NATIGILAN si Czarina pagkababa ng sasakyan. Nakita niya si Ymar na papalabas sa gate ng bahay nito. Nang magtama ang mga mata nilang dalawa ay bumaba ang tingin nito sa dala niyang groceries saka ibinalik ang tingin sa kanyang mukha.
Dahil hindi niya kayang tagalan ang titig ng asawa ay nagbaba siya ng tingin at tahimik na pumasok sa bahay niya deretso sa kusina.
Pagkatapos iligpit ang mga pinamili ay nag-umpisa siyang magluto. Katatapos lang niyang magprito ng itlog at isusunod na sana ang bacon nang bigla siyang maduwal sa amoy niyon.
Nasapo niya ang bibig nang maduwal ulit.
Kunot ang noong inilapit ni Czarina ang ilong sa bacon at sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang masuka.
Mabilis siyang lumapit sa lababo. Doon siya dumuwal at sumuka. Napahawak siya sa gilid ng lababo at sumuka nang sumuka hanggang sa pakiramdam niya ay nanghihina siya.
Kapos ang hininga na umupo si Czarina sa upuan sa hapag-kainan saka kunot ang noong nag-isip kung ano ang nakain niya at masama ang lagay ng kanyang tiyan.
Pero wala naman akong kinain. Kung ganoon, bakit siya maduduwal?
Unless…
Umawang ang mga labi ni Czarina habang binibilang ang mga araw na lumipas mula nang na-delay ang menstruation niya.
Ang pagkahilong nararamdaman minsan sa umaga, ang kawalan niya ng ganang gumalaw at palaging gustong matulog.
Oh, my God.
Kahit nahihilo pa, pinatay niya ang stove at nagmamadaling tumakbo sa kanyang kuwarto pagkatapos ay hinalungkat ang closet kung saan nakatago ang stock niya ng pregnancy test kit na para sa clinic.
“Oh, my God! Oh, my God!” mahina niyang sabi habang mabilis ang mga hakbang na pumunta ng banyo dala ang pregnancy test kit.
Czarina immediately tested herself. Nang maipatak niya ang tamang dami ng ihi sa maliit na butas ng pregnancy test kit ay kinakabahang hinintay niya ang resulta.
Hindi tumitingin na kinuha niya ang pregnancy test kit sa gilid ng lababo at ipinikit ang mga mata. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago iminulat ang mga mata at tiningnan ang resulta.
Dalawang guhit.
Nabitawan ni Czarina ang pregnancy test kit saka siya napasandal sa hamba ng pinto ng banyo. Kinakabahang nasapo niya ang bibig. Ano ang gagawin niya ngayon? Oh, God!
This was a blessing! A baby was always a blessing… but her situation now… No! She will take care of her baby. Hindi siya makakapayag na madamay ito sa hindi nila pagkakaintindihan ni Ymar.
She can raise her baby alone. Iyon naman ang usapan, `di ba? Kapag nabuntis siya, walang magiging pakialam sa bata si Ymar.
Nagmamadali siyang bumalik sa closet at kumuha ng tatlong pregnancy test kit.
“I have to make sure,” sabi niya sa sarili saka pumasok sa banyo.
One hour later, she was sitting on the edge of her bed, looking at nothingness. Six pregnancy test kits. Same result.
Positive.
I’m pregnant.
Naihilamos ni Czarina ang mga kamay sa pisngi saka pabagsak na inihiga ang katawan sa malambot na kama at napatitig sa kisame.
I can raise my baby. I can raise her alone. There will be no problem financially. Pero sasabihin ba niya kay Ymar? Sasabihin ba niya sa asawa na buntis na siya?
Mapait siyang ngumiti.
Would it even matter? Shit! May pakialam ba ito?
Kahapon pa siya nandito pero ni anino niya hindi ko nakita! That sperm! He really hates me. She didn’t even do anything wrong.
Bumangon siya sa pagkakahiga saka bumaba sa kusina habang may dala-dalang face mask.
Bago inumpisahang magluto ay inilagay ni Czarina ang face mask saka nilagyan ng tamang distansiya ang kanyang katawan at ng bacon na piniprito.
Kahit malayo na ay naduduwal pa rin siya sa amoy nito. She couldn’t take it anymore. Pagkatapos maluto ang tatlong bacon, tumakbo siya papunta sa lababo at dumuwal na naman doon.
