Chapter One
After seven years
I NAYOS ni Clarianette ang damit bago naglakad palabas ng airport. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang malanghap ang hangin ng Pilipinas na puno ng sarisaring amoy ng polusyon. After seven years, polluted pa rin ang Pilipinas. Wala pa ring ipinagbago.
For seven years na nawala siya sa Pilipinas, she was living her dream. Lahat ng gustong gawin ay nagawa niya. After she graduated, she was accepted as an assistant manager of Lovell Magazine, the leading fashion magazine in New York and she was happy. Until she received a phone call from her parents.
Ayaw na niyang bumalik sa Pilipinas. Pero wala siyang ibang pagpipilian. This was part of the deal.
That stupid fucking deal I made seven years ago!
Pagkalabas ng airport, natigilan si Claria nang may tumigil na itim na sasakyan sa harap niya at halatang mamahalin. Masusi niyang tiningnan ang sasakyan. Humakbang siya palayo sa sasakyan nang makaramdam ng kakaibang kaba. Papara na sana siya ng taxi nang marinig na tinawag ang kanyang pangalan.
“Madam Clarianette Honey?”
Her gaze darted to the man who just exited from the driver’s seat. The man looked like in his early twenties. He had a body that seemed made for sin and a face that women dreamt at night. But her forehead knotted when she saw his uniform.
“What?” naguguluhang tanong niya.
Lumapit ang lalaki sa kanya at inilahad ang kamay. He smiled. “Hello, I am your chauffeur, Ace. Can I have your bag, Madam?”
Mas lumalim pa ang gatla sa kanyang noo. “Huh?”
“Mister Cleevan Sudalgo sent me to fetch you. He said to take you home before dinner and that would be…” he looked at his wristwatch, “… before seven o’clock.”
Tumaas ang isang kilay ni Claria at biglang ang-init ang ulo sa narinig. Who does he think he is? “Look Mister Whoever you are. I’m going home to my parents’ house. I’m not going to your boss’ house, understood? I don’t give a shit if he wants me home before seven, because honestly, I don’t give a fuck about him. So bounce and tell Mister Sudalgo to fuck off.”
The man’s smile did not waver. He just kept smiling. “Madam, Mister Sudalgo ordered me to take you to his home.”
“I don’t care.”
Claria started walking away when someone snatched her travelling bag from her. Mabilis siyang lumingon para tingnan kung sino ang gumawa niyon. Nag-init uli ang ulo niya nang makitang ipinapasok na ng lalaki na nagngangalang Ace ang bag sa back compartment ng itim na sasakyan. Mabilis niyang nilapitan ang lalaki at aagawin sana ang bag. Pero naisara na ni Ace ang back compartment.
He smiled at her again. “I suggest you hop in, Madam.”
She glared at him and entered the car with an annoyed expression on her face. She crossed her arms over her chest and waited for the annoying man to start the engine. Nang maramdaman na umandar na ang sasakyan, sumandal siya sa likod ng backseat at ipinikit ang mga mata. She was still pissed and she was trying to calm herself.
She was so annoyed!
Sino ba ang lalaking `yon sa tingin niya? I want to go home to my family. I want to see my parents! Urgh! Sino ba siya para kontrolin kung saan ako pupunta?
Kumukulo pa rin ang dugo ni Claria nang tumigil ang kotseng sinasakyan. Sumilip siya sa labas ng bintana at napatanga nang makakita ng malaking bahay. The house was freaking huge! Napakalaki niyon na magkakasya ang dalawang bahay sa loob.
Tumingin siya kay Ace. “Ito ang bahay ng boss mo?” manghang tanong niya. Ito ang bahay ni Cleevan?
“Yes,” sagot nito na may ngiti sa mga labi. “Welcome to your home, Madam.”
Her home? Claria looked at the house again. What the hell? Dito siya titira? Nakakatakot naman ang bahay na iyon na parang kakainin siya ng buhay.
Dahan-dahan siyang lumabas ng sasakyan at tumingin sa malaking pinto ng bahay. Naiilang siyang pumasok.
“Come on, Madam. Boss is waiting for you inside the house.”
Bigla siyang inatake ng kaba sa narinig. What the heck? Hinihintay siya ni Cleevan sa loob ng bahay?
Lumingon siya sa nakasarang gate. Parang gusto niyang tumakbo palayo sa bahay. She did not want to meet him. Ayaw niyang makilala ang lalaking asawa daw niya.
Claria knew the name Cleevan Sudalgo. She knew his name but he hadn’t seen his face and his body. She wasn’t aware of his attitude. She did not know anything about him but his name. Pangalan lang ang alam niya sa lalaki at wala nang iba. Sa isiping nasa loob ng bahay na nasa harap niya ang “asawa”, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya.
