noveltoon logo noveltoon
Ymar Stroam (Possessive Series 7)

Chapter 7

Ch. 7 / 24 Apr 09, 2022

YMAR groaned while Czarina popped into his mind again. Abala siya sa trabaho, pero tuwing sumasagi sa isip niya ang babae, nawawala ang concentration niya sa ginagawa at napapadaing na lang sa inis.

How can that woman consume his entire being?

Dapat nakinig siya sa sariling babala na isang pagkakamali ang lapitan si Czarina. It was a mistake and he knew it. Pero hindi siya nakinig. Hindi!

Inihilamos niya ang kamay sa mukha saka napatitig sa iba’t ibang kulay ng likido na nasa harap niya. Nasa laboratory siya ngayon ng kanyang opisina at dapat ay nagtatrabaho pero heto, laman ng utak niya ang nangyari sa kanila ni Czarina ilang araw na ang nakakaraan.

After that night, Czarina had been aloof. Halos hindi na niya makita ang babae pero hinayaan niya. Maybe she needed time for herself after what happened to them in her house.

Hinilot ni Ymar ang sentido nang maramdamang nag-react ang nasa gitnang bahagi ng kanyang mga hita nang maglaro sa isip niya ang nangyari nang gabing iyon… kung paano niya sinamba si Czarina at kung paano inangkin nang ilang beses ang babae hanggang sa ang katawan na niya ang sumuko.

And he couldn’t deny the fact that he wanted her again.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka kinuha sa bulsa ng lab gown ang cell phone na kanina pa nag-iingay. Hindi lang niya napansin dahil iba ang laman ng isip niya.

Napabuntong-hininga si Ymar nang makita kung sino ang tumatawag.

It was his mother. Malalim siyang napabuntong-hininga. Not again.

Huminga muna siya nang malalim bago sinagot ang tawag ng ina. “Hello—”

“Ymar, nagawa mo ba ang pinapagawa ko?” mataray na tanong nito na hindi man lang pinatapos ang kanyang sasabihin. “Uuwi na ako riyan sa makalawa.”

Ymar sighed. “Mom, hindi naman gano’n kadali ang ipinapagawa mo. Yes, I have a girlfriend—” he lied flawlessly. “—but to get married? Mommy naman, hindi na ako bata para pangunahan mo. Iba na lang kasi ang hingin mo sa `kin.”

“Of course, it’s easy!” his mother exclaimed. “Madali lang ang pinapagawa ko. If you just let me choose, Tatiana is the best woman for you—”

Mariing naipikit ni Ymar ang mga mata. “Mom, choosing a bride is not like choosing coffee at Starbucks,” sabi niya sa matigas na boses. “At saka, hindi si Tatiana ang tipo kong babae.”

Tatiana was his childhood friend way back in New York. She was pretty but totally not his type. Para kasi itong sasali sa circus kung makapag-makeup.

“Ymar…” Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kanyang ina sa kabilang linya. “We have a deal. Naalala mo? And that deal will end a week from now. You want my company? Then get married this instant.”

Bumuga siya ng hininga. Napipikon na siya sa kanyang ina, pero kailangan pa rin niya itong irespeto sa kadahilanang ang kanyang mommy ang naghirap na ilabas siya sa mundo.

“Mom, hindi pa ako handang magpakasal,” naiinis na sabi niya. “Give me a little time.”

“No. We have a deal,” sabi ng kanyang ina na pinipilit ang gusto tulad ng palagi nitong ginagawa nang nasa States pa siya. “Kung gusto mong mapasakamay ang kompanya ko na alam kung gustong-gusto mo, mag-asawa ka na. I know you want my company to merge with YS Pharmaceutical and that will only happen when you get married in less than a month from now. And i want a grandson. Pronto .”

