“MOMMY, stop worrying about me,” sabi ni Czarina sa ina na siyang kausap niya sa cell phone. “Ayos lang naman ako rito. I have lots of patients, that’s why I’m always busy. Sorry kung hindi ko kayo natatawagan.” Okay, that was a lie.
Sorry, Mom.
Ayaw pa niyang sabihin sa mga magulang ang kanyang kalagayan at ang tungkol kay Ymar. Lalo na ngayon na malabo na yata silang magkaayos.
“`Nak, normal lang naman sa `min ang mag-alala.” Bumuntong-hininga ito. “Kumusta ka naman diyan? May love life ka na ba?”
Natigilan si Czarina sa pagpasok sa paborito niyang café sa tanong ng ina. Matatawag bang love life kung ano ang namagitan sa kanila ni Ymar?
“Oh, natahimik ka, `no,” pansin sa kanya ng ina.
Bumuntong-hininga siya habang may kirot sa kanyang puso. “Ako lang ang nagmamahal, Mommy. Hindi `yon matatawag na love life.”
“And who’s the lucky guy?” nanunuksong tanong ng kanyang ina.
Malungkot ang ngiting pumasok siya sa café kung saan sila magkikita ni Ymar. “My neighbor.”
“Aww…” Her mother cooed to her. “How’s your heart, `nak? Sobrang bilis ba ng tibok?”
Wala sa sariling napahawak si Czarina sa kanyang puso. “Oo, Mommy, sobra. Pero ngayon, masakit na.”
“And how are you handling it? The unreciprocated love?”
Her mother was really a godsend with so much understanding. “I’m trying to move forward, Mom. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa `kin. I’ll be okay.”
“Anak, ipapaalala ko lang, ha? You’re not great in dealing with heartaches,” paalala nito sa kanya. “Ngayon pa lang, hanggan’t hindi pa gano’n kalalim ang nararamdaman mo para sa kanya, pag-aralan mo nang burahin kung ano man ang nararamdaman mo para sa kapitbahay mo.”
Her heart saddened. “I know, Mom. I’m already trying to move on.”
“Czarina…” Halatang nag-aalala ang mommy niya. “Be careful with your heart, okay?”
“Yes, Mom.” Lumapit siya sa counter ng café. “I have to go, Mom. Magmemeryenda ako.”
“O, sige. Ingat ka riyan palagi.”
“Okay po. Kayo rin.”
Nang mawala ang ina sa kabilang linya, nginitian ni Czarina ang babae sa likod ng counter. “One banana smoothie and one banana cake,” order niya. “And, ahm…” She had been craving for chocolate syrup since this morning. “Puwede n’yo bang lagyan ng chocolate syrup ang banana smoothie ko? Magbabayad ako kahit magkano.”
Ngumiti ang kaharap. “Sige po, Ma’am.”
Nang makapagbayad ay binigyan siya ng cashier ng wireless electronic pager bell na iilaw at magba-vibrate kung okay na ang order niya.
Nakangiting tinanguan ni Czarina ang cashier saka inilibot ang mga mata, hinahanap si Ymar. It was already three thirty PM. Nang hindi ito makita sa loob ng café ay umupo siya sa isang mesa sa gilid para doon hintayin si Ymar.
Ten minuters later, still no Ymar. Nasaan na ba ang lalaking `yon? He was the one who wanted to talk.
Inilabas niya ang cell phone sa bag at tinext si Ymar.
Nandito na ako, nasaan ka na? And then she hit Send .
Mahabang minuto ang lumipas bago nag-reply si Ymar.
I have to cancel. May importante akong meeting with a client. Sorry.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Czarina nang mabasa ang reply ng asawa sa kanya. Tumigil ang kanyang paghinga ng ilang segundo kasabay ng libo-libong karayom na nararamdaman niyang tumutusok sa kanyang puso.
That bastard sperm! Ito ang tumawag sa kanya at nag-demand na mag-usap sila pagkatapos ngayon ay hindi siya sisiputin?
Hindi niya nireplayan si Ymar at galit na ibinalik ang cell phone sa bag. Samut-saring emosyon ang kanyang nararamdaman pero ang nag-uumapaw ay ang awa niya sa sarili.
She came here to see and talk to Ymar even knowing that he had Tatiana. Sa sobra niyang katangahan, nakaramdam pa siya ng excitement na makakausap niya ngayon ang asawa. Na maipapaliwanag niya ang nangyari sa asawa? Hindi man niya aminin sa sarili, umasa siya na magkakaayos silang dalawang ngayon.
Mapakla siyang tumawa at napailing. “So much for hoping. Ang tanga ko talaga…”
Walang buhay na tumayo siya nang makitang umilaw na ang electronic pager bell na hawak. Akmang hahakbang siya papunta sa counter para kunin ng order nang may kumuha ng pager bell sa kanya.
