noveltoon logo noveltoon
Ymar Stroam (Possessive Series 7)

Chapter 22

Ch. 22 / 24 Apr 09, 2022

ISANG linggong iniwasan ni Czarina si Ymar para makasiguro siya sa desisyon niyang umalis. Araw-araw, palaging may nag-iiwan ng tulips sa labas ng bahay niya. Ilang beses na rin siyang sinubukang kausapin ni Ymar pero hindi siya nakipag-usap sa asawa.

Hindi niya binigyan ng pagkakataon si Ymar na patunayan ang pagmamahal nito.

She was afraid that her heart might get swayed again.

At habang nakaupo at naghihintay na bumukas ang boarding gate para sa flight niya, panay ang hinga nang malalim ni Czarina. Sinadya niyang umalis sa Bachelor’s Village ng madaling-araw dahil ayaw niyang makita si Ymar habang paalis siya. Baka biglang magbago ang kanyang isip.

Huminga siya nang malalim nang bumukas na ang boarding gate.

This is it! Wala nang atrasan `to.

Tumayo siya saka naglakad papunta sa boarding gate. Pagkalipas ng ilang minuto, nakasakay na siya sa AirJem Airlines at komportableng nakaupo. Wala pa ang kanyang katabi. Isinuot niya ang seat belt at tumingin sa labas ng bintana ng eroplano.

Ilang minuto na lang at aalis na iyon. Pabigat nang pabigat ang kanyang dibdib habang lumilipas ang mga minuto. Nagpi-play sa isip niya ang masasaya nilang alaala ni Ymar, ang mga ngiti nito, ang bawat yakap at halik na pinagsaluhan nila.

Mabilis niyang tinuyo ang luha na nalaglag sa kanyang mga pisngi.

“Kaya mo `to, Czarina,” pagkausap niya sa sarili. “Kaya mo `to.”

Ilang beses siyang huminga nang malalim nang maramdamang gumalaw na ang eroplano. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maramdamang gusto niyang bumaba at bumalik sa mga bisig ni Ymar.

Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha nang makarating sa ere ang eroplanong sinasakyan. Nang tumingin siya sa labas ng eroplano, pakiramdam niya ay sinakal ang kanyang puso.

Ymar…

“Ma’am, are you okay?” tanong sa kanya ng stewardess na mukhang nakapansin sa pag-iyak niya.

Pilit ang ngiting tumango siya. “I’m okay.”

“Do you need water, Ma’am?”

Tumango siya. “Thank you.”

Nakangiting tumango sa kanya ang stewardess saka siya ikinuha ng tubig. Ipinikit niya ang mga mata at inayos ang comforter sa kanyang katawan dahil nilalamig siya kahit hindi naman nakatutok sa kanya ang aircon.

Pilit na pinapatulog ni Czarina ang sarili nang marinig niyang may nagsalita sa speaker.

“Being this fucking crazy because of a woman scares me. I know that you don’t want to be with me anymore but please, hear me out, Czarina,” panimula ng nagsasalita na nagpadilat sa kanyang mga mata. She knew that voice! “Bago pa kita nakilala, naniniwala akong wala akong babaeng hahayaang magtali sa `kin. Pero nag-iba `yon nang makilala kita, Czarina.” Mahina itong tumawa. “Ewan ko ba, ayaw na ayaw kong matali pero napakadali para sa `kin na pumirma sa marriage contract natin. At lalo akong natakot dahil wala man lang akong maramdamang pagsisisi sa ginawa ko.”

He took a deep breath. “Ikaw lang ang tanging babaeng hinahayaan kong utusan ako, ang tanging babaeng gagawin ko ang lahat masunod lang ang gusto, at ang tanging babaeng hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita.”

Namimilog ang mga matang sinapo ni Czarina ang nakaawang na bibig. He’s here! In this flight! Oh, my God!

“Noong mga unang pagkakataon na nagkakausap tayo, at walang emosyon ang mukha ko, hindi mo lang alam kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Nagpapanggap lang akong wala lang kapag kausap ka pero grabe ang kaba ko noon lalo na kapag ngumingiti ka.” Tumawa si Ymar nang mahina. “And every time I see you in your kitchen cooking, I can’t take my eyes off of you. Hindi ko alam kung ano’ng mayroon ka na nahumaling ako sa `yo. Basta ang alam ko lang, tumitibok ang puso ko para sa `yo.

“Remember when I danced in front of you?” Wala sa sariling tumango ang ulo ni Czarina habang nakikinig. “That was a dare. Pero hindi kasama do’n ang halikan ka. Ewan kung ano’ng mayroon sa labi mo na gustong-gusto kong halikan. Nakaka-adik nga, eh, kasi hindi `yon mawala sa isip ko. Hindi ko ugaling makialam sa iba, pero noong narinig kong pinagsasalitaan ka ng masasakit ng girlfriend ng ex mo, nilapitan kita at nakialam ako.