He blew a loud breath. Tama ang sinabi ng kanyang ina. He wanted CF Pharmaceutical, his mother’s company. Iyon kasi ang kalaban ng YS Pharmaceutical. He needed his mother’s company so he could reign in the medicine business. At mangyayari lang iyon kapag nakahanap siya ng mapapangasawa sa loob ng isang buwan.

Bakit naman kasi `yon pa ang hiningi nitong kapalit?

And that was just so impossible to happen. He wanted to pay someone to be his fiancée or wife. Pero bago siya magbayad, kailangan muna ng training ng babaeng babayaran niya. Mahahalata iyon ng kanyang ina na matang-lawin yata pagdating sa mga ganoong sitwasyon. Bakit naman kasi iyon pa ang hiningi ng ina na kapalit ng kompanya nito? Fuck! Nahihirapan tuloy siya.

And why the fuck did she want a grandson anyway?!

“So, ano? Kaya mo?” mataray na tanong ng kanyang ina sa kabilang linya. “Kapag hindi mo nagawa ang usapan natin, hindi ko ibibigay sa `yo ang CF Pharmaceutical. At kahit mamatay ako, ilalagay ko sa last will ko na hati-hatiin ang stock ng kompanya sa mga investors.” Ilang segundo itong natahimik at nang magsalita ulit ay malumanay na ang boses. “Ginagawa ko lang naman `to kasi gusto kong mag-asawa ka na, dahil lampas treinta na ang edad mo, anak. I want to see you with a wife and a child—”

“Her name is Czarina,” he blurted out to cut his mother off, saka lang niya na-realize ang pangalang lumabas sa kanyang bibig.

Fuck! Why did I just say that? Shit! I’m in a freaking big trouble! Why the hell did he blurt out Czarina’s name in their conversation?

Napasabunot si Ymar sa sariling buhok. Mas pinalala lang niya ang sitwasyon. Oh, fuck! He was doomed!

“Good! I want to meet her and tell her that I want a grandchild. Pronto . I’ll be coming to the Philippines next week. Be ready.” She made a kissing sound. “Bye, Ymar, take care. I love you, son,” sabi nito saka pinutol ang tawag.

Napailing-iling na lang siya sa ugali ng kanyang ina. She was strict and always high-pitched but he knew that his mom cared for him. Sa sobra nga nitong pag-aalala sa kanya ay pati personal niyang buhay ay pinapakialaman.

Ibinalik ni Ymar ang cell phone sa bulsa ng lab gown. He blew a loud breath and squeezed his eyes shut. What to do? What to do? Hindi naman iyon talaga problema. Madali lang naman iyong solusyonan. Kailangan lang niyang kumain ng milyong sakong lakas ng loob para maisakatuparan ang kanyang plano sa CF Pharmaceutical.

NAPATIGIL sa pagkain ng banana chips si Czarina nang marinig na nag-ingay ang doorbell ng bahay niya. Mula sa kusina, nagmamadali siyang naglakad papunta sa sala. Hindi siya sumilip sa bintana para alamin kung sino ang nasa labas. Hindi pa naman masyadong madilim ang kalangitan kaya ayos lang na buksan niya kaagad ang pinto.

“Hi! How may I help—” Napatigil siya sa magiliw na pagtatanong at nawala ang matamis na ngiti sa mga mga labi nang makita si Ymar. May dala itong banana cake, isa sa mga paborito niya. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya nang makabawi.

Hindi siya makatinging nang deretso sa lalaki, para kasing sirang plaka na nagre-reply sa isip niya ang nangyari sa kanila ilang araw na ang nakakaraan.

It was the best night of her life. Pero agad iyong nasira nang maisip na baka nagpapanggap lang din ang lalaki. Wala naman kasi itong dahilan para halikan siya at angkinin. At siya naman si tanga, nagpadarang sa nararamdaman ng kanyang katawan.

“For you,” sabi ni Ymar sabay abot sa kanya ng banana cake.