Czarina felt drained after vomiting. Pero kahit nanghihina, nagmumog siya saka napasandal sa lababo.
Wala sa sariling napatingin siya sa labas ng mapalad na bintana sa kanyang kusina.
Natigilan siya kasabay ng pagpintig ng kanyang puso nang magtama ang mga mata nila ni Ymar na nasa balkonahe nito sa kusina at sumisimsim ng kape.
Ilang segundo rin silang nagkatitigan bago ito nag-iwas ng tingin, tinalikuran siya at pumasok sa loob ng bahay nito.
Parang may sumakal sa puso ni Czarina nang wala man lang siyang makitang emosyon sa mukha ng asawa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata para pigilan ang pagtulo ng luha pero may nakatakas pa ring dalawang butil.
“Stop it, Czarina,” pagkausap niya sa sarili. “He’s not worth it… not worth it…” Another tear escaped from her eyes. “Isa siyang walang kuwentang sperm. Huwag mo siyang iiyakan.”
Czarina pulled herself forcefully. She can do it! She can move on! She can move forward without Ymar in her life. Nakaya nga niyang kalimutan ang ex-boyfriend niya, si Ymar pa kaya?
Nakangiwing itinapon niya ang bacon dahil naduduwal na naman siya sa amoy niyon saka mabilis na kinain ang itlog at garlic rice na niluto. Pagkatapos ay umakyat siya sa kanyang kuwarto para maligo at magbihis.
Nang matapos mag-ayos sa sarili ay bumaba siya at lumabas ng bahay. Habang naglalakad palabas ng gate ay abala siya sa pagtipa ng mensahe para kay Dra. Singzon, isang ob-gyn na kagaya niya.
Good morning. Do you have free time today? I want to schedule a checkup. Then she hit send.
Nag-angat siya ng tingin mula sa cell phone at napatigil sa paglalakad nang makitang naglalakad si Ymar pasakay sa kotse nito.
Hindi nakagalaw si Czarina sa kinatatayuan at pinagmasdan lang ang asawa hanggang sa makasakay ito ng kotse. Gaga na kung gaga pero may kasiyahan siyang nararamdaman na nakita ulit ang asawa.
Marahas siyang napailing saka naglakad na rin papunta sa kanyang kotse at sumakay. Nang buhayin niya ang makina ng sasakyan ay napansin ni Czarina na hindi pa umaalis si Ymar kahit pa nga buhay na ang makina ng sasakyan nito.
Bahagya siyang napaigtad nang bigla na lang itong bumusina at kumisap-kisap ang headlights.
“Is he signaling me to go first?” tanong niya sa sarili saka napailing-iling at pinaandar ang sasakyan.
Hindi maiwasan ni Czarina na mapatingin sa side mirror ng sasakyan habang nagmamaneho palabas ng Bachelor’s Village. Nasa likuran niya ang kotse ni Ymar. Nang gumilid siya para bigyan ito ng space para malampasan siya ay hindi naman nag-overtake ang asawa. Hanggang sa makalabas sila ng Bachelor’s Village ay nasa likuran lang ang kanyang kotse.
“Ano ba’ng problema niya?” naguguluhang tanong niya sa sarili habang nagmamaneho papunta sa clinic niya.
Sigurado siyang hindi iyon ang daan papunta sa opisina ni Ymar pero sa halip na ma-stress sa ginagawa ng asawa ay nag-focus siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating sa clinic niya.
Nang maiparada ang sasakyan at makalabas ng kotse, biglang humarurot ang kotse ni Ymar lampas sa kanyang clinic.
Kumunot ang noo ni Czarina saka umiiling-iling na pumasok sa kanyang clinic.
HUMINGA nang malalim si Czarina bago lumabas ng clinic ni Dra. Singzon. It was really positive. She was really pregnant. Hindi nagkamali ang resulta ng pregnancy test kit.
Napahawak siya sa kanyang tiyan saka malungkot na ngumiti. “Wala ka mang daddy, pero nandito naman si Mommy kaya sana lumaki ka nang mabuti,” pagkausap niya sa batang nasa kanyang sinapupunan. Mayamaya ay sumakay siya sa kanyang kotse.