“Ako na.” It was Roy.
Wala siyang nagawa dahil nakalapit na sa counter ang lalaki at kinuha ang order niya. Nang makabalik ito sa kanyang mesa ay maingat nitong inilapag ang tray na may lamang pagkain saka umupo sa bakanteng upuan sa kanyang tabi.
Kaagad na nalukot ang kanyang mukha. “Sino’ng may sabi sa `yong umupo ka?” pagtataray niya sa lalaki. “Umalis ka nga sa harap ko kung ayaw mong bugbugin ka na naman ng asawa ko.”
Nagmatigas si Roy. “Hindi ako natatakot sa kanya. Kapag binugbog pa niya ako, nakahanda na ang abogado ko. So let’s talk, Cza.”
Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. “Wala na tayong pag-uusapan kaya umalis ka sa harap ko.”
“Break na kami ni Lyka,” imporma nito.
Tumaas ang isa pa niyang kilay. “O, tapos?”
“I want you back, Czarina. Ngayong wala na si Lyka, wala nang sagabal sa `ting dalawa.”
Sarkastiko siyang natawa. “Ikaw na talaga ang hari ng makakapal ang mukha.” Tiningnan niya nang masama ang ex-boyfriend. “Puwede ba, Roy? Spare me your bullshits.”
Bigla na lang hinawakan nito ang kanyang kamay. “I know you still have feelings for me, Czarina. Nararamdaman ko `yon tuwing nagkikita tayo. Kaya nga nagseselos sa `yo si Lyka kasi nararamdaman niya rin `yon.”
Hindi makapaniwala siyang natawa. “Ano’ng akala mo sa `kin, tanga?” Inagaw niya ang kamay na hawak nito. “Gago ka. Wala na akong pakialam sa `yo. Kung ano man `yang nararamdaman mo, guni-guni mo lang `yon kaya umalis ka sa harap ko at maghanap ka ng ibang babaeng mauuto.”
Hinawakan na naman ni Roy ang kamay niya. “Czarina—”
“Ano ba!” singhal niya sa gago niyang ex-boyfriend dahilan para mapatingin sa kanila ang mga taong nandoon sa café. “Tigilan mo nga ako!”
“How? I’m still in love with you—”
“Oh, shut up!” Hindi niya mapigilang pagtaasan ito ng boses. “Pagkatapos mo akong gaguhin, akala mo tutunganga ako at hihintayin ka? Bakit? Sino ka ba, ha? Isa ka lang namang walang kuwentang lalaki.”
Tumalim ang mga mata ni Roy. “Bawiin mo ang sinabi mo, Czarina!”
“Bakit ko naman gagawin `yon?” Tinaasan niya ng dalawang kilay ang ex-boyfriend. “Totoo naman ang sinabi ko. Maliban sa pagiging architect mo, ano ba ang mayroon ka? You’re nothing but a worthless trying-hard asshole.”
Tumaas ang kamay ni Roy at bigla na lang siyang sinampal nang malakas. “Tumahimik ka sabi!”
Napaawang ang mga labi ni Czarina at ibinalik ang hindi makapaniwalang tingin sa tarantado niyang ex-boyfriend habang sapo ang pisngi niyang sinampal nito.
“Did you just slap me?” Kahit namamanhid ang pisngi ay nagawa pa rin niyang ngumiti. “I will see you in court, you bastard!” nagtatagis ang bagang na sabi niya.
Kinuha ni Czarina ang smoothie at iniwan ang banana cake niya saka nagmamadaling lumabas ng café. Pero mas masakit pa sa sampal sa pisngi ang naramdaman niya nang makita si Ymar at Tatiana na magkasamang papasok ng café.
Her eyes and Ymar’s met.
“Czarina…”
“Meeting with an important client…” Walang buhay na mahina siyang natawa saka bumaba ang tingin sa nakaangklang braso ni Tatiana sa mga braso nito. Mapait siyang natawa. “What a bad day I’m having.” Nanunubig ang mga matang sabi niya saka tumakbo papunta sa kanyang kotse at sumakay.
“Czarina! Czarina!”
Nang makitang naglalakad palapit sa kanya si Ymar ay mabilis niyang pinaharurot ang kotse palayo sa café.
Hindi alam ni Czarina kung saan siya pupunta pero natagpuan niya ang sarili sa bahay niya. Nang makaupo siya sa pang-isahang sofa sa sala ay agad na tumulo ang luha na kanina pa niya pinipigilan.
Tinampal-tampal niya ang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. “Ang sakit… Ang sakit. Ang sakit-sakit ng puso ko…” Naninikip ang kanyang dibdib. She felt suffocated.