Napatitig si Czarina sa banana cake saka pinilit ang sarili na tumingin kay Ymar. “Bakit mo `yan sa `kin ibinibigay?” Gusto niyang palakpakan ang sarili nang hindi siya mautal habang nagsasalita. Sa wakas ay natitingnan na niya nang deretso ang lalaki. “Hindi ka na sana nag-abala pa.”

“Czarina—”

“Anyway, you shouldn’t be here.” Ayaw niyang marinig na magsalita o magpaliwanag si Ymar. She might be swayed again. Her heart was easy to get swayed especially when it had something to do with Ymar. “Hindi mo ba nahalata na iniiwasan kita nitong mga nakaraang araw—”

“I need you,” sabi nito sa seryosong boses.

Napatitig siya kay Ymar saka hindi makapaniwalang napatitig dito. “W-what?” She was shocked. “P-pakiulit ng sinabi mo.”

Ymar took a deep breath like he was having difficulty breathing. “Kailangan kita…” Tinitigan siya sa mga mata ng lalaki, nangungusap ang mga mata nito.

Hayun na naman ang puso ni Czarina, mabilis ang tibok habang nakatitig din sa lalaki.

“…kailangan kita para magpanggap na fiancée ko sa harap ng ina ko,” pagtatapos nito sa sasabihin.

Napanganga siya sa gulat. “A-ano?” Para siyang sinampal sa sinabi ni Ymar. Here she thought it was about what happened to them a couple of nights ago. Iba pala ang kailangan nito at sa hindi niya malamang kadahilanan, nakaramdam siya ng iritasyon sa lalaki.

Siya lang ba itong halos mabaliw sa nakalipas na mga araw dahil sa kakaisip ng nangyari sa kanila? Siya lang ba itong panay ang isip sa lalaki? Siya lang ba ang apektado?

“My mom is coming home and she and I have a deal,” paliwanag ni Ymar sa kanya nang manatili siyang tahimik. “Naisip kong magbayad na lang ng babae na magiging fiancée ko na papasa sa panlasa ni Mommy nang bigla kong mabanggit ang pangalan mo sa kanya habang magkausap kami sa cell phone,” paliwanag nito at nawalan ng emosyon ang mukha. “You are my neighbor, you’re a doctor and you’re pretty. Papasa ka kay Mommy.”

“Ano `yon, exam?” mataray na tanong ni Czarina sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit pero nagagalit siya. “At teka nga muna. Bakit mo ba binanggit ang pangalan ko, ha? At ano naman ang makukuha ko kapag naging fiancée mo ako kuno ?”

Kinunutan siya ng noo ni Ymar. “Hindi ba puwedeng tulungan mo lang ako kasi may utang ka pa sa `kin sa halip na magtanong ka ng kung ano-ano? Interest palang ang binayaran mo, `di ba?”

Napaawang ang mga labi ni Czarina, hindi siya makapaniwala sa narinig. “So interest lang pala `yong nangyari sa `tin?”

Mabilis itong napailing. “No… that’s not what I meant and that’s not what I’m talking about. It’s about the book—”

“Kung `yong libro ang pinagpuputok ng butse mo, hintayin mo ako rito.” Isinara ni Czarina ang pinto saka humakbang papunta sa sasakyan niyang nakaparada sa garahe. “Pupunta ako sa National Book store para palitan ang libro na ibinigay mo sa `kin.”

“Czarina!” he called out her name and stopped her by grabbing his arm. “Please, I’m out of time,” pakiusap ni Ymar saka siya tiningnan sa mga mata.

Ayaw niyang tumingin kay Ymar. Because she knew she will get swayed. Hindi niya alam kung bakit ganito siya kalambot pagdating sa lalaki.

Was this because of what happened to them?

“Czarina, please…” Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay saka pinisil. “Alam ko namang iniiwasan mo ako pagkatapos ng nangyari, pero hindi naman kita hahayaang iwasan ako habang-buhay. Binibigyan lang kita ng space kasi alam kung kailangan mo `yon.”

