noveltoon logo noveltoon
Ymar Stroam (Possessive Series 7)

Chapter 8

Ch. 8 / 24 Apr 09, 2022

MAY PAGHANGA sa mga mata ni Ymar habang nakatingin kay Czarina. Pababa siya sa hagdanan. She wore a simple crream-colored above-the-knee dress. Pa-crisscross ang disenyo ng blouse na suot niya at hapit iyon sa kanyang katawan. She actually looked sophisticated in this dress and she knew Ymar would like it.

Hindi niya alam kung bakit nagpapaganda siya para kay Ymar.

Pasimple siyang napabuntong-hininga saka tumigil sa paglalakad sa harap ng lalaki saka taas-noong sinalubong ang may paghanga nitong tingin.

“You look beautiful,” pabulong na sabi ni Ymar.

“Alam ko,” sagot niya na pinipigil na gumuhit ang ngiti sa mga labi. “Shall we?”

Ilang segundo pa siyang tinitigan ni Ymar bago ito tumango at hinawakan siya sa siko at iginiya palabas ng bahay.

Pasimple na lang inagaw ni Czarina ang siko na hawak nito dahil sa kakaibang kuryenteng nararamdaman kapag naglalapat ang balat nila ng lalaki.

“Czarina, kailangan masanay ka na sa hawak ko,” sabi ni Ymar na napansin pala ang kanyang ginawa.

Walang imik siyang sumakay sa kotse ni Ymar saka nag-seat belt. Nang makasakay ang lalaki ay bumaling muna ito sa kanya sa halip na paandarin ang sasakyan.

“Czarina, if you want to pull this off, don’t reject my touch,” sabi ni Ymar na nakatitig sa kanya.

Hindi siya tumingin sa lalaki. “Sure, I will.”

“No, you won’t,” padaskol nitong hinawakan ang kamay niya saka pinagsalikop iyon. “Ano ba ang masama sa hawak ko, ha, na ayaw na ayaw mo? It’s not like it’s our first time to touch each other. We already had sex, Czarina—”

“That’s why I don’t want your touch,” pagtatapos niya sa sinasabi ni Ymar saka inagaw ang kanyang kamay na hawak nito.

Ayaw ni Czarina na hawakan siya ni Ymar. Every time he touched her, her heart always got swayed. She had to stop being attracted to him. Kahit pilit niyang isinisiksik sa utak na pagpapanggap lang ang lahat at ang nangyari sa kanila ay isang malaking pagkakamali. Pero hindi pa rin maiwasan ng kanyang puso na tumibok nang mabilis kapag nasa malapit lang ang lalaki.

Wala siyang imik habang nasa daan sila papunta sa airport. Ni hindi siya tumitingin kay Ymar kahit tuksong-tukso na siyang sulyapan ang guwapo nitong mukha.

Nang makarating sila sa airport at makalabas ng sasakyan, mabilis nitong hinawakan ang kamay niya saka pinagsalikop ang mga kamay nila.

He was holding her hand tightly.

“I won’t let you go this time,” sabi ni Ymar saka siya iginiya papasok ng airport.

Nakatitig si Czarina sa magkahawak nilang kamay. And her heart was at it again… it was beating fast again.

Huminga siya nang malalim saka ibinalik ang atensiyon kay Ymar na hindi niya alam na nakatingin pala sa kanya.

“What?” she asked to hide her fast beating heart.

Nawala ang emosyon sa mukha nito. “Ayaw mo ba talagang hawakan kita? Do you dislike my touch so much?”

Umiling siya. “It’s okay. This is for your mom anyways,” sagot niya saka nauna nang naglakad.

Kaagad na humabol si Ymar, hawak pa rin ang kamay niya. Nang makarating sila sa waiting area, pareho silang walang imik.

It was awkward but okay.

