noveltoon logo noveltoon
Ymar Stroam (Possessive Series 7)

Chapter 23

Ch. 23 / 24 Apr 09, 2022

IT WAS December thirty-first. Czarina and Ymar were in the hospital. Naghihintay silang manganak si Czarina. Ngayon na kasi ang due date niya.

Relaxed na relaxed naman siya habang palakad-lakad sa hallway ng ospital. Due na niya ngayong araw at hanggang kaya pa ang sakit ay maglalakad-lakad siya dahil iyon ang bilin ng ob-gyn niya.

“Banana! Stop walking!” Ymar hissed at her.

Inirapan lang niya ang asawang may pagka-OA. “Puwede ba, Ymar, manahimik ka riyan baka matadyakan kita kapag nainis ako sa `yo,” banta niya.

Kanina pa siya pinapaupo ni Ymar samantalang ayaw naman niyang umupo. Isa pa, tatamaan na ito sa kanya.

“Czarina, please, upo ka na. Baka bigla na lang lumabas si baby kapag patuloy kang naglakad-lakad diyan.”

Inirapan niya si Ymar at hindi na nagsalita. Gustong-gusto ni Ymar na magpa-ultrasound siya para malaman ang gender ng anak nila, pero ayaw niya.

Pero ang totoo, sekreto siyang nagpa-ultrasound sa kaibigan niyang doktor na si Dra. Singzon. She had twins, at hindi iyon alam ng OA niyang asawa. Gusto niyang matawa. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Ymar kapag lumabas na ang mga baby nila? She would love to see that.

“Czarina—”

“Heh! Tumahimik ka riyan. Nagko-concentrate ako.”

“Anong nagko-concentrate?”

“Nagko-concentrate sa paglalakad. Huwag kang maingay diyan, masisipa na talaga kita.”

Czarina kept on walking back and forth. Nararamdaman na niyang nananakit na ang kanyang tiyan. The pain was becoming unbearable every passing minute.

Sinapo ni Czarina ang tiyan saka tumigil sa paglalakad. Tumingin siya sa orasan. It was eleven-fifty PM, mukhang New Year siya manganganak. Ang galing naman. Nakakatuwa.

Czarina resumed walking.

“Czarina, umupo ka nga rito,” pangungulit pa rin ni Ymar.

Itinirik niya ang mga mata. “Ikaw na sperm ka, manahimik ka riyan. Nananakit na ang tiyan ko. Kasalanan mo `to.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Ymar. “Kasalanan ko? Czarina, may i remind you, ginusto nating dalawa na mabuntis ka.”

“Heh! Isa kang nakakainis na sperm!” singhal niya sa asawa na may pag-aalala sa mukha.

“Please, Czarina. Umupo ka na.”

At dahil masakit na ang kanyang balakang, napilitan siyang umupo.

At the same time, her butt touched the chair, something came out from her womanhood. Nang tingnan niya ang mga hita ay napasinghap siya. Her water just broke! Manganganak na siya!

“Holy heavens!” Ymar shouted in panic. “Oh, my God. Hell! Ano’ng gagawin natin? Ano’ng gagawin ko?”

Sa halip na mag-panic katulad ng nangyayari sa asawa ay tumayo si Czarina at ininda ang sakit na nararamdaman. Alam niyang nasa labas lang ng labor room si Dra. Singzon kaya pinatawag niya ang doktor sa nurse na naroon.

“Czarina—”

“Don’t touch me!” pigil niya sa kanyang asawa na akmang bubuhatin siya. “Okay lang ako. Kunin mo na ang mga gamit ni baby at ihanda mo. Ako na ang bahala sa sarili ko. Kaya ko `to.”

“No!” balik sigaw ni Ymar sa kanya, nanatili lang sa tabi niya hanggang sa ma-transfer siya sa delivery room.

“Aray! Sperm ka, Ymar! Isa kang sperm! Ang sakit-sakit na! Letse ka! Sperm ka!” sigaw ni Czarina habang humihilab ang kanyang tiyan.

Bumaon ang kuko niya sa balikat ni Ymar nang makaramdam ng nakakawalang malay na sakit. Naroon ito sa tabi niya at nagpapasalamat na hinayaan ng doktor at hospital administration na pasamahin si Ymar sa kanya sa loob.