Itinuon niya ang tingin sa lalaki. “I need more space—”

“I can’t give you more space anymore. Darating na si Mommy. I need you, Czarina. Please… ilang araw ka lang naman na magpapanggap, eh. Pag-alis ni Mommy, babalik ulit tayo sa pagiging magkapitbahay.”

Parang may kumurot sa puso niya. Magpapanggap na naman sila, pagkatapos babalik ulit sila sa pagiging magkapitbahay. Why did that make her heart tighten inside her chest?

Nag-iwas siya ng tingin. “Ano’ng gagawin mo kung hindi ako pumayag?”

“Tinulungan kita noong ikaw ang nangangailangan ng tulong ko.” He was talking about saving her from her ex-boyfriend and his current girlfriend. “And if I have to pay you to do so, I will.”

Mapaklang natawa si Czarina nang banggitin ni Ymar ang salitang ‘pay’. Napailing siya saka kumuyom ang kamay. “Binayaran ko na kung ano man ang naitulong mo sa `kin,” malamig ang boses niyang sabi saka walang emosyong tumingin sa lalaki. “Pero, sige, tutulungan kita. And since you’ll pay for my help, I’ll name my price then.”

“I’ll give you whatever you want—”

“I want a child,” sabi niya sa seryosong boses na para bang nakikipagnegosasyon siya sa lalaki. “Kaya mo ba `yong ibigay sa `kin?” panghahamon niya sa binata.

“`Yon lang ang gusto mo?” he asked as his eyes glistened with an emotion she couldn’t name. “Sure. Kailan mo gustong gawin natin?”

Napamulagat si Czarina. “P-payag ka?” Hindi niya inaasahan ang pagpayag ni Ymar. She was expecting that he will flat out reject her.

Gumuhit ang misteryosong ngiti sa mga labi ni Ymar. Nakaramdam siya ng kaunting kaba. “You want a child? Sige, kaya kong ibigay `yon sa `yo. I’m a healthy male and I have good genes. Hindi ka lugi sa `kin. In return, you’ll pretend as my fiancée for days… maybe.”

Napamaang siya kay Ymar. “Ibibigay mo talaga ang gusto ko?”

“Oo. Madali lang naman ang gusto mo,” sabi nito na parang wala lang, na para bang ang gusto lang niyang hingin ay banana cake na mabibili sa kahit saang cake shop.

She wanted a freaking child and he said yes?! She should back out!

Babawiin na sana ni Czarina ang hinihiling ng pumasok sa isip niya ang kanyang mga magulang na gustong-gustong magkaanak na siya. Maibibigay na rin niya sa wakas ang gusto ng kanyang ina at hindi na ipipilit na pumunta siya sa Canada.

Huminga nang malalim si Czarina at naglakad pabalik sa pinto ng bahay niya at binuksan iyon. Kahit hindi niya inimbitahan si Ymar, sumunod na lang ang lalaki at biglang pumasok sa bahay niya.

Czarina dropped herself on the single sofa and looked at Ymar who was looking at her with no expression on his handsome face.

“Sige,” sabi niya pagkatapos huminga nang malalim nang ilang beses. “Payag na ako na magpanggap na fiancée mo nang ilang araw. Pagkatapos gagawin natin ang kapalit ng pagpapanggap ko.” Nag-iwas siya ng tingin. “Pero, kapag nabuntis ako, wala kang pakialam sa bata. Bubuhayin ko siya nang mag-isa at hindi ka niya makikilala bilang ama. Deal?”

“Sure. Okay. Deal,” Ymar said in a strange voice.

