WALANG imik na nakamasid lang si Czarina habang nasa sala sila at pinipirmahan ni Ymar ang mga papeles na magta-transfer ng CF Pharmaceutical sa pangalan nito. Nakangiti ang ina ng kanyang asawa, ganoon din si Tatiana na pumapalakpak pa.
Masaya ang mga ito para kay Ymar, samantalang siya ay pilit na ngumingiti para sa asawa. Kahit pa nga sinabi ng asawa na huwag niya itong iwan, naroon pa rin ang takot niya sa mga mangyayari sa wala nilang kasiguruhang relasyon.
Siguro sinabi lang iyon ni Ymar para mas maging makatotohanan sa parte niya ang pag-akto bilang asawa nito. She didn’t want to doubt his actions and what he said at the yacht but she couldn’t help it.
She needed words, not just action.
Ngayong nangyari na ang gusto ni Ymar. Ano na ang mangyayari? May dahilan pa ba para manatili silang kasal na dalawa?
Parang may umaararo sa puso ni Czarina habang nakatingin sa masayang mukha ni Ymar habang pumipirma. Nasasaktan siya.
She felt suffocated.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa tabi ni Ymar. “Magpapahangin lang ako sa labas,” paalam niya.
Hindi na hinintay ni Czarina ang sagot ng asawa. Mabilis siyang lumabas sa bahay nito at naglakad-lakad hanggang sa makarating siya sa café na nasa labas lang ng Bachelor’s Village.
Pumasok siya sa loob at um-order ng banana smoothie. Nang makuha ang order ay umupo siya sa nasa gilid na mesa at sinimulang inumin ang order.
“Czarina?” A familiar voice called her name.
Nag-angat siya ng tingin at natigilan nang makita si Roy. Agad na nalukot ang kanyang mukha. Wala na siyang nararamdaman para sa lalaki pero tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng hinayupak, galit pa rin siya rito, lalo na sa ilang beses na panghihiya nito sa kanya.
“Ano’ng kailangan mo?” pagtataray niya. “Kung sasabihin mo na namang sinusundan kita, huwag kang ilusyunado. Hindi ko `yon ginawa noon, lalong hindi ko `yon gagawin ngayon.”
Umupo si Roy sa kaharap niyang upuan kahit hindi naman niya sinabing umupo ito.
“Hindi kita nilapitan para sabihin `yon,” sabi nito saka masuyo siyang tinitigan. “Ang ganda mo kasi, kaya hindi ko napigilan ang sarili kong lapitan ka.”
She snorted. “Yeah, right. Tell that to someone who cares.”
Hinawakan ni Roy ang kanyang kamay. “You’re really beautiful, Czarina. Nagkakalabuan kami ni Lyka ngayon. At alam ko namang may nararamdaman ka pa rin sa `kin kaya bumalik ka na sa `kin, Cza. I really miss you a lot.”
Hindi makapaniwalang inagaw niya ang kamay na hawak nito. “Gago ka ba?” Pinakita ni Czarina ang daliri niyang may singsing. “May asawa na ako kaya tigilan mo ako.”
“Oh, come on, Czarina.” Nginitian siya ni Roy habang kampanteng-kampante na nakikipag-usap sa kanya. “I know how much you love me. At nasisiguro kong mas mahal mo ako kaysa sa asawa mo.”
Tumikwas ang kaliwang kilay niya. “Kapal din ng mukha mo, `no? Mas importante sa `yo ang asawa ko. Sino ka ba?”
“Ako lang naman ang lalaking minahal mo ng dalawang taon.” Tumaas ang sulok ng labi ni Roy. “Gusto mo bang patunayan ko ang mga sinasabi ko?”
Humigpit ang hawak ni Czarina sa kanyang smoothie. “Gago. Hindi ko kailangan ng patunay. Alam ko sa sarili ko na wala ka nang halaga sa `kin—”
Napatigil siya sa pagsasalita at hindi nakagalaw sa kinauupuan nang dumukwang si Roy palapit sa kanya saka siya hinalikan sa gilid ng mga labi.
Ang namimilog niyang mga mata ay tumalim at akmang sasampalin ang walanghiya nang may humawak sa kuwelyo nito at itinulak pasubsob sa sahig.
Napasinghap si Czarina at mabilis na hinanap ang may kagagawan niyon. She froze when she saw Ymar. Madilim ang mukha nito, matalim ang kislap ng mga mata at nagtatagis ang mga bagang habang mahigpit na nakakuyom ang kamay.
“Who do you think you are to kiss my Czarina?” Ymar asked between his gritted teeth. “Who gave you the right to kiss my wife?!”
Bago pa makasagot si Roy ay inatake na ito ni Ymar at pinagsusuntok. Malakas ang bawat suntok na pinapakawalan ng asawa at nakikita niyang tumatama sa mukha ni Roy iyon. Hindi makalaban ang ex-boyfriend niya dahil bugbog-sarado na ito.
“Ymar!” Pinigilan ni Czarina ang kamay nitong nakaangat at handa nang manakit. “Tama na `yan…” Pilit niyang hinihila palayo kay Roy ang asawa. “Tama na `yan. Baka mapatay mo siya, ano ba!”