Ayaw ni Czarina na kinakausap siya ni Ymar. Palagi kasing umeepal ang puso niyang bumibilis palagi ang tibok kapag nagkakatagpo ang mata nila.

Bakit naman kasi siya pumayag na magpanggap na fiancée ng lalaking ito?

You need him too, remember? That’s right… the deal they made.

Napalabi si Czarina. May sarili rin siyang plano kaya pumayag siya. She wanted a child. She hoped that her plan would work out just fine. Hindi naman siya mahihirapang makipagtalik kay Ymar. May nangyari na sa kanila at kahit anong deny ang gawin niya, alam ni Czarina na nagustuhan niya ang namagitan sa kanila ng lalaki. And behind her in-denial thoughts, her heart was actually beating fast for Ymar Stroam. But that was all. She would not entertain her feelings for him. Alam niyang mapupunta rin naman sa wala kung bibigyan niya iyon ng pansin. Wala namang gusto sa kanya si Ymar. Pagpapanggap lang ang lahat.

Therefore, Czarina concluded, that it was not healthy for her heart to beat for Ymar. Sayang lang ang effort niya, nganga pa ang puso niya. Liking someone like Ymar and the probability of him liking her back was zero percent. Hindi talaga makatarungan kapag pagkagusto na sa kalahi ni Adan ang pinag-uusapan.

“Mommy! Here!” malakas ang boses na tawag ni Ymar na nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan.

Napakurap-kurap si Czarina at itinuon ang mga mata sa medyo may-edad nang babae na naglalakad palapit sa kanila.

The woman walked with elegance and grace. Her eyes and smile held confidence as she walked towards them. And damn it, her eyes were trained on her! Parang bigla niyang gustong magtago. Parang saging na binabalatan ang uri ng pagkakatingin ng matandang babae sa kanya.

Huminga siya ng malalim saka ngumiti ng nakalapit na ito sa kanila.

“Good morning po, Ma’am,” magalang na bati niya sa ginang.

“Welcome back to the Philippines, Mom.” Ymar hugged his mother and kissed her on the cheek.

Nakatingin pa rin sa kanya ang ginang na para bang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Grabe itong makatingin. Parang nakalimutan niyang huminga nang ilang segundo. Talagang matutunaw siya sa kabang nararamdaman.

Hindi tinanggal ni Czarina ang ngiting naka-plaster sa mga labi niya kahit pa nga nangangawit na siya sa kakangiti at kinakain na ng kaba ang buong pagkatao. She had to get into this woman’s good side. Para matuloy ang plano niya at plano ni Ymar.

Nang pakawalan ni Ymar sa pagkakayakap ang ina, nakangiting bumaling sa kanya ang lalaki saka siya ipinakilala sa ina nito. “She’s Czarina Salem. My fiancée.”

Mas lumapad ang ngiti ni Czarina sa ginang. Parang sasabog ang kanyang puso sa bilis ng tibok niyon nang banggitin ni Ymar ang salitang ‘fiancée’. Sana, totoo na lang na fiancée siya ng lalaki. Dahil kung totoo, talagang magpapamisa siya at mamimigay ng isang-daang saging sa mga kapus-palad. Pero alam naman niyang hindi mangyayari iyon. Pagpapanggap lang ang lahat ng iyon.

Tiningnan siya ng ginang mula ulo hanggang paa. “A Salem.” Tinaasan siya ng kilay ng ginang. “How are you related to Kahiv Salem?”

Crap! Ang pinakaayaw ni Czarina sa lahat ay makakilala siya ng mga taong kilala ang kanyang mga magulang. They always compared her to her parents. Sana naman, hindi alam ng mommy ni Ymar ang pinagmulan ng kanyang ama.

“He’s my father,” simpleng sagot niya.

Dalawang kilay na nito ang nakataas habang nakatingin sa kanya na parang sinusuri siya. “So, if he is your father, that means you are his only daughter. Right?”

Tumango siya. “Opo.”