Ilang minuto siyang nakatitig sa kawalan bago nagawang buhayin ang makina ng sasakyan at umalis.
Habang nagmamaneho pabalik sa clinic, laman ng isip ni Czarina ang checkup niya kay Dra. Singzon.
She was two weeks pregnant and her baby was healthy. Niresetahan siya ni Dra. Singzon ng mga bitamina para sa buntis na ikinangiti niya. Noon, siya ang nagrereseta noon sa kanyang mga pasyente. Ngayon, siya na ang iinom niyon.
Napailing si Czarina saka mas binilisan pa ang pagmamaneho hanggang sa makarating siya sa kanyang clinic. Nang makapasok, agad niyang tiningnan ang stock ng gamot at nang makitang ang gatas lang ang kulang niya ay nagpaalam na siya kay Shane na uuwi na para bumili ng kanyang pangangailangan at magpapahinga na rin. Wala naman silang pasyente ngayong hapon dahil tinapos na niya lahat kaninang umaga.
Dumaan muna siya sa isang pharmacy para bilhin ang gatas niya saka umuwi. Paglabas niya ng sasakyan ay tamang-tama namang dumating ang kotse ni Ymar. She was tempted to look in his direction but she stopped herself. Nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok sa bahay hanggang sa makapasok siya sa kanyang kuwarto.
Binuksan ni Czarina ang malapad na bintana ng kuwarto bago naghubad ng damit at nagbihis. Pagkatapos ay nahiga siya sa malambot at malapad na kama saka binuksan ang cell phone. Pinindot niya ang Contacts at hinanap ang pangalan ni Ymar at pinindot iyon.
Ilang minuto rin niyang tinitigan ang numero ng asawa bago niya iyon binura kasama na ng mga text nito at tawag.
It’s better this way. Mukha namang wala na siyang pakialam sa `kin. Nakuha na nito ang gusto at buntis na siya. Wala nang dahilan para magpanggap pa sila.
Malakas siyang bumuntong-hininga saka inilapag ang cell phone sa ibabaw ng bedside table.
Ilang minuto ang lumipas bago nabasag ang katahimikan ng buong kuwarto nang mag-ring ang gadget.
It’s from an unknown number.
Sa isiping baka pasyente niya iyon ay sinagot ni Czarina ang tawag.
“Hello? This is Doc. Czarina Salem. Who am I speaking to?”
Walang sumagot sa kabilang linya.
Inilayo niya ang cell phone sa tainga saka tiningnan kung naka-connect pa iyon. Nang makitang connected pa ang tawag ay inilapit niya ulit ang cell phone sa kanyang tainga.
“Hello? Hello? Hello?!” Malakas siyang bumuntong-hininga. “Look, whoever you are, if it’s important and you can’t talk at the moment, call my secretary. Bye.”
Pinutol niya ang tawag saka inilapag ulit ang cell phone sa ibabaw ng bedside table.
Seconds later, she received a text message from the same number who called her. Nang basahin iyon ay namilog ang kanyang mga mata at napabalikwas siya.
This is Ymar. You deleted my number?
Umawang ang mga labi ni Czarina at wala sa sariling napatingin sa terrace nito na nakaharap sa bintana ng kanyang kuwarto.
And there he was… her husband, Ymar Stroam.
At dahil nakatitig siya sa lalaki, kitang-kita niya ang pang-angat nito ng cell phone at paglapit niyon sa tainga.
Czarina slightly jumped when her phone rang.
It was Ymar… the unknown number.
Halu-halo ang emosyong sinagot niya ang tawag ng asawa. “H-hello?”
“Let’s talk,” sabi nito sa malamig na boses.
So now he wants to talk. “I don’t want to,” pagmamatigas niya.
“Tomorrow. At the café outside VB. Three PM. Hihintayin kita.” Pagkasabi niyon ay pinatay nito ang tawag saka umalis sa terrace.
Naiwan ang mapait na ngiti sa mga labi ni Czarina. Hindi ako laruan na basta mo na lang pupulutin kung kailan mo gusto. Her heart tightened. Pero bakit ganoon? Kahit ano pang sabihin niya sa sarili, alam ni Czarina na pupunta siya bukas. Tanga na kung tanga pero gusto niyang makausap ang asawa.