Chapter Nine
H INDI alam ni Claria kung matatawa ba siya o maiinis sa hindi maipintang mukha ni Cleevan. Kanina pa ito nakabusangot at kahit pigilan ang sarili, natatawa pa rin siya sa asawa.
He had been complaining about his tux. Oo nga naman, nakakahiyang kasama ang lalaki. Who would wear a tux in Star City? Hindi nakapagtataka na pinagtitinginan ito ng mga tao.
“Isang tao pa ang tumingin sa akin na parang taga-Mars ako, uuwi na talaga ako!” galit na sabi ni Cleevan at humalukipkip.
“Huwag mo na lang silang pansinin,” sabi niya.
“Huwag pansinin? Are you freaking kidding me?” He really looked irritated. “They’re looking at me like I have three heads instead of one.”
Ipinalibot niya ang braso sa matitipuno nitong braso. “Let them be. Kapag pinansin mo ang mga `yan, mas papansinin ka nila.”
“Easy for you to say, you’re wearing a jeans and a blouse.” Sarcasm was visible on his voice.
Itinirik ni Claria ang mga mata sa kaartehan nito at hinila papunta sa pinakamalapit na food cart. Nagugutom na siya sa parereklamo ng asawa. She bought one foot long hot dog. She was about to eat it when she heard her husband’s voice.
“Where’s mine?”
Binalingan niya ito. “Akala ko, hindi ka kumakain nito.”
“Ano’ng tingin mo sa akin? Walang bituka?”
Inirapan niya si Cleevan at dahil sa inis na nararamaman, sa halip na bilhan ang asawa, ipinahati niya ang foot long. Binigay niya ang kalahating parte ng foot long kay Cleevan. “Hayan. Enjoy eating.”
Nauna na siyang maglakad habang patingin-tingin sa nadadaanang mga booth at paninda. Naramdaman niya na tumabi sa kanya sa paglalakad si Cleevan. Nang tingnan ang lalaki, nakita niyang kumakain ito ng foot long hot dog at mukhang sarap na sarap sa kinakain.
“Masarap?” tanong niya.
“Shockingly, yes,” sagot nito na ipinagpatuloy ang pagkain.
As they walked side by side, a small and colorful booth caught Claria’s eyes. Napatigil siya sa paglalakad at seryosong tiningnan ang nasabing booth. Nang masiguro na tama ang hinala tungkol sa booth, hinala niya si Cleevan na kumakain pa rin papunta doon.
Sa wakas, nakahanap din siya ng booth na nagtitinda ng mga souvenir T-shirts.
“`Di ba, panay ang reklamo mo diyan sa suot mo?” tanong niya nang makalapit sa booth. “This is the answer to your problem.”
Tumigil sa pagkain si Cleevan at kunot-noong tiningnan ang paninda ng booth. “May black T-shirt ba kayo?” tanong niya sa tindera.
“Yes, Sir.”
“Good. Give me one.”
“Pero, Sir, hindi ko kasi puwede na isa lang ang—”
“I said, give me one,” matigas ang boses na sabi ni Cleevan sa tindera na mukhang natakot dito.
Nakita ni Claria na natataranta ang tindera na kumuha ng isang black T-shirt. Napakunot-noo siya nang mapansin na hindi lang isang T-shirt ang dala ng tindera kundi dalawa. At nang ipinakita sa kanila ang disenyo ng dalawang T-shirt, saka lang niya nalaman na hindi iyon isang souvenir booth kundi isang couple shirt booth.
Bakit ba hindi ako nagbabasa?
“Sir, hindi po puwedeng isa lang ang bilhin n’yo. Couple shirt po kasi ito, eh,” sabi ng tindera na hindi makatingin kay Cleevan.
Claria saw how Cleevan’s eyes widened a bit when he saw the couple shirt. The shirt’s color was black and white.
Napangiti siya sa disenyo ng couple shirt. The left part of the black T-shirt has a man kneeling in one knee and the man is holding a half heart. And the design of the white T-shirt is that, in the right part of it, a woman was smiling down and was also holding a half heart. Kapag ipinagdikit ang dalawang T-shirt, magkakalapit ang kalahating mga puso na hawak ng babae at lalaki at magiging isa iyon.
Definitely a couple shirt, sabi niya sa sarili.
She was expecting Cleevan to turn around and leave. But he stunned her by saying, “How much for one couple shirt?”
Napanganga siya. “Seriously? Bibili ka?”
Binalingan siya nito. “Yeah. I would rather wear that shirt than this tuxedo.”
Nang mabayaran ni Cleevan ang couple shirt, nagpunta sila sa pinakamalapit sa restroom. Hindi niya sinamahan ang lalaki sa loob dahil baka ano na naman ang mangyari. The last time they went inside the restroom together, she gave Cleevan a handjob.
Pagkalabas ni Cleevan sa restroom, napangiti siya nang makita ang suot nitong T-shirt. It looked cute on him.