“I introduced myself as your boyfriend in front of them and you thought I was pretending, but the truth, hell no. I want your ex to know that you’re taken by me. Kaya kapag hinahalikan kita, paulit-ulit kong sinasabi sa `yong hindi ako nagpapanggap. Kissing you is my pleasure, Czarina. And being your husband is an honor.”

Tumulo ang mga luha niya sa huling sinabi ni Ymar habang ang mga naroon na kasama niya ay nagbubulungan kung sino siya at matimtimang nakikinig din sa mga sinasabi ng kanyang asawa.

“I know, I made a mistake. I know that you’re having a hard time forgiving me. I know that you don’t want to be with me anymore. Ayaw mo akong kausapin, ayaw mo akong bigyan ng pagkakataong patunayan sa `yo na mahal kita pero hindi ako susuko, Czarina. Hindi ako makakapayag na iwan mo ako. Masyado kitang mahal para pumayag sa annulment na gusto mo. Ayoko. Ayokong mawala ka sa `kin. Kung kailangan kitang sundan kahit saang sulok ng mundo, bumalik ka lang sa `kin, gagawin ko.

“Alam kung may kasunduan tayo tungkol sa bata, pero wala akong balak na tuparin `yon. I want to hear our baby call me daddy when she or he grows up. I want to be with him or her as he or she grows old. Actually, I want to be with you and to be with our baby in every way possible, if you would let me.

“I love you so much, Czarina,” puno ng pagmamahal na sabi ni Czarina. “Hindi ko kayang mawala ka kaya sinundan kita. Pasensiya na, mababaliw na kasi ako sa kakaisip kung ano’ng gagawin ko para lang hindi mo ako iwan. Ayokong mawalan ng karapatan na mahalin ka, na angkinin ka, na magselos at ipagsigawan sa buong mundo na akin ka. I love being your husband, Czarina. I love the feeling of waking up every day with you by my side. It’s my pleasure to be tied to you. It isn’t a burden, it’s the most amazing thing that has happened to me. So I beg you, please don’t annul our marriage.”

Tinuyo ni Czarina ang luha na tumulo sa kanyang mga pisngi saka tumayo at luminga-linga. Hinahanap niya si Ymar na nawala na ang boses sa speaker. Sa kanya nakatingin ang ibang pasahero pero wala siyang pakialam kung pinagbubulungan siya ng mga ito.

“Where are you…? Where are you…?” She was mumbling to herself when she saw him holding a bouquet of red tulips.

Nakaramdam siya ng awa sa asawa nang makita ang kabuuan nito. His hair was disheveled, there were dark circles around his eyes, he looked tired and worn out, there was a day’s growth of whiskers on his face and he looked as if he was ready to pass out.

“Ymar…”

Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya saka iniabot ang bulaklak. “Para sa asawa ko.”

Nanunubig ang mga matang tinanggap ni Czarina ang mga bulaklak saka pinakatitigan ito. “Ymar…”

Gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi nito. “Wala akong lakas ng loob na ibigay iyon sa `yo nang personal noon kaya iniiwan ko na lang sa labas ng bahay mo. Pero ngayon, hindi ko na dadaanin sa mga note ang gustong kong sabihin sa `yo.”

Bumaba ang tingin ni Czarina sa hawak na tulips at napatingin sa asawa. “Galing ang mga `yon sa `yo?”

Tumango si Ymar. “I never gave flowers to anyone, yet, I always left a flower for you outside your door. Pangalan mo ang binanggit ko kay Mommy noong nagtanong siya kung may girlfriend na ako kasi kahit noon pa, hindi ko man maamin sa sarili ko, gusto ko talagang maging akin ka.

“Matagal na kitang mahal, Czarina. I just couldn’t accept that a woman can make me crazy. When I’m with you, my heart becomes insane. Pakiramdam ko nagiging ibang tao ako. I didn’t mean to hurt you, Czarina. That wasn’t my intention when I left. Umalis ako kasi ayokong mag-away tayo. I was jealous and I needed to calm down.

“When I saw Roy’s lips touch yours, nagdilim ang paningin ko. I wanted to kill him, Czarina, and it scared me. Loving you is scary, but I’d rather be scared and face it rather than lose you. Naranasan ko na ang wala ka. Ayoko nang maranasan `yon ulit.

“Nang makabalik ako, natakot akong kausapin ka kasi alam kong galit ka dahil umalis ako. Pero palagi kitang inaabangan tuwing nasa kusina ka ng bahay mo, sinisilip kita para tingnan kung ayos ka lang ba o kung kumusta ka na. Sinusundan ko ang kotse mo papunta sa clinic mo para masigurong ligtas ka sa biyahe.”

Bumuga ito ng isang malalim na hininga. “Please don’t leave me.” He was begging as he knelt in front of her. “Please don’t go, please stay with me, Czarina. Please… let me be your husband and a father to our child for the rest of my life.”

She couldn’t help her tears from falling.

May inilabas itong itim na velvet box saka binuksan iyon at iniharap sa kanya.