Biglang ngumiti ang ginang. “So you are Czarina Salem, the heiress to Salem’s million-dollar wealth.”

Pipi siyang napamura sa narinig. It had been a long time since she heard someone address her as an heiress. Ayaw niyang tinatawag siyang ganoon.

Her parents were rich. His father’s lineage came from a long line of royalty in the United Arab Emirates. Nang makilala ng kanyang ama ang kanyang ina, iniwan nito ang karangyaan at pagiging dugong bughaw at pinakasalan ang ina niya na purong Pilipina. Her father was an only child. Kaya nang mamatay ang lolo niya, lahat ng ari-arian ng mga Salem ay napunta sa kanyang ama. That was where the billion-dollar wealth came from.

“I’m no heiress, Ma’am,” sagot ni Czarina na may ngiti pa rin sa mga labi kahit ang gusto niya ay magtago dahil nahihiya siya. “I’m just me. Not wealthy at all.”

Matiim siyang tinitigan ng ina ni Ymar. “I heard that Kahiv Salem’s daughter is a doctor, just like her father. Impressive.” May paghanga sa boses nito. “Maganda ka rin. Wala nang hahanapin pa sa `yo.” Ymar’s mother looked proud. “I like you for my son.” Nginitian siya ng ginang. “By the way, inaanak ng mommy mo si Ymar.”

Napatingin si Czarina kay Ymar na walang imik habang nakatingin sa kanya na para bang isa siyang estranghero.

“At, isa rin ako sa napakarami mong ninang nang binyagan ka.” Ymar’s mother added with a smile. “Kaya kilala ko ang mga magulang mo.”

Ibinalik niya ang tingin sa ginang. What a coincidence. Ninang pala niya ang matandang babae? Honestly, wala siyang kilala ni isa sa mga ninang niya. Nasa ibang bansa na kasi lahat at hindi naman siya nagpilit na kilalanin ang mga ito. She had twenty godfathers and twenty godmothers. At sa forty na mga ninong at ninang niya, ni isa, wala siyang personal na kilala.

Yes. Wala sa normal na pag-iisip ang mga magulang ko ng binyagan ako.

“Well? What are we doing here?” mayamaya ay tanong ng ginang habang nakatayo sila sa gitna ng waiting area. “Let’s go to your house, Ymar. Gusto ko nang magpahinga.”

Walang imik na tumango si Ymar saka iginiya ang ina sa parking lot kung nasaan ang Lexus nito. Habang nasa biyahe sila, panay ang tanong ng ginang kung kailan nila balak magpakasal ni Ymar. At dahil hindi naman sila totoong engaged, ngiti lang palagi ang sagot ni Czarina sa ginang.

Naha-hot seat siya nang wala sa oras.

When they arrived in Ymar’s house, kaagad na may tinawagan ang ginang. At habang may kausap ito sa cell phone, panay ang tanong nito ng mga personal na bagay sa kanya. Tulad ng kung kailan ang birthday niya, saan siya ipinanganak, ang eksaktong address, ang buong pangalan ng kanyang mga magulang at ang tamang spelling ng mga pangalan ng mga ito. She even asked her about her parents’ birthdays. At dahil mukha namang harmless ang mga tanung ng ina ni Ymar, buong katotohanan naman niya iyong sinagot.

And after the call, she faced her and Ymar who were sitting side by side in the long sofa.

“So,” tumingin ito sa kanya. “Nagli-live in na ba kayo ng anak ko?”

Napamulagat siya. “W-what?”

The woman smiled. “That’s okay. Normal na `yon sa pandinig ko.”

Itinikom ni Czarina ang nakangangang bibig. “Ahm...” She pointed at her house besides Ymar’s. “That’s my house.”

“Ah, I see.” Nanunukso itong ngumiti. “Neighbor lovers.”