“Siguro naman, hindi ka na pagtitinginan ng mga tao niyan,” komento niya.
He shrugged then looked at his pants and Italian shoes. “Well, this will do for now.” Pinagsiklop nito ang kanilang kamay. “Halika na. Ready na akong sumakay sa ibang rides.”
Napatingin siya sa magkasiklop nilang kamay. Bakit parang napakanormal na gawin nila iyon? It felt normal holding his hand in public. It did not feel awkward.
“Nett. Nett!” pukaw nito sa parang lumilipad niyang isip.
Mabilis siyang nag-angat ng tingin. “Ha?”
“Sabi ko, anong rides ang sunod na sasakyan natin?”
Umakto siyang nag-isip. Pero ang totoo, may naisip na siya kanina pa.
“Sakay tayo sa Horror Train,” nakangisi niyang sabi.
“Horror train?” ulit nito. “Puwede bang sa Ferris wheel na lang? Okay lang naman sa akin ang Horror Train. Pero baka umiyak ka sa sobrang takot—”
“Ako, iiyak?” She smirked. “Baka ikaw ang umiyak.”
He narrowed his eyes on her then grabbed her hand and pulled her towards the Horror Train.
After they bought the tickets, they secured themselves in the front seat of the train. A moment later, the train started to move. Claria could hear gasps and whispers of people behind them but she was just casually leaning on her seat and waiting for the darkness to swallow them.
WHEN darkness surrounded them and scary sounds started to play, Cleevan waited for Clarianette to shout. But she did not. All he could hear were gasps and shrieks from the people behind them. Nag-alala siya baka nanigas na si Claria sa sobrang takot.
“Nett?” tawag niya sa pangalan nito.
“Yeah?” Her voice sounded calm.
Nang tumapat ang train sa medyo may nakatanglaw na ilaw, inaninag niya ang mukha ng babae. She was looking around, trying to see things and it looked like she was not scared at all. Wala siyang makitang takot sa mukha nito kahit na nung gulatin ng paring pugot ang ulo.
“Hindi ka man lang ba natatakot?” kunot-noong tanong niya.
She shook his head. “Nope. Bakit naman ako matatakot?” Then she paused. “Ikaw, natatakot ka?”
Umayos siya ng upo. “Nope. I’m not even half-scared. This is lame.”
Tumawa ito nang mahina at humilig sa balikat niya. “Thank you for this day, Cleevan,” sabi nito
Cleevan stilled at what she said. He could feel his heart beating a lot faster than normal. “Why are you thanking me?”
“Kasi pinasaya mo ako sa araw na `to.”
“Pinasaya? In what way?”
“Basta, pinasaya mo ako. Huwag mo nang itanong kung paano mo ako napasaya. Basta masaya ako.”
Natawa siya nang mahina. “Okay. Hindi na ako magtatanong.”
“Good.”
NANG makalabas sa Horror Train, ang mga kasabay nila ay napaos sa katitili. Pero sina Cleevan at Claria ay parang namasyal lang sa loob.
They were walking side by side when Claria faced him. “Saan mo gustong pumunta?”
Nagkibit-balikat siya. “I don’t know about you, but I’m really hungry.”
“Me, too.”
“`Want to grab something to eat?”
“Ano? Foot long na naman?”
Umiling siya. “Nope. May iba akong pagkain na nasa isip,” sagot niya na hinawakan si Clarianette sa kamay at hinila palabas ng Star City.
“Uuwi na tayo?” naguguluhang tanong nito nang makita ang exit sign.
“Oo.”
“Ano?” She stopped him from tugging at her. “Isn’t this supposed to be a date? `Di ba, ang date buong araw?”
“Oo. Pero gusto ko nang umuwi, eh.”
“Oh.” Biglang nawala ang kislap ng mga mata nito. She looked so sad. “Gusto mo na talagang umuwi?”
“Yeah.”
Nauna nang maglakad si Cleevan. Nang makasakay sila sa kotse, sinupil niya ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi nang makita ang nakasimangot na mukha ng asawa. Alam niya na ayaw pa nitong umuwi. Pero kailangan talaga nilang umuwi.
He had a surprise for her. Thanks to Ace for helping him. Sana nga lang, magustuhan nito ang kanyang sorpresa.
PAGDATING sa bahay, hindi na hinintay ni Claria na makalabas ng kotse si Cleevan. Iniwan niya ang lalaki at pumasok sa bahay. Naabutan niya si Ace na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. Hindi niya pinansin ang lalaki at nagtuloy-tuloy sa kuwarto.
Hindi niya alam kung bakit naiinis siya. Was it because the date was cut short? Or was it because Cleevan was so eager to go home? Ano ba ang mayroon sa bahay at gusto na nitong umuwi?
Hmp! Urgh! Argh!
Naiinis na hinubad niya ang sapatos at nahiga sa kama. Buwisit talaga ang lalaking iyon!