The pain in her heart was too much to bear for her so she screamed and screamed from the top of her lungs to let go of the pain, to make her breathe and to empty her shattered heart.
She was a strong woman, an independent woman. But at that moment, she felt so weak and pitiful as she screamed with tears falling down her cheeks. Pilit niyang pinapatigil ang luha at pilit na pinapakalma ang sarili pero lalo lang siyang napahagulhol.
Paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya sina Ymar at Tatiana na papasok sa café.
Important meeting with a client.
Were they on a date? Gusto ba ni Ymar si Tatiana? May nangyari ba sa dalawa sa Taiwan? Iyon ba ang totoong rason ng asawa kaya hindi siya kinakausap nitong mga nakaraang araw? Parang sasabog ang isip niya sa dami ng tanong sa kanyang isip. Na masasaktan lang siya sa sagot sa mga tanong na iyon.
Mapait siyang ngumiti. Was it called cheating when they were just pretending to be married?
Kinakabog ni Czarina ang dibdib habang patuloy na naman ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Masakit na makita si Ymar at Tatiana na magkasama pero mas masakit na malaman na nagsinungaling si Ymar sa kanya para lang makasama si Tatiana.
She hated liars and cheaters. Minsan na siyang pinaikot at niloko kaya ayaw na niyang maranasan iyon.
And here she thought Ymar was going to be different from her ex-boyfriend.
Tumayo siya saka pabalik-balik na naglakad sa sala. Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Pilit niyang pinapatigil ang luha sa kanyang mga pisngi pero hindi niya magawa. A frustrated scream escaped from her lips as she tried to be okay… to feel okay.
“Bakit ang sakit?” She kept on punching her chest where her heart was located. “Mas masakit ito ngayon kaysa noong nalaman kong niloloko ako ni Roy.” Kumuyom ang kanyang kamay. “Gago ang sperm na `yon! Sino ba siya para saktan ako nang ganito, ha?!” Hindi na naman niya mapigilan ang mapasigaw. “Sino ba siya para ganituhin ako?! Wala naman akong ginawang masama sa kanya.” Hindi niya mapigilan ang mapahikbi saka sinuntok na naman ang dibdib. “Sabi na kasi sa `yong huwag mo siyang mahalin, eh. Pero hindi ka nakinig sa `kin…” Mahina siyang humikbi. “`Yan tuloy, nasasaktan tayo…”
Nothing could make the pain go away. Whatever reason Ymar had, the fact still remained that he lied to her.
Sapo ng mga kamay niya ang mukha habang umiiyak nang marinig niyang may kumatok sa pinto ng kanyang bahay.
Mabilis siyang tumalikod sa pinto at tinuyo ang mga luha. “B-bukas `yan.” Nanginginig ang boses niya habang pilit na kinakalma ang sarili.
She couldn’t let anyone see her like this.
Suminghot-singhot si Czarina saka pilit na binubura ang bakas ng pag-iyak sa mukha at humarap sa bisita na pumasok na sa kanyang bahay. Pero walang nakapigil sa mga luha niya na dumaloy ulit nang makitang si Ymar iyon.
Worry creased his forehead. “Czarina…”
Mabilis niyang tinuyo ang mga pisngi saka pilit na pinatapang ang mukha. “Get out…” He didn’t move. “I said get out—!” Namamalisbis na naman ang luha niya. Mabilis niyang tinuyo iyon saka sumigaw. “I said get out! Get out! Get out!”
But he didn’t. He stepped forward.
Humakbang siya paatras kay Ymar. “Get out of my house—”
“No. We need to talk. I need to explain.”
Marahas siyang umiling. “Ayoko… Ayoko nang makipag-usap sa `yo. Ayoko na, Ymar… masakit na masakit na. I hate you.” Patuloy na namamalisbis ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. “I hate you… so much.” Sinuntok-suntok niya ang dibdib. “Masakit na kaya tama na. Ayoko na! Sino ka ba para saktan ako nang ganito? Bakit ang sakit-sakit…” Humikbi siya. “Ang sakit-sakit na… Kung alam ko lang na ganito pala kasakit na magustuhan ka, sana pinigilan ko ang sarili ko… Sana hindi na lang ako nagkagusto sa `yo.” Tinakpan niya ng mga kamay ang mukha para itago ang kanyang mga luha. “Please, make this pain go away. It hurts so much, Ymar… It hurts… It hurts…”
Pilit niyang pinapatigil ang sarili na humagulhol pero hindi niya magawa, hanggang sa naramdaman niyang umikot ang kanyang paningin at muntik na siyang mabuwal sa pagkakatayo.
“Czarina!”
Napahawak siya sa sofa para hindi matumba pero tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin at bumagsak ang katawan niya sa matitipunong bisig ng asawa.