Napakagat-labi si Czarina nang maramdaman ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Shit! Bakit ba pagdating kay Ymar ay nakakalimutan niya ang takot na baka maloko siya ulit? Ano ba ang mayroon sa lalaki at hindi siya natatakot? Ano ba ang mayroon sa lalaki na nagiging ganoon siya?

“Anyway,” sabi ng ina ni Ymar. “Sa kuwarto lang ako at maliligo. Kapag dumating si Judge Doroquez, paghintayin mo na lang muna. I called him a minute ago to be here. Okay?”

“Okay po,” sagot niya sa mabait na boses.

Umalis ang ginang at nagpunta sa second floor. Naiwan sila ni Ymar na magkatabing nakaupo sa mahabang sofa.

Tumikhim si Ymar na kanina pa walang imik. “An heir to a million-dollar wealth, huh?”

Kinunutan niya ng noo ang lalaki at iningusan. “Hindi ako tagapagmana kaya magtigil ka riyan. It’s my parent’s money, not mine.”

“Bakit hindi mo sa `kin sinabi?”

“Because I don’t think it’s important at saka hindi tayo close.”

Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya si Ymar. “Hindi close?” He scoffed. “Czarina, we already became close when we slept together.”

Nag-init ang mga pisngi niya sa pinaalala nito. “It’s different—”

“No, it isn’t.”

Bumaling siya sa lalaki. “Ymar, it’s their money, not mine.”

Tumiim ang tingin sa kanya ng lalaki. “So hindi mayaman ang fiancée ko?”

Sumikdo nang mabilis ang puso ni Czarina. So, hindi mayaman ang fiancée ko ? Huminga siya nang malalim saka kinapa ang dibdib kung nasaan ang puso niyang mabilis pa rin ang tibok.

Bakit ba siya kinilig nang sabihin nito ang salitang ‘fiancée ko’?

Tumikhim muna siya bago sumagot. “Hindi ako mayaman.”

“Okay,” sabi ni Ymar saka isinandal ang katawan sa likod ng sofa at tumingin sa kisame. “Pasensiya na pala dahil kinansela mo ang appointments mo ngayong araw. Alam ko kung gaano ka ka-busy.”

Tipid siyang ngumiti. “Alam mo? Paano? Ini-stalk mo ako, `no?” biro niya sa lalaki.

Mahinang natawa si Ymar saka bumaling sa kanya habang nakasandal pa rin ang ulo sa likod ng sofa. “Kung paano ko nalaman, akin na lang `yon.”

Hindi umimik si Czarina at wala sa sariling humilig sa balikat ng lalaki. Na-realize lang niya ang ginawa nang ilang segundo na siyang nakahilig sa balikat nito. She waited for him to shove her off but he didn’t. He even rested his head against hers that was resting on his shoulder. And because of that, her heart smiled.

She was starting to like Ymar more and more. Dapat nang tumigil ang nararamdaman niyang iyon para sa lalaki.

Inalis ni Czarina ang ulo sa pagkakahilig sa balikat ni Ymar nang marinig niyang may nag-doorbell. Hinayaan niya ang lalaki na pagbuksan kung sino man ang nasa labas ng bahay nito.

While she sat alone in the living room, she realized, it was her second time being in his house. Noong una ay noong nalasing siya at natulog sa kuwarto ni Ymar nang hindi niya namamalayan. Ang pangalawa ay ngayon. Na-realize din niyang marami pa pala siyang hindi alam sa lalaki.

Her heart was really the most dangerous part of her body. Nagdedesisyon kasi iyon sa mga bagay na dapat pinag-iisipan muna.

Napabuntong-hininga si Czarina saka napabaling sa kanang bahagi ng bahay. Nakita niyang naglalakad pabalik si Ymar at may nakasunod na ritong medyo may-edad na lalaki.

Agad siyang tumayo para salubungin ang bisita saka nginitian. Hindi pa rin pala niya nakakalimutan ang mga itinurong kabutihang-asal sa kanya ng mga magulang tuwing may dumarating silang bisita.

