling you my secret might be the only way to make it up to you, but I can’t. I can’t lose you, Nett.” Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito at tipid na ngumiti. “Alam ko namang tama si Ace. Masisira ng sekretong iyon ang ano mang mayroon tayo ngayon. Pero masisisi mo ba ako? Masisisi mo ba kung ayokong masira kung ano man ang mayroon tayo? I’d been dreaming for this day to come—me and you—together. And now, my dream finally came true. But shit happens.”
Ilang minuto pa niyang tinitigan ang asawa bago siya lubusang kinain ng konsiyensiya. Paulit-ulit na nagre-reply sa kanyang isip ang sinabi ni Ace.
Humugot uli siya ng isang malalim na hininga at ibinuga iyon. “I love you, Nett. I love you more than you’ll ever know.”
Tumayo siya at hinubad ang sapatos na suot saka nahiga sa tabi ni Clarianette. Tumagilid siya ng higa at niyakap nang mahigpit ang asawa na nakatalikod sa kanya at hinalikan ang batok nito.
“Goodnight...” bulong niya bago ipinikit ang mga mata at hinayaang tangayin ng antok.
MAAGANG nagising si Claria dahil balak niyang bisitahin ang mga magulang. Sabi ni Ace nang dumaan ito sa kuwarto, kagabi, kung gusto daw niyang malaman ang sekreto na tinutukoy nito, kailangan mag-umpisa siyang magtanong sa mga magulang niya.
Magpapaalam siya kay Cleevan na bibisitahin ang mga magulang. Nagdarasal siya na sana ay payagan siya nito. Mukha kasing bad mood ang asawa ngayon. Kanina pa ito walang imik at pakiramdam niya, iniiwasan siyang makausap.
“Cleevan?” tawag niya sa atensiyon nito habang busy ito sa pag-aalmusal.
“Yeah?” His voice sounded guarded.
She took a deep breath. “Puwede ko bang bisitahin sina Mommy at Daddy?”
Lumipas ang ilang minuto na nakatingin lang sa kanya si Cleevan at walang imik.
“I promise, hindi ako magtatagal,” dagdag niya para magsalita ito at payagan siya.
Pagkalipas ng ilang segundong pagtitig sa kanya ay nagsalita rin ang asawa.
“Sige. Huwag ka lang magpapagabi,” pagpayag na nito.
“Okay.” She grinned and went to his side to kiss him on the cheek. “Thank you. I promise, madali lang ako. I just want to see how my parents are doing?”
“Okay,” walang ganang wika nito at bumalik sa pag-aagahan.
She felt like a needle pinch her heart but she quickly ignored it. Maybe he was just not in the mood for romance and cheesiness.
Bumalik siya sa upuan at hindi umimik hanggang sa matapos na mag-agahan.
“I have to go,” paalam nito mayamaya.
She looked up at him. “Uuwi ka ba ng maaga?”
“Bakit mo naitanong?”
Nagkibit-balikat siya at tumayo bago lumapit dito. “Wala lang. Masama bang magtanong?” Inayos niya ang necktie nito. “I just want to talk later, if you’ll be home early.”
“Sure. I’ll be home early,” sagot nito at dumukwang para halikan siya sa mga labi. “Ingat ka. Huwag magpapagabi at umuwi ka agad,” bilin nito.
Napangiti siya. “Opo, kamahalan.”
Ngumiti si Cleevan na agad namang nagpabilis sa tibok ng puso niya.
I wish he’d smile more often.
He had been grim and stiff since they got home from Baguio. This had something to do with the secret Ace was talking about. She was sure of that.
“Ingat sa biyahe,” bilin niya at inayos ang suit na suot nito.
Ngumiti ang asawa at hinalikan uli siya bago naglakad palabas ng bahay.
Nang makarinig ng papalayong tunog ng sasakyan, huminga siya nang malalim at naghanda na para sa pagbisita sa bahay ng mga magulang.