“She’s mine.” Ymar threw another punch on Roy’s chest. “And mine.” A punch on Roy’s face. “And mine alone! Isiksik mo `yan sa isip mo!”
“Ymar, stop it!” Sa damit na siya nakahawak at hinihila palayo ang asawa. “You’ll kill him…”
“Talagang papatayin kita kapag lumapit ka pa sa asawa ko!” Dinuro ni Ymar si Roy na sinusubukang tumayo pero palaging bumabagsak sa sahig. “Wala kang karapatan na hawakan o halikan ang asawa ko! Sa susunod na makita kitang malapit sa asawa ko, hindi ako mangingiming baliin ang mga buto mo!”
Mahigpit na hinawakan siya ni Ymar sa kamay saka hinila palabas ng café. Madilim na madilim ang mukha nito at gumagalaw ang mga panga sa sobrang galit.
Nang makapasok sila sa Bachelor’s Village ay doon lang pinakawalan ng asawa ang kamay niya saka walang emosyon ang mga matang humarap sa kanya.
“I’m leaving for Taiwan today,” imporma nito na parang wala lang.
“That’s so sudden—”
“I need to clear my mind.” Tumiim ang mga bagang nito. “May aasikasuhin lang ako ro’n.” Napakalamig ng boses nito.
“Ymar—”
“Don’t try to explain.” He looked at her coldly. “Nakasara ngayon ang isip ko sa mga paliwanag mo. I saw what I saw, Czarina. Hinayaan mo ang lalaking `yon na halikan ka at kahit ilang beses na sabihin ko sa sarili ko na iiwas ka at nauna lang ako, nagseselos pa rin ako.”
“But it’s not what you think—”
“Fuck what I think.” Napakalamig ng pakikipag-usap nito sa kanya. “Galit pa rin ako at hindi `yon basta-basta mabubura dahil lang sa paliwanag mo.” Kumuyom ang kamay nito. “And while I’m away, try not to let other men kiss you in public. Baka makita ni Mommy, mabulilyaso pa ang lahat.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran siya ni Ymar at naglakad palayo sa kanya.
Naiwang nakatingin sa papalayong bulto ng asawa si Czarina habang nanunubig ang mga mata.
Hindi man lang siya pinagpaliwanag. It was not like she wanted that kiss! She was repulsed by it!
Mabilis siyang nagbaba ng tingin nang mahulog ang ilang butil ng luha sa kanyang pisngi.
She couldn’t let this happen to her! Hindi niya hahayaang umalis si Ymar nang hindi sila nagkakaayos. Magpapaliwanag siya kay Ymar. Kailangan marinig nito ang totoong nangyari kahit pa hindi nito tanggapin iyon sa ngayon.
Mabilis siyang tumakbo pahabol sa asawa niya, pero nasa hagdan pa lang ng bahay ay napatigil siya. She saw Tatiana and Ymar. She could hear their conversation. Masayang nag-uusap ang dalawa tungkol sa Taiwan.
And then Ymar offered to carry Tatiana’s bag. Parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya sa isiping magkasama ang dalawa sa Taiwan.
Nanunubig ang kanyang mga matang humakbang siya paatras at nagtago sa gilid ng malaking halaman at doon walang ingay na umiyak hanggang sa makalabas sina Tatiana at Ymar sa bahay. And when they were gone, Czarina forced herself to move and leave Ymar’s house. Bumalik siya sa bahay niya at doon ipinagpatuloy ang kanyang pag-iyak.
NAMUMUGTO ang mga mata ni Czarina nang pumasok siya kinabukasan sa clinic. Pilit niyang itinatago ang pangingitim ng ilalim ng mga mata gamit ang concealer. Hindi siya nakatulog nang maayos at paminsan-minsan ay hindi napipigilan ang sarili na umiyak.
Madaling-araw na siyang nakatulog at nang magising ay bigla na lang namalisbis ang luha nang makita ang bahay ni Ymar.
She was not really good in dealing with a heartbreak. Kaya ayaw niyang nasasaktan kasi napakadali niyang masaktan at napakadaling tumulo ng kanyang luha.
Pero kahit masama ang pakiramdam ay pinilit ni Czarina ang sarili na magtrabaho. She needed to work to divert her mind away from Ymar and Tatiana.
Nang sumapit ang uwian, mabigat ang pakiramdam niya habang naglalakad palabas ng clinic. She felt so down and lifeless. She shouldn’t feel this way but she couldn’t help it.
She was brokenhearted. She was depressed.
Good God, help me survive this. Kaya ko `to.
Natigilan si Czarina nang makakita ng Lexus na nakaparada sa harap ng clinic niya. Her heart pounded excitedly inside her chest. Her breathing was ragged in nervousness.
Ymar. Ymar was here! He didn’t leave her!
Nagmamadali siyang lumapit sa sasakyan at muntik nang madapa sa pagmamadali. Her heartbeat quickened when she saw a man step out of the car.
Lalong bumilis ang bawat hakbang niya.