“Czarina, this is Judge Laodito Doroquez,” pagpapakilala ni Ymar sa bagong dating at pinaupo ang matandang lalaki sa pang-isahang sofa.

“Nice to meet you,” nakangiting sabi niya saka nakipagkamay sa matandang lalaki. “I’m Ymar’s neigh—”

“She’s my fiancée,” Ymar quickly corrected her.

Natigilan si Czarina at pasimpleng nakagat ang ibabang labi. Shit! That was close.

“Tatawagin ko lang si Mommy,” sabi ni Ymar sa bisita saka pasimpleng niyakap siya sa baywang at bumulong sa kanyang tainga. “Don’t talk to him. Baka ano pa ang masabi mo.”

Nakangiting tumango siya. “Okay.”

Nang tumalikod si Ymar ay umupo naman si Czarina sa dating kinauupuan. Pero napatigil sa pag-akyat ng hagdan si Ymar papunta sa second floor ng bahay nang makitang bumaba ang ina nito sa hagdan.

Agad na bumalik si Ymar sa pagkakaupo sa sofa, sa tabi niya.

“Hello, Judge Doroquez,” sopistikadang bati ng ina ni Ymar sa bisita habang may ngiti ito sa mga labi. “I’m happy that you are able to come here at such a short notice.”

Ngumiti ang judge. “You said it’s an urgent matter.”

“Yes. It’s a very important matter,” sabi ng ginang at humarap sa kanila ni Ymar na magkatabing nakaupo sa mahabang sofa. “Judge, I’m sure you have met my son, Ymar, and his fiancée, Czarina Salem. At kaya kita pinapunta rito ay dahil,” umupo ang ginang sa pang-isahang sofa habang magkasalikop ang mga kamay, “gusto kong ikasal mo sila ngayon din.”

Nanigas si Czarina sa kinauupuan, ganoon din si Ymar na hindi nakagalaw. Ilang segundo rin siyang nakalimot na huminga dahil sa parang bombang sumabog sa harap nila.

She was about to say something, to say no, to tell the truth, pero naramdaman niyang pinisil ni Ymar ang kanyang kamay na para bang pinapakalma siya. Napatigil siya sa pagsasalita.

She gave him a questioning look, but Ymar did not heed her any attention.

“Mommy.” Umayos ng upo si Ymar. “Plano na naming magpakasal sa simbahan—”

“Shut it, Ymar,” his mother cut him off. “Gusto kong ikasal ka ngayon din. You two are already engaged so marapat lang na ikasal na kayong dalawa. `Yong date para sa kasal n’yo sa simbahan, ipagpatuloy n’yo lang. Pero ngayon, kailangang makasal kayo sa huwes para masiguro ko ang lahat bago ibigay sa `yo ang napag-usapan natin.”

Humigpit ang hawak ni Ymar sa kamay niya, parang ayaw na siyang bitiwan. Pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan, pinagsalikop ni Ymar ang mga kamay nila saka bumaling sa kanya.

“Is it okay?” tanong nito, wala siyang mabasang emosyon sa guwapong mukha ng lalaki. “It’s okay if you say no. Naiintindihan ko.”

She gave him a questioning look. Gustong iparating ni Czarina kay Ymar na naguguluhan siya sa nangyayari at sa gusto nitong gawin niya. Hindi niya alam ang gagawin. Actually, she could just walk away and forget this ever happened. Pero kaya ba niya iyong gawin kay Ymar na hinihingi ang kanyang tulong? Crap! Ayaw niyang mabulilyaso ang plano nito nang dahil sa kanya. She promised to help and she will. And her heart won’t let her leave, damn it! That freaking organ wanted to stay with Ymar and that was where her problem lay.