NANG makapasok sa bahay, sinalubong si Cleevan ni Ace.
“Ano’ng ginawa mo kay Claria at mukhang masama ang timpla?” tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. “Malay ko sa kanya. I just wanted to go home so I can surprise her.”
“Sinabi mo ba na sosorpresahin mo siya?!”
“Nope. Bakit ko naman sasabihin `yon? Eh, di hindi na sorpresa `yon. Baliw.”
Natawa ito. “Kaya naman pala bad mood si Claria. Nabitin yata sa date n’yo.”
Tinalikuran siya ni Ace at nauna nang naglakad papunta sa kusina para ihanda ang sorpresa niya.
Sumunod siya sa kapatid. Ipinagdarasal niya na sana magustuhan ng asawa ang inihanda nila ni Ace para dito. Dahil kapag hindi, hinding-hindi na talaga siya makikipag-date kahit kailan.
MALAPIT na—kaunting-kaunti na lang—makakatulog na si Claria nang biglang may kumatok sa pinto. Naiiritang bumangon siya mula sa pagkakahiga at pinuntahan ang pinto. Binuksan niya iyon at kumunot ang noo nang makita si Ace.
“Ano’ng kailangan mo?” naiiritang tanong niya.
“Ahm…” he paused. “Cleevan is in the balcony. He’s waiting for you. May sasabihin daw siya sa `yo.”
Nalukot ang mukha niya. “Ano naman ang kailangan ng hudyong `yon sa akin?”
“Malay ko,” sagot nito na nagkibit-balikat. “Puntahan mo na lang para malaman mo,” sabi nito at umalis.
Nagdadalawang-isip si Claria kung pupunta o hindi. Pero pagkalipas ng ilang minuto, napagdesisyunan niya na puntahan ang asawa sa terrace.
Nang makarating doon, napakunot ang kanyang noo nang makita na wala naman si Cleevan. Aalis na san siya nang may mahagip ang kanyang tingin.
She turned to her left and her lips parted in shock. Hindi niya mailayo ang tingin sa mesa na nasa harap niya.
The table was covered with black silk and petals were scattered on the table. May champagne sa ibabaw niyon at dalawang wineglass. At kapansin-pansin din ang tatlong tangkay ng rosas na nakalagay sa vase na nasa gitna ng mesa.
“Para naman kaya saan `to?” malakas na tanong niya sa sarili habang naglalakad palapit sa mesa.
“Para sa `yo,” sagot ng isang boses mula sa likuran niya.
Mabilis siyang lumingon at napaawang ang mga labi nang makita si Cleevan na nakasuot ng tuxedo. He looked so gorgeous standing there with his hands on his pockets.
“This is for you,” ulit nito nang hindi pa rin siya magsalita at nakatitig lang dito. “I hope you like it.”
“Bakit ka naman mag-aabala nang ganito?” Dumako ang tingin niya sa mesa. “I mean, why would you do this for me?”
Binitawan ni Cleevan ang kamay niya at pinaghila siya ng upuan. “Have a seat.”
Sa halip na umupo, hinarap niya ang asawa. “Bakit mo ginagawa `to?”
Humugot muna ito ng malalim na hininga bago siya sinagot. “Because I want to, okay? Now, have a seat.”
Napipilitan siyang umupo. Sa totoo lang, nagustuhan niya ang ginawa ni Cleevan. Pero hindi niya maiwasang magtanong.
Nang makaupo ang lalaki sa kaharap na upuan, may isang waiter na biglang lumapit sa kanila. When she looked at the waiter’s face, her eyes bulged when she saw Ace. He winked at her before serving them her favorite food.
Pizza!
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya nang maamoy ang mabangong aroma ng pizza. Her mouth watered for a taste! She wanted to eat but a question was bugging her mind.
Nag-angat siya ng tingin sa lalaki na nakatingin din sa kanya. “Paano mo nalaman na paborito ko ang pizza?”
“Nagtanong ako sa mommy mo,” mabilis na sagot nito.
Bakit nagsisinungaling ang lalaki sa kanya? “My mom doesn’t know my favorite food. Masyado silang abala sa negosyo para alamin `yon. At huwag mong sabihin sa akin na si Daddy ang nagsabi sa`yo. Kasi katulad ni Mommy, wala rin siyang alam.”
Nawalan ng imik ang kaharap at nag-iwas ng tingin.
She took a deep breath and sighed. “Cleevan, kanino mo nalaman?”
“Importante bang malaman mo kung kanino ko nalaman?” balik-tanong nito sa iritadong boses. “Kumain ka na lang at magpasalamat na binilhan kita ng pizza.”
Claria really wanted to know who told Cleevan. But she also could see that he would not talk. It was written all over his face. Kaya mamaya na niya kukulitin ang asawa. Sa ngayon, kakain siya ng paborito niyang pizza.