NAPABALIKWAS si Czarina saka mahinang napamura nang maramdamang parang umiikot pa rin ang kanyang paligid. Mahina siyang napadaing saka sinapo ang ulo habang pinipilit ang sarili na bumangon.
She was in her room.
Napasabunot siya sa sariling buhok habang tinatanong ang sarili kung paano siya napunta roon samantalang ang huli niyang naaalala ay nasa sala siya.
Pabagsak siyang nahiga ulit sa kama. Habang nakatitig sa kisame ay unti-unting dumaloy sa isip niya ang nangyari.
Nawalan siya ng malay at bumagsak ang kanyang katawan pero naroon si Ymar para saluhin siya.
Nasapo ni Czarina ang bibig matapos maalala ang kanyang mga sinabi kay Ymar bago pa siya nawalan ng malay. Oh, God! Why did she have to say those things?! Mukha na nga siyang kawawa, mas kinawawa pa niya ang sarili.
She confessed to being in pain in front of him!
Napatigil siya sa pag-iisip nang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok doon si Ymar. Nang magtama ang mga mata nila, ang pusong akala niya ay napagod ay mabilis na naman ang tibok.
Agad siyang nag-iwas ng tingin at mabilis na bumangon. Dahil sa kanyang ginawa ay bahagya siyang gumiwang sa pagkakatayo at agad na dinaluhan siya ni Ymar.
“Huwag mo akong hawakan.” Ipiniksi ni Czarina ang braso niya na hawak nito. “And please leave my house. I don’t want to see you anymore.”
Pero matigas ang ulo ni Ymar. Nanatili ito sa kinatatayuan at ipinakita sa kanya ang isa sa mga pregnancy test na iniwan lang niya sa lababo ng banyo sa kanyang kuwarto.
“I assume that this is yours,” he said with gritted teeth. “Bakit hindi mo sa `kin sinabi?”
Sarkastiko siyang ngumiti. “You left with Tatiana for Taiwan, remember?” Mapakla siyang tumawa. “Tapos nang bumalik ka, parang wala lang. So I assumed, too, that you don’t want to have anything to do with me since you have CF Pharmaceuticals now. I mean… wala na tayong rason para magpanggap.”
“Czarina—”
“Stop.” Her red swollen eyes because of crying stared at Ymar. And her heart was at it again. But this time, she didn’t get swayed. “Just stop, Ymar. Wala akong karapatan, kahit pa sabihin nating asawa mo ako kasi sa papel lang naman `yon. Hindi `yon totoo.” Mapakla siyang natawa nang may luhang namalisbis sa kanyang mga pisngi. Agad niyang tinuyo iyon. “Pero akala ko, hindi ka nagpapanggap. Akala ko, okay tayo, pero dahil lang sa halik na `yon na halos isuka ko, iniwan mo ako. Isinama mo pa si Tatiana at ang sweet-sweet mo pa sa kanya. Hindi ko alam na ganito pala kasakit na magustuhan ka.”
Kinagat ni Czarina ang ibabang labi para hindi siya humikbi. “Pagkatapos ikaw pa itong may ganang mag-demand na mag-usap tayo pagkatapos ng ilang araw na hindi mo ako pinansin.” Dinuro niya si Ymar sa dibdib. “Hindi ako isang laruan na tinapon mo at pupulutin mo kung kailan mo lang gusto. Pero ako naman si tanga,” tumawa siya, “hayun, pumayag na kausapin ka pagkatapos ikakansela mo lang pala kasi may importante kang kliyente na kailangang asikasuhin—”
“Czarina, let me explain—”
“—tapos makikita ko kayong magkasama si Tatiana.” Tumango-tango siya habang umiiyak. “Okay, I get it Ymar. You like her. Pero sana, kung gano’n naman pala, siya na lang ang pinagpanggap mo. Hindi sana ako nasasaktan nang ganito. Masakit pero mas masakit na nagsinungaling ka sa `kin. Mas masakit na ginawa mo akong tanga. Wala kang pinagkaiba sa ex ko na niloko at pinaikot ako.”
“Czarina—”
“And don’t bother with the baby,” sabi niya sa malamig na boses. “Kaya ko siyang palakihing mag-isa. I’m after all the heiress to a million-dollar wealth.”
Pagkasabi niyon ay pumasok siya sa banyo para takasan ang presensiya ng asawa. At doon ay pinagalitan niya ang puso na hindi man lang napapagod na tumibok para dito.
At habang nasa ilalim siya ng malamig na shower, pinakiusapan ni Czarina ang sarili na maging matatag, na huwag nang umiyak lalo na sa harap ni Ymar. Kung hindi nito kayang suklian ang kanyang nararamdaman, dapat tanggapin niya iyon at mag-move on siya.
Pero tang-ina, sperm, bakit ang sakit-sakit?