“Ymar! Ang sakit! Kasalanan mo `tong sperm ka! Bakit mo ako binuntis?”

Ymar looked at her with pure innocence. “Czarina, ikaw ang humiling sa `kin na buntisin ka. At saka after this pain, lalabas na si baby—”

“Sperm ka—Aray! Ymar! Papatayin kita `pag nakalabas ako rito! I swear!”

“Let me handle this,” sabi ng boses ni Dra. Singzon. “Ihanda mo na lang ang gamit ng baby.”

Ymar’s face was pale. “O-okay.” Ibinalik nito ang atensiyon sa kanya. “I love you.” He pressed his lips on hers and then he left the delivery room.

Mariing napapikit si Czarina nang may sumigid na nakakawalang-malay na sakit sa kanyang tiyan.

“Manganganak na yata ako, Doktora,” nakangiwi sabi niya.

“Sige, umire ka.”

Kumuyom ang kamay niya saka ibinuhos ang lahat ng lakas sa pag-ire.

HINDI mapakali si Ymar habang nasa loob ng delivery room si Czarina. Shit! So iyon pala ang nararamdaman ni Calyx habang nanganganak ang asawa nitong si Etheyl noon? Pinagtatawanan niya ang kaibigan. Now i know that it’s not funny.

Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Tatayo siya at uupo mayamaya. He couldn’t stay still. Nanunuyo ang kanyang lalamunan sa bawat minutong lumilipas. Nanginginig ang kamay niya at nanlalamig ang buo niyang katawan.

Inihilamos ni Ymar ang mga kamay sa mukha.

“Oh, God. Please, huwag mong pahirapan si Czarina,” nagmamakaawa niyang dasal. “Please…”

Nag-angat siya ng tingin sa orasan. It’s already past midnight. January one na.

Sa kabila ng kabang nararamdaman ay nagawa pang tumawa nang mahina ni Ymar. January one ang magiging birthday ng panganay niyang anak. What a nice way to welcome the New Year.

It will be a very lucky year.

Para siyang napaso sa kinauupuan na tumayo nang makitang lumabas si Dra. Singzon sa delivery room.

“Doktora!” Mabilis siyang lumapit sa doktor. “Kumusta ang asawa at anak ko?”

Dra. Singzon smiled. “It was an uncanny birth.”

“What do you mean by uncanny?” Ano ang kakaiba sa panganganak ni Czarina. Was it because it was New Year?

“Well,” Dra. Singzon chuckled. “The baby boy came out at exactly eleven fifty-nine PM.”

Baby boy? So it was Ymaz then.

Gustong-gusto niya ng anak na babae, but God gave him a boy. He was happy. Kahit na hindi babae. Masaya pa rin siya. Sa wakas, isa na siyang ganap na daddy. At sapat na iyon para lukubin ng kasayahan ang buo niyang pagkata—

“And his twin, the baby girl, came out at twelve o-one AM.”

“Wait—What?!” Namilog ang mga mata ni Ymar at halos mahulog ang kanyang panga. “Pakiulit, Doktora.” He wanted to hear it again.

Dra. Singzon smiled. “Kambal ang anak ninyo ni Czarina. Your eldest is a boy, born on December thirty-one. And the younger twin was born on January one. Ang galing, `di ba? Kambal sila pero magkaiba ang taon ng kapanganakan nila.”

Ymar just gaped. Unmoving. Speechless. Stunned.

“Mr. Stroam?” pukaw nito sa kanya.

Napakurap-kurap siya. “Ha?”

“Ita-transfer na ang asawa mo sa kuwarto niya,” pukaw ng boses ng doktora.

Napakurap-kurap si Ymar saka itinikom ang nakangangang bibig. “Okay.”

Nakatayo lang siya habang wini-wheel in papunta sa private room ang kanyang asawa.

Twins.

Ymaz and Ymarina. Oh, God.

He couldn’t explain the happiness he was feeling at that moment. He was happy. Very happy.

It all started from pretending. And look at them now. His family was now complete. He had a very loving and quirky wife and their newborn twins.

Life couldn’t get any better than this.