She was open-minded and she did believe in love, pero hindi siya naniniwala na may lalaki pang nabubuhay na seryoso at hindi siya lolokohin. She was once fooled by the man she first loved. Ang akala ni Czarina ay may forever sila ni Roy dahil ito ang una niyang boyfriend. She was a lovestruck fool back then. Pero ang hindi niya alam, niloloko na pala siya ng ilang buwan at pinagsasabay sila ni Lyka. Nagmaang-maangan pa ang hinayupak nang tanungin niya tungkol sa panloloko nito sa kanya at Czarina pa ang sinisi dahil wala raw siyang oras para sa lalaki.

She cried a lot of tears over her first boyfriend. At dahil sa sakit na naranasan ng puso niya, sapat na iyon para hindi na siya umulit. Sapat na iyon para hindi siya umasa na may lalaki pang matino ngayon. Ayaw niyang dumating sa punto na magmamahal siya ng lalaki. Ayaw niya. Natatakot na siya. Mga manloloko naman ang mga lalaki. Kaya nga takot siyang mag-asawa. Natatakot siyang maloko na naman sa ikalawang pagkakataon. Siguro nga, nagka-phobia siya sa ginawa sa kanya ng una niyang boyfriend.

Kaya mas makabubuting magpabuntis na lang siya. Okay lang kay Czarina na kahit walang asawa. Dagdag problema lang iyon kapag nagloko na. Okay na sa kanya na anak lang. Sapat na iyon.

“Look, Czarina,” sabi ni Ymar na pumukaw sa kanya. “Kailangang maging perfect ang pagpapanggap natin. Ayokong malaman ni Mommy na nagpapanggap lang tayo. Baka mabulilyaso pa ang mga plano ko.”

Umirap siya. “Puwede ba, Ymar, tigilan mo ako sa perpekto-perpekto na `yan. Alam ko ang gagawin ko. Pang-Oscar ang performance ko kasi may kapalit. Maghintay ka na lang.”

Czarina stood up and went to the kitchen and Ymar followed her. Kumuha siya ng saging sa ref at binalatan iyon saka isinubo at humarap sa lalaki.

“So, ano’ng gagawin nating dalawa para mapaniwala ang mommy mo?” tanong niya habang nginunguya ang saging.

Nakakunot ang noong napatitig si Ymar sa saging na nasa bibig pa rin niya kahit ngumunguya siya.

“Ano ba `yang ginagawa mo?” Mahihimigan ang pagkainis sa boses ni Ymar. “Don’t talk while eating. It’s doesn’t look good. Ano na lang ang sasabihin ni Mommy kapag nakita kang ganyan?”

Nilunok muna ni Czarina ang kinakain bago nagsalita. “Ano ba ang problema mo? Kumakain lang naman ako ng paborito kong prutas.” Tinaasan niya ito ng kilay at mabilis na inubos ang saging. “Hayan. Ubos na. May problema ka pa? Kung mayroon pa, maghanap ka ng ibang babae na magpapanggap na fiancée mo. Gago.”

Nagtagis ang mga bagang ni Ymar. “Hindi ako gago. And for your fucking information, may makukuha ka rin naman sa pagpapanggap na gagawin natin. I’ll donate my sperm, remember?”

Tumiim ang kanyang mga bagang. “Huwag mo akong magamitan ng fucking-fucking na `yan, baka bigla akong makalimot at isaksak ko lahat ng `yan sa `yo,” sabi niya sabay turo sa mga kutsilyo na nakasabit sa harap ng lababo.

Napailing-iling ito saka bumuga ng marahas na hininga. “Hindi ka puwedeng umaktong ganyan sa harap ng mommy ko. She’ll flip. You’re a doctor. Act like one.”

It felt like someone stabbed her heart. Nasaktan si Czarina at nainsulto sa sinabi nito.