“Ymar—” Hindi na natapos ni Czarina ang sasabihin dahil napansin agad niyang hindi si Ymar ang nagmamay-ari ng sasakyan.
Para siyang lobo na nawalan ng hangin nang ma-realize na hindi si Ymar ang lalaki kundi si Roy.
Anger bubbled inside her.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” galit ang boses na tanong niya. “Ano na naman ang kailangan mo sa `kin?!”
Itinuro ni Roy ang mukha na tadtad ng pasa. “Go on a date with me, or else, I will sue your husband—”
“Fuck you!” galit na singhal ni Czarina sa hinayupak saka nagmamadaling sumakay sa kotse niya at pinaharurot iyon paalis.
Nang makarating sa Bachelor’s Village ay dumeretso si Czarina sa sarili niyang bahay. Wala namang dahilan para doon pa siya matulog sa bahay ni Ymar.
Pumasok siya sa kabahayan at isinara ang pinto. Bumuntong-hininga siya saka naglakad papunta sa kanyang kuwarto. Wala siyang ganang kumain. Ang gusto lang niya ay matulog.
Pero habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame ay bigla na lang dumaloy ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
Mapait siyang ngumiti. “Kailan ba mawawala ang sakit na `to…” Tinampal-tampal niya ang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. “Ang sakit-sakit… Ang sakit…”
Pinikit ni Czarina ang mga mata saka pilit na inaalis si Ymar at Tatiana sa isip na ngayon ay magkasama sa Taiwan pero hindi niya magawa. Natagpuan na lang niya ang sarili na walang imik na umiiyak at yakap ang sarili.
CZARINA forced herself to get up from bed. It had been days since Ymar left. Kahit mabigat ang kanyang pakiramdam, kahit nahihilo at nasusuka ay pinilit niyang bumangon at bumaba sa kusina. Magluluto sana siya ng agahan nang makitang wala palang laman ang ref niya ng pagkain.
Ilang araw din siyang wala sa sariling bahay. At nang makabalik naman ay sa labas siya kumakain dahil tinatamad siyang magluto.
Ngayon lang ginustong kumain ng sariling lutong agahan si Czarina pero wala naman siyang lulutin.
Bagsak ang mga balikat na lumabas siya ng bahay at tinatamad na sumakay sa kotse at naghanap ng grocery store na malapit sa subdivision at bukas na sa mga oras na iyon.
Nang makahanap ng grocery ay agad na ipinarada ni Czarina ang sasakyan sa labas niyon. Pagkapasok sa establisimyento ay kumuha siya ng pushcart at itinulak iyon papunta sa kanyang mga bibilhin.
Canned goods. Bananas. Meat. Bacon. Eggs. Sodas.
Nang fresh milk na ang ilalagay sa cart ay napasimangot si Czarina nang makitang nasa itaas na shelf iyon nakalagay. Mukhang wala nang stock na nasa ibaba na madaling maabot.
She tiptoed and reached for the box of fresh milk. Nang hindi niya maabot ay tatawag na sana siya ng tutulong sa kanya nang may kumuha niyon para sa kanya.
Natigilan si Czarina nang tingnan kung sino ang nag-abot ng gatas.
It was Ymar’s friend, Lath Coleman. Ang lalaking nag-deliver ng banana smoothie sa kanyang clinic.
“Thank you,” sabi niya na may pilit na ngiti sa mga labi.
Lath smiled. “No problem.” Biglang kumunot ang noo nito. “Why are you buying groceries alone? Hindi ka ba sinamahan ni Ymar?”
Umiling siya. “Nope. He’s in Taiwan,” pagdadahilan niya.
Kumunot ang noo ni Lath sa kanyang sinabi. “Pero kasabay ko siyang umuwi kahapon galing Taiwan,” he said then shrugged. “Baka busy.”
Kahapon pa ito umuwi? “S-siguro.”
Her heart twisted in pain. Talagang wala nang pakialam sa kanya si Ymar at ayaw na siyang makita ng asawa? Dahil lang sa halik na iyon na hindi naman niya ginusto?
O baka naman dahilan lang iyon ni Ymar para magkasama na ito at si Tatiana.
Natigilan si Czarina sa pag-iisip nang makitang mataman siyang tinititigan ni Lath na para bang binabasa ang kanyang saloobin.
“What?” she inquired.
“Nothing. Ahm, can we take a picture?” tanong nito na nagpakunot sa kanyang noo.
“Ahm, sure?” nagtatakang sagot niya.
Lath fetched a very expensive phone from his pocket. Nakita na niya sa market ang cell phone nito at talagang mamahalin iyon. Pagkatapos ay inakbayan siya ni Lath saka itinutok ang front camera ng cell phone sa kanilang dalawa.
“Smile!” Lath grinned.
Czarina smiled at the camera, and then she heard a click.
“Thanks.” Ibinalik ni Lath ang cell phone sa bulsa. “Ahm, I have to go. May gagawin pa kasi ako, eh.” Lath smiled at her again before leaving.
Itinulak niya ang pushcart papunta sa counter para bayaran ang kanyang mga pinamili habang nasa isip pa rin ang sinabi ni Lath na nakauwi na si Ymar kahapon pa.