“Come on, Madam. Huwag ka nang tumanga diyan. Pumasok na tayo,” sabi ni Ace na ikinaigtad niya.
Tumingin siya sa pinto ng bahay. Bukas na iyon at nakatingin si Ace sa kanya na parang inuudyok siya na pumasok sa loob.
Slowly, she entered the huge house. Mabilis niyang inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Maids were everywhere. They looked busy and she felt awkward standing in the middle of the living room.
“At sino na naman ang dinala mong babae rito, Ace?” asik ng isang mataray na boses.
Binalingan niya ang nagsalita. It was a middle-aged woman and she was wearing a maid’s uniform.
Sino naman kaya `to?
“Manang Lucing, hindi naman—”
Pinandilatan ng tinawag na Manang Lucing si Ace at pinutol ang sasabihin sana ng lalaki. “Ace, darating ngayon ang asawa ni Sir Cleevan. Puwede ba? Ilabas mo iang babae na ito bago pa magalit si Sir. Hindi ba, sinabi niya na walang babaeng papapasukin sa bahay ngayong narito na ang asawa niya?”
Halatang nagpipigil si Ace na bumungisngis. “Manang Lucing, siya po ang asawa ni Boss,” pagbibigay-alam nito sabay turo sa kanya. “Ipinasundo siya sa akin sa airport.”
Napatingin siya sa matandang babae na halatang nagulat sa sinabi ni Ace.
“Oh, my! Pagpasensiyahan mo ang mga sinabi ko, Ma’am. Talagang maraming babae ang pumupunta dito at si Sir Cleevan ang hanap nila. Malalanding babae! Alam mo ba, kagabi, may pumunta dito na isang babaeng higad—”
“That’s enough, Manang Lucing.” A baritone voice boomed behind her.
Inatake bigla ng kaba ang dibdib ni Claria. Parang kilala na niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon.
Nakita niyang natigilan si Manang Lucing at tumingin sa taong nasa likuran niya. “Sir Cleevan, narito na pala kayo. Akala ko, nasa garahe pa kayo.”
Nasa likuran ko si Cleevan!
Shit!
Hindi iyon ang nasa plano ni Claria. Plano niyang makipagkita sa lalaki sa isang lugar na wala itong kapangyarihan. Pero tingnan mo naman ang nangyari, nasa bahay siya ni Cleevan at kahit anong oras, puwedeng gawin ng lalaki ang lahat ng gustong gawin sa kanya.
“Yes, I’m here,” sagot ni Cleevan. “Sige na. Bumalik na kayo sa trabaho n`yo. Ace, give me her travelling bag.”
Ace looked at her and gave her bag to Cleevan then left them.
Walang imik si Claria at ayaw kumilos dahil ayaw niyang makita si Cleevan. She was kind of afraid to see his face. Natatakot siya sa magiging reaksiyon. Mula noong umalis papunta sa US, ikinondisyon niya ang isip na galit sa lalaki at ayaw niyang magbago iyon. Nai-imagine niya na may sungay si Cleevan at gusto niya na iyon ang makitang Cleevan. Pero alam niya na wala itong sungay.
“Face me, Nett.”
Tumaas ang isang kilay niya. “Nett what?”
“Nett, my pet name for you. Short for Clarianette. Now, face me,” sabi ni Cleevan na parang ito ang kanyang boss.
“Ayoko. Bakit naman kita haharapin?”
“Oh, I don’t know. Maybe because you need to watch your step when I walk you to our room. Baka matisod ka papunta sa master’s bedroom natin .” Binigyan-diin nito ang huling salita.
Her eyes widened and she quickly turned around. “I am not sharing a room with you—“
Claria’s mouth gaped open when she saw the man in front of her. The word gorgeous was not enough to describe him. His hair looked sexy on him. She wanted to run her finger through his messy hair. His beguiling gray eyes that seemed to melt her insides. His lips… that kissable, sinful, luscious lips… Oh, God!
Am I admiring this man? Umiling-iling siya at kumurap-kurap.
“Done eye-raping me, Nett?” he said with a smug smirk on his face.
She rolled her eyes. “I wasn’t eye raping you,” pagkakaila niya. “I’m just looking. Masama ba?”
“Nope.” His gaze dropped to her breast. “Nice breast.” Lumapit ito sa kanya at biglang hinawakan iyon.
Parang may isang libong kuryente na dumaloy sa katawan ni Claria papunta sa puson dahil sa ginawa ng lalaki.
Nanginginig ang kamay na tinabig niya ang kamay nito. “Bastos!”
Cleevan chuckled. “Asawa mo naman ako kaya hindi kabastusan ang ginawa ko.”
She gritted her teeth and glared at him. “Hindi mo puwedeng gawin `yon!”
“Why the hell not? You’re my wife and I have needs.”