“Pagpasensiyahan mo na, Ymar, ha?” Puno ng sarkasmo ang malambing niyang boses. “Ano ba dapat ang iaakto ko sa harap ng mommy mo?” Inilahad niya ang kamay at nagsalita sa pakiming boses. “Hello, I’m Czarina Salem and I’m an ob-gynecologist who loves to eat bananas. And oh, I’m a prim and proper kind of woman.” She snorted and rolled her eyes. “Kung `yan ang gusto mong maging akto ko sa harap ng mommy mo, spare me. Hindi ako ganoon klaseng babae. Maghanap ka ng iba. Malay mo, magustuhan niyang maging robot sa harap ng mommy mo.”

Bumuga ng marahas na hangin si Ymar. “You’re incorrigible.”

Inirapan ito ni Czarina. “FYI, Ymar, ikaw ang nanghihingi ng tulong. Dapat nga pinagtitirik mo ako ng kandila bilang pasasalamat dahil pumayag akong maging sinungaling sa harap ng mommy mo, eh.” Tinarayan niya ang lalaki. “And if you don’t like the way i act, hindi ko na `yon problema.”

Napailing-iling si Ymar sa kanyang sinabi. “Hindi ako puwedeng maghanap ng iba. Nabanggit ko na ang pangalan mo kay Mommy.”

Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko rin `yon problema.”

Malalim na bumuntong-hininga si Ymar. “Fine. Keep your attitude. Basta magpanggap ka lang. Okay na sa `kin `yon.”

“Okay,” walang emosyon niyang sabi. “Whatever.”

Hinilot ni Ymar ang sentido saka tumingin sa kanya. “Good. Now, let’s talk.”

“Talk?” Kinunotan niya ng noo ang lalaki. “Ano namang pag-uusapan natin?”

Ymar gave her an arched look. “We’ll talk about our differences and all that. Hindi puwedeng mabuko tayo ni Mommy. Mabubulilyaso ang lahat. At ayokong mangyari `yon. Masisira ang mga plano ko.”

Czarina crossed her arms over her breast and raised her eyebrow at Ymar. “Bago tayo mag-usap, please enlighten me. Bakit ba kailangan kong magpanggap na fiancée mo? At anong plano ba ang pinagsasasabi mo?”

Ymar’s lips thinned. Mukhang ayaw nitong magkuwento. Hmp! Para namang hahayaan niyang hindi ito magsalita.

“Talk, Ymar,” sabi niya sa seryosong boses. “O haharap ka sa ina mo na walang fiancée sa tabi mo,” pananakot niya sa lalaki.

Bumuga ito ng hangin. “I want my mother’s company to be mine. At mapapasa `kin lang `yon kapag may naipakilala akong fiancée sa kanya.” Nag-iwas ito ng tingin. “Actually, gusto niya ng apo pero ayos lang kung wala. Ang importante ay may fiancée ako. We’ll cross the bridge when we get there.”

Kumuha ulit ng saging sa ref si Czarina dahil naii-stress siya. Kinain niya iyon habang nakaharap kay Ymar. “Sa oras na dumating `yang cross the bridge na `yan, mag-isa ka.”

“Akala ko ba gusto mo ng anak?”

“Oo.” Mabilis siyang tumango. “Gusto.”

“`Yon naman pala, eh. Di sabay tayong tatawid sa tulay.”

Iningusan niya si Ymar. “Ewan ko sa `yo.” Inubos niya ang saging saka mabilis iyong nginuya at nilunok. “Anyway, kailan ang dating ng mommy mo?”

“Sa makalawa.”

Nanlalaki ang mga mata at halos malaglag ang mga panga ni Czarina sa gulat. “Fudge! We need to talk!”

“Sabi ko nga.”

“Shut up, Ymar.”

“No, you shut up, too. Alam mo bang kanina pa ako nagtitimpi sa `yo?” Umiling ito. “No, noong isang araw pa, actually. It pisses me off everytime you avoid me—”

“Ymar, shut up.”

Huminga ito nang malalim saka namaywang. “Okay. I will.”

“Now… Let’s talk.”

Tumingin ito sa kanya saka tumango. “Good idea.”