“Alam kong wala akong karapatang mag-demand sa `yo kung ano pero sana hayaan at bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon na patunayan sa `yo na mahal kita. Marry me again, Czarina. Sa pagkakataong `to, sa dambana kita pakakasalan.”

Nang isuot ni Ymar ang singsing sa kanyang mga daliri ay parang nabura lahat ang takot na baka masaktan na naman siya. Ang tanging natira na lang ay ang pagmamahal niya sa asawa.

She loved him. She loved Ymar.

“Czarina?”

“Yes?”

“Will you marry me? Again?”

Lumuluhang tumango siya at nagpalakpakan ang mga taong naroon pero hindi niya binigyang-pansin ang mga pasahero. Ang atensiyon niya ay nakatuon lang kay Ymar.

“Gaano mo ako kamahal?” Alam ni Czarina na hindi nararapat ang tanong na iyon pero gusto niyang marinig ang sagot ni Ymar.

“I don’t know.” Napailing-iling ito at halatang hindi alam ang isasagot. “Ang alam ko lang, mahal kita at sa oras na iwan mo ako at sabihin mo sa `king hindi mo naman talaga ako mahal, siguradong magkikita tayo sa mental hospital. Ikaw ang magiging doktor ko at ako ang pasyente mo. Kasi mababaliw ako kapag may ibang lalaking maghaharap sa `yo sa altar.”

Pinakatitigan nang matiim ni Czarina ang asawa bago nagsalita. “Yes ang sagot ko sa tanong mo kung gusto kitang pakasalan.” Nang magliwanag ang mukha ng asawa ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Pasensiya na kung gusto kong lumayo sa `yo.” Lalong namalisbis ang luha sa kanyang mga pisngi. “Natatakot kasi akong masaktan ulit. It was hellish, Ymar. I knew it was Tatiana’s fault, but it still scared me. I cried so much, Ymar, because of you.

“I was mad. Kasi habang umiiyak ako, na-realize kong hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. I even asked myself, nabuhay naman ako ng twenty-seven years na wala ka, bakit ngayon kailangan na kita? Hindi ko alam kung bakit kita minahal nang ganito.”

“Czarina, baby…” Tumayo si Ymar saka masuyong ikinulong ang kanyang mukha sa mga kamay nito. “Hindi magiging madali ang buhay nating mag-asawa. Darating ang mga pagkakataong susubukin tayo pero, `di ba, ang mahalaga lang naman, mahal natin ang isa’t isa? Love conquers all, right? We’ll conquer every fear and every hindrance that’s going to be thrown at us. Together. As husband and wife.”

Tumango siya, ipinalibot ang mga braso sa leeg ni Ymar at niyakap ang asawa nang mahigpit.

“Sorry dahil umalis ako.”

Hinagod nito ang kanyang likod. “That’s okay. Hindi ba sinabi ko sa `yong susundan kita kahit saan ka pa magpunta? I was that desperate for us to be together again.”

She buried her face on his neck. “Thank you… for coming. Akala ko, hindi na kita makikita kanina.”

“Para namang hahayaan ko `yong mangyari.”

Mahinang natawa si Czarina saka pinakawalan ito sa pagkakayakap. Tinuyo ni Ymar ang basa niyang pisngi saka siya iginiya paupo bago humingi ng paumanhin sa ibang pasahero na naistorbo ng drama nila.

“That’s your seat?” tanong niya sa asawa nang umupo ito sa katabi niyang upuan.

He nodded. “I asked my friend, Valerian, who owns AirJem Airlines to save me a seat beside you.”

Napangiti siya. “You planned this?”

Hinalikan siya ni Ymar sa noo saka tumango. “Noong ayaw mo akong kausapin, nawalan ako ng pag-asa. Pero hindi kita susukuan. Kung kailangan kitang sundan para magkaayos tayo, gagawin ko.”

“We can’t turn around the plane though,” sabi niya saka tumingin sa labas ng bintana ng eroplano. “Hindi ko naman na ngayon kailangang pumunta sa US.”

“That’s okay. I plan to meet your parents and ask their blessings.”

Nangingiting inihilig niya ang ulo sa balikat ni Ymar. “Ymar?”

“Yes, banana?”

Napangiti siya sa itinawag ng asawa sa kanya. “Hindi alam ng parents ko na may asawa ako at buntis.”

“Then we’ll tell them together,” suggestion ni Ymar na ikinasiya niya. “I’m more than willing to introduce myself as your husband and the father to our child.”

Wala na ang bigat sa dibdib ni Czarina. Wala na ang sakit at takot sa puso niya. Tanging pagmamahal na lang ang naiwan. At tama si Ymar. Sa buhay, hindi puro saya. Nasa tao na lang kung paano haharapin ang problema. Kaya naman nangangako siyang hindi niya susukuan si Ymar. Marami pang darating na mga problema sa kanila, at haharapin niya iyon kasama ang kanyang asawa.