“Doon ka maglabas ng needs mo sa mga babae mo. Hindi ako interesado sa `yo. As for me, I’ll date other men. Hindi naman natin gusto ang isa’t-isa, `di ba? How’s that for a setup?”
Napatili si Claria nang biglang hinaklit ni Cleevan ang kanyang braso at hinapit siya palapit sa katawan nito. She gulped when she felt his groin. Nag-init bigla ang buo niyang katawan.
Ano ba ang nangyayari sa akin?
“I have needs and you will fulfill it. And as for you, you are not allowed to have any contact with other men. You’re mine, Clarianette, and I don’t share what’s mine. Pinalampas ko ang ginawa mo sa akin dati pero hindi na ngayon.”
Kumunot ang kanyang noo. “Anong dati?”
Puno ng disgusto ang mga mata ni Cleevan at marahas siyang binitawan. “You gave yourself to your boyfriend and I didn’t like it one bit. It’s disgusting.”
Oh, that? She chuckled and scoffed. “Wow, kung makapagsalita ka naman parang wala kang naging babae habang wala ako. Puwede ba? Huwag ka ngang magmalinis. At saka, dapat isaksak mo diyan sa kukote mo na hindi kita gusto. At isa pa, I’m free to give my virginity to anyone and I chose the man I love. Kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako nang ganyan. Because as far as I know, mag-asawa lang tayo sa papel. If it’s not for my parents, I wouldn’t marry you. You’re a fucking assh—”
Claria gasped when he roughly pinned her on the wall and crashed his lips on hers. Puwersahang ipinasok ni Cleevan ang dila nito sa bibig niya at mabilis siyang napahawak sa braso nito nang maramdamang nabubuwal sa pagkakatayo dahil sa nanginginig na mga tuhod.
Itinulak niya ang lalaki pero hindi man lang ito natinag. Mas hinapit pa nga siyang lalo palapit sa katawan nito. Her breasts were pressed against his chest and her nipple hardened.
Shit! What’s happening to me?
Malakas niyang itinulak si Cleevan sa ikalawang pagkakataon at laking pasasalamat nang binitawan nito. Pinagkrus niya bigla ang braso sa kanyang harapan na parang pinoprotektahan ang sarili.
Cleevan stepped away from her while his gray eyes darkened with an emotion she could not name. Napalunok siya nang lumapit na naman ito sa kanya mayamaya.
“Don’t! Stop! Don’t come near me!” sigaw niya sa nagpa-panic na boses.
His eyebrow shot up. “Why would I stop, Nett?” Iminuwestra nito ang kamay sa buong katawan niya. “That’s mine. I can do whatever I want, right? Naalala mo, Nett? You said that yourself.”
Her nipples were still tingling inside her bra. She could feel it and it was very hard. “No,” tanggi niya na umiiling-iling. “I am not yours.”
Seryoso siyang tinitigan ni Cleevan. Pero mayamaya ay nagkibit-balikat ito. “Whatever. You’re tainted anyway.”
Pagkasabi niyon, umakyat na ang lalaki sa hagdan papunta sa second floor habang dala-dala ang kanyang traveling bag.
Hindi alam ni Claria kung susunod ba o kung ano ang gagawin. Nasa living room pa nga lang siya ng bahay, ramdam na niya na hindi siya magiging masaya sa bahay na iyon. She squeezed her eyes shut then count from one to ten. Hindi pa siya natatapos magbilang nang narinig niya ang boses ni Cleevan.
“Come on! Don’t just stand there!” sigaw nito.
Huminga siya nang malalim at umakyat sa hagdan. Sinundan niya si Cleevan na pumasok sa isang kuwarto.
Pagkapasok sa kuwarto na pinasukan ng lalaki ay natigilan siya. The room was painted with dark gray color. It had a midnight color rug covering the whole floor of the room. The bed was kingsize and it had a black silk bed cover.
Isang tingin pa lang, alam na niya na iyon ang master’s bedroom. Everything in the room screamed expensive. Kahit ang lampshade na nasa tabi ng kama ay halatang mamahalin.
“This is our room,” pagbibigay-alam ni Cleevan. “Yes, may mga babae ako. Pero hindi ko sila dinala sa kuwartong ito. And while you’re here, maasahan mong hindi ako magdadala ng babae dito. I will bring them to hotels. I have needs—if you’re not going fulfill it, then, I’ll look for someone who’s willing to give it to me”
She shrugged.
His jaw tightened at her answer. “No comment? Reaction? Anything?”
“That’s fine with me.”
“Okay. Have a good day,” paalam nito na naglakad palabas ng kuwarto at malakas na isinara ang pinto ng kuwarto.
Huminga siya nang malalim at napatitig sa kama. Naglakad siya papunta roon at ipinahinga ang pagod na katawan.
Saka ko na iisipin kung paano makakalabas sa bahay na ito.
Ipinikit niya ang mga mata hanggang sa makatulog siya.