May inilabas na papel ang judge mula sa attaché case nito saka paharap sa kanilang umupo. “Pirma n’yo na lang ang kailangan, salamat kay Miss Fontanilla dahil ibinigay niya sa `kin ang mga importanteng detalye tungkol sa inyong dalawa,” sabi ng judge saka inabot sa kanila ang papel. “It’s your marriage contract. Hindi naman natin kailangang gawin ang seremonya ng kasal. Pirmahan n’yo lang ang marriage contract n’yo at ako na ang bahalang mag-file niyan sa city hall para marehistro kaagad.”

Napatitig si Czarina sa marriage contract na tinanggap ni Ymar. When Ymar looked at her, he looked at ease, para bang ayos lang sa lalaki ang nangyayari. But she knew better. He was just pretending again. He was good at it.

Ibinigay sa kanya ni Ymar ang marriage contract. “Sign it, only if you want though.” May inabot sa kanyang ballpen si Ymar na inabot din ng judge sa lalaki. “Here…”

“Sign it, Czarina,” sabi ng ina ni Ymar na nakamasid lang sa kanya. “Kung talagang nagmamahalan kayo ng anak ko, pipirma ka.”

Czarina dragged her gaze to Ymar who was now looking at her with unreadable expression in his handsome face.

Nagpakawala ng malamig na hininga si Ymar saka inagaw ang marriage contract nila at mabilis iyong pinirmahan pagkatapos ay ibinalik ang kontrata sa kanya.

She gulped as she looked at the marriage contract in her hand. Kompleto ang detalyeng naroon tungkol sa kanya. She was confused, then she remembered Ymar’s mom asking her personal questions. That was it!

Kung alam lang niya…

Napatitig si Czarina sa marriage contract at pagkalipas ng ilang sandali ay pinirmahan din iyon na bahagyang nanlalamig at nanginginig ang kamay.

She felt light-headed as she looked at her signature on the marriage contract.

Shit! What now? What was next?

Masayang tumayo mula sa pagkakaupo ang ina ni Ymar saka niyakap silang dalawa ni Ymar. “Finally! May asawa na ang anak ko.” Pinakawalan sila ng ginang at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. “Please, take care of my son, Czarina.”

“I-I will,” nauutal na sagot niya.

The woman had a very wide smile as she gave back the marriage contract to the judge. Here you go. Asikasuhin mo `yan agad. Okay? I want a registered marriage contract before I go back to New York.”

“Yes, Miss Fontanilla,” sagot ng judge at nagpaalam na sa kanila.

“Well.” Humarap sa kanila ang ginang na hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi. “Sa kuwarto muna ako. Magpapahinga lang. Have an amazing honeymoon, you two,” she mused. “Have a good night.”

Naiwan sila sa sala ni Ymar na nakatulala at parehong walang imik.

“What now?” naguguluhan niyang tanong.

Magpapanggap lang ba silang dalawa? Iyon ang usapan. Pero ngayong kasal na sila ni Ymar, ano ang mangyayari sa kanilang dalawa?

But this wasn’t really a problem… right? Nandiyan pa naman ang annulment.

Nakahinga nang maluwag si Czarina sa naisip. “After three months, I will file an annulment. Siguro naman, sa tatlong buwan ay nasayo na ang CF Pharmaceutical.”

Ilang segundo siyang tinitigan ni Ymar, may kakaiba sa kislap ng mga mata nito na hindi niya mabasa. “At nasisiguro kong sa loob ng tatlong buwan, mabubuntis kita.”

Her lips slowly parted. Oh, my God! He didn’t just say that! Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang buong mukha. Oo nga at open-minded siya sa mga ganoong bagay pero hindi yata kinaya ng puso niya ang lumabas sa bibig ni Ymar dahil para itong tinatambol sa lakas ng tibok.

Yes, she wanted a baby and Ymar was going to give it to her in three months. Ang tanong, handa na ba siyang tuldukan ang pagiging dalagang Pilipina niya?

She didn’t really have a choice. She already signed their… marriage contract.